Chapter 39 - Chapter 39

Araw ng Sabado, magkakasama ang magkakaibigang Troy, Arian at Kale. Alas-otso pa lang ng umaga ay nasa bahay na sila nina Troy.

"Hey dude, long time no see! Anong lakad natin ngayon?" masayang bati ni Troy habang may dala itong dalawang bote ng san mig light at iniabot kay Kale. Tinanggap naman ito ng huli.

"Ey, dude. Salamat. Si Yan try mong tanungin kung saan niya gustong gumala. Free naman ako ngayon. Kayo ba?"

Prenteng nakaupo ang dalawang magkaibigan habang nakatayo naman si Arian na kanina pa nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Troy.

"Nasa'n 'yong akin ha tukmol? Ba't si Nix lang ang binigyan mo?! Aba, bisita mo rin kaya ako!" reklamo ni Arian.

"Wala na eh. Saktong dalawa na lang ang natira. Kuha ka na lang ng tubig diyan sa gripo. Malinis tubig namin, malamig pa," balewalang tugon naman ni Troy at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Kale.

"Gumala na lang tayo, tara na! Ang boring dito sa bahay, wala akong kasama. Saan mo ba gusto dude? Para makaalis na tayo. Mall? Kain sa Jollibee o ano?"

"Wala! Wala! Gusto namin libre 'di ba Nix?" sabat ni Arian pero 'di pa rin siya pinapansin ni Troy.

"Kahit ano saka kahit saan, basta kayong bahala," simpleng sagot ni Kale sa dalawa.

"O sige, mag-mall na lang tayo!"

***

Nang makarating sila ng mall ay kabubukas lang nito at kakaunti pa lang ang mga tao.

"Oh tanga. Anong gagawin natin dito? Sarado pa ang mga tindahan," si Arian na nagpaparinig kay Troy pagkarating nila.

"Kumain muna tayo sa labas. Sa may tabi ng seaside. Gusto niyo ba o sa Jollibee na lang?" yaya sa kanila ni Kale. "Maaga pa naman. Baka nagugutom kayo."

"Alam ko na dude! Doon na lang tayo sa may unli. Samgyupsal, g?"

"Tara," at lumabas na sila habang nakakapit si Arian sa braso ni Kale.

"Welcome to J. Cole's Samgyupsal House! For three persons po ba, sir?" maligayang bati sa kanila ng babaeng waitress.

Kinindatan naman ito ni Troy ngunit mas ngumiti ang waitress kay Kale ngunit in-ignore lang ito ng huli at nauna nang umupo.

"Dude, ikaw na ngang um-order. Mukhang ikaw ang gusto eh," utos ni Troy habang namimili sila sa menu. Sila palang ang customer na naroroon.

"Si Yan na lang. Wala na akong boses saka nagugutom na ako. Wala na akong energy. Yan ha? Ito ang order ko..."

Iniiwasan lang talaga ni Kale ang waitress dahil sa pagpapapansin nito sa kanya. Habang umo-order si Arian ay humilig siya sa balikat nito at nagtulog-tulugan.

"Chibog na! First bite dude!" masayang sambit ni Troy nang mai-serve sa kanila ang mga pagkain. Samu't saring sauce, pork belly, fried chicken, kanin, kimchi, coleslaw, iced tea at marami pang iba.

"Pass dude. Look," at sumubo na siya ng buttered chicken. Susubuan sana siya nito pero inunahan na niya at inginuso niya si Arian dito. Nag-make face naman si Troy na parang nandidiri kaya ito na lang sumubo.

"Hmm, heaven! Ang sarap pala rito. Dito na lang tayo lagi," natutuwang saad ni Kale habang nilalantakan ang coleslaw at hinihintay na maluto ang pork meat.

"Oo dude. First time mo ba? Try mo magluto oh saka grabe nga eh. Parang napipi na 'yong isa diyan. Tingnan mong kumain, babae pa ba 'yan? Akala mo mason-

"Shh! Ang ingay-ingay niyo. Dapat behave lang kapag nasa harap ng pagkain. Gayahin niyo 'ko, tahimik lang, 'di ba Nix?" kunwaring sabat naman ni Arian at hinango na ang nalutong pork meat.

Naiiling na lang si Kale habang pinapanood ang dalawang nag-aasaran. Ingay lang nilang tatlo ang nangingibabaw sa loob ng restaurant.

