Chereads / Salamin [BL] / Chapter 9 - Salamin - Chapter 09

Chapter 9 - Salamin - Chapter 09

Nagbalik ang mga larawan ng aking dinanas na paghihirap sa kamay ng isang walang kaluluwang gumamit sa akin na para lang akong laruan. Namuo ang matinding galit sa aking damdamin at di ko mapililang pigain ng sobrang higpit ang aking mga kamao.

Marahan kong inayos ang aking sarili upang umupo ng patagilid gawa ng hindi ko mailapat ang aking puwitan sa upuan sa matinding kirot at hapdi. Hindi ko naman maalis ang aking mga kamay sa aking noo na panay din ang kirot sa aking bawat paggalaw.

Sinilip ko ang bandang kama upang tignan si Rodel ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang taong hindi ko inaasahang naroon pala noong gabing iyon.

"Si Nestor? Kailan pa siya dumating? Panong?... Arrgghhh!!" ang bigla kong nawika na sinabayan naman ng sakit ng aking ulo kaya't di ko na nagawa pang isipin ang lahat. Lasing na rin ako kagabi at hindi ko na pansin ang oras ang mga tao sa aking paligid kagabi.

Nang humupa ang kirot ay muli kong sinilip ang dalawa sa kama. Masarap ang tulog nilang dalawa. Tila masaya sa piling ng bawat isa.

Pilit kong naaalala ang aming masasayang sandali habang pinagmamasdan ko ang mala-anghel na mukha ng natutulog na si Rodel. Naaalala ko noong kami pa habang siya ay natutulog at mas maaga akong nagigising sa kanya ay ginigising ko siya sa pamamagitan ng aking mga halik at binabati naman niya ako ng kanyang matamis na ngiti tuwing mumulat na niya ang kanyang mga mata.

Mahal ko pa rin si Rodel. Hindi pala ganoon kadali kalimutan ang unang pag-ibig. Lubhang napakasakit pala ng umibig. Ngunit tulad ng sabi ni Mariah, kaligayahan ng mahal mo ang mas mahalaga kung mahal mo talaga siya kahit kapalit nito ang sarili mong kaligayahan.

Hindi ko mapigilang panoorin si Rodel na mahimbing na natutulog kahit nakayakap sa kanyang tabi si Nestor. Tila si Rodel lang ang napapansin ng aking mga mata sa bandang iyon ng silid.

Sana hindi natapos ang lahat. Sana hindi na lang naging kami kung ganito lang din mahahantong ang lahat.

"Ang lahat... hmph! At gagamitin pa rin niya ako kahit hindi kami?!! Wala na akong ibang iniisip na gagawa sa akin non kung hindi ikaw lang Rodel. Kung tayo pa rin nung gawin mo sa akin iyong kagabi hindi ako magagalit." ang nasabi ko sa aking sarili nang maalala ko nanaman ang pambababoy sa akin kagabi.

"Ngunit... hindi ganoon si Rodel sa kama... Hindi pa niya nagagawa sa akin yung ganoon... O dahil baka... walang pagmamahal ang mga naganap na iyon kaya ganoon na lang ang lahat?" ang wika ko sa aking sariling nagtatalo.

Isa-isa kong tinignan si Rodel, Randy, at Nestor. Dahan-dahan kong nilapitan at inamoy ang ulo ng bawat isa na lubos kong ikinagulat. Lahat sila'y nakapaligo na kagabi dahil iisa lang ang ng amoy ng buhok nilang lahat. Iisang shampoo lang ang ginamit nilang lahat.

"Nakaligo na silang lahat? Kelan?" ang tanong ko sa aking sarili sa gulat na hindi ko matukoy kung sino ngayon ang yumurak sa akin kagabi.

Dali-dali kong binalikan ang palikuran kung saan nangyari ang panghahalay sa akin upang tiyakin ang anti-dandruff shampoo na naamoy ko sa kanilang lahat. Hindi nga ako nagkamali sa aking inakala. Lahat sila ay nakapaligo na bago pa ako dinala sa lugar na iyon kagabi.

Napansin kong nakasampay ang basa kong shirt sa likuran ng pinto kaya't kinuha ko na ito at isinampay sa aking balikat.

Nang pabalik na ako sa silid ay napansin kong pabagon na si Randy at pumupungas nang tumingin sa akin.

"Good morning Jasper! Ano next natin?" ang masayang bungad niya sa akin.

"Kailangan kong magpakakalmado para hindi malaman ng lahat. Malaking gulo ito." ang sabi ko sa aking sarili sabay bitiw ng isang pilit na ngiti kay Randy.

"Randy... uwi muna ako sa bahay mamaya kung pwede nag-aalala lang ako sa nanay ko. Kung pwede lang sana. Magbibihis na rin ako doon." ang pakiusap ko kay Randy habang kinakabahan namang baka bulyawan niya ako kung makakaabala ako sa praktis namin.

