Nang makakuha ako ng isang cheeseburger value meal ay nilingon ko sila ngunit nang ako'y pabalik na sana'y wala na roon si Jiro upang matanong ko kung magkakilala sila.
"Honey, nauna na pala si Jiro. Magkakilala ba kayo? Kasi parang hindi natural ngitian niyo kanina." ang tanong ko sa kanya matapos ibaba sa kanyang harapan ang pagkain.
"He just looked familiar to me. That's all. Hintayin kita sa condo mo later ha? may surprise ako para sa iyo." ang nakangiti't malambing niyang sinabi sa akin.
"Talaga?! Waaaw! Excited na akong malaman kung ano yan! Ayoko na tuloy pumasok." ang sabi ko sa kanya at talaga namang umabot sa tenga ang aking ngiti sa aking narinig. Tumawa ng mahinhin si Claire na tulad ng lagi niyang ginagawa at namula pa ang kanyang pisngi. Sa unang pagkakataon ay ako naman ang kanyang sosorpresahin. Talagang espesyal sa akin ang araw na ito.
"Text mo ko bago ka umuwi ha? Para makapaghanda ako." ang malambing niyang wika.
Binagalan ko na ang aking pagkain upang masabayan siya sa kanyang pagtapos. Hindi na rin ako nagmamadaling umakyat dahil alam kong sa mga nakalipas na araw ay mapagkakatiwalaan ko si Jiro sa trabaho.
Nang matapos kami ay ihinatid ko muna si Claire sa kanyang kotse sa parking lot sa likuran ng aming opisina bago ako bumalik sa trabaho.
Pagakyat ko sa itaas at papasok pa lang ako ng pintuan ng aming departamento at dinig ko na sa maliit na awang ng aming pintuang gawa sa salamin ang malakas na tawanan at hagikgikan ni Frida, Jessica, ma'am Sarah, at George. Nang silipin ko ang salamin na pintuan ng aming departamento ay nakita kong pinalilibutan nila si Jiro.
"Ayus ah. Buti naman mukhang napapalagay na siya ngayon sa mga tao sa paligid niya." ang sabi ko sa aking sarili ng magustuhan ko ang aking nakikita.
Pumasok ako sa loob at patuloy na pinanonood sila. Ng makita nila ako'y agad silang nagsibalikan sa kanilang mga mesa at naiwan na lang si ma'am Sarah na nakatayo pa rin sa harapan ng desk ni Jiro at kinakausap siya. Nakatingin sa akin si Jiro't muling nahiya.
Napailing akong muli sa kanya bagama't nakangiti nang makaupo ako sa aking mesa. Sa sandaling iyon ay nilingon naman ako ni ma'am Sarah.
"I like this kid, July." anya.
"Sige, lang bangkaan lang kayo diyan. tagal na rin walang tawanan dito sa loob na tulad ng ganyan." sabi ko kay Jiro.
"Indeed. Napakakwela pala nitong si Jiro, no?" ang sagot niya sa akin bago siya humarap kay Jiro.
"Dahil pinasaya mo umaga ko at nasa good mood ako ngayon. Magpapastarbucks ako." ang wika niya't napatingin sa kanya si Frida na abot tenga ang ngiti.
"Ma'am Sarah, mukhang sinapian ka ng anghel ngayon ha?"
"Bakit, ayaw mo ba? Huwag na lang kaya parang nagbago na isip ko." ang sagot ni ma'am Sarah sa kanya sabay harap sa aking gawi upang tumungo na sana pabalik sa kanyang opisina.
"Biro lang naman ma'am. Sige na pakape ka na. Minsan lang naman." ang biglang panunuyo ni Jessica sa kanya. Humarap sa akin si Sarah at binuksan ang hawak pala niyang purse kanina pa at ipinatong ang limang libong piso sa aking harapan.
"Tapos na yung mga paperworks. Wala kang excuse sa akin para humindi. Kayo na ni Jiro ang bumili." ang utos niya sa akin. Agad akong bumangon ng nangisi at kinuha ang order ni Frida, George, at Jessica bago ko niyaya si Jiro sumama para bumili.
Habang naglalakad kami pababa ng opisina.
"Kamusta naman ang stay mo dito sa office?" ang panimula ko sa kanya.
"O-okay naman po."
