Chapter 9 - 9

ANDY

Maaga kaming umalis sa bahay nina Hazel para pumasok pero bago 'yon ay nagpasalamat muna ako sa mga magulang niya. Dahil sa kanila ako natulog kagabi, pinahiram muna ako ni Hazel ng damit pamasok.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi niya ako kinikibo simula kanina pagkagising namin. Kung sasagot man siya ay tango o iling lang.

Nang makarating kami sa university at bago pumasok ay tinawag ko muna ito at kinausap.

"Ahm Hazel, pwede ba tayong mag-usap?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.

"Nag-uusap na tayo Andrew," malamig nitong sagot sa akin.

"I'm sorry Hazel kung may nagawa man ako. Hindi mo kasi ako kinakausap. Iniiwasan mo ba ako?" nag-aalala kong sabi rito.

"No Andrew, wala kang kasalanan. Tara, pumasok na tayo," at nauna na itong lumabas ng kotse.

Pipigilan ko pa sana siya kaso mukhang galit siya sa akin. Lumabas na rin ako ng kotse at naglakad na papuntang room.

Naisip kong tawagan si Kate baka hinahanap niya ako. Hindi na rin kasi kami nakapag-usap. Nang ididial ko na ang number niya ay ayaw namang magbukas ng phone ko.

Hayst, ngayon ka pa nalowbat!

Nang makarating ako sa room ay hinanap ko agad si Luce at buti na lang ay nandoon na siya.

"Good morning Drew. Kumu--"

"Luce! Pahiram nga ng charger mo," sabay kalkal ko sa bag niya at buti na lang ay dala niya ang kanyang charger. Chinarge ko na ang aking phone.

"Teka nga Drew, ba't ba ang aga-aga eh aligaga ka diyan sa phone mo?"

"Wala naman Luce. Lowbat lang," tipid kong sagot.

"Weh? Stress na stress ka na nga oh. May problema ba?"

"Wala Luce. Tumahimik ka muna," nakukulitan kong sabi rito.

Sakto namang dumating na ang aming prof at nagpa-quiz sa amin. Nanghiram at humingi lang ako ng papel at ballpen kay Luce dahil wala akong dalang gamit.

"Drew, ano bang nangyayari sa'yo ngayon? Parang wala ka sa sarili eh. Pumasok, walang dalang gamit," baling uli sa akin ni Luce matapos ang quiz namin.

"Di kasi ako kinakausap ni Hazel tapos mukhang galit pa siya sa akin. Tapos si Kate naman, hindi ko pa nakakausap simula no'ng umattend tayo ng birthday. Baka hinahanap na rin niya ako or worse, galit din sa akin," parang maiiyak ko nang kwento kay Luce.

"Ano ba kasing nangyari Drew?" at ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

Nang matapos kong sabihin sa kanya ang lahat ay halos maiyak na ito sa katatawa at tinapik-tapik pa ako. Hindi ko tuloy mapigilang mainis dahil ang seryoso nang pagkakasabi ko.

"Oh ba't ka na nakabusangot diyan? Alam mo Drew kung bakit malamig sa'yo si Hazel? At 'yang si Kate, hayaan mo siya. Di naman niya kailangang malaman lahat ng galaw mo," komento naman niya.

"Kilala ko si Kate, alam mo naman 'yon. Dapat alam niya lahat at wala ka dapat tinatago dahil hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin kapag nagkataon. About naman kay Hazel, bakit?" curious kong tanong.

"Tsk, wala akong pakialam diyan sa bestfriend mo. Jowa mo ba siya? Hindi naman ah. Anyways, kaya malamig sa'yo si Hazel dahil nabitin siya. Alam mo naman, kaming mga babae, ayaw namin ng nabibitin or binibitin," at ngumisi pa talaga si Luce sa akin.

"Huh? Nabitin? Saan naman?" naguguluhan kong tanong.

Bigla naman niya akong binatukan nang malakas kaya muntikan na akong mahulog sa aking kinauupuan at napahiyaw.