"Ayun lang ba? Gusto mo samahan muna kita sa inyo? Tanghali na lang tayo magpapractice. Kung di ko naman sasabihin sa mga iyon hindi rin naman magkakaroon ng practice ngayon." ang malambing niyang sagot sa akin. Nakakakilabot.

"Salamat Randy! Magligpit muna ako ng kalat natin. Nahihiya kasi ako kay Rodel kung aalis na lang tayo basta." ang sabi ko sa kanya ngunit ang talagang pakay ko ay kumalap pa ng mga ebidensiya upang matukoy ko kung sino ang gumahasa sa akin.

"Yun lang ba? Tulungan na kita. May nakakalimutan ka nga pala... diba sabi ko... Andrew ang itawag mo sa akin?" ang sagot niyang may halong pagtatampo. Agad akong natigilan sa kanyang sinabi at napuno ng pag-iisip sa kanyang katauhan ang aking guni-guni.

"Oo nga pala... Sorry Andrew" ang sagot ko na lang sa kanya na may pilit pa rin na mga ngiti at nagsimula nang magligpit ng mga naiwang ginamit namin kagabi na nasa sahig pa rin. Wala na ang aking suka roon, mukhang nalinis na nila kagabi. Nakakahiya talaga.

Nang matapos kami roon ay tumungo na kami sa ibaba upang maglinis pa habang ang dalawa naman ay naiwang mahimbing pa rin na natutulog.

Sa sala si Randy at ako naman ay sa kusina naglinis. Itatapon ko na sana sa basurahan ang mga wrapper ng mga sitsiryang pinulutan namin kagabi nang mapansin kong may nakapaibabaw sa mga basura na banig ng pitong diazepam at iisa na lang sa mga ito ang hindi pa nabubuksan. Dali-dali ko itong kinuha bago itapon ang aking mga hawak na basura.

"Valium?! Napapalakas nito ang epekto ng alak ah... Sinong umiinom nito?! Sinong may kayang makakuha nito sa kanila?! Hinalo ba ito sa inumin namin kagabi?!" habang sinusuri ang gamot.

"Tol tapos na ako dito sa sala. Tara na tayo sa inyo! Iwan mo na lang muna yung gamit mo na nasa bahay babalik naman tayo doon mamaya." ang masaya niyang sinabi sa akin. Sa gulat ko ay agad kong ibinulsa ang gamot.

"Oo.. handa na ako... tara na..." ang yaya ko sa kanya.

Dali-dali na kaming tumungo palabas tungo sa kanyang kotse at bumiyahe tungo sa amin. Magkatabi lang kami dahil sa tabi na niya ako pinaupo. Kung gaano kami kabilis tumungo sa kotse ay ganoon din ang bagal ng kanyang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.

"Bakit ganyan ka makaupo Jasper?" ang natatawang puna niya sa aking lagay.

"Ah.. eh... wala... masakit muscle ko sa bahaging iyan... bumagsak yata ako... ewan ko ba..." ang palusot kong sagot sa kanya habang inaayos muli ang aking upo. Pilit kong tinitiis ang matinding pangingirot pa rin ng aking nawasak na butas na sinasabayan naman ng pangingirot ng aking ulo.

"Sa Putatan tayo ha?" ang sabi ko sa kanya nang makarating na kami sa tapat ng Toyota. Pilit ko na lang binago ang aming usapan dahil namumuo nang muli ang aking galit sa mga nangyari kagabi.

"Taga Putatan ka pala? Buti ka pa may malapit na 7-Eleven lang sa inyo isang dura lang ang layo." ang natatawa niyang biro sa akin.

"Wala naman akong pambili kaya para saan pa yung ikinalapit nung conevience store na iyon?" ang sagot ko sa kanya.

"May mga kapatid ka ba Jasper?" ang tanong niya matapos niya akong lungunin upang ipakita ang kanyang mga nagungusap na mga mata at matamis na ngiti. Nakakasindak ngunit nakakatuwa rin ang kanyang ginawa.

"Sana pero... nakunan ang nanay ko..." ang malungkot kong isinagot sa kanya habang ako ay nakatitig sa kalsada.

"Bakit nakunan nanay mo?" ang sunod niyang tanong matapos ulitin ang kanyang kaninang paglingon sa akin.

"Randy.. este.. Andrew... Nagdadalang tao kasi ang ina ko noon... naaksidente sa pagmamaneho ng trak ang tatay ko... yun yung naging dahilan siguro kung bakit nakunan si nanay..." ang malungkot ko pa rin sagot sa kanya sabay titig sa kanyang mga mata.

Naapektuhan siya sa aking sinabi at aking mga titig. Mabilis nawala ang saya sa kanyang mukha at tila nakopya niya ang ipininta ng aking mukha.

