Kasalukuyan akong nakatayo sa isang terrace sa bandang itaas ng parte ng bahay nila Sir Leander. Gusto ko kasi makasagap ng sariwang hangin at mag-isip isip na rin sa nangyaring pagtatanggol niya sa akin. Hindi ko inaasahan iyon sapagkat kamakailan lamang kami magkakilala ni Sir Leander kumpara doon sa dalawa lalo pa sila pala ang naging matalik na kaibigan rin ni Marinela. Ganito na ba niya ako kamahal para handang talikuran ang mga taong naging tapat rin sa kanya sa matagal na panahon? Samantala ako hindi ko magawang suklian ang kanyang pag-ibig dahil alam ko naman na simula't sapul si Tristan pa rin nilalaman ng puso ko. Walang araw na hindi ko siya iniisip at hindi nakakaramdam ng pagka-miss. Minsan natatanong ko sa sarili na naging tama ba ang aking naging desisyon na iwasan siyang hindi na muna makita. Feeling ko tuloy parang nakokonsensya na ewan. Hays ang gulo ko.
Sa aking pag-iisip, bigla na lamang may nagsalita sa aking bandang likuran. Lumingon ako at nakita kong si Sir Leander pala.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Anong oras na?" sermon na naman niya sa akin pero nasanay naman ako sa mga ginagawa niya tutal parating kapakanan ko ang parati niyang iniisip.
"Hindi kasi ako makatulog." diretsahan ko ng sagot at napangiti lang siya.
"Bakit naman? Tungkol ba ito sa kaninang nangyari kaya hindi ka makatulog?"
Hindi ako kaagad nakasagot sa kanyang tanong dahil hindi ko alam kung ano sasabihin. Ayaw ko na rin kasi pag-usapan pa iyon lalo lang kasi ako nahihiya eh kasi mas pinapahalagahan at pinagkakatiwalaan niya ako kaysa doon sa dalawa na matagal na ring tapat na nagtatatrabaho at nagsisilbi sa kanya.
"Hindi naman. " pagsisinungaling ko saka na lang ibinalik ang dati kong posisyon.
"Don't lie to me, Miss Faith. I know you already kaya hindi mo magagawang magtago sa akin ng mga iniisip at inaalala mo. Kahit hindi pa tayo gaano magkakilala, feeling ko parang matagal na rin tayo ng nagkakilala." sabi niya habang parehas lang kami ng posisyon na nakaharap sa labas. "Naniniwala ka ba sa twin flames?" nagulat naman ako sa naging tanong niya sa huli.
Hindi ako naniniwala sa mga ganyan eh lalo na sinasabi nilang soulmate raw. Naniniwala lang ako sa true love dahil mas mukhang kapani-paniwala siya at talagang nag-eexist siya sa mundo kaso nga lang mahirap hagilapin. Pero ako naman nahanap ko na true love siguro si Sir Leander kaso nga lang hindi siya ang tinitibok ng puso.
"Hindi eh, ikaw?" napangisi siya sa aking sagot.
"Bakit hindi ka naniniwala?" muli nanaman niyang tanong sa akin. Heto naman kami.
"Hindi naman kasi totoo 'yon eh saka gawa-gawa lang naman 'yan ng mga tao lalo na yung mga manghuhula." paliwanag ko naman sa kanya.
"Ako kasi naniniwala lalo na kung natagpuan ko na siya." sabi pa niya ulit sabay lingon sa side ko kaya hindi ko rin naiwasan na hindi mapatitig sa kanya.
Nakita ko siyang nakatitig na siya sa aking mga mata tila binabasa nanaman niya nasa isip ko kaya kaagad akong umiwas. Ibang klase din kasi yung pagtitig niya masayadong makahulugan at malalim.
"Bakit ka umiwas ka ng tingin, Miss Faith?" nag-uusisang tanong niya.
Ilang segunda bago ako nakasagot kaagad. "Hmmm, wala naman." sagot ko sabay ng paglunok.
"Mabuti pa matulog na tayo dahil may may pasok pa bukas, remember? Saka masama sa health yung nagpupuyat." sabi niya pagkatapos hinatid na rin niya ako sa aking kwarto ang nagsabi na rin ng goodnight at ganun din ako.