"Kahit kailan talaga Drew, napakatanga mo. Malamang, nabitin sa intimate session niyo kagabi," sabay irap sa akin.

Ay dahil doon ba? Hindi kasi pwede 'tsaka bawal. Sa isang tao ko lang pwedeng gawin ang mga gano'ng bagay.

Hindi na ako kumibo at kinuha ko na ang cellphone kong nagch-charge. Pagkabukas ko nito ay sabog ng twenty-five missed calls at twenty messages. Lahat ay galing kay Kate.

Paktay.

Kinakabahan kong tinawagan si Kate. Patuloy lang ito sa pag-ring. Nakailang tawag na ako pero ring lang nang ring at hindi sinasagot. Sobra na akong nag-aalala.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa aking pwesto. Tiningnan naman ako ni Luce at alanganin akong nginitian.

"Drew, tara sabay na tayong mag-lunch. Huwag ka ng malungkot diyan. Ang pangit mo na nga tapos mukha ka pang namatayan ng daga," pang-aasar niya sa akin.

"Wala akong gana Luce. Mauna ka na. Pupuntahan ko lang si Kate at Hazel," at lulugo-lugong umalis papuntang canteen.

Saktong pagkarating ko sa canteen ay nakita ko na si Kate at ang tatlong kaibigan nitong nakaupo at kumakain na sa usual place nila.

Kahit nag-aalangan at natatakot ay naglakas-loob akong pumunta sa gawi nila.

Bigla silang natahimik nang mapansin ako. Si Kate naman ay walang emosyong tumingin sa akin saglit at ibinalik sa pagkain ang tingin. Dahil ayaw ko ng humaba pa ito, nagsalita na ako.

"Kate, pwede ba tayong mag-usap?" lakas- loob kong tanong dito.

Seryoso at malamig lang itong tumingin sa akin at pinasadahan pa ang kabuuan ko. Naiilang na tuloy ako.

"Follow me," at naglakad na ito paalis. Sumunod na agad ako.

Nandito kami ngayon sa likod ng gym at kami lang ang tao rito dahil medyo malayo ito.

Nakakatakot na itong tumingin sa akin kaya walang ano-ano'y nagsalita na ako.

"K-Kate, ano kasi. I-I'm sorry dahil h-hindi agad ako nakasagot sa mga t-tawag at text mo. N-Naki-birthday kasi ako kina H-Hazel," kinakabahan at nauutal kong paliwanag.

"So? Alam ko na 'yan. Akala ko ba may aasikasuhin ka ha? Mukhang si Hazel talaga ang inasikaso mo. At mukhang 'yang inasikaso mo ay napakaimportante na ako na mismong bestfriend mo ay nakalimutan mo," madiin at may bahid ng galit na sabi niya sa akin.

"P-Pero Kate, hindi naman kita nakalimutan. Nalowbat kasi 'yong phone ko. I'm really sorry Kate."

"Oo nga naman Andrew Torregozon. Baka kasi kinalimutan mo ako. Bakit mas masarap ba siyang kasama kaysa sa akin ha Torregozon? Alam ko rin na nakainom ka kagabi and at the same time, alam ko ring may nangyari sa inyo," ngayon ay mas madiin at tumataas na ang boses niya sa akin.

"Walang nangyari sa amin Kate. Maniwala ka sa akin, 'tsaka pinagbigyan ko lang silang uminom dahil nahi--"

"Talaga ba Torregozon? Alam mo ba kung ilang oras akong nag-stay sa bahay niyo at nagmukha na akong tanga at kulang na lang ay mamuti na ang mata ko sa kahihintay sa'yo. Tumawag pa sa akin si tita at tito, tinatanong kung nasaan ka at nang hindi ko masagot ano? Pinagalitan lang naman ako Andrew Torregozon," gigil na gigil na paliwanag niya.

Wala akong masabi dahil pinag-alala ko siya at nakaabot pa kina Mom. Tapos napagalitan pa siya. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin.

