ANDY
Alas-sais pa lang ng umaga ngayon ay nandito na agad ako sa tapat ng bahay nila Kate. May binabalak kasi ako at sana ay magustuhan niya. Nagdoorbell na ako at mayamaya ay lumabas na si manang Nora at pinagbuksan ako.
"Good morning manang. Gising na po ba si Kate?" masayang bati ko kay manang.
"Ay nako hija, masarap pa ang tulog ng alaga ko. Pagod na pagod pagkauwi eh, di na tuloy nakakain ng hapunan. Ano bang sadya mo ngayon at napaaga ka? Duda na talaga ako sayo ha," nanunuksong sabi naman nito sa akin.
"Ay gano'n po ba manang, hihintayin ko na lang po siyang magising. Wala naman po manang, gusto ko lang pong bumawi kay Kate. Ayaw ko po kasing nagkakaroon kami ng di pagkakaunawaan," paliwanag ko at napakamot na lang sa aking batok.
"Bakit hija, may nangyari ba sa inyo? Alam mo 'yang alaga kong si Kate, kahit may pagkamaldita at pagkasungit eh sweet naman. Minsan nga ay may pumupuntang mga manliligaw niya pero ako ang pinapalabas dahil ayaw niya. Kaya bilib din ako sa'yo dahil napagtyatyagaan mo ang kanyang ugali," tila natutuwa pang kwento sa akin ni manang.
Hay nako manang, kung alam niyo lang ang sinasapit ko sa tuwing magkasama kami ni Kate. Talagang bibilib ka manang sa pagpipigil ko.
"Ay nako manang, sanay na ako sa ugali ni Kate kaya okay lang po sa akin. Paano po 'yan, pupuntahan ko po muna siya sa kanyang kwarto," paalam ko kay manang at umalis na.
Hindi na ako nag-abalang kumatok pa baka magising siya, masigawan pa ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at maingat na pumasok. Himbing na himbing nga siya sa kanyang tulog.
Tumabi na ako sa kanya at pinagmamasdan ang kanyang mukha.
Kate has an angelic face but behind that face is a devil in disguise.
Hindi ko namalayan na napalapit na pala ang mukha ko sa mukha niya habang hinahaplos ito. Bigla itong gumalaw kaya napasubsob ako sa leeg niya at narinig ko pa ang mahinang pag-ungol niya.
"Hmm, Andy?" she moaned in her bedroom voice.
You really are beautiful Kate. That's why I'm always drawn into you.
"Good morning Kate, gising na. Aalis tayo," malambing kong bati sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"Where are we going Andy?" tanong nito habang kinukusot pa ang mata.
"Basta. Magready ka na, hihintayin na lang kita sa baba," at nginitian ko siya at akmang aalis na ako nang bigla niya akong hilahin at mapaibabaw sa kanya.
"Five more minutes Andy," pabulong nitong sabi at niyakap ako nang napakahigpit. Wala na akong nagawa kung di yumakap din sa kanya at pumikit.
Naramdaman ko na lang na pinipisil niya ang aking pwet kaya napapakapit ako sa kanya at mas naididikit ko ang aking katawan. Naririnig ko naman ang mahina niyang ungol.
Bwisit talagang babae 'to. Ang aga-aga kamanyakan na naman ang inaatupag.
"Andy, busog na ako. Mamaya na lang natin ituloy," nakangising sabi nito sa akin at mabilis na tumayo habang buhat-buhat ako.
"Kate, ibaba mo nga ako! Hindi ako bata, dali na, ibaba mo na ako," nagpupumiglas kong sabi kay Kate pero dinedma lang ako.
Bumaba na kami at pumunta na sa living room.
"Oh good morning Kate, magbr--" hindi na natapos ni manang ang sasabihin dahil gulat na gulat ito nang makita kami. Kahit ako ay biglang nahiya.
Ngumiti ito ng nakakaloko sa amin at dali-daling pumunta sa kitchen. Itong isa naman ay tuwang-tuwa pa. At dahil demonyita si Kate, bigla niya akong ibinagsak sa couch na parang unan. Narinig ko na lang na humalakhak ito.
Inayos ko na ang aking sarili at hinintay si Kate. Makalipas ang isang oras ay nakabihis na ito. Natulala ako dahil sa itsura niya ngayon. Ang sexy niya sa suot niyang dress na talagang halata ang magandang kurba ng kanyang katawan.