"Nga pala dude, musta sa Henderson? Balita ko ang dami raw magaganda doon. Nagkikita ba kayo ni Ms. McKenzie? Crush ko 'yon dude. Grabe, sobrang ganda niya! Kung pwede dude, yayain mo siya sa bar para ma-inspired naman akong mag-serve o kaya naman ora mismo, ako na gagawa ng trabaho niyong dalawa no'ng baboy diyan."

Biglang nahinto si Kale sa pagnguya. Tila wala itong narinig at sumubo na ulit. 'Di man lang sinagot si Troy.

"Madala! Hanggang dito ba naman kasi nambababae ka at ang kapal mo naman. Gusto mo pa 'yong magandang mayaman. Ilugar mo kaya 'yang mukha mo!" sabay tawa ni Arian. Inilayo naman ni Troy ang pork belly dito.

"Papansin! Dude kasi, para yayayain mo lang naman sa bar. Mahirap ba 'yon saka schoolmates naman kayo ah! Sige na dude, pa-birthday mo na sa akin si McKenzie. Behave naman ako saka bro tayo 'di ba? Ge na. Hati tayo sa magiging sahod ko sa susunod," desperadong pakiusap ni Troy at minasahe pa ang balikat ni Kale na naka-poker face na naman.

"Ayoko."

"Dude naman! Please!"

"I'm eating. Kumain ka na lang. Iba na lang pangarapin mo. Wala kang mapapala do'n, promise kaya kumain ka na lang."

Off-limits na 'yon, boi.

"Ha! Kung ako sana tinanong mo kupal edi ako na ang magyayaya kay Ms. McKenzie basta siguradong ibibigay mo 'yong buong sahod mo sa akin! Easy!"

Napatingin agad ang dalawa kay Arian.

"Oh, bakit? Mukha ba akong nag-jo-joke? 'Di wag kung ayaw niyong maniwala. Anyway, Nix baka gusto mong bumisita sa university namin next week. May school fair kasi kami at pwedeng mag-invite ng iba. Pwede mong yayain sina Ms. Natalie o kaya si Ms. McKenzie. Ikaw bahala kung sinong gusto mong isama. One week 'yon baka bet mo."

"Oo nga dude! Kahit pala papaano, may utak ka rin 'no, babs? Kung ayaw mo sa bar, doon mo na lang yayain si McKenzie. Aasahan ko 'yan ha!"

"Ayoko nga. 'Di niyo ba ma-gets?"

"Ba't ba ayaw mo ha? O baka may itinatago ka sa amin. Nix ha, ano 'yon? Bawal ang secret secret-

"Wala nga! Saka I'm introvert. Ayoko sa matataong lugar. 'Di na pala ako pupunta."

Lalong ngumiti nang pang-asar si Troy at may pa-ehem ehem pa.

"Eh ba't sa bar? Mas matao do'n. Sige nga. Introvert daw 'pag ayaw pero 'pag gusto, siya pa ang dumadamoves. Hay nako, 'di mo ako mauuto dude. Tatlong taon na tayong magkasama, ngayon pa ba? Basta dalhin mo si McKenzie my labs ha? 'Pag hindi, humanap ka na ng bagong tropa," sabay lagok nito sa root beer.

"Oh sure. Hahanap na talaga ako ng bagong tropa. 'Di niyo na ako lab eh. Nagbago na kayo," paawa ni Kale habang nilalantakan ang pork belly.

"Kumain na nga lang tayo! Mukha kayong tanga lalo ka na Nix! Ang cute mo pero mukhang sira."

Nagtawanan at nag-selfie ang tatlong magkakaibigan. Sinusulit nila ang pagkakataong 'yon upang mag-bonding. Kahit nagkakaasaran ay walang nagkakapikunan. Para kina Arian at Troy, dabest pa rin ang saya kapag kasama nila si Kale kahit na 'di nila ito maintindihan minsan. May pagdaang sobrang daldal nito at meron ding hindi mo maririnig ang boses at kasama lang talaga nila.

"Grabe, inaantok na ako. Parang 'di ko na ata kaya," wika ni Kale nang makalabas sila ng resto. Natapos na sila sa loob ng mahigit tatlong oras. Halos tamad na tamad na silang magsipaglakad lalo na si Arian na nakakapit pa sa braso ni Kale.

