Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 12

Familiar's Visit

Hinanap ng aking mga mata si Harith. Nagtataka man sa babaeng nawala pero kailangan ko ng hanapin ang prinsepe. I saw him in some stools buying some herbs.

"Harith?"

"Oh, there you are. Kailangan na nating umalis," mahinang sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng hilaw sa matandang tindera na nakatingin lang sa amin. Bakit ba ang strikto ng pagmumukha ng mga nagtitinda dito?

"How about my weapon?" Tanong ko dito at napatingin kung saan banda ang tolda ng blacksmith kanina.

"We can take it back tomorrow. Baka makatunog sila na nawawala tayo, it's almost dinner."

Napatango nalang ako sa huli kasi wala naman talaga akong magagawa.

Umalis na kami ni Harith sa bayan. Marami-rami siyang nabili samantalang yung libro lang ang bitbit ko. His forehead creased when he notice what I've been holding the whole time.

"Where did you get that?"

Napabaling tuloy ako sa librong hawak.

"Ah, from the village. May nagtitinda ng mga libro doon?" Hindi ko din siguradong sabi sa kanya kasi naman naguguluhan pa din ako sa inasal ng babae kanina.

"Pano mo nabili yan? You don't have money," nagtatakang sabi ni Harith.

"Oh, don't worry. She gave it to me for free," kibit balikat ko tila wala lang pero si Harith ayaw atang huminto sa pagtatanong.

"Now, that was very odd."

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Napabalik kami sa may batuhan kanina. Kailangan ko pa palang malaman kung paano makabalik papunta sa academy. Akala ko doon lang kami hihinto but to my surprise ay pumasok si Harith sa isang kweba. I follow Harith's path habang napatingin-tingin na din sa kabuuan ng kweba. It was totally dark so I squint my eyes trying to see the steps that I take, baka may mga insekto pa dito.

"Ouch," I touch my forehead when Harith suddenly stop so I bump to him.

"Nandito na tayo," saad nito kaya napabaling tuloy ako sa tinitignan niya. Napakunot ang aking noo ng nakitang wala namang portal ni lagusan sa unahan. Its totally dead end.

"Nagbibiro ka ba?" Kunot noong tanong ko sa kanya na ikinangisi lang ng prinsepe.

"Focus Laurine, nakalimutan mo naman ata agad ang mga tinuturo ko,"

Naguguluhan man ay tumitig na din ako sa purong dingding ng bato kasi wala talaga akong nakikitang kakaiba idagdag mo pa na ang dilim sa loob. Harith sighed ang touch something in the stone wall. I heard something click at gumalaw ito. The stone wall disappeared at lumabas ang purong electricity portal doon.

"Dyan na tayo papasok?" I blink twice as I asked, totally surprised.

"Nope," napahinga naman ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Akala ko dyan na but then I totally doubt it. Parang susunugin lang kami ng electricity eh.

"Solàire Abre Mystica Acadèmia Proporta..." bigkas ni Harith at agad may humalong kulay sa purong puti na electricity kanina. Now it has a touch of purple.

"Let's go," saad nito na agad kung tinanguan.

Time passed like a blur ay nasa dorm na ako. Agad kung tinanggal ang cloak na suot na galing pa sa village. Viviene was still in the clinic kasi wala siya sa loob. Kaya naligo nalang din muna ako at nagbihis.

After taking a bath ay napatingin ako sa librong dala ko kanina. May duda kasi ako sa babae kanina eh, lalo na itong librong hawak ko ngayon.

I sighed as I get the book to look what's inside. The bold letters writing the title of the book gives me chills pero hindi ako huminto.

The Beastly Familiars

Agad kung binasa ang mga nakasulat sa loob. It says that most of the kingdom in the Austreville, there are beastly familiars who guards important stone. Stone? It doesn't really elaborate kung ano ang mga stone na iyon. But the book itself was focus more on the beastly familiars.

The One Eyed Cyclops

"The one eyed cyclops is the beastly familiar who guards the Eraphilia Kingdom's most precious stone..." basa ko sa mga letrang nakasulat doon. It says that the cyclops has a temper character but it was scary creature.

Inubos ko ang aking oras sa pagbabasa sa libro hanggang sa may kumatok sa pintuan. I think its Viv.

"Laurine? Still there? Dinner na." Saad nito kaya agad kung tinago ang libro sa ilalim ng unan. Inayos ko din ang buhok ko at ang glasses.

