Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 16

The Weapon

Tila walang naganap ay natapos ang rankings sa araw na iyon. It takes three days before the rankings are over. Ngayong araw ay hindi naitawag ang aking pangalan kaya siguro ay bukas pa maipapamalas ang aking kapangyarihan. Harith was also done and his level is 65, he's the rank 4. Hindi pa din natawag si Hailey and Shawn. Cleiford was the same level with Celestine and also his rank.

Hindi ko na nasubaybayan pa kung sino pa ang ibang estudyanteng nagpamalas sa araw na iyon ngunit ang masasabi ko lamang ay sobrang nakakapagod kahit na nanonood ka lang naman.

Pagkatapos ng rankings ay umalis agad si Shawn at Zach. Hailey ask me to join her in the library pero tinanggihan ko iyon. I told her that I will visit Viv kung kumusta ang ranking niya. She pouted at first tila hindi gusto ang natanggap na sagot pero kalaunan ay tumango nalang din. Umalis na silang dalawa ni Celestine dahil magpapahinga pa din ang isang prinsesa.

Paalis na sana ako sa arena ng lumapit si Harith sa akin. Napataas naman ang kilay ko dahil doon.

"Your weapon, after dinner." Saad nito at tuluyan ng umalis. Is he expecting me to skip again? After dinner? May curfew ang dorms!

Pero teka nga, don't you remember that you skip the school too last time Laurine? Gumamit kapa ng kumot ah.

Napalabi nalang ako sa aking naisip at tuluyan ng umalis doon. Agad akong pumanhik papunta sa clinic. Some of the bed are occupied at may ibang medyo busy din. I didn't saw any teachers here at baka tapos na din ang kanilang rankings.

Agad akong pukunta sa kung saan ang pwesto ni Viv kanina. She was busy writing something in her notebook that she didn't notice me. May nakahiga din sa bed kung saan may ginagamot siya.

"Hey," I called her attention.

"Oh there you are!" Nakangiting saad niya at nilagay na sa table ang notebook pagkatapos ay tinuloy na ang pagliligpit.

"How was the rankings?" She asked.

"It feeds my curiousty well," she chuckled at my response.

"Is the ranks are same as before?" Tanong niya.

"I don't know, siguro sa iba? Zach remained the rank 1 and also Celestine."

Tumango lamang ito at hinila na ako paalis sa clinic.

"Kayo? How was your rankings?"

"Oh it was fine. Mabuti nga walang masyadong injured eh, its not that hectic. And I think I did good." She confidently said na ikinatawa ko na lamang.

After going to the dorms para magbihis ay pumanhik kami agad sa dining hall. Some of the students are already there ngunit sa tingin koy nagpapahinga din ang iba. I saw Harith silently eating to their table with Shawn, Celestine and Hailey. Zach is not around even Cleiford.

Harith glanced at me kaya tinaasan ko ito ng kilay. Napasimangot tuloy ang prinsepe dahil sa aking ginawa at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Hindi din kalaunan ay bumalik na kami sa dorm. I didn't leave my room ng hindi pumatak sa alas otso ang orasan. Napahinga ako ng malalim at agad nagbihis sa mas komportableng damit. I even look for the cloak that Harith gave me last time. Hindi ko pwedeng suotin ang pula kung cloak at baka may makakilala dun. I get the old brownish cloak that he gave me and wear it. Napasimangot na naman ako ulit ng napansin ang kumot. Kailangan ko atang bumili ng lubid kung sakali. Kung sana magagamit ko ang aking kapangyarihan, there is no need for this.

I immediately went to the balcony making sure no one was saw me. Nang natapak ko na ang aking paa sa lupa ay agad akung tumakbo para tumungo sa garden. The whole academy was silent so I assume everyone was in their dorms. Napaisip tuloy ako kung may mga estudyante bang lumalabag sa curfew?

I didn't saw Harith in the garden, kahit sa may fountain ay wala ito. Niloloko ba ako ng mahal na prinsepe? Oh baka nauna na itong umalis? But then maybe hindi talaga siya sumipot?

My forehead creased because of that thought. Is it possible? Oh damn you Euphidela.

Nagtago ako sa isang puno ng may naramdamang presensya na paparating. Napakagat ako sa aking labi. Damn, baka mahuli pa ako nito. The queen will going to kill me. I'm sorry Mother.

