"T-tteka b-bihis muna ako ha?!?" ang tanong ko sa kanyang nahahalata na ang pagkasabik.
"H-huwag na..." ang sabi niya't lalong dumikit sa aking tabi at sumandal sa aking dibdib na nagpaakbay sa akin.
Sumisingaw init ng aking katawan na nagmumula sa aking dibdib kaya't niluwagan ko agad ang kwelyo ng aking suot na polo. Di nga ako nagkamali dahil may mainit na hanging dumampi agad sa aking leeg pataas sa aking mukha.
Ilang saglit kaming nasa ganoong lagay ngunit nagsimula na akong gumalaw. Hinihimas ko muna ang balakang niya at unti-unting umaangat na ang kamay ko patungo sa kanyang kilikili. Hindi siya nagreact ng di maganda sa paglalakad ng aking kamay sa kanya.
Sa mga sandaling iyon ay siya namang pagpatong ng kanyang kanang kamay sa aking kaliwang hita at marahang parang kumakamot sa aking suot na slocks. Napuno ng pananabik ang aking puson at naramdaman ko ang pagpintig ng natutulog kong alaga sa pagitan ng aking hita. Pilit kong pinigil ngunit bago ko pa ito mapansin ay naglalaban na ito halos sa loob ng aking kasuotan. Nahihiya akong mapansin ito ni Claire kaya't ang kaliwa kong kamay ay lumakad na sa ilalim ng kanyang kilikili kung saan nakakapa ko na ang malambot na laman ng kanyang harapan.
Bago ko pa makapa ang malambot na dibdib ni Claire ay napansin ko na lang na hinihimas na niya ang nakabukol sa aking mga hita.
"Bwisit!" sigaw ko nang biglang tumunog ang aking telepono sa aking bulsa. Agad ko itong kinuha at sinagot ng di inaalam muna kung sino ang nasa linya. Natigilan kami ni Claire at nakangiting nanood lang ito sa akin. habang ako nama'y nagkrus na ang kilay sa galit dala ng pagkabitin.
"Absit omen." ang mahinahon at malalim niyang sabi.
"Ha?! 'Absit omen'? Jiro ikaw ba yan? Ano yung pinagsasabi mo?" ang naiirita kong sagot sa kanya.
"Ex malo bonum."
"Ex malo bonum? Jiro." ang naguluhan kong lalong wika sa kanya.
Tumayo bigla si Claire sa aking tabi at nagmamadaling bumangon at naglakad palabas ng pintuan.
Binaba ko sa ibabaw ng kama ang aking telepono ng hindi pinuputol ang linya upang habulin sana si Claire ngunit nahirapan akong tumayo dahil sa naiipit ang galit kong alaga sa aking masikip na slocks.
"Clair, saan ka pupunta?" ang malakas na tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako nilingon hanggang sa makalabas na siya ng pintuan at agad itong sinara.
Muli, binalikan ko si Jiro na kausapin sa telepono.
"Tol, ano ba yung mga pinagsasabi mo kanina para kang alien?" galit na ako ngayon talaga sa kanya.
"Ha? Sir kanina pa kaya kita tinatanong hindi ka pa rin nagsasalita."
"Niloloko mo ba ako Jiro? Bad trip ka naman, oh! Pagkakataon ko na eh!" pero sa aking sarili'y siguradong sigurado ako na narinig ko ang kanyang mga sinabing kakaiba kanina sa kabilang linya.
Natahimik saglit si Jiro bago muling nagsalita. Dinig ko ang aking sariling malalim na paghinga.
"Sir, sorry. Hindi ko naman alam. Pasensiya na." ang malungkot niyang wika.
"Yaan mo na. Ano ba yung dahilan kung bakit ka tumawag?"
"Sir, kasi... um... tatanungin sana kita kung okay na sa iyo yung narevise na script kasi malapit na yung shoot hindi mo pa po naaapprove."
