"July! July na! Ang aga-aga nakasambakol nanaman ang mukha mo diyan!" ang marahot na pang-iinis sa akin ng aking boss na si Sarah Andrea Humakot habang papalapit ito sa akin habang ako'y seryosong nag-iisip sa aking lamesa.
Isang babaeng malusog ang pangangatawan at bilugan ang kanyang mukhang epekto ng kanyang gana sa pagkain. Kung tutuusin malapit na niiyang abutin ang obese level lalo na sa loob ng opisina kung saan ay masisikip ang lagi niyang suot na formal attrire at ang skirt niyang pencil cut ay talaga namang maikli't tila nagmumurang longganisa ang magkabila niyang mapuputing hita.
Hindi ko pinansin si ma'am Sarah at patuloy lang sa aking pagtitig sa mga hawak kong proposals sa aking harapan habang nakapangalumbaba sa isa kong kamay at ang isa nama'y hinihilot ang aking noo.
Nang makalapit si ma'am Sarah sa aking harapan ay nanatili lang itong nakatayo't nakapamewang kahit nakaangkla pa ang kanyang handbag sa kaliwa niyang braso.
"Good morning July!" ang bati niya habang nagtatap ang kanyang paa sa kahoy na sahig ng aming opisina.
"Morning ma'am. Pinipili ko na po." ang walang buhay kong sagot sa kanya.
"Wala ka talagang buhay kahit kailan." ang sagot niya at padabog na naglakad patungo sa aking likuran kung saan naroon ang pintuan papunta sa kanyang tanggapan. Malakas ang langitngit ng sahig dahil sa bigat ng kanyang katawan.
Nang marinig ko ang pagsara ng kanyang pintuan ay parang wala lang na nilingon ko ang dakong iyon at ibinalik muli ang mga mata sa aking hawak na mga papel. Hindi pa lumilipas ang isang saglit ay bumukas muli ang pintuan ng silid ni ma'am Sarah at dumungaw dito ang kanyang bilugang mukha na puno ng kolorete.
"July! Pakisabi naman sa janitor yung kape ko ha?!" ang tila biik na umiiyak niyang utos sa akin. Tumango lang ako habang naririndi sa tinis ng kanyang boses.
"Ang aga-aga utos nanaman ng utos si Dabyana." ang bulong ko sa aking sarili habang unti-untiang tumitindi ang aking pagkainis. Ibinaba ko muna ang aking hawak at nag-unat bago tumayo sa aking upuan. Dahil sa may bintana lang ang puwesto ng aking mesa ay pinagmasdan ko muna ang labas na puno ng puno na berdeng berde ang mga dahon sa panahon na iyon.
Sa mga sandaling iyon ay pumasok sa loob ang isang service master upang kulektahin na ang mga basura na naipon sa bin sa ilalim ng aming mga mesa mula pa kahapon. Saktong yumuko ito upang kunin ang basurahan na asa aking ibaba.
"Tsong, timpla daw ng kape si ma'am Sarah." ang nahihiya ko pa ring pakiusap sa kanya kahit ilang taon ko ng ginagawa ito sa mga nagiging tagalinis namin. Agad siyang napatingin sa akin at tumango lang ng nakangiti.
Iniwan ko siyang nakayuko't kinukulekta sa isang malaking itim na garbage bag ang mga basura. Habang naglalakad ako tungo sa pintuan palabas ng aming departamento ay nakasalubong ko ang aking mga kaopisinang papasok pa lang. Gulat ang mga mukha na makita akong pumasok ng maaga muli.
"July?! Anong oras ka nag-in?!" ang tanong ni Jessica Bernardo na isa ring malusog na babae ngunit di tulad ni ma'am Sarah ay isang morenang babae at mas maliit ng kaunti ang tangkad. Nasa gilid siya ng pintuan sa mga oras na iyon at nagsusuksok ng kanyang time card sa bundy clock na nakadikit sa pader katabi ng isang bakal na lalagyan ng aming mga time card.
Napalingon naman sa akin ang katabi niyang si George Soriano na pagkabigla rin ang bumakas sa kanyang mukha. Isang matangkad na lalaki si George, moreno at dahil sa paglalaro niya ng basketball ay gumanda rin ang hubog ng kanyang katawan.
