Chapter 47 - Chapter 47

Chapter 47

"Kenz! Wait?"

Lalong nagmadali sa paglalakad si McKenzie nang makasalubong niya si Natalie sa hallway. Katatapos lang ng klase nila.

"Sinabi ng sandali eh!"

"What the hell is your problem Natalie?! Let me go! Busy ako!" sabi niya rito nang maabutan siya nito.

"Sabay-sabay na rin daw tayong maglunch. Matagal ka ng di sumasama samin! Hinahanap ka rin ni Aubrey bitch at kung may boyfriend ka na raw bang bago. Tara na!" at kinaladkad na siya nito.

"Stop! May aasikasuhin pa akong meeting!" pigil niya rito at marahas na bumitaw dito.

Tumakbo na siya paalis upang makipagkita kay Kale sa gym. Niyaya siya nitong sabay na silang dalawa lagi.

Pagdating niya sa gym ay lumapit na agad siya rito. Nakaupo ito sa bleacher, malayo sa mga kateammates nito.

"Nixon!" tawag niya rito at umalingawngaw yon kaya napatingin ang iba sa kanila lalo na si Coach Ellie.

"Nakahanap ka na ng trabaho? May pagkain ka ba?" tanong agad nito sa kanya nang makalapit siya. Inalalayan pa siya nitong makaakyat at nagtabi sila.

"Wala pa nga eh pero I'm still trying baka may mahanap ako."

"Alam ko na kung san ka pwede. Kilala mo naman si Mang Estong diba? Pwede ka ron. Kasama mo siya sa talyer."

"Ha? What do you mean? Gagawa rin ako like magfix ng mga car? Di ako marunong sa ganon!" oa na sagot niya agad. Mahina naman siyang hinampas nito sa balikat.

"Syempre alam kong wala kang alam sa ganon. Ang gagawin mo lang ay mag-aarrange ng mga appointment ni Mang Estong. Ikaw ang maghahandle ng mga payment tapos mag-aalok ka rin ng services at hahanap ka ng clients na bibili ng sasakyan. Gusto mo ba?"

"Okay. I'm fine with it. Mukhang madali lang naman ang gagawin."

"Bukas ka na lang magstart. Sasabihan ko na lang si Mang Estong. Wag mo na rin akong hintayin pa. After class, dumiretso ka na lagi don sa talyer. Sana kayanin mo ang trabaho. Kumain na muna tayo. Buti na lang namili ako ng extra. Di ka kasi bumili ng sayo."

"Hindi talaga ako namili dahil gusto ko libre mo ako lagi."

Susubo palang sana si Kale nang bigla siyang tinawag ni coach Ellie.

"Everyone, let's start! Go back to the court now!" at pumalakpak na.

"Bwisit talaga!" bulong ni Kale. "Maya na lang ulit ha? Wait mo ako," at hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi bago umalis.

Pinanood lang niya itong naglalaro habang kumakain. She realized something.

Marami pa siyang di alam tungkol kay Kale kahit na lagi na silang magkasama.

Kale is still a mystery to her.

Parang ang dami nitong alam na hindi niya alam.

Hindi man niya sabihin ay nagpapasalamat siyang nakilala niya ito dahil hindi niya inaasahan na ito pa ang tutulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

Naisip niya na kung hindi sila nagkakilala ay baka hindi rin mangyayari ang mga bagay na nangyayari sa kanya ngayon.

"Ang galing niyang maglaro no?"

Nagulat naman siya nang tumabi ang isang player.

"Hmm, nakakashoot naman siya wherein that's the point of basketball diba?"

"Tama ka naman pero hindi siya magaling for you?"

"You know what, stop asking dumb questions. If it's Nixon, then wala ng gagaling pa sa kanya not even you siguro or everyone na kasama niya," diretsa niyang sagot rito.

"You're into her?" nakangising tanong nito.

"Hail, back off. Don't disturb her. Kumakain siya. Tawag ka na ni coach," putol ni Kale sa kanilang dalawa habang nagpupunas ito ng pawis.

Nginisian lang silang dalawa nito at umalis na.