Natapik ko ang aking noo sa inis. Tama nga naman si Jiro. Nakalimutan ko nga gawin iyon kanina. Sarili ko naman katangahan ang dahilan.
"Okay na yun. Sorry din ha? Napagtaasan kita ng boses." nang pagkadismaya na lang ang naiwan sa aking dibdib dahil sa pag-alis bigla ni Claire. Tinamaan ako ng mapansin ko ang aking sariling asal kay Jiro.
"Wala lang yun, sir."
"Babawi ako sa iyo, tol. Pasensiya ka na. Tagal ko na kasi itong hinintay."
"Ha? Ano yun, sir?"
"July na nga lang tawag mo sa akin ano ba?" ang pikon kong wika sa kanya dahil sa pagtawag niya sa akin ng 'sir'.
"July, okay. July, ano yung sinasabi mo?" at napatawa ako sa tanong niya sa akin.
"Tol, nakakahiya eh. Basta, score na sana ako ngayong gabi eh. Ikaw kasi eh."
"Anong score? Hindi kita maintindihan."
"Dude! Ano ba?!? Lalaki tayo! Kasama ko si Claire kanina lang bago ka tumawag at andun na eh!"
"Ah... sorry naman." ang natatawa niyang sagot sa akin.
Lumipas ang ilang araw at mukhang palagay na si Jiro sa akin. Huli man pero naging palagay pa rin. Sa napapansin ko sa kanya ay masayahin naman siyang tao't hindi ko pa nakikitang mukhang may problema. Tuwing nariyan siya ay parang makulay ang aming departamento. Ang hilig niya magbiro kasi at makwela pala siyang talaga. Naging malapit kami ni Jiro't naging parang mabuting kaibigan na rin sa labas ng opisina. Madaling gumaang ang loob ko sa kanya sa masayang aura niya.
Sa opisina. Habang ang lahat ay nasa kanilang pwesto at ako nama'y abalang nagbabasa pa rin ng mga papeles na nakapambak sa aking harapan. Isang matangkad na lalaking mamulamula ang balat na mukhang kastilain ang dating ang pumasok na may dalang mga dokumento. Mapula ang kanyang labi at ang kilay niya'y magana ang tabas. Lalaking lalaki ang dating at bakas pa ang matulis niyang adam's apple sa kanyang lalamunan. Sinundan ito ni Frida ng tinigin mula sa kanyang pagpasok sa aming departamento hanggang sa paglapit nito sa harapan ng desk ni Jiro.
Mula sa kanyang pagkakatitig sa kanyang monitor ay dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang tingin sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan.
"Ito na yung ibang documents. Nandiyan na rin yung mga portfolios nung models na napili pati kontrata nila for the commercial." ang wika ng lalaki sa kanya habang matipid ang ngiting nakatitig kay Jiro. Nang silipin ko si Jiro ay mabilis na namula ang mukha nito at yumuko bago abutin ang inaabot sa kanya.
"By the way, I'm Mark Zulueta sa kabilang room ang office namin." ang pakilala ng lalaki sa kanya.
"Thank you, Mark. Ikaw pala yung kausap ko sa phone madalas. Nice to meet you finally." ang sagot ni Jiro sa kanya at nakipagkamayan sa kaharap niya. Nagtaka talaga ako sa kinilos ni Jiro.
Dumating abg araw ng shooting ng commercial. Sa baba kami ng opisina ni Jiro nag-usap na magkita.
Paparating na ako sa harapan ng opisina't nakita ko na siyang nakatayo doon na may dalang malalaking bag. Nakashorts, white na rubber shoes, at plain black na shirt. Sa porma niya bumata siyang lalo. Nagtaka lang talaga ako ng makita ko ang itsura niyang parang mamumundok siya sa laki ng mga bag niya. Di ko naiwasang tumawa habang naglalakad patungo sa kanya bago niya ako makita.
