Maybe it's Joaquin's last gift for me.
The day he walked out of my life, Tricia and Clarice walked in. At first I was doubtful with them because who knows of their real intention befriending me. Pero sa huli'y nagpadala nalang ako sa agos at kalauna'y pinapasok ko na sila sa buhay ko.
Remembering it now feels like an old forgotten memory. Halos nakalimutan ko na may parte pala sa buhay ko na may Joaquin Hidalgo.
Sometimes we bumped into each other at school. And every time that happens, laging siya ang unang umiiwas ng tingin o tumatalikod. It was as if we have become a total stranger. At those rare times, bigla kong maiisip kung ano nga ba ang rason niya. I still wonder but I am not that curious anymore.
"Ginawang escort daw iyong si Murillo sa klase nila! Tapos may usap-usapan na baka siya ang ilalaban ng batch nila sa Mr. And Ms. Nutrition!" kilig na kilig na pagbabalita ni Tricia sa amin.
"Talaga?! E iyong si Stefan?" ani naman ni Clarice.
Naiiling nalang ako sa kanilang dalawa. It's been two weeks since the classes started but they are still on it. Hindi na gaanong appealing sa kanilang dalawa ang mga type nilang grade seven last year kaya ngayon iba na naman.
Isn't it inappropriate for a grade nine student to be simping over some good-looking grade seven students? It's like an eagle preying over some chicks.
Hindi ko naman sila masisisi because even I like beautiful things, living and non-living.
"Sinong mas gusto mo sa kanilang dalawa, Kila?" biglang tanong sa akin ni Tricia.
"Hmm," inalala ko ang mga mukha no'ng mga binanggit nilang estudyante. "Iyong nasa first section."
I don't know who's who kaya iyon nalang ang pinili kong sabihin.
"Hmp! Palibhasa gusto niyo kasi iyong mga mapuputla." si Tricia.
I sneered on her remark. Maybe. Maybe it's because of that.
Napatingin ko sa paligid nang may ngiti pa rin sa labi. It's funny how two years ago, I am outcast in this section. Kung hindi ako nilapitan at kinausap ni Tricia noon, baka nanatili akong gano'n hanggang sa matapos ang school year. Because she began hanging out with me that's why our other classmates began to loosen up and started interacting with me.
"Maganda ka kasi. Tapos mukha pang suplada." It was Tricia's words two years ago when I asked her why is everyone treating me like an outcast.
"Ah! Dahil rin pala may gusto sayo si Kyle tapos ka-close mo si Joaquin! Some of our classmates have crushes on them, you know."
My lips twitched.
"E ikaw? Why are you befriending me just now?"
Bigla siyang namula. "Nahihiya kasi ako sa 'yo… Totoo, promise!"
Whatever her reason is, it doesn't matter to me anymore.
I pick up the book on Clarice's desk. It's a new book. Wala pang bakas ng pagbuklat kaya tingin ko'y bagong bili. She just love reading romance novels. Dahilan upang ma-obsess ako sa pagbabasa ng mga libro tungkol sa pag-ibig noong grade seven kami.
Thank God I got over it. I still read every now and then pero hindi na kasing lala dati.
"Ay, nakuha mo na daw ba iyong ibinilin sa 'yo ni Julien?" biglang baling sa akin ni Clarice.
I place the book back on its original place.
"Iyong master list ng Maritime?"
She shrug. "Kailangan na daw para sa official statistics."
I purse my lips. For some reason, this year, I got nominated as the class public relations officer. Wala namang ibang nominado maliban sa akin kaya automatic na ako ang naging P.R.O. And that position was like the class president's P.A.
Inirapan ko silang dalawa. Kasalanan nila ito, e!
"I'll be back," I sigh as I get up on my seat.
Sa labas ay nagkalat ang mga estudyante ng batch namin. There's a sudden emergency meeting in our faculty. Hindi ko alam kung tungkol saan pero tingin ko'y aabutin ng mga dalawang oras.