"Coming!"

Pumanhik na kami sa Dining hall para kumain. Marami na ding mga nagkakalat na estudyante doon. Some of them stay there scrutinizing gaze at me pero binabalewala ko na lang iyon. Tahimik akong kumuha ng pagkain at nag-iingat na talaga na wala ng mabunggo ngunit muntik ko namang nabitawan ang tray ko ng biglang sumulpot si Harith sa harap ko.

"What?" Naiinis na tanong ko sa kanya habang may ngisi namang nakaplaster sa kanyang mukha.

"Good evening Laurine!" Maligayang bati nito na mas lalo kung ikinasimangot.

Lumapit ito ng kunti at bumulong.

"Don't tell anyone okey?"

I rolled my eyes at him and shrugged my shoulders bago iniwan ang prinsepe doon.

Viv stayed her eyes at me tila tinatantiya kung ano ang maaaring napag-usapan namin ng prinsepe ngunit buti nalang at hindi na siya nagtatanong.

The dinner end peacefully to my liking. Bumalik na kami agad sa dorm dahil sabi ni Viv ay inaantok siya. Marami din kasi siyang ginawa sa clinic kanina so I agreed.

Pumasok na ako sa kwarto at napatingin sa orasan sa gilid. It's quarter to 8. Lalabas pa ba ako? How about the curfew?

Napakagat ako sa aking labi dahil sa mga dumadaan sa isip. I know this is dangerous but then curiousity eats me lalo na't sabi ng babae kanina na may maliligaw ngayon? Ano naman kaya ito?

I groaned in frustration and went to my wardrobe. Napatingin ako sa pulang cloak na nasa loob. Its time.

Huminga ng malalim at hindi na nagdadalawang isip na kinuha ang cloak. Pagkatapos suotin ang red mask ay napabaling ako sa orasan. Its 8 pm. The dorms are closed so the entrance is not the option here. Should I jump from the balcony? Napabuntong hininga ako kasi yun lang naman ang maaari kung daanan. Hoping no one can notice me.

Pumunta ako sa balcony. I make sure that Viv was already asleep. I stare at the ground, damn, mas marami naman na akong nadaanang life threatening kesa pagtalon dito so I think its fine.

Wait, will someone notice if I use my power?

But then baka kagaya ito sa palasyo na may mag dedetect. I can't risk that. No choice then.

Agad akong napatingin sa kumot na dala ko, damn I think I need some alternatives after this kung gusto ko namang tumakas. Hindi sapat ang kumot na dala para maabot ko ang lupa ngunit pwede naman na akung tumalon. Without a doubt agad akong humawak sa kumot at tumalon sa lupa. Napakagat ako sa aking labi ng nakita ang kumot. What should I do with that blanket?

Napailing nalang ako at hinayaan muna ito. Babalik din naman ako kaagad.

Agad akong umalis sa dorms. Napatago pa ako sa isang gusali nang may mga knights na naglilibot, to ensure the students safety for sure lalo na't may mga royalties dito. Umalis din ako kaagad at nagmamadaling pumunta sa school garden. Napatingin pa ako saglit sa paligid, nang nasigurong walang tao ay agad kung binuksan ang portal at pumasok. Same as before agad akong iniluwa nito sa bayan ng Eraphilia. I groaned when I feel my head ache because of the sudden teleportation but I know I will feel better later. Umalis na ako doon at agad inayos ang cloak na suot. Kung buhay ang bayan kaninang umaga, mas buhay naman ito sa gabi. There are lots of people enjoying the night of the town.

Kahit gabi ay may mga merchants at dayuhan pa din akong nakikita. Some of them sells exotic things na sa tingin ko'y sa gabi lang din nagpapakita. Naalala ko tuloy ang weapon ko kaya pumunta ako doon. The blacksmith was busy molding some weapons bago niya ako napansin. His eyebrow creased trying to recognize me. Oh damn, I forgot I wore a mask. Shit! Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapagsalita nangingibabaw ang tili ng mga tao at isang malakas na pagyanig sa bayan.

"Halimaw!"

"Tulooong!"

"Aaaahhh!"

I blink trying to process what was going on but at the same time adrenaline trying to fill up my system. Is that the beastly familiar?