"Jiro, bakit ang dami mong dala?!"
"Ah... kasi may pupuntahan pa ako after ng shooting."
"Ganun ba? Gusto mo mag leave after ng shoot?"
"Hindi naman po, boss."
Sa mga sandaling iyon ay lumapit sa amin si Mark na gumawa ng scripts ng aming commercial.
"Jiro, baka nauuhaw ka na. Eto, bumili ako ng mineral water baon mo para di ka mauhaw sa biyahe."
"Ano daw?!" ang tanong ko sa aking sarili't nagtaka sa kinikilos niya kay Jiro. Nang tignan ko si Jiro ay nanumbalik ang pamumula ng kanyang mukha habang inaabot ang binili ni Mark para sa kanya na nakasupot sa puting plastik na may green na logo ng tindahan na binilhan niya.
"Tulungan na kita diyan." ang alok pa ni Mark sa kanya sabay alis ng isang strap ng backpack niya sa kanyang balikat at doon niya isinabit buhatin ang isang bag ni Jiro. Nakakaloko na talaga pinapakita ni Mark kay Jiro na kabaitan. Parang babae lang na sinusuyo niya si Jiro.
Nang mareceive ko ang text ni Jessica sa akin na nasa likod na ng building ang bus na sasakyan namin ay tumungo na kaming tatlo upang kitain na rin sa bus ang iba naming kasama pati ang mga models, make-up artists, at iba pang staff namin.
Sa dulo kaming naupo ni Jiro kasama si Mark. Naupo ako sa malapit sa bintana, si Mark ay malapit sa isle at pinagigitnaan namin ni Mark si Jiro.
Habang ako'y nakikinig sa aking music player ay di ko maiwasang mapansin ang tila panlalambing ni Mark sa kanya. Nagtataka naman ako dahil sa tila hindi tumututol si Jiro sa mga panunuyong ginagawa sa kanya nito. Natatawa ako na hindi ko malaman sa aking nakikita. Bagaman sanay na akong nakakakita ng mga bakla pero ngayon lang yata ako nakakita ng ganitong inaasal nila. Sa mga sandaling iyon ay nahalata ko nang hindi tunay na lalake ang dalawa. Nagsisimula na rin kumulo ang galit ko sa kanila dahil sa pagkatao nila.
"Nagustuhan mo ba yung binigay ko sa iyong sweets kagabi?" ang tanong ni Mark sa kanya sabay kalong naman ni Jiro ng kanyang bag at doon nasilip ko bago takpan ni Jiro na naghawakan sila ng kamay. Tumango lang na nakangiting nahihiya si Jiro sa tanong niya.
Kunwari'y pinagmamasdan ko ang aming nadadaanan sa labas ng bintana ngunit nagsuot ako ng shades upang panoorin sila.
"Favorite ko yun. Salamat ha?" ang mahinang halos pabulong na sabi ni Jiro kay Mark.
"Kamusta naman ang tulog mo kagabi? Mahimbing ba?" ang tanong niya kay Jiro habang nakatitig ang mga nangungusap niyang mga mata sa aking associate.
"Oo, ang lambot kasi nung bigay mo sa aking pillow."
"Pillow?!?!?? Binigyan niya ng pillow si Jiro?!!?!? Syet! Anong nangyayari sa dalawang ito?!?! Mga bakla!" ang paghuhumiyaw ko sa aking isipan.
Sa halos tatlong oras naming biyahe paputang Cavite City ay di na ako nakatiis na magsimulang mandiri sa panlalampong ni Mark kay Jiro. Naisipan kong lumipat sa bandang harapan at tinabihan si Jessica at Frida na kumakain pala ng sitsirya bago pa umandar ang bus paalis ng Makati.
"Oh, bakit iniwan mo si Jiro doon, July?" ang tanong ni Jessica sa akin habang sumusubo ng isang dakot na Tortillos.