"Nahhiya ka pa rin ba sa akin?"
"M-medyo."
"Relax! Hindi naman ako nangangain ng tao. Kanina ko pa pansin yang itsura mo eh." at inakbayan ko siya't niyugyog sa kanyang balikat. Malambot ang balikat ni Jiro, parang balikat lang ng babae. Hindi defined ang muscle kahit may kaunting laman.
"Maganda girlfriend ko no?" ang biglang palit ko ng aming usapan.
"Opo. Maganda siya."
"Pakakasalan ko na iyon balang araw."
"Best wishes po." ang matipid pa rin niyang sagot sa akin. Hindi niya ako matignan ng mata sa mata kaya't alam kong nahihiya pa rin siya sa akin.
"Hmmm... ano kaya ang pwede naming pag-usapan?" ang tanong ko sa aking sarili matapos bumukas ang elevator bago kami pumasok. Ilang saglit ang katahimikang nanaig sa aming dalawa.
"So, ilang kayong magkakapatid?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala po akong kapatid at ampon lang po ako."
"Huwag mo na ako 'po' o 'opo' dalawang taon lang naman ang tanda ko sa iyo eh. Talaga? Pareho pala tayo na walang kapatid." ang sagot ko sa kanya.
"Kaya siguro mahiyain itong si Jiro." ang bulong ko sa aking sarili at lumipas ang isang saglit na katahimikan sa aming pagitan.
"Nabibigatan ka ba sa trabaho natin?" ang palit kong muli ng usapan namin matapos bumukas.
"Okay naman po...." ang wika niya habang palabas na kami sa elevator at naglalakad palabas ng building.
"Magaang nga trabaho natin dito di tulad sa dati kong pinapasukan, kung anu-anong training na pinapagawa sa amin. Nawala na sa focus ang takbo ng mga departments at nagkakagulo na sa responsibilities kung kanino dapat ang ano. Goal kasi nila, cross-trained ang mga empleyado nila." ang dagdag pa niya.
"Talaga? Parang ang hirap naman noon, kung may ibibigay sa inyo na trabaho no choice kayo kundi ang gawin na lang iyon?" ang may pag-aalala ko namang tanong sa kanya.
"Actually, ganun na nga po ang nangyari. Hindi naman nila pinalitan yung kontrata namin eh. Wala na sa job description ng kontratang pinirmahan namin."
"The good thing there is you have room for growth lalo na kung mahihigitan mo yung talagang nakatoka dati sa trabahong iyon." sagot ko naman.
"Well, kung magaang ang trabaho okay lang. Maganda nga yun pero, kung ano ano na kasi eh. Kulang na lang paglinisin kami at pag-ayusin ng nasirang coffee maker sa dati kong trabaho." ang natatawa niyang sagot bagama't bakas pa rin na nahihiya kahit medyo napapalagay na yata ang loob niya sa akin.
"Basically, slaves ang labas niyo?"
"Parang ganun na nga. I always dreamt of doing what I'm doing now. May mga ganoon kasi, yung ayaw na ng growth dahil masaya na sila sa ginagawa nila at kuntento na. Pero sa kaso namin, may mga Six Sigma pang nalalalaman tapos pinupuwersa kaming gumawa ng projects. Buti sana kung libre kaming walang tambak na trabaho para makapag-isip pa ng ganoon."
"Sabagay, ubos utak na nga sa ganitong trabaho tapos ganoon pa?" ang natatawa kong sabi sa kanya napatingin siya sa akin at nagkasalubong ang aming mga titig ngunit agad niya itong iniwas. Nasa sidewak na kami ng mga oras na iyon paputang Starbucks sa kabilang kalsada sa ibaba lang mismo ng building Standard Chartered.
"Talk about volunteers." ang natatawa niyang sinabi.
"I think the term is a little abused if that's the case."
"Sinabi mo pa, boss. Huwag ka papayag sa ganoon kung gagayahin ng LEC yung strategy nila ha? Mauubos tao niyo kung may matitira man maaga tatanda." ang tugon naman niya.
"I don't know but I hope the higher-ups won't think of that. I don't see it applicable in this field much."
"Kung mangyari man, sana boss huwag kang harsh sa akin ha?" at natawa ako sa pakiusap niyang napapailing.
"By the way, didn't you guys complained about it?"
