Chereads / Salamin [BL] / Chapter 1 - Salamin - Chapter 01

Salamin [BL]

🇵🇭wizlovezchiz
  • 46
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 138.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Salamin - Chapter 01

Tahimik siya buong araw na kadate ko siya. Mayroon na talagang kakaiba kay Rodel. Hindi niya hinawakan ang kamay ko buong araw hanggang ngayon ay pauwi na kami.

Patungo na kami sa gilid ng SM sa kalsada ng Dusit Hotel naglalakad nang bigla siyang tumigil at hinarap akong bakas sa kanyang mukha ang pagkabalisa.

"Jasper, sana maunawaan mo. Patawad pero hindi ko na kayang manatili sa relasyon natin. Kasalanan ko at wala na akong salitang pwedeng gamitin para masabi lang sa iyo para hingiin lang ang kapatawaran mo. Kailangan na talaga natin tapusin ito ngayon. Hindi na kita mahal." ang sabi niya sa aking puno ng lungkot at pait ang kanyang mga mata ngunit mas dama kong gusto niya nang lumaya kaysa ang pagsisising tinatapos na niya ang anim na buwan naming relasyon.

Ang kahit niyang buhok ay nagpapogi sa kanya sa kabila ng emoyong bakas sa kanyang mukha. pareho kaming may katangiang nakuha sa aming mga magulang na kastilain ngunit ang balat niya ay mamula-mulang kayumanggi dahil sa paglalaro niya ng basketball. Kung di ako ang kasama niya bukod sa may klase ay naglalaro siya ng natatangi niyang libangan na paglalaro ng basketball.

Sa lahat ng katangian niya, ang tangkad niya ang pinagmamalaki niya at siya namang pinaka nagustuhan ko sa kanya. Dinala nito ang kanyang magandang tikas. Maliit ako sa kanya ng apat na dangkal kaya't masaya ako pag nasa tabi ko siya. Halos wala na akong kinakatakutan kapag nakaakbay siya sa akin. Para din akong sanggol sa kanyang tabi kapag kami'y magkasamang natutulog.

Ako naman ay maikli ang ang buhok dahil sa ito'y nauso ngayon at kahit paano ay nakikiuso ako. Gusto ko ang buhok ko dahil out from bed look lagi ang ayos nito.

Natatakpan ng salamin ko ang pagka brown ng aking mga mata. Bilugan ang frame na maihahalintulad mo sa salamin ni Harry Potter. Mismong si Rodel ang pumili at bumili nito para sa akin nang kinailangan ko nang manalamin dahil sa astigmatism.

Ang pinakakinagigiliwan niyang katangian panlabas ko ay ang aking mga mata at ang aking ngiti. Gustong gusto niyang nakikita akong tinititigan siya na may halong pang-aakit habang nakangiti.

Sa lahat ng aking katangian, ang pagka mestiso ako ang lubos na kinahuhumalingan ni Rodel. Gustong gusto niya kasi ng mga mapuputi. Ako naman ay kayumangging mamula-mula ang hilig ko kaya marahil di siguro ay agad ko siyang nagustuhan nang kaming dalawa ay magkaaminan at ako'y kanyang niligawan.

Hindi kami legal sa aming mga pamilya. Best friends ang pakita namin sa lahat ngunit tuwing nasa malayong lugar kami na walang nakakakilala sa amin o kahit man lang sa sasakyan ay malaya naming naipapakita sa isa't-isa ang aming pagmamahal.

Ngunit sa kabila ng lahat ng saya't pagmamahalan namin tila ngayon ay wala nang halaga ang lahat. Pasado alas otso na ng gabi at narito kami sa pila ng taxi sa likod ng SM Makati sa ilalim ng ambon habang kami ay nag-uusap. Hindi namin pansin ang aming kalagayan. Tila mas mahalaga ang kahihinatnan ng aming usapan.

"Bakit naman biglaan bakit ngayon mo lang sa akin sinabi ito? Inisip mo ba muna ako? Naisip mo man lang ako sa kagustuhan mong iyan? Niligawan mo ko upang ibigin kita ngayon gusto mong tapusin ang lahat? Pansin ko na ang pagbabago mo. Pwede ba natin muna itong pag-usapan?" ang nanginginig kong sinabi sa kanya sa pagkabigla.

"Ayoko! Umuwi na tayo! Tapos na tayo!" ang pautos niyang sinabi sa akin.

