"Babe, who's he? He looks familiar." ang tanong niya kay Alice sabay ngiti.
"Jasper this is Andrew Tiongson my boyfriend. He likes to be called Randy for a reason I don't know. Siya sung sinasabi ko sa iyo. He was quite busy coz he's a varisty player as you may know and I rarely get a chance na ipakilala siya sa iyo kasi sa direcho ka lagi umuwi kung hindi ka nagloloiter sa library or gumagala kayo ni Rodel." ang pakilala niya sa kanyang nobyo sabay tawa.
"Babe, this is Jasper my classmate and friend. Same section kami and he's the one am telling you who was helping me with my studies last semester. Best friend siya ni Rodel." ang sabi naman niya sa binata bilang pagpapakilala sa akin.
"Yeah! Nakikita ko nga siya sa practice namin naghihintay for Rodel. They hangout lagi after practice. Medyo iwas kasi kayo lagi ni Rodel sa amin after the practice kaya we never get to hangout." ang sinabi niya kay Alice nang maalala niya ako.
"Hi! I'm Randy! Nice to meet you bro! A friend of my girl and my best friend's best friend is a friend of mine. We should hangout too! Sama niyo ako ni Rodel sa gimik niyo minsan pag free ako. Strict kasi parents ni Alice so I can't just date her anytime and I only have few friends who in turn naman has always have a date with their girls so wala akong choice." ang sinabi niya sa akin nang nakangiti at nakipagkamay.
"Sige pero susubukan ko..." ang nahihiya ko pa ring sinagot sa kanya matapos makipagkamay.
"Nasaan nga pala si Rodel? Hindi kasi ako sinasagot kanina mukhang may babae nanaman siya." ang tanong ni Randy sa akin nang maalala si Rodel. Nagulat ako sa kanyang nasabi na may mga babae rin pala si Rodel. Hindi ko ito napansin noong kami pa dahil sa marahil ay lubos akong nagtiwala sa kanya.
"Ah... eh... hindi ko rin alam eh. Nasira na yung cellphone ko kahapon kaya wala rin akong balita." ang sagot ko kay Randy sabay kamot sa aking ulo.
"Tang-ina kahit mga bading nahuhumaling sa kanya. Gagong iyon mukhang papatol na yata sa isa sa kanila. Nakita ko minsan kasama niya yung classmate namin na si Nestor, yung silahis. Nakakadiri mga bakla no? Bakit pa nabuhay ang mga tulad nila. Wala naman silang bahay bata pero dumadami sila. Sana mamatay na lang silang lahat." tila may pinanghuhugutan ang mga huling sinabi ni Randy. Masakit lahat ng aking narinig sa kanya mula sa pangalan pa lang ni Rodel at sa panunuya niya sa mga bakla. Ang yabang ng kanyang asta at ang presko ng kanyang mga titig sa akin.
"Eh kupal ka pala eh. Kung alam niyo lang kung anong mayroon sa amin ni Rodel. Kung alam niyo lang kung ano ang kausap niyo ngayon. Tao rin kami! At mas marunong pa kaming magpakitang tao kaysa sa inyo. Mas may bayag pa kami kesa sa inyo! At sa parte na lang naman din ng katawan mas may utak kami kesa sa inyo. Takot lang kayo dahil mas superior kami sa lahat ng bagay at threatened kayo sa amin kaya niyo kami ginaganyan. Maging bakla ka rin sana para malaman mo." ang galit kong sinabi sa aking sarili habang nananatiling kalmado.
"Hindi naman siguro bakla si Rodel... Dami kayang Playboy at FHM noon sa kwarto niya. Amoy clorox pa nga lagi eh." ang depensa ko na lang sa kanyang mga sinabi kahit para lang kay Rodel.
"Bakit ko pa ginawa yun?" ang bigla kong naitanong sa aking sarili nang matauhan ako sa aking sinabi.