Di na ako nagdalawang-isip pa at inalalayan na siya at umalis na kami. Sasakyan pa rin niya ang gamit namin dahil 'yon ang gusto niya. Mas mabuti pa raw na wala akong sasakyan dahil baka kung sino-sino raw ang isakay ko.
"Andy, saan ba tayo pupunta ngayon?" tanong nito sa akin habang hinihimas ang hita ko habang ako'y nagdadrive.
"Malalaman mo na lang kapag nakarating na tayo," nakangiti kong sagot sa kanya. Inirapan lang naman ako nito sabay kurot sa aking tagiliran.
Medyo matagal ang aming biyahe dahil medyo malayo ang lugar na aming pupuntahan. Itong kasama ko naman ay nakatulog na. Mabuti na lang at nakatulog siya at tahimik ang aking buhay.
"Kate, wake up. Nandito na tayo," panggigising ko sa kanya nang makarating kami.
Kinusot-kusot muna nito ang mata. "Andy, where are we?"
"We're at Torregozon Forest," sagot ko kay Kate at nagdrive na ulit ako papasok nang automatic na magbukas ang gate.
Hindi na ito nagsalita pa at napansin kong manghang-mangha si Kate sa kanyang nakikita kaya binagalan ko ang pagdadrive.
Curved driveway ang tinatahak namin samantalang ang gilid nito ay napapaligiran ng mga puno at bulaklak.
The driveway has a lighting also which is visible only at night to illuminate the pathway.
Ilang saglit pa ay nakapasok na kami sa loob at ipinark ko na ang sasakyan. Bumaba na ako pero si Kate ay nasa loob pa rin at nagtatakang nakatingin sa akin.
"Andy, nasaan ba talaga tayo? I don't see any houses here, only trees. Seriously, what are we doing here?" medyo naiinis pero may bahid ng takot na tanong nito sa akin.
"C'mon Kate, come here. We better get going. Save your questions for later, okay? Nothing bad will happen to us and as long as you're with me, you are safe," pag-aassure ko sa kanya. Ngumiti na ito at sumunod na sa akin.
"Andy, para saan 'yang bike? Magbabike tayo?" tanong na naman niya sa akin nang sumakay na ako sa isang Japanese bike.
"Oo Kate, halika na. Umangkas ka na dito sa likod. Ipangtakip mo itong shawl sa legs mo dahil nakadress ka."
Nagsimula na akong magpedal. "Kate, kumapit ka sa bewang ko baka mahulog ka."
Agad naman itong yumakap nang mahigpit sa bewang ko. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras kaya mas ginanahan akong magpedal.
Sana lagi tayong ganito Kate. Sa mga simpleng paghawak mo sa akin, wala ng paglagyan ang kasiyahan ko.
Buti na lang at hindi baku-bako ang daan dahil ginawa ng curve concrete pathway at may mga damo at puno sa paligid.
Ilang saglit pa ay natatanaw ko na ang labyrinth at kasabay ng masarap na paghampas sa akin ng hangin ay siyang pagbaon ng mukha ni Kate sa likod ko. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kiliti buhat dito.
"Sobrang ganda naman dito Andy! I didn't expect na may ganito pa lang lugar," masayang sabi nito habang nililibot ang paningin sa front yard kung saan may labyrinth at may fountain ito sa gitna nang huminto na kami at makarating dito.
"Welcome to the Manoir Paradis, Kate," at ngumiti ako ng malapad. Inayos ko na ang bike at niyaya na siya sa mansion.
Umakyat na kami sa front staircase papunta sa front door ng mansion. Sinalubong naman kami ng mag-asawang si manang Mila at manong Ben, ang caretaker ng mansion.
"Good morning po Señorita Andrew," sabay nilang bati sa akin at nagbow. "Good morning din po Señorita Kate."
"Good morning din po sa inyo manang Mila at manong Ben. Drew na lang po, di po ako sanay na tinatawag na señorita."
Niyaya na nila kaming pumasok sa loob at umalis saglit para kumuha ng meryenda. Si Kate naman ay tahimik lang at nakatingin lang sa loob ng mansion.
"Do you like it Kate?" pukaw ko sa kanya.
"No. I love this place already Andy. Can we stay here for a little bit longer?"
"Buti naman at nagustuhan mo rito. I'm afraid we can't stay here any longer dahil marami pa tayong pupuntahan."