Pagdating sa kanya lagi na lang ako napapasunod, hindi ko magawang magmatigas kasi naman kapag ginawa ko 'yon baka parang nobena nanaman na marami siyang sinasabi at pinapangaral sa akin. Sumunod na lang din para wala ng ganoong sistema. Masyado kasing matured mag-isip itong Sir Leander, para kasing napakaperpekto niyang lalaki ni minsan wala kang makitang kapintasan sa kanya kung meron naman hindi nga lang halata at di nagdudulot ng issue.
KINABUKASAN
Naglalakad na rin ako sa salas patungong kusina nang may narinig akong may sumisigaw sa labas parang may nagra-rally o kung ano. Sisilipin ko na sana nang bigla kong nakita ang parents ni Sir Leander na naglalakad palabas ng mansion at nakita nila ganoon din siya at sinenyasan niya akong tumigil sa paglalakad. Hindi ko namalayan nakita ko na lamang na narito sina Cedric at Chelsea. Ano ginagawa nila dito? Sila ba 'yung kaninang sumisigaw?
"Tita and Tito, I'm begging you to bring us back in the company and cancel the suspension na ginawad sa amin ni Lean." bungad sa kanila ni Cedric na tila na nagmamakaawa na ibalik sila sa trabaho.
Nilingon muna ng mag-asawa si Leander saka nagsalita ang isa sa mga ito. "Our son told us what happened in the company yesterday." saka muli itong napalingon sa akin. "You framed up Miss Faith yesterday, is it true?"
Walang imik ang dalawa subalit lumipas muna ng ilang segundo bago nagsalita naman si Chelsea upang i-defend ang side nila.
"Wala po kaming alam sa sinasabi niyo, Tito and it's not true." napa-smirk lang din Sir Leander at tinititigan sila ng naka-cold expression.
"Hindi niyo na kailangan magsinungaling sa amin dahil alam na namin ang totoo." giit ni Tito.
"Bakit niyo 'yon ginawa kay Faith? Ano kasalanan niya sa'yo parang gawin niyo sa kanya?" medyo naiinis na tanong ni Tita pero nanatilli pa rin siyang kalmado.
"It's not true, Tita and Tito. Please maniwala po kayo sa aming dalawa ni Cedric." nagmamaakawang pakiusap ni Chelsea sa kanila.
"Atsaka Tito mas matagal niyo na kaming kilala kaysa sa kanya." turo naman sa akin ni Cedric dahilan para sumama ang tingin sa kanila ni Sir Leander at nilapitan ako.
"Oo mas matagal ko nga kayong nakilala pero sa tingin namin mali kami ng pagkakakilala sa inyong dalawa." muling giit ni Tito para kalmado pa rin siya. "Nagkamali rin kaming napagkatiwalaan. "
"Ibig sabihin mas pinagkakatiwalaan niyo siya kaysa sa amin, Tito?" huminto si Cedric sa pagsasalita saka bumaling naman ang tingin niya kay Tita at kay Sir Leander. "Hindi niyo pa lubusang kilala ang babae na 'yan. Nagpapanggap lang 'yan mabait at inosente."
"Shut up Cedric." bulyaw sa kanya ng lalaking na nasa tabi ko. "Kaya kong bumasa ng mga galaw at kinikilos ng mga tao maging sa facial expressions kaya hindi niyo ako maloloko. I already knew who were liars and those are not." matalim na tinitigan ni Sir Leander si Cedric.
"Mabuti Chelsea and Cedric, umalis na muna kayo. Face the consequences you have done to her. We will not cancel your suspension." pagkasabi niyon ni Tita at Tito, nagwalk-out na agad sila habang iniwan na nangitngit sa inis ang dalawa.
"Anong titingin-tingin mo diyan? Masaya ka na? Dahil ikaw yung panalo?" inis na sabi ni Chelsea sa akin.
"Huwag mo na lang sila pansinin, Miss Faith. Tayo na." sabay hawak ni Sir Leander sa aking mga braso para lisanin muna ang kinaroroonan namin. "Guard kayo ng bahala sa kanila." utos nito sa tatlong security guard at tumango naman ito.
"Don't touch me." dinig kong saad ni Chelsea habang naglalakad na kami patungong kitchen habang nakikita ko naman na pinipigilan na siya ni Cedric.