"Ginulo ka ba nong kapreng yon? Wag mo na lang pansinin. Tara na, tapos na ang practice namin. Magkita na lang tayo mamaya."

Ngiting tagumpay si McKenzie at siya na rin ang nagbuhat ng black duffle bag nito.

Tahimik lang silang dalawa pabalik.

"So see you later?" nakangiting sambit niya kay Kale na nakangiti rin sa kanya at kinuha na nito ang bag.

"Yes. Mag-aral kang mabuti at bumait ka na rin sana. Wag mo ako masyadong mamiss ha," asar pa nito sa kanya.

"Are you flirting with me? Yuck! Umalis ka na nga," paarte-arte niya pang sabi rito pero deep inside ay tuwang-tuwa siyang inaasar din ito.

"Oy, may standards naman ako kahit papaano no? Sige na babye na. Ang harot mo Knight." Hampas siya kay McKenzie at patawa-tawa itong umalis.

Pagpasok niya ay nakatingin ang mga classmates niya sa kanya.

"What?" mataray niyang sabi sa mga ito kaya nagsibalik ang mga ito sa ginagawa.

"McKenzie, close pala kayo nong basketball player na yon? Kailan pa? Madalas ko kasing nakikita na kasabay mo siyang pumunta rito. Sa pagkakaalam ko Kale Nixon ang name niya. Baka naman pwede mo akong ipakilala sa kanya. Idol na idol—

Napataas ang kilay niya sa babaeng kaklase na di naman niya kaano-ano. "At sino ka? We're not close at hindi rin tayo close para ipakilala sa kanya," masungit niyang sabi rito at nagscroll na sa kanyang phone.

"Sayang naman pero friends kayo ni Natalie Morgan diba yong pinsan ni Jin Morgan na team captain nina Kale Nixon? Mabait naman si Natalie diba? Nasaan siya?"

"Excuse me, are you a stalker? Coz you're creeping me out. Seriously, ano bang kailangan mo? You're a scary, dumb bitch," mahinang sambit niya.

"None of your business and thanks by the way," mataray ding sabi nito sa kanya na ikinagulat niya at napairap na lang ulit siya.

Faker. Bait-baitan 'pag may kailangan. Plastic pala.

Her class went well as usual. Boring pa rin at nakakaantok. Gusto na niyang umuwi para makasama si Kale.

Wala naman siyang magawa dahil hindi naman niya ito macontact dahil wala itong messenger or any messaging app. Nagtataka rin siya kung pano ito nabubuhay.

After her class at 5pm, lumabas na agad siya pero wala pa si Kale so she waited for a while. Mayamaya lang ay natatanaw na niya at may nakapulupot na babae sa braso nito. Nagsalubong ang kanyang kilay at biglang nag-init ang dugo niya sa babaeng kasama nito. Dumagdag pa ang malanding pagtatawanan ng dalawa.

"Uy Knight, kanina ka pa ba rito? Sorry, na-late ako," natatawa pa nitong sabi habang ineentertain pa ang babaeng kaplastikan niya kanina.

Nakahalukipkip lang siya habang masamang nakatingin sa dalawa pero sige pa rin si Kale.

"Pirma ko? Kontrata ba yan para pirmahan ko? Ayoko. Hindi pwede," at bigla siyang hinapit ni Kale sa bewang at iniwan na nila ang babae.

"Huwag mo nga akong mayakap-yakap. Maiiwan sakin at mahahawa ako sa amoy plastic mong babae."

"Plastic? Kilala mo ba yon? Nagpapapirma sakin. Autograph daw kaso nakasimangot ka na kaya di ko na pinirmahan."

"Balikan mo na. Nanghihinayang ka pa ata eh. Naabala ko pa ata kayo."

"Ba't ko babalikan? Sino ba siya? Di naman siya kasing ganda mo," sabay hawak nito sa kamay niya. Lihim siyang napapangiti dahil dito.

"Ano? Mas maganda siya?" pagpaparinig niya pero nagpipigil siya ng ngiti.

"Gusto mo lang ulitin ko yong sinabi ko eh."

