Chereads / Marinela's Doppelganger / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11

Kasalukuyan kong inaayos ang nakakalat na documents sa opisina subalit nakakaramdam ako ng antok. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa isang text message sa akin ni Tristan. Ayaw ko sanang bigyan ng malisya ang sinabi niya pero may parte na kinikilig ako kaya kagabi hindi nakatulog ng maayos. Nagtataka nga sa akin si Sir Leander kung bakit ganito ang itsura ko na para na raw zombie. Pinagtatawanan niya pa ako kanina kainis pero kalaunan sinermonan na ako dahil sa kung ano raw pinagagawa ko kagabi at napuyat ako. Siyempre hindi ko naman sa kanya masabi ang totoo.

Paulit-paulit na nagpa-flashback ang text niya sa akin na I miss you at bumibilis na lang pagtibok ng aking puso. Kaya napag-isipan ko na lamang na kumuha ng kape para naman maging lively ang isip pati katawan ko. Sinarhan ko muna ang opisina ni Sir Leander bago ko ako lumisan para tumungo sa isang kuhanan ng kape. Ano ba tawag doon? Nakalimutan ko tuloy. Hays.

Patungo na sana ako sa lugar para kumuha ng kape nang may makita akong isang kahina-hinala na papasok sa isang storage room. Teka bawal pumasok diyan kahit sino tanging mga ang C.E.O., president at vice president ng kumpanya ang maaaring pumasok. Sinundan ko muna ang mga babae at pinaliban ang pagkuha ko ng kape. Mali ang ginagawa niya kaya kailangan ko siyang pigilan. Napansin niya ata ako kaya mas nagmadali siya sa paglalakad hanggang sa nakapasok na kami na ako sa isa sa pinagbabawal ng kumpanya na pumasok.

Kailangan ko mahabol ang babae kaso ang bilis niya kaya hiningal na rin ako sa paghabol sa kanya hanggang sa di ko na siya makita pa. Kaya napag-isipan ko na lang lumabas na ng storage room nang may nakita akong tao ulit dito at binuksan niya ang ilaw at bumungad sa akin ang mukha ni Chelsea.

"What are you doing here?" bungad na tanong niya habang ako naman ay napalunok ng laway pagkakita niya sa akin. Ngumisi pa siya nang nakakaloko. "Leander will not informed you about this? O baka may gusto kang makuha ng mga files dito para ibigay ang sinumang nag-utos sayo, Im right?"

"Ano bang pinagsasabi niya? Saka wala naman nag-utos sa akin na pumunta rito at di dahil dooon sa babaing pumasok dito kanina."

"May nagtankang pumasok dito kaya sinundan ko."

"Liar. Eh ikaw lang naman nakita kong pumasok dito eh. Mabuti ka sumama ka na sa akin. Ihahatid na kita kay Leander para sabihin sa kanya na nagkamali siya ng ipinagkatiwalaan."

Kinaladkad niya ako palabas ng storage room hanggang sa makabalik na kami ng opisina at nadatnan ko na rin si Sir Leander na abala siya sa pagtitipa ng computer. Napalingon na lang siya sa amin nang unang magsalita na itong si Chelsea.

"Bitawan mo siya!" galit na tugon nito sa babaing hawak-hawak pa rin ang kaliwang braso ko.

"Nakita ko siya sa isang storage room may kung anong kinakalikot na mga files at mabuti na lang nagpunta ako doon kundi matik na tayo, Leander."

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot pero pilit ko itong labanan para i-defend ang side ko na hindi totoo ang sinasabi niya.

Napatitig sa akin si Sir Leander at pinag-aaralan niya ang kabuuan ko.

"Hindi ko magagawa yan!" tarantang paliwanag ko. May nakita akong babaing mismo pumasok ng storage room habang ako naman naglalakad patungo sa isang coffee machine para uminom inaantok kasi ako."

"Huwag ka maniniwala sa sinasabi niya Leander niloloko ka lang niya. Pinapaikot ka lang ng babaing ito para maisakatuparan ang plano niya at makuha ang impormasyon mula sayo pati ng kumpanya." pagsisinungaling ni Chelsea pa kaya hindi na maiwasanang pagtulo na ng aking luha.

"Hindi totoo yan. Gumagawa ka lang ng kwento."  depensa ko pa hanggang sa may pumasok na rin si Cedric na nakangisi na rin sa akin.

Npatitig ako muli kay Sir Leander at napansin ko ang pagkuyom niya ng kamao kaya mas lalo akong kinabahan at namamanhid na rin ang mga binti ko sa sobrang kaba.

"Lean maniwala ka. Hindi ko magagawa yon". pilit ko pang dinepensa muli ang sarili baka sakaling panigan niya pa rin ako.

"Pwede ba huwag ka na magsinungaling? Nahuli ka na nga ni Chelsea nagawa mo pang mag-alibi. Napakahusay mo talagang umakting na babae ka." biglang singit ni Cedric sa eksena.