"I'm sorry to hear that... Jasper... change topic tayo... about me na lang ang pag-usapan natin." ang sagot niya habang nakatitig na siya sa kalsada.

"Oo nga pala no? Sige nga ikaw naman..." ang sang-ayon ko sa kanyang sinabi.

"May kaya kami pero lumaki akong wala ang pag-aaruga ng aking mga magulang. Si mommy at daddy parehong nasa US. Noong maliit pa lang ako, ang nag-alaga lang sa akin noon ay... yung tito ko... na pinsan ni daddy." ang kuwento niya sa akin. May panandaliang bakas na galit sa kanyang mga matang nakatitig sa kalsada nang banggitin niya ang kanyang tiyuhin.

"Dati madalas naman silang umuuwi para bisitahin ako. Pinakamasaya kong araw sa buong buhay ko ang makita ko ulit sila mommy. Pero mula nung grade four ako naging madalang na ang pag-uwi nila pero nagkakausap pa rin naman kami through internet. Nauunawaan ko kung bakit sila ganoon kasi para rin naman sa akin yung ginagawa nila. Buti ka pa, lagi mo kasama mom mo. Mayaman ka sa pagmamahal niya kahit..." ang malungkot niyang ikinuwento sa akin at hindi naman natuloy ang kanyang sasabihin marahil tungkol iyon sa aking yumaong ama.

"Ganun ba Andrew? Salamat ha? Ikaw pa lang ang nakapagsabi sa akin niyan... malungkot din pala ang buhay mo kahit lahat ng gusto mo ay nakukuha mo sa pamamagitan ng pera. May mga bagay ngang hindi talaga kayang bilhin ng pera." ang sagot ko sa kanya.

"Baka mag-iyakan pa tayo, tol. Maiba ako, ano ba yung mga kakantahin ng banda natin?" ang sabi ko naman sabay ngiti sa kanya. Agad din nagbago ang kanyang aura tila nalaman ko na iyon din ang gusto niya.

"Alternative na jazzy... hindi ako masyado maalalam sa genre ng music pero okay lang ba sa iyo mga parang ganon na kantahin?" ang tanong niya.

"Okay lang... para maiba naman... puro na lang din kasi classical yung kinakanta ko. Sana lang bumagay boses ko don." ang natatawa kong sagot sa kanya.

Nakarating na kami sa kanto ng aking tahanan at balak na sanang iwan muna siyang sandali upang magpark sa gilid ng eskinita dahil sa nahihiya akong makita niya ang lagay ng aking pamumuhay. Ngunit mapilit siya kaya wala na akong nagawa kundi ang bigyan siya ng mga paunang sabi sa lahat ng maaari niyang matuklasan tungkol sa akin.

"Ang kulit mo lumakad ngayon Jasper... anong meron?" ang natatawa niyang puna naman ngayon sa hirap kong paglalakad kanina pa. Hindi ko maiwasang magmabagal dahil masakit na talaga ang aking likuran.

"Wala.. hindi yata ako sanay sa shorts mo..." ang palusot ko sa kanya sabay bulaslas ng mga pilit na pagtawa.

Nasa harap na kami ng halos masirang pintuan ng aming tahanan. Pinagmamasdan lang ni Randy ang buong kapaligiran at tila bakas sa kanyang mga tingin ang kanyang awa para sa akin. Ibang Randy ang aking kasama. Inaakala ko kanina ay tutuyain niya ang bawat mapupuna niya ngunit sa pagkakataong ito ay tahimik lang siyang nagmamasid sa buong paligid.

"Nay... si Randy po... boyfriend ni Alice... Kasama ko po siya sa banda siya po ang nagsama sa akin... sasahod po ako sa pagsali sa kanila." ang pakilala ko sa kanya matapos buksan ni inay ang pintuan ng aming bahay.

"Magandang umaga po! Ako po si Andrew... ikinalulugod ko po kayong makilala ng pinakamatalino kong kaibigan." ang bati naman ni Randy sa kanya sabay nakipag kamay sa aking ina.

"Pasok kayo anak... pagpasensiyahan mo na ang bahay namin ha? And.. Ran.." ang nalito namang anyaya ng aking ina sa kanya.

"Andrew na lang po... huwag po kayong mahiya sa akin wala po kayong dapat ikahiya." ang sagot naman niya kay inay habang kami ay papasok na sa aming bahay.

"Anak mukhang mamahalin ang suot mo. Bakit nga pala nagakad kang hindi mo suot yang shirt na nakasampay sa balikat mo?" ang puna ng aking ina sa aking itsura sabay sunod-sunod ang kanyang ubo.

"Pinahiram po ako ni Andrew nay... nasa bahay nila yung gamit ko... umuwi muna sana ako para kumuha ng pamalit bago kami magensayo..." ang sagot ko naman.

