ANNIKA ROSE SEBASTIAN
Ang ganda ng umaga! Kasing ganda ko at ng mood ko. Bakit? Nagtanong ka pa. Syempre dahil may trabaho na ako. At isa na akong... Dakilang Katulong ni Kuyang Pogi.
Hay naku! Wala na akong oras na maging choosy pa no! Pag may pera na sunggab agad. Baka kasi iba ang makakuha eh sayang. Agad akong nagligpit sa kwarto at naligo. Mas mabuti nang maligo ng alas kwatro ng umaga para hindi ka antukin at tamarin sa pagkikilos ng gawaing bahay.
Syempre pagkatapos ko ay inuna ko muna yung paghahanda ng pagkain dahil may taong papasok ng maaga sa opisina. Eksaktong pagkalapag ko ng pinggan na may pagkain ay naupo si Kuyang Pogi. Ay himala! Ang aga ngayon ng nilalang na to.
"Oh Sir! Good morning! Ang aga natin ngayon ha?" Bungad kong bati. Dapat batiin ang amo. Malay mo may ibigay na bonus.
"Yeah. I need to be early. Nagkaproblema sa kompanya eh. I need to be there para ma-check ko yung situation." Panay ang lagay niya ng pagkain sa pinggan niya. Imbes na kape ang pinrepare ko ay nag prepare nalang ako ng orang juice. Mas madali itong inumin kesa sa mainit na kape.
"Ah ganon ba? Naku hindi pa pala ako nakaluto ng lunch mo Sir. Paano na yan? Wala kang baon?" Tanong ko agad. Di ko maiwasang mag-worry. Sana pala ay mas inagahan ko na yung paggising. Baka unang araw ko palang sa trabaho eh sisante na ako.
"It's okay. Hatiran mo nalang ako ng lunch sa opisina. Eto ang address. Eto ang pamasahe para sa taxi. Mag-taxi ka nalang para mabilis." Inilapag niya sa mesa ang isang card at pera.
"Okay. Ah... Sige mag-ingat ka sa biyahe."
"I will bye." At umalis na nga siya ng tuluyan.
Heto ako naiwan. Ay wow! Teka, parang nag-emote lang ah? Hmm... Pwede siguro akong mag-artista ang kaso lang ako yung gaganap na pulubi sa gilid.
Hep! Tama na ang drama! Agad akong nag-imis ng kalat at naglinis na ng bahay. Hindi pa naman madami ang labahin kaya konti lang ang nilinis ko. Hindi ngayon makalat ang kwarto niya dahil siguro sinuot niya yung pinakaunang damit na nasambot niya sa closet niya sa kakamadali.
Eksaktong alas nuwebe y medya ng umaga ay nagsaing na ako. Pinabayaan ko muna kasi naligo ako. Hindi naman masusunog yun dahil naka-rice cooker naman. Natapos akong maligo ng alas diyes. Agad kong nilagyan ng kanin ang isang tupperware upang medyo lumamig. Mapapanis kasi kapag mainit pang tinakpan. Nagluto ako ng simpleng ulam; menudo. Saka ako nag-prepare ng fresh lemonade sa isang cooler.
Ayan! All set. Dali dali akong bumaba. Good thing walang interruption sa elevator dahil kung hindi ay mas matatagalan akong matapos. Nagpara ako ng taxi tapos nagpahatid sa address ng building nila. Masyadong kilala ang MV Electronics kaya hindi na naguluhan pa ang drayber ng taxi.
Nasa harapan na ako ng building bitbit ang malaking paper bag na naglalaman ng mga pagkain. Naglakad ako papunta sa entrance at hindi naman ako hinarang ng guard.
"Yes Miss? May kailangan ka?" agad na tanong ng babaeng nasa reception area. Nakataas pa ang kilay niya na alam ko namang peke kasi ginuhit lang gamit ang eyeliner.
"Ahm... Sa opisina sana ng anak ng CEO," sabi ko. Nakalimutan ko kasing itanong kung anong mga detalye ng boss ko eh. Pasensiya na at isa akong tanga.
"At bakit?! May appointment ka ba sa kanya?" Mapangmata niya akong sinuri. Jusko! Akala naman niya ang perfect niya ha?
"Oo. May kailangan akong iabot kay boss. Baka kapag nagutom yun eh magbuga yun ng apoy at ikaw ang unang matusta. Baka gusto mong makita na mag-evolve siya at mag super saiyan sa harap mo?" Bwisit! Ang haba ng sinabi ko. Madala ka sa sindak na lenchak ka!