Napailing-iling na lang ako sa kanila at kay Sir Leander tumigil ang pagtitig ko. Gusto ko patunayan sa kanya na inosente ako.

"Ipapatawad na ba natin ang sekyu para palayasin na ang babaing ito?" giit pang tanong ni Chelsea.

"Mabuti pa nga." pagsang-ayon naman sa kanya ni Cedric.

"Please stop doing non sense things, Chelsea". nagagalaiting saad ni Sir Leander.

"What? Dont tell me kinakampihan mo pa rin ang babae na ito kahit may nagawa siyang kasalanan?" nagtatakang tanong ni Chelsea nang patigilin ni Sir Leander si Cedric para lumabas ng opisina niya.

"Leander hindi siya si Marinela, hindi siya ang childhood bestfriend namin. Huwag kang mabulag sa kanya, please naman oh. Niloloko ka lang niya at ipinaikot sa kanyang palad para maisakatuparan lahat niyang mga plano."  singit naman muli ni Cedric habang inis na inis na siyang nakatitig sa akin.

Siguro ito na ang tamang panahon para umalis na dahil wala namang magandang mangyayari pagkatapos nito at masisira lamang ang image ko sa kanila. Alam kong mas papanigan sila ni Sir Leander na kahit ako yung mukhang dehado.

"Aalis na ako. Sana matuwa na kayo at ipagcelebrate niyo pa." aking saad na kasabay ng may malamig na titig saka ko na minadaling hinablot ang bag at nagmadaling lumabas ng office ni Sir Leander.

Walang tigil ang aking hikbi habang naglalakad patungong elevator. Hinayaan ko lamang siya tumulo hanggang sa nakapasok na ako sa loob nang may biglang iniharap ako at niyakap nang napakahigpit.

"Please, dont leave. Please. Im begging you, Miss Faith." sabi ni Leander habang nakayakap pa rin siya sa akin. "Please don't do this to me. I'm believing you so please stay.

Ramdam ko ang pamamasa ng aking balikat dahil sa walang tigil na pag-iyak niya. Nakaramdam ako ng guilty sa ginawa kong pagwalk-out dahil hindi ko na kaya ang pinagsasabi sa akin ng dalawang yon. Sobrang sakit lang na pinagbintangan nila ako sa isang bagay na hindi ko intensyon na gawin.

Pinaharap ko siya sa akin mula sa pagkakayakap. "Siguro ito na ang tamang gawin ko para tigilan na nila ako, Leander." kasabay pagtulo muli ng aking luha pero agad ko iyong pinahiran ng aking hinlalaki.

"No. Hindi ako papayag na aalis ka. Just let me fix those things and you will gonna be ok. Hindi na ako papayag na mawala ka pa sa tabi ko, Miss Faith. I have realized everyday that I love you more than before." sabi niya pa habang pinupunasan niya ang mga luhang tumutulo pa rin sa aking mga mata. "Ikaw yung nagpapasaya sa akin at nagpapangiti kaya hindi kita hahayaan na umalis ka rito. Ganoon kita kamahal, Miss Faith that I'll do everything just to prove what I've felt for you. Huwag na huwag kang aalis at sila ang bibigyan kong punishment sa ginawa nilang pagset up sayo."

Pero magsasalita na pa sana ako nang bigla niya akong halikan sa noo na aking kinagulat.

Mga ilang sandali pa hinawakan niya muli ako sa braso at naglakad muli pabalik ng opisina at nakita ko ulit ang dalawa, gulat na gulat.

"I will give you a fourteen days suspension dahil sa ginawa niyong pagset up sa kanya. I will call now the HR manager para asikasuhin na ang suspensyon niyong dalawa." naiinis na sabi ni Sir Leander habang hawak na niya ang telelopno para tawagin ang sa HR.

Inirapan lang ako ni Chelsea habang napahilamos naman ng mukha si Cedric dahil hindi naging successful ang kanilang plano, isa-isa na sila inis na lumabas ng opisina at naiwan naman akong relax habang nakaupo sa sofa.

"Everything will be alright, Miss Faith. Nagfile na akong suspension sa kanilang dalawa dahil sa ginawa nila sayo." sabi ni Leander habang naglalakad siyang palapit sa akin. "Alam kong wala kang kasalanan at nababasa ko iyon sa kilos at pananalita mo Miss Faith at higit sa lahat may tiwala ako sayo na hindi mo magagawa yon.

Pagkatapos bigla na lang siya ako niyakap ulit nang napakahigpit at gumanti rin ako upang i-release na rin ang aking nararamdaman dahil sa ginawa sa akin ni Chelsea at Cedric kanina. Nararamdaman ko habang nakayakap kami sa isat isa feeling ko para akong parating safe at protected sa mga yakap ng kanyang bisig.