"Let's go, Chelsea. All we need is just to accept this punishment."
"What are you talking about, Cedric? Susuko na lang tayo ng ganun na lang?" giit ni Chelsea.
"Mabuti pa sa labas na lang kayo mag-usap na dalawa." sabi sa kanila ng sekyu subalit sinubukan ni Chelsea magpaawat.
"No. We are not done yet." sabi pa nito habang pero hindi na sila nakalaban pa habnag palayo na rin kami sa gawi ng sala.
Binabasa ko ngayon ang mga schedule ni Sir Leander sa bawat oras at mga araw. Mamayang 10:00 AM – 11:00 AM mayroon siyang meeting with the board of directors kaya naman napalingon ako sa gawi niya na busy rin sa kanyang ginagawa sa pc. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"Sir?" napahinto ako nang napalingon siya sa akin na nakakunot ang noo.
"Di ba sabi ko naman kapag tayo lang dalawa huwag mo akong tatawagin....."
Hindi ko na siya pinatuloy sa kanyang sasabihin tutal alam ko nanaman kung saan papunta 'yon. Direkta ko nang sinabi sa kanya na mayroon siyang meeting mamaya.
"Cancel the meeting mayroon tayong gagawin mamaya. Pakisabihan mo na rin 'yong executive secretary ko na lang 'yan." sabi niya saka muling bumaling sa computer.Mukhang na-offend siya ata sa ginawa ko. Na-guilty tuloy ako, hays.
"Huwag kang mag-alala hindi ako galit sayo." nagulat naman ako sinabi niya. Teka parang nalaman niya ata ang nasa isip ko. Ganito ba talaga siya kagaling magbasa ng tao? Unbelievable.
Sinubukan mapunta sa iba ang isip niya kaya nagawa ko munang magpaalam sa kanya at sinabi pupuntahan ko muna ang kanyang sekretarya para ipaalam tungkol sa cancelation of the meeting.
"Iiniba mo ba usapan, Miss Faith?" napalinga-linga lang ako saka muling sumagot.
"Hindi naman baka kasi makalimutan ko pang sabihin sa secretary mo tungkol sa pagkansela ng pulong niyo at baka nag-expect siya na mayroong meeting na magaganap." paliwanag ko sa kanya habang nakatayo sa may front desk ko habang hawak ang folder.
"Sige pero bumalik ka kaagad may pag-uusapan tayo." saglit siyang napatitig sa akin saka siya muling tumutok sa computer. Napatango-tango lang ako bilang tugon saka na ring lumabas saglit ng officeroom at tumungo sa secretary nito.
Inabot ko kaagad yung folder at ipinaalam sa cancelation of the meeting na pinasasabi ni Sir Leander pagkatapos kaagad akong bumalik sa aming opisina.
"Maupo ka muna Miss Faith." kaagad niyang saad.
"Mayroon tayong conference mamaya upang ipaalam sa mga employees dito na huwag na huwag ka nilang pakikialamanan katulad ng ginawa sa'yo ni Cedric at Chelsea. Kung sakaling gawin man nila 'yon sayo papatawan ko sila ng isang buwan suspensyon." napapitlag na lamang ako sa kanyang sinabi. Gagawin niya ba talaga 'yon para protektahan ako sa mga aapi sa akin? Para naman ata hindi maganda kung ganun.
"Huwag ka na ring tumanggi dahil kahit ano sabihin mo itutuloy ko 'yan just to protect you from toxic people. Is that clear?" Maotoridad na utos niya.
"Pero hindi mo naman kailangan gawin 'yon eh. Ano na lang sasabihin ng mga employees mo sayo?" sinubukan kong komprantahin siya.
"I need too because I love you, Miss Faith. I don't want you to be hurt or harmed by somebody. I can't see you just being bullied by others like Chelsea and Cedric did." bakas sa kanya ngayon ang serious facial expression.
"Pero....." magpapaliwanag na sana ako subalit hinarangan niya ulit.
"No buts. Do you understand, Miss Faith?" wala na rin ako nagawa kundi tumango na lang din kasi kahit ano kong gawin nagagawan niya kaagad ng paraan ng ganoong kabilis. Tingin ko wala akong laban sa kanya eh.
