Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 19

The Mission

Huminga ako ng malalim bago ko hinarap ang pinto. I shake my right hand a little before touching the door knob. Shit, I'm so fucking nervous right now. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung tungo sa mga royalties na nasa loob.

"What are you doing?" Malamig na saad sa isang nilalang na nasa aking likuran. Bumaling ako dito at nakita ang kunot noo ng prinsepe ng apoy habang tinitignan ako.

"Oh!" Agad akung napabitaw sa door knob at hilaw na ngumiti sa kanya.

"G-Good morning Zach!" Hilaw na ngisi ko habang binabati siya. Shit, si Zach pa nga lang to para na akong maiihi. He skeptically eyed me for a moment tila hinuhulaan kung ano ang aking ginagawa.

"That was first." Komento niya na ikinakunot ng aking noo. Anong ibig niyang sabihin? Nakita niya sigurong nagtataka ako sa kanyang sinabi kaya nagsalita ito ulit.

"Greeting me, stupid." Napasimangot ako agad ng narinig na naman ang tawag niya sa akin. I glared at the fire prince in front of me pero hindi niya ako pinansin. Lumapit ito sa akin bigla na agad kung ikina-atras.

"W-What the hell?" Gulat na tanong ko. The prince just face me, void with emotions. Habang ramdam ko naman ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Mahal na prinsepe! Mawalang galang pero ang lapit niyo po!

The fire prince just raised his right brow before ignoring me. Siya na ang bumukas sa pinto at tuluyan ng pumasok sa opisina ng headmaster. Naestatwa pa ako sa labas ng ilang segundo dahil pinoproseso pa ng aking utak kung ano ang nangyari.

Napabuntong-hininga na lamang ako at binuksan na din ang pinto para sumunod sa prinsepe. Unti-unti kung isinara ang pinto habang ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. All of the royalties look at me at ramdam na ramdam ko iyon.

I saw Hailey and Celestine sitting on the long sofa. While Harith is lazily sit on the single sofa habang kaharap sina Hailey. Sa tabi naman nito ay umupo si Cleiford. Nasa likuran naman nina Hailey at Celestine si Shawn kasama si Zach na walang pakialam sa nangyari.

"Omg! Laurine! Come here!" Si Hailey ang unang bumasag sa katahimikan habang pinapalapit niya ako sa upuan. Pinilit ko ang sariling humakbang papalapit hanggang sa tuluyan na akong tumabi kay Hailey.

Mr. Eliote cleared his throat before talking, "As you can see, for this mission may bago kayong makakasama, its Laurine Willson and-" naputol ang pagsasalita ni Mr. Eliote ng bigla nalang bumukas ang pintuan.

"Hello! Sorry, I'm late!" Hinihingal na sabi ng babae. My eyes widen when I saw the familiar face of my roommate.

"And Miss Vivien Naveda," patuloy ni Mr. Eliote. Agad namula ang pisngi ng aking kaibigan ng inilibot niya ang kanyang tingin. Her stares stop at me at agad itong nanlaki.

"Miss Naveda, please take a seat beside Miss Willson." Saad ng headmaster kaya unti unting lumapit si Viviene sa amin. Ng tuluyan na siyang nakalapit ay hinyaan ko siyang umupo sa aking tabi.

"Kanina ka pa dito?" Bulong niya sa akin.

"Kakadating ko lang din galing kay Miss Bethany." She nodded.

"Ano bang meron?"

I shake my head trying to tell her na wala din akong alam kahit ang totoo ay meron na akong idea.

"I think all of you is complete now." Panimula ni Mr. Eliote at may kinuha na mga folder doon. Ibinigay niya kay Viviene ang mga iyon kaya ipinasa naman ng aking kaibigan sa akin. Ipinasa ko na din iyon kay Hailey at nagpasa-pasahan na kami sa loob hanggang nagsalita ulit si Mr. Eliote.

"You have another special mission. There's an incident happened in the souteast part, specifically in the Village of Menthrata. May nagsasabing may demon doon na ginugulo ang bayan at kung hindi naiibigay ng mga tao ang gusto nito ay kinakain ang kanilang enerhiya o kinakain sila ng buhay."

Napangiwi ako sa aking narinig habang tinignan ang mga litrato doon sa loob. Nandoon ang mga detalye pang impormasyon tungkol sa nasabing insidente. Nakalagay din doon ang mga taong namatay na dahil sa pangyayari.

"Walang town's Knight ang pumunta doon?" Tanong ni Clieford na nakakunot ang noo.

"Meron, pero may mga town's knight ang nasawi dahil doon. The authorities is asking for our help, kaya bukas ng umaga ay lilisan na kayo. Pack all the things that are needed. I'll gave you three days to finish the mission." Saad ni headmaster na ikinanganga ko. Three days?! Matatapos ba namin iyon sa loob ng tatlong araw?!