Tila gumuho ang aking mundo sa akin narinig. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi at kung papaano niya ito sa akin sinabi. Mabilis na umagos ang aking mga luha sa sakit na aking nadama.

Tatalikuran na sana ako ni Rodel upang sumabay sa mga nakapilang gustong sumakay ng taxi ngunit kumapit ako sa kanyang kanang braso upang pigilan siya.

Hindi ko inaakalang magagawa niyang sampalin ako. Mabilis na humapas ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang pisngi na tumunog ng malakas at siyang kumuha ng atensyon ng mga tao sa aming paligid.

Gulat ang aking mga matang tumitig sa kanya dahil nagawa niya akong saktan. Ipinangako niyang kahit kailan ay hindi niya ako sasaktan at kukunin niya ang sarili niyang buhay kung magawa man niya ito. Ang mga pangako ay nilikha at nandyan upang mapako.

"Gusto mo tulungan kita mag-move on? Sige, sasabihin ko na sa iyo ang nilihim ko sa iyo. Tatlong buwan na rin kami ni Nestor." ang mayabang at inis na inis niyang sinagot sa akin.

"Naala mo na nagpapaalam ako sa iyo madalas na gagabihin ako o hindi ako uuwi ng bahay dahil sa basketball? Kasama ko siya noon. Gusto mo pa marinig ang iba?" ang dagdag niyang sinabi sa akin.

Hindi ko siya pinagdudahan dahil sa buong buo ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko inakalang magagawa niyang lokohin ako sa kabila ng hindi ko sa kanya pagtago ng kahit ano sa akin.

Nanginginig ang aking mga kamay at tuhod sa aking nalaman.

"Sabi mo... Ako ay... Sabi mo... Hindi mo ko... Sabi mo sa akin... Ikaw ay..." ang nanginginig kong sinabi sa kanyang hindi mo matapos sabihin. Dati ay kinukumpleto niya ang aking sasabihin tuwin sasabihin ko sa kanya ang linyang iyon. Sa pagkakataong ito ay nasabi ko lang ulit dahil sa gusto kong ipamukha sa kanya ang kanyang mga sinabi sa akin.

Hindi na siya nakikinig s akin. Panay lang ang lingon niya sa pila ng taxi at hindi makatitig sa aking mga mata.

"Rodel... salamat... at paalam." ang huli kong sinabi sa kanya matapos punasan ang luha sa aking mukha. Agad akong tumalikod sa kanya at tumungo sa sakayan ng bus sa ilalim ng MRT Ayala station.

Nagmamadali akong tumungo dito at nakipagsiksikan sa dami ng taong naghihintay rin doon ng bus upang sumakay. Wala akong pakialam sa mga tao sa aking paligid habang patuloy lang ang luha kong umaagos sa aking pisngi. Nakayuko na lang akong maya't-maya at pinupunasan ito ng aking panyo.

Nang ako'y makasakay ng bus ay agad na nagitinginan ang mga nakaupo nang pasahero sa akin. Hindi gaanong puno ang airconditioned na bus na aking nasakyan papauwi ng Alabang. Hindi ko pansin kung ano man ang iniisip ng mga nakakakita sa akin sa mga oras na iyon. Hindi nila kayang ibalik ang lahat para sa akin at di nila kayang hapuin ang aking nadaramang hinagpis. Tinumbok ko ang bahaging lukuran ng bus na halos walang pasahero upang doon ako magpatuloy ng aking hinagpis.

Hindi ko na alam ang aking gagawin. Tila ba natapos na ang aking buhay sa mga sandaling iyon. Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari at lalong hindi ako makapaniwalang tapos na ang lahat sa amin ni Rodel.

Nang mawala ang pagkabigla ay unti-unting bumaon sa akin ang katotohanan at agad nanikip ang aking dibdib. Hindi ko inakalang ganito kasakit ang masugatan ang damdamin. Tila maraming bubog ang bumalot sa aking puso na paulit-ulit at halinhinang tumutusok. Parang gusto kong saktan ang aking sarili upang kahit paano'y maibaling sa aking katawan ang sakit. Wala akong nawaga kundi ang humagulgol sa sulok at magtago sa likod ng sandalan ng mga nauunang upuan.

Buti na lang ay maingay ang palabas sa loob ng bus na aking nasakyan. Naitago nito ang impit kong hinagpis sa buong biyahe.

