Chereads / She Came / Chapter 11 - Kapitulo Ocho

Chapter 11 - Kapitulo Ocho

VON RUSSELL

"Fine. I will do it. I am willing to be pregnant." Natigalgal ako sa sinabi niya. Seryoso na ba siya?

"Anong sabi mo?" tanong ko. Sinisiguro ko lang naman. Baka fake news eh.

"Pumapayag na akong maging ina sa anak mo. Hindi mo naman ipapagkait sa akin ang bata eh kaya ayos lang. Nakokonsensiya lang ako na isa ako sa magiging dahilan kaya hindi mo maaabot ang pangarap mo. Hindi ko gusto na makita mo sa harapan mo kung papaano gumuho ang lahat ng pinaghirapan mong buuin sa napakahabang panahon. I am not that heartless. I may destroy my principle yet alam ko na iyon nalang ang natitirang alas ko para mabuo ang pangarap mo. Total ay sira na naman ang buhay ko edi wasakin nalang natin para isang bagsakan nalang. If my fall will be your rise then I will gladly accept the fall to see you rise."

"You don't know how much you made me happy with this. I will prepare the contract as soon as possible."

Pagkatapos ng eksena na iyon noong nakaraang araw ay wala namang awkward na naganap samin ni Annika. Ganon parin naman ang pagtrato niya sakin na animo isa lamang deal sa kompanya ang naganap. At ngayon nga ay linggo.

"Hey! Magbihis ka ng disenteng damit," utos ko sa kanya. Naglilinis kasi siya ngayon sa salas. Nakahawak siya ng feather duster at pamunas na medyo basa.

"Ha? Anong masama sa damit ko? Hindi naman ako mukhang pokpok dito ah?!" Nakakunot pa ang noo niya habang nasagot. Tumaas din ang boses niya.

"I mean maayos na damit. Damit pang-alis. Hindi ko sinabi na mukha kang pokpok sa suot mo," pagpapaliwanag ko sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag - ah... Mukhang? Hindi ko alam.

"Ganyan dapat. Mamili ka kasi ng tamang terms at nang hindi ma-misinterpret ng tao."

"Ay weh? Tao ka?" Pagjo-joke ko sa kanya na agad namang ikinakulo ng dugo niya. Namula ang buo niyang mukha at para nang sasabog siya ngayon.

"P*tang ina! Anong gusto mo? Gilitan kita ng leeg jan?" Tinaas ko ang mga kamay ko na parang sumusuko. Amasona talaga to. Ang tabil pa ng dila.

"Kalma lang. Ang hot mo eh."

"Saan ba kasi tayo pupunta na naman ha boss? Ang aga aga pa tapos may pa ganyang lakad kayo. Alam niyo ba na nakakasira kayo ng order ng mga gagawin ko sa araw na to?"

"Nagrereklamo ka na ba? Gusto mo bang bawasan ko ang sweldo mo?" Agad namang nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis pa sa alas kwatro na ibinalik niya sa lalagyan ang feather duster at ang pamunas na dala niya.

"Ay hindi ah! Nagtatanong lang ako. Wala akong reklamo." Agad siyang pumasok sa kwarto niya. Takot talaga yun sa bawas sahod.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na din naman siya. Kaya hindi natagalan kasi nakaligo na naman kami kanina. Pero mukha paring walang pinagbago ang itsura niya.

Naka t-shirt siya na may kaluwangan sa kanya tapos faded jeans na blue at tsinelas. Wala bang sapatos to? Kahit kelan talaga ang baduy ng babaeng to.

"Yan na ba ang maayos mong damit?" Takang tanong ko.

"Oo. May angal ka dito? Meron lang naman akong pitong t-shirt saka tatlong pantalon, dalawang short tapos pencil skirt isa." Napailing nalang ako. Memorize pa nga niya ang mga damit niya ah?

"Ay naku tara na nga!"

Bumaba na kami sa parking lot. Syempre nandoon ang kotse ko. Habang naiipit kami sa traffic ay nagtanong na naman siya sakin.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Ginulo pa niya ang buhok niya na buhaghag.

"Sa Mall," maikli kong tugon.

"Mall? Bakit doon? Mamimili ka ba ng pagkain?"

"Hindi. Basta tumahimik ka nalang jan."

At last, we reached the mall. Medyo marami nadin ang tao dahil near noon na naman. Pumasok kami at dumiretso na sa section kung saan nakalagay ang mga damit.

"Eto. Isukat mo."

"May pagbibigyan ka ba na ka-size ko? Tinatamad talaga ako eh." Humikab pa talaga siya.

"Susuotin mo o palalayasin kita? Mamili ka."

"Oo na. Akin na nga!" Padaskol niyang kinuha mula sa kamay ko ang naka-hanger na damit. Nakailang balik din siya sa fitting room dahil pag may natitipuhan akong damit ay ipinapasuot ko sa kanya.

