Chereads / Salamin [BL] / Chapter 8 - Salamin - Chapter 08

Chapter 8 - Salamin - Chapter 08

Tatlong tapik sa likod ang naramdaman ko na lang na ginawa ni Rodel sabay kapit naman ng kanyang isang kamay sa aking balikat.

"Kaya mo pa ba tumayo?" ang bulong ni Rodel sa aking kaliwang tenga. Mainit niyang hininga ay dumamping muli at nagdulot ito ng kakaibang kiliting matagal na ko nang hindi naramdaman.

Ngunit mali ang lahat ng ito. Hindi na dapat ang tulad ng dati. Alam niyang kung magwawalay kami ay magbabago ang lahat sa amin kung kami man ay magiging magkaibigan na lang matapos ang lahat. Napagusapan na namin ito noong kami ay kami pa. Iisa laman ito sa mga bagay namasasabi kong "matured" na topic na pinagusapan namin sa kabila ng tila walang katapusang pagmamahalan namin noon.

Isang singhal lang ang sinisagot ko kay Rodel na kanya namang tinawanan. Pinanood ko na lang ang dalawang nasaharapan namin.

Puno ng ibigsabihin ang titigan ni Alice at Randy na tila kahit hindi naguusap ay alam na ng bawat isa ang nasa isipan ng isa.

Napalingon sa akin si Alice at nahuli niya akong nakatingin sa kanilang dalawa. Isang malakas na tawa ang kanyang pinakawalan at hinawakan ang dalawang kamay ni Randy.

"Tara na darling... akyat na tayo sa taas... baka abutan ako dito ng tama." ang parang batang nagmamaktol niyang sinabi kay Randy.

"Ihahatid na lang kita sa inyo babe. Late na and your parents are gonna kill me." ang seryoso namang sagot ni Randy kay Alice. Tila lahat ng lambing niya ay nawala at binalot nanaman si Randy ng kakaiba niyang aura.

Isang singhal ng pagtatampo ang ibinalik ni Alice sa kanya. Wala na itong nagawa kundi ang magkrus ng kanyang mga braso at tumalikod kay Randy.

"Babes, please naman. It's for you and it's for us. Can't you just wait for the time na we're granted na ng parent mo na hindi ka umuwi sa inyo? We're both young and still have responsibilities as their kids." ang panunuyo niyang bigla kay Alice.

Hindi sumagot si Alice at pinagpatuloy lang ang kanyang pagmamaktol. Walang nagawa si Randy kundi ang yakapin ito mula sa kanyang likuran habang kami naman ni Rodel ay natulala sa aming nakita na sunod niyang ginawa.

Kitang kita namin ang mga kamay ni Randy na nilalamas ang magkabilang suso ni Alice habang hinahalikan ni Randy ang batok nito.

Umiwas na agad ako ng tingin sa kanilang eksena habang si Rodel naman ay nahihiyang humarap sa akin. Nagkatitigan lang kaming dalawa at tila parehong namula sa hiya para sa aming kasamang magirog.

"You know how much I wanted to do this, babe. Please, it's not me. It's your parents lang naman ang sinusunod ko. Gusto mo ba magalit sa akin sila tita?" ang sabi ni Randy. Impit na ungol ang kumawala sa mga labi ni Alice.

"Sige... hatid mo na ako sa bahay. I love you Randy!" ang malambing niyang sinagot kay Randy.

Agad tumayo ang dalawa ngunit nakalimutan ni Randy ang isang bagay na naganap sa kanya habang nasa ganoong eksena sila ni Alice.

Bumungad sa aming harapan ang medyo nakaturo nang alaga ni Randy. Sa sobrang hiya ay napayuko na lang ako at si Rodel naman ay biglang napatawa ng malakas.