Ngumiti ako ng kaunti sa mga estudyanteng pumagilid nang makita akong padaan. May mga naglakas-loob sa kanilang batiin ako. Ngiti lang ang naging sagot ko dahil hindi ko naman alam ang mga pangalan nila. But some faces are kind of familiar to me.
Pagkatapak sa landing ng second floor, tumigil muna ako upang habulin ang hininga. Sa reflective window ng AVR sa harap ay nakita ko ang aking repleksyon. Over the past years, there's nothing much changes on my appearance. Siguro'y mas tumangkad lang ako at mas nadepina ang mga features ng mukha ko.
I'm still that someone who can give an impression of a snob at a first sight.
"Hi," I greeted the student standing on the doorway of their classroom. Mula sa kaniyang cellphone ay tamad niya akong tinapunan ng tingin.
"Si Mary?" dugtong ko.
He look over his shoulders and called out Mary's name in a dead tone. Ibinalik na niya ang atensyon sa cellphone. He seems to be on game. Tipid akong ngumiti at pinili nalang pumagilid. I waited patiently, ang isang kamay ay nasa bulsa.
"Akila?" a voice called.
Agad kong nilingon ang nagsalita. Nang makitang si Mary ay agad akong napangiti. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagbaling ng ulo sa amin no'ng lalaki sa may doorway. He look grim before turning around, leaving us alone.
"Na finalize na ba iyong master list ng section niyo?" ani ko pagkaalis no'ng lalaki.
I know his name but I refuse to call him by his name. After all, he's nothing but a rude to me. Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong ginawa sa kaniya upang tratuhin niya ako ng gano'n. Maybe there are just some people who don't like us even if we have done nothing to them.
"Master list? Ah, oo! Teka, kunin ko sa desk ni Sir."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa classroom nila. Iiwas ko na sana ang tingin nang may nakita akong pamilyar na mukha. Nakatingin siya sa akin kanina pero siguro nang makitang pabaling ako sa direksyon niya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
Joaquin is acting strange today. Sa ibang araw naman mas pipiliin pa niyang magka-stiff neck kaysa ang tumingin sa direksyon ko.
"Heto, Akila." Mary hand over a piece of paper.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang listahan. "Nabawasan na naman kayo?"
Kung tama ang alaala ko, their number is greater than us. Ngayon halos parehas na ng bilang ang mga section namin.
"Oo. Lumipat na sa regular section si Voltaire. Iyong iba, nag-transfer sa ibang school," nagkibit-balikat siya.
Tumango-tango ako. "Okay na 'to. This isn't the original copy, no?"
Umiling siya. "Photo copy."
Ngumiti ako. Magpapaalam na sana ako nang mahagip ng mata ko ang pagliko ni Alaric Kaiden papunta dito sa direksyon, kung saan ang classroom nila.
Like an instinct, I cleared my throat and moisten my lips. Pigil ko ang paghinga hanggang sa nakalapit na siya sa amin.
"Oh, Kai…" Mary called his attention dahilan upang tumigil siya exactly sa tabi ko. "Tapos na kayong mag-usap ni Sir? Anong sabi?" dagdag niya.
The little distance is making my heart beat faster than normal. I took a glimpse of my face on the faint reflection of myself on their room's glass window. The studded barrette is still in place.
"Nothing much," he shortly reply.
At the corner of my eyes, I saw him glancing at me. Hindi na ako umasa na makakita ng reaksyon sa mukha niya. After all, I'm not even sure if he knows my name. Saka it's not like there's a need for him to know me. I'm not even worth of his attention.
He's the Alaric Kaiden Gomez after all.
"Ay, hindi nabanggit iyong competition sa NCR?"
Nakuha ni Mary ang attention ko. Anong competition?
"That," he paused. "…is between us." Then he excused himself.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa kaniyang upuan. Lumipat ang tingin ko sa nakaupo sa tabi niya. Nabigla ako nang makita si Kyle na nakatingin sa akin. He smile a bit before taking his eyes off me.