"Inaantok na rin ako. Anong oras na ba? Magla-lunch na rin pala. Gumala na lang muna tayo sa mall para bumaba naman ang mga kinain natin! Tara na!" yakag sa kanila ni Arian at sumunod na sila rito.

"Nix, look! Pagawa tayong bracelet! Manong magkano po sa ganito?" tanong ni Arian sa isang kulay itim na bracelet.

"Bente lang po. Mura na at matibay. Customized din at kahit ano pwedeng ilagay."

"Eh kuya what if whole body ko ang ipapalagay ko. Pwede?" Natawa naman ang lalaki. "Kahit family picture niyo pa po ma'am."

"Ay si kuya, ang bola. Sige kuya, dalawa po."

"Hoy, ako rin ah! Ena neto talaga!"

Ipinasulat na sa kanila ng lalaki ang kanilang ipapalagay sa bracelet.

"Kuya, pa-drawing po ng sasakyan sa gilid ng initials ko. Parang ganito po," at iniabot ni Kale ang papel na may kasamang drawing niya ng maliit na sasakyan.

Nang matapos ay masaya itong iniabot sa kanila at binayaran na.

"Maraming salamat, kuya! Next time kuya, libre na ha? Para dito na kami lagi bibili," masayang paalam ni Arian sa tindero at nginitian naman siya nito.

"Napakalandi talaga amputa! Umayos ka nga! Kakahiya ka talaga, Arian," saad ni Troy nang makalayo sila.

"Gago! May standards ako, leche ka. 'Wag mo akong itulad sa'yo, tukmol. Gusto ko 'yong ganito kay Nix, bleh! Tara picture-an natin 'yong bracelet!"

Inilahad na nilang tatlo ang kanilang mga braso at nakapalibot silang nag-picture. Una ang kanilang mga bracelet, sumunod naman ay silang tatlo na nakangiti. Sa gitna nila si Kale.

"Magpalitan tayo ng bracelets para mas masaya! Syempre 'pag natupad na natin 'tong mga nakasulat sa bracelet natin saka natin ibabalik sa isa't isa. So, akin na 'yong sa'yo Nix!"

"Hoy, kami ang magpapalitan! Dude, akin na kaya 'yang sa'yo."

"Nakuha na ni Yan 'yong akin dude. Akin na lang 'yang sa'yo tapos sa'yo na 'tong kanya." Nakasimangot na ibinigay ni Troy ang bracelet niya pati na ang pagtanggap niya sa bracelet ni Arian.

"Tangina talaga kahit dito malas pa rin! Sayang pera para sa EA na 'to!"

"Alam mo, magpasalamat ka na lang. 'Di 'yong reklamo ka pa nang reklamo. Swerte 'yan dahil Engineer Arian ang meaning niyan eh sa'yo nga ET! May meaning ba 'yon ha!"

"Syempre meron. Baka Engineer Troy pogi 'yan. 'Di ba dude? Itatago ko talaga 'to. Baka dumami ang babaeng customers natin 'no? Mukhang suswertehin tayo rito eh," panloloko ni Kale at may pahaplos-haplos sa bracelet.

"'Yan ganyan ang tunay na tropa! Supportive at laging ipaparamdam na pogi ako. 'Di tulad ng iba diyan, 'di na nga biniyayaan ng ganda ang lait lait pa!"

"Bulag ka lang! Tara na nga, gumala na lang tayo. Sayang oras ka!"

Naglibot-libot muna sila kung saan saan nang mapadako sila sa isang clothing store.

"'Wag na tayo diyan. Wala ka namang bibilhin. H&M 'yan oh wala kang pambili—

"Maraming magaganda dito saka may sale kaya! Porke't pupunta rito bibili na agad 'di ba pwedeng magtitingin muna dahil mag-cocompare ng mga style?"

"Dito muna kayo? Punta muna akong Nike. May Burberry ba rito?" tanong ni Kale sa dalawa.

"Ano 'yon? Blueberry lang alam ko eh. Pagkain ba 'yan Nix?"

"Punta muna pala ako sa Nike. Maya na lang ulit."

"Sama ako dude!" at umalis na si Kale at Troy.