"How about the travel time headmaster?" Nakapout na tanong ni Hailey. Oo nga! Babyahe pa kami baka umabot iyon ng isa at kalahating araw omyghad!

"4 days then, make sure you are finish after 4 days." Saad nito na may pinal sa kanyang tono.

Nananatili kaming tuod habang nakikinig ni Viv doon. I'm glad that she's part of this mission dahil may makakasama ako, pero natatakot din ako para sa kanya. I guess this is her first time?

Natatakot din naman ako para sa sarili ko pero hindi ko hinayaang kainin ako ng takot.

Tumayo si Cleiford at nag bow kay Mr. Eliote hudyat na aalis na ito. Sumunod sa kanya si Shawn while Zach immediately went out hindi na hinihintay ang iba. Pagod na tumayo si Harith at tumingin sa amin, bahagya pang tumigil ang titig niya sa akin ng ilang sandali bago ako binigyan ng tipid na ngiti. Nagulat ako dahil doon ngunit ngumiti din ako pabalik sa kanya.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kung hindi naman pala galit sa akin ang prinsepe. Buti nga at hindi siya nagalit sa mga pinagsasabi ko noong nagkausap kami.

Napabaling ako kay Hailey nang kinalabit niya ako.

"Tara sa training room!" Masayang saad nito. Tumayo na ako at hinablot na din si Viviene. Nagpaalam na kami kay Headmaster at tuluyan ng lumabas. Naabotan namin sa labas na naghihintay si Harith habang ang ibang prinsepe ay wala na doon.

"Saan kayo?" Tanong ni Harith sa amin.

"Sa training room lang, maghanda." Sagot ng kanyang kakambal. Bumaling si Harith sa akin saglit bago ibinalik ang tingin sa kanyang kapatid.

"Pwede sumali?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Hailey habang napatitig sa kanyang kakambal.

"Nope, girls only." Harith scowled and his forehead furrowed.

"Bakit ba? Sasali lang naman."

"Ayoko nga, isturbo ka sa bonding namin."

"Akala ko ba maghahanda kayo?"

"Kaya nga! Isturbo ka. Shooo!"

Walang nagawa si Harith ng tuluyan siyang pinagtabuyan ng kanyang kakambal. Celestine smirk while Viviene hide her shy smile. Nananatiling walang emosyon ang aking mukha habang tinitignan sila.

"Let's go!" Masayang saad ni Hailey at iginiya na kami patungo sa training room.

"Akala ko ba sa training room tayo?" Naguguluhang tanong ni Viv ng nakitang hindi kami dumaan papunta sa training room na nakasanayan namin.

"Ah! We're going to the training room that is exclusive for the students like us." Saad ni Celestine.

Sumunod lang kami ni Viv sa dalawang prinsesa. Dumaan muna kami sa Hall of fame kung saan makikita ang mga natatanging pangalan ng mga nakakataas at mga magigiting na Alodynes sa Austreville.

Napabaling ako sa pinakamataas na bahagi kung saan nakasulat ang pamilyar na pangalan.

Laurence Merthanius Isaac Barette Grandeur VI

King of Eminent Kingdom

Sa tabi naman nito nakasulat ang pangalan ng aking ina.

Chrysocilla Ailene Dalmatian Grandeur

Queen of Eminent Kingdom

Hindi ko namalayan na naiwan pala ako ng grupo ng bumalik si Celestine at napatingin na din sa aking tinitignan.

"Isa sa mga tinitingalang Hari at Reyna sa Austreville. Kung hindi dahil sa kanilang pamumunuan ay matagal ng sira ang mundong ito." Seryosong saad nito habang nakatitig sa dalawang pangalan na nakaukit doon. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon.

I'm so proud of my parents, truly powerful rulers of the realm. Not only that, but they are also loving and caring parents that I have. How I miss them so much.

Umalis na kami ni Celestine doon at pumasok na. Nakita kung nasa tabi ni Hailey si Viv kung saan namamanghang nakatingin ito sa mga potions doon.

"We have a stock of potions here, especially for missions. Pero nakamomitor iyon palagi," saad ni Celestine at lumapit na sa dalawa.

"Omyghad! Is this what I think it is?" Namamanghang tanong ng kaibigan habang nakatitig sa hawak na potion.

"Yes it is." Nangingising sagot ni Hailey. Hindi ko alam kung ano ang kanilang mga pinag-uusapan pero ang alam ko'y tungkol lang iyon sa mga potions.

Napabaling ako kay Celestine ng lumapit ito sa mga weapons. Hinayaan ko lamang ito sandali bago tinignan ang kabuoan ng training room. Hindi ito parehas sa nakasanayan, medyo maliit ito pero tama lamang para sa lima hanggang sampung tao na magti-training. The walls are pure concrete painted in gray. At the corner are a bunch of weapons hanging in a stand and above the tables. Sa tabi naman doon ay ang mga potions kung nasaan ang aking kaibigan.

