Chereads / She Came / Chapter 5 - Kapitulo Cuatro

Chapter 5 - Kapitulo Cuatro

VON RUSSELL

Pero nagulat kami nung biglang may babaeng tumawid sa kalsada. Sh*t masasagasaan ko siya.

Screeeeeeeccccchhhhh!!!

Napapreno ako pero dahil sa bilis ng takbo ng kotse ay pumailalim yung babae. Alam ko na sugatan na siya. Dali dali kaming bumaba ni Thorn sa kotse at mabilis na tinungo ang babaeng nakahandusay sa sementadong kalsada.

"Pa-patay na ba ako? Kayo na ba ang susundo sakin? Asan si San Pedro? Mga anghel kayo?" Tanong niya sa amin. Napakurap kurap kaming dalawa. Naguguluhan ako... Diba dapat, dumadaing to sa sakit ng katawan or something?

"Miss, can you hear me?" Tanong ni Thorn doon sa babae. Hindi siya kumukurap. Nababahala na ako sa totoo lang.

"Naririnig kita," sagot naman nung babae. Salamat naman at conscious pa siya dahil mas mahihirapan kami pag nahimatay to.

"Okay Miss, relax and tell me if are you hurt."

"Masakit ang..." Saka lang siguro nag-sink in sa utak niya na masakit ang katawan niya.

"Masakit ang katawan ko. Ang ulo ko at ang likod..." Naiyak narin siya.  Kinapa niya yung ulo niya at nahintakutan ako na may dugo na ang kamay niya.

"Sh*t! She's bleeding Thorn. Do something," natatarantang sabi ko.

"Calm down Rus. Parating na ang ambulance dito."

Nagulat ako ng tumayo ang babae. Sh*t baka makasama yan sa kanya eh.

"Miss, wag kang tatayo. Yung mga sugat mo. Parating na ang ambulansiya dito." Sabi ni Thorn.

"Wag nalang. Wala akong pambayad ng bill sa hospital. Saka itong mga sugat ko? May dahon naman ng bayabas sa likod bahay eh. Pwede kong gamitin yung pang disinfect sa sugat ko." Maangas na sabi niya. Ano bang problema ng babaeng to? Can't she see that she's at the verge of dying?

"No no no! We insist. Baka may masamang mangyari sayo. Don't worry, babayaran namin ang bills ng hospital." Agad ko siyang pinigilan gamit ang dulo ng t-shirt niya.

"Oo nga no? May atraso pala kayo sakin ah? Sinagasaan niyo ako kaya dapat kayong magbayad ng danyos. Akin na ang pera! Wag niyo na akong ipagamot. Mas kailangan ko ang salapi ngayon kesa sa gamot." Inilahad niya ang kanyang kamay na animo nanghihingi ng bayad.

"We'll pay you para sa bayad pinsala but please magpahospital ka. Mas mapapanatag ako sa ganon."

Dumating naman ang ambulance pagkaraan ng ilang minuto. Agad na isinakay doon ang babae at tumulak na kami papunta ng hospital.

Hindi talaga ako mapakali dito sa labas. What if may na-dislocate na buto yung babae. What if magka-internal hemorrhage? Hindi na ako nakatiis. Pumasok na ako sa kwarto at nakahinga ako ng maluwag nung makita ko na ayos na siya at nabendahan na ang mga sugat niya.

"Thanks God you're okay. Sorry talaga sa nangyari kanina Miss."

"Hmm! Okay lang basta magbayad ka para sa danyos mo oi! Mahal na ang bilihin ngayon baka di mo alam."

"Yes. Magpahinga ka muna ha? Ayoko na mabinat ka."

May sumulpot na nurse doon sa pinto ng hospital.

"Doc Spencer, pinapatawag po kayo. Kailangan daw po ng isa pang doctor sa surgery room 2." 

"Wala na bang ibang doktor doon? Sabihin mo na may inaasikaso pa akong pasyente."

"Nandoon po si Doc Valdevioso pero kailangan talaga ng backup daw po eh. Major heart operation po kasi." Marahas na nagbuntong hininga si Thorn. Parang napipika narin siya.

"Okay fine. I'll go there. Fix my things, I don't want hassles." 

"Yes Doc." Yun lang at umalis na ang nurse. Nagpaalam narin sa amin si Thorn. He needs to be in that operation dahil tungkulin niya yun.

"Sir excuse me po." May nurse na pumasok sa loob ng kwarto. May dala dala siyang parang log book.

"Pwede na daw pong iuwi si Ma'am. I-clear niyo nalang po yung bill doon sa counter."

"Sige Miss. Salamat." Tumango lang ang nurse pagkuway umalis din. Binalingan ko ng tingin ang babae na nakatulala parin.

"Miss saan kita ihahatid?" Minuto pa ang lumipas pero hindi niya ako sinagot.