Awkward akong ngumiti. Tumingin nalang ulit ako kay Mary.
Never once Kyle treated me badly. Kung hindi iignorahin ay ngingitian naman niya ako tuwing magkakasalubong kami o magkikita sa school. But I prefer it more if he just choose to ignore me. His smile rather meant to be a sad one or awkwardness.
Until now nagsisisi pa rin ako sa nasabi. Because I think my words back then really affected him. He's no longer that effeminate Kyle from two years ago.
"Tingin ko hindi na naman tatanggapin ni Kaiden iyong offer na sumali siya sa competition. It's like he doesn't feel the need of validation to his works. Kung sabagay, magaling nga naman."
"Anong competition?" tanong ko naman.
"I don't exactly know the details. All I know is it's a nationwide art competition. At malaki ang premyo!"
Sa narinig ay napasulyap muli ako kay Alaric--err, Kaiden. This time there's an earpods on his ears and he's now holding a book.
It wasn't until last year that I learn some things about him. For someone who's quite popular in school, he still try to keep a low profile.
"Baka hindi interesado…" I mumbled. Tinagpo ko ang mata ni Mary. "Gotta go, M. Salamat dito," ipinakita ko ang papel.
Tumango siya at ngumiti. "Ingat, Akila."
Ngumisi ako saka ginalaw na ang mga paa para sa pag-alis. Pinanuod ko muna siyang pumasok sa classroom nila bago umalis. The stair was right next to their classroom but I choose to take the one at the other end of the corridor. Gaya sa baba ay may mga nagkalat ding estudyante sa corridor ng second floor.
"Hi, Akila…" someone unfamiliar greeted me again.
Alanganin akong ngumiti. How he knew my name was a mystery to me. Ganoon na rin sa iba pa. I managed to keep a low profile for the past years. Kung paano nila ako nakilala, wala na akong ideya.
Bumagal ang lakad ko nang nasa gitna na. My eyes narrowed at a group of students leaning on the railings. Nakahilera sila doon, tila nagkakatuwaan base sa mga ngiti sa kanilang mukha at malakas na pagtawa. Nagtagal ang tingin ko sa pinakamatangkad.
He's the transferree.
If I remember it right, I think his name is Mavin Jaranillo
Nakilala ko agad siya dahil na rin laman siya ng usap-usapan simula noong unang linggo ng pagsisimula ng klase. I can say he's quite popular. I'm not sure if it's because of his good looks or because of his family name. Rumor says he's related to the most popular political clan of the province.
Naalerto ako nang gumalaw ang ulo niya at tila titingin sa direksyon ko. I swiftly averted my gaze and look ahead of me. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtitig niya sa akin.
"Oy," my eyes automatically move towards the man who spoke. "Ikaw pala, Akila!"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang nagsalita. "Oh, hi…"
I wonder why Voltaire transferred to a regular section. Did he have a sudden change of heart?
Sinulyapan niya ang pinanggalingan ko bago muling nagsalita. "Galing kang Marine?"
"Yeah," I showed him the paper on my hand.
"Patingin?"
I willingly hand him over the master list. Agad niyang tinignan ang laman ng papel. His other companions peek on it, too.
"Ayos! Akala ko ako lang ang nawala sa listahan," aniya matapos suyurin ang papel.
"Akala mo naman kawalan ka," natatawang saad noong kasama niya.
"Gago! May sinabi ba ako?"
I purse my lips to contain my grin. Nakatayo lang ako doon at pinapanuod silang magpalitan ng mga salita. Natigil lamang sila nang may biglang sumigaw, sinasabing paakyat na ang mga teacher.
"Akila, oh, salamat," nagmamadaling ibinalik niya sa akin ang papel.
I guess the meeting's done. Pumihit na ako. Pero bago ako tumalikod ay nakita ko pa ang pagsulyap sa akin no'ng transferee bago tuluyang pumasok sa classroom nila.