"Anong meron hijo? Bakit namamaga yang mata mo?" ang naiintrigang tanong ni Mariah sa akin.
"Ah... hindi po... may nakain lang akong di nakabuti sa akin kaya ito nagkaganito hindi ko alam." ang palusot ko sa kanyang isinagot matapos kong ibalik ang aking salamin.
"Jasper... bakla ako pero sa tagal na kitang kilala parang anak na ang turing ko sa iyo... ilang beses ka na baong pumupunta dito ng walang kapalit maliban sa paglilinis mo at pag-inuutusan kitang lakarin ang mga pamimili para sa akin?... hindi mo pa ba pansin na hindi pa natin ginagawa yung pinupunta mo dito kahit kailan?... Kaya rin kita pinauunang pumunta dito kung kailangan mo ng pera dahil ayaw kong ginagawa mo sa sarili mo iyan... kung hindi mo na pinahahalagahan ang dangal mo kahit papaano hayaan mo akong respetuhin kita." ang naiinis na biglang sinabi sa akin ni Mariah habang inaalis ang kolorete sa kanyang mukha ng isang basang bulak.
Totoo ang mga sinabi niya. Wala pang nangyayari sa amin. Marahil sa may pagtingin siya sa akin o dahil sa tinuturing nga niya akong isang anak na tulad ng sabi niya. Nagagalit siya tuwing nakakarating sa kanya na nagamit ako tuwing hindi ko siya naaabutan tuwing kailangan ko ng pera.
"Sa atin lang po ito ha? Sorry... may aaminin ako sa iyo... natuluyan na ako... nagkaboyfriend ako kaya nawala ako ng matagal... niligawan niya ako at naging kami... naging masaya naman ang lahat hanggang sa hiwalayan niya ako kanina..." ang pagamin ko sa kanya at hindi na pigilang mabitawan ang hawak kong walis at daspan upang ipantakip sa aking mukha ang aking mga nanginginig na mga kamay. Pilit itinago ang mga luhang ngayon lang nakita ni Mariah mula nang makilala niya ako nang ako ay nasa grade six pa laman.
Lubhang nahabag si Mariah sa kanyang nasaksihan. Pabatong itinapon niya ang kanyang hawak na bulak sa basurahan na nasa tabi lang niya at sabay lapit sa aking harapan.
"Shhh... Shhh... sige lang iiyak mo lang iyan..." ang pagpapatahan niya sa akin habang hinahaplos aking buhok matapos kong alisin ang aking salamin upang punasan ko ang aking mga mata ng aking suot na shirt. Para akong batang nagsusumbong na humihikbi sa nakatatanda.
"Ang sakit pala... ang hirap... bakit ganito? Wala naman akong alam na kasalanan sa kanya. Matagal ko nang itinigil ang gawain kong magpagamit nang makilala ko siya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Ni hindi nga ako gumawa ng kahit anong bagay para magbago siya sa akin. Hindi ko na inisip man lang na pagtaksilan siya." ang aking ibinahagi kay Mariah.
"Ganyan talaga nagmamahal... straight man o tulad natin minsan may mga bagay tayong hindi rin natin masasabi kung bakit nila tayo ipinagpalit sa iba ang mahalaga wala kang nagawang mali sa kanya kundi ang ibigin siya... kung mahal mo siya... hayaan mo lang siyang lumigaya kahit sa piling ng iba... masakit talaga ang pag-ibig lalo na kung sa unang pagkakataon pa lang ito dumating sa buhay ng tao... lahat tayo pagdadaanan iyan... ako man marami na rin beses ngunit ito naman ang nagpatatag sa akin... Hindi mo mauunawaan masyado ang mga sasabihin ko pa sa iyo dahil hindi mo pa pinagdaraanan ang mga dinanas ko na sa buhay... ang tanging mapapayo ko lang sa iyo ngayong single ka na ulit... ay ang tulungan mo ang sarili mong makabangon dahil walang ibang makakatulong sa iyo kung hindi ikaw.... Dadating din ang araw okay na ka ulit bago mo pa mapansin... basta maglibang ka lang makakalimutan mo rin siya... ang tali-talino mong bata ka hindi mo ba nababasa yan?" ang payo sa akin ni Mariah sabay bitaw ng isang pabirong tanong.
Natigilan na ako sa pagtangis habang nagpinapayuhan niya ako. Lubhang mahirap unawain ang kanyang mga sinabi.