"Pare! Gusto mo ba sa room niyo muna palamigin yan bago kayo umuwi? Better yet, okay lang na iwan naman niyo kami ni Jasper dito kasi sanay naman na rin na dito kami umuuwi everytime he helps me out with my studies. Alam mo naman, medyo hirap din ako sa academics salamat na lang talaga sa best friend kong ito." ang lalasing-lasing na sinabi ni Rodel kay Randy.

"Okay lang pare, ihahatid ko lang talaga si Alice. Mawawala rin ito on the road. I'll get back dito dahil sagutin ko si Jasper ngayon dahil ipinaalam na niya sa parents niya na kasama niya ako. We have a practice pa sa band after tonight pahinga lang saglit. Hindi pwede humindi si Jasper kasi he's working for me now." ang sagot naman niya kay Rodel na preskong-presko rin. Hindi pa lasing si Randy ngunit namumula na ang kanyang mga pisngi.

Natulala si Rodel sa kanyang narinig mula kay Randy. Nilingon na lang niya akong punong puno ng katanungan ang kanyang mga mata at isang pilit na ngiti ang nakapinta sa kanyang mga labi.

"I'll get back bros. Wait lang kayo, okay?" ang paalam ni Randy sa amin habang si Alice naman ay nakangiting kumakaway ng maliliit sa amin at sumusuraysuray nang nakatayo.

Biglang narinig naming lahat mula sa loob ng bahay ang malakas na ingay na gawa ng pagbuhos ng ulan mula sa labas na pumapasok sa mga bintana.

"Ingat kayo ha? Ingat ka Randy pabalik dito." ang paalam ko sa kanya matapos niyang tumapik sa aking balikat.

Agad nang lumabas ang dalawa at naiwan kami ni Rodel. Binalot agad ng saglit na katahimikan ang buong lugar. Ang alam ko lang, kahit may tama na ako at nagsisimula nang mangirot ang aking mga kalamnan dahil sa amin nainom ay nakakaramdam ako ng magkahalong pait ng pangungulilang muli at takot sa kung ano man ang magaganap dahil alam na alam ni Rodel na pag ako'y natamaan ng alak ay nagiging lubos na kawala na ako sa aking sarili. Pinakamalala pa ang pagkakataon na ako ay nawawalan ng malay sa sobrang kalasingan.

"Bakit ka naging empleyado bigla nitong si Randy?" ang tanong niyang masigla habang tumatagay ng inumin. Nakatitig ako sa kanyang ginagawa.

"Okay lang magpakalango ako ngayon. Babalik naman yung si Randy kaya wala akong dapat ikatakot. Magandang uminom na rin ako tutal narito na rin ang taong sumugat sa akin nasa harapan ko." ang natatawa kong sinabi sa aking sarili sa hindi pagkapaniwalang magkatabi kaming dalawa at naguusap nang muli.

"Ah... kasi kailangan daw nila ng keyboardist at vocalist na rin. Babayaran daw niya ako everytime na kasama ako sa practice. May charity work din daw yung band for less fortunates ng Muntinlupa tulad ko. May pambaon na akong sobra pa para kay inay." ang sagot ko sa kanyang pilit ang sigla ngunit tila hinihila na ako ng aking tama.

"Masipag ka talaga Jasper at wais pa. Kamusta na pala ang inay mo?" ang tanong niyang halata ang kanyang mukha na interesado siyang makinig sa aking mga sasabihin kahit mapula na ang kanyang mukha at mga mata. Agad niyang inubos ang laman ng basong kanyang kanina'y pinuno at muling tumagay.

"Okay lang si inay pero yung ubo niya hindi na gumagalin eh. Sabi sa health clinic sa baranggay namin baka may hika na daw si inay pero kung mapapatignan daw siya sa isang espesyalista at magpapalaboratory eh malalaman kung ano daw talaga ang sanhi ng ubo niya. Lagi naman siya umiinom ng lagundi na nahihingi ko sa kapitbahay namin pero hindi pa rin nababago kundisyon niya eh." ang malungkot ko namang isinagot sa kanya. Hindi ko maitago sa aking mukha ang aking pagkabahala sa kundisyon ng aking ina.

