Chereads / Marinela's Doppelganger / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10

Lumabas muna saglit si Caroline para ipagtimpla niya ng kape si Leander nang makarinig siyang yapak ng takong ng sapatos papalit sa kanyang kinaroroonan. Nilingon niya ito at bumungad sa kanya si Chelsea na masama pa rin ang titig sa kanya.

"Bilib rin talaga ako sa charm mo ano? Nagawa mong lasunin ang isip ni Leander para sa sarili mong interest." sarkastikong bungad niya rito.

"Ano ba ang nagawa ko sa inyong kasalanan at hindi niyo ako gawang tigilan?" giit ni Caroline ngunit nginisian lang siya ni Chelsea.

"We just want you to leave this place because you are not belong here. Look at yourself, do you? Hindi mo binigyan ng kahihiyan si Leander sa pagkuha mo ng interest."

"Hindi ako aalis dito. Hindi naman ikaw si Leander para sundin kita. Isa ka lang naman nagtatrabaho dito sa kumpanya at siya naman anak ng may-ari."

"Aba! Baguhan ka pa lang kung umasta oh. Ibang klase talaga kapag laking squatter." pagkasabi nito sa kanya iniwan na rin siya ni Chelsea na puno ng pagpipigil niya sa sarili para hamunin ng away ang babae.

Pinili pa rin ni Caroline na maging kalmado pa rin sa kabila ng paghatol sa kanya ng mga ito. Mas papatunayan niyang wala siyang interest sa yaman ni Leander kundi gusto lamang niya pagbigyan ang binata.

Napagdesisyon na rin niyang bumalik sa office upang ibigay ang hot coffee kay Leander dahil kita niyang sobrang busy na ito sa pagpipirma ng mga documents.

"Heto nga pala kape mo. Uminom ka muna." pambungad niya sa binata kasabay na may pilit na ngiti.

"Thank you, Miss Faith." nakangiting sagot nito sa kanya.

Makikita ni Caroline na talagang napakamasayahing tao ni Leander. Kahit napakarami niyang ginagawa nagagawa pa siyang ngitian nito. Paano kaya kung hindi sila magkakilala ng binata magiging ganito ba kasaya si Leander o patuloy siya sa pagiging malungkutin.

"Walang anuman. Pansin ko kasing sobrang busy mo kaya pinadalhan na lang din kita ng kape para mabawasan naman kahit papano yang pressure mo."

"Ayos lang ako Miss Faith, wala ka dapat ipagaalala sa akin. Basta nariyan hindi ako ma-pressure gawin lahat ng ito."

Hindi maiwasan ni Caroline ma-touch sa mga salitang binibitawan ni Leander sa kanya at hindi niya maiwasan matuwa rito sa binata.

Pagkalipas ng dalawang oras, napag-isipan na ni Caroline na umorder ng pagkain para hindi na maabala pa si Leander na bumili ng kanilang makakain.

Mga ilang minuto, dumating na rin ang order buhat nang may tumawag sa kanilang office.

"Sino 'yan?" nag-uusisang tanong ni Leander sa kanya.

"Si Manong Guard narito na kasi yung inorder kong pagkain online."

"Ikaw ang nagbayad?"

"Oo bakit?"

"Dapat nagsabi ka sa akin na bibili ka ng pagkain para ako na lang sana ang nagbayad."

"Huwag na nakakahiya naman kung ganun saka may pera naman ako rito eh." paliwanag pa ni Caroline.

"Nagtatampo na ako sayo niyan, Miss Faith." pagmamaktol nito.

"Ito naman. Ayaw ko lang kasi ikaw magambala diyan sa trabaho kaya bumili na lang ako sa online ng meal para hindi na mag-abala pang lumabas." pilit na pagpapaliwanag ni Caroline.

"Ok fine. Basta sa susunod ipapaalam mo kaagad sa akin para ako magbabayad."

"Pero nakakahiya naman ata ....."

