ANNIKA ROSE SEBASTIAN
Nagising ako ng maaga. Sinanay ko na kasi ang sarili ko na kumbensihin na magising ng maaga dahil nga nagbabanat ako ng buto. Nag-inat muna ako saka ako tumayo sa pagkakahiga. Syempre inayos ko na ang pinaghigaan ko. Ayoko na mapuna ni Kuyang Pogi na hindi malinis dito. Agad akong nagpuyod ng buhok at naghilamos ng mukha. Nag-toothbrush din muna ako bago lumabas ng kwarto.
Today is the day that I will clean. Pera na to mamaya. Nagtungo ako sa kusina para i-check yung mga lilinisin doon. Hindi naman madami ang kalat sa kusina kaya hindi din ako natagalan.
"Hmm... Mag-uumaga na. Sabi niya may pasok siya sa opisina so maaga siyang aalis ng bahay ngayon. Pero dapat kumain muna siya."
Nagpalakad lakad ako sa loob ng kusina at binuksan ko yung ref niya. Ang daming pagkain ah! Halatang di naghihirap. Kumuha ako ng pinakasimpleng lulutuin. Hotdog at bacon. Nagsaing ako gamit ang rice cooker. Marunong naman akong gumamit nito no! Kahit mahirap ako may rice cooker din naman kami dati.
Nagpaikot ikot ako sa kusina kakahanap kung asan yung kalan niya dito. Pero wala naman akong nakitang burner. Rice cooker lang ba ang meron dito? Parang hindi ata kapanipaniwala. Sa yaman niyang yun?
Tinignan ko sa mga kabinet sa baba. Baka nakatago lang or something. Pero napatalon ako sa gulat at nauntog pa ako nung biglang...
"Hoy! Anong ginagawa mo?"
"Ay p*tang ina naman! Wag mo nga akong gugulatin? Gusto mi yatang mamatay ako agad eh?"
"Eh ano ba kasing ginagawa mo jan sa baba? Bat ka..." Saka ko na-realize na ang sagwa palang tignan ng posisyon ko kanina. Napakamot ako ng ulo saka siya hinarap.
"Hinahanap ko yung kalan mo. Hindi ko makita. Sorry ah. Pinakealaman ko ang kusina mo. Kasi sabi mo papasok ka ng maaga ngayon sa opisina. Masama namang pumasok sa trabaho ng walang laman ang tiyan diba? Eh hindi ko naman alam yung usual na breakfast mo kaya nagsaing nalang ako. At eto nga. Naisip ko na magluto ng hotdog at bacon para may ulamin ka. Kaso nga lang hindi ko mahanap ang burner mo dito. Wala ka bang stove? Ang yaman yaman mo tapos rice cooker lang ang meron ka? Ibang klase."
"Ang dami mong sinabi. Ang aga aga pa eh. Pero salamat at nagluto ka. And yes. May kalan ako dito."
"Eh asan?" Napakunot ang noo ko. Ganon na ba ako kabulag para hindi ko makita yung lintik na kalan na yan?
"Ayan oh!" Sabi niya sabay turo doon sa isang direksyon. Napakunot ang noo ko nung makita ko ang isang black na rectangular na something. Parang babasagin ata.
"Pinagloloko mo yata ako eh! Anong kalan jan?"
Hinila niya ako papunta doon at nagulat ako nung makita ko na may switch pala yung bagay na yun. Nung umilaw, may mga button na nagsilabasan.
"I use convection cooker. Mas matipid to kesa sa mga burners. Look." Nagpipindot siya doon.
"Eto yung on and off button. Etong isa naman, yan yung para makontrol mo yung temperature na gusto mo. Kung nagmamadali ka pwede mong i-set yan hanggang 200 degrees Celsius. And eto naman yung panlinis niya kapag may natatapon dito sa surface. Pero make sure na hindi na siya naka-on at hindi na mainit yung lutuan bago mo linisan."
"Nakakatanga pala minsan maging mayaman no?"
"Namomroblema ka na? Tss! Oh sige na. Magluto ka na. Pakilinis ng buong bahay ah. Maliligo muna ako."
"Kailngan mo bang ipaalam sa akin na maliligo ka?" takang tanong ko. Maliligo nalang eh. Nagpapaalam pa. Ano siya kinder?
"Anong gusto mo? Umalis nalang ako dito basta na hindi nagpapaliwanag? Syempre maguguluhan ka at sa tingin ko ay kabastusan yun sa parte mo. Kay ako nagpaalam okay?"
"Okay fine. Umalis ka na nga at magluluto pa ako. Bilisan mo doon. Anong oras na. Ma-traffic pa naman ngayon."