"Mukhang kailangan nga niyang magpatingin na. Kunug kailangan mo ng malalapitan sa perang pampagamot okay lang na lumapit ka sa akin ha? Alam mo namang hindi kita mapipilit dahil alam kong maprinsipyo kang tao." ang malambing na niyang sinabi sa akin. Hindi ko maiwasang matuwa sa aking marinig ngunit nanaig pa rin sa akin ang pride.

"Ayoko! May mabuting tao pa riyan na makakatulong sa akin maliban sa iyo." ang sabi ko sa aking sarili tinitimbang ang alok ni Rodel. Nakakatukso dahil kalusugan na ng aking ina ang nakasalalay.

"Ah... pag-iisipan ko mabuti Rodel. Salamat, pero baka may paraan pa para makalikom ako ng pera para kay inay" ang sagot kong may pilit na mga ngiti.

"Maiba ako, gusto kong marinig ulit ang boses mo kumanta. Lagi mo ako kinakantahan dati Jasper at isa yun sa mga bagay na namiss ko sa iyo. Hindi kasi ako kinakantahan ni Nestor eh. Wala kasing boses yun. Isa pa, ibang-iba kayong dalawa ni Nestor. Matured ka at siya naman isip bata. Pero mahal ko pa rin siya kahit ganun siya. Matampuhin, maarte, moody, at kung anu-ano pa. Pero mahal na mahal ko siya. Ewan ko ba, natameme ako sa kanya... Sige na, Jasper. Kantahan mo naman ako." ang sabi naman ni Rodel habang nakatingala sa kisame matapos akong abutan ng tagay.

Agad kong inubos ang laman ng baso at mabigat itong ipinatong sa ibabaw ng mesa.

Jasper:

Lagi nalang umuulan

Parang walang katapusan

Tulad ng paghihirap ko ngayon

Parang walang humpay

Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap

Na limutin ka ay di pa rin magawa

Napangisi si Rodel sa linya ng aking kinakanta. Hindi ko man alam kung ano ang pumapasok sa isip niya ngyon ngunit alam niyang mararamdaman niya sa aking awitin ang ibig kong sabihin.

Jasper:

Hindi naman ako tanga

Alam ko nang wala ka na

Pero mahirap lang na tanggapin

Di na kita kapiling

Iniwan mo akong nagiisa

Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan

Bumalot ang lungkot at pagsisisi sa kanyang mukha matapos marinig ang sumunod na linya ng aking kanta. Naalala niya marahil na iyon mismo ang kinahinatnan ko noong gabing iyon ng hiwalayan namin.

Jasper:

Pero wag mag-alala di na kita gagambalain pa

Alam ko namang ngayon may kapiling ka nang iba

Tanging hiling ko sayo

Na tuwing umuulan

Maalala mo sanang may

Nagmamahal sayo...

Namuo ang luha sa aking mga mata habang inaawit ko ang mga huling linya. Magkatitig ang mga mata naming dalawa at habag ang nakapinta sa maamong mukha ni Rodel. Hindi rin niya maiwasang malungkot at mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Jasper:

ako...

Isang pilit na ngiti ang ipinakita ko kay Rodel at inawit ang mga huling kataga ng kanta na parang nag-aasar lang.

Jasper:

Lalalalalalalalala...

Hindi siya natawa sa akin ginawa. Umagos na ang mga luha sa aking magkabilang pisngi. Pilit ko na lang itong itinago sa likod ng aking mga palad sabay harap ng aking mukha sa sahig.

"Jasper... okay ka lang?" ang tanong niya sabay himas sa aking balikat.

Mabilis kong iginalaw ang aking balikat upang ialis ang kanyang kamay.

"Galit ka pa rin ba Jasper sa akin? Alam kong mali ang lahat ng ginawa ko at napakasama kong tao, Jasper. Pero ang karamihan sa nagawa ko ay para tulungan ka lang na kalimutan na ako." ang nagmamakaawang sinabi sa akin ni Rodel.