"Hayan ka nanaman Miss Faith."

"Sige. Ipapaalam ko na lang sa susunod." nakangusong tugon ng dalaga dahil wala na siyang magagawa kundi sumunod kay Leander.

Sobrang nahihiya na kasi siya rito kaso nagpupumilit pa rin ang binata na siya ang magbayad ng kanilang kakainin.

Si Caroline kasi ang tipo na hindi kaya umabuso ng kabaitan ng isang tao. Gagawin niya talaga ang lahat para mai-confront ang sarili subalit natalo pa rin siya kay Leander.

"Sige. Lalabas na'ko kukunin ko na yung pina-order nating pagkain."

"Mag-iingat ka." napangiti naman ang dalaga sa binata saka naman lumabas na rin ito ng opisina pansamantala.

Sa kanyang pagmamadali sa paglalakad nang may biglang humila sa kanyang braso dahilan para mapalingon siya rito.

"Wala ka ba talagang balak umalis dito? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?." sunud-sunod na tanong subalit pinili na lang muna ni Caroline manahimik at hayaang magsalita itong lalaki na si Cedric.

"All I can say nilason mo na nga utak ni Leander. Because of you hindi namin siya nakakausap nang maayos at ikaw parati ang pinapanigan niya. So I am pleading you to leave this company."

"Sa palagay mo ba mapapasunod mo ako sa gusto ko niyong gawin? No way." nakangising saad ni Caroline. "Hindi ako aalis hangga't di ko napapatunayan sa inyo na malinis ang intensyon ko kay Leander. Gusto ko ipakita sa inyo na mali kayo ng hinala sa akin. Pasensya na pero si Leander ang masusunod at hindi kayo."

Pagkatapos iniwan na ni Caroline na nagtatagis bagang na si Cedric at taas noo siyang naglakad papasok ng elevator.

Pagkarating ni Caroline sa guardhouse upang kunin ang inorder na pagkan, sinalubong siya ng mga empleyado na nakangiti sa kanya at nginitian din niya ito pabalik. Nakaramdam siya ng pag-ilang sa mga ito halos na sa kanya ang atensyon.

Maya-maya pa nakabalik na siya office at nilapag kaagad ang inorder niyang pagkain.

"Halika kumain na tayo." nagtaka siya biglang pagtayo ni Leander sa inuupuan nito.

"Ha? Hindi pa naman alas-dose eh? Di kaya unfair ito sa mga...." hindi na siya pinatuloy pa ng sasabihin nang niyaya na siya nitong umupo sa tabi nito para kumain.

"Hindi naman nila makikita at huwag mo sila masyadong pansinin ok? Huwag ka rin masyadong maawain kasi baka isa sa paraan 'yan i-manipulate ka nila."

"Ok." hindi na nagbalak pang magsalita si Caroline pagkatapos niyon.

Pagkatapos ng office hours, napag-isipan ni Leander na pumunta muna sila ni Caroline sa isang orphanage na kung saan naroon ang mga batang inabandona na ng kanilang mga magulang.

Walang ideya ang dalaga rito sa kanilang kaya ganun na lang ang gulat na naging reaksyon ni Caroline.

Napapalibutan na siya ng mga bata ngayon. Masayang naglalaro ang mga ito at nagulat rin nang makita nila si Leander.

Yumakap ang lahat na mga bata kaya hindi maiwasan ng dalaga ang ma-?impress sa binata. Bukod kasi sa pagiging friendly at approachable, mahilig din pala ito sa mga bata. Nagpatayo siya ng foundation para sa mga ito na pinangalan ding 'Kingstone Foundation'.

"Siya nga pala si Ate Faith niyo. Mula ngayon makikita niyo na siya parati." napakunot ang mga noo ng mga bata pagkakita nila kay Caroline at bakas sa kanila ang kuryosidad.

"Kamukha po siya ni Ate Marinela, Kuya Leander." puna ng isang batang babae na sa edad na sampung taon.