"We did po but it was all in vain."
"Ayun lang." ang mabilis at dismayado kong sagot sa kanya habang naglalakad na kami sa underpass ng Makati patungo sa kabilang kalye.
"Okay ba kayo ng dati mong boss doon?" ang tanong ko sa kanya. Interesado pa akong malaman kung ano ang nakaraan niya bago ko pa tawagan ang mga reference na binigay niya sa akin para sa background check na gagawin ko sa kanya.
"Okay naman po. Yung boss ko, yung boss ng boss ko, at yung boss ng boss ko. Okay silang lahat bagama't may nakatataas sa kanila kaya wala rin silang nagawa sa mga pinagawa sa amin." ang wika niya.
"Tatlong level yun ah! Hahahaha.... Buti naman hindi sila ang dahilan ng pag-alis mo doon."
"Hindi ko man sabihin sa kanila pero, sila po ang dahilan kung bakit tumagal pa ako doon dahil masaya silang kasama sa trabaho at wala na akong hihilingin pa. It's the company that has the problem and not its people."
"Sabagay, 'people quit people' nga naman." ang sang-ayon ko naman.
"Ayos din itong si Jiro mag-isip ah." ang pagkabigla ko sa kanya't paghanga sa takbo ng kanyang pag-iisip.
Sa napupuna ko kay Jiro ay kagalang-galang naman siya't tila reserved lang ang pagkatao niya tulad ko. Ang kakaiba lang talaga sa kanya ay ang pagiging lubos niyang mahiyain pa rin sa akin kumapara sa iba kong mga kasama sa aming department.
Nang makarating kami sa loob ng coffee shop ay kinailangan pa naming pumila dahil sa dami ng mga customer doon tuwing umaga't hapon.
"Sir July, ako na lang po ang bibili ng kape may gusto rin po akong kainin sana." ang nahihiya niyang pakiusap sa akin. Ako naman si tamad ay iniabot na lang sa kanya ang pera't naghanap ng mauupuan.
Habang naghintay nang makaupo ako sa isa sa mga bakanteng mesa malapit sa counter ay pinagmasdan ko lang si Jiro na nakapila. Alam niyang nakatingin ako sa kanya ngunit bakit parang ayaw niyang humarap sa akin. Ang kakaiba kasi sa kanyang kinikilos ngayon ay hindi siya nakaharap sa pila kundi ang nakatalikod lihis sa ibang mga nakapilang nakatingin sa menu o sa likuran ng kaharap nila.
"Wirdo talaga nitong si Jiro." ang natatawa kong sabi sa aking sarili.
Lumipas ang saglit at nakarating na siya sa harapg ng kahera't nagsasabi na marahil ng order niya. Nakatukod ang mga kamay niya sa gilid ng pinaka counter habang ang kaliwang paa niya'y nakatusok sa sahig at kumukuyakoy. Natatawa ako sa ginagalaw niya.
Maya-maya't pabalik na siya'y nakita kong may hawak siyang tray bukod sa nakapangtake-out ng mga inumin na binili namin.
"Gutom pa rin siya kahit nagbreakast na siya kanina? Ang takaw pala ni Jiro." ang bulong ko sa aking isip habang pinagmamasdan ang pastries na nasa tray.
"Akin yung Blueberry Streusel Muffin eto sa iyo, sir." ang wika niya matapos ipatong sa ibabaw ng aming mesa ang hawak niya. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa at lalong nagulat ako nang bilin niya ang paborito kong Blueberry Scone kaya naman nagtaka ako sa ginawa niya.
"Bakit binilan mo ko nito? Para saan?"
"Suhol, boss." ang biro niya't inilapag sa akin ang platitong may Blueberry Scone.
"Suhol para saan?" ang tanong ko pang nakakunot na ang aking noo sa kanya. Napansin kong namumula ang mukha niya sa hindi ko malamang dahilan. Umiling lang siya sa akin at sabi ko na lang sa aking sarili na "Bahala na. Sayang paborito ko pa naman ito."
"Sinabi ba sa iyo ni Frida na paborito ko itong nabili mo?" tanong ko muna sa kanya bago simulang lantakan ang pagkain. Nakayukong umiling siya muli at kumagat na lang sa muffin niya.
"Gutom ka pa rin ba? Di ba kakakain lang natin kanina?"
