Chereads / Marinela's Doppelganger / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15

Third Person's POV

Napansin ni Caroline na wala si Sir Leander na ikinapagtaka niya. Nahihiya siyang magtanong at mabuti na lang naisabi sa kanya ng ina nito na nasa mini office ang binata. Pinuntahan niya kaagad ito at mabilis siyang niyakap ng binata.

"Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na pala. Eh di sana sinundo na lang kita." sabi nito hanggang sa bumitaw  na siya ng pagkakayakap sa dalaga. "How's your vacation?" saka na muli na itong umupo at inaasikaso muli ang mga dokumento.

Umupo saglit si Caroline bago muling magsalita. "Na-enjoy ko yung vacation lalo na hindi ko inaasahan na susurpresahan ako nila pag-uwi lalo ng best friend ko."

"I see mukhang nag-enjoy ka nga." Kawala-walang interesadong tugon ng binata sa kanya na ikinapagtaka niya dahilan para mawala ang ngiti ni Caroline sa mga labi. "How sweet is your best friend." dagdag pa nito.

Hindi maiintindihan ng dalaga ang gustong sabihin ng binata sa kanya hanggang pumasok sa isip yung mga pictures na pinost nila sa facebook at instagram. Natitiyak siyang nakita nga iyon ng binata kaya hindi ito kumikibo katulad ng dati kapag nag-uusap sila. Sobrang nanibago ang dalaga sa pinapakita sa kanya ngayon ng binata.

Nahihiya siya komprontahin ito kaya mas pinili na lang muna niya umalis at makapagpahinga muna. "Aakyat na muna ako sa kwarto ko." saka na hinakbang ng kanyang mga paa palabas ng opisina.

Sa totoo lang, nakaramdam ng lungkot ang dalaga sa naging reaksyon at trato ng binata sa kanya dahilan upang napahinga ulit siya nang malalim.

Ngayon pa lang nagseselos na siya kay Tristan, paano pa kaya kapag nalaman niyang matagal na akong may gusto sa childhood best friend ko? Mawawala na rin ang pagkakaibigan namin at hahayaan na rin niya ba ako?

Iyan ang tumatakbo sa isip ng dalaga habang humahakbang na siya papalapit sa kanyang kwarto. Para tuloy siyang naghina sa kanyang naisip na possibility na mangyayari kaya muli nanaman siya napabuntong-hininga hanggang sa makapasok na kanyang silid upang makapagpahinga na rin.

Hindi maiwasan makaramdam ng selos si Leander matapos makita niya ang mga nakuhang litrato ni Caroline kasama ang kababatang kaibigan nitong si Tristan. Alam niya sa sarili wala siyang karapatang magselos, dahil wala naman silang relasyon pero hindi mapigilan ang masaktan nang makita iyon. Halos naghahalu-halo ang kanyang emosyon sa nakita subalit pinilit niyang maging kalmado pa rin. Mas ikinasasakit niya ng damdamin nang makitang sobrang saya ng dalaga sa larawan na hindi pa niya nakikita kailanman rito kahit nagkakasama sila at nagkakausap. Sa ganoong eksena para siyang nawalan ng gana pero nanatili pa rin ang pag-ibig niya sa dalaga. Sobrang mahal niya ito pero handa naman siya magparaya kundi man siya ang laman ng puso ni Caroline. 'Love is not selfish'.

Sa ngayon, gusto na muna niya iwasan makipag-usap nang masinsinan sa dalaga para makapag-isip.

"Heto na po pala kape, mo." saad ni Caroline na may pilit na ngiti sa labi dahil ramdam niyang hindi sila ok ni Leander. Napansin nga rin ito ng mga parents pero sinabi niya lang na may problema lamang iniisip ang binata.

"Thank you…" Tipid na reply ni Leander kay Caroline at pagkatapos nag-focus ulit sila sa kanilang mga ginagawa.

Hindi sanay si Caroline sa ganitong sitwasyon nila ng binata kaya hindi niya maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Kaya kagabi late na siyang makatulog kakaisip sa kanilang tension ngayon, iniisip niyang parang may kasalanan siya kung bakit naging ganito ang pakikitungo sa kanya ni Leander at iniisip niya rin tuloy kung mag-quit na lang din siya sa trabaho pero nagbago pa rin ang isip niya at inalala ang pangako na binitiwan sa parents nito na hindi iiwanan ang binata. Sa sobrang lalim na kanyang isip, napag-isipan na muna niyang lumabas saglit ng opisina upang i-relax lang sarili sandali.

