Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 11

Eraphilia Town

Agad tumalon si Harith sa portal at nawala, napakurap-kurap pa ako dahil doon. Bumaling pa ako sa aking paligid, unlike Harith, I'm not careless with this things lalo na't kapag masasangkot ako sa gulo magagalit ang reyna.

I was thinking baka magamit ko ang portal na ito some time.

Nang nakitang walang tao sa paligid ay agad akung tumalon. Naramdaman ko na para akung hinihigup ng pwersa nito. Isang napakabilis na pangyayari at sa isang iglap ay naramdaman kung iniluwa ako ng pwersa at nahulog ako sa lupa.

Napapikit ako dahil sa nakakahilong pangyayaring iyon.

"Are you okey?" Tanong agad ni Harith at tinulungan akung tumayo.

"Y-Yeah," saad ko na lamang at inilibot ang aking tingin sa paligid.

Hindi kalayuan ay ang maingay na bayan ng Eraphilia ang iyong maririnig. Nakikita ko na din ang mga iba't ibang gusali doon sa kalayuan.

"We need a cloak for you, hindi nila pwedeng malaman na galing ka sa Academia." Saad nito na ikinakunot ng aking noo.

"Bakit naman?"

"Dahil kapag may makatunog nito baka may mangyaring masama sayo. Marami pa namang mga taong nangunguha ng estudyante kapalit ang pera laban sa academy. Hindi karaniwan na may estudyante na gumagala dito lalo na't oras ng pasok." He said as he started to walk. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot din ng cloak si Harith.

"Diba mga tao mo sila?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo, tao ko ang iba,  pero marami pa ding mga dayuhan dito. Hindi natin alam baka kalaban, ni hindi ko nga kilala ang mga tauhan ko Laurine. You can't trust anyone, remember that."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Harith. Kahit naman ako kung pupunta sa bayan ng Eminent, hindi din ako nagpakilala bilang prinsesa, yun nga lang sa ibang dahilan. Natatakot akung malaman ng hari at reyna na tumakas ako sa palasyo. But for no reason the king always knew my wherebouts.

Sumunod na lamang ako kay Harith habang naglalakad ito. Napatago pa tuloy kami sa isang tolda ng may mga grupo ng lalaki ang dumaan. Harith grab my hands tightly as he walk, nagtatago ito sa mga puno kung hindi ay sa mga toldang nakatayo na may nagtitinda. Hindi ko namalayan na kumuha na pala ng cloak si Harith ng may nadaanan kami, ni hindi ko nga iyon napansin.

"Maybe your a thief in your past life." Komento ko ng huminto ito at binigay ang brown na cloak. He just chuckled cutely. Napailing na lamang ako.

Pagkatapos kung naisuot ang cloack ay agad na kaming lumabas ni Harith sa pinagtataguan. Napatingin ako sa maingay na bayan, sa mga taong namimili at nagtitinda, sa mga batang naglalaro at mga dayuhang nakikipag-usap sa mga tao sa bayan.

The town was noisy but lively. Marami ka ding makikitang mga taong nagtitinda ng iba't ibang herbs at pagkain. May mga blacksmith din doon.

"Saan mo gustong mamasyal?" Tanong agad ni Harith sa akin. Napatingin ako sa blacksmith, as far as I know mayaman ang earth kingdom sa mga crafts para ipagawa o i-upgrade ang iyong weapons. May mga blacksmith naman kami sa Eminent but I want to try the earth kingdom's version.

"Can I upgrade my weapon?" Tanong ko kay Harith.

Napa-isip pa ito sandali bago tumango. Agad akung napangiti doon. Pumanhik kami palapit sa blacksmith at napatingin sa mga weapon na isinasagawa doon. May bow and arrows, daggers, staff and many more.

"Anong maipaglilingkod namin sa inyo mga dayuhan?" Napatigil pa ako dahil sa pagsasalita ng matandang lalaki sa aking harapan. He has a mustache and broad shoulders, tila nagsusumigaw na isang warrior in his past life. He also had a scar in his right eyes and seriously eyeing us.

Agad kung sinummon ang aking weapon at binigay sa kanya. Napatingin siya dito at tumaas ang kanyang kilay.

"Gusto ko po sanang tataas pa ang kalidad nito," saad ko at tinignan ang aking double sword. This double sword was a gift from the king, alam niyang sa lahat ng weapon ay ito ang gusto ko at pinili ko. Hindi ko alam kung saan niya ito pinapagawa pero ito na ang kasa-kasama ko sa mga trainings. It was a metal sword in color light blue, may crystal gem din ito sa kanyang handle at gold linings. At the tip of the sword is my initial 'L'.

