Third Person's Point of View
Kasalukuyang nag-uusap sina Caroline at Cedric at nagulat na lamang sila nang marinig na may nagsalita, wala ng iba kundi si Leander. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa gulat nang makita ang presensya ni Mr. Rojero.
"Totoo bang dinig ko na magre-resign ka na sa trabaho, Miss Faith?" Nalulungkot na may pagsisi sa mukha ni Leander. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit napilitan na lang ang babaeng pinakamamahal niya na umalis na lang ito.
Agad namang lumapit sa kanya si Caroline at hinarap siya. "Kani---na ka pa?" Nauutal na tanong ng dalaga dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin sapagkat mabigat sa loob niya ang planong pagre-resign bilang isang personal assistant ni Leander.
"Please, huwag ka umalis." Bigla na lang niyakap ni Leander si Caroline nang mahigpit dahil sa matindi niyang pagsisi sa kanyang naging asal sa dalaga.
Hinawakan nito ang braso ng binata at humiwalay ito ng dahan-dahan sa kanya habang pinagmamasdan naman sila ni Cedric na palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Napansin nga iyon agad ni Caroline kaya naman dali niyang hinila si Leander papasok ng opisina upang doon pag-usapan ang lahat.
"Hindi ka na aalis di ba?" Sambit pa muli ni Leander na parang isang batang ayaw iwanan siya ng kanyang ina. "Hindi ka aalis?" Pag-uulit pa nito. "Hindi ako makakapayag na umalis ka rito, Miss Faith at iiwanan mo ako. Kung anuman ang nangyaring misunderstanding sa ating dalawa, pwede naman natin pag-usapan pa."
Tumatangu-tango lamang si Caroline bilang pagsang-ayon sa sinabi ng binata sa kanya. Ayaw naman niya talaga umalis kung tutuuisin subalit hindi na niya kinaya sa ganoong sitwasyon nila ni Leander, masyado siyang nalulungkot.
"I am sorry to be a irrational, Miss Faith. I am sorry if I get affected because of my feelings for you." Paghihingi ng tawad ni Leander habang nakapatong ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang balikat ni Caroline. "I am apologized because I got jealous when I saw the pictures with your childhood best friend on Facebook." Patuloy na pagpapaliwanag ng binata habang ang dalaga naman ay nanatili lamang nakikinig sa kanya.
"I am sorry, too….." Hindi natuloy ang sasabihin ng dalaga nang magsalita ulit sil Leander.
"You don't have to say sorry. It's my fault not yours." sabi pa nito at muling niyakap ang dalaga nang napakahigpit.
"Kasalanan ko rin eh dapat hindi ko na lang hinayaang i-post ang mga litrato na 'yon sa Facebook." Paliwanag din ni Caroline pero sobrang na-guilty siya sa mga larawan na 'yon kaya pinili na lang din niya sana na mag-resign sa trabaho kahit mabigat sa loob niya.
Sa totoo lang ayaw niyang iwanan ang binata sa ganoong sistema nila at balak niyang magkausap muna sila nito bago umalis pero sa ngayong eksena nila parang binabawi na niya ang lahat.
"Hindi mo kasalanan, Miss Faith. Kasalanan ko 'to kaya hayaan mo muna akong makapagpaliwanag sayo." Dagdag pa nito dahilan para mapayuko ang ulo ng dalaga dahil nahihiya pa rin siya kahit may pagkakamali naman din si Caroline subalit giniit ni Leander na ito ang may mali sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa'y hindi napigilan pa ni Caroline ang pagtulo ng kanyang luha kaya kaagad namang pinahira niya ito gamit ang kamay ngunit pinaharap siya ng binata at ito naman ang nagpahid sa luha niya.
"Don't cry, my lady. We will be alright at this time and you can't resign to your job." Sabi pa muli ni Leander na may otoridad sa kanyang tinig habang pinatatahan ang dalaga.
Mga ilang sandali pa ay nagulat ang dalaga nang halikan siya ng binata sa noo nang napakadiin habang kanyang puso ay nagrarambulan sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
Bigla na lang siyang hinila ng binata palabas ng office na kanya namang ipinagtaka. "Saan naman tayo pupunta? Di pa tapos ang office hour, Ginoo." Sambit ni Caroline habang naglalakad sila papuntang parking lot.
"Basta malalaman mo rin. Don't ask too many questions na." sagot nito habang nakahawak pa rin ang kamay sa kanyang braso. 'Ang sungit naman!', sambit ng dalaga sa kanyang isip at nanahimik na lang din siya pagkatapos.