"Edi mas maganda nga siya kesa sakin. Anyway, nevermind," sabay bawi niya sa kanyang kamay pero di siya hinayaan nito at hinigpitan pa ang pagkakahawak.

"Ang sungit mo talaga! Tara na nga kay Mang Estong para may trabaho ka na."

Sumakay na sila sa tricycle upang hindi abutin ng dilim.

"Himala, nilibre mo muna ako," biro nito nang siya ang magbayad ng kanilang pamasahe.

"Nakakahiya kasi sayo, wala kang trabaho," ganting asar niya sabay tawa.

"Wow ha! Ako pa talaga!"

Sabay na silang pumasok sa talyer at nadatnan nilang may kinakalikot pa sa ilalim ng isang mamahaling kotse si Mang Estong.

"Mang Estong!" tawag ni Kale sa matandang mekaniko. Agad itong tumigil sa paggawa at bumangon.

"Uy bata, nandito ulit kayo ni Miss Beautiful ah! How are you, pretty lady? Nasira ba ang kotse mo?" sunod-sunod na sabi ng matanda habang nagpupunas ng kamay niyang may langis.

"Nako Mang Estong, ayos na ayos po ang kotse and I'm fine po and always gorgeous," pagpapacute pa niya kaya siniko siya ni Kale na nakapoker face na naman.

"Wag ka na lang ata rito magwork."

"No! We had a deal na dito na lang ako sabi mo. Wala ng bawian!" reklamo niya at nagpout siya upang kaawaan nito.

"Anong ibig sabihin niya Kale? Dito siya magwowork?" sabat ni Mang Estong na naguguluhan at nilapitan si Kale saka bumulong.

Nagets naman ni Kale ang nais iparating ng matanda kaya napatingin na lang ito kay McKenzie na tahimik na pinapanood sila.

"Sige Mang Estong, maraming salamat pero ako na pong bahala sa kanya. Knight, starting bukas pwede ka ng magwork dito at alam na ni Mang Estong ang drill. Ituturo na lang niya sayo. Kayo na pong bahala sa kanya ha? Magbehave ka rito Knight, wag na wag mong bibigyan ng sakit sa ulo tong si Mang Estong lalo na't di na siya bumabata pa," malokong sabi ni Kale sa dalawa.

"Aba bata, baka gusto mong ibalibag kita ngayon nang makita mo kung sinong hindi matanda rito! Kahit na ganito na ang edad ko, malakas pa rin ito!" sabay flex sa dalawa nitong biceps na medyo maugat dala ng matagal ng pagtatrabaho at pagbubuhat. "Kung ganon, di na pala ako mag-iisa rito sa talyer dahil may makakasama na akong napakagandang dilag. Paniguradong pipilahan itong talyer ko. Welcome dito sa MT! Ang nag-iisang auto repair shop na gumagawa ng mga mamahalin at ilang sports car dito sa Pinas!" masayang panimula nito sa kanya.

"Maraming salamat Mang Estong!" Inilibot muna siya nito sa buong shop. Hinayaan lang sila ni Kale na naglilibot din mag-isa.

"Mang Estong, ba't puro mamahalin lang at sports car ang tinatanggap niyong gawin dito? Ayaw niyo po ba nong mga common cars?" curious na tanong niya rito habang pinapakita sa kanya ang mga nakahanay na sports car na aayusin nito.

"Alam mo McKenzie, marami na kasing auto repair shop ang gumagawa ng mga sasakyang tinutukoy mo. Kahit saang city o probinsya ka magpunta sa buong Pilipinas, meron at merong talyer na gumagawa. Kung may tagaayos ng mga sasakyang mura, dapat meron din yong mga mamahalin at kami lang yon. Gaya ng sabi ko, nag-iisa lang itong talyer ko sa buong Pilipinas na gumagawa ng mga luxury cars at alam mo ba, top secret lang to ha? Wag na wag mong sasabihin sa iba. Bumibili rin ako ng mga sports car na rush ibinebenta. Buti na nga lang at dinala ka ni Kale rito tapos ngayon ay makakasama pa kita kaya lalong aabante tong talyer ko."