"Hindi na Rodel. Hindi na ako galit sa iyo. Niligawan mo akong mahalin ka upang pilitin ding kalimutan ka bandang huli. Naging masunurin lang akong tao sa iyo, Rodel. Nakuha mo na lahat ng gusto mo sa akin. Kahit ngayon bilang isang kaibigan para lang sa iyo pumapayag pa rin ako pero hindi para sa iyo pero para itago ko ang lihim ko sa mga kakilala natin. Nakakahalata na marahil ang mga kasamahan mo sa mga nangyari lalo na't mas madalas mong kasama ngayon si Nestor sa lahat." ang inis kong sinagot sa kanya.

"Sorry Jasper. Sorry talaga. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit pwede tayong maging friends lang. Akala ko pa naman okay na rin ang lahat sa iyo kanina matapos nating magusap." ang dismayado niyang sagot sa akin.

"Nakuha mo na ako Rodel. Tama na. Hindi para sa iyo ang pagigiing magkaibigan natin ngayon kundi para sa akin. Hindi na kita iniisip, Rodel. Alam mong mas marami pa akong mas kailangang intindihin kesa sa iyo. Para na rin malaman mo, masaya na ulit ako kahit wala ka na at meron ka nang iba." ang nang-aasar kong sinagot sa kanya na kanya namang tinawanan.

"Ang tapang mo pa rin talaga Jasper. Hindi ka pa rin nagbabago. Sabihin na nating para sa iyo ay palabas na lang ang lahat ng ito sa pagitan natin pero sa akin Jasper, mahalaga ka pa rin bilang tao dahil minahal kita. Pinapadalhan nga kita ng text hindi ka naman sumasagot. Tinatawagan kita, madalas naman patay ang phone mo." ang kwento niya.

"Nabasa ako sa ulan nung gabing hiwalayan mo ko. Wala akong payong o pambayad sa taxi alam mo yan. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin na masisira na ang teleopno sa aking bulsa. Isa pa, ang hiwalayan natin ang tanging nasa puso at isipan ko nung mga oras na iyon." ang sagot ko sa kanya.

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Nagbalik lahat ng sakit na ginawa niya sa akin.

"Alam mo ba Rodel, sana kahit kaunting paggalang, kaunting pagpapahalaga, kaunting pagtrato bilang tao binigyan mo ko matapos mo kong itapon. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko noon sa mga ginawa mong masasama sa akin. Pero salamat, dahil sa kabila ng lahat naging matibay naman ako. Alam mo ba na nagresearch pa ako sa bagay na tio pero walang nakatulong sa akin kung hindi ang lalong patindihin lang ang sakit na dinadala ko noon dahil sa iyo? Hindi na ako bata para ganunin mo ako. Hindi ko kailangan ang tulong mong kalimutan ka Rodel dahil mas may utak ako sa iyo. Sinabi mong mahal mo ako pero kahit bilang tao hindi mo ako tinrato? Dahil lang ba sa hampaslupa lang ako? Dahil sa isang-kahig-isang-tuka lang kami ng ina ko? Dahil ba sa katayuan namin sa buhay at dami ng kayamanan niyo ay may karapatan ka nang gaguhin ako at ipahiya sa harap ng maraming tao?!!" ang galit kong paninisi sa kanya.

Hindi na nakasagot si Rodel. Tumulo na rin ang mga luha niya at niyakap ako sa aking likuran. Dama ko ang pagnginig ng kanyang dibdib na nakalapat sa aking likuran dala ng kanyang paghikbi.

"Sorry Jasper. Gusto kong bumawi ka sa akin. Sorry talaga. Hindi mo lang alam kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko sa iyo. Alam mong hindi ako ganon at napilitan lang akong gawin iyon dahil sa akala kong makatutulong iyon na makalimutan ako." ang pagmamakaawa pa ni Rodel sa akin habang humihigpit ang kanyang mga yakap.

