Chereads / Salamin [BL] / Chapter 10 - Salamin - Chapter 10

Chapter 10 - Salamin - Chapter 10

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig matapos marinig ang sinambit ni Mariah sa harap ni Randy. Nanlumo ako kung paano ko sasagutin si Mariah upang hindi maghinala si Randy. Lubos akong kinakabahan sa magiging reaksyon nito.

"Ganun ba?..." ang sagot ni Randy sa kanya habang kitan-kita ko sa gilid ng aking paningin ang hindi maipintang mukha nito. Isang katahimikan ang saglit na naghari sa aming pagitan.

Bigla akong inakbayan ni Randy at kinabig dumikit sa kanyang gilid ng napakahigpit at sa gulat ay nanlaki ang aking mga mata at tumitig sa kanyang mukhang nakaharap na rin sa akin.

Isang matamis na ngiti at nangungusap na mga mata ang nakaharap sa akin. Para akong natutunaw na yelo sa mga titig ni Randy. Puno ng ibig sabihin at kasiyahan ang kanyang mga mata sa pagkakataong iyon habang palipat-lipat ang kanyang mga titig sa aking mga mata.

Nabighani ako kay Randy. Napakabilis ng mga pangyayari at kahit sa aking sarili ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ngunit mali pa rin ang lahat ng ito.

"Palabas lang ang lahat ng ito ni Randy, Jasper. Huwag kang magpapadala!" ang sigaw ko sa aking sarili haban dumadaloy ang malakuryenteng kilig sa aking buong katawan.

Napatili si Mariah sabay palakpak ng mabilis habang nagtatalon sa aming harapan sa kanyang nasisilayan.

"Magkasama kami sa banda, Mariah. Sasahod ako sa pagsali sa kanila. May practice kami ngayon. May girlfriend siya at di kami talo. Siya nga pala si..." ang pakilala ko kay Randy habang tumatawa ng pilit ngunit naudlot dahil biglang umabot si Randy ng isang kamay sa kanya upang makipagkamay kay Mariah.

"Andrew... ako si Andrew... Nice to meet you..." ang masayang bati nito na hindi natuloy dahil hinihintay niyang magpakilala sa kanya si Mariah.

"I'm Mario but please call me Mariah, Andrew. Ang gwapo mo talaga at mukhang mabait pa. Bagay talaga kayo ni Jasper." Ang malandi naman nitong sagot kay Randy. Nainis na ako kay Mariah kaya isang pilit na ubo ang aking pinakawalan sa kanya upang makahalata na.

"Nga pala Mariah, maiba ako. Baka pwede naman ako humiram ng kaunti pampagamot ni nanay. Malaki-laki naman ang kikitain ko sa banda kaya mababayaran agad kita. Pakilista na lang kung nakakamagkano ako. Isa pa, baka may mga kakilala ka naman na mga malalapitan para matignan si nanay. Lumalala na kasi ang ubo niya at matagal na siyang ganun. Hindi naman pineplema, hindi na rin nakukuha sa lagundi yung sakit niya. Nababahala na ako kasi sa mga sintomas na nakikita ko." ang pakiusap ko sa kanya. Naging mabigat ang hangin sa paligid matapos kong sabihin ang mga pakiusap ko kay Mariah. Hindi rin maiwasan na malungkot si Randy sa kanyang mga narinig.

"Matagal ko na hinihintay na sabihin mo sa akin yan, Jasper. Kung alam ko lang na hindi mo ako pipigilan, matagal ko na ipinatingin ang ina mo. Hayaan mo, maaga ako magsasarado ngayon at dadalhin ko na si Basilia sa ospital para ipatingin. Kapalit na rin yun ng pagluluto niya ng masarap para sa akin. Alam mo naman na noong maliit ka pa lang at ako ang gahol sa pera malaking tulong na rin ang ibinigay sa akin ng magulang mo. Panahon na para suklian ko naman kahit ang ina mo lang." ang sagot naman niya sa akin. Tila lumambot ang puso ni Randy sa kanyang narinig habang ako naman ay hindi na napigilang mangilid ang aking mga luha.