Pagkagaling niya ng C.R. tumungo siya isang coffee machine at hindi inaasahan na makikita pa niya ang lalaking sobrang intimidate sa kanya. Wala ng iba kundi si Cedric na nakangisi rin ito habang naglalakad patungo sa kanyang pwesto.

Mabilis siyang kumuha ng kape at humakbang palayo nang biglang nagsalita itong si Cedric dahilan para tumigil siya saglit.

"Bilib talaga ako sayo." Pumalakpak pa ito na may kasamang pang-iinis subalit hindi nagpapatinag si Caroline. "Nang dahil sayo naging iba na pakikitungo sa amin ni Leander."

Nanghahamon nanaman ba ang lalaking ito?

Bulong na lang ng dalaga sa sarili.

Hindi pa ba sila nagsasawa? Kahit anong gawin nila hindi na sila papaniwalaan ni Sir leander dahil sa ginawa nilang paninira sa akin.

Dagdag pa ni Caroline at wala na siyang balak pang patulan si Cedric kaya sinubukan na rin niyang ihakbang ang sariling mga paa palayo sa isang ito.

"Ooopss, hindi pa ako tapos. Ano ba kasi pinakain mo sa kanya kung bakit....." Hindi napinakinggan pa ni Caroline ang sunod na sasabihin at dumiretso na lang ulit sa office.

Mga ganoong klaseng tao ay hindi na dapat pang ini-entertain dahil mas lalo lang ito gaganahan kapag pinatulan pa. Subalit sa sumunod pang araw, patuloy pa rin siya nitong ginugulo pero mas pinili na lang din niya hindi magpaapekto.

"Ikaw nanaman?" Sabay irap na lang ni Caroline bilang reaksyon nang makita muli si Cedric sa coffee machine. "Sinusundan mo ba ako?"

Napahagikhik ang binata sa kanya bago sinimsim ang mainit na kape. "Sino ka para sundin kita? Hindi ikaw ang klaseng babaeng gusto ko….baka nagkataon lang na magkita tayo dito." Paliwanag pa nito na may nakakainis na reaksyon na tila diring-diring sa dalaga.

Hindi ako magkakagusto sa babaeng tulad mo at mataas ang standards ko sa isang girl. Walang ibang babae na makakapantay pa kay Marinela, napakaganda, napakatalino at napakabait na kaibigang nakilala ko. Kaya na lang ganito kung mahulog ang loob ko sa kanya.

Pahayag ni Cedric sa kanyang isip. Minahal naman niya talaga ang dalaga pero sa tagal na rin ng panahon unti na rin siya nakakalimot rito at tanging alaala ng kanilang pagkakaibigan ang nanatili sa kanyang puso.

"Excuse me? Wala rin akong sinabing na gusto mo ako saka ikaw lang naman ang may sabi." napa-smirk na lang ulit sa kanya si Caroline kasabay ng pagkuha ng dalawa cups na kape.

Tinarayan niya ang binata saka ito muling tinalikuran upang makabalik na ng opisina.

Asyumero talaga ang lalaking 'yon at akala mo kung sinong gwapo. Feeling niya siya ang may-ari talaga nitong kumpanya eh isa rin naman siyang empleyado dito na pinasusuwelduhan, tzk.

"Where have you been?" Nag-aaligagang tanong ni Leander sa dalaga.

"Heto kumuha ng kape para pampagising lang din." Nakangiting tugon ng dalaga kahit pilit lamang 'yon lalo pa na hindi pa sila ok ng binata. Tumatangu-tango lang ang binata bilang tugon saka muli bumaling sa ginagawa nito.

Bahagya nanamang nakaramdam ng lungkot si Caroline sa ganitong treatment sa kanya ni Leander. Feeling niya parang hindi na kakayanin pa ang ganitong sistema kaya biglang pumasok na lang ulit sa isip niya ang pagbitiw sa trabaho. Napabuntong-hininga nanaman siya habang iniisip pa rin iyong bilin sa kanya ni Mr. at Mrs. Rojero tungkol sa kanilang anak.

