Chapter 43 - Chapter 43

Alas-kwatro palang ng hapon ay nasa Henderson University na si McKenzie upang sunduin si Kale na nagrereview pa.

"Ang tagal mo naman Nixon! Kanina pa ako naghihintay," reklamo niya habang naglalakad sa hallway. Pupuntahan niya ito sa office ni Professor Montoya.

Kinse minutos palang ang itinatagal niya roon pero naiinip na siya. Gustong-gusto na kasi niyang makita ito at hindi na siya makapaghintay pa.

Dahil napagod na siyang maglakad ay umupo na siya sa isang bench sa gilid ng hallway.

She scrolled through her phone at nakita niya ang story ni Silver. Nakarating na kanina pa ang mga ito sa Singapore.

Todo ngiti ang mga ito nang makarating sa airport ng Singapore. Siyam ang magkakasama na sina Silver, Natalie, Aubrey and Black, Tyler, Reign, Johansen, Allison at Ian.

She loved the photo at nagscroll na ulit but this time, picture naman nila ni Kale.

Para siyang tangang nakangiti habang pinagmamasdan ang napakasweet nilang photo together na kumakain sa cafeteria. Mababaw man pero tuwang-tuwa siya sa badshots nito.

"What are you doing here, bitch?" Kusa na lang na tumaas ang kilay niya nang marinig ang nakakarinding boses nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa na may pang-uuyam.

"This university is mine. And a person like you doesn't belong here so fuck off and go away, fucking bitch," madiin niyang sabi ngunit hindi ito natinag sa kanya.

"This fucking university is not yours to begin with. Everything you have is from your Daddy and Mommy. What a poor little girl you are. A face like a witch, a trashy behavior and a very cheap, dumb bitch. And the most holy one you have, a cheating boyfriend-

Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa pagmumukha ni Ashley.

"And what about you? What do you have except a dead mother who was a phenomenal mistress all her life? You must be proud of-

Sasampalin sana siya nito ngunit mabilis niya itong nahawakan sa kamay.

"You two are not different. Both of you belong and should rot in hell," at marahas siyang hinila nito sa kanyang blouse saka bumulong, "Stay away from Kale Nixon or else...you want to die right now. I can do that in a second."

"Why would I do that? Sino ka para utusan ako? Pag-aari mo ba siya? Or are you threatened na baka ako ang gusto niya kaya pinapalayo mo ako sa kanya?" palaban na sagot ni McKenzie sa pinsan niya.

"Mahal ko si Kale Nixon. Kaya kung ako sayo, lumayo-layo ka na. And ang kapal mo naman para sabihing gusto ka niya. Sino ka ba para magustuhan niya? You barely know each other unlike us. Hindi siya pumapatol sa kung sino-sinong babae lang at mas lalong hindi siya magkakagusto sa mga babaeng straight tulad mo. Now that you know, can you see this bouquet of red roses that I'm holding right now? Salamat kay Silver. Bye," at matamis itong ngumiti sa kanya.

Hindi makapaniwala si McKenzie sa narinig and at the same time she felt betrayed by Silver na close friend niya.

All this time...Eiji?

I thought tunay kitang kaibigan.

Hindi niya namalayan na nakaalis na si Ashley habang siya'y nakatulala lang sa kawalan, halos hindi magsink-in sa kanya ang lahat.

Sakit ang nararamdaman niya at marami pang tumatakbo sa kanyang isip.

"Babe!" Saka lang din siya bumalik sa kanyang ulirat nang marinig ang pagtawag ng kanyang pinsan kay Kale na nakangiting sinalubong ito at inabot ang nito ang dalang bulaklak na ikinagulat ng huli. Nawala ang ngiti nito nang mapansin siya.

Hindi alam ni Kale ang gagawin kung san titingin pero mas nakapokus siya kay McKenzie na walang emosyon ang mukhang nakatingin sa kanilang dalawa.

Nagpaalam muna si Kale kay Ashley saka lumapit kay McKenzie.

"Knight-

"Uuwi na ako. May date pa ata kayo," matabang at walang ganang sabi ni McKenzie at aalis na pero pinigilan siya ni Kale.

"Sigurado ka? Akala ko ba susunduin mo ako? Ba't uuwi ka na? Sumama ka na. Sayang naman, naghintay-

"No. I can manage. Uuwi na lang ako. Tumawag si Dad. Enjoy," sabay alis ni McKenzie.

Wala ng nagawa si Kale kung di panoorin itong papalayo. Nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang dahil buong hapon niyang inaabangan ang pagkikita ni McKenzie ngunit di rin niya inexpect na darating si Ashley na may dala pang bulaklak.

"Let's go babe?" masayang yaya sa kanya ni Ashley.

"Sure," at ipinulupot nito ang braso sa kanya.

***

Walang ganang sumakay si McKenzie sa kanyang sasakyan at malalim ang kanyang iniisip hababg nagmamaneho.

Hindi niya alam kung saan siya patungo. Bigla siyang nalungkot sa mga nangyari dahil umaasa siyang silang dalawa ni Kale ang magkasamang uuwi sa kanyang penthouse pero biglang dumating ang pinsan niyang halos isumpa niya araw-araw dahil sa napakasamang ugali nito.

Kung saan-saan siya napadpad hanggang sa nakarating siya sa isang bar na babago niya napuntahan.

Ex's

Naengganyo si McKenzie sa kagandahan at kasosyalan ng buong bar. Ito ang namumukod-tangi sa lahat ng mga establishments na naroroon. Bukod sa ilang napakalaki ay mukhang pang-elite ang vibe ng bar.