Ganon naman sa kanyang kaliwa ang isa naming ka-opisinang si Amalfrida "Frida" Gomez, nahihiyang natatawa nang magkasalubong ang aming mga tingin na sinabayan pa niya ng pagsuklay sa kanyang mahaba't bagsak na buhok sa likod ng kanyang tenga. Kumapra sa dalawang katrabaho kong nabanggit ko na sa mga babae ay siya lang ang may hugis coke ang katawan at talaga namang nagoglow ang kanyang maputi't mamula-mulang kutis. Isa sa mga katangian niya bukod dito ay ang pagiging tsinita niya't pagkakaroon ng malulusog na harapan at likurang talagang naalog sa tuwing siya'y naglalakad. Bukod dito, kami lang ang magkaedad sa aming departamento.
"Nauna lang ako ng saglit sa inyo." ang sagot ko kay Jessica.
"Tol, an hour or two ka lagi pumapasok at two or three hours ka lagi over time bago umuwi. Balak mo ba palitan si ma'am Sarah?" ang sabi ni George.
"Nag-iipon lang pare. Alam mo na." ang sagot ko naman matapos ilipat sa kanya ang aking pansin mula kay Frida.
"Swerte mo naman maging asawa. Nakapagpundar ka na sa edad mong iyan." ang wika ni Frida.
"May pinaglalaanan lang, Frida." sagot ko.
Sa mga sandaling iyon ay ibinabalik na ni Jessica ang kanyang time card sa lalagyan nito at inip na aabot na ng kanya si George.
"Ten minutes before ten. Ganyan lang dapat! Work-life balance!" ang sabi ni George habang pinanonood ko sila.
"July, sixty seconder or thirty seconder yung pinili mo?" ang tanong sa akin bigla ni Jessica nang makalapit sa akin ng kaunti mula sa pila ng mga magtatime-in sa bundy clock.
"Still haven't decided on that. Wala pa sa atin yung mga kailangan natin bago magsimula sa shooting ng commercial pero may nagustuhan na ako sa mga naipresent sa atin. Mamaya na lang pagbalik ko. May pupuntahan muna ako."
"May applicant nga pala tayo ngayon ikaw na lang daw mag-interview mamayang twelve. Mukhang for formality na lang pero nakita ko yung bio-data niya mukhang may sinabi naman. Siya magiging associate mo." ang pahabol ni Jessica bago ako humarap sa pintuan. Tumango lang ako sa kanya.
"Going out?" ang tanong sa akin ni Frida.
"Oo, breakfast muna." ang sagot kong nakangiti sa kanya sabay kaway sa kanilang lahat bago lumakad palabas ng department.
"Tignan mo hindi pa kumakain ang mokong." ang sabi naman ni George kay Frida.
Nasa 23rd floor kami ng building kaya't kinailangan ko pang pumila at maghintay upang makasakay ng elevator sabay ng mga nagsisipasok pa lang na mga empleyado.
Sa ibaba ng likod ng opisina ay mayroong Jolli-jeep kaya't hindi na ako nagpakalayo upang makakain ng murang almusal. Ang mga jolli-jeep ay isang moving karinderya na pwedeng ilipat sa pamamagitan ng paghila ng sasakyan. Karaniwan sa mga ito ay bare na stainless steel ang buong frame kundi ito binabalutan ng tarpaulin stickers ng mga advertisements na tulad ng makikita mo sa mga bus ngayon papuntang norte.
"Manang, isang pork steak at kanin po." ang magiliw kong pakiusap sa tindera habang ako'y papalapit sa jolli-jeep habang kumakaway. Abala kasi siya sa mga sandaling iyon dahil napakarami ng mga nag-oopisinang kumakain sa kanyang tindahan.