Kinuha ito ng matandang lalaki at tinignan ng mabuti ang weapon. He even squint his eyes when he watch the handle.

"Hmm, parang nakita ko na ito ah," saad nito habang nakakunot ang noo. Napataas din ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi.

"Pamilyar ang pagkakagawa ng iyong sandata binibini, maaari bang malaman kung saan mo ito pinapagawa?" Tanong nito sa akin at pinulot naman ang isa.

Napatikhim ako dahil doon habang napatingin din si Harith sa akin.

"Ibinigay po yan ng aking Ama," saad ko na lamang sa kanya at hindi na pinahaba pa at baka mabuking ako ng wala sa oras.

"Hmm, maganda ang pagkakagawa. Pamilyar din ang mga nakaguhit na disenyo, mahusay ang gumawa nito. Ano ba ang gusto mong baguhin dito binibini?" Tanong nito sa akin.

"Alam ko pong magaling kayo sa paggawa ng sandata kaya pagkatiwalaan po kita sa bagay na iyan." Saad ko dito na nakangiti. Tumango-tango ang matanda at tinignan ulit ang sandata.

"Kung ganoon, makakaasa ka. Limang ginintuang barya," saad nito. Napatango ako at napahawak sa bulsa ng aking damit ng napagtanto na wala akong dalang pera. Agad akung napabaling kay Harith na nakatutok din pala sa akin, napakagat ang aking labi at ngumisi sa kanya ng hilaw.

He creased his forehead then sighed. Kumuha ito ng limang ginintuang barya at binigay sa matanda.

"Pwede mo itong makukuha pagkatapos ng limang oras." Saad nito at tinalikuran na kami.

"Limang oras? Hapunan na iyon ah?" Saad ko kay Harith at bumaling sa kanya.

"Oh? Ba't ka nakatingin sa akin? Hindi ko na iyan problema." Saad nito at nauna ng naglakad sa akin paalis.

"Paano na yan? Babalik na tayo, paano ang weapon ko?" Tanong ko kay Harith na nakasimangot.

"Pwede mo naman yan kukunin kinabukasan, hindi naman iyan mawawala. You can trust the Blacksmiths here," napahinga naman ako ng maluwag dahil sa kanyang sinabi.

Umalis na kami doon ni Harith at nagtingin-tingin sa mga paninda doon. Marami din akung nakikitang mga kakaibang herbs at high quality, talaga namang marami iyon dito sa Earth Kingdom. May mga hayop din na tinitinda doon, I saw a bunch of familiar pets na pwede mong alagaan.

"May familiar pet ka na ba Harith?" Tanong ko sa kanya na ikinabaling niya sa akin.

"Hmm, wala bakit?"

"Bakit wala? Ayaw mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi naman sa ayaw, pero tamad akung mag-alaga eh," saad nito na ikinailing ko na lang. Marami akung alaga sa palasyo, pero ang familiar pet ay wala pa. I even considered getting one kapag babalik ako sa palasyo eh.

"Pero kung papipiliin ka, anong klasing familiar pet ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm, I might want a lion," saad nito habang nakatitig sa ibabaw.

A perks of being a royalty.

Umalis na kami doon ni Harith at napadpad sa mga taong may nagpeperform ng magic. May taong gumagawa ng magic tricks doon na nakakaaliw naman talaga lalo na't sa kakaibang kapangyarihan nito.

The man who performed a magic show us the stone he was holding. He explained na kaya niyang kainin ang batong iyon na hindi nasisira ang kanyang ngipin.

"Thats weird," saad ko habang nakatitig pa din dito.

"There's nothing weird for a man who is desperate in money," saad ni Harith. Napatingin ako dito but he only shrugged his shoulders.

At totoo nga sa kanyang mga sinabi. Nagawang kainin iyon ng lalaki na parang kumakain lang ng tinapay. Kahit na pinahawak na niya iyon para ipakitang totoong bato iyon. The people who was watching him amaze and give him a cheer. May ina ding nagbigay ng barya sa isang balde na nasa harapan ng lalaki.

"Harith, pwede humingi ulit ng pera?" Baling ko dito na ikinakunot ng kanyang noo.

"Bakit na naman?"

"Sige na, babayaran naman kita pag-uwi natin."

"Puro gintong barya ang dala ko." Saad nito.

"Mas mabuti nga iyon, isang gintong barya lang, sige na." Saad nito na ikinasimangot niya, ngunit sa huli ay binigyan ako.

Lumapit ako sa sa lalaki kung saan ngumingiti at nagpasalamat sa mga tao.

"Ang galing niyo po!" Nakangiting saad ko na ikinabaling niya sa akin.