"Oo nga po Kuya." pinagsang-ayunan naman ng karamihan.

"Pero magkaiba sila mga bata." si Leander na mismo ang nagpaliwanag sa mga ito. "Wala na ang Ate Marinela niyo....." tila hirap sambitin ng binata ang tungkol sa sinapit ng kanyang girlfriend kaya naman napag-isipan ni Caroline na i-divert na lang ang topic.

"Ako nga pala si Caroline Faith Quililan.  Matalik na kaibigan rin ng Kuya Leander niyo. 'Ate Faith' na lang din itawag niyo sa akin." buong lakas ng loob na ginawa ni Carolime para magbago ang ihip ng hangin sa pagitan nila ni Leander at ng mga bata.

"Simula ngayon parati niyo na ako makikita dahil parati na rin akong isasama ng kuya niyo rito. Natutuwa ako na makilala ang mga batang tulad niyo." napangiti naman si Leander bilang pagsang-ayon sa sinabi ng dalagang nasa kanyang tabi.

"Alam niyo po Ate Faith parehas po kayo mabait ni Ate Marinela." puna naman ng isang batang babae na may anim na taong gulang.

"Saka parehas po kayo maganda." komento naman ng isang walong taong gulang na lalaki.

"Hoy Vin, kay Kuya Leander na 'yan huwag mo sa siyang agawan noh." sabi naman ng babae na kaedad rin niya.

"Sabihin mo nagseselos ka lang." nagulat naman si Carolime at Leander sa sinabi ng batang lalaki.

"Hay nako ang babata niyo pa kung ano na iniisip niyo ah." saad ni Caroline.

"Mag-aral muna kayo ng mabuti bago magligawan ahhh?" si Leander naman habang nginingitian ang mga bata. "Sige maglaro na muna ulit kayo rito. Kakausapin na muna namin ang mga tagapag-alaga niyo."

Napatangu-tangu naman ang mga bata saka sila nagsibalikan sa paglalaro habang tinatahak naman nina Leander at Caroline papasok ng bahay ampunan.

Laking gulat ng mga social workers pagkakita nito kay Caroline dahil nga sa magkamukha sila ni Marinela.

"Hello po." nakangiting bati ni Leander sa mga ito. "Siya nga pala si Caroline Faith Quililan matalik kong kaibigan." sabay nakipagkamayan sa dalaga ang mga social workers sa kanya habang nanatili pa rin sa mga ito ang pagtataka.

"Kamukhang-kamukha mo nga siya iha kaya hindi na ako magtataka kung bakit ikaw kasama ni Leander." sabi ng ginang na may edad ng singkwenta anyos.

"Mahilig ka rin ba sa mga bata? Kasi si Marinela sobrang napapamahal sa mga batang 'yan kaya ito na madalas ang naging pangalawang tahanan niya." dagdag pa nito.

"Siyempre naman po saka may mga kapatid din ako kasing edad din nila."

"Kung ganun parehas din pala kayo." sabi muli ng may edad na singkwenta.

"Oh nga pala Miss Faith ipakilala ko muna sila sayo." panimula ni Leander. "Siya nga pala si ate Divina ang namamahala rito." turo ng binata sa babaeng nasa singkwenta na ang edad.

"Heto naman si ate Mila ang tumatayong assistant ni ate Divina." turo niya sa babaeng na hindi gaano nagkakalayo ang edad nito kay Divina.

"At sila naman ang tumatayong nurse ng mga bata at tagapangalaga. Si Keanna yung may pinakabata sa kanila, si Roselle naman yung pinakamata sa kanilang tatlo at si Ryan naman ang sumunod kay Selle."

Nginitian at nakipagkamayan si Caroline sa mga ito pagkatapos.

Mga ilang sandali napagdesisyon na muna nilang libutin ang lugar para maging familiar si Caroline dito.

"Hindi ko alam na may ganitong foundation kang pinatayo." saad ng dalaga habang nililibot pa rin ang paningin niya rito.

