Chereads / Innocentia [BL] / Chapter 6 - Innocentia - Chapter 06

Chapter 6 - Innocentia - Chapter 06

Nang makapag-ayos ng kaunting gamit niya sa cabinet ay itinabi niya ang iba pa niyang dala sa gilid ng kama kasama ang bag na naglalaman ng cassock.

Sa labas ng pintuan ay nakatayo palang nanonood si Mark at nahihiyang pumasok.

"Umm... Jiro, ito na yung iba mong bag."

"Ah... Salamat Mark." sabay abot niya ng mga ito at itinabi kasama ng iba pa niyang bag.

Lumipas ang ilang saglit na nag-ayos pa ng ibang natirang gamit si Jiro. Nanood lang si Mark sa kanya at ako nama'y kunwari nagtutulug-tulugan na.

"Ano plano mo?" tanong niyang bakas ang pagbabakasakali. Napalingon sa akin si Jiro at kunwari'y di ako nakikinig o nanonood sa kanila nang isubsob ko ang mukha ko sa unan.

"Gusto ko muna mapag-isa. Saan ka ba mamaya? Puntahan na lang kita. Saglit lang naman ako." wika ni Jiro kay Mark.

"Dun lang ako sa room one. Matutulog daw si direk eh."

"Kain ka na lang kaya muna habang hinihintay mo ko. Magtatanghalian na." ang sabi naman ni Jiro.

"Gusto ko sabay tayo kumain."

"Bakit?" ang tila nagkakailang tanong naman ni Jiro na gumagawa na ng aksyon ni si Mark sa kanya.

"Wala lang. Masama ba?"

"Hindi naman. Masyado ka lang kasing malapit..." at biglang humina ang boses ni Jiro na tila binulingan na yata si Mark. Hindi ko marinig kung ano yung sinasabi niya. Hindi na ako makagalaw sa aking lagay dahil nagkukunwaring natutulog na ako. Tumawa saglit si Mark matapos marinig si Jiro.

"Si July? Tignan mo tulog na yan ngayon. Eh ano naman kung malaman niyang ganito tayo?"

"Gusto mo ba akong mawalan ng trabaho?"

"Hindi naman pero kung ganun ang mangyayari kapalit ang puso mo bubuhayin na lang kita. Gagawin kitang misis na taga-alaga ng mga anak natin." ang pilyong sagot ni Mark sa kanya halos umabot na sa tenga marahil ang kanyang ngiti halata na rin sa kanyang sabik na tono ng pananalita.

"Baliw. Wala akong obaryo. Isa pa, ano ba talaga pakay mo at yang mga pinagsasabi mo eh kala mo kung maka-ano ka eh." ang sabi ni Jiro.

"Ah... Eh... Ih... Oh... Uh..." at humagikgik si Mark matapos barahin si Jiro.

"Gawin mo na nga muna yung gagawin mo, Mark. Mamaya na lang." ang sabi ni Jiro naman sabay hubad ng kanyang suot na shirt at pinagmasdan naman siya ni Mark na puno ng pagmamangha. Walang cut si Jiro pero dahil sa mesiso siya't mahubog ang katawan ay tila nagustuhan ni Mark ang kanyang pinanonood sa mga sandaling iyon. Nang maalis ni Jiro ang shirt na hinubad mula sa kanyang ulo ay napatingin siya kay Mark.

"Oh? Ano tinitingin-tingin mo, Mark?" at tumawa ng kanti si Mark na parang napahiya dahil naabutan siya ni Jiro sa kanayng mga tingin.

"Wala. May balat ka pala sa dibdib no? Ang cute! Hugis apoy na maliit parang yung sa kandila? Parang brown na may pagka-pink pero hindi kasing pink ng nipples mo." ang sabi ng pilyong si Mark sa kanya.

"Tarantado ang halay mo." at hinagis ni Jiro sa mukha ni Mark ang hinubad niyang shirt. Nasalo naman ni Mark ito at kunwari'y inamoy-amoy saglit.

"Hmmm.. amoy gatas!" ang sabi ni Mark sa kanya habang nakatakip ang shirt sa kanyang bibig at ilong at nakapikit na nilalasap ang halimuyak.

"Akin na nga yan! Ang manyak mo!" ang sabi ni Jiro naman sabay kuha ng shirt na kaninang ibinato niya sa mukha ni Mark.

"Milk lotion gamit ko." ang pahabol ni Jiro sa kanya.