"Eh, kasi boss, ano eh... paborito ko 'to hindi pwedeng hindi ako kumain nito tuwing dadaan ako sa kahit anong branch nila na meron nito. Natuwa naman ako sa sinabi niya dahil ganoon din ang prinsipyo ko tuwing dadaan ako ng Starbucks. Hindi pwedeng hindi.
"Ayus ah! Magkakasundo tayo diyan kasi ganyan din ako pero sana hindi mo na ako nilibre. Mas malaki pa sinasahod ko sa iyo. Isa pa, wala naman celebration. Ang weird mo, Jiro." ang sabi ko sa kanya.
Kinagabihan, pag-uwi ko sa aking condo. Pagbukas ko ng pintuan ay agad kong binuksan ang switch ng ilaw na nasa gilid lang ng pintuan sa bandang loob. Naririnig ko na ang isang classical music na tumutugtog mula sa loob.
Agad na bumungad sa akin ang pinaghandaan ni Claire para sa akin. Amoy ko rin ang bango ng niluto niyang pagkain. Ang dark blue na kurtina ng nag-iisang malaking bintana ng aking unit ay pinalamutian niya ng silver na mga palawit at nagkalat siya ng petals ng rosas mula sa pintuan patungo sa kanan sa bandang counter ng aking kusina kung saan ay may isang mahabang puting kandila ang nakatirik at nakasindi na. Katabi nito ay isang slim na flower vase na itim at may nakatanim na isang pulang rosas bilang palamuti sa isang Carlo Rossi na may katabing dalawang baso. Abot tenga ngiti ko sa aking nakita lalo na ng masilayan kong nakaupo sa isang silya roon si Claire at nakangiti sa akin. nakakatunaw talaga't nakaaalis ng aking pagod ang kanyang maamong mukha. Naglulumundag ang aking dibdib sa tuwa at hirap akong pigilan ang aking sariling itago lahat ng aking nararamdamang saya.
"Honey, tititigan mo na lang ba ako diyan? Lalangawin na ako niyan." ang malambing at mahinhin niyang sinabi sa akin na sinundan ng hagikgik. Umiling ako ng mabilis at muling tinitigan siya ng aking mga nanlalaking mga mata. Para akong tanga sa ginagawa ko pero wala na akong pakialam dahil nauulol ako sa tuwa.
"Tumutulo na laway mo, July." ang natatawa niyang dagdag nang mapansin niyang pinagmamasdan ko ang suot niyang mahabang itim na damit at kitang kita ang kanyang mga balikat at may kalaliman din ang kanyangkuwelyo. Sa unang pagkakataon na pagsasama namin ay ngayon lang nagpakasexy si Claire. Kitang kita ang kanyang cleavage sa suot niya. Naulol lalo ako nang mapansin ko na may kataasan ang slit ng kanyang suot kaya't nang dumikwatro siya'y lumabas ang kanyang hita.
"Honey, nasuprise ako sobra!" ang ngalngal ko.
"Halika na dito. Kain na tayo. Upo ka muna. I've roasted a chicken for us and made mash potatoes to go with it." ang sabi niya't tumayo sa upuan upang tumungo sa bandang lutuan.
"I love you, Claire!" ang nangigigil kong sagot sa kanya sabay tungo na sa mesang hinanda niya.
"Napagod ba ang husband-to-be ko?" ang lambing niya habang inaahon hiya sa oven ang kanyang niluto. Pinagmamasdan ko pa rin siya sa mga sandaling iyon. Kahit nagsuot siya ng apron ang ganda pa rin niya. Sa tanong niya'y tumango lang akong parang ulol na at nanatiling nakangisi. Habang nililipat na niya sa malaking plato ang kanyang niluto ay napatayo ako upang tulungan siyang maghanda ng plato't kubyertos na aming gagamitin.
"Medyo magaang na ngayon. Nandiyan na kasi si Jiro. Medyo nagulat lang ako sa kanya kasi ang sipag niya. Nag-uuwi talaga din siya ng trabaho. Buti na lang may experience na siya sa ganitong trabaho. Kung bagong graduate kasi yung nakuha namin baka nananakit pa rin ulo ko ngayon." ang sagot ko sa kanya at nginitian naman niya ako nang lingunin ko siya habang nagsasandok siya ng mashed potato sa isang malaking mangkok. Sabay kaming nagtungo sa inihanda ni Claire na mesa. Bago kami nagsimulang kumain ay pinatay niyang muli ang ilaw.
