Napangiti ako ng makita ko si Claire, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay na pumipisil pa rin sa aking balikat. Tumayo agad ako't naglakad kami pababa ng opisina. Sa likod muli ng building upang ako'y magyosi kasama siya.
Walang tao sa paligid at kaming dalawa lang ni Claire ang masayang nagtitinginan.
"Nabusog ka ba sa breakfast mo kanina?" ang malambing na tanong niya.
"Oo, honey ko. Pork steak ni manang! Gusto mo pagbalik niya mamayang hapon take-out ako ng isang order para sa iyo?" ang parang bata kong pakikipag-usap sa kanya. Kay Claire lang kasi ako naglalabas ng tunay kong saloobin. Kung tutuusin, ang alam ng lahat ay napakaseryoso kong tao at laging nag-iisip bukod sa tahimik.
"Wag na. May handa naman si mommy sa bahay eh."
"Nga pala, napatawad na ba ako ng parents mo?" agad kong tanong sa kanyang umaaasa sa magandang balita.
"I know naman na gusto mo na rin maayos ang problema but I hope you understand what they feel when I almost died in that car accident." ang sagot niyang sinabayan ng pagtulo ng kanyang luha. Sisindi na sana ako ng isang stick ng sigarilyo ngunit natigilan ako sa aking nakita kaya't pinunasan ko ng aking kamay ang kanyang mukha.
"You know I'm never gonna see them because you told me to but I really want to marry you. I have saved enough for it." desperado kong wika.
"Balang araw, patience my dear July. Right now they still don't want to see you but I'm taking actions. Please keep this a secret from them muna at huwag na huwag ka muna pupunta ng bahay." ang malungkot niyang wika.
Niyakap ko ng mahigpit si Claire ngunit sa pagkakataong ito ay may nararamdaman na akong kakulangan. Hindi na tulad ng dati na tuwing niyayakap ko siya'y damang-dama ng aking dibdib ang puso niyang tumitibok lamang para sa akin. Nabingi lang ba ang puso ko dahil sa matagal ko nang gustong makipag-isang dibdib sa kanya?
Parang ayaw ko na siyang pakawalan sa tuwing magkayakap kami.
Muli, ihinarap ko ang kanyang mukha upang pagmasdan ang maamo niyang mga mata't suriin ang kanyang makinis na kutis. Ngunit sa tuwing ginawa ko ito'y nakikita ko ang peklat sa kanyang noo tuwing hinahawi ko ang kanyang buhok sa noo. Isang paalala ng mapait na kahapong dahilan kung bakit natigil ang pagkakataong ituloy na namin ang aming binabalak.
Dahil sa saglit lang ang aming pagkikita at bumisita lamang si Claire ay hindi na kami nagtagal pa. Hindi na nagtatrabaho si Claire sa dati niyang opisina, yun ang sabi niya. Dahil sa nangyaring aksidente ay humina daw ang kalusugan niya ngunit hindi na niya sa akin sinabi ang ibang detalye. Dahil sa mayaman naman si Claire kahit hindi magtrabaho ay hindi ko na rin ito inintindi pa dahil sa araw ng pagpapakasal namin ay plano ko rin namang maging house wife na lang ang role niya.
Natapos ang araw at mag-isa akong umuwi sa tinitirahan kong condo sa Makati. Malapit na mag-alas onse ngunit hindi pa rin ako kumakain. Tulad ng dati matapos ang aksidente bagama't nagkikita pa rin kami ni Claire ay nakatatak pa rin sa akin ang pagnanasang makapiling na siya lagi. Kulang pa rin para sa akin ang makita lang siya tuwing bibisitahin niya ako sa opisina o dito sa tinitirahan ko. Gusto kong matulog at gumising na siya ang una kong makikita.
Nakahiga na ako sa aking kama lagi at may hawak na bote ng alak ngunit patuloy na umiikot sa aking isipan ang tungkol sa kanya at ang tungkol sa amin. "Paano kami" at "kailan pa" ang panimula sa mga katanungang gumugulo sa aking isipan hanggang sa ako'y dapuan at bawiin ng antok.
Kinabukasan, gumigising akong masakit ang aking ulo at malungkot na naghahanda para sa pagpasok sa opisina at tuwing weekends naman ay naghihintay lamang sa pagdating ni Claire.
Sa opisina muli matapos ang isang linggo.