"Tama na Rodel. Natapos na ang lahat at masaya na tayo sa mga buhay-buhay natin." ang sagot ko sa kanya matapos tumayo upang kumalas sa kanyang mga bisig.

Nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa sahig. Sa lakas ng aking pagkabagsak ay nanakit ang aking balakang. Pilit kong tiniis ang sakit habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking balakang. Nanatili lang akong nakaupo habang bakas ang hinanaing sa aking mukha.

Nagulat si Rodel at akmang tutunguhin na niya sana ako upang tulungan ay bilgang bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok si Randy. Nagbalik siya tulad ng kanyang pangako at nagulat sa naabutan niyang lagay naming dalawa ni Rodel.

"A-ano ginagawa mo sa sahig Jasper? Ano nangyari sa kanya Rodel?" ang tanong niya sa aming dalawa ahabang nanatiling nakatayo sa tarangkahan ng pinutan.

"Ah.. eh.. wala... eto kasing si Jasper eh.. naglilikot.. lasing na rin kasi.. ayan.. napaupo tuloy..." ang sagot ni Rodel sabay pakawala ng pilit na mga halakhak.

Pilit na tawa rin ang aking ginawa upang makisakay sa palusot ni Rodel at pilit itinago ang sakit na aking nararamdaman.

"Oo... kalimutan mo na iyon... tara na dun na tayo sa taas uminom para tuloy higa pag nalunod na tayo sa alak." ang sabi ko naman kay Randy habang pilit na inaayos ang aking sariling tumayo at tumungo pabalik sa upuan.

"Rodel, tulungan na natin si Jasper. Hindi na makakaakyat yan baka gumulong pa sa hagndan yang best friend mo." ang utos ni Randy kay Rodel habang pinagmamasdan ang aking mga kinikilos.

Nagtulong ang dalawa. Magkabilang gilid ko silang inakbayan at tinungo na namin ang malaki at nagiisang silid sa ikawalang palapag ng bahay.

Isang malaking silid na may sariling sofa sa harapan ng pinto ang madaraanan mo bago mo marating ang queen siza na kamang nasa gilid na malapit sa isang banyo para sa gagamit ng kuwartong iyon. Bagong gawa pa lang ang buong apartment kaya naman ang amoy ng pintura ay medyo malalanghap mo pa ngunit hindi na ito ganoon katapang.

Disenyong pinili ni Rodel para sa akin ang nasunod noong kami pa kaya't kulay asul ang buong silid at sadyang nakakarelax ang dating ng kwarto para sa akin.

Buti na lang at mas malaki sa aking dalawa ang mga kasama ko kaya'y madali nila akong nabuhat tungo roon.

Sabay nila akong iniupo ng maayos sa maluwag na sofa. Mabigat na ang aking mga mata at alam kong nagsasalita ako kahit wala akong kausap ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Para na akong timang sa aking lagay. Marahil nahila na ng hilo matapos nila akong isama sa taas at dahil sa aking paggalaw ay kumalat na ng lubusan ang alak sa aking buong katawan.

Nakatingin lang ang dalawa sa akin habang ako naman ay nakatingin lang sa sahig.

"Rodel... ano daw yung sabi ni Jasper? Parang puro equations yung narinig ko kanina ah." ang natatawang tanong ni Randy kay Rodel.

"Ganyan talaga yang si Jasper. Parang batang maliit na nananaginip pag nalalasing. Minsan tawa ng tawa, minsan naman parang galit sa mundo ang mukha, pero madalas pag nakarami na yan parang troso lang yan na naka latag. Hindi gumagalaw at walang pakiramdam." ang natatawang ibigahagi naman ni Rodel kay Randy. Halos hindi ko na marinig ang kanilang mga sinasabi. Wala na ako sa sarili kong katinuan.