"Really? So you're earning a decent amount of money here? How's the payment naman nong mga clients? And ba't wala kayong helper? Mas mabilis sana ang work if may katulong," puna niya rito.

"For the payment naman, siya ang naghahandle ng lahat-lahat," sabay turo nito kay Kale na walang kamuwang-muwang at pinagmamasdan lang ang kabuuan ng talyer. "Di kami tumatanggap ng cash. Cheque o bank transfers lang under her name. Isa akong automotive engineer kaya kaya kong ihandle mag-isa ang trabaho. Kailangan ko kasi ng qualified na kasama if maghahire ako kahit na tagaabot lang yan ng mga langis at tools o tagapalit ng gulong, need may experience at certifications dahil hindi pipitsugin ang mga sasakyan dito. We're dealing and repairing million-dollars worth of cars here. Sana naintindihan mo na kung paano ang trabaho rito sa MT," mahabang paliwanag nito at bumalik na sila kay Kale.

"Ang tagal niyo ata Mang Estong? Alam mo na ba ang trabaho Knight?" baling naman nitonsa kanya.

"Medyo pero marami na akong natutunan from Mang Estong at sa buong shop."

"5pm-10pm ang store hours ng talyer ko McKenzie. Mas marami kang makukuhang client, mas malaki ang commission mo."

Napataas ang kilay niya. She's loving her job na kaagad kahit di pa siya nagsisimula.

"How much are we talking here?"

Nagkatinginan si Kale at Mang Estong na nakangisi.

"Hundred thousand dollars McKenzie and she can give it to you in a snap of her fingers," proud na proud na sabi pa ni Mang Estong na ang tinutukoy ay si Kale.

"You could raise it higher if you perform well," sabay kindat ni Kale sa kanya.

She was mind-blown. Hindi nagsisink-in sa utak niya ang lahat ng mga pangyayari dahil hirap siyang paniwalaan ang mga ito.

"For real? Seryoso? Aren't you some kind of scammers? How come—bullshit."

"Bullshit talaga kasi legit tapos problem solved ka pa. Marami kang utang diba? Ilang araw mo lang tatrabahuhin dito yon," mayabang na sabi pa ni Kale sa kanya. "Tara uwi na tayo. Mang Estong, kayo ng bahala rito bukas ha? Thank you nang marami!"

"Roger that, Kale! Mag-iingat kayo ni miss ganda. Bye miss ganda!" at bumalik na ito sa pagtatrabaho habang sila ay umalis na rin.

"Hoy, gago ka ba? Legit talaga yong trabahong yon? I mean di naman ako nagcocomplain but parang too good to be true kasi. Hindi ka ba o kayo sindikato or nagbebenta ng illegal drugs?" skeptical pa ring tanong niya rito habang naglalakad sila pauwi.

"Kung gago ako edi sana binigyan na kita ng marijuana diyan o kaya shabu para ibenta mo. If you're still unconvinced, you can back out Knight. Hindi kita pipilitin sa mga bagay na ayaw mong gawin."

Nahinto siya sa sinabi nito at naalala ang ex niyang si Royce.

They were too different from each other. Royce was a pushy person and he would do everything to get what he wanted.

"Okay ka lang ba? Gusto mo na bang magmarijuana?" pukaw sa kanya nito kaya hinampas niya ito sa balikat.

"Siraulo! Nagugutom na ako. Tara libre mo ako sa Mcdo," at kumapit na siya sa braso nito.

Pagdating sa Mcdo ay nag-order agad siya habang nakakapit pa rin sa braso ni Kale.

"So tell me, are you the owner of that talyer?" panimula niya nang makaupo sila habang naghihintay.

"What made you think na ako ang may-ari? Malinaw naman ang sinabi ni Mang Estong na sa kanya yon at katulong lang ako don."

Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito kaya sinukat niya ito ng tingin habang nakatingin din ito sa kanya.