"Miss, are you really okay?" Alangan kong tanong. Tinignan niya ako sa mga mata. A volt of electricity run through my spine as I looked at her serious and unfathomable orbs.

"Yung totoo. Hindi ako okay. Sino bang magiging maayos pagkatapos masagasaan? Sino bang magiging maayos pagkatapos mong mamatayan? At sino bang tao na magiging masaya matapos mapalayas sa kanyang inuupahan?"

"I'm sorry. I didn't know that. Hindi pa naman ako napalayas sa bahay."

"Dahil mayaman ka. Eh ako? Halos isanla ko na nga ang kaluluwa ko sa demonyo pero heto wala parin!" Masungit siya para sa isang mahirap na tao.

"I'm sorry about that."

"Sorry sorry. Hindi mo naman ako mapapalamon ng sorry mo eh. Saka hindi naman ikaw ang rason kung bakit puro kamalasan ang nangyari sa buhay ko eh. Kung hindi lang sana namatay si Tatay eh hindi siguro ako mapapalayas ngayon. Naubos lang sa wala ang pera ko mamamatay matay din naman pala siya. Demontres talaga!" Bumuntong hininga siya saka nagpahid ng pisngi. Doon ko lang nakita na umiiyak na pala siya.

Alam ko na nagdadalamhati siya kaya pinabayaan ko muna siyang magkaroon ng solo time. Naglakad ako palabas ng silid at tinungo ko ang counter.

"Hello Sir, kanino pong account ang ise-settle niyo?"

"Kay... Shoot! Hindi ko kilala eh. Yung isinugod dito na sakay ng ambulance. Babae. Pasyente siya ni Doc Spencer bago siya pumasok sa operating room."

"Ay! Yung nasagasaan ata yun? Binilin na ni Doc. Heto po yung bill niyo kalakip na po diyaan yung mga gamot niya."

Agad kong kinuha ang credit card ko at ibinigay ko doon sa babae. Kaya natanggap ng credit card dito dahil private naman ang ospital na to.

Bumalik ako sa hospital room nung babae na hindi ko pa alam ang pangalan. Kailangan ko pang i-settle ang atraso ko sa kanya. Hay! Imbes na date sana namin to ni Thorny napurnada tuloy. Pero hindi din naman magiging maayos ang date namin dahil for sure tatawag naman ang hospital para pabalikin siya para sa operation.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siya. Nakahiga na siya sa gurney at nakapatong ang isang kamay niya sa may noo niya. Naawa naman ako sa babae. Ang dami na ng hirap na dinanas niya sa buhay. Halatang pagod na siya at nanghihina pero patuloy parin siyang lumalaban.

Naupo ako sa isang plastic na upuan sa gilid. Limang oras akong naupo sapagkat nakatulog yung babae. Nahihiya naman akong manggising noh?

"Hmm..." she stirred as she woke up. Dahan dahan siyang naupo sa higaan saka naglingon lingon sa paligid. Until her eyes landed upon me.

"Nakatulog pala ako," she softly mumbled and rubbed her eyes.

"Pasensiya ka na. Naabala pa tuloy kita."

"It's okay. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ka nadala dito sa hospital ngayon eh. Anyway, heto. Na-settle ko na ang hospital bills mo. Pwede ka na daw makalabas."

Napatango tango siya at kinuha mula sa kamay ko ang resibo ng binayaran ko. Tinupi niya iyon at isinilid sa bulsa ng pantalon niya.

"Salamat nga pala. Ay! By the way, yung bayad pinsala mo. Hindi mo pa ako nabibigyan." Napabuntong hininga nalang ako. This woman is crazy about money.

"Yeah. Halika na. Babayaran kita. Kukuha ako ng pera kasi puro lang naman cards ang dala ko. Ayos lang ba?"

"Ay naku, no problem sakin yan. Pera pera lang to eh. Oh tara na!" Nauna siyang nagmartsa palabas ng silid kaya sumunod nalang din ako. Hinigit ko siya papunta sa parking lot ng hospital. Malamang andoon yung sasakyan ko.

"Dito tayo. Yung kotse ko naka-park."

Sumakay naman agad siya sa kotse. Binusisi niya ang bawat sulok ng kotse ko.

"In fairness sayo ha? Ang ganda ng kotse mo. Halatang yayamanin ka. Magkano ba ang ibabayad mo sakin ha?"

"Ten thousand ibabawas ko nalang yung bill mo sa hospital."

Nanlaki ang mga mata niya at agad na kinuha ang inabot ko kanina na resibo.

"ANO?! Ibabawas mo to sa danyos na ibabayad mo? Eh magkakautang na ako niyan? Tignan mo. Eleben tawsan six hanred naynti nayn point pipty. Naloka na!"