Pagdating nila sa Nike Store ay nagtingin agad si Kale ng tshirt habang nakabuntot sa kanya si Troy na nakatulala na sa mga mamahaling sapatos.

"Dude ang angas nito! Magkano kaya 'to?" tukoy ni Troy sa isang kulay brown na Nike Air Force 1 Mid '07 LX.

'Di siya pinansin ni Kale dahil busy ito sa pagtitingin ng tshirts at sweatpants.

Naghiwalay na ang dalawa at nagkanya-kanya na sa pagtitingin.

Namimili pa nang damit si Kale nang bigla siyang may nasagi.

"Sorry—

"Nixon?"

Bigla namang naestatwa si Kale dahil hindi niya inaasahang magkikita sila rito.

"Hi," at nagpatuloy na siya sa pamimili.

"I didn't expect na magkikita tayo rito. Ano palang ginagawa mo rito? May kasama ka ba?"

"Meron. Namimili lang ako ng damit. Ikaw? May kasama ka rin ba—

"Dude! May gusto akong bilhin—Ms. McKenzie? Ikaw ba 'yan?" gulat na gulat na sabi ni Troy. Lalong lumapad ang ngiti nito.

"Troy! Of course, ako 'to, the one and only McKenzie Knight. So, magkasama pala kayo. Kumusta naman?" nakangiting tanong ni McKenzie rito.

Tumalikod na si Kale at paalis na dahil bigla siyang nairita.

"Dude, niyaya ko si Ms. McKenzie na sumama sa atin. Wala raw siyang kasama eh saka gagala pa tayo 'di ba? Para makapag-bonding na rin tayo. Ms. McKenzie tara na—

"Just call me McKenzie. Drop the formalities, Troy. You sounded like a driver or what."

Lihim namang natawa si Kale. Napatingin naman si McKenzie dito at lumapit.

"Kanina ka pa tahimik. Dahil ba kay Troy?"

"Magbabayad na ako."

Ipinulupot ni McKenzie ang kanyang braso sa kaliwang braso ni Kale.

"Pasabay," at isinama ang dalawang puting Nike tennis skirt sa mga tshirt ni Kale.

Tuwang-tuwa si Kale sa isip-isip niya.

Nang makapagbayad ay 'di na nila pinansin si Troy. Siya na rin ang nagbitbit ng pinamili ni McKenzie.

"So, where do you want us to go next? Movies? Dine somewhere? Or what?" malambing na tanong ni McKenzie habang enjoy na enjoy sa pagyakap sa braso ni Kale.

"Kumain na kami. Ikaw ba? 'Di ako mahilig sa movies eh. 'Di mo ba kasama mga friends mo?"

"Ow. Busy sila eh and I haven't eaten anything. We have a tennis practice today so I went here to buy some gears then I bumped to you. I think it's my lucky day."

Tumango-tango naman si Kale pero deep inside ay natutuwa siya sa sinabi nito.

"Kumain ka na at baka mapano ka pa. Tapos pumunta ka na sa practice niyo. Baka hanapin ka na kung sasama ka pa sa amin."

"Nah, I'll ditch them na lang. Marami pa namang time for practice unlike this na makakagala pa ako. Mas mag-eenjoy ako dahil kasama kita. Kayo ni Troy."

"Gusto mong kasama si Troy?" mabilis na tanong ni Kale. Bigla na naman itong nawala sa mood.

"Why? May problema ba? Speaking of, nasaan na pala siya?" Luminga-linga pa si McKenzie upang hanapin si Troy. "Bigla siyang nawala."

Buti naman. 'Wag na sana muna siyang bumalik, saad ng isip ni Kale.

Tumahimik na naman si Kale habang nakakapit pa rin sa kanya si McKenzie na malapad ang ngiti at walang pakialam kahit na pinagtitinginan na sila ng mga taong nakakasalubong nila.

"McKenzie! Ice cream for you."

Napahinto silang dalawa at hinarap ang tumawag. Si Troy, may dalang dalawang cone ng ice cream, isang strawberry at chocolate.

"Thank you, Troy. Nag-abala ka pa tuloy. I'll treat you next time. When I have money na." Nakangiting tinanggap ni McKenzie ang strawberry ice cream. Mapaglarong dinilaan ni McKenzie ang ice cream habang nakatingin kay Kale. Ngumisi naman si Kale at itinuon na ang tingin sa iba.