"Ay! Mauuna na ako sa inyo. May dadaanan pa kasi ako bago dumirecho sa class." ang pangingibang usapan at palusot ko sa kanila upang umiwas na sa maaari pa naming pag-usapan ngunit nauna na na akong pumasok sa silid aralan dahil sa malapit naman na magsimula ang aming klase.
Nagpatuloy ang buong araw na normal para sa akin at sa paglapit ng hapon ay unti-unting bumibigat ang aking damdamin. Ikinatatakot ko na makitang muli si Rodel. Walang araw na lumipas dati na hindi siya tumatambay sa basketball court tuwing hapon kahit noong hindi pa kami. Ang pakiramdam ko ay para akong bibitayin.
Katatapos lang ng huli naming klase sa araw na iyon at naglalabasan na ng silid ang aming mga kaklase. Naiwan kami ni Alice sa aming upuan dahil lagi kaming nagpapahuling lumabas.
"Jasper una na ako sa iyo ha? May meeting kami ng kateam ko sa group project. Bukas samahan mo ako sa library sa vacant natin pra maturuan mo ko sa lecture kanina medyo hindi ko kasi nakuha yung tinuro ni sir." ang paalam ni Alice habang inilalagay ang kanyang nagiisang notebook na halos walang laman sa loob ng kanyang maliit na bag.
"Sige, may dadaanan pa kasi ako mamaya tapusin ko lang itong sinusulat kong notes. May practice pa ako sa choir pagkatapos nito para sa playwright. Latin pa naman yung ibang kanta. Sakit sa ulo." ang paalam ko sa kanyang hindi siya nililingon at tuloy lang sa pagsusulat sa aking kwaderno habang binabasa ang susunod na chapter na ituturo sa amin ng aming propesor.
"Ano ba kasi ang school natin ang talino mo na hindi pa sila nakuntento required pa kayong magsasali sa mga organizations. Hindi na sila maging masaya sa inilalabas ng utak niyo. Jologs ha. Super! Kaya hindi kayo nagkakagimik eh. In fairness, may voice ka okay na rin yan siguro." ang reklamo ni Alice sa aking pinangugugulan ng aking panahon sabay kabig puna sa aking pag-awit.
"Okay na rin ito at least dalubhasa na kami sa lahat ng bagay hindi lang sa mga aralin." ang sagot ko sa kanya habang nanatili ako sa aking lagay.
"Parang gusto ko na tuloy sumama. Pwede pa ba ako mag-audition?" ang bigla niyang sabit na tinanong sa akin.
Napalingon ako sa kanya. Hindi ko pa siya naririnig umawit kaya't sa pagkakataong ito ay gusto ko na rin siyang isama. Para madalas ko na rin siya makasama dahil siya lang naman ang natitirang malapit sa akin sa campus.
"Tamang tama, kailangan pa namin ng isa. Tara punta na tayo sa music room nandoon and conductor namin ngayon." ang sabik kong sinabi sa kanya at nagmadaling nag-ayos ng aking mga gamit.
Dahil sa sabik akong makapasok din si Alice ay hinila ko siyang tumungo na sana sa music room ngunit nang mauna ako sa pinto ay hindi ko napansin na may makakasalubong ako dahil sa nakaharap ako kay Alice. Malakas na bumungo ako sa isang malaking lalaki at napaupo sa sahig. Napatili lang si Alice sa nakitang nangyari sa akin.
"Ang tanga-tanga mo naman!! Hindi ka kasi tumitingin sa daan apat na nga yang mata mo!! Sinisira mo araw ko!!" ang galit na pasigaw na halos na sinabi ng boses ng isang pamilyar na lalaki.
Nilingon ko at nakita kong nakatitig sa akin si Rodel na salubong ang kanyang mga kilay at halata ang kanyang pagkainis sa kanyang mukha. Nakauniporme na siyang panlaro. Puti ang telang makinang karamihang ng suot niya at may pulang linya. Napansin kong nakaakbay siya kay Nestor na halos kasing tangkad ko lang din ngunit hindi naman kagandahang lalaki maliban lang sa mas maputi siya di hamak at mukhang may kaya dahil sa tingkad ng kanyang kutis. Tumatawa lang itong nakatingin sa akin. Marahil ay tuwang tuwa sa aking lagay.