"I'm not convinced. Ang sabi ni Mang Estong sayo raw nagbabayad at ikaw ang tumatanggap ng lahat ng payments thru bank transfers in dollars. Sino ka ba talaga? Ang dami mong trabaho then the clothes you gave, lahat branded. Maybe that's the reason kaya nabibili mo lahat ng yon," hinala niya rito. Gusto lang niyang malaman kung paano ang ginagawa nitong trabaho.

"Uy, ang OA naman. Sakin lang naman dumadaan ang pera pero hindi sakin napupunta yon. Gaya mo, may commission lang ako dahil trabaho ko lang yon. Hindi naman porke't nakakabili ng branded na damit ay mayaman na agad, pwede bang may trabaho lang?" nakangiting sagot naman nito.

Hindi talaga siya kumbinsido and she didn't push any further.

"So sino ka nga? I bet you came from a rich family. Hindi mo lang inaamin. Yong mga work mo, hindi basta-basta lalo na sa talyer. Yong pagiging bartender mo, pwede pa pero...yon nga."

"Hmm. Gusto mo ba talagang malaman?" naghahamong sabi nito sa kanya kaya lalo siyang nacurious.

"Oo naman. Baka mamaya you're a part of syndicate pala."

Natawa naman ito nang mahina. "Kumain muna tayo. Gutom lang yang mga iniisip mo."

Ngumuso na lang siya at saktong dumating na rin ang order nila.

"Ganito pala lasa nito. Masarap pala pag unli gravy. Knight, tingnan mo yon," mabilis naman siyang tumingin.

"Anong meron?" luminga-linga pa siya pero wala naman siyang nakikitang kakaiba nang mapansin niyang kinukuha na nito ang chicken skin niya.

"Walang hiya ka talagang lesbi ka! Kaya pala inuuto mo ako!" Binawi niya ang pagkain pati na ang tinidor nitong may chicken skin niya at sinubo ito.

"Ang damot mo naman. Para balat lang ng manok ayaw mo pang magbigay. First time ko kayang kumain dito," pagpapaawa nito sa kanya pero inirapan lang nito.

"Alam mo mukha kang tanga diyan. Hindi bagay sayo ang magpaawa. Nakakainis lalo! Bagay na bagay talaga kayo ni Nat, parehas patay-gutom!"

"Oh? Bagay na bagay ba talaga kami ni Natalie? Parehas din ba kaming masarap...kumain?" makahulugang saad nito.

Agad niyang nagets ang sinabi nito kaya kuhang-kuha nito ang inis at gigil niya.

"Joke lang! Anyway, do you have any plans tomorrow?" kapagkuwa'y tanong nito sa kanya.

"Why? Are you asking me on a date?" pilyang sagot naman niya habang nilalaro ang ice cubes gamit ang straw.

Natawa naman si Kale at di na sumagot pa.

"Nagugutom pa ako," wika niya nang matapos sila.

Nagulat na lang siya nang biglang hinubad nito ang suot na hoodie.

"Wear it. I could see na nilalamig ka. Hintayin mo ako rito. Ako na ang mag-oorder ng gusto mo."

Napakagat-labi siya sa ikinilos nito. Di niya mapigilang di kiligin dahil sa pagiging sweet nito sa kanya na bihira lang nitong gawin. Nakangiti niyang inamoy-amoy ang black hoodie nito saka isinuot.

Tangina, ba't sobrang bango niya lagi? Ano kayang perfume niya?

Pagbalik nito ay may dala na itong bff fries, sundae at burger. Tumabi na ito sa kanya at hinintay lang siya.

Nagulat naman ito nang bigla niyang subuan ito ng fries. Parang bata si McKenzie na spoiled na spoiled. Inihilig din niya ang ulo sa balikat nito.

"Nixon, selfie tayo dali! Tingin ka bilis!"

Bigla itong nagpose na parang takot na nashock habang nakaopen ang bibig nito.

"Ayusin mo naman! Ang ganda-ganda ko tapos ganyan ka. Para kang ewan," reklamo niya at nagpose ulit sila. This time nagfacemask na si Kale.

Nakuhanan na niya ito at mabilis na hinawi ang facemask. Badshot tuloy ang kinalabasan.