"Sorry kung ngayon ko lang sayo nasabi." tugon ni Leander.

"Wala ka namam dapat ika-sorry eh. Nagulat lang kasi ako at talagang masasabi kong isa kang down-to-earth kind of person." pagkatapos napatitig siya sa binata na kanina pa rin pala nakatitig sa kanya pero agad umiwas ng tingin ang dalaga. "Yung tipo na hindi ko mahahanap sa isang mayaman na tulad mo."

"Oo nga. Bihira lang talaga ang tulad namin. Hindi ka basta-basta makakahanap ng tulad ko rin." sabay kindat ni Leander dahilan para makaramdam si Caroline ng kilig sa ginawa ng binata.

Nagsimula muling naglakad si Leander na sinundan din ng dalaga.

"Hindi ko rin pala alam na ganun ka rin ka-attractive sa mga bata, Miss Faith. Kita sa mata nila na gusto ka rin nila."

"Hindi naman sa ganun." pagde-deny pa ni Caroline.

"Napaka-humble mo talaga noh? Yung tipong hindi magyayabang, iyon bang hindi magbubuhat ng sarili niyang bangko..." sabi nito saka muling napatitig sa dalaga. "Kaya habang tumatagal, Miss Faith mas lalo akong napapamahal sayo."

Dahil sa sinabi iyon ni Leander, nakaramdam si Caroline na mabilis na pagtibok ng kanyang puso kaya ganun na rin hindi na siya napapakali sa kanyang posisyon. Napalunok siya ng laway pagkatapos.

"Hindi ka ba nagbibiro?" pagmamaang-maangan pa ng dalaga. Hindi na kasi siya napapalagay sa ganitong sitwasyon.

"I am not joking Miss Faith. I'm serious." nangungusap na ang mga mata ni Leander kasabay ng pagiging maamo niyang mukha.

"My feelings for you is getting stronger Miss Faith kaya I hope someday na mahalin mo rin ako kahit hindi tulad ng aking nararamdaman basta't nararamdaman kong may pagtingin ka na rin sa akin. Kuntento na ako diyan." mahabang paliwanag nito sa kanya kasabay ng paghawak ni Leander sa magkabilang balikat ni Caroline.

"Gusto kong malaman mo na hindi ako tulad ng karaniwang lalaki. I am man with chivalry, Miss Faith. Malaki ang aking respeto sa mga kababaihan hindi tulad ng mga lalaki ngayon na masyadong binabastos na ang mga kabaihan." dagdag pa nito.

"I know na kakaiba ka sa mga kalalakihan at napansin ko nga 'yon sayo." sabay nginitian ni Caroline ang binata.

"I am just wanted you to know hindi rin ako klase ng lalaki na nagnanakaw ng halik sa babae at humahalik sa labi ng babae. I will not prefer to do that unless you're already my wife."

Dahil sa sinabi iyon ni Leander, muli nanamang napalunok si Caroline at dalawang beses pa iyon ngunit hindi niya pinahalata sa binata.

"Bakit parang gulat ka Miss Faith?"

Teka napansin niya ba? Paktay ako!

"Hindi naman." sabay iling-iling sa paligid.

Natawa naman si Leander dahilan para mapakunot ng kilay si Caroline.

"Kunwari ka pa Miss Faith. Ang totoo niyan napansin ko ang paglunok mo at dalawang beses pa nga."

"Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo eh."

Napahalakhak na lang si Leander bilang tugon hanggang sa napag-isipan nilang umuwi na rin para makapagpahinga.

Nagpaalam na rin sila sa mga sc pati sa mga bata.

Mga ilang sandali nakarating na rin sila ng mansion. Hinatid siya ng binata sa kanyang kwarto bago ito pumanhik naman sa sarili ring silid.

Pagkaupo ni Caroline sa kutson nang biglang tumunog ang phone niya at laking gulat  nang mabasa ang text message sa kanya ni Tristan.