Binalot ako ng lubos na kahihiyan sa aking lagay. Dumaloy halos lahat ng aking dugo sa aking pisngi na siyang nagpapula dito. Agad akong inakay ni Alice at nang ako'y makatayo ay nakapamewang niyang hinarap si Rodel.
"Anong nakain mo Rodel? This is your best friend!! Give him some pity for crying out loud!!" ang pagtataray niya. Biglang umasim ang mukha ni Nestor sa kanyang narinig kay Alice. Hindi naansin ni Alice ang pagbabagong mukha ni Nestor dahil agad akong hinarap nito upang kamustahin.
"Okay lang ako Alice. Tara punta na tayo sa music room. Sorry Rodel. Paalam!" ang aking sinabi habang nakayuko at hinila si Alice palayo tungo na sa daan tungo sa aming pupuntahan.
Nang makalayo ay nilingon ko ang aking nakaraan dala ang matinding sakit na makita siya na may kasama ng iba. Parang sinasaksak ng maraming kutsilyo ang aking puso ng mga oras na iyon. Nakita ko pang nilingon ako ng dalawa at sabay naghalikan dahil sa kami na lang naman ang tao sa kahabaan ng lobby. Hindi ko mapigilang lumuha at napatigil sa paglalakad na ikinabahala naman ni Alice na walang-walang alam sa mga nangyayari at tunay na dahilan ng aking biglang pagtangis.
"Jasper... are you okay? Okay lang iyon it was just us na nakakita sa aksidente mo and it's just an accident so hindi ka dapat mahiya." ang nag-aalala niyang pagpapatahan sa akin.
"Hindi ko lang magets yung inasal sa iyo ni Rodel. Did you guys had an arguement? I feel for you though I don't know who friendship goes sa mga guys.... It pains me to see men crying. It's a rare sight to see." ang naiintriga niyang tinanong sa akin sabay birong puna sa aking pagluha.
"Tuwa ka pa! Kung alam mo lang kung bakit ako umiiyak ngayon baka nakisabay ka na rin sa akin. First boyfriend ko yun at ang kasama niya ngayon ang pinalit niya sa akin." ang nasabi ko sa aking sarili.
"Wala yun. Bad trip lang siguro yun ngayon. Baka excited din maglaro sa court. Alam mo naman sila puro yun lang ang inatupag. Napahiya lang ako kaya ako naiiyak." ang sagot ko sa kanyang may pilit na ngiti at pagtawa habang pinupunasan ang aking mga luha.
"Teka... ano ang sample mong kanta?" ang tanong ko sa kanyang ibahin ang aming usapan.
"Eh... wala pa akong naiisip eh... puro naman kasi mala pang simbahan lang ang mga inaawit niyo." ang sagot niya habang nag-iisip.
"Kakantahin namin ngayon ang Elfen Lied. Alam mo ba yun?" ang tanong ko sa kanya habang inaayos ang aking sarili.
"Ay oo!! Alam ko yun! I heard Randy singing that one before. Naintriga lang ako kaya tinanong ko siya kung anong title nong kasi parang hinahagod niya suso ko pag naririnig ko siyang kinananta niya yun eh." ang ikinuwento naman niya sa akin. Nagulat ako sa aking narinig.
"Talaga?? Wala sa itsura ng boyfriend mo ha. Tingin ko sa kanya mahilig siya sa Alternative Rock at mga maiingay na tugtog na hindi mo na maintindihan ang lyrics kasi puro sigaw na lang. Yung parang mga sinasapian ng evil spirits." ang sabi ko sa kanyang natatawa.