Habang nag-uusap naman ang dalawa ay hindi ko napigilang mangilabot sa aking mga naririnig. Gusto kong bumangon at mag-walk-out sana pero akala nila'y tulog na ako sa mga oras na iyon. Gusto kong sumuka.

Sa kabilang banda, sa kanilang pag-uusap, iisang bagay ang aking narinig na aking kinamanghaan. Ang balat ni Jiro ay tulad ng sa akin.

"Mark, I need some time alone. Please?"

"Okay, okay. Aalis na. Kitakits tayo mamaya ha? Text mo na lang ako. Buhbyee!" ang malambing at maharot na paalam ni Mark sa kanya.

Nang makasigurado si Jiro na wala na sa paligid si Mark sa labas ng silid.

"Kung alam mo lang, Mark. Gusto kong maging maligaya. Hindi pwede mo. Hindi pwede." ang malungkot na sabi ni Jiro sa kanyang sarili na aking narinig.

"Custos luminis... adiuva me... duce me..." ang malalim niyang wika.

"Ayan nanaman siya sa mga salita niyang kakaiba. Hindi nga ako nagkamali sa narinig ko. Nagsalita nga siya na parang alien." ang sabi ko sa aking sarili.

Lumapit sa aking tabi si Jiro.

"Sir July." ang malambing niyang tawag sa akin. Napatalon ako sa kama at napatitig sa kanya habang nanlalaki ang aking mga mata.

"Ano yun?! Natutulog na ako?! Anong oras na?!" ang mabilis kong mga tanong sa kanya na kanyang tinawanan. Napatingin naman ako sa bintana para kunwari'y inaalam ko ang oras base sa liwanag mula sa labas.

"Sir, wala pa isang oras na nakatulog ka. Paalam lang po ako sir, bababa muna ako sa beach." ang humahagikgik niyang sabi.

"Ah... yun ba?! Bahala ka! Istorbo ka talaga palagi, Jiro. Lagi na lang!" ang kunwari naiinis kong paratang sa kanya.

"Baka kasi sir, gusto mo sumama. Ang init kasi dito baka maligo ka sa pawis habang natutulog ka."

"Ganun ba? Oo... sige..." at napatingin ako sa kanyang balat sa dibdib. Natitig ako ng medyo matagal at nakita niya ang naging reaksyon ng aking mukha.

"Bakit sir? Anong meron?"

"Wala kang shirt."

"Oo sir, pupunta ako sa beach sa baba di ba?"

"Oo nga naman." natutuliro ako sa paghahanap ng ipapalusot kay Jiro.

"Sasama ka po ba?"

"Akala ko ba gusto mo ng 'alone time' mo kaya di mo sinama si Mark? Bakit ako?" ang nagtataka kong tanong sa aking sarili.

"Eh bakit di mo na lang isama yung lalaki mo?" ang maangas na tanong ko namansa kanya. Tila hindi maganda ang dating ng tanong ko sa kanya kaya't biglang lumungkot ang mukha ni Jiro. Lalabas na sana siya ng kwarto.

"Sasama ako. Saglit lang." ang bigla kong nasabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero bahala na. Tumigil naman si Jiro sa harap ng pintuan at hindi na sumagot pa. Malungkot ang mukha ni Jiro marahil dahil sa aking nasabi.

Gusto kong maghubad ng shirt pero naiilang akong baka pagmasdan ni Jiro ang aking katawan. Kung anu-ano pumasok sa isip kong pwedeng isipin ni Jiro na puro kahalayan.

Tumungo kami sa likod ng aming tinutuluyan. Doon ay mayroong beach na gray ang buhangin at dahil sa hindi naman summer ay kami lang na mga empleyado na magshohooting ang naroon. Habang naglalakad sa buhanginan.

"Sir, hanap po tayo ng lilim. Gusto ko lang panoorin ang dagat. Palamig lang din ng paa." ang kanyang sinabi habang sabik na sabik parang batang nakatingin sa akin at kumakandirit pa habang naglalakad patalikod. Tumango lang ako sa kanya.

Sa ginagawang paglalakad ni Jiro ay di ko napigilang matawa. Nakakatuwa siya para siyang batang nakawala sa hawla.

Sa ilalil ng isang puno ng niyog kaharap ng dalampasigan ay naupo kaming dalawa ni Jiro. Tahimik naming pinagmasdan ang dagat habang siya'y naglalaro ng buhangin sa kanyang harapan na lagi namang inaabutan ng alon. Mukhang putik ang buhangin na tinutumpok niya. Maya't-maya'y tumatawa sa kanyang ginagawa.