Nagtatakbuhan halos ang mga tao dahil sa nangyari. Ang iba ay paalis sa bayan dahil sa takot ngunit may iba ding mas nangingibabaw ang kyuryusidad. Sa huli ay iniwan ko ang blacksmith at pumunta kung saan sinasabi nilang nandoon ang halimaw.

Agad akong napatago sa isang tolda ng may mga Town's Knights ang nagmamadali sa pagpunta sa kinaruruunan ng sinabing halimaw. A loud shriek illuminates the whole town and the ground shake again.

Agad akung napatakbo at kinuha ang isang batang nasa daan at nadapa. Muntik na itong masaktan sa mga taong tumatakbo. The child was crying and hugged me tightly. Nang nakita ang ina sa unahan na hinahanap ang anak ay agad akong lumapit dito.

"Harold!" Agad umiyak ang bata at pumunta sa kanyang Ina.

"Maraming salamat!" Naiiyak na sabi ng ina na tinanguhan ko na lamang. Kailangan kung puntahan ang ipinunta ko dito.

Agad akong umalis doon at tumingin sa unahan. I saw the giant sillhoutte of the monster they are talking about. I smirk when the monster shriek in pain when the knights tried to hurt its leg.

"One eyed cyclops..." mahinang bigkas ko. So this is you huh? The guardian of the stone. Pero bakit ito naliligaw? Kunot noong napatingin ako sa cyclops na nagwawala habang kinakalaban ang mga knights na pumapalibot dito. The cyclops tries to run away ngunit pinipigilan siya ng mga town's knight with their magic kaya mas lalo itong nagalit.

The beastly familiars are the one who guards the important stone of the different kingdom of Austreville. They have no other role in this realm, but maintain to protect the stone for the realms peace.

Is it possible that someone tries to get the stone? For what?

Napabalik ako sa realidad ng umalingawngaw na naman ang cyclops sa sakit ng tinamaan ito sa balikat. He growled and make an impact in the ground kaya agad itong yumanig. Hindi ito maaari, sa tingin ko'y hindi pumunta dito ang cyclops para maghasik ng lagim. It was looking for something, I'm sure of that. Hindi na ako nagdadalawang isip at bumuo ng lightning sphere sa magkabilang kamay at binato iyon sa ibang Knights na nagsisimulang sumugod sa cyclops. Nanlalaki ang mata ng mga knights ng nakita ako.

"No need to harm the cyclops! Hindi ito pumunta dito para saktan kayo!" Sigaw ko sa kanila. Some of the knights listened pero may ibang matigas pa din ang ulo at sinugod ang cyclops. The cyclops, trying to defend itself wave its large hand kaya lumipad sa ere ang ibang knights. Dahil doon nag kanya-kanya na naman silang sugod. Damn it! What an idiot!

Agad akung lumipad at bumuo ulit ng sphere at binato sa nagtatangkang lumapit sa cyclops. Some of them take a step back ngunit ay susugod ulit. Agad kung binuo ang aking water shield ng may papunta sa aking arrow. Now, they are trying to kill me. Agad akong tumalon papunta sa braso ng cyclops. It didn't feel my presence sapagkat nakikipag-away pa ito sa ibang knights. I went to his ear and try to talk to the beastly familiar.

"I'm here to help you," mahinang saad ko na ikinatigil ng beastly familiar. Luminga ito kaya agad akong napakapit ng mahigpit sa kanyang tenga.

"What are you looking for? Beastly familiar?" Saad ko na mas lalong ikinatigil nito. The knights also stop attacking ng nakitang huminto ito.

(Who are you?)

Napakurap kurap ako ng may nagsalita sa aking isipan but it was just a grumble came from the cyclops. I think he hears me.

"My name is Laurine. I'm an Alodyne." Saad ko dito.

(I don't trust Alodynes.)

The cyclops answered and growled. Hindi kalayuan ay nakikita ko ang paparating na mga high ranking officials na sa tingin koy galing sa palasyo. May mga tao ding sa tingin ko'y galing sa academy. Shit, I need to get this done.

"Then trust me, I know that you're a beastly familiar. I'm not an ordinary Alodyne. I'm a Royalty and I'm here to help." Mahinang saad ko. Hindi ito nagsalita ng ilang segundo tila tinatantiya ang aking sagot.

(My name is Marcus. I'm not here to destroy the town. I was looking for something.)

"What is it?" Tanong ko pabalik ngunit may ideya na kung ano man sakali ang kanyang hinahanap.

(The Earth stone)