Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 20

The Mission 2

Nagising ako dahil sa isang katok habang tinawag ni Viviene ang aking pangalan. Agad na akung bumangon para maghanda sa aming paglalakbay. Suot ang comportableng puting t-shirt at combat pants humarap ako sa salamin para tignan ang sarili. Sinuot ko na din ang combat boots na binili ni Miss Bethany sa akin. I get the black cloak and wear them as I tied my hair in a ponytail. Huling tingin sa sarili bago isinuot ang aking salamin. I heaved a deep sigh and get my bag.

It was 4 in the morning and aalis kami sa ganitong oras, hula ko para hindi mapansin ng mga estudyante o kaya ayaw lang talaga ng mga royalties na magsasayang ng oras. Saktong paglabas ko ay lumabas na din si Viv nakasuot sa kanyang cloack at nakababa ang buhok. Tumango ito sa akin sandali bago nauna nang naglakad paalis, sinundan ko lamang siya at tuluyan na kaming umalis sa dorm.

The sky was still dark and the only light that was guiding us was the lamps in the hallway. They told us to went to the headmasters office first kaya doon ang punta namin. Nang nasa harap na kami ay pumasok na kami ni Viv, some of the royalties are already there pero hindi ko pa nakikita si Shawn at Zach.

"They're coming, may importanting kinuha lang. To the backdoor," Saad ni Master Eliote at agad tumayo ang mga royalties para sundan siya sa pintuan sa likod ng kanyang opisina. Naguguluhan man ay sumunod lamang ako kasabay ni Viv na alam kung tinatantiya kung anong nangyayari.

Binuksan ni Headmaster ang pintuan at bumungad ang mas madilim na paligid ngunit umilaw agad ang mga torch sa loob ng umapak ang paa ni Headmaster sa loob. My eyes widen when I saw a bunch of doors in the room and purple lights are creeping in the door lines. Nalaglag ang aking panga habang nakatingin sa paligid na namamangha at the same time ay naguguluhan kung ano ang mga iyon. The purple mist was creating an eerie feeling inside the room but at the same time it was amazing and magical.

"Portals, headmaster's power." Bulong ni Cleiford sa aking tabi. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang prinsipe. Cleiford was tall, siguro kasing tangkad ni Shawn. He has a white strand of hair and a light blue eyes indicating that he's a sky prince.

Huminto si head master sa isang pinto kaya napahinto kaming lahat. Nananatili lamang ang mata ko sa harap kung saan nakatayo si Headmaster. Some footsteps illuminate the quite room kaya napabaling ako sa aking likuran kung saan naglalakad ang dalawang naiwang prinsepe. Dahil nasa likuran ako, ramdam na ramdam ko ang kanilang presensya lalo na ang prinsepe ng apoy nang tumayo ito sa tabi ko while Shawn went to Harith's side.

Bumaling ako kay Zach sandali at pinagmasdam ang kanyang kabuuan. Nakasuot na din ito ng kanyang cloack at may backpack na din ito sa kanyang likuran. His face was void with any emotions. I leaned forward towards him and tried to whisper out of curiosity, "Saan kayo galing?" Kunot noong tanong ko.

Bumaling ito sa akin sandali at tumitig. Dahil sa gulat ng kanyang paglingon ay napaatras ako, medyo nawalan ako ng balanse. Nanlaki ang aking mata ng naramdamang akma na akong matutumba nang agad naramdaman na hinawakan nito ang aking braso.

Sa nanlalaki kung mata ay nagkatinginan kami ni Zach na may kunot-noong nakatitig sa akin. Agad kung naramdaman ang biglang pag-init ng aking mga pisngi habang nakatitig sa akin ang prinsepe. Sa hindi ko malamang dahilan ay nahihiya ako sa kanyang mga titig gayung alam ko naman na maayos ang mukha ko bago ako lumabas sa kwarto. What the hell Laurine? What's wrong with you? Pero agad din namang unti-unting nawawala ang kahihiyang iyon nang nakita ulit ang nakakunot na noo ng prinsepe ng apoy. Ayan na naman ang mukha niya, nagsusuplado na naman.