"Wag na wag mong ipopost yan!" mariing sabi nito sa kanya habang pilit inaagaw ang phone niyang agad niyang itinago.

"Kiss muna," sabay turo niya sa sariling pisngi na nang-aasar.

Hinawakan siya nito sa wrist paalis ng Mcdo.

"Wait! I'm not yet do—

Nakalabas na sila at pumara na ito ng taxi habang hawak pa rin siya nito.

"Where are we going na? Di pa kasi ako tapos kumain eh. I was only joking, idiot!"

"Nandito na tayo. Matulog ka na dahil gabi na oh. Uuwi na ako," paalam nito nang maihatid siya sa Sunrise Knight Palace.

"Ha? Uuwi ka na agad? Akyat muna tayo sa penthouse ko. Maaga pa naman."

"Anong gagawin natin?"

"Depende sayo kung anong gusto mong gawin," maharot niyang sabi. Nanahimik agad ito at nakatingin lang sa kanya.

"Next time na lang. Maghahanap pa ako ng trabaho eh."

Sumimangot agad siya dahil sa pagkadismaya.

"Sigurado ka? This is a once in a lifetime offer."

Pinitik siya nito para matauhan siya.

"Aray ko naman! Sige na lumayas ka na! Wag na wag ka nang magpapakita saking lesbi ka! Bye!"

Naiiling na lang si Kale habang pinapanood itong pumasok sa condo.

Pagod pero masaya siyang nagtungo sa kanyang penthouse.

Laking gulat niya nang madatnan ang kanyang ama at ex na si Royce na nag-uusap sa kanyang living room. May kanya-kanyang hawak ito ng baso ng whiskey.

Agad siyang napansin ng dalawa.

"Anong ginagawa mo rito?" asik niya kay Royce na napatayo naman at akmang lalapitan siya pero pinagbantaan niya ito. "Don't you dare. Get out!"

"McKenzie Knight!" sita sa kanya ng ama pero hindi pa rin siya kumalma. "He wanted to talk with you but he couldn't reach you so he asked me. Alam kong aalma ka sa sasabihin but please give him a chance to explain then you decide."

"No Daddy! I told you that he's a cheater! A freaking good cheater! I had enough. I don't tolerate cheaters! Don't tell me Dad gusto mo akong makipagbalikan sa kanya?! No fucking way!"

"Show some respect McKenzie! Hindi lang ako ang kausap mo!"

Nagpupuyos sa galit ang loob niya dahil sa ama lalo na kay Royce.

"Mr. Henderson, ako na pong bahala kay McKenzie. As I promised, I'll fix everything," magalang na sabi nito na lalong nagpatindi sa galit niya.

"Mag-uusap tayo pagkatapos nito," maawtoridad na sabi nito at iniwan sila.

"Ano pang ginagawa mo rito? Leave now!"

"You heard the man. Mag-uusap tayo, McKenzie," pagmamatigas ni Royce sa kanya.

Halos masuka siya sa pagtawag nito sa pangalan niya.

Dumiretso na siya sa kanyang kwarto dahil hindi na niya ito matiis na kausapin. Isasara na sana niya ang pinto pero nakasunod na pala ito sa kanya at ito na ang nagsara ng pinto.

"You know what? Pagod na pagod na yong tao. Manhid ka ba o sadyang tanga ka lang? Doktor ka pa man—

"Mahal pa rin kita McKenzie," walang paligoy-paligoy na sabi nito sa kanya. Mababakas sa gwapo nitong mukha ang pangungulila sa kanya. Malalim na rin ang eyebags nito na hindi naman ganoon dati nong sila pa.

Tila estatwa lang siyang nakaupo sa kanya habang abala sa kanyang phone.

"May iba ng nagpapasaya sakin. Matagal na rin naman na sana tayo. 3 years lang naman yon kaso di ko alam na gusto mo pala ng dalawang minamahal at higit sa lahat, yong kumakandong pa. Hindi na siguro kinaya ng alcohol sa ospital mo ang kati—

"It was a misunderstanding. Hindi ko ginusto ang nangyari at siya ang nagsimula. She wanted a promotion but I refused because she didn't deserve it then she immediately kissed me—

"And you liked it?" mapait niyang sabi rito. May kirot pa rin ang ginawa nito sa kanya dahil minahal din niya ito nang totoo ngunit niloko lang siya.