Nang makapasok na ng tollgate ng Alabang ang bus ay pilit kong inayos ang aking sarili. Pinauna ko muna ang ibang pasahero bago bumaba. Nakayuko lang akong naglakad tungo sa pintuan sa unahan ng bus.

"Boy baka mauntog ka." ang babala ng kunduktor sa akin na nakaupo pala sa likod ng driver sa pampasaherong upuan.

Huli na ang lahat nang pansinin ko siya. Tumama ng malakas ang aking bunbunan sa kanto ng telebisyon. Natawa ang kunduktor sa akin at nabigla naman akong gulat na nilingon ng driver.

"Aray!" ang daing ko ngunit tila hindi nito naibsan ang aking dalahin. Nagustuhan ko ang sakit na akong naramdaman ngunit tila kulang pa ito. Intensyon ko talagang saktan ang aking sarili.

Kinamot ko lang ang nautog na bahagi ng aking ulo sabay labas ng bus.

Umuulan ng malakas kaya't agad akong nabasa. Mabilis na dumikit sa aking balat ang suot kong itim na shirt. Hindi ko na naalalang mababasa ang aking teleponong Nokia 3310 na bigay sa akin ni Rodel upang kami ay magkausap. Siya rin mismo ang nagbibigay ng load ko dahil sa may kaya naman siya.

Dala ng malakas na ulan ay ang pataas ng tubig sa ibang bahagi ng aking nilalakaran ngunit hindi ko iniiwasan ang mga ito. Lublob sa tubig ang aking sapatos at dama kong may naigib sa loob nito. Nakakadiri ang pakiramdam ang basang-basang medyas na nakalublob sa tubig baha sa loob ng aking sapatos.

Inabot ko ang aming tahanan sa Putatan na ganoon ang aking lagay. Nakatira lang kami sa isang compound dahil sa hindi naman kami mayaman. Itinayo sa hollow blocks ang aming tahanan ngunit wala itong palidata kaya parehong sa loob at labas pareho lang ang itsura, magaspang at walang pintura.

"Nay... nandito na po ako inay..." ang aking pananawagan sa aking ina mula sa likod ng pintuan naming walang pintura at may mga tagpi na ng yero dahil sa kinain na ito ng panahon.

"Anak basang-basa ka! Wala tayong pambili ng gamot! Hindi na nga tayo halos kumain makakuha ka lang ng pamasahe papuntang eskwela. At yang sapatos mo? Isang pares lang iyang rubbershoes mo at ilang taon mo pa dapat gamitin yan! Pasalamat ka't binigyan ka ng best friend mo nung birthday mo niyan dahil wala tayong pambili ng ganyang kung kailangan mo niyan sa PE niyo!!" ang agad at sunod-sunod na talak ng aking ina matapos makita ang aking itsura.

"Pasensiya na po inay. Inabutan po kasi ako ng ulan. Hindi na po ako sinamahan ni Rodel dahil hindi po niya dala ang kotse niya at may date pa daw siya ng girlfriend niya. Sige po inay magaayos na lang po ako ng sarili. Kumain na po ba kayo inay?" ang aking palusot sa kanya sabay palit ng topic. Hindi niya ako sinagot at nginitian na lang ako.

Kami na lang ng ina ko ang natira sa aming pamilya. Ama ko ay matagal nang namatay noong ako ay anim na taong gulang lamang. Naaksidente sa pagmamaneho ng trak mula Batangas.

May kapatid sana ako ngunit nakunan ang aking ina sa mismong araw na nalaman namin ang balitang wala na ang aking ama tatlong buwan bago pa ito maipanganak.

Dati'y maganda ang aking ina at sa kanya ko namana lahat ng aking katangiang taglay ngayon maliban lang sa lawit kong nakuha ko sa aking ama. Mula ng mawala ang aking ama ay mabilis at lubos na nagbago ang anyo ni ina dahil sa kakaisip at sakit na dala nito sa kanya. Hindi siya kumain ng isang lingo at nanatili lang na laging nakahiga sa aming papag nakatingala sa ilalim ng aming bubong dahil sa wala kaming kisame.

Humaba ang kanyang bilugang mukha at nawala ang laman ng kanyang magkabilang pisngi. Ang dating kaakit-akit na mga mata niya ay malamlam na. Ang kanya namang buhok ay may mga puti na at lagi lang nakatali sa gomang nakukuha niya kapag siya ay namamalengke ng aming paninda sa maliit naming tindahan na halos wala nang laman.