"Saglit lang tol kunin lang namin yung mga naiwan natin sa baba para tuloy natin ang kasayahan natin dito sa taas." ang paalam sa akin ni Randy.

Narinig ko na lang ang papalayo nilang mga yapak at ang mahina nilang kuwentuhan tungkol sa banda nila Randy.

Hindi nagtagal ay nakabalik din ang dalawa at nakita kong may tatlong malalaking bote pa silang inilagay sa sahig na hindi pa nabubuksan.

"Kaya pa tol?" ang masiglang mala lasengong tanong sa akin ni Randy habang tinatapik ang aking hita at halos dumikit niyang noo sa aking noo.

Hindi na ako nakasagot at pinilit ko na lang na ayusin ang aking pagkakasandal sa upuan.

"Dalawang shot sa amin isa na lang sa iyo, okay ba yon pare?" ang tanong sa akin ni Rodel. Tumango na lang ako at narinig kong nagtawanan silang dalawa.

"Mga hunghang... puro kayo dakdak!! Tagay na!!" ang sigaw kong panghahamon sa kanilang dalawa habang halos pumikit na ang aking mga mata.

Naginuman kaming muli habang nagtatawanan na kaming tatlo na parang mga baliw. Hindi ko na rin maalala kung ano ang aming pinaguusapan para aking tawanan. Ang alam ko lang, para akong nasa alapaap ng kalasingan at halos wala na akong maramdaman sa aking katawan gawa ng matinding pamamanhid.

Nang mainom kong lahat ang iniabot sa akin at maipatong na ang baso sa sahig ay tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa aking katawan. Aninag ko na lang na tumagilid ang aking paligid na kanina pang umiikot at narinig ko na lang ang malakas na pag bagsak ng aking katawan sa sahig na nakatagilid. Mahinang kirot sa braso at balikat lang ang aking naramdaman.

Maya-maya pa ay hindi ko napigilan ang aking pagsuka. Sumirit sa aking bibig at ang iba ay lumabas sa aking ilong. Agad itong napansin ng dalawa at agad akong inayos ikinalong ng isa sa kanila. Hindi ko na kilala kung sino. Disoriented na ako para makilala rin kung sino sila sa mga boses na naririnig ko.

"Pare, dalin ko muna si Jasper sa shower para paliguan. Tama na to. Bagsak na siya. Tulog ka na lang din kung hindi ka susuka. Ako na magpupunas ng sahig mamaya. Tabi mo na muna yung salamin niya, patong mo na lang dun sa drawer." ang sabi ng isa sa kanilang dalawa habang pinupunasan niya ang aking mukha at pinipiga ang aking ilong maalis lang ang suka gamit ang kanyang kamay.

Parang umiikot lalo ang mundo ko nang maramdaman kong umangat ako sa sahig. Binuhat na pala niya ako. Nakakahiya, ang pangit ng lagay ko. Walang magawa at babad pa sa sarili kong suka.

"Buti na lang hindi mo nasukahan ang shorts mo. Babad ko na lang muna shirt mo Jasper ha?" ang tanong niya sa akin. Hindi na ako nakasagot. Alam kong nasa loob na ako ng palikuran dahil maalingawngaw ang boses ng nagdala sa akin doon. Hindi ko na maimulat ang mata ko. Mabigat na sobra. Ang tanging gusto ko na lang gawin ay ang tumungo na sa mundo ng mga panaginip sa mga oras na iyon.

Naramdaman kong iniangat niya ako at hinubad ang lahat ng aking suot na pang-ibaba. Para akong manyika sa aking lagay.

Maya-maya ay naramdaman ko na lang na ihiniga niya ako sa bathtub at binuksan ang shower na nakatapat dito. Mahina kong naramdaman ang ginhawang dala ng mga pumapatak na malamig na tubig sa aking balat. Para akong nananaginip lang sa mga oras na iyon.