"Dude, pasensya ka na kung wala kang ice cream. Na-short kasi 'yong pera ko eh. Saka alam mo na, nandito si McKenzie my labs ko. Dapat good shot ako, hehe," bulong ni Troy kay Kale ngunit ginantihan siya ng huli.

"Kung ako sa'yo, titigilan ko na siya. Off-limits na 'yan, Troy. Gusto mo bang masapak ng jowa niya?"

"Ha?! May jowa na siya? Akala ko single siya?"

"Where are we going pala? Kanina pa kasi tayo lakad nang lakad. Nixon?"

"Sorry. Dito talaga tayo pupunta." Nagmamadaling lumiko si Kale habang nakahawak pa rin sa kanya si McKenzie. Iniwan na niya si Troy dahil naiirita siya rito.

"What are we doing here sa Yellow Cab? I thought busog ka pa? Kakain ka ba ulit?" nagtatakang tanong ni McKenzie.

"'Di ka pa kumakain 'di ba? Ayan, kumain ka na. May practice ka pa sabi mo. Aalis na rin ako at ito pala 'yong pinamili—

Lihim namang natuwa si McKenzie dahil halata niyang 'di mapakali si Kale.

"No! Sasamahan mo ko sa loob sa ayaw at sa gusto mo. Let's eat together," at hinila na siya nito sa damit.

"Ang haba ng pila. Let's go somewhere na lang. Ayoko ng maraming tao." Lumabas na sila at dinala siya nito sa isang mamahaling restaurant.

"Good morning ma'am—

Dire-diretso lang si McKenzie habang hila-hila si Kale. Sumunod na lang siya rito at ilang saglit ay nakahanap na sila ng pwesto at umupo na.

"What do you want to eat? I'll have steak and...something hot and delicious," sabay tingin nang makahulugan kay Kale. Inilapit naman ni Kale ang mukha niya kay McKenzie at bumulong, "Maybe, we could go somewhere else? Somewhere more private and quiet?"

Umalis na silang dalawa sa restaurant na magkahawak kamay. Excited na excited si McKenzie sa kanyang naiisip. Halos itulak na niya papasok sa loob si Kale sa kanyang sasakyan nang makarating sila sa parking lot.

"Saan naman tayo pupunta? Dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Pinapalipad mo na 'tong sasakyan eh," awat ni Kale sa tabi ni McKenzie.

"We'll go to somewhere more private and quiet," at lalong pinaharurot nito ang sasakyan.

Ilang saglit lang ay nakarating na sila sa penthouse ni McKenzie. Nagmamadali siyang pinapasok nito at nang maisara ang pinto ay basta na lang nito itinapon kung saan ang susi ng Audi nito at mabilis siyang isinandal sa pinto saka inangkin ang kanyang labi. Nabitiwan na rin ni Kale ang kanilang mga pinamili at tumugon sa mainit na halik ni McKenzie. Hinawakan niya ito sa bewang habang ang kanilang mga labi ay abala at sabik na sabik sa isa't isa. Napaungol na si McKenzie dahil sa sarap ng sensasyong nararamdaman niya. Lalong pinalalim ni Kale ang halik at pinagpalit ang kanilang pwesto. Isinandal niya ito sa pinto at binuhat. Nakapulupot ang mga legs nito sa kanya habang nakakawit ang mga braso nito sa batok niya.

Pinutol ni Kale ang halik upang sumagap ng hangin ngunit hindi siya hinayaan ni McKenzie. Hinawakan nito ang likod ng ulo ni Kale at muling hinagkan ito. Mas malalim at mapusok. 'Di na napigilan ni Kale na idiin ang sarili sa katawan ni McKenzie. 'Di na rin napigilan ni McKenzie na sabunutan ito dahil sa kakaibang sarap na dulot ng halik ni Kale na nakakapagpabaliw sa kanya. Wala siyang pakialam kung di angkinin ito. Kapwa ungol ng dalawa ang maririnig sa loob ng penthouse.

Parehas habol-hininga ang dalawa nang maghiwalay silang dalawa. Pawang parehas nangungusap ang kanilang mga namumungay na mata.