"Ang wirdo naman nitong si Jiro. Ganito ba talaga mag-isip mga bakla?" ang tanong ko sa aking sarili nang mapuna ko ang kanyang nilalaro.

"Jiro, saan nga pala punta mo after nito?" at napatingin sa akin si Jiro ng nakangisi.

"Nakikita mo yung banda doon? Yun! Yung breakwater?" ang sabi niya habang tinuturo ang abot tanaw na pantalan.

"Sa dulo nun? Ano ka sirena" ang biro ko. Agad naman naging seryoso nanaman ang mukha niya sa aking pagbibiro. Hindi siya agad nagsalita.

"Biro lang. Ito naman. Bakit ka pupunta doon?"

"Hindi ako pupunta doon mismo. Malapit lang doon." ang malungkot niyang sagot sa akin.

"May kamag-anak ka doon?"

"Malapit doon na kumupkop sa akin nung ipamigay ako ng magulang ko nung sanggol pa lang ako." ang sagot naman niya.

"Sorry." ang sagot ko naman. Naaawa ako sa itsura ni Jiro. Para akong kinukunsensiya ng itsura niya. Masama pala magmukmok sa akin ang batang ito. Madali akong makokontrol nito parang si Claire lang.

"Kaya siguro, gusto niya ng alone time ngayon. May kuneksyon pala ang lugar na ito sa kanya." ang sabi ko sa aking sarili.

"Okay lang. Tanggap ko naman eh."

"Hindi mo ba gustong hanapin ang tunay mong magulang?" ang tanong ko sa kanya. Napansin kong nakapako na lang ang mga mata ni Jiro sa nilalapirot niyang buhangin kanina. Nangingilid na rin ang luha sa kanyang mata.

"Hindi na. Kung ano man yun pinatawad ko na sila. May dahilan siguro kung bakit nila ako pinaampon."

"Huwag ka na malungkot." ang sagot ko naman sabay akbay sa kanya. Malambot kasi talaga ang puso ko at maawain. Hindi ko lang gusto ipakita ang bagay na ito kaya't madalas nagsusungit-sungitan ako sa harap ng ibang tao. Kay Claire lang ako naggaganito pero dala ng awa ay nagawa kong makiramay kay Jiro.

"Sir July." ang sabi niya matapos ang ilang saglit na katahimikang namagitan sa amin.

"July na nga lang di ba?" ang kunwari'y pikon kong sagot.

"Ahem... July, kamusta naman kayo ni Claire?" ang tanong niya. Napangiti naman ako dahil gusto niyang usisain ang ipagmamalaki kong misis ko sa kanya. Abot tenga ngiti ko bago ako nagsimulang magsalita.

"Si Claire, naging classmates kami mula pa nung nasa elementary kami. Pareho kaming galing sa isang sectarian na Catholic school sa Mandaluyong hanggang sa magcollege kami sa Taft, classmates pa rin kami." ang panimula ko't bumakas naman sa kanyang mukha agad ang pagkamangha.

"Wow! Meant for each other talaga pala kayo ni Claire mo no?" at nangiti naman siya sa pagkamangha ngunit sa kabila noo'y pansin ko na malungkot ang kanyang mga mata. Marahil sa pagkainggit o di ko malaman kung ano man ang dahilan.

"Actually bago kami nagtapos ng higschool naging kami ni Claire. Bata pa lang kami crush na crush ko na siya. Lagi ko pa nga binibigyan ng baon ko yung tuwing recess namin. Binabakuran ko talaga yun noon pa kung may nagsusubok manligaw sa kanya nakikipagsapakan na talaga ako noon para lang sa kanya."

"Eh di ba, sectarian yun? Mahigpit sa ganoong school di ba? Madalas ka napapatawag sa Principal's Office? Ako rin galing sa ganoong school. Kahit gupit nga ng buhok hanggang college na maarte pa rin sila." ang natatawa niyang sagot sa akin.

"Sinabi mo pa. Muntik na rin ako maexpel dahil doon. Hindi ko pa kasi naiisip ang buhay kung maexpel man ako dahil sa katarantaduhan ko noong bata ako. Ang mahalaga lang sa akin kasi noon, ang kinabukasan naming dalawa ni Claire."