Walang-wala ang The Midnight Haven dito at kung ihahambing ay basura ito at walang binatbat sa ganda at laki. Pati disensyo ay mamahalin.

Pagdating ni McKenzie sa parking lot ay bigla siyang nanliit at nahiya. Wala siyang nakikitang Lamborghini. May isang Koenigsegg na white, mangilan-ngilang McLaren na tulad halos ng sa kanya at marami pang iba. Feeling niya ay patapon at basura ang dala niyang Mercedes-Benz ni Silver.

Sa buong parking lot, sa kanya lang ang naiiba dahil halos lahat ng nandoon ay mga bigating sports cars.

Pagpasok niya ay automated ang tinted glass door at sinalubong siya ng isang matangkad at maputing lalaki.

"Good evening ma'am! Welcome to Ex's po! Ang nag-iisang bar ng mga taong sawi pero mayaman. Ano pong pangalan nila?" magiliw na bati nito sabay ngiti nang napakatamis sa kanya.

"McKenzie."

"What a wonderful name,Ms. McKenzie! I'm Ken and I'll be your servant for tonight, ma'am. It will be my pleasure to serve you," sabay bow nito sa kanya. Hindi naman ito maintindihan ni McKenzie dahil nao-OA-han siya. Gusto lang naman niyang magpakalango sa alak.

"And if you may Ms. McKenzie, your card please."

"What card?" naguguluhang tanong niya. "I thought bar ito? May mga tao ba rito?" Wala kasing nakikitang ibang tao si McKenzie bukod kay Ken at sa dalawang receptionist na nandoon.

"I'm sorry ma'am. Only VIP card holders are entitled with special and certain privileges here. If not, our door is always open and you are always welcome here. Ms. McKenzie, is it your first time here in Ex's? Are you a new member?" at nagsimula nang magtap si Ken sa hawak niyang ipad pro.

Aalis na siya nang bigla siyang pigilan nito.

"Ms. McKenzie, we have regular membership for starters. For new members, membership fee starts at 30,000 pesos with inclusion of regular gold pass card and you can order everything you want for free and unlimited. The perks? You can make connections with other members holding the same card as you. This is a good opportunity to expand your network. The only cons of the gold pass card holder is you are limited to the ground floor and second floor only of the Ex's. No access to other special facilities and succeeding floors. Sad," sabay sad face nito to lighten the mood. "By the way ma'am, working na po ba kayo?"

"Student with multiple businesses."

"Wow! You're a student pa lang Ms. McKenzie? I thought you're a model. For the record history, ikaw pa lang ang kauna-unahang guest namin na student dito sa Ex's. If you don't mind, what business do you have, ma'am?"

"It's confidential, why? Gusto ko lang naman magbar pero bakit may ganito? Ang daming requirements. Hindi ba pwedeng mag-order na lang? Magbabayad naman ako."

"I'm sorry Ms. McKenzie pero I'll be frank, hindi po biro ang bar na pinasok niyo. This is not an ordinary bar for commoners. Ex's is exclusive for high-net worth individuals and ultra rich people who are members of the elite society only. Asking your background is our first step if our guest is qualified to become a verified member. We're only doing this to secure the safety and privacy of the other members and to check if you are legit or not. Since you are a student, I'll make it 25,000 pesos only. Take it or leave it."

"Once I'm a member, free and unlimited na diba?" naninigurong tanong ni McKenzie. Ayaw niyang mapunta sa wala ang oras niya rito lalo na't naabala siya.

"Yes, Ms. McKenzie. Absolutely. Should I register your name as a regular gold pass holder? Your membership card will be activated once done and your card will be in your hands within a second. Should I proceed now, ma'am?"

"I'm waiting. Make it fast."

May pinindot lang si Ken sa ipad sabay kuha ng fingerprint ni McKenzie saka lumapit na ito sa receptionist.

"Done, Ms. McKenzie. Here's your gold pass card ma'am. Please enjoy your stay and have fun in Ex's."

Iginiya na siya nito upang maunang maglakad at sumunod na si Ken sa kanya.

Iniintroduce sa kanya ni Ken ang buong building habang pasakay sila ng elevator patungong second floor.

Pagdating nila ng second floor ay tila bumaba ang expectations ni McKenzie sa Ex's.

Lilima lang ang clients na naroroon at mas matanda pa sa kanya ang mga ito. Puro lalaki. May isang bartender din na nakaupo lang habang may pinipindot sa malaking table nito.

"Excuse me? Pero ito na yong 25,000 na binayad ko? This bar is lifeless at boring. Ba't ganito? I'll leave-

"Ms. McKenzie, Ex's is designed for the elite kaya ganito. The bartender is not sitting there without doing something. In fact, he's arranging and discovering new concoctions that will suit the tastes of the clients. His table is automated and touch screen. Developed and invented by I-Tech or the Igarashi Technology from Japan. The leading telecom company in Tokyo, Japan. One of our clients.

Money without company is boring. You can interact with them lalo na kay Mr. Wu na nakaupo sa bar stool. Kahit kalbo na si Mr. Wu, marami namang laman ang utak niya lalo na ang bulsa niya. Mababait naman silang lahat. You can start by playing poker with them, 1 million ang starting bet or offer them a drink then next time, they'll be offering you a real estate. Ang sarap no? I leave it here, Ms. McKenzie. Order whatever you want. Stay whenever you like," at muli siya nitong nginitian bago umalis.