"Oo nga eh. Hindi ko rin maintindihan yung si Randy. May mga moment na gusto niya is opposite sa ibang gusto niya. Tulad na lang nung kanang yun kahit hilig niya ay hard core na music. Malala pa doon, may biglang moment na paran hindi na siya yung si Randy ko. Parang naliligaw siya bigla at hindi niya alam ang mga nangyayari sa kanya. Sa tagal naming magkasama kahit I know na we love each other very much may mga moment talaga siyang parang ibang tao na siya. Noong nagsisimula pa lang kami, tuwing magkatabi kami sa kama, nagigising siya bigla nagugulat na katabi ko siya. Minsan naman even kahit nagsesex kami bigla siyang kakalas na parang nandidiri pero before did that he was like an animal to me kulang na lang lamunin niya ako ng buong buo. With those things, kahit mahal na mahal ko siya hindi ko pa rin maisip na matakot sa nangyayari sa kanya kaya hindi ko na lang iyon pinapansin because he's completely loyal naman sa akin at hopeless romantic pa." ang ikinuwento niya habang naglalapit ang kanyang mga kilay na indikasyon na seryosong seryoso siya sa kanyang mga sinasabi.
"Kakaiba nga yun. Baka serial killer ang Randy mo na yan ha?" ang biro ko sa kanya sabay halakhak ng malakas.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang pinto music room kung saan abot tanaw naming nakita sa di kalayuan si Randy na papalapit sa amin at kinakawayan kami. Nakasuot na siya ng kanyng unipormeng pang basketball na tulad ng suot ni Rodel. Sa pagkakataong ito ay tila walang angas ang mukha ni Randy at mukhang masayahin na para bang mahal na mahal niya ang buong paligid. Hindi salubong ang kanyang mga titig sa amin di tulad kaninang umaga.
"Babe!" ang sigaw niya sabay biglang takbong tumungo sa amin.
"Babe... mag-aaudition ako sa choir... kakantahin ko yung Elfen Lied..." ang malambing na sabi ni Alice sa kanya habang siya'y nagpapacute kay Randy.
"Ah ganoon ba? Sunod na lang ako sa inyo mamaya ha? Saglit lang after ng isang game. Sasaglit lang ako tapos balik ulit ako sa court. You can do it." ang sabi niya kay Alice. Tila iba ang kanyang tono ng pananalita at parang walang halong lambing at harot na tulad ng kanina nang makilala ko siya.
"Hi!" ang bati sa akin ni Randy na may matamis na ngiti at tila kakaiba ang mga tingin.
"Parang may nagbago nga sa Randy na ito." ang nasabi ko sa aking sarili matapos akong lumingon palayo sa kanya.
"Babe baka hindi na kita mahintay sa game mo. I'll go ahead na ha? Meet me at the house na lang or text mo ko if you can't go there tonight." ang sabi ni Alice na halata nang kinakabahan sa kanyang naghihintay na audition.
"Okay. Una na ako. Bye!" sabay kaway niya sa amin at tumakbo na papuntang basketball court.
"I love you babe!" ang paalam sa kanya ni Alice ngunit hindi siya sinagot nito o kahit nilingon man lang.
"Aray!!!" ang aking biglang daing nang mawala na sa Randy sa aming paligid. Isang masakit na pagkurot ang aking naramdaman sa aking tagiliran.
"Nakita mo yun? That's what I was talking about. He changes mood or something." ang sabi niya sa akin.
"Oo na pero Alice, hindi ko pa naman gaano kilala si Randy." ang sabi ko sa kanyang pilit itinatago ang aking mga napuna.
"You're an obervant person how could you have not noticed that?" ang pangungulit pa niya sa akin para kampihan ko na siya sa kanyang mga sinasabi.
"Jowa mo naman na iyon at wala kang kaagaw at wala nang magbabalak umagaw sa iyo non kasi naknakan ka ng ganda kaya di na sila papansinin ni Randy mo." ang sagot ko sa kanya sabay bukas ng pintuan ng music room at hinila siya papasok.