"Hmm... Siguro ikaw na nakabutas doon no? Mukha kang mahilig eh. Tahimik ka kasing tao." ang biro niyang natatawa. Nahiya ako ng kaunti sa sinabi niya.

"Ano ibig mong sabihin?! Wala..." at hindi ko natuloy ang aking sasabihin kontra sa kanya dahil minainam ko na lang na itikom ang aking bibig tungkol sa pagiging isa kong birhen. Napakamot na lang ako sa aking ulo bandang itaas ng aking kaliwang tenga sa inis.

"Oo na lang. Oo na mahilig na." ang pagsuko ko sa kanya sabay halakhak niya ng malakas na halos mapahiga na siya sa katatawa.

"Tama pala ako! Hula ko lang iyon! Mahilig ka pala July!" ang pang-asar pa niya.

"Ikaw di ka ba mahilig?! Pareho lang tayong lalaki no! Hindi ka ba nagkagirlfriend?!" ang pikon kong sagot sa kanya. Bigla naman siyang natahimik na parang napahiya. Halata sa kanyang mga mata na naghahagilap siya ng isasagot niya sa akin.

"Maniniwala ka ba na virgin pa ako ngayon, July? Hindi pa ako nagkakagirlfriend."

"Eh boyfriend?! Bakla ka yata eh!" ang sunod kong tanong sa kanya habang nanunuya ang aking mga titig sa kanyang mga mata. Agad napayuko si Jiro. Mukhang nasaktan ko siya dahil parang pinagdiinan ko ang pagkatao niyang alam ko na. Bigla siyang tumayo at nagpagpag ng buhangin sa kanyang pwitan at mga binti.

"O, saan ka pupunta?! Ayaw mo ko sagutin?! Bakla ka ba? Jiro?" ang tanong ko sa kanya. Hindi ko maipaliwanag pero nagsisimula na akong manggigil sa kanya at lalong tumitingi ang gigil ko tuwing tinatanong ko siya ng 'bakla ka ba?'. Pakiramdam ko'y para ko na siyang sinasaksak sa aking pananalita.

Tumakbo palayo si Jiro at sa abot ng aking tanaw ay nakita kong pinunasan nga ng kanyang braso ang kanyang mukha.

"Umiyak si gago. Biro lang naman yun." ang sabi ko sa aking sarili habang napapangiti sa aking ginawa. Kahit di ako sinagot ni Jiro, sa ginawa niya'y parang umamin na rin siya.

Kinagabihan takdang shooting ng aming ginagawang commercial. Kami ay nanonood lamang sa likod ng set kasama ang direktor. Naging mas malapit na ngayon si Mark at Jiro dahil nasa tabi ko lang si Jiro ay parati na lang akong naaasiwa tuwing napapatingin ako sa kanilang dalawa na naghahawakan ng kamay. Mula kanina hanggang ngayon ay di pa rin kami nag-uusap ni Jiro sa nangyari kanina. Tila pareho na lang namin iniiwasan ang pag-usapan ang bagay na iyon. Sa akin naman, ayoko talagang pag-usapan na ang walang kwentang bagay na iyon dahil kinadidirihan kong isipin ang tungkol doon.

Ilang saglit lang ay lumapit sa akin si Jessica na may dalang clipboard na lagi niyang ginagawa tuwing may production kami. Hindi niya maiwasang panoorin ang lampungan na nagaganap sa aking tabi at di ko rin naitago sa kanya ang aking pagkaasiwa na bakas na sa aking mukha.

"July, after nito may inuman daw sa likod sa beach. Pwede tayo kasi hindi naman tayo masyado kailangan bukas sa shoot. Kasama na ni Frida si George na bibili ng mga kontrabando para mamaya.

"Kontrabando talaga?" ang natatawa kong tanong sa kanya.

"Eh anong term ang gusto mo? Gusto mong mag-lengua de bakla ako?" ang nagtataray niyang sagot sa akin.

"Tang ina, di ako marunong nun." ang sabi ko sa kanya.

"Umalis na ba sila Frida?" ang tanong ko sa kanya. Nakaisip akong sumama na lang kesa magbabad na nakabuntot sa akin si Jiro na binubuntutan din ni Mark. Napatingin sa akin si Jiro at Mark sa tanong ko kay Frida.

"Paalis pa lang. Nandoon na sila ng gate. Kumuha pa ako ng pera sa taas eh."

"Sama na lang ako sa kanila. Alam mo na." ang seryoso kong sabi kay Jessica. Nilingon ko si Jiro at halata sa kanyang mata na gusto rin niyang sumunod kaya...