"Salamat Andrew ha? Nakakahiya naman sa iyo... Kumain na ba kayo?" ang tanong naman ni inay kay Randy.

"Hindi pa ho eh..." ang nahihiya niyang sagot habang kumakamot ng kanyang ulo dahil nauna pang sumagot ang kanyang tiyan nang tumunog ito matapos marinig ang tanong ni inay.

"Masarap magluto si nanay Andrew..." ang pang-iingit ko sa kanya habang ako naman ay nakangiting ipinagmamalaki ang aking ina.

"Diyan lang kayo mga anak, bibili lang ako ng maluluto ko ha?" ang sabay paalam ng aking ina. Pansin naman ni Randy na wala kaming refrigerator.

"Ay, tita huwag na po... abala lang po... Alam ko na.. saglit lang po..." ang sagot ni Randy sa kanya sabay magalang na nagpaalam at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nagtinginan na lang kami ng akin ina sa pagtataka nang siya ay makaalis.

Matapos ang kalahating oras na iniwan kami ni Randy sa aming lagay ni inay ay bumalik siyang may dalang mga supot ng Jollibee. Nanlaki ang mga mata namin sa aming nakita.

"Pasensiya na po eto na kasi pinakamalapit na mabibilihan dito." ang nahihiyang sinabi sa amin ni Randy habang inilalapag sa lamesa ang mga laman ng supot.

"Andrew... nag-abala ka pa... sana..." ang nahihiya kong sinabi sa kanya.

"Ano ka ba Jasper... huwag na kayong mahiya! Pahihirapan pa natin si tita na magluto at maghugas mamaya. Kailangan na rin natin magpractice agad.. eight o'clock na oh.." ang sagot niya sabay turo sa kanyang relo.

"Andrew, anak, ito ang unang pagkakataon na makakakain muli si Jasper ng Jollibee." ang kuwento naman ng aking ina sa kanya sabay ubo ng sunod-sunod na ikinabahala naman ni Randy dahil sa kakaiba na ang tunog ng kanyang ubo.

"Nay naman..." ang nahihiya kong sagot naman sa aking ina habang hinahagod ang kanyang likuran. Tinawanan lang niya ako at hindi naman makasagot si Randy sa kanyang nalaman.

Masaya kaming nagkuwentuhang tatlo tungkol sa school habang nilalasap namin ni ina ang sarap ng pagkaing napakabihira naming matikman. Nang matapos ay kaming dalawa na ni Randy ang nagligpit ibinalik ang mga pinagkainan sa mga supot upang itapon na rin ang mga ito sa aming paglabas ng bahay. Agad akong nagsuot ng aking unang nakuha sa aming aparador na suot pang-itaas. Kumuha muna ako ng pambahay na shorts at pang-itaas bago kami tuluyang umalis na ng bahay.

Naglalakad na kami pabalik at di maiiwasang mapadaan kaming muli sa parlor ni Mariah. Kinakabahan akong lubos dahil nasa labas lang siya ng kanyang parlor at naninigarilyo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kaming papalapit. Agad itong kumaway sa akin na pinapupunta kami sa kanya na parang wala nang bukas.

Pansin kong kumunot ang noo ni Randy nang makita niya si Mariah. Naalala kong galit siya sa mga bakla.

"Jasper... ang gwapo namang ng kasama mo... at ang sarap pa ha..." ang agad sa aking bati ni Mariah habang sinusuri si Randy mula ulo hanggang paa. Kinindatan niya akong may ibigsabihin nang magtagpo ang aming mga mata.

Tinaasan ko ng kilay si Mariah upang ipahatid sa kanya na baka makahalata si Randy tungkol sa akin at sa matinding takot. Hindi agad nakuha ni Mariah ang aking ipinahahatid sa kanya.

"Bagay sa iyo ang shirt mong blue ha? Yan ba yung bigay sa iyo nung ex mo?" ang puna naman niya sa aking pang-itaas na suot na hapit sa aking katawan.

"Ah... Oo..." ang kinakabahan kong sagot sa kanya. Sa malayo na nakatingin si Randy. Namumuo na ang malalamig na pawis sa aking ilong at noo sa mga oras na iyon.

"Salamat nga pala kagabi sinabihan mo si inay." ang pangingibang usapan ko.

"Okay lang iyon, ikaw pa Jasper. Isa pa, ayaw ko rin naman nag-aalala iyang inay mo. Parang anak na rin kita at kapatid ko na yang nanay mo." ang sagot naman niya na nagpalubag sa aking damdamin.

"Pakilala mo naman sa akin yang kasama mo! Ang gwapo-gwapo!! Ang sarap-sarap! Bagay kayo!!" ang dagdag ni Mariah punong-puno ng landi at sigla habang pinagmamasdan kaming dalawa.