"Kate, I'm really really s---"

"Enough Torregozon. Nangyari na. Wala ng patutunguhan 'to. Magkita na lang tayo sa gym mamaya," malamig na sabi nito at iniwan na ako.

Patakbo akong bumalik sa canteen at namili ng pagkain. Umalis na rin agad ako at pumunta sa S.C. office.

Pagpihit ko ng pinto ay nakita kong nakatalikod si Hazel. Dahan-dahan akong pumasok at inilapag ang mga pagkaing binili ko.

Mabilis akong lumapit kay Hazel at niyakap ito patalikod. Naramdaman kong nagulat naman ito sa aking pagyakap.

"Hazel, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Huwag ka ng magalit sa akin," bulong ko rito habang naka-back hug pa rin ako sa bewang niya.

Hindi pa rin ito sumasagot.

"Uy Hazel. Hazel, please? Bati na tayo," at mas hinigpitan ko ang yakap at mas idinikit ang aking katawan sa kanya.

Naramdaman kong napasinghap at napakapit ito sa braso ko at mabilis na humarap sa akin.

"I'm sorry din Dee. Nagtampo lang ako sa'yo kaya hindi kita kinikibo," sabay yakap din sa akin nang mahigpit. Pi-nat ko na lang ang ulo niya at hinaplos pababa ang buhok nito.

Hay salamat, okay na rin kami ni Hazel.

Hindi pa rin kumakalas sa pagkakayakap sa akin si Hazel. Mayamaya lang ay bigla niya akong kiniss sa gilid ng labi ko at mabilis na pinuntahan ang pagkaing dala ko.

"Dee! Para sa akin ba 'tong mga pagkain na 'to? Maraming salamat ha, ang sweet sweet mo talaga," masayang sabi nito sa akin.

Sabay na kaming kumain. Bumalik na ulit sa dati si Hazel at mas sweet siya ngayon sa akin.

Nagsusubuan kami rito at okay lang dahil kaming dalawa lang dito sa SC office.

"Dee, may practice ako ng basketball mamaya, punta ka ha. Maglalaro tayo, tuturuan kita paano maglaro," yaya nito sa akin pagkatapos naming kumain.

Pumayag naman ako dahil mukhang masaya naman 'yon. Nagpaalam na ako kay Hazel dahil may klase pa ako ngayon at gano'n din siya.

Nag-discuss lang kami buong hapon at halos antukin na ako dahil sa sobrang boring ng klase. Napakabagal pa ng oras.

Matapos ang apat na oras ay uwian na rin namin. Dumiretso na agad ako sa gym at nadatnan kong abalang-abala sa pag-eensayo ang cheerleading squad lalo na ang team captain na wala ng iba kung di ang bestfriend kong si Kate.

Nakita ko rin na dito rin nag-eensayo ang women's basketball team kaya dumiretso muna ako sa bleachers para umupo at manood.

Ang galing pala talaga ni Hazel maglaro ng basketball. Pero mas magaling ang bestfriend kong si Kate. Ang galing niya sa mga exhibition pati na 'yong pagflip at inihahagis pa siya sa ere.

Umalis muna ako at namili ng tubig para kay Kate. Grabe naman kasi siyang mag-practice. Ginagalingan masyado.

After one hour ay umalis na ang ibang players ng basketball team at si Hazel na lang ang natira.

"Dee! Halika, maglaro tayo. Turuan kita," sigaw nito sa akin habang kumakaway.

Mabilis naman akong lumapit sa kanya at nagsimula na kaming maglaro.

"Mag-dribble ka muna tulad nang ginagawa ko tapos kapag ititira mo na, ganito naman tapos aim mo lang sa ring," turo ni Hazel sa akin.

Nang makuha ko na ang basics ay naglaro na kami, one-on-one. Bola niya muna. Nang hindi ko pa siya nababantayan ay tumira na agad siya sa malayo at pasok. No'ng bola ko na ay sobrang dikit niya magbantay kaya hindi ako makagalaw. Nang makalapit na ako sa ring ay tinira ko na at na-shoot naman. Masaya pala mag-basketball kaya patuloy lang kami sa paglalaro.