Lumapit na si McKenzie sa bar counter.

"Bonsoir, mademoiselle. My pleasure to have you in my table. Your card please," pormal na bati sa kanya ng bartender at ipinakita niya ang kanyang gold pass card. "Welcome to Ex's, lady McKenzie. À votre santé!"

"Cheers!" at sabay silang uminom ng champagne.

Imbis na sabihin ni McKenzie ang kanyang order ay pipili lang siya sa high-tech table at pipindutin ito at mag-aappear naman ang order nito sa automated table din ng bartender.

Pagtingin niya sa glass table ay puro French ang nasa menu.

"If you can't read French, you can switch to English or any language you prefer."

"Merci mais je peux lire et parler français. Je suis né et j'ai grandi en France."

The bartender was surprised.

"You grew up in France? So, you're a French. Je m'appelle Claude, and I'm from France too!"

Ngumiti naman si McKenzie rito at nakipagkamay. Nagkwentuhan sila in French at mabilis din itong nakagaanan ng loob ni McKenzie. Hindi na siya pumili ng alak na iinumin at ito na ang namili for her.

Hindi alam ni McKenzie kung anong mga alak ang pinainom sa kanya dahil babago sa panlasa niya. Unang lagok palang niya ay tinamaan na agad siya. Mag-iisang oras palang siya doon ay taob na siya. Kinakausap pa rin siya ng bartender pero umiikot na ang paningin niya.

Tumabi sa kanya si Mr. Wu ngunit hindi malinaw ang itsura nito dahil nahihilo na siya. Nakangiti ang matanda sa kanya at bumaling ito sa bartender na tila nagkaintindihan ang dalawa. Naiiling na lang si Mr. Wu. "Bata pa nga masyado para sa ganito."

"Are you...s-saying something...old man?"

Hahawakan na sana siya ni Mr.Wu nang may tumawag sa pangalan niya.

"McKenzie? What are you doing here?" at mabilis na tinapik nito palayo ang kamay ni Mr. Wu.

"Who are you? Cheers," parang baliw na sabi ni McKenzie rito at pilit na umiinom at natapon sa dress niya ang alak kaya't bahagyang bumakat ang dibdib niya na tinititigan na ni Mr. Wu.

"Let's go home, McKenzie. You're already drunk. Tama na yan," at binigyan siya ng jacket nito.

"No! Di pa ako lasing! Si Nixon ka ba at lagi mo akong pinapauwi?! Umalis ka na! Leave me alone!" Nanghihina niya itong itinulak habang pinapanood naman na sila ng iba.

"Nixon? You mean si Oliveros? She's not here at hindi ako si Oliveros na babaero. You wanna call her?" nakangising alok nito sa kanya.

"Gin, Jin?" the bartender interrupted kaya ngayon lang ito pinansin si Jin.

"Kape at H2O lang."

"Enough with chemistry, Jin. Nasa bar tayo. Do you know her? She's new here. Your new girlfriend?" at isinerve ni Claude ang kape at tubig.

"More gin!" utos ni McKenzie kay Claude na agad namang tumalima.

"Relax, baby. I'm here," sabay dikit at akbay ni Jin sa kanya.

Pumalag agad si McKenzie rito at tinulak ito na tila diri na diri.

Jin combed her hair with her fingers to keep her cool.

Mabilis na nilagok ni McKenzie ang gin at lumayo kay Jin.

Ilang minuto lang ay pagewang-gewang na umalis si McKenzie. Pagsakay niya sa kanyang sasakyan ay pumikit muna siya upang pakiramdaman ang sarili.

"Ahh... Putang...ina... Nixon," sambit ni McKenzie sa kawalan saka pinaandar na ang sasakyan at bigla siyang nawalan ng malay.

***

"A-aray...hmm," mahinang ungol ni McKenzie nang magising siya. Halos hirap siyang idilat ang mata at sumasabay pa ang pagkirot ng kanyang ulo. Sa sobrang kirot ay gusto niyang sumubsob sa unan pero di niya magawa.

Hindi siya makakilos nang maayos dahil may nakadagan sa kanyang mabigat. Pilit niya itong itinutulak paalis pero mas lalo lang itong pumatong sa kanya.

Sinilip niya ang kumot. Kapwa hubad sila ng babaeng nakayakap sa kanya. Isiniksik pa nitong lalo ang mukha sa kanya leeg at mahigpit siyang niyakap.

Ramdam na ramdam ni McKenzie ang hubad nitong katawan lalo na ang malambot nitong dibdib na dumadampi sa braso niya.

"Get off me!" asik niya rito. "And who are you?! Why am I naked? May ginawa ka ba sakin?!"

Nakatayo na siya habang nakatapis ng kumot.

Nagdilat naman ng kaliwang mata ang kasama niya. Pupungas-pungas pa ito.

"C'mon lady. Come back here. I want my blanket. Nilalamig na ako. And good morning hottie. You're safe here. Shall we continue what we did last night?" nakangising sabi nito sa kanya. Walang pake ito at para bang sanay na sanay na itong makita ng iba ang hubad na katawan.

Lalong sumama ang pakiramdam ni McKenzie at halos mandiri siya sa sarili nang marinig ang sinabi nito.

May nangyari samin?! Fuck! aniya ng kanyang isip.

"You're lying right? Walang nangyari satin di ba? Tell me you're lying. Hinding-hindi at never akong papatol sa babae!" at binato niya ito ng libro na nadampot niya sa table nito. Di sinasadyang tumama ang libro sa kaselanan nito.