"Ah... 50th floor. Opisina niya yung may pinto na kulay blue."
Naglakad na ako patungo sa elevator at pinindot ko ang 50. Many people come and go. Alas once y medya ay nasa harapan na ako ng opisina niya. Kumatok ako ng tatlong beses saka ko pinihit ang seradura.
Pero sana ay hindi ko nalang ginawa dahil nakasaksi ako ng malagim na eksena. Nakita ko si Kuyang Chinito na nakayakap kay boss. What the eff!
Agad silang napabitaw sa isa't isa nung makita nila ako.
"I never heard you knock!" Pagalit na sabi ni boss.
"Uy boss! Kumatok ako ng tatlong beses. Sadyang hindi mo lang narinig o nagbingi bingihan ka kasi naglalabing labing kayo jan. Ewan ko nga sayo!" Tuloy tuloy akong pumasok sa loob saka ko inilapag sa center table yung paper bag. Lalabas na sana ako nung harangin ako ni boss at ini-lock niya ang pinto.
"Ano na naman?"
"Wag na wag mong ipapagkalat ang nakita mo ha?"
"Anong akala mo sakin? Chismosa para magpakalat ng balita sa buhay ng iba? Ang dami ko pang trabaho sa tingin mo aatupagin ko pa yun? My God! Hindi ako yayaman kapag nandaldal ako sa iba."
"Hindi mo ba kami huhusgahan?" Alanganing tanong niya. Napataas ang kilay ko.
"Ha? Ano ako? Abogado? Hindi na no! Wala akong oras. Hindi naman hahaba ang buhay ko kung manghusga ako."
"You mean, hindi ka nandidiri sa nakita mo? I mean... You just found out na may relationship kami ni Thorn."
"Bakit naman ako mandidiri? Kayo naman ang may relasyon. Wala namang kaso yun. Uso na yan ngayon. Alam mo na. Mga bi na na-fall sa kapwa bi. Hindi na ako nagulat. Talamak na yan sa lipunan."
Natahimik sila pagkatapos ng sasabihin ko. Paalis na naman sana ako nung may humawak sa braso ko. Pagtingin ko si Thorn pala. I looked at him questioningly.
"Bakit?"
"Stay. May mahalaga akong sasabihin." Agad naman akong nahila patungo sa upuan doon.
"Ano ba yun?"
"Annika right?"
"Oo."
"We need your help. Babayaran ka namin kahit limang milyon." Nanlaki ang mga mata ko. Ay weh? Ang laki ng offer ah.
"Anong gagawin ko?"
"You need to get pregnant with Von's child."
"Pregnant. Magbubuntis sa anak ni Von. Yun lang pala... Teka ano?! Hoy anong kala mo sakin? Pokpok? Paanakan? Uy kahit mahirap ako boi hindi ako napatol sa mga ganyang pagbebenta ng katawan. Santisima ka!"
"Please. We really need your help. Kikilalanin ka parin namang ina ng baby eh. Ibibigay ni Von yung condo niya sayo saka yung limang milyon. He needs to have a child na magiging tagapagmana ng kompanya. His father demands so."
"Ayoko nga! May prinsipyo parin ako kahit ganito lang ako. Hindi ako tatanggap ng suhol. Saksak mo sa baga mo yang milyon mo. Why not mag-ampon ka nalang boss? Ang dami jan na nasa bahay ampunan."
"Ipapa-DNA test siya ng pamilya ko kaya dapat dugo at laman ko ang bata."
"O edi sa mga club ka pumunta. Maraming ready bumukaka doon. Pwedeng buntisin," suggest ko.
"No way! Mga makakati yung mga yun. Saka ikaw yung nakikita ko na pwedeng fit sa hinahanap naming babae. Yung babaeng hindi maghahabol sa lalaki. Alam mo naman na may relasyon kami ni Thorn kaya hindi pwedeng umepal yung girl sa story namin."
"Ayoko parin. Alin ba doon ang hindi mo maintindihan? Gusto mo i-spell ko pa ang ayoko? Baka gusto mong isampal ko sa pagmumukha niyong dalawa yun? Madami kang pera kaya pwede kang kumuha ng mga surrogate mother jan sa gilid gilid."
"Ayoko sa ganon. Hindi ako komportable."