"No. Ikaw lang ang nasa isip ko ng mga oras na yon."

Hindi siya tumugon.

Lumapit ito at umupo sa kanyanf kama. "Please McKenzie, nagmamakaawa ako sayo. Please give me a second chance to prove to you that I really love you," buong puso at umaasang sabi nito at marahang hinawakan ang kanyang kamay.

"Sure," nakangiting sambit niya.

"Talaga?" shocked at masayang sambit ni Royce. Nabuhayan ng pag-asa.

"Yes and I already liked someone else."

Napawi ang ngiti nito at biglang dumilim ang mukha nito.

"Sinong lalaki yon?" malamig na tanong nito. "Look at me, McKenzie."

Tumayo na siya dahil nauubusan na siya ng energy makipag-usap sa isang walang kwentang doktor na tulad ni Royce.

Nagtungo na siya sa cr upang maligo at hinayaan na ang walang kwenta niyang ex na hindi na kumibo at nakatulala lang sa kawalan. Bakas sa mukha nito ang matinding frustration at pagseselos dahil may nagugustuhan ng iba si McKenzie.

Hinintay ni Royce na matapos itong maligo.

Paglabas ni McKenzie ay wala na si Royce. Nakahinga naman siya nang maluwag.

Hinanap niya ang kanyang phone sa kama pero di niya ito makita.

"Are you looking for this?" Halos manigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang nakakamatay na boses na iyon.

Nandoon pa rin pala si Royce. Mahigpit na hawak ang phone niya.

Kahit nakatapis lang ng towel ay pilit niyang inaagaw pabalik ang kanyang phone ngunit ayaw pa rin nitong ibigay. Hindi niya mabasa ang emosyon nito.

Bigla nitong binuksan ang phone.

"Who is this person?" walang kaemo-emosyong tanong nito.

Nanlamig siya sa tanong nito habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Kale na kuha sa Mcdo kanina.

"Why do you care? It's none of your business! Give me back my phone now!" at pilit tinatalon ito dahil hindi niya abot.

"Tell me and I'll leave you alone. If you don't, you'll never see her again. You know what I'm capable of. Gagawin ko lahat, makuha ko lang ang gusto ko, McKenzie. Kaya kong manakit kung hindi mo ibibigay ang gusto ko," walang kagatol-gatol na sabi nito sa kanya na parang sa isang sabi lang niya ay na nitong pumatay.

"W-what do you mean her?" maang-maangan niyang tanong. Hindi niya alam kung paano nito nalaman yon. "Just leave it. Hindi yan importante."

"Bakit may picture kayo kung hindi importante? Be mine again and I'll this person."

Hindi niya alam ang gagawin dahil ayaw niyang sabihin kung ano ang meron sila ni Kale ngunit natatakot din siya sa kaligtasan nito kung sakaling hindi siya pumayag sa gusto ni Royce. Alam na alam niya kung paano maglaro si Royce.

Hindi patas at may tinatapakang tao palagi makuha lang siya at ang mga gusto nito.

"I'm waiting."

"I can't think right no—

"Babalik ka at magiging sakin o hindi mo na makikita ang tao 'to? My terms are very clear and easy. I want your answer now."

Halo-halo na ang nararamdaman niya at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya ng mga sandaling yon. She was getting pressured.

"You're blackmailing me. Get out."

Lumambot ang expression nito.

"My father is a notorious and tyrant lawyer. This is not blackmail. I call this negotiation," at ibinalik na nito ang kanyang phone. "I don't have patience. Mukhang ayaw mong sabihin at ayaw mong bumalik sakin. Then I'll do my own dirty work."

Umalis na ito habang naiwan siyang may matinding pangamba sa kanyang dibdib lalo na sa kaligtasan ni Kale.