"Shit McKenzie! Ang sakit! Ba't ito ang tinamaan mo? Tangina! Porke't hindi ako si Oliveros—

"Shut up! Rapist!"

"Baby! Gising ka na ba?" sabi ng isang boses sa labas.

"Who the fuck is that?! Aalis na ako—

Mabilis nitong tinakpan ang bibig niya. "Shh, that's Abi, my girlfriend. Tumahimik ka muna pwede? Baby, can you wait for me outside?"

"Make it fast baby!" at umalis na ito.

Nakahinga naman ito nang maluwag.

"Look, mamaya ka na umalis pwede? Makikita ka ng girlfriend at baka mag-away kami—

"Sino ka ba ha? What if isumbong kita sa girlfriend mo? You're not only a manyak but a cheater too. Kawawa naman ang girlfriend—

"Don't you fucking dare," madiin at seryosong sabi nito sa kanya. "Never in my life na magchecheat ako sa girlfriend ko at hindi ako manyak gaya ng iniisip mo. Walang nangyari satin kagabi. Sinundan kita sa parking lot kahapon dahil lasing na lasing ka at nawalan ka ng malay. Dinala kita rito sa condo ko dahil di ko alam kung saan ka nakatira. Di na kita binihisan dahil hindi naman kita girlfriend. Dito na rin kita pinatulog sa kama ko dahil wala na akong ibang room kung saan pwede kang matulog. Kung hindi ka lang mahalaga kay Oliveros, hinayaan na kita. Nasa baba ang car mo and nandito ang keys sa drawer. For the third time, I'm Jin Morgan, team captain ng women's basketball ng Henderson University. In case kilala mo si Natalie Morgan, she's my cousin," at nagbihis na ito.

Natahimik naman si McKenzie sa mga sinabi nito.

"Excuse me pero pano ako uuwi nito?" nag-aalangang tanong niya kay Jin.

"Edi ganyan. Nakabold. Sinukahan mo kasi yong damit mo. Mag-oorder na lang ako online ng damit then ipapadeliver ko na agad dito. Sorry pero di kasi ako nagpapahiram ng damit. You know, halos bigay kasi lahat ni Abi ang damit ko and ayokong magpahiram. Magagalit siya," at nag-order na ito.

Napairap na lang si McKenzie. "Di ko naman tinatanong. Pake ko sa inyong dalawa. Mga kadiri. Wala ka bang pambili ng damit? Parehas talaga kayo ng pinsan mong si Nat. Ikaw kulang sa damit at si Nat, kulang sa pagkain. Mga hampaslupa," walang ano-ano'y tugon niya rito.

"Straight ka pala? Pass sa straight. Mga mapanakit. Akala ko hindi dahil close kayo ni Oliveros. Sige, bahala ka na diyan, pakikumusta na lang ako kay Nat. Pasalubong kamo. Nasa Singapore siya diba?" at iniwan na siya nito.

Narinig niyang inilock nito ang pinto. Napamura na lang si McKenzie at muling natulog.

Hapon na siya nang magising at ramdam na niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Wala pa siyang kain mula kanina. Nakabalot siya ng kumot na lalabas nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang isang matangkad na babae na nashocked din sa kanya kaya mabilis din nitong isinara ang pinto.

Sapo-sapo ang kanyang ulong kinuha ang susi ng kanyang car. Bigla ding dumating si Jin na may dalang package.

"Maligo ka na't magbihis. Don't worry, laging may extra towel, sabon and such sa cr. Hihintayin kita sa kitchen. Nagpadeliver na ako ng pagkain. Pakibilisan mo," at umalis na ito.

Kumilos na si McKenzie at natapos siya after 30 minutes.

Habang nagpapatuyo ay pahirapan siyang buksan ang package dahil maraming tape at nakabubble wrap pa ito.

"Bwisit naman to! Napakacheap naman! Mag-oorder na nga lang di pa sa mahal. Kahit Dior man lang sa t-shirt. Basta mga Morgan talaga cheap," reklamo niya at halos ayaw niyang isuot. Napangiwi pa siya nang makitang kulay puti lahat ng isusuot niya.

"Tangina, hindi kaya ako katihin dito?" Napangiwi na lang talaga siya sa harap nang salamin nang makita niya ang postura niya rito. Puting bra't panty tapos puting short at tshirt. Binilhan din siya ng black slippers na ang tatak ay Haweianas.

"Never in my entire life na nagsuot ako ng cheap! Putangina talaga! Pinaglalaruan ata ako ng Jin Morgan na yon!"

Paglabas niya ay nadatnan niyang nakikipag-usap ito sa babaeng matangkad na nakita niya kanina. Natigil ang mga ito nang mapansin siya.

"Are you done? Kumain ka na. May natira pa kaming dinuguan at siopao. May coke din," alok sa kanya ni Jin.

Umupo siya sa tapat ng kasama nito na pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa. Nagtatanong ang mga mata kay Jin.

"Wala bang pizza? And seriously, 7/11? I thought nagpadeliver ka? And what's dinuguan? Di ako kumakain ng ganyan," reklamo niya. "I want coffee."

"Ha? Di mo alam yan? Ba't di ka kumakain? Paborito naming apat yan. Luto ni Abi yan kaya sobrang sarap. Try it. By the way, I'm Hail, Jin's best friend and you are?"

Inirapan lang niya ito at kinuha na ang siopao. No choice siya dahil gutom na gutom na siya.