Wala kaming pambayad ng kuryente kaya't tinuping karton, gamit na folder, diyaryo, o kahit ano na lang ang ginagawa naming pamaypay kapag kami ay naiinitan. Dalawang gasera lang ang taning nagbibigay liwanag sa aming bahay. Tag-isa kami ni inay sa gasera na siyang dala namin kung saan man kami pupunta sa loob ng tahanan kung gabi na.

Dahil sa umuulan at butas na ang aming bubong ay nagkalat sa buong bahay ang gamit na lata ng gatas ng bata na nahingi ko lang sa aming kapitbahay. Kita ko agad ang mga ito sa tarangkahan pa lang ng aming tahanan dahil sa walang dibisyon. Tila nagsilbing musika ang pagpatak ng mga tulo sa mga nakasahod na mga lata sa buong bahay.

Hindi naman kami kasing hirap ng daga ngunit dahil sa lubhang kuripot at praktikal kami ay tipid ang paglabas ng pera sa aming bulsa.

"Nay... may concert nanaman sa bahay natin." ang nakangiti kong sinabi sa aking ina upang idaan na lang sa biro ang aming kalagayan.

"Oo nga eh. At least may music tayo ngayon, nak. Pasok ka na rito." ang sagot niya habang hinihila ang aking braso upang ako'y sumilong na.

Natapat ang aking mukha sa liwanag na mula sa gasera at nahalata niya ang pamamaga ng aking mata.

"Anong problema anak? Bakit ka umiyak?" ang nag-aalalang tanong niya.

"Wala nay, naiiyak lang ako inabutan kasi ako ng ulan. Wala na akong magawa at nabasa na ako kanina. Naisip ko yung sapatos ko at yung cellphone ko pero wala na talaga ako nagawa eh." ang palusot ko sa kanya.

"Naku sayang naman Jasper ang cellphone! Hala, alisin mo na yang rubber shoes mo nang mapatuyo na iyan nang hindi agad mabulok at masira. Maligo ka na rin para hindi ka magkasakit." ang sagot niya sa akin sabay palo sa aking pwet.

"Aray naman inay. Ang tanda ko na pinapalo mo pa ako." ang natatawa at pabirong sinabi ko sa kanya.

Pilit kong kinimkim ang lahat ng naglalagablab na sakit sa aking damdamin sa mga oras na iyon. Kahit anong mangyari ay ayaw kong nakikita ako ni inay na may problema dahil dama kong nasasaktan siya twing ako'y may dinadala.

Nang-maalis ko ang aking sapatos ay agad kong kinuha ang aking tuwalya at damit sa may kalumaan nang aparador namin at binitbit ang isang gasera upang maligo.

Malakas ang langitngit ng pintuan ng aming paikurang gawa sa pinagtagpi-tagping yero na may mga maliliit nang mga butas.

Nang maisara ko na ito ay hindi ko itinago pa ang aking pagluha. May poso sa loob ng aming palikuran na gumagawa ng malalakas na langitngit tuwing ito'y ginagamit. Sinabay ko ang aking pagtangis habang ako'y umiigib ng tubig.

Itinigil ko na lang ang pag-iyak nang ako ay magbibihis na. Inayos ko muna maigi ang aking sarili bago ako lumabas ng palikuran.

Napuna kong nakahiga na ang aking inay sa papag dahil sa kailangan niyang gumising ng maaga para sa aming tindahan.

Napatingin ako sa bintana dahil hindi ko na marinig ang ulan.

"Nay... labas lang po ako baka makaraket pa ako." ang paalam ko sa kanya. Hindi na niya ako sinagot marahil ay natutulog na siya. Mabilis talaga makatulog si ina.

Tuwing gabi ay pumupunta ako sa malapit na beauty parlor upang maglinis. Natuwa kasi sa akin ang mga parloristang bading at ang may ari ay nagkagusto sa akin. Minsan naman ay tumutulong ako sa pagbubuhat ng kalakal galing Biñan sa kapit bahay naming nagtitinda sa palengke. Ngunit sa gabing ito ay may gagawin naman akong matagal ko nang itinigil mula nang makilala ko si Rodel, ang magpasuso.

Bago ko pa nakilala si Rodel ay isa ito sa mabenta kong raket sa gabi. Tambay-tambay lang at may kinikita na ako. Una kong naging customer ay ang may-ari ng beauty parlor na aking nililinis.