Sinabon ng nagdala sa akin ang buo kong katawan na parang bata lang ang kanyang pinaliliguan. Ngunit sa bawat halpos ng kanyang kamay sa aking balat ay dama ko ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga. Medyo napatagal siya sa paghimas niya sa butas ng aking likuran at dama kong may panakaw siyang pagpisil na ginawa sa pisngi ng aking likod. May katagalan din niya akong pinaliguan.

Natuwa ako sa aking nararanasan ngunit hindi ko mawaglit sa aking isipan kung sino sa kanilang dalawa ang nagpapaligo sa akin ngayon. Pilit kong iminulat ang aking mga matang nananakit na ngunit ang gilid lang ng bathtub ang aking nasilayan.

Nang matapos niya akong paliguan ay tila katahimikan ang nanaig sa buong palikuran.

Naramdaman ko na lang ang pagsampa niyang sumamsa sa akin sa loob ng bathtub at nagdikit ang aming mga katawan. Damang dama ko ang mainit niyang balat na nakadikit sa aking likuran at marahan na niyang hinahalikan ang aking batok. Hinahaplos ng isa niyang kamay ang aking noo matapos niyang ipahawak sa aking kamay ang galit na niyang alaga. Agad kong inalis ang aking kamay na parang nakuryente nang madikit ang palad ko sa kahabaan nito.

"H-huwag... wag... parang awa mo na... huwag... tama na... ayoko..." ang mahina kong hingi ng saklolo habang pinipilit ang sariling bumangon ngunit malakas siya at nagapos na niya ako sa nadaganan kong braso niya. Nakabalot ito sa akin leeg at halos masakal na ako sa tindi ng higpit ng pagkakabalot nito.

Napahalinhing ako sa tindi ng sakit nang bigla kong maramdaman ang mabilis na pagpasok ng malaki niyang sandata sa aking lagusan. Nahirapan akong tanggapin ang lahat ng iyon dahil sa matagal na rin akong hindi nagagalaw roon. Hindi niya maipasok ang lahat dahil sa lumalaban din ang aking lagusan sa kanya at dahil na rin marahil sa amin pusisyon.

Hindi siya nakuntento at medyo umiingay na ang aking daing kaya't agad siyang bumangon kaya halos mapunit ang mga labi ng aking likuran. Binuksan niyang muli ang shower at sa pagkakataong ito ay sobrang lakas na ng buhos nito na parang wala siyang pakialam kung nagaaksaya na siya ng tubig maitago lang ng ingay na gawa nito ang daing sa sakit na aking nagagawa.

Malakas siyang talaga at madali lang niya akong naidapa mula sa aking pagkakahiga. Mapwersa niya akong itinumba at pinatuwad. Hindi ko magawang manglaban sa kanya.

Agad na dumausdos ang kanyang ari papasok sa aking butas at mabilis itong nanlabasmasok sa akin. Nakakatakot na ungol ang narinig kong bigla mula sa kanya na sumasabay naman sa aking daing sa tindi ng sakit ng namamanhid ko nang lagusan.

"Binastos mo ko lalo ngayon Rodel!! Isinusumpa ko balang araw gaganti rin ako sa iyo tarantado ka!! Alam mong hinding hindi ako nakikipagtalik sa hindi ko nobyo matapos kong talukuran ang pagpapasusuo ko sa mga bakla... sinira mo na ng tuluyan ang pagkatao ko... ikaw lang ang alam kong makakagawa nito sa akin... gago ka!!" ang sigaw ko sa aking sarili.

Napapalakas na ang kanyang pagbayo kaya nauuntog na ako ng paulit-ulit sa gilid ng bathtub. Nilalaro naman ng isa niyang kamay ang aking bibig na tila di nakuntento sa pagyurak sa aking likuran. Hindi ko na kayang tiisin ang lahat ng sakit, poot, at lubos na kalasingan.

"GAGO KA!!!" ang sigaw ko sa bumababoy sa akin gamit ang natitira kong lakas. Nagdilim na lang ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.