"Huwag na. Dito ka na lang. Baka makakita pa ako ng bebot doon. Diyan na lang kayo maglampungan ni Mark. Bawal mga bakla doon." ang diin ko sa kanya. Yumuko lang na malungkot si Jiro sabay bitiw sa kamay ni Mark.

Tumayo ako't naglakad kami ni Jessica patungo sa gate ng resort. Habang naglalakad nang masiguradong di na kami mapapansin man lang ni Jiro at Mark.

"July, you're being harsh with Jiro."

"I don't care. Please, Jessica. Please." at sabay taas ko ng kamay sa kanya upang iparating sa kanya na sawang sawa na ako na buong araw na puro tungkol na lang kay Jiro ang aming topic.

Sumakay kaming apat sa tricycle na nakaparadang tinawag na nila George kanina. Sa loob ang dalawang babae at kami naman ni George ay magkatabing sumakay sa likod ng driver. Sa mga sandaling iyon ay parang nababawi ko na ang aking dignidad bilang isang lalaki dahil kakosa ko sa seksuwalidad ang aking kasamang lalaki. Bukod doon, kung bubuntot nanaman sa akin si Frida tulad ng lagi naming ginagawa ay lalo nanamang akong papasukan ng hangin sa aking ulo dahil kung wala lang akong girlfriend ay isa na si Frida sa mga kababaihang kahuhumalingan ko.

Nang makarating sa 7-eleven matapos ang limang minutong paglalakbay. Lumapit si Frida sa akin at naglakad kami sa tindahan na parang muse ko lang siya at ako nama'y escort niya sa isang prominade. Si Jessica at George hindi naman nagtugma dahil may edad na si Jessica para magmukhang terno sila ni George. Manang na kasi.

Nasa harap kami ng cashier ni Frida bumibili ng sigarilyo habang ang dalawa nama'y nasa mga inumin nagpapakuha ng ilang case ng beer.

"July, Jessica told me what you did to Jiro ang Mark kanina bago tayo umalis." ang nag-aalalang wika niya habang nakatingin sa nakadisplay na mga panindang kaha ng mga sigarilyo sa likod ng kahera.

"Eh ano naman?! Tang ina. Frida, pwede ba? Yung wirdong yun nanaman!"

"July..."

"Okay! Okay! Sige na! Ayoko lang dumidikit sa kanila. Please wag na natin pag-usapan." naiirita nanaman ako sa mga sandaling iyon.

"Bakit? Does it hurt your ego?"

"No! Definitely not! Ayoko lang mabago tingin sa akin ng ibang tao."

"Nakakahawa ba? Kilala ka naman na namin July kahit tahimik kang tao. Hindi naman mababago ang tingin namin sa iyo kung napapaligiran ka ng mga bakla. Dapat nga pogi points mo pa yun kasi di lang babae nahuhumaling sa iyo. Tulad ko.."

"H-ha?!" at bigla akong namula sa sinabi niya.

"Oh come on July. It's been a year na since I've started showing you signs! Mga lalaki talaga napaka manhid!" ang gigil niyang nasabi.

"Isang kahang Malboro Lights Menthol nga." ang sabi ko nang mapansin kong nanonood sa amin ang kaherang babae. Namutla ako bigla sa aking narinig na sinabi ni Frida. Alam kong liberated siya at prangka pero hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin ang bagay na iyon. Pilit ko naman kasing itinatanggi sa aking sarili ang mga bagay na pinapakita niya sa akin noon pa.

"Why aren't you answering me? Do I have to grab your balls to get the answer from you?"

"Di pa tayo nainom, Frida, lasing ka na."

Bigla niyang inabot ang kaha ng sigarilyo na iaabot sa akin sana ng kahera at sinuksok niya sa aking kaliwang bulsa saharapan ng aking shorts ang isang papel na perang nagkakahalagang singkwenta pesos na aking ikinabigla. Masyado kasing malalim ang ipinasok ng kamay niya't nanuyo ang aking lalamunan na baka matamaan niya ang nakagilid ko doong alaga.

Agad na umalis si Frida palabas ng convenience store at mula sa aking kinaroroonan ay tanaw ko siya sa labas na agad nagsindi ng yosi at nakapamewang pang nakatayo na parang nagpapapick-up lamang na bayarang babae.

"Gusto ako ni Frida?" ang tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan siya.