"Ikaw pala, July! Balot o dito mo na kakainin?" ang tanong niya habang nakatayo ako sa likuran ng kumakain niyang customers. Punas pa siya ng punas ng kanyang kakahugas pa lang na mga kamay sa marumi na niyang apron. Nangiti lang ako bago ako nakasagot dahil marami ulit kumakain sa kanyang tindahan at dahil sa malakas ang kita niya ngayon ay natuwa ako para sa kanya. Hindi ko alam, may pagkaganoon talaga ako. Natutuwa akong makita ang mabuting lagay ng mga tao sa aking paligid. Observant din ako masyado kaya't halos lahat napupuna ko ngunit kadalasan sa sarili ko na lang ang mga bagay na ito pati na rin ang aking opinyon maliban sa trabaho kung saan madalas kong nagagamit.
"Dito na lang manang. Sa inyo lang ako may tiwala sa paghuhugas ng pinagkainan ng customer ninyo." ang malambing kong sabi sa kanya.
"Baka nagmamadali ka? Marami sila ngayon."
"Hindi na po, kaya ko pa naman po maghintay. Mukhang may matatapos na rin po sa kanila." ang nahihiya kong sagot sabay turo sa isa sa mga nakaupong kumakain. Binalikan lang niya ng ngiti bago naghanda ng mangkok at platong ceramic na murahing mabibili sa Quiapo o Baklaran.
Nang umalis ang tinutukoy ko kanina sa tindera ay agad niyang niligpit ang pinagkainan nito bago pa ako makaupo at hinanda na rin ang aking kakainin.
Aabot na sana ako ng kutsara't tinidor sa isang delatang timba na maliit na na may tubing kung saan nakababad ang mga ito na hawak ng tindera ay di ko sinasadyang masiko ang noo ng aking katabi. Sa pagkabigla ay agad kong ibinaba ang aking braso't napatingin sa nasagi kong kumakain. Kinukuskos niya ang kanyang noong namula.
Isang mestisong binatang todo ang pagkapormal ng kanyang damit at kahit pinapawisan na'y hindi pa rin inaalis ang coat ng kanyang amerikanang suot. Out of bed ang hairstyle niya't matangos ang ilong sa gitna ng kanyang kastilain na mga mata't mapulang labing nakausli ng kaunti.
"Pare, sorry! Di ko sinasadya!" ang kabado kong paumanhin sa kanya sa takot na napalakas ang tama ng aking siko. Patuloy naman siyang hinihimas ang tinamaan kong bahagi.
Nang matapos ay bigla siyang ngumiti na nahihiya sa akin at agad na bumalik sa kanyang pagkain. Napansin kong nagmamadali siya sa kanyang pagsubo.
"Sorry talaga, tol." ang sabi ko pa at tumango lang siya habang ngumunguya ng pagkain at nakaharap sa kanyang plato.
Sobrang gutom na ako ng mga oras na iyon kaya't madaling nawala sa aking isipan ang nangyari. Agad kong nilasap ang mamantika't maalat-alat na ulam na hinalo ko na sa akin kanin upang mapadali ang aking pagkain.
Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay umalis na rin ang aking katabi matapos magbayad. Sa kasarapan naman ng aking pagkain ay hindi ko napansin ang mga nangyayari sa aking paligid. Gutom at pagkain lang ang mahalaga sa akin sa mga oras na iyon.
Nang makatapos ako'y agad akong bumalik sa aking desk at naaabutang abala na ang lahat sa kanilang mga trabaho. Nagulat ako nang mapansin kong nakaupo sa harap ng aking mesa ang lalaking nasiko ko kanina. Nagkaabot kami ng tingin at nanlaki ang kanyang mga mata habang ako'y papalapit na at ako nama'y nakatitig lang na nagtataka.
Nang makaupo ako sa aking mesa ay napansin ko ang resume na nakapatong dito at agad napatingin ako muli sa kanya. Napayuko siyang nakatingin sa akin sa hiya at natawa naman ako ng kaunti sa kanyang itsura.
"Sorry kanina ha?" ang nakangiti kong sabi sa kanya bago ayusin ang aking sarili para maging pormal na ang takbo ng aming usapan. Ngumiti lang siya pabalik sa akin. Bumangon ako sa aking upuan upang makipagkamayan sa nanlalamig at namumutla niyang kamay sa kaba. Napansin ko rin na may namumuong pawis sa pagitan ng kanyang ilong. Kung di ako nagkakamali, hindi dahil sa init sa labas dahil napakalamig ng aircon ng aming opisina at mukhang nag-ayos na siya ng kanyang sarili bago pa humarap sa akin.
