Chereads / She Came / Chapter 6 - Kapitulo Cinco

Chapter 6 - Kapitulo Cinco

ANNIKA ROSE SEBASTIAN

Natapos akong kumain. Napadighay ako ng malakas. Salamat Lord sa pagkain! Nabusog po ako. Hinimas himas ko ng marahan ang tiyan ko. Ang sarap nung pagkain grabe. Napasulyap ako kay Kuyang Pogi. At ayon!  Nakita ko siyang nakanganga na animo hindi makapaniwala na naitaob ko lahat ng lalagyan. Tss! Panis pa nga yun eh. Konti palang yun kapag sinagad ko talaga ang pagkain ko. Hindi naman sa patay gutom ako pero kailangan kasing kumain ng marami lalo na pag libre. Sayang din yung biyaya. Hindi natin alam kung bukas ay makakakain ba ako kahit isang gramo lang.

"Oy! Magsalita ka naman jan. Napipe ka na ba? Para ka namang nakakita ng alien jan," saway ko. Ikinaway ko pa ang kamay ko sa harapan niya.

"Did you just..." Hindi niya naituloy ang sasabihin at napailing nalang.

"Ano? Did I just eat all the foods? Oo naman. Patay gutom ba ako? No naman. Ina-appreciate ko lang ang biyaya ni Lord. Sayang kung magtitira. Libre eh at paniguradong kapag may natira man dun eh itatapon mo lang din. Sayang naman diba? Laman tiyan din yun."

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya. Malamang, nagtataka siya kung bakit hindi pa ako umalis pagkatapos kong kumain eh ang usapan ay bukas pa naman ako maglilinis para makuha ko yung sukli ko sa sahod niya.

"Boplaks ka ba? Paano ako uuwi kung napalayas na nga ako sa inuupahan kong bahay. Natural, hahanap pa ako ng matutulugan ko mamayang gabi. Pag hindi sinwerte edi sa gilid nalang ako ng kalsada o kaya sa parke nalang ako magpapalipas ng gabi. Wala naman akong ni singkong duling para makapag check in sa kahit na yung pinakamurang inn lang. Saka kung may pera man ako, sayang din kung igagastos ko para lang sa isang gabing tulog kung pwede naman akong magtiis muna sa gilid gilid jan at nang may maipakain ako sa sarili ko kinabukasan."

"Are you this talkative?"

"Ha? Depende naman yun sa kausap ko. Ang kaso nga lang... Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumagot pag may nagtatanong."

Kroo krooo~

Ang awkward. Yun lang ang masasabi ko. Bow! Nakatingin kasi siya sakin na para bang isa akong libag na nagkapaa ng pito at may mukhang tabingi. Aish! Kaya nanatili nalang din akong tahimik at nakatingin parin ako sa kanya. Napaiwas siya ng tingin. Ganyan nga. Mailang ka. Makuha ka sa tingin ko boi!

"Si-sigurado ka ba na wala kang uuwian? Kamag-anak? Kakilala?" Tanong niya na nagbabakasakali. Kung meron nga lang ang kaso wala eh.

"Ilang beses ko pang uulitin sayo na wala nga kasi napalayas ako sa inuupahan kong bahay. Hindi na ako nakapagbayad ng tatlong buwan na renta at bills ng tubig at kuryente. Kamag-anak? Nah! Sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila. Wala naman akong kilala na kamag-anak ng nanay at tatay ko na ipinagtataka ko rin. At kakilala? Tss! May kakilala nga pero hello! Wala namang libre sa panahon ngayon eh. Lahat ay may katumbas na salapi. Kaya kung makikitulog ka man, may bayad parin yung space na ginamit mo. Pero wag kang mag-alala boi! Hindi ako magpapalipas ng gabi dito. Pero sigurado na babalik ako bukas para maglinis. Kailangan ko ng pera eh. Ano ayos na ba?"

Mahabang katahimikan muna ang bumalot samin. Sinimulan kong iligpit ang mga pinagkainan ko. Nakakahiya naman diba? Nakikain ka na nga tapos ang nagpakain pa ang pagiimisin mo ng kalat? Wag ganon. Uso tablan ng hiya mga be.

Nung mailapag ko sa lababo ang mga pinggan ay hinugasan ko narin. Hindi din naman siya tumutol at parang may malalim yata na iniisip si Kuyang Pogi kaya pinabayaan ko nalang. Baka may problema sa pamilya o kaya ay baka ayaw lang magsalita.

Sinimulan kong sabunin ang mga plato at kubyetos. Maganda ang sabon nila dito. May dishwashing liquid sila. Samantala ako? Jusko day! Uso magtipid kaya gumagamit ng sabong panlaba sa paghuhugas. Take note. Yung pinagtunawan mo na pagkatapos mong maglaba. Kung anong tira yun ang sabon para sa paghuhugas. Apir tayo sa mga makaka-relate nito!