Nasusuka ako noong una ngunit dahil sa kailangan ng pera upang may idagdag ako sa kinikita ni inay. Sinikmura ko ang aking gawaing hindi niya alam. Dahil na rin siguro marahil dito ako'y naging bakla. Nagising ang aking kagustuhan na makipagtalik sa kapwa at si Rodel naman ang nagmulat sa mga mata ng aking puso na umibig.

Dala ng matinding galit at sakit. Nang makarating ako sa parlor na puro pink ang kulay at puro bakla na lang na laging tambay nito and naroon ay inalok ko na kung sino sa kanya.

"Mga miss! Sino sa inyo ang gustong mauna? limangdaan lang! Sige na!" ang bungad ko sa kanilang lahat.

"Ang tagal mong nawala ha. Naiimbyerna na ako sa iyo papa Jasper. Saan ka ba napunta? Tinatawag kita sa kanto pag papasok ka na sa school hindi mo naman ako pinapansin tapos minsan na lang kita maabutan sa kanto na sumasakay ng jeep. Nagkagirlfriend ka ba ulit? Tigang na ngala-ngala ko sa iyo ha! Ang gwapo mo lalo ngayon nakasalamin ka na. Bagay sa iyo." ang sabi ng nakapamewang na may ari na si Mariah na garalgal ang boses. Nakasandal siyang nakatayo sa isang upuan para sa mga nagpapagupit.

Nasa kwarenta na siguro si Mariah. Malapad ang kanyang katawan at malaki ang tiyan. Nasa 5'4 lang marahil ang kanyang tangkad dahil sa mas malaki ako sa kanya. Maitim ang kanynag balat at puno ng butas ang kanyang pisnging natapalan ng makapal na make-up. Kulay pink at violet naman ang kanyang eye shadows. Mayroong extension ang kanyang lashes at guhit lang ng eyeliner ang kanyang kilay. Maihahalintulad mo siya kay Bella Flores na hindi maputi.

Napakabuting tao ni Mariah. Maraming beses na rin na binigyan niya ako ng pera kahit hindi namin iyon gawin dahil sa napalapit na ako sa kanya at alam niya kung gaano ako kahirap. Lagi niyang sinasabi na ipagpatuloy ko lang ang aking pagsisikap at huwag kailan man susubok tumulad sa iba kong kabarkada na ngayo'y lango na sa droga. Hindi ko sinira ang aking sarili at hindi ko kahit minsan naisipang abusuhin ang kanyang kabaitan. Alam ko kung gaano kahirap kitain ang pera kaya't hindi ko ito magagawa sa iba.

Hagik-gikan ang ibang nandoon na may kilig at ang karamihan sa kanila ay ngayon ko lang nakita. Mga binata rin na maiikli ang shorts at naka spaghetti. Ang iba sa kanila at may maliit na ipit sa buhok sa gupit nilang barber's cut.

"Pasensiya na Mariah abala lang ako sa school. Alam mo na highschool na ako ngayon. Ano? 500 lang!" ang presko kong sagot sa kanya sabay pacute.

"Ikaw talaga. Siguraduhin mo lang na sa pag-aaral mo gagamitin ang ibibigay ko sa iyo ha? Isang libo na ibigay ko sa iyo hindi pa kasama dito yung paglilinis mo. Maglinis ka na lang muna ng parlor mamaya na yun." ang naaawang sabi niya sa akin sabay tingin sa kanyang wallet.

Tumili ang ibang naroon at kilig na kilig.

"Jasper akin ka na lang. Kahit wala akong pambayad." ang sabi ng isa na nginitian at kinindatan ko lang.

"Kung alam niyo lang na mas babae pa ako sa inyo sa kama." ang bulong ko sa aking sarili.

"Hoy mga hitad! Layas na kayo at magsasarado na ako! Hindi kayo pwede manood ng ano namin ni Jasper." ang sigaw na pabiro ni Mariah sa mga nakatambay.

Agad naman nagsi-alisan ang mga ito habang humihirit ng panunuya kay Mariah.

Agad kong tinungo ang likuran ng pintuan ng parlor kung saan nakatago ang walis at daspan upang masimulan ko na ang paglilinis.

Nanatiling nakatayo si Mariah sa kanyang lugar at nakikipagkwentuhan sa akin habang ako ay naglilinis. Napansin niya ang aking kalungkutan at nakita niya ang namamagang mata ko nang alisin ko ang aking salamin upang magpunas ng pawis.