Lumapit na ako sa kanila at napatingin sa iba't ibang kulay ng potions doon. Mayroon ding pot para sa paggawa ng potion pero wala akong nakikitang mga ingredients.

"Wala ka bang dadalhin na gamit Laurine?" Tanong ni Hailey kaya napabaling ako sa kanya. I really don't have any backgrounds kung anong mga maaring gagawin tuwing may misyon kaya hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin.

"You can pick some handy weapons or potions na maari mong gamitin. The magic pen will write them down in the logbook." Turo niya sa isang libro na nasa tabi nito. I eyed the pen with feathers laying lazily on the book covers.

"And here is the bag, diyan mo nalang ilagay." Agad kung tinggap ang binigay niya na bag at lumapit na sa mga weapons. I already have my double long swords kaya hindi ko alam kung saan ko gagamitin ang iba.

Napatingin ako sa mga matutulis na dagger doon. Even though I like swords but I'm always fascinated with daggers. Kinuha ko ang isa doon at tinignan nang mabuti iyon, ordinaryong dagger lang ito na madalas ginagamit ng mga knights. Kinuha ko ang tatlo doon at nilagay sa bag. Pumunta na din ako sa mga potions at nagtitignan doon.

"Gusto mo?" Tanong ni Viv na may malaking ngiti sa labi. Kanina pa siya nagtatambay sa mga potions. May bitbit na din itong bag and I bet puro potions iyon.

Napatingin ako sa kulay asul na nagliliwanag na potion at napatingin sa pangalan na nakasulat doon.

Invisibility Potion

Kinuha ko ito at nilagay na din sa bag. Kumuha ako ng dalawang healing potion at nilagay na din sa loob.

"Yan lang kukunin mo?" Tanong ulit ni Viv.

"Yep," saad ko lamang habang nakatitig sa mga gamit na nasa loob ng bag. Napabaling ulit ako sa mesa ng mga potions at nag-iisip kung kukuha pa ba o hindi.

"Oh! I almost forgot, hanggang anim lang na bagay ang pwede niyong dalhin kapag nasa mission." natatawang saad ni Hailey at nakatingin sa bag ni Viv na sa tingin koy napupuno na ng potions. Agad namula ang pisngi ng aking kaibigan dahil doon.

"I'm sorry," nakayukong saad nito at dali daling kinuha ang ibang potion para ilagay pabalik. Napangisi na din ako sa kanya na sinuklian niya lang nang masamang tingin.

Hindi din naman kami nagtagal doon. After getting the things that are needed ay umalis na kami sa training room. Hailey told us to take a rest at maaga kaming aalis bukas. Umalis na kami doon ni Viviene at pumunta sa aming kwarto.

"What should we wear tomorrow aby the way?" tanong ng kaibigan ko.

Napaisip pa ako ng ilang sandali bago sumagot, "Normal clothes Viv, comfortable one, baka mapapasabak tayo sa daan."

She nodded at me at pumasok na sa kanyang kwarto. Hindi na din ako nagtagaal doon at pumasok na. Inilagay ko sa aking kama ang bitbit na bag kung nasaan ang mga gagamitin para sa mission. Napansin ko ang isang malaking kahon kung saan may nakapatong na card sa ibabaw. Kinuha ko iyon at agad binasa.

These are your clothes your highness, hope you will like them! - Miss Bethany

Napatitig ako sa kulay brown na kahon at binuksan iyon, unang bumungad ang kulay asul na kulay ng damit. Kinuha ko ito galing sa kahon at napagtantong isang dress iyon, a plain baby blue dress that has ruffles at the hem. Napatingin pa ako sa ibang mga damit doon, most of it is a dress in different style and colors. It also contained some comfortable trousers in dark colors. May dalawang jacket at mga shirt nalang ang aking nakikita. It also had a two combat shoes, three flat sandals, two white shoes, and two heels.

Magaling pumili si Miss Bethany ng mga damit at nagustuhan ko ang lahat nang iyon. Agad ko na itong inayos sa aking cabinet kung nasaan ang iba kung mga damit. Nandoon pa din ang iba kung mararangyang damit pero hindi ko na iyon pinansin. I'm starting to get comfortable with the simple dresses and shirts that I wore. Kinuha ko na ang isang backpack doon at kumuha ng damit para sa mission, napabaling din ako sa tatlong cloak sa loob, kinuha ko ang itim at pinasok na sa loob ngunit napahinto din.Should I bring my red one?

Kinuha ko ang isang kahon na nasa ilalim ng aking kama at nakita ang paborito kung cloak kasama ang maskara. Nandoon din sa kahon ang libro na nakuha ko galing sa town. Kinuha ko ang mga iyon at pinasok na sa bag. Wala naman sigurong makakapansin sa cloak ko diba?

Napailing nalang ako at tinapos na ang pagliligpit, handa na para harapin ang mga pangyayari bukas. Sana walang masamang mangyari, sana nga.