"Miss, do you have wedge sandals here?"

Agad namang nagturo ang saleslady at pinasukat ko na naman. Mula sa sapatos, tsinelas, sandals at damit. Pagkatapos ay nagbayad na din ako sa counter.

"Bakit nandito tayo sa harap ng parlor?" Takang tanong niya.

"Dahil mukhang pugad ng ibon yang buhok mo sa sobrang pagkabuhaghag. Ang pangit pa ng kuko mo tapos ayan oh!" dinutdot ko ang pisngi niya.

"Oily na yan. Overall, ang pangit mo."

"Wow! Kung makapanlait ka akala mo naman walang kapintasan sa katawan."

"Wala naman diba?"

"Yun ang akala mo. Madami ka ding kapintasan. Gusto mo isa isahin ko ngayon dito at ng matauhan ka?"

"Shh! Ang dami mong dada. Miss, pakiayusan po ang babaeng dugyot na yan." Patulak ko siyang pinalapit doon sa mga parlorista.

Agad naman siyang naalalayan ng mga yun. Hay naku! Ang dami ko pang dapat ayusin pero uunahin ko muna to. Naghintay lang ako doon sa may lounge area.

Bumili muna ako ng kape dahil nabo-bored ako sa kakahintay. Alam ko naman na matatagalan yung mga yun sa loob eh. Tumingin ako doon sa mga pinamili namin. In fairness sa babaeng yun ang liit ng bewang niya. Walang bilbil kahit manipis lang. Matangkad din naman siya.

After so many hours of waiting ay nakita ko nadin siyang lumabas sa wakas. Is that her? Bakit ang pangit naman ata? Nag-iba yung mukha niya. Legit.

May kumulbit sa likuran ko. Syempre lumingon ako. Nakakainis din kapag nawawala ka sa konsentrasyon dahil lang may mga taong mahilig manira ng moment. Sisinghalan ko na sana siya pero umurong and dila ko at nanuyo ang lalamunan ko. Is she a model? Or even a goddess? She's really beautiful aminin ko man o hindi.

"Hoy! Natulala ka jan. Wala parin namang pinagbago diba? Ayan magbayad ka na doon total ikaw naman ang dahilan kung bakit ako napasok doon sa loob ng parlor na yun." Is she Annika?

"Annika?" Tanong ko. Naninigurado lang.

"O bakit na naman? Pagod na ako kakaikot dito sa mall na to. Kung saan saan mo kasi ako hinahatak eh. Akala mo naman puppet ako na pwede hilahilain."

She's Annika. Okay. Mali pala ang akala ko sa babaeng nakita ko kanina. Sorry naman. Pero I can't believe her transformation. Ang ganda niya. Pero hindi ko sasabihin. Nuncang malaman niya na nagagandahan ako sa kanya.

"Ayan! Nagmukha ka naring tao. At least yung makakakita sayo ay hindi ka na mapagkakamalang aso na may dalang pugad ng ibon sa ulo. Oh heto! Bayaran mo na doon. Wag mo akong alilain." Hinablot niya yung card na binigay ko. Wala talagang manners ang babaeng yun kahit kailan.

Nakasuot siya ngayon ng isang blouse na kulay rosas. Naka-fitted jeans na kulay black tapos yung sapatos na binili namin kanina. Well, lahat naman ng suot niya ay pinamili namin. Pagkalabas niya ay hinatak ko na naman siya. Eh sa mas bet kong manghatak eh.

"Saan mo na naman ba ako dadalhin ha? Napapagod na ako. Ang sakit na ng paa ko. Alam mo ba na sinundot nila ng sinundot kanina yung kuko ko?"

"Talaga. Dapat lang yun! Ang pangit ng kuko mo. Jusko! Mapagkakamalan ngang bato yun eh."

"Hoy! Malinis ang kuko ko boi. Sadyang wala lang yung mga kulay kulay na yun. Saka yung mga sundot sundot na ang sasakit. Sana hindi mo nalang ako pinapasok doon kasi sumakit ng sobra ang katawan ko. Nagbayad ka lang para mabugbog ako."

"Ang tabil ng dila mo babae. Halika na nga. Ang bagal mong maglakad."

Pumunta kami sa isang restaurant sa loob ng mall. Nag-order ako ng pananghalian namin total ay alas onse na naman eh.

"Hoy!" Tinampal ko yung kamay ni Annika kasi kakamayin niya sana yung ulam.

"Ano na naman?"

"Wag mong kamayin. Ayan oh! Tinidor at kutsilyo baka alam mo kung papaano gamitin. Sanayin mo na ang sarili mo sa mga ganyan. Mitikuloso ang Mommy ko pagdating sa mga ganon."