"Ipapaalam ko na rin ito sa secretary ko para ihanda na niya mamaya ang lahat at ipaalam na rin sa mga employees tungkol sa announcement." sabi niya saka dinukot ang telepono ni ano siyang napindot doon habang ako naman napapaisip sa mga ginagawa niyang pagprotekta sa akin at sa sinabing mahal niya ako. Parang hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko kapag ganito kasi naaawa ako sa kanya dahil seryoso siya nararamdaman niya para sa akin samantala ako naman sa iba nabaling ang feelings ko, sa mismong bestfriend ko pa.
Ngayon nasa conference na kami at syempre nasa harap ako ngayon ng mga employees, nakatingin sila sa aming dalawa. Hindi ko maiwasan kabahan lalo pa hindi ako sanay humarap sa ganitong karaming tao at nasa akin ang kanilang atensyon.
Napansin ni Sir Leander na kinakabahan ako kaya inakbayan niya sa balikat para mawala tense ko. Mga ilang sandali nagsalita na rin siya at tumahimik na rin ang karamihan.
"I just wanted to announce that there's no one could harm this young woman beside me or else you will be suspended for one month." pagtukoy niya sa akin. Napansin ko pagbubulungan ng mga tao sa kanyang sinabi at muli silang nanahimik. "Kung sinuman sa inyo na mayroong plano sirain siya, ihinto niyo na 'yan at kung nais niyo na talagang saktan siya, ako na mismo makakalaban niyo at walang impossible sa akin na gawin ko ang isang bagay tiyak na pagsisihan niyo rin sa huli." maotoridad niyang saad at mas nakaramdam ako ng kaba sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na may ganun siyang side. Nakakatakot pala siya kung gagalitin mo at sasagarin ang pasensya.
"Ngayon binabalaan ko kayo. Madali naman akong kausap at naging mabuting amo sa inyo pero huwag niyong maging kaaway niyo ako balang araw." dagdag pa niya dahilan para hindi ko na siya titigan. Para kasing nakakatakot ang aura na bumabalot sa kanya ngayon at tila hindi siya yung lalaking anghel na nakilala ko.
"Girlfriend niyo na po ba siya, Sir Leander?" napatingin ako sa isang babaeng malakas na loob na magtanong sa kanya. Muling tumitig sa siya sa akin at kaagad na sinagot ang tanong habang ako naman napalunok lang sa ganoong sistema.
"Not yet but soon. Magiging girlfriend ko siya kaya ginagawa ko lahat ng efforts para mapansin niya ako at magustuhan na rin niya ako pabalik." seryosong pahayag niya dahilan para mapalinga-linga ako sa audiences.
"Wow sana all tulad niyo, Sir Leander na ginagawa ang lahat para mapaibig at makuha niya ang tamis na ng kanyang minamahal." sabi naman ng kaninang babaeng nagtanong. Siguro staff lang siya sa isang department base kasi sa kanyang uniform na suot.
"Oo nga saka napaka-overprotective at gentleman pa." sinang-ayunan din ng babae ng katabi ng nagsalita kanina.
"Malinaw na ang lahat Sir Leander at aasahan mong ipapatupad namin na mahigpit na policy para diyan." pahayag naman ng isa sa mataas rin na official dito sa company.
Pagkatapos ng conference, bumalik na ulit kami sa office room at tinuloy ko na rin ang naudlot kong gagawin. Naupo na ako nang maayos at muling tumutok sa computer lalo feeling awkward pa ako sa mga nasabi ni Sir Leander. Hindi na tuloy ako makapagsalita at pilit na lang itutok ang aking mga mata sa monitor.
"Tahimik mo ata ah." puna niya sa akin pero hindi ko magawang lingunin siya. "Kung anuman narinig mo kanina, totoo 'yon. Gagawin ko lahat para sa taong mahal ko at ipagtatanggol ko siya at poprotektahan kung sinuman nais manakit sa kanya. Mayroon akong isang salita, Miss Faith kapag sinabi ko pinaninindigan ko."
Hindi ko pa rin nagawang makapagsalita at masagot ang kanyang mga sinasabi kaya nanatili na lang ako tumutok sa computer at nanahimik.