Nagbanlaw na ako saka ko inilagay sa lalagyan ang mga gamit. Nakita ko sa peripheral vision ko na uminom siya ng tubig. Pagkatapos kong maghugas ay humarap na ako sa kanya.

"Salamat sa pagpapakain sakin at pagtulong sakin kanina boi. Mauna na nga pala ako. Babalik ako bukas ng umaga din. Ihanda mo nalang ang pambayad mo ha? Sige." Naglakad na ako kasabay ng pagpulot ko sa backpack ko na madumi na. Puno na ng alikabok dala nga nung insidente kaninang tanghali. Psh! Labahin na naman.

Ipipihit ko na sana ang seradura nung pinto nang biglang may kamay na pumigil doon. Namilog ang mga mata ko. Omo! Ito na ba yung mga napapanood ko sa kapit-bahay kong mahilig sa mga drama kapag tanghali? Talaga bang malas talaga ako sa buhay? Katapusan ko na ata.

Ganito kasi ang mga nangyayari kapag dinala ang isang tao sa bahay ng hindi niya kilala tapos pagtatangkaan siya nito at worse, patayin pa. Pero bago yun, pakikinabangan niya muna sa pamamagitan ng pagbenta sa mga laman loob nito sa mga sindikato?

Mahabaging langit! Tulong po Lord! Mga santos at santas! Pati na sana ang mga anghel. Dinggin niyo po ang panalangin ko. Alam ko po na mahilig akong magmura pero babawasan ko na po wag lang akong mamatay ngayon. Kung dati lima lima ang mura ko ngayon tatawad na ako. Baka tatlo nalang o apat. Please po.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Natatakot akong gumalaw at natuod nga ako sa pwesto ko. Pigil na pigil din akong huminga. My God!

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin.

"Ah ... Eh... Nagdarasal." Kumunot ang noo niya.

"For what? Teka... Iniisip mo ba na gagawan kita ng masama?" Napamaang siya sakin at nakaturo pa siya sa sarili niya.

"Ay? Mind reader ka Kuya? Ang galing ah!"

"Psh! Tangek! Hindi ako masama. Pipigilan lang kita sa pag-alis mo. Delikado na. Pagabi narin at babae ka pa naman. Stay here total ay maaga ka pang maglilinis bukas. Baka takasan mo kasi ang bayarin mo. Use that room na maple ang kulay ng pinto. May mga hygiene products na rin sa loob ng guest room na yan." Tuloy tuloy lang ang pagtalak niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nung malaman ko na hindi naman pala niya ako gagawan ng masama. Well, kung pagbabasehan ang tindig at itsura niya, malayo nga namang maging kasing sama siya ng mga sindikato. Yung kanina? Sus! Syempre wala namang mawawala kung pangungunahan mo na sa utak mo ang mangyayari eh. Yan ang advance thinking.

"Nga pala. Alas kwatro ng umaga ang paggising mo. May trabaho pa ako. Kailangan maaga ako sa opisina bukas." Imporma niya sakin. Nakaupo kami ngayon sa may salas.

"Ah... Okay. Baka nga naman magalit ang boss mo pag na-late ka at masibak ka talaga sa pwesto," pagko-conclude ko.

"Hindi ako masisibak sa pwesto. Ako ang boss. Pero si Daddy parin naman ang CEO eh." Ahh... Kaya pala.

"CEO ba? Yung... Chief Executive Order ba yun?" Tanong ko. Kaklaruhin ko muna.

"ANO?!"

"Diba yun yon?" Napakamot ako ng batok. Aba malay ko ba sa CEO CEO na yan. Nung hayskul ako wala namang ganun.

"CEO means Chief Executive Officer hindi Order. Matuto kang magbasa."

"Kung pera palagi ang nasa isip ko dahil sa nakaratay na aking namayapang ama malamang wala na akong ibang iintindihin kundi ang kumayod ng kumayod para may pambili siya ng gamot. Maswerte na nga ako dahil may mga ayuda ang gobyerno kung hindi, hindi na nagtagal ang buhay ng ama ko." Natahimik naman siya. Narealize niya ata ang punto ko. Lahat ng tao ay nagkakamali pero hindi sa lahat ng oras ay aware sila doon. Minsan, ignorante lang talaga sila.

Sa kaso ko, oo masasabi ko na may pagka-ignorante ako sa ibang mga bagay sa mundo. Pero hindi naman ako ganon ka tanga at kabobo. Naka-graduate naman ako ng senior high school at katunayan niyan ay gumradweyt ako ng may medalya pero hindi nga lang nakapagkolehiyo. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon malamang ay uunahin mo muna ang panlaman tiyan bago ang eskwelahan.