Inihanda na rin ni Jin sa harap niya ang kape.

"Jin, alam ba ni Abi na may kasama kang magandang babae dito sa condo mo? Gaano ka na katagal dito sa condo ni Jin, miss? Five years na kasi sila ni A—

"Hail!" saway ni Jin na naaasar na.

"Oh? Kagabi lang ako rito. In fact, magkatabi kaming natulog nang nakahubad," sabat ni McKenzie habang kumakain ng siopao.

Nanlilisik na ang mata ni Jin sa kanya pero wala siyang pake sa dalawa.

Nagpaalam na si Hail sa kanila.

"Let's go. Hatid mo na ako sa baba," utos niya rito.

"Ba't ang tahimik mo?" puna ni McKenzie kay Jin na kanina pa walang imik.

"Just ignore me," at nagpakabusy na ito sa phone.

Nang makalabas sila ng condo ay napamura si McKenzie.

"Fuck! Ba't may gasgas at yupi 'to?" tukoy niya sa Mercedes-Benz na hiram niya kay Silver. Nadagdagan lalo ang kanyang problema dahil hindi niya alam kung pano ito masosolusyunan.

"Oh shit. Nasagi ata yan kagabi dahil lasing na yong customer galing Ex's," simpleng sagot ni Jin habang sinusuri ang sasakyan. "Sasakyan mo naman yan di ba? Palitan mo na lang. Mayaman ka naman. Sisiw lang sayo yan." Hinawakan pa nito ang gasgas na parang may alam siya rito.

"Fuck. Tangina talaga ng gumawa niyan. Hiniram ko lang yan. Do you know some place kung san pwedeng iparepair yan?" Napamura na lang talaga siya dahil naalala niyang nakafreeze lahat ng bank accounts niya kaya wala siyang pera pambayad.

"Huh? Hiniram? Pwede naman sigurong pakiusapan. Sabihin mo binangga or what. Or ask your Dad, maybe may alam siya. Imposible naman ata na wala. I know someone."

"Sino?" mabilis na tanong ni McKenzie.

"Alam mo yong Ex's di ba? I heard that the owner is a famous professional driver. A Formula 1 race car driver to be exact."

"So what? Anong kinalaman ng pagiging racer niya sa gasgas ng sasakyan ko? Maaalis niya ba? Who's he? Para maipagawa ko na," naiinip na tugon ni McKenzie.

"Listen, hottie. Sabi kasi ni Dad, meron daw car dealership yon and syempre, nagrerepair din sila kaso need ng appointment para maaccommodate nila. High-end daw ang repair and maintenance service nila. The owner is not a he. It's a woman. Di ko pwedeng sabihin kung sino dahil bawal at di ko rin kilala. Tanungin mo na lang si—

"Baby! Kanina pa kita—

Napahinto ang babae nang makita silang dalawa. "Who is she, Jin Luxwell?"

Ang mga mata nito ay naghihintay ng sagot. Biglang kinabahan si Jin sa mga titig nito.

"Ah eh...alis na kami. Bye—

"I'm Jin's friend. We met sa bar last night. We had fun and inuwi niya ako sa—

"McKenzie! Si Oliveros ang may alam!Tanungin mo na lang siya," pagtatapat ni Jin na. Bakas sa mukha nito ang problema.

"Thank you Jin," matamis at malambing sa sambit niya rito sabay haplos sa pisngi nito.

Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at pinasibad ito.

Umuwi na siya sa kanyang penthouse at muling naligo. Nagpadeliver na rin siya ng wine at pagkain dahil hindi siya nabusog sa kinain kanina.

Ilang saglit lang ay natapos na rin siya at naideliver na rin sa kanya ang pagkain.

"Saan ko kaya hahagilapin si Nixon?" She was sipping her red wine while she was on her Macbook, scrolling about her business then she saw that her cousin Ashley was online.

She called Ashley via video call. Walang patumpik-tumpik na tinawagan niya ito dahil gusto na niyang puntahan si Nixon kahit na may atraso pa ito at si Ashley sa kanya. How could she forget na may lakad silang dalawa ni Nixon pero sumama ito kay Ashley.

Ashley didn't respond and she called her again for the third time.

Sa wakas ay sinagot na rin nito.

"Fucking bitch! What?! Stop calling me! Nasa meeting ako—

"Where's Nixon?" at binabaan siya nito. Di siya papatalo kaya tinawagan niya ulit ito kaso hindi na ito matawagan. Ashley blocked her.

"Sino bang pwede kong pagtanungan—

Agad niyang chinat si Johansen. Agad nagreply ang bakla.

"Puntahan mo sa bar. Laging may work yon. Ito rin ang number niya..."

Agad niyang sinave ang number nito at nagmamadaling nagbihis.

Nang makarating siya sa The Midnight Haven ay nagtungo agad siya sa bar counter at nadatnan niyang nagpupunas ito.

"Nixon!" Tumingin agad ito at natigil sa ginagawa. Ngumiti ito nang makita siya.

"For you. It's on me," sabay kindat nito sa kanya. She pulled Kale's tie closer.

"What was that for? Are you trying to flirt with me?" nakakaakit na bulong niya rito.

Kale gave her a peck on the cheek.

"Magwork muna ako ha? See you later, love. Pwede ka nang umalis kung—

"Bilisan mo! I'll wait here. Wag mong tagalan please?" Mahina namang natawa si Kale at ginulo ang buhok nito saka umalis.