Muling hinila ni McKenzie si Kale sa damit upang muling magkalapit ang kanilang mukha saka ito hinagkan nang matagal. Matapos no'n ay sumubsob na siya sa leeg ni Kale at yumakap dito nang mahigpit. Her heart is still beating so fast simula kanina and she could feel Kale's too and she couldn't deny the happiness she's feeling right now.

Out of a sudden, she sucked on her neck, leaving a reddish mark on it and a smile was crept on her face.

"Don't leave any visible marks." She sucked again. And again.

"Okay. I covered it up na," pilyang sagot niya habang nakatingala rito.

"Kain ka na," at bahagya nitong pinahid ang maliit na lipstick na kumalat sa gilid ng labi nito.

"Let's go to my bed." Lihim namang napangiti si Kale at karga-karga pa rin niya itong dinala sa kama saka ito inihiga.

McKenzie is now lying on her back and she's on top of her. Her hands are placed beside her as support while McKenzie's arms are still wrapped around her neck.

Nakatitig lang sila sa isa't isa.

"What are you doing? Just stop."

"Hinahanap ko 'yong wallet ko. Maglalabas ako ng pera," at kinapa-kapa pa rin ni Kale ang black Nike jogging pants niya.

"For what? Mamaya na 'yan. Just keep your eyes on me." Natigil naman si Kale saglit at tumingin sa magandang mukha ni McKenzie. She caressed her cheek.

"Gutom ka na kaya kumain ka na bago ako umalis saka 'yong wallet ko," paulit-ulit na sabi ni Kale rito.

"No! Just stay here," mariing tutol ni McKenzie at niyakap lalo si Kale.

"Hindi pwede. May pasok ako. Magtatrabaho pa—

"Nixon! No, dito ka na lang kasi. 'Di ba masyado pang maaga para mag-open sa bar? Walang pang customers dahil panggabi pa 'yon 'di ba? Wala rin naman tayong pasok. Mamaya ka na lang kasi umalis," pagpupumilit ni McKenzie. Sinubukan din niyang magpaawa para makumbinsi ito.

Umalis na ito sa ibabaw niya at naglabas ng tig-iisang daan na bills at inilagay ang mga ito sa dibdib ni McKenzie.

"Aalis na ako—

Biglang nahinto si Kale habang si McKenzie ay mabilis na bumangon kaya nahulog ang mga bills at 'di makapaniwala sa na-realize niya. Mahigpit niyang hinawakan sa braso si Kale upang hindi ito makaalis.

"What's with this huh? You're giving me this and you'll leave na? Anong tingin mo sa'kin, babaeng pokpok?! Bwisit ka!" at kinurot niya ito sa tagiliran. Napahiyaw sa sakit si Kale habang hawak na rin niya ang kamay nitong kumukurot sa tagiliran niya upang alisin ito.

"Teka lang naman! Aray ko! Tigil na, masakit! Nasanay lang kasi ako kaya sorry na!" daing ni Kale habang pilit tinatanggal ang kamay nito na todo kurot pa rin sa kanya. Sinasalag din niya ang panghahampas nito ng unan sa kanya. Halos maiyak na siya sa sakit.

"Ano?! Nasanay ka lang? So, marami ka palang pokpok na babae at may balak ka pa talagang isama ako sa kanila! Wala ka talagang kwenta!"

"Hindi sa gano'n—

"Gano'n na rin 'yon! Babaero ka pala! Tomboy ka talaga!"

Isang napakadiin na kurot at malakas na hampas sa mukha ang natamo ni Kale kaya napahiga na siya ng tuluyan sa kama nito habang sapo-sapo ang nananakit na tagiliran.

Naitakip na lamang niya ang kanyang kanang braso sa mga mata niya upang maitago ang sakit.

Huminto na si McKenzie habang hawak ang sariling unan. Pinapanood si Kale. Bigla naman siyang nakaramdam ng awa ngunit hindi sapat 'yon para mawala ang inis niya.

Nakaramdam siya ng kaunting kirot na meron itong ibang nakakasamang babae at ginagawa din nito sa iba kung ano ang ginawa nila.

"I'm really sorry. 'Di ko sinasadya—

"Just go," walang emosyong sabi ni McKenzie dito habang nakayuko.

"Sorry talaga—

"The door is open."

Tumayo na si Kale at kinuha ang mga bills saka tahimik na umalis.

Naiwang mag-isa at malungkot si McKenzie.