Nasa kalagitnaan kami ng laro nang biglang may malakas na tumatawag sa pangalan ko.

"Andy, punasan mo ako!" sigaw ng napakagaling kong bestfriend. Dali-dali naman akong lumapit dito.

Kinuha ko na ang towel niya at pinunasan ang mga pawis niya sa mukha at leeg. Bigla naman akong nanigas nang itaas niya ang uniform nila at malaya kong napagmamasdan ang toned abs nito. Napalunok tuloy ako at hindi ko maigalaw ang aking kamay.

"Hmm Andy? Are you enjoying the view? Baka matunaw ako. Punasan mo na," nang-aakit nitong sabi kaya natauhan ako sa pagpapantasya sa katawan niya.

Inabot naman niya ang aking kamay na may hawak na towel at siya ang nagsimulang magpunas sa pawisan niyang abs gamit ang kamay ko.

"Ahh Andy, ganyan nga. Tuloy mo lang," ungol ni Kate at may papikit-pikit pang nalalaman.

Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

"See you later Andy," paalam nito sa akin sabay kindat. Nagpatuloy na ulit sila sa ensayo.

Kinuha ko naman ang tubig na binili ko at bumalik na malapit kina Kate. Napansin kong wala na rin si Hazel. Habang naghihintay ay nakaidlip ako.

"Andy, tara na! Umalis na ang mga kasama ko. Samahan mo akong magpalit sa locker room. Magpalit ka rin ng damit, mukhang basura 'yang suot mo," bungad niya sa akin nang magising ako.

Kinaladkad na niya ako sa locker room at mabilis na ni-lock 'yon. Kaming dalawa na lang ang nandito ngayon dahil alas-sais na ng gabi.

Walang sabi-sabing naghubad na siya sa harapan ko habang ako naman ay di pa rin gumagalaw.

Bigla atang uminit. Pinagpapawisan ako sa nakikita ko ngayon eh.

"Andy, mamaya mo na ako pagnasaan. Maghubad ka na rin," nang-aakit nitong sabi sa akin.

Maghuhubad na sana ako kaso siya na ang nagtanggal ng mga damit ko at mabilis akong isinandal sa wall.

Sinunggaban niya agad ng halik ang aking leeg at pinapak ito. Iginagala na rin niya ang kanyang kamay pababa sa tiyan ko.

"Ahh Kate ang sarap dahan-dahan langg hmm," ungol ko dahil sa kiliting dulot nang ginagawa ni Kate.

"Do you like it Andy huh?" bulong nito sa pagitan ng paghalik niya sa katawan ko.

Mas binaba niya pa ang halik at pinanggigilan ang dibdib ko hanggang sa tiyan.

"Katee ahhh hmm shit ohhh," patuloy na ungol ko at tuluyan na akong bumigay sa ginagawa niya.

Mayamaya ay bumalik uli ito sa leeg ko at madiin na sinipsip ito.

"Ahh shit Katee dahan-dahan langg hmpp"

At di pa nakuntento ay sa kabila naman at diniinan lalo ang pagsipsip kaya napahiyaw ako.

"Araayy Kate! Shit ahh," hiyaw ko sabay pilit na tinutulak si Kate.

"'Yan ang parusa mo Torregozon dahil sa ginawa mo. Diniinan ko talaga ang pagsipsip para matagal magmarka. Kulang pa 'yan. Di ka pa abswelto kaya humanda ka," seryosong sabi nito sa akin at nagbihis na ito. Binigyan na rin niya ako ng damit at nagbihis na.

Paalis na kami at kukunin ko pa sana ang damit na hiniram ko kay Hazel nang bigla niya itong inagaw at tinapon sa basurahan.

"Hindi nababagay sa'yo ang mga basurang damit na 'yan. Damit ko lang dapat ang sinusuot mo dahil 'yan lang ang nababagay sa'yo."