I cleared my throat at umayos na ng tayo pagkatapos niya akong iniligtas sa kahihiyang iyon. I shyly retrieved my arms from him at inayos ang sarili trying to avoid his stares.

"Salamat," bulong ko at hindi na siya binalingan dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko sa oras na iyon na hindi ko maintindihan lalo na ang mga paru-parung nagsisiliparan sa aking tiyan. Kay aga-aga Laurine! Gumising ka nga!

"I'm not really surprised to know that you're not only stupid but also a clumsy one."

Ang kakaibang nararamdaman ay tuluyang nabura ng parang bula at napalitan ng inis at galit. I glared at him as I gritted my teeth. Hindi ko na lang ito pinansin at mas lumapit ng bahagya kung nasaan si Cleiford.

A tingling sound illuminates the room again so I glance back towards Mr. Eliote and saw purple particles circling around him as he wave his hand while facing the endless darkness behind the door after opening it. Ilang segundong pumalibot sa kanyang katawan iyon bago bumuo ng bulang enerhiya sa kanyang kamay at itinapon sa loob ng kwarto. A beam of light blinded me for a second ngunit agad din iyong napalitan ng dim light of purple kung saan ang buong kwartong dating kadiliman ay napalitan ng liwanag galing sa kapangyarihan ng headmaster.

"It will not take you to Menthrata, but it will definitely bring you closer than traveling with horses." Saad nito bago bumaling sa aming lahat.

"Four days," huling saad niya bago tumango si Celestine at unang pumasok. Napakurap kurap pa ako ng tuluyan itong kinain ng liwanag. Sunod na pumasok ay si Shawn habang nasa likod niya si Harith while holding Hailey's right hand. Kitang kita ko pa ang antok sa mata ni Hailey at ang nakasimangot na mukha nito habang naghihintay, nang tuluyan na silang nakapasok ay sumunod na si Cleiford at Viv.

"Come on," saad ni Zach at naunang maglakad sa akin papunta sa portal. I followed him and immediately stop behind him. Walang pagdadalawang isip na pumasok si Zach doon at tuluyan ng nawala habang nananatili naman ang aking mata sa harap.

"You'll be fine, your highness." Saad ni Master Eliote na siyang naiiwan sa silid na iyon. I heave a deep sigh as I let my right footstep enter inside the portal until the lights completely eat my vision.

Napapikit ako sa sobrang liwanag na iyon at ramdam na ramdam ko ang enerhiyang bumalot sa aking buong katawan ngunit nananatiling matigas ang aking inaapakan, hindi kagaya ng mga portals na aking nakasanayan.

"Where are we again?" Rinig kung tanong ni Shawn.

"South's border," sagot naman ni Celestine. Binuksan ko ang aking mga mata at napatingin sa aking mga kasama sa harapan na tila walang nangyari habang pinoproseso ko pa ang paligid. All I can see is a bunch of tress and grass, hindi ko alam kung nasaan kami pero sa aking narinig galing sa kasama ay nasa border kami ng south.

"The village is not that far from here, lalo na meron na tayo sa border. Kalahating araw lang ay mararating na natin ang bayan." Saad naman ni Harith.

"Let's go, don't waste time." Supladong saad ni Zach at nauna ng maglakad. Sumunod lamang si Cleiford sa kanya pati si Shawn. The sun is barely up now pero nagsimula na kaming maglakad, nauuna si Zach kasama si Shawn tas nasa tabi nito si Celestine na may bitbit na mapa.

"You know what, I'm hungry." Bulong ni Hailey na sumabay na sa amin ni Viv.

"Didn't you bring some food?" Kunot noong tanong ko. We have already packed some bread and a bottle of water.

"Mamaya na baka wala ng pagkain para sa akin mamaya kapag kumain ako." saad ng prinsesa. Napanguso na lang ako sa kaisipang magkambal nga talaga si Harith at Hailey. Parehas silang may side nang pagka-childish minsan.

Tumitirik na ang araw at mas maliwanag na ang aming paligid. Mas kitang kita na ang mga kahoy sa magkabilang gilid at ang mga ligaw na damo at bulaklak habang naglalakad. Paminsan minsan ay may mga hayop akong nakikita pero wala namang umaatake sa amin, sa ngayon.