Kaya mo 'yan Caroline. Huwag kang susuko, labanan mo. Aalahanin mo ikaw yung taong hindi bumabali ng isang pangako, kundi ikaw yung babaeng may sariling paninindigan.

Sambit na lang ni Caroline sa kanyang isip bago muling magconcentrate sa kanyang ginagawa.

Lumipas na mga ilang araw, wala pa ring nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Leander at ikinapagtataka na rin ng parents nito subalit hindi na nag-atubili pang muli para tanungin siya.

Aaminin niya sa kanyang sarili na sobrang na-mimiss na niya ang dating Leander, yung ngumingiti sa kanya kapag kausap siya at yung bawat oras na pag-aalala nito sa kanya. Minsan hindi na niya naiintindihan ang sarili kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman? Dahil ba sa friendship na mayroon sila.

Napag-isipan na muna niyang tumungo sa C.R para i-comfort ang sarili. Hindi niya kasi kaya umakto ng ganito sa harap mismo ng binata at baka pagalitan pa siya.

Nang napatitig siya sa salamin bigla na lang tumulo ang kanyang luha sa gilid ng mata pero kaagad niya itong pinunasan ng tissue. Hanggang ngayon hindi pa rin siya kinakausap katulad ng dati ni Leander buhat ng makita nito ang mga pictures nila ni Tristan na masaya. Hindi niya akalain na ganito pala magselos ang binata.

Maya-maya lumabas na rin siya galing C.R at nakasalubong nanaman niya si Cedric na ikinakunot ng kanyang mukha.

"Oh andito ka rin pala. Bakit lagi na lang ba tayo nagkukrus ang landas natin?" Nagmamaangan na sambit nito kaya hindi na magawang paniwalan pa ni Caroline.

"Ang totoo siguro sinusundan mo talaga ako para talagang may makukuha kang ebidensya sa akin. Pwede ba tama na 'yang mga ginagawa niyo? Hindi na nakakatuwa..." Giit ni Caroline kay Cedric kasabay nanaman ng pagtulo muli ng luha nito at napansin ito ng binata. Natigilan si Cedric matapos niyang makita na lumuha si Caroline, imbes magawa pa niyang inisin pa ang dalaga, isinantabi na lang niya.

Naglakad na lang ng palayo ang dalaga pagkatapos sabihin 'yon at halos hindi napakurap ng mga mata si Cedric. Bigla siyang nakaramdam ng awa at guilty sa planong ginagawa nila ni Chelsea. Bigla na lang siya nakaramdam ng pagkaawa ng makita ang dalaga sa ganoong sistema, parang nakikita niya kasi si Marinela sa dalaga kung paano ito ngayon kaseryoso nitong mga nakaraang araw.

Napansin ni Leander na wala si Caroline sa pwesto nito kaya hindi niya maiwasan ang mag-alala pa rin sa kabila ng pag-iwas niya rito. Sa tingin niya baka nagCR lang ito o kumuha ng kape.

"Kamusta ang naging plano?" Tanong ni Chelsea kay Cedric sa kanilang opisina.

"Siguro kailangan na nating itigil itong ginagawa natin dahil sa huli wala namang mangyayari." Paliwanag ni Cedric habang sumimsim siya ng kape.

Bigla na lang nagbago ang kanyang isip nang makitang lumuha ang dalaga. Nakaramdam siya ng awa pagkatapos at na-realize niyang hindi na dapat pang ituloy ang naging plano nila.

Nagtaka si Chelsea sa biglaang pag-atras ng binata sa kanilang plano.

"Why? Don't tell me...."

"No. It is not what you think, Chelsea. Ayaw ko na talagang ituloy itong plano natin. Remember, nasuspend pa tayo dahil doon? Ayaw ko na..." Huminga ng malalim si Cedric saka sumandig sa inuupuan nitong malambot na sofa.

"Sa palagay mo maniniwala ako? At sa palagay mo ganun na lang tayo titigil matapos taimtim nating ipinalano ito nang matagal para mapaalis ang babaing 'yon?" Giit nito sa kanya subalit buo na ang desisyon ni Cedric na magki-quit na siya kanilang gagawin.