Tuwang-tuwa si McKenzie habang iniinom ang cocktail na ginawa nito para sa kanya.

"This is so sweet. I love it. Ano kaya 'to?" Nag-order lang siya ng light drinks habang hinihintay si Kale. She has no energy to entertain other people sa tuwing may tumatabi sa kanya. She ignored every man who tried to invite her to dance.

Papayag lang siya kung si Kale ang magyaya.

"Hello Ms. McKenzie! Mag-isa lang po kayo?" masayang bati sa kanya ni Arian na ginantihan naman niya ng ngiti. Ganon din si Troy na mas inuna pang magpapogi at batiin siya kaysa iserve ang mga cocktails na dala nito.

It was already 11pm pero wala pa rin si Kale at inaantok na si McKenzie. Marami pa ring customers. Kahihintay kay Kale ay nakatulog siya.

It was already 1am nang magising siya. Tahimik na ang paligid at wala ng customers.

"Knight?" tawag sa kanya nang isang malambing na boses. "Lasing ka ba? Uwi na tayo."

"Nixon? No. Nakatulog lang ako while waiting for you." Pupungas-pungas pa siya pero she saw a red mark sa maputing leeg nito. Hindi na ito nakauniform at bagong bihis na.

"Is that a hickey?"

"Saan? Meron?" at kinapa-kapa ni Kale ang leeg.

She opened her camera sa phone at ibinigay ito kay Kale. "The hell. Sinabi ko na ngang wag. Nakakabwisit. May alam kang pantanggal?"

"Tanggalin mo na lang leeg mo," mataray na sagot ni McKenzie.

"Uwi na pala tayo. Sure ka bang di ka lasing?"

"Nakatulog nga ako di ba kahihintay sayo di ba? Paulit-ulit? Ano bang trabaho mo? Are you doing sex work?" tanong niya kay Kale habang palabas sila ng bar at isinasara ito.

"I'm only entertaining people and I never engaged in doing sex work," paliwanag ni Kale pagkasara niya.

"Ba't may hickey ka?"

"It's a misunderstanding, okay? It means nothing. Uwi na tayo." Hinatid na siya ni Kale sa parking lot. Hinintay muna siya nitong makaalis.

Nagtataka naman si Kale kung ba't di pa siya sumasakay. Pagod na pagod na si Kale at inaantok na.

"Di ka pa aalis? Mag-uumaga na Knight. May nakalimutan ka ba?"

Nag-aalangan naman si McKenzie kung sasabihin niya ang tunay niyang pakay dito.

"Sumabay ka na lang sakin. Wala ka ng masasakyan."

"Maglalakad na lang ako. Safe naman dito—

"Are you insane?! It's already midnight and maglalakad ka mag-isa? C'mon, sumabay ka na para makaalis na tayo. Inaantok na ako," at hinila na niya si Kale at isinakay ito.

Pinaharurot niya ang sasakyan.

"Ba't ang bagal mong magdrive? May problema ka ba? Kaskasera ka raw eh. Himala ata," pang-aasar nito sa kanya na inirapan lang niya.

"Ba't ba nangingialam ka? Kung manahimik ka na nga lang kaya? Ang dami mong sinasabi. Hindi 'to libre," pagsusungit niya pa.

"Wait! Dito na lang ako sa may 7/11. Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-uwi. Dahan-dahan lang ang pagmamaneho," at bumaba na si Kale.

Naglakad na ito paalis. Hinayaan lang ito ni McKenzie na makalayo hanggang sa dahan-dahan siyang bumaba at sinundan ito. Tahimik lang siyang nakasunod sa anino nito hanggang sa humarap ito at nahuli siya.

Di niya napansing malayo na sila at nakarating na sila sa bahay nito.

"Why are you following me? Wala ka bang balak umuwi? Ano bang kailangan mo? Umalis ka na," pagtataboy nito sa kanya. Madilim na ang paligid at wala gaanong poste ng ilaw.

Naguluhan si McKenzie kay Kale dahil okay naman sila kanina pero bigla itong naging cold.

"I need your help. Nabangga kasi yong na hiniram kong car at nagasgasan. Jin told me na you know someone na nagrerepair. That's why I waited for you sa bar hanggang ngayon." Napayuko na lang si McKenzie dahil it was her first time to ask help kay Kale.

Natahimik naman si Kale at nanlambot sa sinabi ni McKenzie.

"Get inside," tanging sagot nito sa kanya at sumunod na siya.

Pagpasok niya sa bahay nito ay di mapigilan ni McKenzie na ilibot ang paningin at di niya maiwasang ikunpara ito sa penthouse niya na napakalaki kumpara rito.

Maliit lang ang space ng bahay at semento lang ang sahig nito. Pagpasok ay sala na agad kung saan ang sofa nito ay yari sa kahoy at may mga unan. Ang tv ay lumang JVC na malapad pa ang likod. Pagkatapos nito ay kusina na na walang ref. Isang mesa lang na may apat na upuan. Sa gilid nito sa kaliwa ay banyo na.

Ang ikinamangha ni McKenzie ay kung gaano kalinis at kaayos ang mga gamit. Walang mga kung ano-anong frame ang nakasabit sa pader.

"Mag-isa ka lang dito?"

"Oo." Inabutan siya nito ng jogging pants at plain white t-shirt. "Mauna ka ng magbanyo." Pinahiram din siya ng tsinelas at iba pang kailangan niya.

Ilang saglit lang ay natapos na siya. Hinanap niya ito at nakita niya ito sa kwarto na nag-aayos ng kama.