Minsan lang ako naglalakbay sa ganitong klase ng lugar, puno ng mga puno at kakaibang anyo ng mga pananim na may mga kasama. Kung ikokompara ko kasi sa madalas na pag-alis ko sa palasyo ay patago naman iyon, oras naman ang kalaban ko doon. Ngayon, malaya akong makaalis at may mga kasama pang mga malalakas na mga kasama. Sa mga oras na iyon ay ramdam ko lang ang excitement na dala sa kaisipang ito ang unang mission na aking gagawin at excited akong malaman kung ano ang mga maaaring mangyari.

"There's a trading market two kilometers away from us." Sabad ni Celestine.

"Let's take a rest there and probably try to get some pieces of information," ani naman ni Shawn.

Tinanguhan lamang namin ang mga ito at nagpatuloy sa aming paglalakad. Hawak hawak ko ang kamay ni Viviene habang naglalakad kami habang nasa kabilang gilid ko naman si Hailey na nakabusangot, nagrereklamo na gustong huminto at magpahinga ngunit hindi niya naman isinatinig sa lahat. Sa amin lang siya nagrereklamo. Natatakot siguro siya sa iba lalo na't seryosong seryoso ang mga kasamahan namin na nauna sa paglalakad.

"Bakit hindi daw natulungan ng mga town's knights ang village na ito Harith?" Tanong ni Clieford sa prinsepe. Naalala ko na parang parte ito sa kanilang nasasakupan pero hindi ako sigurado.

"Malayo ang village na ito sa kaharian namin. Mas lalo namang malayo sa kaharian nina Celestine. Its always in between, minsan lang din ata matunugan ng palasyo ang problema dito kasi nga malayo." Saad ni Harith.

"Kung hindi nakayanan ng mga town's knight na pigilan ang problema at humingi ang awtoridad sa atin ng tulong, siguro nga malakas ang demon power na pumapalibot sa village na iyan." Segunda naman ni Hailey.

Napaisip tuloy ako sa maaaring mangyari. Malakas? Dalawang beses lang ako naka engkwentro ng mayroong demon power. Isa sa school garden at pangalawa noong magkasama kami ni Harith. Sa tantiya ko malakas nayong wild boar na nakalaban ko, anong klasing nilalang ba ang makakalaban namin ngayon?

Napabaling ako kay Harith sa sandaling iyon, napakurap-kurap pa ako ng salubungin nito ang aking mga mata dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. Siguro naalala niya ang demon na na engkwentro naming dalawa. I blink twice before I avoided the prince's stares at bumaling nalang sa harapan.

Hindi ko namalayan na natatanaw na pala ang trading market na sinabi ni Celestine. Kung hindi ako kinalabit ni Viviene at tinuro ang kabihasnan na nasa harap ay hindi ko mapapansin iyon.

Nakita ko ang mga nagkakalat na mga dayuhan at mga mamimili. Hindi ito kasing laki ng trading market sa Kaharian nina Harith pero sakto lang para sa mga manlalakbay na kagaya namin.

Kanya-kanyang mga palamuti at mga bagay bagay ang aking nakikita na ipinagbibili ng mga tao. Nauna na ngang umalis sa tabi ko si Hailey ng nakita ang mga kumikinang na mga bato na pinagbibili ng isang merchant.

"Oh look, some exotic foods," bulong ni Viviene habang may tinatanaw na mga pagkain. Napangiwi ako sa aking nakita at umiling. She chuckled because of my reaction at nagpatuloy kami sa paglalakad paalis doon.

Napatingin-tingin pa ako sa ibang mga bagay na tinitinda ng ibang merchants. I was scanning the products in the table nang may isang lalaking lumapit sa akin.

"Binibini! Halika dito! May mga bagong dating kami na mga palamuti galing sa malayong kabihasnan ng Ormienta! Baka may magugustuhan ka? May alam akong palamuti na nababagay sa kagandahan mo!" tuwang-tuwa na sabi ng lalaki at kinuha ang aking kamay para ilipat ako sa kabilang lamesa. Totoo nga ang kanyang sinabi, maraming palamuti doon na nagkakalat. Masasabi ko na mas mamahalin ang mga alahas at palamuti na pagmamay-ari ko sa palasyo ngunit kakaiba naman ang mga ito.