"At tingin mo komportable ako ngayon? Mag-isip ka ulit. Wag ka na sakin. Walang patutunguhan ang usapang ito. Aalis na ako boss!" Tumayo na ako at naglakad paalis na sana nung biglang lumuhod sa harapan ko si boss. Ho langit tulong po! May gwapong nagpo-propose sakin. Kaso ayoko.
"Please. Maawa ka naman sakin oh! I have poured everything to make this company rise. Lahat ng oras at effort ko. Matagal ko nang pinaghandaan ang paghawak ng MV Electronics pero dahil lang sa gusto ni Daddy na kailangan kong magkaroon muna ng anak bago ako mamahala ay mawawala na sakin to ng tuluyan. Dad will give the company to the charities if I fail his last will. Please naman. Kung gusto mo, I can even pay higher. Just please pumayag ka lang sa offer ko. Kahit ano pwede mong hingin basta inclined lang sa pera."
"Alam mo boss. The concept of the world doesn't always revolve around money. May mga bagay na hindi mo mabibili at isa na doon ang prinsipyo ng tao. Kaya I politely decline your offer. Kahit palayasin mo pa ako kahit na mamatay pa ako sa gutom. No can do. I'm sorry."
I was rooted on my place nung nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Ay hala! Bakit umiyak si Kuyang Pogi? Pero kahit anong iyak niya ang hot niya parin eh! Asan ang hustisya?
"Come on Rus. Stand up. Wag mong pilitin ang tao. Maghanap nalang tayo ng iba na pwedeng maging ina ng anak mo. Surely there's a lot of women out there who's very willing. Tama siya, you can't buy principles."
"Pero siya ang gusto ko Thorn and that alone will be a big deal! Ayoko sa iba! I can't picture myself having a son or a daughter to other women out there. Heck! She's the only woman who I am comfortable with. And I know that I will never go wrong with my decisions."
Natahimik si Thorn. His eyes were clouded with disbelief and is that pain? I was constantly processing the information in my mind at tinitimbang ko ang mga positibo at negatibong magiging kalalabasan ng desisyon ko.
Positive dahil magkakapera at magkakabahay ako. Ayos lang naman sakin na magkaanak dahil hindi naman ipagkakait sakin ang bata. Maayos naman ang buhay niya in the future kung sakasakali lang kasi mayaman naman si boss. Okay lang naman sakin na magkaanak kahit hindi ako kinasal or whatsoever. Talamak na ang issue na yan ngayon sa lipunan at may manghuhusga man, ano bang alam nila? Pero negative effect is mababali ko ang pinakamahalagang prinsipyo ko sa buhay and that is never stoop so low no matter how poor you are. Never na never mong ibababa ang sarili mong dignidad para lang sa pera and this is a clear example of destroying your dignity.
Naguguluhan ako pero naaawa din ako kay boss. Buong buhay niya halos ay pinaghandaan niya ang paghawak ng kompanya na to. Alam ko at nakita ko ang concern niya at effort niya kahit ilang araw ko palang siyang nakilala. He is hardworking and meticulous person. Kung sakasakali man, parang nag-contribute narin ako sa pagkasira ng pangarap niya sa buhay and I don't want that too. It breaks my heart to see other people miserable when in the first place ay kaya ko naman silang tulungan para maiwasang maging ganon ang takbo ng buhay nila.
I remember my parents when I was still young. Dahil wala akong kayang magawa kaya nawala sila sa mundong ito. It was too late for me to realize na nagpabaya ako. I could have made a decision to contradict fate. Sana nakaya kong isalba kahit si Tatay naman lang. Pero dahil salat ako sa pera ay wala akong nagawa. And I don't want that to happen to other people.
"Fine. I will do it. I am willing to be pregnant," buong loob na sabi ko. Deep inside ay kinakabahan talaga ako. I never knew that this day will come. That my greatest principle in life will be broken.
"Anong sabi mo?" Tanong sakin ni boss.
"Pumapayag na akong maging ina sa anak mo. Hindi mo naman ipapagkait sa akin ang bata eh kaya ayos lang. Nakokonsensiya lang ako na isa ako sa magiging dahilan kaya hindi mo maaabot ang pangarap mo. Hindi ko gusto na makita mo sa harapan mo kung papaano gumuho ang lahat ng pinaghirapan mong buuin sa napakahabang panahon. I am not that heartless. I may destroy my principle yet alam ko na iyon nalang ang natitirang alas ko para mabuo ang pangarap mo. Total ay sira na naman ang buhay ko edi wasakin nalang natin para isang bagsakan nalang. If my fall will be your rise then I will gladly accept the fall to see you rise."