"Pasensya ka na ha? Wala akong aircon at electric fan lang ang meron ako."

"Doesn't matter. Bilisan mo na nang makatulog na tayo."

Napangisi naman si Kale at pumunta na sa banyo.

Umupo na si McKenzie sa kama na sapat lang para sa kanya. She started to dry her hair habang hinihintay si Kale. Inaamoy-amoy din niya ang damit nito na sobrang bango. Kulang na lang ay singhutin niya ito na parang adik.

"Ano kayang pabango niya? Amoy mamahalin," wika niya sa sarili habang comfy na comfy sa suot niyang damit nito.

"Let me." Nagulat siya rito.

"Naligo ka ba? Ba't ang bilis mo?!"

"Naligo na ako sa bar kanina saka mabango na akong dati. Mas mabango ako sa damit ko. Baka gusto mo rin akong amuyin gaya ng pag-amoy mo sa damit ko," nakangising turan sa kanya nito.

Namula si McKenzie dahil sa hiya at hinampas ito ng unan at tinawanan lang siya. Pinatuyo na nito ang buhok niya gamit ang hair dryer at unti-unti na siyang inaantok.

"Okay na. Matulog na tayo." Nakatutok na kay McKenzie ang electric fan. Inayos na ni Kale ang lahat ng gamit. Naglatag na rin ito ng banig.

"Diyan ka matutulog? Ayaw mo ba rito?" Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon dahil gusto niyang makatabi ito.

"Hindi tayo kasya diyan at baka hindi ka pa makatulog. Okay naman na ako rito sa baba. Goodnight, Knight," at pinatay na nito ang ilaw.

Di naman naiinitan si McKenzie pero pabaling-pabaling siya sa kama. Hindi naman siya dapuan ng antok.

"Nixon? Tulog ka na ba?"

"Hmm?"

"I can't sleep."

"Hmm."

Kinuha niya ang kanyang phone at in-on ang flashlight nito. Nakita niyang nakapikit na si Kale at balot na balot ng kumot. Bumaba na siya at tumabi rito.

Napatingin siya sa malambot nitong labi saka mabilis na nag-iwas ng tingin. 

"Goodnight, Nixon," and she gave her a peck on the lips.

Kale responded to her kiss kaya nabitiwan niya ang kanyang phone. They started making out. Nakaibabaw siya rito at sa bawat halik nito ay parang nababaliw at nalulunod siya sa sarap. 

"Hmm," ungol nilang dalawa at tila parang musika ito kay McKenzie kaya mas pinalalim niya ang halik hanggang sa bumaba ang paghalik niya sa leeg nito. 

"Ahh," ungol ni Kale nang i-suck ni McKenzie ang leeg niya na nag-iwan ng red mark. Sarap na sarap si Kale sa ginagawa nito.

It was Kale's turn at pinagpalit niya ang kanilang pwesto. Siya ang umibabaw at mapusok na hinalikan si McKenzie na malaya nitong tinugon. Malayang naglalakbay ang kanyang mga kamay. Napapaliyad at napapaungol siya dahil sa kiliti na hatid ng bawat halik nito sa kanyang leeg. 

"Fuck, ang sarap," ungol niya nang sipsipin nito ang kanyang leeg na nag-iwan ng maraming marka. Marahan nitong hinahaplos ang kanyang katawan habang patuloy siyang hinahalikan nito.

Minarkahan pa siya nito sa dibdib at balikat. Hindi na siya hinayaan pang makabawi at pinagsawaan ang kanyang katawan.

Natulog silang magkayakap habang nakaunan sa braso ni Kale.

***

Linggo, naunang gumising si McKenzie. Nakaunan pa rin siya sa braso nito habang nakayakap pa rin kay Kale. Maganda ang kanyang umaga dahil sariwa pa rin sa isip niya ang ginawa nila kagabi.

Pinagmamasdan niya ang maamo at payapa nitong mukha na natutulog. Hiling niya na lagi sana silang ganito. Napapatanong na rin siya sa kanyang sarili pero hindi niya alam. Ang mahalaga ay masaya siyang kasama si Kale.

Napangiti siya nang makita ang hickey na iniwan niya sa leeg nito kaya muli niyang hinalikan ang leeg nito at nag-iwan ulit ng pulang marka. Nilislis niya ang suot nitong itim na t-shirt at minarkahan din ang balikat nito.

"Ahmm," ungol nito at marahang nagdilat ng kanang mata.

McKenzie was struck.

"You have blue eyes?" bulong niya na gulat na gulat at manghang-mangha sa mata nito. For her, it was a rare color of eyes at ito palang ang nakikita niya. "It looks familiar. Oo, nakita ko na yan before. It was raining and you ran away when I was calling you. You have blue eyes!"

Pumikit na ito at tinalikuran siya. 

"Nixon! Humarap ka nga! I wanna see it again!" at pilit niya itong hinaharap sa kanya pero ayaw talaga nito.

"Contact lens lang 'yon."

"Bawal matulog ng nakacontact lens so blue nga ang mata mo. I believe it's blue. Tama ako di ba?" 

Hindi ito umimik at bumangon na. Nakasuot na ito ng eyeglasses at niyaya na siyang lumabas.

"Wala akong wine at steak. Bibili muna ako ng pandesal. Kumakain ka ba ng pancit canton na may itlog? O nagkakanin ka?"

Napairap naman siya sa sinabi nito.

"I want ham and eggs sana but whatever is available, I can try something new naman. Sama akong bibili."

"No, dito ka na lang. Hintayin—tara na pala." Pinandilatan na niya ito kaya wala na itong nagawa.

Magkahawak-kamay silang lumabas papunta sa malapit na tindahan. Tuwang-tuwa si McKenzie dahil mahigpit nitong hawak ang kamay niya.

"Ba't tayo magkaholding-hands? Hindi naman ako sasama sa iba—

"Maraming tambay sa kanto at baka maligaw ka. Ang arte-arte mo pa man din."

Nagmake-face lang si McKenzie at namili na ang kanyang kasama.

"I want that. Bili mo nga ako no'n. Lahat na yan," turo niya sa isang garapon.

"Stick-O? Gusto mo 'yan?" Binili na ni Kale ang buong garapon at iniabot kay McKenzie.

"What's this? Masarap ba 'to? Gusto ko rin no'n." Napatingin na lang sa kanya si Kale at iiling-iling din na binili ang lahat ng yema.

"Tara na. Tama na 'yan. Ang hilig mo sa matamis kaya ang laki-laki mo na," asar sa kanya na tinarayan lang niya.

"Duh, nagwowork-out ako lagi and ang sarap pala nito. What do you call this? Condensed milk?"

"Yema lang yan tapos stick-o naman yang isa. Busog ka na siguro niyan. Akin na lang 'tong pancit canton ha? Pahingi ng isang stick-o."

"No!" at inilayo ito ni McKenzie.

Pag-uwi nila ay nagluto na si Kale at nagtimpla ng orange juice.

"San na yong car mo? Kunin mo na at ipark diyan sa tapat," utos niya kay McKenzie habang naglalaga siya ng itlog. Busy naman ang kasama niya sa pagkain ng stick-o. Sitting pretty ito sa sala.

"Tinatamad ako. Ikaw na lang ang kumuha please? Sa may 7/11 lang naman yon. Sige na and pano ba i-on 'tong tv mo? Wala ka bang wifi?" nag-iinarte na namang sabi ni McKenzie.

"Sige ako ang kukuha pero ikaw ang magluto? Meron akong wifi pero di kita papaconnect. May bayad," ganti niya rito kaya nakabusangot na ang mukha nito.

"Tapusin mo muna magluto bago mo kunin. Ano na ulit 'yong password mo?" palusot ni McKenzie at niyakap-yakap ito habang naghahalo ito ng pancit canton.

"Name ng girlfriend ko ang password."

Kinurot siya nito sa tagiliran.

"Wala kang girlfriend di ba?" madiing tanong ni McKenzie rito. 

"Meron nga kaya nga may password eh. Tara, kumain ka na. Akin na ang susi mo, kukunin ko na ang kotse mo," pag-iiba ni Kale at inihain na ang kanilang pagkain.

"Ano muna ang password mo?"

Nagpipigil ng tawa si Kale dahil seryoso na ang mukha ni McKenzie at parang konti na lang ay mananapak na ito.

"Sige na nga. Name lang ni Ashley ang password."

"So girlfriend mo pala siya. Di na ako makiconnect. I forgot, may load pala ako."

"Okay," nakangiting sabi ni Kale at sumubo na ng pancit canton. Pansin niyang wala na sa mood si McKenzie kaya lihim siyang natatawa rito. "Eh ano naman kung girlfriend ko si Ashley? Ang bait-bait nga niya eh tapos maganda at mayaman pa at higit sa lahat hindi siya ubod ng arte. Sa pagkain, pinagluluto niya ako tapos namimigay pa. Tapos minsan, kapag ako ang nagluluto, siya naman yong nagliligpit," kunwaring pagpaparinig ni Kale.

"Oh really? And you know what, I know someone na sobrang bait din. You know Jin? Napakabait niya. Pinatulog niya ako sa condo niya and tumabi pa siya sakin. She stayed with me no'ng lasing ako and she also bought me clothes. Napakagentlewoman and nagpadeliver pa siya ng food for me. She's so sweet and caring pala unlike others diyan," ganti ni McKenzie sabay higop ng orange juice. Ngiting tagumpay siya nang makita ang pag-iiba ng reaksyon ni Kale.

Napatigil ito sa pagsubo at seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Si Jin Morgan ba yan? Magkasama at magkatabi kayo? At lasing ka? Galing ka sa bar? Kailan? Ba't hindi kita nakita? Di ba sinabi kong 'wag na 'wag kang sumama doon?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

"Secret. She's not a bad person and tinulungan pa niya ako sa aking car. She's awesome. Kumain na lang tayo," at matamis siyang ngumiti na lalong ikinaseryoso ng huli.

Natahimik na silang dalawa habang kumakain hanggang sa matapos sila. Nagliligpit na ito at hindi siya iniimik.

"Uy."

"Maligo ka na. Ireready ko lang ang mga kakailanganin mo. Bilisan mo para makapunta na tayo kay Mang Estong."

"Thank you!" at hinalikan niya ito sa labi. Hinapit siya nito sa bewang at tinugon nito ang kanyang matamis na halik. Ilang segundo muna bago siya pinakawalan nito. "Maligo ka na," sabay pisil nito sa pwet niya. Parang kinikiliti na naman ang puso ni McKenzie dahil sa tagpong yon nila ni Kale. Para siyang baliw na nakangiti habang naliligo.

"Ang bango mo," at pinanggigilan na naman ni Kale ang leeg niya at minarkahan na naman siya nito saka dali-dali itong pumasok ng banyo.