"Don't worry. Pagtatrabahuin nalang kita. Total ay kailangan ko ng tagalinis sa condo ko why not diba? One thousand six hundred ninety nine fifty nalang naman ang babayaran mo. 3K ang bayad ko pag nagpapalinis ako saka labada narin yun. Kaya may sukli ka pa na one thousand three hundred point fifty." Humalukipkip muna siya saka tumango.

"O sige fine. Maglilinis ako at maglalaba pero pwede bukas nalang? Naliliyo pa ako eh. Pero hindi kita tatakasan ha? Kailangan ko pa yung pera."

"Sure sure. Papunta na tayo sa condo unit ko."

"Ano?! Timang ka pala eh! Sabi mo kukuha ka ng pera tapos dadalhin mo pala ako sa condo mong animal ka! Gusto mo na bang suma-empyerno? Sabihin mo lang at nang maitulak kita palabas ng sasakyan na to."

"Hahaha! Joke lang. Ang brutal mo naman. Relax, andoon sa condo ko yung pera ko eh." Natawa ako sa sinabi niya. Para sa isang mahirap na babae, hindi siya madaling maapi; ibang klase.

Bugnot siyang sumandal sa sandalan ng upuan saka humalukipkip. If looks could kill malamang ay nakahandusay na ako ngayon at wala ng hininga. Pinagpatuloy ko ang pagda-drive papunta sa condo ko saka ako nag-park.

"Andito na tayo," sabi ko sa kanya at nakita ko na medyo nagningning yung mga mata niya.

"Ang yaman yaman mo nga talaga. Siguro, hindi ka na namomroblema sa panggastos mo araw-araw. Sana all nalang."

Naglakad kami papunta sa elevator at ng marating ang floor ko ay agad kong binuksan ang pinto.

"Tuloy ka." Pinagbuksan ko siya ng pinto at namamangha naman siya g pumasok.

Just as when we were seated on the sofa, biglang...

Grrrrkkkk!!

"Kumulo ba ang tiyan mo?"

"Ay naku pasensiya ka na ha? Buong araw na kasi akong walang kain."

Saka ko naalala na around lunch time nung nasagasaan siya. I totally forgot to make her eat.

"Oh no! Ako dapat ang mag-sorry sayo. Hindi kita napakain nung nasa hospital ka pa. Halika! Kumain ka muna." Niyaya ko siya papunta sa loob ng kusina at pinaghainan. Pero matagal niya munang tinitigan ang pagkain na nakahain sa harapan niya.

"Bakit? May allergy ka ba sa mga ingredients niyan o hindi mo gusto ang pagkain?" Nagsandok siya doon sa plato saka inilapit sa akin ang kutsara. Inamoy ko ang pagkain, baka mabaho pero wala naman.

"Hindi naman panis..."

"Hindi nga. Gusto ko munang ipakain sayo ang unang subo. Baka nilagyan mo to ng lason at ikamatay ko pa. Mas mabuti na yung sigurado ka sa lahat ng bagay sa mundo."

"Hahahahaha! Grabe ka? Ganon ba ako kasama sa paningin mo? Hindi na ako mag-aabalang manlason. Pero para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo at ng makakain ka na ay akin na nga!" Kinuha ko yung kutsara sabay subo sa pagkain doon. Na-relieve naman siya sa ginawa ko kaya iniurong niya palapit sa kanya yung plato.

What shocked me was, she prayed. Para sa isang mabungangang babae na kung makamura ay wagas, marunong parin siyang magpasalamat sa Diyos na bihira kong ginagawa.

Pero kung nagulat ako nung nagdasal siya, mas nakakagulat nung kumain na siya. Para siyang patay gutom.

"Miss, dahan dahan lang ang pagkain. Marami pa naman yan saka baka mabulunan ka." Inawat ko siya at lumunok muna siya bago ako kinausap.

"Gutom na gutom na talaga ako. Wala na akong oras para magpa-demure. Ang mga dragon at anaconda ko sa tiyan ay nagwawala na ngayon. Saka masarap ang pagkain eh. Ilang taon na ang lumipas bago ko ulit makain ang mga to." Patuloy siya sa pagnguya at pagsubo habang nagsasalita.

"Hindi naman yun pa-demure eh. Kailangan mong nguyain ng mabuti ang pagkain para hindi ka mahirapan sa pagtunaw."

"Sus! Tunaw lahat ng nakakapasok sa bituka ko boi! Kahit di ko pa yan maayos na manguya. Parang grinder ba naman yung sikmura ko, ewan ko nalang kung may matitira pa bang hindi tunaw sa loob ko."

Ilang minuto lang ang binilang nung nakita ko na malinis na ang pinggan niya. Wala nang tirang pagkain sa mesa, lahat inubos niya. Dumighay siya ng malakas  Pambihirang babae!