"I love you, July." ang malalim niyang sabi habang nakatitig ang mapungay at singkiting mga mata niya sa akin na nangungusap. Nakakaawa't damang-dama ko ang pagmamahal niya mula sa kanyang mga titig. Ganoon din ang ibinalik ko sa kanyang mga tingin habang sinusuri ko ang kanyang mukha. Gustong gusto ko siyang halikan ngunit marahan ko munang inabot ang kanyang kamay at hinalikan ito ng mariin.
"I love you too, Claire." matapos kong humalik ng nakapikit sa kanyang nakaabot na kamay. Napakalambot, napakakinis, napakabango na dala ng kanyang gamit na Victoria's Secret na amoy vanila na hinaluan ng honey. Isang dahilan kung bakit honey ang tawag ko sa kanya bukod sa pagiging matamis niyang magmahal. Matapos noon ay kumain kaming nagkukuwentuhan at naglalambingan.
Sa bawat hagikgik ni Claire ay siya namang kalabit ng kanyang tinig sa aking puso. Napapabuntong hininga ako ng ilang ulit dahil sa naiisip kong napipintong pagpapakasal namin. May kaunting panghihinayang dahil sa magulang na lang niya ang balakid.
Nang matapos kami kumain ay ako na ang nagligpit ng lahat habang siya'y naghihintay sa akin na nakaupo sa gilid ng kama. Hindi na ako agad nakapaghugas ng aming pinagkainan dahil sa kanya ring pagmamadali sa akin. Hindi ko maintindihan ngunit kutob ko'y may isa pa siyang sorpresa para sa akin. Nang makatapos ako sa kusina'y agad akong pumunta sa kanyang tabi. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko maintindihan ngunit nakaramdam ako ng mabilis na paginit ng aking katawan habang pinagmamasdan ko lang siyang nakatanaw sa labas ng bintana matapos niyang iusog sa tabi ang kurtina. Tanaw sa labas ang isang bilog na buwan.
"C-Claire?" ang tila nabarahan kong lalamunan na sinabi sa kanya. Napalingon siya sa akin at biglang ngumiti.
"July?" tanong naman niya.
"Ummm..."
"Dito muna ako ngayong gabi, kung okay lang sa iyo?" ang tanong niyang medyo nahihiya. Napakamot ako bigla ng aking ulo't tumawa ng pilit upang itago ang aking kaba at hiya.
"Oo naman! Kahit dito ka na tumira! T-tinatanong pa ba yan?! Kasal na lang kulang sa atin eh." sagot ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa mga nangyayari. Hindi ko mawaglit sa aking isipan na may patutunguhan ang gabing ito matapos marinig ang kanyang sinabi.
"Dun na lang ako sa sofa matutulog dito ka na lang sa kama." nahihiya kong dagdag. Naging seryoso ang titig sa akin ni Claire na para bang may gusto siyang sabihin. Umiinit ang puson ko sa mga pinapakita niya't nalalamig naman ang aking mga kamay.
"Gusto ko..." ang naputol niyang sabi.
"A-ano gusto m-mo, honey ko?" ang kinakabahan ko ring tanong sa kanya ngunit dahil sa aking antisipasyon ay may pinananalangin na ako sa aking isipan na sana'y sambitin niya.
"Kasi... Ano..." ang nahihiya pa rin niyang pasikot sa kanyang sasabihin.
"Gusto mo tabi tayo?" ang bigla kong nasabi sa kanya. Nagulat ako sa aking sarili. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa pagkabigla't naramdaman kong biglang umakyat lahat ng aking dugo sa aking mukha. Hindi ko naman inaasahan na bigla siyang tumango ng mabilis sang-ayon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko't bigla siyang niyakap ng mahigpit.
"A-Aray, July... Ang higpit masyado..." ang daig niya't bigla ko siyang pinakawalan.
Nangigigil ako ng sobra't kung ano ano na sumusugod sa aking kokote sa mga oras na iyon. Naghuhumiyaw ang aking utak na
"Sa wakas!!! Di na ako virgin pagkatapos ng gabing ito!!!! Yahoo!!!"