"Ah... eh... ang wirdo kasi nung dalawa. Hindi niyo kasi ako maiintindihan, Frida. Iba talaga kilabot ko sa mga bakla." ang natatawa kong sabi sa kanya. Mukhang alam na ni Frida ang aking ibigsabihin.
"Huwag kang magagalit, July ha? Discreet gay si Jiro at siguro naman na alam mo na ang balita na discreet gay din si Mark. Nililigawan ni Mark si Jiro." ang kumpirma sa akin ni Frida sa aking mga napanood kanina sa pagitan ng dalawa.
"Nililigawan?! May ligawan pala na nagaganap sa mga yun?! Kala ko ba lalaki lang hanap ng mga bakla? Bakit ganon? Bakla sa bakla?!" ang natatawa kong mga nasabi kay Frida.
"May ganoon talaga, ako rin nung una pero amazed naman ako. Kasi, meron pala talagang nagmamahalan na ganun. Sa US nga legal na kinakasal pa mga tulad nila kahit mga lesbians. Kala ko nga rin nung una chupa lang ang hanap ng mga yun may involved na pala talagang love sa kanila."
"Ah, ewan. Hindi ko na gustong malaman pa mga bagay na yan. Basta huwag lang niya akong..." ang iritado kong sagot kay Frida. Di ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil alam kong alam nila ang ibig kong tukuyin.
"Sa panahon ngayon, July. Kailangan mo na buksan ang isip mo sa mga ganyang bagay. Isa pa, mabait naman si Jiro. Ibahin mo siya. Mukhang di naman tulad ni Chester yung batang yung eh. Masipag at mukhang hindi bastusin. Lalaking lalaki pa rin nga kumilos kaya lang halata mo talaga ang pagiging mahinhin. Alam mo ba na inamin sa akin ni Jiro na crush ka niya?" ang sabi naman ni Frida.
"Tang ina namang buhay 'to oh! Nagkagusto pa sa akin!" ang sigaw ko sa aking isipan.
"Tao pa rin sila. Iba lang ang preference nila pero tao rin sila. Yaan mo na. Magnet ka yata talaga ng babae't lalaki" ang sabi ni Frida bago kumuha ng kaunti mula sa supot ng Tortillos na kalong ni Jessica habang tumatawa.
"Gagawa ka ng paraan para umalis si Jiro? Sabihin mo lang July at ako ang kukupkop sa kanya. Magaling yung tao at hindi ang preferences niya ang dapat mong maging basehan sa pagtingin mo sa kanya bilang katrabaho mo." ang sabi naman sa akin ni Jessica.
"Kadiri." ang sabi ko na lang na sagot sa kanya't itinuon ang atensyon sa harapan ng bus sa kalsadang binabaybay ng aming bus. Ayaw ko na rin tumuloy pa ang pinag-uusapan naming tatlo tungkol sa usaping bakla. Naninindig na kasi ang mga balahibo ko dahil tumatak sa aking isipan ang lampungan ng dalawa.
Nang makarating kami sa venue sa Cavite City na katabi lang ng aming tutuluyan ay nilingon ko muna si Jiro dahil sa tauhan ko siya ay kailangan pa rin na nakabuntot siya sa akin. Nagulat ako ng makita ko siyang nakaupo na sa kabilang upuan na dalawahan lang at walang katabing nakaupo kundi ang ilan sa kanyang mga bagahe at tahimik na nakatingin sa kalye. Halata sa kanyang mukha na may dinadala siya. Marahil napuna niya na umalis ako ng dahil sa inaasal nila kanina ni Mark.
"Jiro, baba na tayo." ang seryosong yaya ko sa kanya na parang wala lang bago bumangon sa aking upuan at bumaba ng bus.
Habang naglalakad ako palayo sa bus nagmamadali't hirap na sumunod sa akin si Jiro dala ang kanyang mga bagahe. Hindi ko siya hinintay dahil parang ayoko na makihalubilo sa paligid niya gaano matapos ang nangyari. Pakiramdam ko kung makikita nila akong kasama si Jiro ay kukuwestyunin na rin ng iba ang aking pagkalalaki.
"Bilisan mo!" ang galit kong utos sa kanya nang maramdaman kong naiiwan na siya. Tumango lang siya'y yumuko at nagmadaling lumakad upang makasunod sa akin. Bago ko ibalik ang aking puna sa aking daraanan ay nakita kong sumusunod na rin sa kanya si Mark at dala ang ibang gamit ni Jiro.
Alam kong hirap si Jiro sa mga bitbit niya ngunit dahil sa galit ako sa mga katulad niya'y di ko na maiwasan na pagtripan siya.
Sa lobby ng aming tutuluyan kami lahat nagkita-kita. Si Jessica ang nakatoka sa kung saang room ang sino-sino.
"July, kasama mo si Jiro sa room three. Frida, dun tayo sa room two. Yung technical staff natin sa room five medyo malaking room yun para sa mga gamit din nila. Yung mga make-up artists natin sa room six. Mark, kayo nila direk sa room one kayo. Yung remaining rooms na hindi ko binanggit para sa mga models natin nilalagyan na nung PA natin ng name plates yung pintuan ngayon para alam niyo na kung saan kayo pag-akyat niyo mamaya. Pahinga muna tayo call time natin is seven P.M so may time pa kayong mag-ikot kung gusto niyo. May resort sa likod nitong hotel pwede kayong magswimming sa dagat kung gusto niyo." ang wika ni Frida habang hawak ang kanyang clipboard na may maraming papel na nakakabit at sinusulat-sulatan niya habang siya'y nagsasalita.
Nilapitan ko si Jessica upang bulungan.
"Jessica baka naman..." ang pakiusap kong sinabatan niya dahil alam niyang ayaw kong makasama si Jiro sa iisang silid.
"July, you're acting like a kid. He's your associate for crying out loud! Eh di dumapa ka mamaya pag natulog ka na! Titi lang naman ang pwede niyang hawakan sa iyo para masabing nahipuan ka. You know I've too many on my cup right now please it's not the time for that." ang inis at mahina niyang sagot sa akin.
"Opo ma'am." ang sagot ko sa kanya habang ang utak ko'y pinupuno na ng mga bagay na pwedeng gawin ni Jiro sa akin.
Matapos ang saglit na meeting ay sabay kaming umakyat ni Jiro sa aming silid. Nauuna akong naglakad sa kanya't nag-iisip ng mga bagay na pwede kong gawin upang makaiwas sa kanya.
Maliit lang ang silid na aming tutuluyan na may double deck na kama. Kaharap ng kama ay isang bintanang may manipis na pink na kurtina. Pag pasok mo sa loob ay kita mo na ang pintuan agad ng banyo sa loob.
"Dito ako sa ibaba doon ka sa itaas." ang utos ko sa kanyang bakas ang pagkainis matapos kong pumasok sa loob. Hindi sumagot sa akin ang nahihiya't malungkot na si Jiro.
Agad kong tinungo ang aparador upang ilagay doon ang aking mga gamit. Kaunti lang ang aking dala kaya't madali akong natapos.
Umupo muna ako sa ibabang kama at nagtext kay Claire upang sabihan siya na nakarating na kami sa venue. Sa mga sandaling iyon ay nag-aayos naman ng gamit si Jiro.
"Inaantok ako. Tutulog muna ako." ang sabi ko sa kanya sabay dapa sa kama. Nasa bandang ulunan ko ang cabinet kaya't nakikita ko pa rin ang ginagawa ni Jiro sa mga sandaling iyon.
Nang buksan niya ang isa niyang malaking bag at naghalungkat ay napansin ko ang isang gray na cassock, isang suot ng mga pari.