Noong maliit pa lang ako at buhay pa ang mga magulang ko, isang araw ay natagpuan nila si Mariah na lalaboy-laboy sa lugar namin gawa ng madalas itong maglayas sa kanilang tahanan dahil sa araw-araw na binubugbog siya ng kanyang ama. Namatay ang ina ni Mariah nang siya ay isilang nito. Bukod sa kanyang pagkatao ay isa ito sa dahilan kung bakit matindi ang galit sa kanya ng kanyang ama na kamamatay lang din nitong nakalipas na taon lamang nang atakihin ito sa puso.

Si nanay ang unang tumulong sa kanya. Nakita niya itong umiiyak at naglalakad padaan sa harap ng aming bahay habang basang-basa ng ulan. Saktong hapunan na noon at limang araw na raw si Mariah hindi kumakain gawa ng kanyang paglalayas. Nalungkot si tatay sa kinahinatnan ni Mariah noon kaya't pinangakuan niya itong pwede siyang kumatok sa pintuan namin tuwing agahan, tanghalian, o hapunan upang makikain sa amin.

Bukod sa pagkain, naging taguan na rin ni Mariah ang aming tahanan sa pagkakataong hahanapin siya ng kanyang amang may dalang dos por dos upang ipanghambalos sa kanyang lamog nang katawan na noo'y lubos ang kapatayan.

Bilang ganti at pageensayo na rin ni Mariah sa paggupit ay ginugupitan niya ang aking magulang ng buhok bago siya namasukan sa isang parlor. Dahil doon at sa mga naging side-line niya ay nakapagipon siya at nakapagpatayo na ng sariling parlor.

"Salamat Mariah, tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo to bagaman marami na akong utang sa iyo." ang sagot ko naman sa kanyang nanginginig na ang boses sa sobrang tuwa at hiya.

Hinaplos ni Randy ang aking likuran at isang matamis na ngiti ang ipinakita niya sa akin.

"Dude, am here. I'll help you on this too. Just ask." ang pagpapalagay ni Randy sa akin.

"Nakakahiya naman sa iyo Randy. Nadamay ka pa. Hindi mo pa ako ganoon kakilala pero... Ang iniisip ko kasi... Ang ano ko lang... " ang mautal-utal ko namang naisagot sa kanya. Hindi ko magawang humindi dahil kalusugan na ng ina ko ang pinaguusapan.

"Basta... change topic na tayo. Salamat Andrew, lalapit na lang ako kung kailangang-kailangan na talaga. Okay naman ako sa kikitain ko sa banda natin sa ngayon." ang dagdag ko pa nang mabawi ko ang aking dila sa pagsasalita.

"Sabi mo eh... Basta. I'm just around, okay?" ang sabi naman niya sabay kuskos sa aking bunbunan upang guluhin ang aking buhok.

Nagpaalam na kami ni Andrew kay Mariah at tinungo ang kotse. Nang makaupo ay natulala lang akong nakatitig sa harap ng kalsada. Tila namanhid ang aking utak sa bilis ng mga usapan namin.

"Di mo maipaliwanag... ang mga pangyayari... Tulad ng isang pagkikita... sa 'di inaasahang lugar..." ang biglang awit ni Randy habang nakangiting abot tenga at tumatapik pa ang mga daliri sa manibela matapos niyang patakbuhin ang makina.

"Kakantahin ba natin yan?" ang agad kong tanong sa kanya nang maalalang malapit na kaming magensayo ngunit wala pa akong ideya masyado kung ano ang mga kakantahin namin. Hindi sumagot si Randy at patuloy lang siya sa kanyang lagay.

"Di mo maipaliwanag... ang nararamdaman... tulad ng mga ngiti... abot hanggang langit" ang inawit pa ni Randy na ngayo'y humaharap na sa akin.

"Oh... bakit ganyan ka pa rin kung makaupo? Anong meron?" ang puna niya sa aking hindi natural na pusisyon. Masakit pa rin ang aking likuran kaya't hindi ko nailalapat ang aking puwitan sa upuan.

"Baliw!" ang sigaw ko sa aking sarili.

"Hindi mo ko sinasagot. Kakantahin nga ba natin yan?" ang pangungulit ko na sa kanya.

"Ahh.. wala lang tol... praktis lang. Wala pa rin akong idea kung ano yung mga kakantahin natin eh." ang sagot niyang nang aasar na.