"Pfff! Nakakabitin naman kasi to eh. Sayang lang yung bayad mo. Dapat sa bahay nalang tayo kumain."

"Tss! Wag kang masyadong obvious na patay gutom ka. Magkaroon ka ng table manners."

"May manners naman ako ah. Hindi mo lang bet." Dumila pa siya sakin saka nagsimula nang lantakan ang pagkain na nasa harapan niya. Pasaway talaga. Kumain nalang din ako.

Natapos naman ng matiwasay ang pananghalian namin.

"Annika, tambay muna tayo dito. Tinatamad pa akong mag-drive pauwi eh."

"Pero masakit na talaga ang katawan ko." Nagmamaktol na siya habang naglalakad kami. Napadaan ako sa Press It, isang sikat na massage center. Agad ko namang hinatak si Annika papunta sa loob.

"Ano na naman to ha?"

"Masakit ang katawan mo? Magpapamasahe tayo para ma-relax ka naman." Nagbayad na ako para sa massage session naming dalawa tapos nun ay dumiretso na kami sa kaniya kaniyang kwarto na kung saan kami mamasahian.

Pero sabay kaming napanganga nung nakita namin ang isa't isa sa kwarto na pinasukan naming dalawa.

"Hoy! Bakit ka nandito? Diba dapat doon ka sa kabila?"

"Aba malay ko! Pinasok ko lang naman ang kwartong tinuro sakin. Teka! Lumabas ka nga! Kita mong babae ang kasama mo eh!"

"Ay babae ka pala?"

"T* angina ka Boss! Sapakan nalang oh!" Tinaas pa niya ang kamao niya.

"Tss! Just lay down there! Hindi naman iisa lang ang kama. Baka conjoined talaga ang kwarto nila dito."

"Grabe naman. Wala talagang privacy? Parang dapat may tabing dito eh. Pero baka talaga mali ang napasukan mong kwarto Boss!"

"Oh shut up Annika! I'm sore. I need to rest a bit."

"Wow ha? Maka-sore akala mo na-gang bang ah!" Geez this woman! Wala talagang preno ang bibig.

"Bakit ba ang bastos niyang bibig mo? Pasmado na yan. Jusko!" nahihindik na sabi ko.

"Ay naku naman Boss! Hindi ka na nasanay ah! Para namang ngayon ka lang naka-encounter ng babaeng walang preno ang bibig. Saka wala namang bastos sa sinabi ko ah! Not unless may malisya yung iniisip mo," she gave me that infamous smirk of hers. Gaga talaga!

Ilang minuto pa ay dumating na rin yung mga masahista. Parehong mga babae. Pormal naman sila tignan. Sinimulan na nilang masahiin yung likuran namin.

"Ahh! Uhmm!" Putek! Umuungol ba ang isang yun? Walang hiya talaga!

"Ah sige pa! Ja...diyan sa may baba. Uhmm!"

"Hey stop moaning woman!" Saway ko sa kanya. Bwisit ah! Makaungol naman akala mo inaano na.

"I can't help it. Ang sarap eh! Saka ano bang pake mo? Umungol ka din para fair tayo." Bumelat pa talaga siya sakin. Muntimang lang! Nailing nalang ako saka bumalik ng higa sa kama. Patuloy naman yung pagmasahe sa katawan ko at medyo na-relieve nga ang stress ko. Pero nag-iinit ang ulo ko dahil kay Annika. Kahit kailan, kunsumisyon ang dala ng babaeng yan sakin.

Ang ingay ingay niya sa kama ay este... I mean maingay siya ngayon sa kama... Ay parang ganon parin yun! Ano ba! Okay, final na to. Maingay siya ngayon habang minamasahe siya ng masahista sa kama. Hmm... Better na nga.

***

"Hoy boss! In fairness ah. Ang sarap pumisil nung kanina."

"Don't talk to me. Ang bastos ng bunganga mo."

"Ay wow naman! Wala akong sinabing kakaiba sayo. Baka may lumot yang utak mo? Patingin nga?"

Inabot niya yung leeg ko para tignan ang ulo ko.

"Ano ba! Bitawan mo ako."

"Sus! Para namang may virus ako. Oh sige hindi na. Pero ngayon confirmed na, malumot yang utak mo boss. Ipa-cleaning mo yan sa lalong madaling panahon para hindi na lumala."

"Kung ano anong mga bagay lang ang sinasabi mo. Pagod na ako sa kakapakinig sayo kaya tumahimik ka na din okay?"

"Eto na nga. Tatahimik na boss. Basta ba, tumahimik ka rin. Matutulog muna ako ha? Inistorbo mo ako kanina kaya bahala kang magdusa jan. Mag-drive ka na para makauwi na tayo."

Kita niyo na? Boss pa niya ako sa lagay na to ha? Tsk!