"Saka correction ah. Hindi kita tatakasan no! Anong akala mo sakin? Budol budol na mahilig sumibat?"

"I just want to make sure. Wala namang masama kung maninigurado ako hindi ba?"

"Bat ang tabil yata ng dila mo ngayon? Kanina tinanong mo ako kung bakit ba ako daldal ng daldal tapos ngayon dinadaldal mo ako. Pambihira!"

"Ang dami mong napupuna. Matulog ka na nga. Baka mabinat ka kakadada mo jan. Remember, hindi pa maayos ang lagay mo. Ayaw mo naman sigurong madala na naman sa hospital bukas."

"Grabe ka naman. Malakas yata to boi! Tsk! Sige na nga."

Naglakad na ako papunta sa kwarto na sinasabi niya. Wala nang hiya hiya. Kailangan ko na kasing magpahinga dahil ramdam na ng katawan ko ang sakit dala nang mga sugat ko. Namangha ako nung pumasok ako sa kwarto na para sa bisita. Ang laki naman ng kwarto na to. Para na nga tong espasyo doon sa inuupahan ko eh. Kung sabagay, mayaman nga naman ang may-ari.

Nagtungo ako sa CR dito sa kwarto. May shower sa loob. Ang linos linos tapos malawak din ang CR. Kumpleto na sa sabon, shampoo, tissue paper, roba at tuwalya. Ayos ah! Ang saya maging bisita ng mayayaman.

Hinubad ko na ang damit ko saka ako kumuha ng tabo. Buti nalang may balde at tabo dito. Typical Filipino tradition. Agad akong nagbasa ng katawan. Hindi ako maliligo dahil nga sa mga sugat ko sa ulo. Dahan dahan kong sinabunan yung tagiliran ko. Nagkasugat din ito pero hindi naman masyadong malaki dahil nga doon sa bag ko. Pero mahapdi ang siko ko. Bawat galaw ay nagpapakirot talaga sa sugat.

Napapa-hiss ako habang nagsasabon. Dali dali  akong nagbanlaw para mawala ang sabon dahil mahapdi talaga. Nung matapos ako ay kinuha ko yung isang tuwalya dito. In fairness ha? Puti talaga ang tuwalya nila. Sabagay, mas gusto ko ang puting tuwalya dahil mas mabilis itong malabhan. Mas nakikita mo kasi ang dumi kung nasaan. Saka pwede mong ibabad sa bleach para mabilis na pumuti.

Nagbihis nalang ako gamit yung mga damit na dala ko. Isang pajamang pula na may print na angry birds. Tapos ay maluwang na t-shirt. Syempre hindi na ako nagbra. Nakakasakit kasi yun so dapat hubarin.

Pabagsak akong humiga sa kama, only to groan dahil kumirot ang sugat ko. Walang hiya!

"Aray naman! Ayan Annika. Tatanga tanga ka kasi! Hindi ka sana dadaing daing jan dahil sa kirot ng sugat mo kung nag-iingat ka lang. Edi sana hindi ka nasagasaan. Timang ka rin eh! Paano nalang kung hindi si Kuyang Pogi at si Kuyang Chinito yung nakabangga sayo? Edi na hit and run ka na at natsugi doon. Kahit naman puro kamalasan ang nangyayari sa buhay mo eh hinangad mo parin namang mabuhay ng matagal," pagkausap ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga ako. Hay Lord na buhay! Para paring Life. Komplikado at marahas! Habang inaalala ko ang rason kung bakit ako nandito. Nagbabalik talaga sa puso at isip ko ang mga alaala ng mga yumao kong mga magulang eh. Agad na nanggilid ang mga luha sa mga mata ko. Nanlabo narin ang paningin ko dala nito.

Napasinghot ako kasabay noon ay sumakit ang lalamunan ko. Pigil na pigil akong umiyak pero sa huli ay bumaha din ang mga luhang matagal ko nang inipon. Mga luha na ikinubli ko sa isang malakas at determinadong maskara ng pagkatao ko. Kailangan ko kasing ipakita na malakas ako dahil yun nalang ang meron ako. Ayoko na naapi ako kaya ginagawa ko ang lahat para lumaban.

Pero sadyang may mga pagkakataon talaga na kahit anong laban mo kung ang pinaglalaban mo ay hindi nakalaan para sayo ay wala ring mangyayari.

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa may gilid ng mukha ko. Napahikbi na ako ng tuluyan. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Bukas makalawa, hindi ko na naman alam kung saan ako tutungo. Pagkatapos ng ilang araw ay hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko nang sakupin ako ng nakagiginhawang  dilim.