"Pero.. ito lang ang alam ko. May kilala ka na sa mga kasama natin sa banda. Madadalian ka na kung sa pakikisama lang." ang dagdag pa niyang pagpapahula.

"Bakit ayaw mo sabihin kung sino? Para saan pa ang sorpresa?" ang tanong ko sa kanya. Tila nawawalan na ako ng gana siyang kausapin. Napakapresko nanaman niya at ngayo'y nang-aasar pa.

"May pagkasuplado ka rin pala at mataray, Jasper. Magkakasundo tayo." ang natatawa niyang binanggit matapos ang saglit na katahimikan namin.

"May sanib ka nanaman." ang nasagot ko sa kanya sa inis.

"Di na mabiro... daan muna tayo sa bahay ha? Ligo muna ako. Medyo nangangati na ako parang hindi pa rin naalis yung amo'y ng alak sa balat ko. Ikaw rin Jasper, baka gusto mo rin maligo muna. Amo'y alak ka pa rin." ang sabi niya habang abala na ang kanyang attensyon sa kalsada dahil nasa kalsada na kami sa harapan ng Metropolis na lubhang marami na ang mga sasakyang nakikipaggitgitan. Hindi ko siya sinagot kahit totoong sumisingaw na sa katawan ko ang amo'y ng alak. Mayabang kasi siya masyado.

Binaybay namin ang daan tungo sa kanila na hindi ko na siya kinakausap. Nang makarating sa harapan ng kanilang bahay at tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong kinuha at malabing na sinagot ang tumatawag sa kabilang linya.

"Babe... good morning my sexy babe, Alice... How's your head, my darling?... Sumasakit po ulo mo?... Want me to bring something for you later?" ang sabi ni Randy sa kabilang linya.

"Randy... kakatukin ko na yung gate para pagbuksan ka na nila para makapagpraktis na tayo. Gusto ko na umuwi." ang naiinip ko nang paalam kay Randy. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang pakikipag-usap kay Alice.

Nang makalabas ng kotse ay agad kong tinungo ang malaking gate ng bahay ni Randy ngunit bago ko pa mapindot ang door bell ay...

"Jiho... can you come over here? I want to look at you closely." ang tawag sa akin ng isang matandang lalaki na nakawheel chair at kumakaway sa akin.

Siya ay nasa harap ng gate ng katabing bahay ng kina Randy. Pinapayungan siya ng kanyang dalawang alalay na mga mukhang medyo may edad na sa isang dalaga. Ang isa sa kanila ay pinapayungan ang matanda at ang isa naman ay may bitbit na bag na maliit at taga-paypay sa kanya.

"Ho?... " ang sagot kong patanong sa pagkabigla. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya dala ang magkahalong pagtataka at hiya.

"Come... I want to look closely at you... you remind me of someone dear to me." ang sabi niya sa akin habang inaabot ang aking kamay nang mapakapit ako sa kanya. Hindi naman maiwasang magbulungan ng dalawang helper niya habang nagsisitinginan sa akin.

"Diyos ko!! Kailangan ko ng pera pero huwag sana sa kanya!! Pedopilya ito!!" ang sigaw ko sa aking sarili habang nakapinta ang mga pilit na ngiti sa akin mukha at yumuyuko papalapit sa matanda.

"How rude of me... I'm Amante and you look a lot like someone I knew. What is your name jiho?" ang pakilala niya sa kanyang sarili. Mukhang wala naman sa mga tingin niya ang masamang intensiyon kaya't agad na nawala ang kaba sa aking dibdib ngunit nanatili pa rin ang matinding hiya na humarap sa mga mayayamang katulad niya.

"J-Jasper po..." ang nautal kong sagot sa kanya.

"Nice to meet you Jasper... I wish you could come here more often for a small talk." ang natutuwang sagot naman niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil inagaw ng attensiyon namin nang marinig namin ang malakas na pananawag ni Randy sa mga kasambahay habang nakatayo at kumakatok ng malakas sa labas ng malalaki nilang gate.

"Ah. Sige po... mauna na po ako mang Amante..." ang paalam ko sa matanda at nagmamadaling tinungo si Randy.

"I thought you were going to call them out, Jasper! Ang tagal naman! Nakipagusap ka pa sa kapitbahay namin. And what's the deal with that Mariah guy earlier na sabi pa bagay daw tayong dalawa?!" ang naiirita niyang paninisi sa akin nang makalapit ako sa kanya.