"Mahal ko yung tao pero papayagan kong lumigaya sa piling ng iba? Paano yun? Maglilibang ako? Eh ang hirap nga nitong daladala ko sa puso kong sugatan na paano ko maglilibang non?" ang pagtatalo ko sa aking sarili habang nakikinig sa kanya.
"Alam mo naman po na puro textbooks at encyclopedia lang po binabasa ko hindi tulad ng mga nakikita kong binabasa mo na nabibili mo sa palengke." ang natatawa kong sagot sa kanya.
"Loko kang bata ka! Basta intindihin mo na lang ang payo ko sa iyo. Mahirap man ito unawain sa ngayon pero gawin mo at balang araw makikita mo rin na tama ako." ang sabi niya matapos akong kurutin sa tagiliran.
"Opo... sige na po ipagpapatuloy ko na ang paglilinis ng parlor." ang sabi ko sa kanya sabay ayos ng aking sarili.
"Mabuti... maiba ako... yung anyaya mo kanina ha. Ikaw talaga!" ang dadag niya sabay kurot muli sa aking tagiliran na aking ininda.
"Sabi ko sa iyo huwag ka na magsasalita ng ganoon! Yung mga baklitang iyon kating kati na yun sumuso ng bayag!! Pakiramdam ko dako pa man din yang sa iyo!! Ikaw talaga bata ka!" ang dagdag niyang sinasabayan ng pagpalo sa aking puwitan na pabiro.
"Opo hindi na mauulit. Ano magagawa ko kung malaki ang akin?" ang pagmamalaki ko sa kanya. Naintriga naman siya sa kanyang narinig.
"Kung masamang bakla lang ako kanina pa kita hinalay dito per lason ka pala! Since pinag-uusapan natin yan, naiintriga lang ako bukod sa size ng iyo. Sino sa inyo ng ex mo ang babae sa kama? Umamin ka. Nasabi mo na sa akin na bakla ka itatago mo pa ba yan?" ang tanong niya. Bakas ang pagkainip sa kanyang mukha na marinig ang aking isasagot.
Nginitian ko siya bago ako sumagot.
"Ah... eh... hindi ko kasi... sabi niya... eh... ano... kaya... ako yung babae sa kama." ang nahihiya kong pag-amin sa kanya. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi matapos kong sabihin ito sa kanya.
"Nagbablush ka!! Ang landi mo ateng!! Sayang ang sukat ng iyo dahil sa bukod sa lason ka na botomesa ka pa!! Nagustuhan mo naman?" ang natatawa niyang panunuya sa akin.
"It seems all irrational to do such things kahit nang ibigin ko po siya. Noong una po hindi kasi masakit. May magagawa pa ba ako dahil sa gusto niya? Napunit po butas ko noong una kasi malaki talaga yung kanya pero nasanay na rin ako... para lang mapaligaya si Rodel. Eventually, nagustuhan ko na rin po at gustong gusto ko yung ginagawa niya sa akin pero sa akin na lang iyon dahil hindi po ako kiss and tell." ang sagot ko sa kanyang natatawa.
"Mas babae ka pa sa akin!!! Hay!!! Kakainggit naman!!! Kelan kaya magagalaw ang puri kong nananahimik nang nawawalan na ng pag-asa?" ang nanhihinayang naman niyang sagot sa pagkainggit sa aking naranasan.
"May darating din po sa buhay mo. Ako, ang tipo ko kasi yung tulad ko. Ikaw, straight ang gagawa sa iyo noon. Tulad nga ng sabi ng isang kilalang bading ng panahon na ito dito sa pinas "ang tunay na lalaki ay pumapatol sa bading" kaya maghanap ka na po ng mga straight." ang natatawa ko pa rin na sinabi sa kanya.
"Sige tatambay ako sa palengke bukas na bukas. Umuwi ka na gabi na may pasok ka pa bukas sa school." ang kanyang pagpapalit ng usapan dahil tila mabilis na lumipas ang oras habang kami ay nag-uusap.
"Sigurado ka po?" ang tanong ko. Sabik na rin akong umuwi dahil tila dinapuan na rin ako ng antok.
Bumunot si Mariah ng pera at inabutan ako ng isang libo't limang daang piso at inabot ang aking isang kamay upang dito ilagay ito. Nanlaki lang ang mata ko sa halaga ng perang ibinigay niya sa akin.