"Dito papunta diba?" One of the Knights said. Damn, nakita ba nila ako?

"Oo, nakita kung dito papunta." Saad naman ng isa.

"Sige libutin mo pa ang paligid. Ano ba kasing ginagawa ng mga estudyante at gumagala sa gabi? Nakikipagkita sa iniibig?"

My face painted with disgust nang narinig ko iyon. Iniibig?!

Nang naramdaman ang papalapit na anino ng isang Knights ay umupo na ako ng tuluyan sa puno. Shit, panira talaga ang prinsepe na ito!

"Meron ba dyan?" Tanong ng isa sa malayo. I feel that the Knight that was near me is looking at the surroundings.

"Wala naman, baka namamalik mata ka lang?" Tanong din ng isa. Pinipigilan ko ang aking hininga hanggang sa tuluyang umalis ang isang Knight na lumapit sa banda ko.

"Sasabihin ba natin to kay Headmaster?"

"Huwag na siguro. Wala naman tayong ebidensya? Baka tanggalin pa tayo sa trabaho."

Nag-uusap pa ang dalawa ng ilang segundo bago napag desisyonang umalis. Agad naman akong napahinga ng maluwag dahil doon. Tumayo na ako at tinanggal ang mga dahon sa cloak.

"Laurine," bulong sa kaliwang bahagi ko kaya agad akong napaatras at hinanda ang sarili sa sino mang taong maaaring magtangka sa buhay ko.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ang pamilyar na mukha. He smiled widely at me na agad kung ikinasimangot.

"What the hell Prince Harith?!" I hissed. Agad naman itong tumawa at itinaas ang dalawang kamay tila sumusuko.

"My bad, nagulat ka ba? Muntik na kasi akong makita ng mga Knights." Saad nito na natatawa pa. Anong nakakatawa?! Kapag nalaman ng mga Knights na nandito kami tas ireport sa headmaster. Fuck! Ano nalang iisipin nila na nakikipagkita ako sa prinsepe ng Earth Kingdom?!

Na siya ang aking iniibig?! I groaned because of that thought.

"Tara na nga, naiinis ako." Saad ko at nauna nang maglakad papunta sa fountain. The prince immediately follow me na parang wala lang nangyari.

I opened the portal this time. Nakita ko pa ang ngisi sa labi ni Harith tila isang ama na proud na proud sa kanyang anak. Napailing nalang ako at nauna ng tumalon doon.

Agad kaming nakarating sa town. Kagaya noong pumunta ako dito sa gabi ay maraming tao parin ang nagkakalat kahit na may nangyaring kababalaghan dito noong nakaraan.

Nauna na akung maglakad sa prinsepe patungo sa blacksmith. Nandoon pa din ang matandang lalaki at may hinuhulmang isang weapon gamit ang isang bakal.

"Magandang gabi po," maligayang bati ni Harith na ikinasimangot ko. Bakit ba ang saya niya ngayon.

Napalingon sa amin ang matanda, kumunot ang kanyang noo at lumapit.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong nito at pinunasan muna ang mga kamay.

"Kukunin ko na po sana yung weapon ko na iniwan ko nung nakaraan? Hindi ko po kasi nabalikan kaagad." Saad ko dito. Napatingin ang matandang lalaki sa akin. He squint his eyes trying to recognize my face at agad rumihistro ang pagkakilala sa kanyang mata at tumango. Umalis ito at pumasok sa isa pang tolda at may kinuha. Bumalik ito bitbit ang isang tela at inilagay sa aking harapan.

"Ayan na ang iyong sandata binibini."

I bit my lips before holding the cloth. Agad ko itong binuksan at nanlaki ang aking mata sa nakita.

"Oh wow," kumento ni Harith sa aking tabi.

Mas lalong nagliliwanang sa tulis ang aking sandata. The design of the handle was still the same but it has a gems in it, more in blue and yellowish stones. Ang nagpapamangha sa akin ay ang green na bato na hugis diamond malapit sa tulis nito. The stone was lock with the gold linings.

"That's an emerald stone. After observing you're weapon naalala ko kung sino ang gumawa. Isang pinakamagaling na blacksmith sa Eminent lalo na dahil sa kanyang kakaibang desinyo."