"S-Sorry, kinausap lang ako nung matanda. Tinawag niya kasi ako. Biro lang yun ni Mariah... huwag mo sana bigyan ng ibigsabihin tol." ang paumanhin ko sa kanya. Tila hindi siya nakuntento sa aking sagot.

"Ano ba gusto mo mangyari ngayon?! Makipagkilala sa mga matatandang taga Ayala Alabang?!" ang galit niyang sigaw sa akin. Hindi na ako sumagot sa kanya at tumango na lang.

Hindi nagtagal ay bumukas na ang malalaking gate at naiwan akong nanatili sa aking lagay habang si Randy naman ay nagmamadaling tinungo ang kanyang sasakyan upang ipasok na sa loob.

Sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay at nanatiling nakayuko lang. Agad naming tinungo ang kanyang silid dahil sa gusto niyang maligo.

Hindi ako nagsasalita kahit kausapin niya ako habang kami ay paakyat sa hagdan. Nang makapasok sa kanyang silid ay agad kong kinuha ang aking mga gamit at inilabas ang aking suot na pang-ibaba kahapon.

Pareho kaming nasa closet ni Randy sa mga oras na iyon.

"Can you get out of the closet? I need to change." ang sabi niya sa akin na may pagkamasungit. Hindi ako sumagot at umalis na lang. Tumungo ako palabas ng kuwarto dala ang aking mga gamit. Nang magsara ng pinto si Randy ay agad akong naghubad ng aking suot na shorts at napansin kong may dugong kaunti ito sa likuran nang aking pagpagin.

Agad kong nilingon ang likuran na bahagi ng aking puting panloob na salawal at napansing may dugo rin ito ngunit mas marami. Tila naisuot muna ang aking brief matapos akong halayin kagabi bago isuot sa akin ang shorts na pinahiram ni Randy.

Agad ko rin inalis ang Valium na nasa bulsa at isinilid ito sa loob ng aking bag at nang matapos ay nagmamadali akong nagsuot ng aking pang-ibaba.

Hindi pa rin lumalabas ng closet si Randy kaya't bago pa niya ako mapuna ay nagmamadali akong lumabas ng silid at tumungo sa sala upang doon na lang siya hintayin.

Ilang minuto ang lumipas na ako'y nakaupo sa isa sa mga sofa nila Randy nang bumaba siyang nakatapis lang ng tuwalya ang babang bahagi ng kanyang katawan. Hindi ako makatingin ng tuwid sa kanya habang dala ang magkahalong damdamin.

Sa sahig ko ibinaling ang aking paningin nang makita ko na lang ang dalawang paa ni Randy na nakatapak sa aking tinititigan. Sobrang lapit ng kanyang harapan at ilang uga na lang payuko ay magdidikit na ang aking mukha at kanynag nakabukol na alaga. Hindi ko napigilan ang pamumula ng aking mga pisngi sa kanyang ginawa.

"Jasper, want to take a shower? Sorry kanina ha? Nag-init lang ang ulo ko." ang nahihiya niyang sinabi sa akin.

Pumikit ako at itinaas ang aking ulo at muling minulat ang aking mga mata nang masigurado kong mukha niya na ang aking makikita.

"S-sige tol... kung hindi nakakahiya sa iyo... makikiligo na rin ako sana." ang pakiusap ko sa kanya habang iniintindi ang lagay ng aking likuran. Mahirap na mababad ang aking salawal sa aking sugatang likuran. Kahit mahirap kami, sinisiguro ko pa rin na kahit paano'y malinis ang aking pangangatawan.

Agad niyang inabot ang aking mga kamay at hinila ako patayo mula sa aking pagkakaupo.

Nang kami ay magkalapit na ay agad kaming tumungo pabalik sa kanyang silid.

"Nga pala Jasper, si Don Amante, yung kausap mo kanina... siya yung sponsor ng band at tutulong sa publicity." ang kinuwento sa akin bigla ni Randy habang kami ay umaakyat ng hagdan. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-akyat sa hagdanan.