"Ang laki naman po niyan masyado! Nakakahiya naman po! Magtatrabaho na lang po ako bukas ito na lang din po ang bayad mo sa akin." ang nahihiya kong halos itanggi ang aking kinita ngunit kailangan ko talaga ng pera para sa aking pag-aaral at sa halagang iyon ay may-iaabot pa ako kay inay.
Tumalikod lang si Mariah at ikunha ang kanyang handbag upang magligpit.
"Regalo ko na sa iyo yung sobra, Jasper. Wala ka aksi dito nung birthday mo ipanghahanda ko sana para kahit minsan nakatikim ka ng handaan sa kaarawan mo. Umuwi ka na at wag na ka mamroblema pa dahil may dadarating din na bagong magmamahal sa iyo balang araw. Malay mo bukas may boyfriend ka na ulit. Ang gwapo mong lalaki kaya di malayong mangyari iyon." ang pamamaalam sa akin ni Mariah habang inaayos ang kanyang gamit.
Napakamot na lang ako ng aking ulo at tumungo sa likod ng likod ng pintuan ng parlor upang ibalik ang walis at daspan.
"Maraming salamat po! Mauna na po ako sa inyo." ang aking paalam sa kanya matapos ibalik ang gamit.
"Sige! Mag-iingat ka sa mga nagaabang na bakla sa iyo diyan sa labas. Marami sila." ang sagot niya habang nanatiling nakatalikod sa akin.
"Marami silang malalason ko." ang natatawa kong sinagot ko sa kanya.
"Subukan mo lang. Huwag ka nang lalapit sa akin pag ginawa mo iyan. I-text mo ko ha?" ang babala naman niya sa akin na aking tinawanan lamang.
"Wala na akong cellphone nasira na kanina nabasa ako ng ulan." ang sigaw kong isinagot sa kanya habang palabas na ako ng pintuan ng parlor.
Sa labas ay agad kong nakita ang mga tambay na bakla sa ilalim ng liwanag ng poste sa di kalayuan na nakatingin sa akin.
"Tsk... tsk... tsk... ang dami nga nila... Kung alam niyo lang mga kapatid... Kung alam niyo lang..." ang napapailing kong nasabi sa aking sarili.
"Hi papa Jasper!! I love you!!" ang maharot na sigaw ng isa sa kania habang kumakaway sa akin at nagtatatalon pa.
Kumaway na lang ako sa kanila at sa ibang kalsada na dumaan pauwi makaiwas lang sa kanila. Isang munting ngiti ang nasa aking mga labi dahil sa bukod sa nakapaglabas na ako ng aking sama ng loob ay may uwi pa akong perang malaki para sa amin ni inay.
Tahimik na ang kalsada sa amin nang ako'y makarating sa amin. Nang buksan ko ang halos masira ng pintuan ng aming tahanan ay wala na akong makita sa dilim marahil naubos na ang laman ng aming mga gasera. Mahinang liwanag na lang na nagmumula sa poste sa labas ng bahay na pumapasok sa aming bintanang walang kurtina. Dahan dahan akong lumapit sa aking inay na mahimbing na ang tulog upang ilagay sa loob ng kanyang pitaka na nasa gilid lang ng kanyang unan ang isang libong piso at hinalikan siya sa kanyang noo.
Tinungo ko ang tabi ng aparador upang itabi ang aking salamn at upang kunin ang manipis na banig, lumang unan, at kumot kong may mga butas na. Inilatag ko ang lahat ng iyon sa malamig na sahig upang matulog na.
Nahiga akong patihaya't dantay ang aking braso sa aking noo.
Hindi ko napigilang lumuha nang mabilis na bumalik sa aking ala-ala ang pait ng lahat. Pilit kong itinago ang tunog na magmumula sa aking pagtangis dahil nasa gilid ko lang natutulog si inay hanggang sa nakatulog ako sa ganoong lagay.
"Bakit niya ako iniwan? Anong mayroon kay Nestor Dizon na naging dahilan upang ipagpalit niya ako? Bakit niya nagawa sa akin ito sa kabila ng buong puso't pagkatao ko siyang minahal? Dahil ba sa mahirap lang ako at di hamak na pareho sila ng antas ng katayuan sa buhay ni Dizon? Yaman ba ang batayan ng tunay na pagmamahal? Bakit niya ako niligawan kung alam niyang mahirap lang ako? Marahil napagtanto niya ang agwat na ito sa pagitan naming dalawa." ang mga tanong ko sa aking sarili na kumukurot sa aking damdamin.