"Can you please stop this now, Chelsea? Itigil na natin ito. Hayaan na natin siya. Gusto ko ng tahimik at ayaw ko ng gumawa pa ulit ng gulo at masira ang reputasyon ko dito sa kumpanya." Seryosong paliwanag ni Cedric subalit nagulat siya naging reaksyon ng dalaga.

"Fine. Kung ayaw mo, ako na lang mag-isa." Siguradong saad ni Chelsea sa  kanya.

"Itigil mo na ito, Chelsea baka ako na mismo magreport kay Leander ng mga pinaplano mo?"

"Oh come on, Ric." Napangisi si Chelsea. "What do you suppose me to do uh? Hayaan lang siyang bilugin ng tuluyan ang ulo ni Leander?"

"Wala kang gagawin. Let's stop this now."

Napahalakhak si Chelsea. "Sa palagay mo papayag ako? No. Kung ayaw mo ako na lang di ba just to make lost that woman in our sight."

"Talaga lang ba? Naiinis ka sa kanya dahil baka lasunin ang isip ni Leander o baka namang naiinis ka sa kanya dahil nakikita mo sa kanya si Marinela."

Muli nanamang napangisi ang dalaga. "What are you saying? Naka-drugs ka ba Ric? Hindi mo alam yang sinasabi mo..."

"True. You see her your best friend. Nakikita mo sa kanya yung best friend mo na kiniinggitan mo noon....hindi mo matanggap na siya yung nagustuhan ko at hindi ikaw!"

"No. Impossible yang mga sinasabi mo. Napakalayo ng babae na 'yon kay Marinela."

"I don't need to explain this further to you. Basta itigil mo na lang yang gagawin mo."

Pagkatapos nilisan na rin ni Cedric si Chelsea pagkatapos ng kanilang pagtatalo.

Sigurado na siyang ititigil na niya ang pangungulo sa dalaga. Lalo ng makita niya itong lumuha at malungkot ang mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam na lang siya ng awa sa babaing iyon samantalang noon pa man ay mainit talaga ang dugo niya sa dalaga.

Tama naman ang naging desisyon na lalo pa't ayaw niyang masira ang reputasyon sa kumpanya at mawalan ng trabaho. Ang tanging gawin na lamang niya ang mag-focus sa kanyang ginagawa at pigilan si Chelsea sa plano nito.

Dalawang linggo ng lumipas, hindi pa rin nagkakausap katulad ng dati sina Caroline at Leander. Halos hindi na kaya ng dalaga ang tension nilang dalawa kaya napagdesisyon na rin niyang gumawa ng resignation letter.

Sigurado kailangan na muna niyang magpakalayo at umiwas kay Leander. Hindi na kasi niyang tiisin na ganito pa rin sila.

Pagkatapos niyang gawin ang resignation letter, lumabas muna siya ng opisina para kumuha ng coffee. Nakakarelax kasi iyon para sa kanya.

Sa kanyang paglalakad, muli nanaman sila nagkita ni Cedric. Bigla na lang siyang nginitian nito na ikinagulat niya pero hindi niya ito pinansin at kumuha na lang ng kape at paunti-unting ininom ito.

Lumipas ang ilang minuto, walang isa sa kanila ang nais magsalita. Muling lumipas pa ang isang minuto, si Cedric na ang nagsalita.

"I am sorry nga pala...sa mga ginawa namin sayo last time." Bungad nito habang sumisimsim din ng kape.

Hindi siya pinansin ni Caroline dahil kunwari walang siyang napansin na tao.

"I am sorry sa lahat, Miss. Hindi na mauulit pa ang nangyari..." Muling saad pa ng binata at nagulat naman siya sa naging sagot sa kanya ni Caroline.

"Magre-resign na ako bilang personal assistant ni Sir Leander. Happy?" Sarkastikong tugon nito subalit nakaramdam si Cedric ng pagkainis sa sarili ng sabihin iyon ng dalaga.

Ito naman ang gusto mo Ric di ba? Dapat masaya ka na.

Bulong ng isip ni Cedric dahilan para humarap siya babae pero napansin na lang niya na nasa harap na pala nila si Leander na malungkot ang expression ng mukha nito na nakatitig kay Caroline.

"Is that true? Magre-resign ka na Miss Faith?" Mas lalo pang bahagyang lumungkot ang itsura nito na hindi inaalis ang paningin kay Caroline.