Nang kami ay makarating sa kuwarto ay walang pasintabing nagtanggal ng tapis si Randy at naglalakad patungong closet. Mabilis kong inilayo ang aking mga tingin mula sa kanya matapos kong makita ang matambok niyang likuran. Hindi ko maiwasan ngunit tila lahat ng dugo ko ay umakyat patungo sa aking mga pisngi.

"Nandito pa ako Randy... " ang nasabi ko sa kanya sabay alis ng aking shirt habang nakatalikod na sa kanya.

"Ano yang nasa likuran mo Jasper? San mo nakuha iyan? Wala naman kahapon yan at ngayon ko lang napansin yang mga parang kagat at pasa sa likod mo." ang gulat at nag-aalalang puna niya. Nakalimutan kong wala pala siyang tapis sa katawan kaya't agad akong napalingon sa kanya at bumungad sa akin ang kabuuhan at ang kalakihan ng kanyang kargadang may mamula-mulang ulo.

Agad kong inalis ang aking tingin palayo at matinding kilig ang bumalot sa aking katawan. Mahihimatay yata ako sa tindi ng pinaghalong kaba at tuwang hindi maintindihan na aking nararamdaman sa mga oras na iyon.

"Sorry!!! Magtapis ka kasi!!!" ang sigaw ko sa kanya.

"Ano ka ba tol! Pareho naman tayo meron nito eh! Ang wirdo mo." ang sagot niya sa akin na natatawa habang nanatiling kakatayong nakaharap sa akin at walang takip ang harapan.

"Sabi nang hindi ako sanay eh!!" ang sagot kong halata na ang pagkainis.

"Sa basketball wala lang to... sa locker room.. wala lang ang ganito... pasensiya na." ang natatawa niyang sagot naman sa akin.

"Ano nga nangyari sa likuran mo? Iniiba mo naman ang usapan eh." ang dagdag pa niyang nangiinis pa.

"Hindi ko alam Randy... hindi ko alam kung san ko nakuha yan.. lasing na lasing ako kagabi... wala akong maalala." ang nagkukunwaring palusot ko naman sa kanya. Tila hindi siya nakuntento sa aking sinabi kaya't lumapit siyang lalo sa akin.

"Aray!" ang daing ko nang bigla niya itong haplusin.

"Randy nanaman! Sinabi nang Andrew eh!... Grabe naman parang animal yung gumawa sa iyo niyan. Tamang trip? Mukha kasing likod ng babae yang likuran mo sa kinis. Baka si Nestor o si Rodel ang nantrip sa iyo. Suka kasi ikaw ng suka na parang fountain kagabi." ang natatawa niyang sinabi sa akin. Nainis ako sa kanya.

"Malay ko nga! Sabagay... yun naman yung unang pagkakataon na nakita niyo kong lahat na walang pang-itaas kahit si Rodel." ang sagot ko sa kanyang hinaluan ko na ng kasinungalingan.

"Kung alam mo lang Randy

"Ows!?! Ganon kaconservative ikaw?!! Ganyan pala mga nerdy-nerdy." ang sagot niyang natatawa at nanunuya.

"Puta naman Randy eh. Usapang lalaki! Kung ayaw mo maniwala eh di huwag! Hindi ako tulad ng mga nasa squatter na walang pang-itaas palagi. Nerdy-nerdy ka pa diyan. Bwiset!" ang pikon kong sinagot sa kanya. Humalakhak lang siya ng humalakhak sa akin.

"Tol... nakakatuwa ka palang asarin... kaya siguro naging best friends kayo ni Rodel. Malakas din mang-asar yun eh." ang puna naman niya sa akin habang inaabot ang kanyang tuwalya sa akin.

"Oo na..." ang sagot ko sa kanya matapos abutin ang tuwalya. Agad ko itong ibinalot sa aking baywang upang maghubad na ng aking pang-ibabang suot.

Naging mabilis ang mga sumunod na kaganapan matapos kong mahubad ang lahat ng aking pang-ibaba. Nagkamali ako ng tapis kaya't agad itong nahulog sa sahig nang ako'y umayos mula sa pagkakayuko sa paghuhubad.

Nanlaki ang aking mga mata sa takot, gulat at kabang naghalo. Parang binuhusan nanaman ako ng malamig na tubig sa aking lagay.

Nilingon ko si Randy at tulalang nanlalaki rin ang kanyang mga matang nakatitig sa aking puwet.