Naiisip ko bigla kung ano na ang naghihintay sa akin bukas sa paaralan ngayong wala na kami ni Rodel. Paano ko siya iiwasang makita kung ang basketball court ng aming paaralan kung saan siya madalas nakatambay kung hindi nag-eensayo ay nasa mismong gitna ng campus na aking madadaanan araw-araw papasok at palabas ng gate ng school.
Matinding dalamhati ang bumalot sa kabuuhan ng aking pagkatao. Nabibilang na lang ang natitirang oras at muli kaming magkikita ni Rodel sa paaralan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
Nanatili akong nasa ganoong lagay hanggang sa nakatulog akong nanatili ang maraming katanungan sa akin isipan.
"Anak gising na't magsaing ka na ng bigas. Mamamalengke ako para naman makapagkarinderya na uli tayo. Makakakain na tayo at kikita pa tayo. Sayang naman ang galing ko sa pagluluto." ang nakangiting bati sa akin ni inay nang ako'y magising sa kanyang pagtapik sa aking hita.
Nginitian ko lang si inay habang hirap kong idinilat ang aking napagod na mga mata sa pag-iyak. Inabot niya sa akin ang aking salamin upang ito'y aking masuot.
"Anak, salamat sa ibinibigay mong pera. Patawad dahil hindi mo na sana kinailangang gawin ito para lang mabuhay tayo. Kung buhay lang sana ang ama mo kahit paano ay namumuhay kang tulad ng ibang mga bata dito sa compound natin. Kung nakapagtapos lang din ako noon ng kolehiyo marahil ay may maayos akong trabaho ngayon." ang nakaaawang dinagdag niyang sinabit habang tumutulo na ang mga luha sa kanyang malim nang mga pisngi. Bakas ang maraming pagsisisi at paghihirap sa kanyang mukha.
"Nay... matanda na rin ako at bilang panganay mong anak responsibilidad kong tumayo na kapalit ni ama. Isipin mo na lang naghihintay sila ni bunso sa atin doon sa kabila. Lagi nila tayong sinusubaybayan. Wag ka na po malungkot, nay. Mahihirapan sila bunso at si ama niyan sa tuwing nakikita nila tayong ganito. Magkasama naman tayo inay. Matalino naman ako inay balang araw makakapgtrabaho na ako ng maayos upang itaguyod ko ang pamilya natin." ang aking sinabi sa akin inay na may matamis na ngiti para sa kanya. Kahit may kirot ito sa aking dibdib ay pilit kong ipinakita sa kanya na kahit nasa ganito kaming lagay ay masaya ako at may pag-asa pa para sa amin.
Nangiti siya at kanyang pinunasan ang kanyang mga luha.
"Magsaing ka na nga, Jasper. Tatanghaliin na ako. Ingat ka sa pagpasok sa school ha? Panatilihin mo yang scholarship mo para makapagtapos ka." ang paalam niya sa akin sabay alis na ng aming bahay dala ang isang bayong na walang laman na halos kasing kulay na ng suot niyang daster na pula.
Nang makapagsaing ako ay agad akong naghanda ng sarili upang pumasok. Alas siyete na ng umaga at kailangan ko ng trenta minutos upang makarating sa campus. Kinailangan kong magmadali para sa una kong klase ngunit hinihila ako ng aking mga paang mabibigat dahil sa nalalapit na ang mga sandaling makikita ko muli si Rodel. Hindi ko alam ang aking gagawin at paano ko siya haharapin basta ang alam ko lang ay ayaw ko siyang kausapin.
Nasa harap na ako ng aming campus nang matigil ako sa aking paglalakad. Natitig ako sa dalawang naglalakihang pulang gate ng aming unibersidad. Magkahalong sakit at kaba ang bumalot sa akin. Hindi ko inaasahang halat ng matatamis na ala-ala namin ni Rodel ay magbabalik nang makita ko ang aking paligid mula sa aking kinatatayuan.
"Hi Jasper!!! How's your weekend? Bookish as always?" ang bati sa akin ng isang babaeng nangaling sa aking likuran.
"Alice ikaw pala yan! Gandang umaga!" ang aking bati sa kanya nang lingunin ko ang tumawag sa akin.
Si Alice Lopez ang aking mabuting kaibigan na kasing edad ko lang. Mestisang mayaman dahil nabibilang siya sa angkan ng mga Lopez na nakatira sa Ayala Alabang. Naging malapit kami dahil sa pareho kaming first year at ka section ko siy. Nagpatulong siya sa akin sa aming mga aralin nang mapansin niya ang aking katalinuhan.