Umalis naman agad siya ng wala nang madaming dada. Agad akong nagprito ng uulamin niya. Saka ako nagsalang ng kape sa coffee maker. Oo marunong din akong gumamit nito kasi nakapagtrabaho ako noon sa isang coffee shop ng tatlong buwan lang. Ang kaso dahil panggabi ang duty at kailangan kong puntahan si Tatay sa hospital ay hindi ko na itinuloy.
Matapos akong magluto ay naghain na ako. Sinigurado kong maayos yung pagkakalagay ng mga gamit doon sa mesa. Baka kasi may masabi siyang masama. Pero nalinis ko na ang mga pinaglutuan ko at lahat aba! Hindi parin lumalabas yung kumag na yun. Asan na ba yun? Nalamon na ata ng inidoro. Oy speaking of the devil! Ayan na pala siya. Pogi parin tsk!
"Ang tagal mo naman! Nakapaghugas na ako't lahat wala ka parin? Akala ko nga nalamon ka na ng inidoro dahil ang tagal mong nailuwa sa banyo mo. Para ka namang babae kung kumilos eh."
"Wow! Ang gandang bungad ah! Sino ba boss dito? Baka nakakalimutan mo na papasahurin pa kita."
"Ay wow! Baka nakalimutan mo ang atraso mo? Akala mo wala akong alam sa batas? Hoy mag-isip ka ulit boi! Memorize ko ang 1987 Constitution noong Senior High School palang ako kaya may alam din ako. Pinalalampas ko lang ang sinabi mong may utang pa ako na one thousand plus dahil sa bill ng hospital when in fact dapat ay bayad na ako dito kasi ikaw naman ang nakasagasa hindi ba? Pero dahil lang kailangan ko talaga ng pera kaya pumayag akong magtrabaho. Kung tutuusin kahit saang korte pa natin to ilaban kaya kong makahingi ng danyos na kalahating milyon. Pero ayoko sa ganon. Gusto kong pagtrabahuan lahat ng pera na pumapasok sa bulsa ko. May hiya pa naman ako sa katawan kahit mahirap lang akong nilalang."
Natahimik siya at nagtiim bagang. Kitang kita ko kung paano gumalaw yung panga niya na nagpapadagdag ng kagwapuhan niya. Perp bahala na! Hindi ako madadala sa kapogian niya. I am fighting for my right.
"Oh natahimik ka? Dahil ba tama ako? Sige na kalimutan mo na yun. Kumain ka na jan at pumasok na sa trabaho mo. Maglilinis.pa ako dito sa bahay mo. Hihintayin nalang kitang makauwi dahil syempre, nasayo ang pera. Don't worry, hindi kita nanakawan. Wala sa bokabolaryo ko ang magnakaw kahit hikahos pa ako."
Naglakad na ako palabas ng kusina. Nandoon kasi siya natuod na parang tanga. Tsk! Pero nagulat ako nung mahigit ako ng isang malakas na pwersa at sumubsob ako sa isang pader - ay este dibdib pala niya. Wow ang lapad ah! Ano kayang feeling na mahiga ka dito no? Ay erase! Ano ba utak! Ang aga pa naba-virus ka na!
"Stay." His voice was husky and it sent shivers to my spine. Nag-angat ako ng tingin and oh lala! Bumungad sakin ang gwapo niyang mukha.
"Ha?"
"I said stay. Sabayan mo akong kumain. Saka ano... Sorry pala kanina. Mali ako." In fairness! Hindi naman pala bad talaga si Kuyang Pogi oh! May apology pa.
"Ah ayos lang yun. Pasensiya ka na at nanghimasok ako sa buhay mo. Mali din ako doon." He smiled at me at animo nag-rumba ang mga laman loob ko.
"It's okay. I love how feisty you are." Hindi ko narinig ang sinabi niya. Ano daw?
"Ano?"
"Wala wala. Sabi ko nagugutom na ako kaya kumain na tayo. Tara na?"
Pinaghigit niya ako ng upuan bago siya naupo. Gentleman na gentleman ang kuya niyo.
"Anong oras ka ba uuwi?" tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"I don't know. Kapag siguro marami ang ginagawa maybe six p.m. or seven."
"Hmm... Sige. Maglilinis ako dito sa bahay mo at maglalaba narin ako. Ah... Magbabaon ka ba ng lunch?"
"Hindi na. Sa labas ako kakain mamaya. Kasama ko si Thorn. Nagtampo yun kahapon dahil nga hindi natuloy yung lakad sana namin dala nga nung mabunggo ka namin sa daan. Kaya ngayon ako babawi sa kanya."
"Ah! Si Kuyang Chinito na doctor. Hmm! Pakisabi pala sa kanya na salamat ah!"
"Sige. Makakarating sa kanya. See you later then? Una na ako. Six narin at baka hanapin ako ni Daddy doon sa office."
"Sige mag-iingat ka." Lumabas na siya kalaunan at ako nga ang natira dito sa loob.
Nagsimula akong mag-imis ng kalat sa mesa saka naghugas ng pinagkainan. Nilinis ko talaga yung lababo bago ako umalis at chineck yung mga nakasaksak na bagay. Baka magkasunog dito pag hindi ko natanggal.
Naglinis din ako sa sala niya. Medyo maalikabok lang ang mga gamit pero ayos naman ang lahat. Dalawa lang naman ang kwarto ng condo niya. Yung tinulugan ko kagabi at yung kwarto niya.
Pinihit ko ang seradura ng kwarto niya. Buti at hindi naka-lock. Ay bopols ka Annika! Malamang papalinisan sayo tapos isasarado? Walang common sense.
Pero pwersahang tumakas sa katawang lupa ko ang kaluluwa ko nung makita ko ang kwarto niya. Langit na mahabagin! Nabagyo yata dito eh! Eto yung kabaliktaran ng kusina at sala.
Ang mga damit niya nakakalat tapos ano to? May mga lotion at pabango sa lapag! Saka yung sapatos! Jusko!
Isa isa kong pinulot yung mga maruruming damit saka nilagay sa laundry basket. Sinunod kong inalik yung mga nakakalat na lotion at iba pang abubot sa lapag. At yung mga damit niyang naka-hanger pa pero nakakalat sa kama niya ay binalik ko sa walk-in closet niya. Inabot ako ng siyam siyam sa pag-iimis palang ng kalat ah!
Nagtanggal ako ng alikabok sa mga divider dito tapos yung lapag ay minop ko rin. Ang mga bintana niya ay nakasara kaya binuksan ko para pumasok ang hangin. At tada! Umaliwalas naman ang kwarto niya.
Nagtungo ako sa banyo. Good thing hindi madumi yung banyo niya. Siguro makalat lang talaga siya sa gamit niya kakapili ng susuotin sa umaga. Malamang sa dami ba naman ng damit niya ay malilito na siya kung alin ang isusuot.
Agad kong dinala yung laundry basket sa laundry area niya. Malawak ang laundry area. May heavy duty na washing machine saka marami ang sabon kaya hindi ako nahirapan sa paglalaba. May malaki pa siyang fabric conditioner dito kaya mabango lahat ng labada ko.
At last! Natapos narin ako! Nanakit ang katawan ko doon ah! Naisipan king maligo kaya naligo ako. Alangan naman kumanta diba? So pagkatapos kong maligo ay kumulo na ang tiyan ko. Ala una y medya na pala. Gutom na ako. Nagluto nalang ako ng isang malaking cup noodles doon. Hindi naman siguro siya magagalit dahil kinain ko to. At ayon yung last kong naalala bago ako makatulog.
***
Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko. Anong oras na ba? Agad akong nagmulat at nabungaran ko nga si Kuyang Pogi. Ala sies na pala.
"Hey! Napagod ka yata ng sobra. Anyway wag ka matulog dito sa sofa. Sa kwarto ka sana natulog. Mas maayos higaan ang kama."
"Ay naku wag na! Oi yung sahod ko pala! Naglinis na ako. Siguro naman pwede ko nang makuha yung 1K plus na sukli ko?"
"Yeah. Alam kong naglinis ka at naglaba. Kaya lang kailangan kita dito eh. Hindi ka pa aalis."
"Ano?! Pinagloloko mo ba ako? Hoy kidnapping to?"
"Calm down. And hey this is not kidnapping. Iha-hire kita. Fifteen thousand per month umagree ka lang. Libre na ang pagkain at tirahan mo. Ang kailangan mo lang gawin ay maglinis, magluto at maglaba. Ganon kasimple ganon kadali."
"You mean... Kinukuha mo akong yaya?"
"Anong yaya? Ano ako bata? Kinukuha kita bilang katulong ko. Madami kasi akong ginagawa at wala na akong oras para maglaba dahil ng pagod ako sa trabaho. At ayoko naman na kumuha ng ibang mga tagalinis dito dahil wala akong tiwala sa kanila. Iba na ang panahon ngayon."
"Ay wow! May tiwala ka sakin? Eh hindi mo pa naman ako kilala."
"I know who to trust and who is not worth my trust. Alam ko na sa kabila ng pagiging madaldal mo ay may mabuti kang puso. Hindi ka rin humihingi ng anumang kapalit sa pagtulong mo sa kapwa. And you do your work with perfection kahit na hindi mo minsan alam ang mga bagay bagay sa paligid mo. And I salute you for that." Natameme ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.
"So ano? Papayag ka ba?"
"Oo naman! Pera na to! Hindi na ako tatanggi."