Hindi ko inaasahang naroon na ang karamihan ng aking mga kasamahan nakatambay at ako na lang ang kulang. Naroon na rin pala ang aming conductor at kahit anong oras ay pwede na rin kami magsimula.
"Guys! This is my friend and classmate Alice. Sasalidaw sana siya sa atin." ang pakilala ko sa kanya sa aking mga kasamahan habang siya ay nasa aking tabi.
Nanlaki ang mga mata ng mga lalake kong kasama sa choir. May mga humiyaw pa sa kanila. Karamihan kasi sa kanila ay may gusto sa kanya. Halata sa mga mukha ng mga mokong na kinikilig silang lahat sa kanilang nakikita. Ang mga babae naman na kasapi namin ay natutuwang makita si Alice.
"That's good! Welcome Alice!" ang malaigayang bati naman sa kanya ng aming conductor na biglang tumayo sa kanyang upuan upang salubungin si Alice. isang matangang lakaing malaki ang tiyan ng aming conductor na kasing tangkad ko lang. Puro puti na ang buhok nito dahil sa may edad na siya.
"Thank you po!" ang mahinhin namang pasasalamat ni Alice sa kanilang mainit na pagtanggap.
"Sir, piece po niya ay Elfen Lied." ang sabi ko sa conductor namin na nakikipagkamay na kay Alice upang masimulan na ang audition.
"Ah.. pwede po ba sample niyo muna kasi hindi ko kabisado masyado yung kanta." ang pakiusap niya sa amin.
"May lyrics ako dito. Abot mo nga sa kanya yung Lilium." ang utos ng aming conductor sa isa namng kasamahang lalaki na nagaripas maghagilap ng lyrics para kay Alice.
"Jasper, give her a sample." ang utos sa akin ng conductor matapos iabot kay Alice and inabot naman sa kanya ng inutusan niyang kasamahan namin. Pinatugtog ng aming conductor ang casette player at nagsimula na akong umawit.
Nakita kong namutla ang mapupulang labi ni Alice nang siya'y lingunin ko matapos umawit. Agad ko siyang nilapitan.
"Kaya mo yan Alice. Maganda ka wala kang dapat ikahiya." ang pagpapalakas loob ko sa kanya habang pinipisil ang kanyang mga kamay na nanlalamig.
"Ang galing mo Jasper. Baka hindi ko kayanin yung kinanta mo. Parang nawala ako kasi naramdaman ko ang lungkot mong hindi ko nakikita sa pag-awit mo pa lang. Baka hindi ganon ang maiproject ko sa kanila. Nahihiya na ako." ang sagot niya sa akin na tila ba gusto na niyang umurong.
"Okay lang iyan. Subok lang naman at tayo lang naman ang narito." ang sagot ko sa kanya.
Umubo siya ng mahina upang linisin ang kanyang lalamunan. Naghiyawan muli ang aking mga kasamang lalaki na tila ba nagpalakas ng loob ng aking kaibigan. Pikit mata siyang nagsimulang umawit matapos patugtugin muli ng aming conductor ang casette player.
Pigil na tumatawa ang iba ngunit dahil sa natural lang iyon ay humiyaw lang ng humiyaw ang aming mga kasamang lalaki na may kasama pang pagsipol. Ako naman ay lumongon palayo kay Alice upang itago ang pigil kong pagtawa.
Hindi natanggap si Alice sa kanilang narinig na pagkanta niya. Nauna na siyang umalis na may ngiti sa mga labi dahil nangako akong tuturuan ko siyang kumanta.
Natapos na kami ng aming mga kasamahang magensayo at naglakad na akong mag-isa palabas ng campus. Tulad ng dati, nakayuko lang akong tinahak ang daan.
Nasa tapat na ako ng gate ng school nang bigla kong narinig ang malakas na pagtawag sa akin ng isang kilalang boses na nagmumula sa court. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga oras na iyon. Nanlamig ang aking mga kamay at parang namuo ang mga pawis sa aking noo at ilong.