Bagaman di ako bibo sa klase ay alam ng lahat na halos perfect lahat ng marka ko sa aming mga pagsusulit at lagi kong nasasagot ang mga pabigla-biglaang pagtatanoong ng aming mga professor sa amin habang nagkaklase upang kami ay hulihin na rin kung kami ay nag-aaral ng mas maaga sa kanyang itinuturo.
Napakagandang dalaga ni Alice. Mahaba ang buhok na itim na itim na may kaunting kulot sa bandang ibabang bahagi. Singkitin at natural na mapula ang mga labi. Manipis ang hubog ng kanyang katawan ngunit taglay naman niya ang malulusog na dibdib na halos pumutok na ng kanyang uniporme. Di pahuhuli ang kanyang likuran, lubos na matambok ito't ngiti lalo na kapag siya ay naglalakad. Tila ngumingisi lang itong sumasabay sa kanyang maindayog na paglalakad. Long legged si Alice kaya maraming agad na nabibighaning mga kalalakihan makila pa lang ang kanyang likuran.
"Nagpuyat ka ba kagabi, Jasper? Parang may something yang eyes mo today eh. Masyado ka nanaman nag-aral kagabi no? Sana naman ay maimpluwensiyahan ka na ni Rodel para medyo mabawasan naman yang pagsubsob mo sa books. Kausapin ko nga itong si Rodel para naman mabago ka na niya. Sayang, gwapo ka pa naman at for sure mas maraming magkakagusto sa iyong girls dito sa campus kung magiging kasing cool mo ang best friend mong si Rodel." ang sabi ni Alice sa akin matapos punahin ang aking pagod na mga mata. Bakas ang habag sa aking kalagayan dahil sa hindi man ako introvert nagmumukha na akong nerd dahil sa aking lifestyle.
"Alice, pinili kong magpakaganito dahil sa alam mo naman ang estado ko sa buhay diba? Pasalamat na nga lang ako naging kaibigan tayo at nararanasan ko minsan ang mga ginagawa niyo after school kasama ang mga classmates natin. Nahihiya rin ako sa iyo kasi bukod sa mahirap
lang ako ikaw pa itong babae na nanlilibre sa akin. Ayaw ko rin pagsiksikan ang sarili ko kasi baka may masabi pa ang boyfriend mo sa akin. Hindi ko maaaring tularan kayo ngayon pero balang araw magkakasama rin tayo at ako na ang maglilibre sa iyo kasama pa ang future husband mo." ang sagot ko sa kanyang nahihiya't nakayuko.
"Awww... friend... I know naman eh... that's why bilang kaibigan mo at dahil na rin sa pagtulong mo sa akin sa studies those are the least that I can do for you. My parents are wealthy but if it's not for them hindi ganito buhay ko. Unlike you, I'm not earning to support myself so hindi ka dapat sa akin mahiya. Ako nahihiya sa iyo dahil matalino ka at kumikita ka na ng pera. You're independent unlike me na parasite sa parents ko." ang naaawang sagot niya sabay kapit sa aking balikat.
Isang malakas na tunong mula sa nagpeprenong kotse ang biglang umalingawngaw sa kapaligiran na kumuha ng atensyon namin ni Alice.
Abot tenga ang ngiti ni Alice na tinitigan ang asul na modified Mazda 3 na tumigil sa kalapit na hazard parking sa harapan ng aming paaralan.
Isang pamilyar na matangkad at gwapong tsinitong lalaki ang lumabas dito. Abot tenga ang nakabagsak na mahaba niyang buhok na may nahahati sa kaliwang bahagi. Mapula ang kanyang mga labi na nagpaganda sa slightly tanned niyang kutis. Marahil dahil ito sa paglalaro niya ng basketball. Ang tangos ng kanyang ilog kahit bakas sa kanyang itsura ang pagkakaroon ng dugong instik. Tulad ng karamihan ng mag-aaral sa unibersidad, halatang mayaman siya.
"Good morning my sexy babe!" ang nakangiting bati niya kay Alice habang nagmamadaling lumapit sa amin.
"My boo!! I missed you na agad! Where's my sugar?" ang mala Kris Aquino arte at sagot sa binata habang kinikilig.
Nakangiti lang akong tinitignan silang dalawa hanggang sila'y magyakapan at maghalikan. Nakakainggit.
Nang matapos sila sa kanilang ginagawa ay napatingin sa akin ang binata at bakas ang pag-iisip sa kanyang mga titig.