Nagliwanag ang aking mga mata ng nakita ang mga nagkukulay berde na mga alahas doon. May mga hair pins din na madalas kung ginagamit sa palasyo na masasabi mong may angking kagandahan talaga! Ngunit ang kumukuha sa aking atensyon ay ang bracelet na pinaghalong jade at gold. The jade bracelet was in a circle form while the gold floral patterns continue to flow around it. May mga kukunting puting bato din pala itong kasama na bumubuo ng hugis bulaklak kasama ang mga gold linings.

Kinuha ko ito at pinagmasdan ng mabuti. Hindi talaga maiaalis ang atensyon ko doon. Rinig kung tumawa ang lalaki sa aking tabi dahil siguro sa tuwa na nakuha ng kanyang mga produkto ang aking atensyon.

"Nagustuhan mo ba iyan? Isang napakagaling na manglilikha ang gumawa nyan! Inspirasyon ang kaharian ng Eminent lalo na ang Pamilya ng mga Maharlika," saad nito na may ngiti sa labi. He seems proud of what he said ngunit ang mas nakakuha ng aking atensyon ay ang kaisipang kinuhanan ito ng inspirasyon galing sa aking kaharian, sa aming pamilya.

"Magkano?" mas lalong tumawa ang lalaki dahil sa aking tanong. Sa huli, hindi ko na pinigilan ang sarili at binili iyon sa halagang dalawang ginintuang barya.

"Hindi ka magsisisi sa binili mo binibini, hindi ka hahayaan ng palamuting iyan," makahulugang sinabi ng nagtitinda ngunit hindi ko nalang iyon pinansin. I eyed the bracelet once more before wearing it. Saktong-sakto lang ito sa skin complexion ko, siguro nakuha lang ang aking atensyon lalo na't kulay berde ito. Namiss ko lang ang kulay na nagsisimbolo sa aking angkan, at mas lalong nakuha ang aking atensyon na nalamang sa angkan ko pa kinuha ang inspirasyon sa paggawa ng alahas na ito.

Umalis na ako doon at lumapit sa mga kasamahan. I saw Shawn and Celestine talking with a civilian. Habang kasama naman ni Harith si Cleiford na tumatawad pa ata sa binili.

"Huling tawad na po! Sige na po, wala po talaga akung saktong pera ngayon Lolo." Saad ni Harith at mas lalong nagmamakaawa sa nagtitinda. Napasimangot ang matandang lalaki sa kanyang narinig at hula ko'y gusto ng paalisin si Harith.

Napailing nalang ako sa inasta ng prinsepe. Akala mo naman ay sobrang naghihirap nito eh nagmamay-ari nga ito ng isang kaharian.

"Nakakahiya talaga," bulong ko nalang.

"He will not be the prince of Earth Kingdom if his not like that," komento ng malamig na tinig sa aking tabi. Napakunot ang aking noo at napabaling sa taong huminto sa aking tabi. Napakurap-kurap pa ako ng nakitang si Zach iyon.

Himala at nagsalita ito ngayon?

"Did you get some information?" Tanong ko na lamang. Tahimik itong nakapamulsa habang pinagmamasdan ang paligid.

"Not really," mahinang saad nito.

Napakunot naman ang aking noo sa kanyang inasta, "What happened?"

Tahimik ito ng ilang segundo bago nagsalita.

"Don't you find it strange?"

Ako naman ngayon ang naguguluhan at napatingin na din sa aking paligid. I observe my surroundings trying to understand what the prince just said pero wala namang pumapasok sa isip ko.

"What do you mean?" naguguluhang saad ko at bumaling ulit sa kanya.

Zach shake his head while staring at me tila ba disappointed ito dahil hindi ko nakuha ang kanyang sinabi. What the fuck?

"What?" Naiinis na saad ko habang nakakunot ang aking noo.

"Nothing, theres no point in talking with you," supladong saad nito na agad kung ikinasimangot. Ano bang problema ng isang yun? Hindi ba siya nakatulog ng maayos? Pinaglihi ata ito sa sama ng loob eh, tsk.