Ang lalaki ay may edad na, siguro lamang ng ilang taon kay Ama, ngunit matikas pa din ang kanyang tindig.

"Maraming salamat binibini," agad kung inabot sa kanya ang gintong barya kaya nanlaki ang kanyang mata habang napatingin sa akin.

"Galingan niyo pa po sa susunod ah?" I genuinely said then bow my head at umalis na doon.

Lumapit na ako sa nakasimangot na Harith at hinawakan na ang braso niya para umalis na doon.

"Ikaw ah, inuubos mo na ang pera ko." Tanging saad nito.

"Shut up, para namang hindi ka mayaman. Ikaw nga may-ari ng lahat ng ito." Saad ko na lamang sa kanya at napadpad sa mga nagtitinda ng pagkain.

"Nagugutom ako, anong pagkain ang masarap na tinitinda dito?" Tanong ko sa kanya at napatingin sa mga pagkain na nandoon.

Nakasimangot man ay tinuri ni Harith ang hugis bilog na puti na parang tinapay. May disenyo itong bulaklak sa ibabaw at mabango din ito.

"Anong pangalan nito?" Tanong ko sa kanya at kumuha ng isa at kinagatan. Napatango-tango ako ng naramdaman ang kakaibang lasa at masasabi kung masarap nga, hindi ko pa ito nakikita sa palasyo, dahil siguro ay dito lang ito tinitinda sa Eraphilia.

"Quan, ito ang pagkain na nagsisimbolo ng Eraphilia." Saad nito at kumuha ng tatlo at ipinasok sa supot. Kumuha ito ng isang gintong barya at ibinayad sa babae. Nanlaki ang mata ng babae ng nakita iyon.

"Huwag mo na akung suklian," saad ni Harith at bumaling na sa akin. Napaisip tuloy ako kung magkano ito.

"Magkano ba ang pagkain na ito?"

"500 bronze coins," saad niya na ikinanganga ko.

Kaya pala nanlaki ang mata ng babae habang tinanggap ang gintong barya. One gold coin is equivalent of 100 silver coins, and 1 silver coin is equivalent of 1,000 bronze coins. Ibig sabihin ang isang gintong barya ay 100,000 bronze coins. Eh samantalang apat lang ang kinuha naming Quan na pagkain na nagkakahalaga ng 500 bronze coins. Ang lugi naman namin nun? Pero teka nga, prinsepe pala itong kasama ko kaya hindi na nakakapagtaka.

Nakikipag-usap pa si Harith sa nagtitinda dahil tila nay binibili pa ang prinsepe, napabaling ako sa kaliwang banda at nakita ang isang tindahan kung saan may mga librong itinitinda doon. Kunti lang ang taong napadpad at bumili sa mga libro kaya napatingin tuloy ako sa mga librong nandoon.

May mga libro doon para sa mga iba't ibang klase ng herbs, hayop, bato at iba pa. May mga libro din doong nagtuturo sayo kung paano gumamit ng weapons at kapangyarihan.

Nagtingin-tingin ako sa mga libro doon baka may mahanap akung kakaiba at magandang bilhin. The color dark blue book got my attention, it has a silver linings and pattern and my forehead creased when I read the cover.

The Beastly Familiars

Napanguso ako at kinuha ito. Napabaling pa ako sa paligid at binalik ang aking atensyon sa libro. I know some of the familiar pets pero hindi ko pa ito narinig ah?

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo binibini?" Nagulat ako ng may nagsalita sa aking likuran. Isang matandang babae na may striktong mukha.

"A-Ah, bibili po ako ng libro." Saad ko sa kanya ngunit tinitigan lang niya ako ng ilang segundo bago ibinaling sa librong hawak ko. Tumaas ang kanyang kilay at umalis doon papunta sa may mesa sa harapan.

"May alam po ba kayo tungkol sa mga familiar beast?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot bagkos ay may tinitingnan lang itong ibang libro. Napanguso na lamang ako at pumanhik papunta sa babae.

"Ngayon lang kasi ako nakarinig nito haha," hilaw na tawa ko pero wala pa din akung nakukuhang atensyon nito. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Magkano po ba ito?'" Tanong ko sa kanya.

Napahinto ang matanda at binalingan ang libro. 

"Huwag mo ng bayaran." Saad nito at nagpatuloy sa ginagawa. Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi.

"Talaga po?" Ngunit hindi na ako sinagot. Ang sungit naman.

"Maraming salamat po! Aalis na po ako!" Saad ko sa kanya na nakangiti at umalis na sana doon ng nagsalita ang babae.

"Kung gusto mo, may isang maliligaw mamayang gabi dito sa bayan." Saad nito na ikinakunot ng aking noo. Ngunit pagbaling ko sa babae ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan.