Chapter 18
Class S
"Is she really fine?"
"Yes, siguro dahil pagod lang talaga siya kaya nahimatay. Lalo na't she met her power limitations kaya ayan,"
"Kailan siya gigising?"
The other person sighed.
"We'll wait."
I don't know where I was pero rinig na rinig ko ang pag-uusap ng mga tao sa aking paligid. My body seems too heavy and even my eyelids, ang hirap buksan ng mga mata at parang hinihila pa ako nito sa antok. Hindi na nilabanan iyon ay hinayaan ang aking sarili na hilain ulit sa kadiliman.
I don't know how long did I take a nap but I slowly opened my eyes at agad bumungad sa akin ang ilaw sa kisame. I blink because of the sudden light entering my sight. Unti-unti kung ginalaw ang aking mga kamay kahit na sa tingin ko'y mabigat pa din ito. I pinched the bridge of my noes ng naramdaman ang sakit sa aking ulo. But then I winced when I felt the pain in my left arm. Napabaling ako doon, it has a bandage.
I sighed. What time is it? Napabaling ako sa taong lumapit sa akin. I think its one of the healers.
"Gising ka na pala, how are you feeling?" Maamong tanong ng babae habang suot pa din ang school uniform.
"My head hurts," saad ko at umayos sa pagkakahiga.
"Well thats given, lalo na't napuruhan ka sa rankings." Saad nito at may nilapag na parang potion sa lamesa.
"You're wounds are healed. Nagamot ka na ng healer but the one in your arm was too deep but it will heal in a short period of time. Hindi mo pa nga lang maiiwasan na maramdaman ang kirot diyan." Saad nito. Nakikinig lamang ako sa kanya habang ang daming mga tanong na tumatakbo sa aking isipan.
"Drink this, para gumaan ang pakiramdam mo," she said while glancing at the bottle at the table. Tinulungan niya ako sa pag-upo at binigay sa akin ito. I drink the potion she gaved me at agad kung naramdaman ang kaginhawaan.
"Your friend is out for the mean time. Magdadala siya ng pagkain. She will be back later," tumango ako sa kanyang sinabi.
"Anong oras na ba?"
"Oh, its quarter to 7," kumunot ang aking noo dahil sa narinig. Nakita niya sigurong naguguluhan ako kaya nagpatuloy siya.
"You've been asleep for 19 hours."
My lips went in a grim line dahil sa narinig. Iniwan na ako ng healer doon kaya hinayaan ko na lamang ang sariling mahiga. Hindi din nagtagal ay nakita ko si Viviene na papalapit sa akin.
"Hey!" She greeted me at agad umupo sa upuan malapit sa kama.
"How are you feeling?" Tanong niya.
"I'm fine, kanina masakit ang ulo ko at medyo kumikirot ang braso." Saad ko sa kanya. She tilted her head as she eyed my arms.
"I can definitely heal that, pero hindi ako ang naka assign sayo eh. I'm done with my rankings," she pouted. Ah, naalala ko na responsibilidad pala kami ng mga healers kapag may nangyari sa amin.
"Anyways, I bring some food." saad nito at nilagay ang supot sa tabi ng potion bottle na wala ng laman.
"Ano ba kasi ang nangyari? My memories are blurred." Saad ko sa kanya.
Ngayon naman ay nanlaki ang mata niya ng may naalala.
"Oh! You won't believe this pero napatay mo ang cerberus!" She said cheerfully.
"Yes Viv, I know for the fact that I killed it. But what happened after?" Tanong ko ulit pero hindi na niya pinuna ang sinabi ko.
"But you know what! A lot of us was so shock na cerberus pala ang makakalaban mo. Akala ko nga ay mapupuruhan ka kung sakali. Thats a high tier monster na madalas kinakalaban ng mga royalties!" Her forehead creased after she said that.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. For sure they did that because I'm a royalty! Fuck! Hindi naman ako pwedeng magreklamo, its part of the rankings. Is this a test for me then? Did I satisfy them?
"And I'm so glad you did it! Napatayo na nga ako ng lumipad ka papalayo pagkatapos ng hampas! I really thought you passed out! Natakot ako kasi naalala ko na may sakit ka noon diba?" Hindi ako sumagot sa sinabi ni Viv. I bit my lips because I don't know if I would agree or not. Its a big lie at nagsisimula na akong kainin ng konsensya.
"But your next move shocked us! Ang ganda ng pinakita mong technique. Hindi ko tuloy akalain kung paano ka nag-ensayo araw-araw para doon. But anyway, your glasses is broken,"
She said pouted. Oh right, the fashion glasses that Miss Bethany gave me.
"Why are you wearing glasses anyway? Hindi naman sira mata mo." Saad nito at tinignan ako ng mabuti. I chuckled in nervousness, hindi ko alam kung nahahalata niya ba iyon o hindi.
"And oh right!" Agad bumalik ang malaking ngiti nito sa labi.
"You're rank 6! Akalain mo iyon? You beat Aero! Isa sa mga makapangyarihan na estudyante sa Academy! Kung hindi ko lang nakita na nahimatay ka siguro nagtatalon at nagsisigaw pa ako doon sa upuan nang nakita ang resulta." She chuckled and let herself lost in her thoughts, siguro naalala ang nangyari.
And wait, what? Rank 6?
"Ano pala ang level ko?" Tanong ko sa kanya.
"Level 58, while Aero was Level 56. Damn, hindi ko inakala yun ah. Hindi ibig sabihin na wala akong tiwala sayo but! You exceed my expectation!" Sabi niya na tuwang tuwa pa.
"Hindi ko alam na ganun ka pala ka makapangyarihan? Damn! Ang swerte ko na naging kaibigan kita! Ngayon, yung ibang estudyanteng hindi pumapansin sayo panigurado magpapapansin na iyon." Nakangiwing saad ni Viv habang natawa naman ako sa kanyang ekspresyon. I didn't mean to be at the top though, masaya ako na nakaabot pa ako sa rank 6. I wonder what will happen after this?
Kagaya nga ng aking inaasahan, kinabukasan ay nakaalis na ako. I am totally healed. Hindi ko mapagkailang naiilang ako sa mga titig na ibinabato sa akin. Some of the stares wanting to know my true identity. At nababasa ko ang mga tanong na nasa kanilang mga isip. Sino ako? Bakit nagawa ko iyon? Anong klasing nilalang ang baguhan sa akademya?
"Are you really sure that you're fine?" May pag-alala na tanong Viviene sa akin. Nandito kami sa dining hall para kumain ng almusal. Kanina, kinukumbinsi niya ako na huwag munang pumasok dahil nag-alala siya na baka hindi pa ako tuluyang maayos lalo na't unang sabak ko iyon sa rankings, well, I might say its a first worst encounter.
"I'm fine, ayoko ding may mamiss ulit na klase." Tamang sagot ko lang sa kaibigan. She eyed me for a second before she sighed in surrender.
Napabaling ako sa mesa ng mga royalties doon. Wala ni kahit anino ng mga maharlika ang nakikita ko doon, siguro ay may ginawa silang importante. Hindi din nagtagal ay umalis na kami ni Viviene sa hall ngunit bago pa man ako nakalayo ay may lumapit na sa aking estudyante.
"Miss Willson, pinapatawag po kayo ni Miss Bethany sa kanyang silid." Marahang sabi nito, his face was void with any emotions, ni hindi ko siya kilala.
"Ganoon ba? Salamat," saad ko na lamang. Nagtagal pa ng ilang segundo ang kanyang titig sa akin bago ito tuluyang umalis.
"Anong kailangan ni Miss Bethany sayo?" Naguguluhang tanong ni Viv sa akin.
"Malalaman ko rin kapag nakarating na ako sa opisina," she nodded at me. Nagpaalam na ako kay Viv para pumunta sa office ni Miss Bethany. Ilang metro lamang ang layo noon sa dining hall.
Kumatok ako ng tatlong beses bago narinig ang kanyang boses na pinapapasok ako. I immediately opened the door and saw her sitting in her chair while writing on the office table.
"Ano po ang kailangan niyo sa akin, Miss?" Tanong ko at isinara na ang pinto.
"Ah, there you are." Maligayang bati nito at tumayo sa kinauupuan. Sumenyas siya na lumapit ako kaya humakbang ako patungo sa kanya.
"Kumusta ang pakiramdam mo kamahalan?" Tanong nito na agad kung ikasimangot. I almost forgot our deal.
"Maayos naman po. Bakit niyo pala ako pinapatawag?" Tanong ko dito.
She smiled at me first before getting a white folder then give it to me. Agad kung tinanggap iyon upang alamin kung ano ang nasa loob.
Class Schedule
Napabaling ako kay Miss Bethany ng mabasa ang nasa loob.
"Yes your highness, may ibang class schedule kana. Starting for today, you need to do your responsibilities as a royalty kahit alam kung tinatago mo pa ang iyong totoong pagkatao kamahalan."
Tumango ako dito at binasa ang mga nasa loob habang patuloy lamang sa pagsasalita si Miss Bethany.
"You have another subject yout highness. But this time its a bit of complicated." Napakunot ang noo ko ng nabasa ang isang kakaibang subject doon.
Class S
Time: Indefinite Location: Confidential
"Ano ang ibig sabihin ng Class S?" Tanong ko at bumaling kay Miss Bethany na nakatitig lang sa akin.
"Well, it's a special class for the royalties alone."
"Edi malalaman nila na isa akong royalty?"
"That I suppose there's a sudden change of the memo, your highness."
Kumunot ang noo ko at binaba ang binasa bago tuluyang hinarap si Miss Bethany para makinig pa lalo sa kanya.
"The special class is kinda a mission your highness. We let the royalties deal with some missions that needs an immediate action. Sometimes we let some high-profile students join the mission with the royalties but that incident is rare. Pero ngayon na nandito ka, I guess we will change that? You are obliged to do your responsibilities as we let some students join the mission as well para hindi naman halata." Saad nito at nagkibit balikat. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na iyon. I want to thank them for helping me with this pero hindi ko din maiwasang isipin na baka ay nakakaabala ako sa kanila.
"I know what your thinking, its totally fine. Its the headmaster's idea after all."
I pouted my lips as I stare at my class schedule. I guess this is it? Hindi ko na talaga maiiwasan pa ang mga royalties lalo na kung kasama naman ako sa kanilang mga mission?
"Bakit indefinite yung time dito?"
"Oh, there are cases na matatagalan kayo sa missions. Lets say the minimum days is 3 and max is 7. Minsan kasi hindi namin alam kung ilang araw niyo matapos ang mission, sometimes the royalties deal with it shortly at my cases naman na mas natatagalan sila so its an indefinite."
"How about my other classes?"
"You are excused from your other classes if you are part of the mission your highness."
Tumango na lamang ako.
"And oh by the way, your clothes are ready. Ipapahatid ko mamaya sa kwarto mo kapag magsimula na ang klase." Ngumiti ako sa kanya ng tuluyan.
She smiled back at me and stare at my bare face, "I see, you didn't wear the glasses anymore?" Tanong nito.
Napakurap-kurap ako at napahawak sa aking mata. I forgot na wala na pala akong glasses na suot. Fuck, anong iisipin ng iba? Kaya ba ako pinagtitingnan kanina? Bakit hindi sinabi ni Viv!
"Ah! Nasira ang glasses ko sa rankings Miss." She was quiet for a moment.
"Do you need another glasses? I still have here."
Tumango ako kay Miss Bethany ng may ibinigay na naman itong ibang glasses sa akin. Agad ko itong isinuot at hinayaan ang sarili na maging pamilyar sa salamin.
"Hindi pa rin naman maitatago na maganda ka sa likod ng salamin na iyan kamahalan..." nakangiting saad nito habang tinitignan ako sa mukha.
Umiling nalang ako sa kanya at tumayo na. Kinuha ko na ang class schedule ko sa mesa at bumaling kay Miss Bethany.
"Kailan maging effective ang bagong schedule ko Miss?"
"Oh right. Its effective starting today and I almost forget to tell you, ngayon ang simula ng Class S niyo. You are called to the headmaster's office at 8 AM." Bumaling ito sa kanyang orasan na nasa mesa bago ako hinarap ulit.
"Its seems that you are late your highness. You need to leave now," nakangiting saad niya at hinayaan akong lumabas sa kanyang opisina para harapin ang katotohanan na wala na akong takas sa mga royalties na naghihintay sa akin sa susunod kung pupuntahan.