"Good morning sir Julius... ay... sir James pala." ang nahihiyang bati sa akin ni Jiro habang siya'y papalapit sa akin dala ang ilang mga folders na kanyang inuwi kagabi upang pag-usapan namin ngayong umaga. Dahil nakarating sa kanya na maaga ako pumapasok ng opisina ay ganoon na rin ang ginawa niya. Minsan, nauuna pa siya sa akin dumating.
"July na lang, Jiro." ang sabi ko sa kanya habang nakapako pa rin ang aking mga mata sa aking mga binabasa.
Matapos ni July ipatong ang kanyang dala sa aking mesa ay tumungo na siya sa desk na nakaharap sa akin dahil doon ang pwesto niya. Nang makailang saglit ang lumipas ay sinilip ko lang siya bago angbalik muli sa pagbabasa habang nakakunot ang aking noo.
"Jiro! Ang aga-aga mo nanaman! Huwag ka tumulad sa boss mo masyado. Ako bahala sa iyo." ang bati ni ma'am Sarah habang naglalakad siya padaan kay Jiro muna bago sa akin.
Ngiting nahihiya lang ang ibinalik ni Jiro kay Sarah nang mawala ang pansin niya sa nagboboot pa lang na computer niya.
"July, huwag ka masyadong harsh sa baguhan natin. Next week na yung shoot ng sixty seconder niyo di ba? Ikaw na muna bahala sa gastos reimburse na lang natin pagkatapos." ang bati naman sa akin ni ma'am Sarah nang mapadaan siya sa aking gawi patungo sa kanyang tanggapan.
"Opo. Sa Cavite City yung location namin, ma'am. Yung kape mo rin sasabihin ko na lang mamaya sa janitor." ang sagot ko sa kanya ng di man lang siya tinitignan para na rin pumasok siya sa kanyang lungga. Napatingin ako sa gawi ni Jiro at nakita ko siyang nagtatakip ng kanyang bibig na tumatawa. Nanonood pala siya sa amin. Nakita niya akong nakasilip mula sa aking binabasa kaya't bigla siyang natigilan at tinago ang kanyang mukha sa harap ng kanyang monitor. Bago pa niya itago ay naabutan ko ang mabilis na pamumula ng kanyang mukha. Nangiti ako't napailing bago bumalik ang aking mga mata sa aking babasahin.
Nang magclick ang seradura ng pintuan ng tanggapan ni ma'am Sarah ay ibinaba ko ang aking hawak na mga papel at dahan-dahang tumayo matapos mag-unat ng aking mga binti.
Lumapit ako sa bintana't namaywang na pinagmasdan ang labas.
"Sir July, um..." ang tawag sa akin ni Jiro upang lingunin ko siya sa kanyang upuan. Nakita kong pilit niyang itinatago ang kanyang mukha.
"Ano yun?" ang tanong ko sa kanya't pagtataka sa kanyang ikinikilos.
"Yung... um... scripts po nabasa ko na tapos... um... yung story board po naayos ko na sa tamang sequence na gusto ninyo... umm... naipasa ko na rin po for the changes... umm... binago ko na rin po yung timeline ng bawat scene... umm.." ang nahihiya't nanginginig niyang sinabi sa akin na hindi ko na pinatapos. Nangunot ang aking noo dahil sa paputol-putol niyang pagsasalita.
"Jiro? Okay ka lang?" ang sabat na tanong ko sa kanya. Sa likod ng kanyang monitor kung saan halos isinubsob niya ang kanyang mukha ay dumungaw muli ang kanyang mukhang ngayo'y pinamumulahan na ng pisngi. Nahihiya siyang nakangiti sa akin at hindi makatingin ng tuwid.
"Opo, sir..."
"Good morning, Jiro!" ang malambing bati ni Frida na mukhang katatapos lang mag-time-in sa bundy clock at naglalakad patungo sa mesang katabi lang ng kay Jiro. Agad napataas ang aking mga kilay na parang nabigla nang bigla kaming magkatinginan ni Frida at balikan niya ako ng isang nakakalokong titig at ngisi.
"Hi July! Good... morning." ang sabi niya sa akin sa nang-aakit niyang boses. Parang nanunubok siyang hubaran ko siya sa hagod ng hinga niya na sumasabay sa kanyang mabagal na pananalita.