"I'm Julius James Mendoza and I'll be the one to conduct the interview for your application." ang pakilala ko sa kanya.
Binasa ko ang resume niya habang kinakausap na siya. Paminsanan namang bumabalik ang tingin ko sa kanya tuwing kakausapin ko siya.
"Ikaw pala si... Jairo Jacian Javier Ramirez Alarcon?" ang basa ko sa pangalan niya bago siyang tignan muli. Nahihiyang tumango lang ito sa akin bago ko ibalik ang aking mata sa kanyang resume.
"Nag-aral ka pala sa University of.... at... hmmm" ang sabi ko habang sinusuri maigi ang kanyang mga entry.
"You worked for a year from your previous company?" ang tanong ko sa kanya. Halatang kinakabahan na siya marahil masyado ngayon ang aking kausap dahil sa seryoso at may autoridad ang aking tono.
"Opo." ang matipid niyang sagot sa akin habang may nahihiyang ngiti sa kanyang mga labi.
Binaba ko ang kanyang resume at pinagkrus na nakapatong ang aking mga braso sa aking dibdib.
"How should I call you?"
"Jiro po."
"Okay Jiro, why LEC Advertising? Maraming in-house advertising agencies diyan. Why here?" ang simula ng ala interrogation kong interview sa kanya. Malapit lang ang desk ni Jessica sa aking kaliwa't dama kong nanonood na siya marahil sa amin sa mga sandaling iyon.
"I'd like to work for my this company po. I believe I can also achieve growth in this company and further develop my skills in this industry." ang halos mahina niyang sagot sa akin na parang natutuyuan ng laway ang kanyang lalamunan.
"Relax lang. What can you contribute to this company? Why should we hire you?" ang natatawa kong tanong sa kanya nang makita ko ang kanyang itsura.
"Sir, all I can prove you now are those that are written in my entry and the testimonials of my referrences but I can assure you based on my records that I have what it takes to share my knowledge and skills for the company. I have what it takes and all I need from you is your trust in hiring me so I can show you what I can really do." ang malalim niyang sagot sa akin at halata ko sa kanyang unti-unting lumalabas ang kanyang confidence at conviction sa kanyang mga sinasabi.
"Very impressive. Buti naman medyo nahihila na niya lakas ng loob niya. Kailangan ito dito sa trabahong ito niyan, dude." ang bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan siya nang matapos niya ang kanyang sasabihin.
"Are you a team player or do you prefer working alone?" ang tanong ko.
"I usually work alone back then sa previous company po pero I can work with colleagues naman. Madali naman po ako makisunod at makisama."
"Hindi karaniwan ang oras natin dito sa opisina. Minsan kailangan nating lumabas sa field. Are you confortable with shifting schedule? Sa Cavite ka ba umuuwi ngayon?" ang tanong ko sa kanya.
"Kung ano po kailangan. Sanay na rin naman po ako sa pabago-bagong oras ng pasok. I'm renting a place sa Buendia po kaya kahit matrapik hindi po problema sa umaga ang biyahe."
"What do you expect from LEC Advertising? You know our company is just starting and had been operating for five years pa lang and two years pa lang nito ginagamit ang pangalan na LEC when Lazaro-Chua Advertising merged with Elizalde Group of Companies."
"I've heard good rumors from my former colleagues who works here now at a different department. I trust I'll be fairly paid for my labor and according to my work responsibilities." at bigla siyang ngumiti.
"When can you start?" ang tanong ko sa kanya.
"As soon as I am needed."
"You'll be reporting to me tomorrow. To follow na lang yung requirements mo but please have them completed within a month after you sign your contract."
Nagustuhan ko ang sumunod naming usapan at pumayag naman siya sa starting pay niya. Matapos ang interview ko kay Jiro at nang makaalis na ito. Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng paghilot ng dalawang kamay na maliliit sa aking balikat. Natuwa ako't nilingon siya mula sa aking likuran.
It's been a year after the car accident..