Sakto namang dumating na rin si manang Mila. Sinabihan naman ako ni manang na puntahan si manong Ben sa taas kaya nagpaalam muna ako.
"Andrew, hija, halika rito," tawag sa akin ni manong Ben at niyakap ako nang mahigpit ng makalapit ako. "Ang laki-laki mo na talaga. Mukhang natagpuan mo na siya. Es guapa. Ito ang susi at ready na ang lahat. Enjoy your stay hija."
"Maraming salamat po manong Ben. Opo, natagpuan ko na siya pero pinagdadasal ko pa rin po na sana siya na nga talaga," tugon ko rito.
Paalis na sana ako nang bigla ulit akong tawagin nito at iniabot ang isang maliit na box. "To claim her heart."
Kinikilig akong bumaba at niyaya na si Kate na aalis na kami. Narinig pa namin si manang na nagsabing mag-iingat kami.
Sumakay na kami sa aking Koenigsegg Gemera. Saglit lang ay nakarating na kami at pinagbuksan ko ng pinto si Kate at inalalayang makalabas.
Kinuha ko ang aking panyo at blinindfold kay Kate. Hinawakan ko na ang kanyang kamay at naglakad na papunta sa ilalim ng isang puno kung saan may nakaset-up na picnic blanket at basket. May dalawang heart-shaped na unan at may mga petals ng rose ang nakaspread sa blanket at may wine bottle at glass sa gitna.
"You can now take your blindfold off Kate," sabi ko sa kanya ng makalapit na kami.
"Do you li--"
"Oh Andy!" parang maluluhang sambit niya at patakbong yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik at halos buhat ko na siya ngayon.
"You never failed to make me happy Andy," sambit nito na may malapad na ngiti sa kanyang labi. Bago muna siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin ay humalik muna siya sa pisngi ko.
Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagsusubuan kami at nagpipicture.
"Andy, ang ganda naman ng view ng lake dito. Ang ganda ng ambience ng lugar."
"Nandito tayo sa Drew's Oasis. Part ito ng lakehouse na pag-aari ko."
"Pag-aari mo? You mean sa'yo ang buong property na ito?" gulat na gulat na tanong ni Kate sa akin.
"Yes, I own this entire place. Pinamana na sa akin nila Mom ang buong lugar na ito dahil wala ng magmamanage. I lied about the last part.
Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga lang kami saglit at nakatanaw lang sa lake.
"I did this para makabawi sa'yo Kate. Ayoko kasing nagagalit ka sa akin at para magkaayos na tayo" usal ko habang haplos-haplos ang buhok niya dahil nakahiga siya sa lap ko.
"You did more than what I could imagine Andy. I'm so lucky to have you," sambit nito habang nakatingin sa aking mga mata.
Di na rin kami nagtagal at niligpit na ang mga gamit at umalis na. Ipinasyal ko muna siya kung saan-saan dito at nagbonding kami.
Ang huling pinuntahan namin ay ang Paradise Point, kung saan matatagpuan ang waterfalls at pwedeng magcanoeing.
"Shall we go for a romantic ride?" tanong ko kay Kate at inilahad ang aking kamay sa kanya.
"Of course! So what are we waiting for?" at inabot na niya ang aking kamay at inalalayan ko na siyang makasakay sa canoe.
Nang makasakay na kami ay nagsimula na kaming sumagwan at ilang saglit lang ay nakarating na kami sa gitna.
Nakapwesto siya sa harapan ko at ako naman sa likod.
Saktong-sakto dahil sunset na ngayon at kaming dalawa lang dito. This is it.
"Kate, please close your eyes."
"Why Andy?"
"Please?"
"Okay. Nakapikit na ako Andy."
Unti-unti kong kinuha ang maliit na box na binigay sa akin ni manong Ben kanina. Binuksan ko ito at kinuha ang isang gold necklace na may pendant na letter T.
Isinuot ko na ito sa kanya at nang okay na ay masuyo ko siyang hinalikan sa ulo.
"You can open your eyes now Kate."
Ilang saglit pa ay nakatalikod pa rin ito sa akin kaya bigla akong kinabahan.
"Kate, ay--"
Mabilis siyang yumakap sa akin nang mahigpit at sinubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib. Naramdaman ko na lang na basa na ang aking polo shirt.
In the middle of the sunset, I showed you what I truly feel for you and I'm praying to the Heavens above that my fluttering feelings will reach your heart.