Agad akong napatingin sa kanyang ginawa nang marating niya ang kanyang desk ay tumuwad siyang ibinaba ang kanyang handbag at tumayo ng tuwid na hinahagod paitaas ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang balakang. Naka red dress na hapit na hapit sa kanyang katawan. Maikli lang ang laylayan nito kaya't kung bubukaka siya'y makikita ko na rin ang pintuan ng langit. Ang kanyang harapan naman ay di rin gaano natatakpan ng kanyang suot. Halos luluwa na kasi ang dibdib niyang malulusog na hindi na talaga masalo ng kayang suot na damit. Wavy ang buhok niya ngayon at nitong huli lang ay nagpakulay siya ng white brown. Kung wala akong girlfriend baka matagal ko nang pinatulan ang pang-aakit na ginagawa niya sa akin sa araw-araw.
Nag-init talaga ako sa aking nasisilayan. Hinila ko ang aking kwelyo palayo sa aking leeg upang pasingawin ang init na aking nararamdaman. Nakakagigil talaga si Frida buti na lang maigting pa rin ang aking pagmamahal para kay Claire.
Hindi ko masisisi si Frida kung pilit niyang gagawin ang pang-aakit dahil sa masyadong pribado ang aking buhay ay walang nakakaalam sa kanila na kasal na lang ang hinihintay ko.
Ilang saglit akong nasa ganoong lagay nang magising ako bigla nang maalala kong kaharap ko lang din si Jiro. Napatingin ako kay Jiro at di nga ako nagkamali. Nakita niya ang titig na naipako ko saglit kay Frida. Sabay naglihis ang aming mga mata palayo at ako naman ay dahil lang sa kahihiyan.
Nang makaupo si Frida ay agad niyang nilatag sa kanyang mesa ang kanyang make-up kit upang makapag retouch. Napuna niyang nakatingin pa rin sa akin si Jiro kaya't habang naglalagay siya ng lipstick ay...
"Jiro, kamusta ka naman?"
"O-okay lang po."
"Mahiyain ka pala. Intimidated ka ba kay July?"
"H-hindi masyado." ang nanginginig at halos pabulong niyang sagot kay Frida sa takot na marinig ko ang kanyang sinabi.
"Si July, tahimik lang talaga yan kung hindi tungkol sa trabaho ang topic. Call it professionalism. Laging kinikimkim lahat pero mabait yan. Napapangiti ko rin naman minsan yan pero dahil sa pagiging tahimik niya." ang sabi naman ni Frida habang gumuguhit ng lipstick sa kanyang ibabang labi habang nagsasalita.
Naglakad na ako pabalik sa aking mesa at sumubsob muli sa mga papel ngunit di naman naalis ang aking tenga sa pag-uusap nila at paminsanan ay sinisilip ko silang dalawa.
"Kamusta naman sa dati mong office? Bakit ka umalis sa P&G? Maganda dun ah." ang sabi pa ni Frida kay Jiro. Sa mga sandaling iyon ay naglalakad na si Jessica padaan sa kanila patungo sa mesa na nakapwesto sa aking kaliwa.
"Ibang environment naman ang gusto ko." ang tila kampante nang sagot ni Jiro kay Frida. Mukha naman palang madaling maalis ang pagiging mahiyain nitong si Jiro. Sabagay noong magsimula siya'y halos hindi na siya nagsalita maliban lang kung kakausapin ko siya tungkol sa trabaho.
"Good morning mga darling!" ang bati naman ni Jessica sa kanila kahit sa mesa niya siya nakatingin at naglalakad.
"Good morning ate." ang sagot ni Frida sa kanya ngunit patuloy pa rin itong nagreretouch.
Nang makaupo si Jessica ay agad siyang nagbuntong hininga at tumingin sa akin.
"July, kayo na lang bahala sa talents next week kailangan ko magpacheck-up." ang hingal na wika ni Jessica. Napalingon ako sa kanya at tumango lang.
"Jiro! Kamusta na so far sa ilalim ng mga kuko ni July?" ang sabi naman ni Jessica kay Jiro. Nagulat si Jirong napatingin sa gawi ni Jessica at nahihiyang tumango lang at matipid na sumagot ng "Okay naman po.
"July, don't be so hard with Jiro ha? Naalala mo yung associate natin last month umalis dahil sa iyo." ang paninisi naman sa akin ni Jessica. Alam kasi nilang lalo akong pinagtripan ko ang naging associate ko dati. Obvious naman kasing binabae ang naassign sa akin na
"Kasalanan ko ba?" tanong ko naman sa kanyang may pagkasarkastiko ang aking tono.
"Alam mo naman sa industry natin ang daming binabae. Hindi ka na magpakasanay sa kanila. Kung walang bakla sa mundo, walang kulay ang mga bagay-bagay." at napasinghal lang ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Jiro at nakitang may takot sa kanyang mga mata.
"Bakit Jiro? Bakla ka ba? Sabihin mo lang." ang nananakot kong tanong sa kanya. Umiling lang si Jiro sa akin at yumuko ngunit nakita ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. Puna ko rin na namutla bigla ang kanyang mga labi.
"Oh bakit ka malungkot? Bakla ka ba? Nagtatanong lang. Akala ko bakla ka eh. Gagawin kitang lalake." ang dagdag ko pa. Nanunumbalik sa akin ang galit ko sa mga bakla sa mga sandaling iyon.
"Kung makatanong ka naman kasi July, parang papatayin mo si Jiro. Kahit sino naman siguro malulungkot o matatakot sa tono ng pananalita mo." ang pagmamataray ni Jessica sa akin. Narinig ko ang pagclick ng compact powder na isinara ni Frida kaya't napatingin ako sa kanya.
"Jiro, nagbibiro lang si July. Eh ano naman kung bakla ka?" ang tanong ni Frida kay Jiro. Napailing na lang ako't ibinalik ang aking attensyon sa aking binabasa at sinabing "Magtrabaho na nga lang kayo." sa naiinis kong tono.
"H-hindi ako... Hindi ako... Hindi ako b-bakla." ang pilit naman na pinanindigan ni Jiro kay Frida. Ngayon ko lang napuna na totoy na totoy ang boses ni Jiro.
"Ang cute mo pala. Hindi pa ako nagbebreakfast, gusto mo tayo na lang? Ayaw kasi sumama sa akin yang si July eh." ang sabi ni Frida sa kanyang malambing.
"S-Sige." ang nahihiya niyang sagot kay Frida at nilock muna ang kanyang PC bago sila sabay na bumangon as kanilang upuan.
Jiro
Nakatayo na kami pareho ni Frida, pilit kong pinigilan ang aking mga tuhod sa panginginig sa takot na baka ako'y matanggal sa trabaho dahil sa aking sekswalidad na kinaiinisan pala ng boss ko.
Nahihiya't nakayuko laman akong sumabay sa paglalakad kay Frida. Isang ruler ang layo naming dalawa sa tindi ng aking kaba.
"Jiro, ganito kasi yan. Si July, galit sa mga bakla. Hindi ko alam kung bakit talaga pero kasi yung dati niyang associate ginapang siya nung nagkainuman after ng isang party namin. Si July kasi pag nakainom naman kala mo walang bukas. Tingin ko lang siguro may dinadalang problema yung tao pero hindi naman kasi pala kwento yang lalaking yan." ang panimula ni Frida upang kami'y mag-usap. Dama ko na gusto niyang pagaangin ang aking loob ngunit sa naririnig ko sa kanya parang lalo akong kinakabahan.
"F-Frida, sorry ha? Atin na lang sana. Totoo naman yung paratang ni July sa akin na bakla ako pero kailangan ko magtrabaho. Kung may malilipatan lang akong ibang department dito baka pwede mo naman ako matulungan." ang pakiusap ko sa kanya.
"Sabi ko na eh. Amoy na amoy naman kasi ang lansa mo dear. Pero huwag kang mag-alala, mabait naman yang si July kahit galit sa bakla. Unawain mo na lang yung nangyari sa kanya. Isa pa, wala ka nang maiikutan dito sa company dahil yung nakuha mo lang ang opening natin. " ang sabi ni Frida habang kami'y malapit na sa elevator.
"Ganun ba? Baka pwede mo naman akong payuhan kung ano gagawin ko para di sa akin magalit si July." ang nahihiya kong pakiusap sa kanya.
"Dalawa lang naman ang dapat mong gawin. Magpakalalaki ka lang sa harap niya at don't touch his birdie." ang natatawang sabi ni Frida. Napangiti ako ngunit hindi pa rin niya maaalis sa akin ang takot sa aking kinatatayuan. Nang makarating kami sa elevator ay ako na ang pumindot ng call button para sa kanya.
"Ano ba nangyari sa dati niyang tauhan?" ang kinakabahan at naiintriga kong tanong sa kanya upang malaman ang mga nangyari para alam ko ang aking gagawin at ikikilos.
"Kasi ganito yan..." ang naputol na sabi ni Frida dahil sa bumukas na ang elevator at kailangan na namin agad sumakay. Maraming sakay ang elevator sa mga sandaling iyon kaya't medyo nakipagsiksikan kami at mahina lang ang naging usapan.
"....bigyan lang kita ng background kay Chester yung dati naming associate ha?" ang sabi ni Frida karugtong ng pauna niya. Tumango lang ako't nakinig ng maigi sa kanya.
"Tulad mo, lalaki rin kumilos si Chester. Mahinhin din at dahil siguro sa single laging tigang at puro titi lang ang topic namin. Naging close friends kami eh kaya umabot sa ganoon ang topic namin. Mas gusto ko kasi maging kaibigan mga bakla kasi ang sasaya ninyo kasama. Pero ikaw, ewan ko lang kasi mukhang kakaiba ka sa kanila eh. Tahimik mo din day." ang sabi ni Frida at napangiti lang ako sa kanya.
"Anyway, yun nga. Si July, walang gaydar. Alam mo naman ang mga straight ang radar para sa mga suso at legs lang gumagana kung meron sa paligid nila. Yung sa party na sinasabi ko, after noon, si Chester kasi walang sasakyan at sa Bulacan pa umuuwi. Dahil sa tauhan siya ni July, kargo de konsensiya, doon na lang si Chester na umuwi sa condo niya. Pagdating nila sa place ni July, uminom pa daw sila kasi sabi ni Chester sa akin parang nabitin daw si July sa inumin sa party. Parang walang bukas daw kung makainom si July kaya ayun pareho silang bumagsak. Sabi naman sa akin ni Chester, natigang lang daw siya kasi naman katabi niya matulog si July ng nakaboxers lang at..." biglang natigil si Frida sa kanyang kinukwento dahil bumukas na ang pintuan ng elevator at nasa ground floor na kami.
"Tapos? Tapos?" ang naiinip kong tanong kay Frida habang naglalakad na kami palabas ng building.
"Teka lang natitigang ako naiisip ko kasi yung sinabi sa akin ni Chester eh. Buti pa yung Chester na yun nakita si July ng nakaboxers lang. Ako nga hindi ko pa nakikita magtanggal ng shirt yung lalaking yun eh." ang alma bigla ni Frida kaya ako natawa ng mahinhin.
"So, type mo pala boss ko?" ang panunukso ko sa kanya.
"Well, wala akong sinasabi pero hindi pa ba obvious sa iyo na nilalandi ko siya everyday? Tuod na lang ang di makakapansin sa ginagawa ko no. Secret lang natin yan ha?" ang sagot niya kaya't lalo akong natawa.
"Secret? Sige, secret. Pero bakit secret kung obvious?"
"Eh ngayon lang ako umamin eh. Ikaw ba hindi naguguwapuhan sa boss mo?" ang balik niya sa akin. Nagkatitigan kami ni Frida kaya't bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahiya na sinabayan pa ng pag-akyat ng lahat halos ng aking dugo sa aking pisngi.
"Bakit nagbablush ka?!?! Type mo siya no? Akin lang si July ha?!" ang naiintriga at natatawa niyang reaksyon sa aking lagay.
"Sayong sayo na." ang sabi ko sa kanya.
"Anyways, back to my story. Ayun nga, eh di super yummy nga si July tapos nakahilata pa matulog. Eh nagalit daw si manoy. Hindi naman daw niya sinasadya pero nahawakan niya yung manoy ni July nung umayos siya ng higa. Eh hindi daw maalis sa kamay niya at may butas daw kasi sa harap yung boxers kaya nilamon na niya." ang kwento ni Frida. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng matinding kilig sa aking narinig ngunit ikinakaila ko naman sa aking sarili na tumitindi na natitipuhan ko si July.
"Sorry wala pa akong experience sa ganyan pero dahil sa lalaki rin ako. Ipinutok daw ni July?" ang tanong ko agad sa kanya. Halata ni Frida na masyado na akong interesado sa aming pinag-uusapan kaya't nakangiting napailing siya bago niya ako sinagot.
"Hindi daw eh. Oh... I wish I could've been there na lang. Sinapak siya ni July nung magising. Pumasok nga na nakashades yun dito nung araw na pinatalsik siya ni July. Mostly ako at si Jessica na ang kumausap sa kanya. Grabe kulo ng dugo ni July kay Chester kung nakita mo lang. Grabe."
Sa labas ng building sa bandang kaliwa lamang ay may fast food restaurant na burger at fries din ang specialty. Doon ako niyaya ni Frida mag-almusal ngunit bago pa namin marating ang entrance ay narinig namin na tinawag ang aking pangalan.
Napalingon kami ni Frida sa aming pinanggalingan at nakita si July at Jessica na sumunod pala sa amin.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng restaurant at nagtagal sa pila dahil sa marami na ang taong naroon.
July
Nakaupo kaming magkaharap ni Jiro, samantlang nasa tabi naming dalawa ang magkaharap sa mesa na sina Jessica at Frida. Si Frida ang katabi ko gaya ng nakasanayan namin at bukod doon ay parang iyon na rin ang paraan nila upang magkalapit kami ni Frida.
"Ano pinag-uusapan niyo kanina?" ang tanong ko kay Jiro habang pinapanood siyang kumakain. Napatingin siya agad sa akin sabay balik ng tingin sa pagkain at napayuko. Hindi ko talaga maintindihan ang kinikilos na kakaiba nitong si Jiro.
"Wala, kinikilala ko lang si Jiro." ang sagot sa akin ni Frida.
Matapos ang ilang sandali ay tahimik kaming kumakain. Nang linugnin ko si Jiro ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Agad niya uling iniwas ito at bumalik sa pagkain habang namumula ng todo ang kanyang mga pisngi.
"Mestiso ka rin pala no, Jiro? Namumula ang pisngi mo." ang pananakot ko sa kanya. Nabilaukan si Jiro sa aking sinabi. Agad na hinagod ni Jessica ang likod ni Jiro habang patuloy ito sa pag-ubo matapos uminom ng soft drink.
Natawa si Frida sa itsura ni Jiro. Parang may alam siyang hindi ko alam.
Naunang matapos si Frida at Jessica sa pagkain dahil tinawagan sila ni ma'am Sarah bigla. Dahil sa mabagal ako kumain at ganoon din pala si Jiro ay naiwan kaming dalawa na walang imik sa isa't-isa. Sa pagkakataong ito, hindi na tumititig sa akin si Jiro. Marahil nakaramdam na siyang nawiwirduhan na ako sa kinikilos niya.
Habang kumakain, napalingon ako sa labas ng restaurant. Nakita kong nakatayo sa labas si Claire at nakangiting kumakaway sa akin. Parang nagliwanag ang buong paligid ng makita ko si Claire.
"Saglit lang lalabas lang ako ha? Papakilala kita sa mapapangasawa kong si Claire." ang masiglang paumanhin ko kay Jiro bago ako tumayo sa aking upuan at nagammadaling sinundo si Claire mula sa labas.
Pagbalik ay pinaupo ko si Claire sa aking tabi na kanina'y upuan ni Frida.
"Jiro, this is my wife-to-be, Claire. Claire, this is Jiro, my new associate." ang sabi ko. Inabot naman ni Jiro ang kanyang kamay kay Claire at nakipagkamayan ngunit may kakaibang nanyari. Parehong pilit ang ngiti ng bawat isa.
"Alam mo naman honey na nahihiya akong humarap sa mga officemates mo." ang sabi ni Claire sa akin matapos niyang makipagkamayan. Sa pagkakataong ito ay may ibigsabihin ang kanyang pananalita.
"Jiro, it's really nice to meet you. Pagpasensiyahan mo na lang kasi talagang mailap ako sa ibang tao sa paligid ni July." ang sabi naman ni Claire kay Jiro.
"July, can you get me something to eat?" ang pakiusap sa akin ni Claire ng nakangiti. Agad naman akong napatayo sa kanyang hiling. Kahit ano kasi gagawin ko para lang sa kanya.
Nang makarating ako sa counter kung saan kaharap lang ang aming mesa ay nilingon ko ang dalawa at nakitang mukhang seryoso na nag-uusap. Nagtataka talaga ako sa dalawa.
"Magkakilala kaya sila?" ang tanong ko sa aking sarili.
Jiro
Nang makaalis si July sa tabi ng kanyang nobya ay naging seryoso ang titig sa akin ni Claire at sinabing.
"Please, don't tell July. Hindi pa siya handa." ang malungkot na pagsusumamo niya sa akin.
"Claire, huwag mo pahirapan pa si July." ang sagot ko sa kanya. Nakita ko lang na tumulo ang kanyang mga luha na agad naman niyang pinunasan.