Nanlaki ang aking mata ng narinig ang Eminent. Agad akung napalingon kay Harith na nakikinig. His forehead creased na mas lalong nagpapakaba sa akin.

"Hindi ko alam kung sino kayo pero nasisiguro kung kayo ay mga taong nasa matataas, lalo na't hindi makakapagawa ang isang ordinaryong tao ng ganitong sandata. Ang blacksmith na iyon ay nagsisilbi sa mga matataas na tao sa Eminent."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa matanda. Gusto kong patahimikin na lamang ito dahil sa mga sinasabi niya. Bakit hindi ko iyon naisip?!

"A-Ah," tumawa ako ng pilit. "Ito'y isang regalo ng aking ama. Siguro ay pinapagawa niya ito sa Eminent, ngayon alam ko na." Sabi ko at natatawa pa.

The old man nodded at me tila siya'y naniniwala sa aking sinabi but I don't think the prince beside me will believe that but he didn't ask me anything yet. Sana mananatili ka nalang manahimik Prince Harith.

Kinuha ko na ito at nagpasalamat. Tumango lamang ang matandang lalaki at nagpaalam na. Bitbit ang tela ay umalis na kami doon.

"Hindi ko alam na ganoon pala kayaman ang mga Willsons," komento ni Harith nang umalis na kami doon. Napakagat ako sa aking labi dahil sa kanyang sinabi.

"Ah, yes. I didn't mean to brag but my family is quite well off." Saad ko na lamang para matahimik ito. Kahit ang totoo'y hindi ko alam kung tunay ba na talagang mayaman ang apleyidong dala ko? Dapat pala'y nagresearch ako eh! Ayan tuloy hindi ako makapaghanda sa mga ganito.

Paano kung mabubuking ako? Ideya mo naman ito Laurine kaya panindigan mo.

"Hmmm," saad na lamang ng prinsepe at hindi na ako pinansin.

Naglalakad lang kami sa katahimikan. Sumusunod lamang ako sa mahal na prinsepe. Hindi na siya nagsalita and that is unusual. Madalas kasi ay madaldal talaga ito kaya hindi ko alam kung bakit ito tahimik.

Napahinto kami ni Harith ng may taong tumili. Nagkatinginan kami sandali bago tumakbo papunta doon. A wild boar that was posses with a demon power brings chaos in the town. Agad sinummon ni Harith ang kanyang weapon.

The boar shriek and tried to attack a civilian kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo ng mabilis at niyakap ang babae paalis doon. I rolled in the ground yakap ang babae. I was panting and groaned ng tumama ang katawan ko sa isang bato.

Agad akung napatingin sa halimaw at nakitang kinakalaban na ito ng prinsepe.

"Salamat," sambit ng babae kaya napatingin ako dito.

"Walang ano man." Saad ko at umalis na doon. I make a stance and summon my weapon na naiwan ko. Agad itong lumipad papunta sa akin. I glared at the wild boar at agad sumugod dito. Dahil ang pansin nito ay naka'y Harith kaya hindi nito napansin ang sandata kung tumusok sa kanyang tiyan.

The wild boar shriek in pain and immediately went after me. I jump and went to the opposite side at umatake ulit dito. The boar roared again and with its intent eyes that was ready to kill me. Ngunit hindi ko iyon hahayaan, mapapatay muna ako ng reyna pag nagkataon.

Agad akung sumugod dito at tumalon na papunta sa kanyang katawan. It roared in anger ngunit hindi ko na ito hinayaan pa, agad kung tinusok ang kanyang ulo ng aking sandata. The wild boar roared in pain kaya tinusok ko naman ang isa ko pang sword sa ulo nito.

After the long agony and pain it immediately vanish into the thin air. Napayuko ako sa lupa habang humihingal. I saw my sword laying on the ground. Kinuha ko ang isa ngunit napansin ang paa na naglalakad papunta sa akin. Kukunin ko pa sana ang isa kung sandata ngunit ang paang nakaapak sa aking sandata ay hindi ako pinapahintulutan.

I glanced up towards the person who owns the foot. I saw the prince of the Earth kingdom with his eyebrows furrowed in curiousity while looking at me.

"Who are you?" Tanong nito na agad nagpakaba sa aking puso.