Chapter 44 - Chapter 44

"Nasaan na si Kale? Paki-contact nga siya Mary. The competition will start in 10 minutes. I told her multiple times na agahan ang pasok," naistress na sambit ni Professor Montoya dahil kanina pa silang 8am sa Henderson University na venue ng quiz bee competition.

"Ma'am, hindi po makontak si Kale," kinakabahang sagot ni Mary dito. Sina Russell at Jared naman ay busy sa paglalaro ng Call of Duty sa kanilang phones habang naghihintay.

Napahilot nalang si Professor Montoya sa kanyang sentido at kinalkal ang kanyang phone sa bag upang kontakin si Kale.

"Sorry, I'm late. Nagstart na po ba?" humahangos na sabi ni Kale.

"Finally, dumating ka rin," striktong saad ni Professor Montoya rito sabay ayos sa collar ng black polo shirt ni Kale. Ang black polo shirt na suot nina Kale, Jared at Russel ay ang official organization shirt ng civil engineering sa kanilang university. Black polo shirt for the official participants at orange with white naman kapag president ng organization gaya ni Mary.

Manghang-mangha si Professor Montoya sa itsura ni Kale ngayon dahil wala itong suot na beanie at hindi rin nakahoodie kaya kitang-kita ang makinis at maputi nitong kutis.

"I love your outfit today. Bagay na bagay sayo ang nakablack polo. And your hair, stress ka ba masyado or natural hair? Ang daming puti eh," pabulong na puri ni Professor Montoya habang magkasabay silang naglalakad habang nauuna naman ang tatlo nilang kasama.

"Masyadong stress po sa quiz bee at basketball training," di komportableng sagot ni Kale.

"Ahh, akala ko highlights," natatawang sambit pa nito sa kanya na ikinapoker face niya lang.

"Goodluck guys! Galingan niyo para tayo ulit ang champion! Kayang-kaya niyo yan!" pagchecheer ni Mary. "Let's pray bago kayo pumasok sa room niyo." Mary lead the player. Tahimik lang si Kale na nakikinig habang iginagala ang paningin niya sa main hall.

"Go go go guys!"

"Goodluck Kale. Galingan mo. I'm rooting for you. May reward ka sakin if magchampion ka," at marahang pinisil ni Professor Montoya ang balikat niya.

Nangilabot siya dahil kanina pa ito. She felt uncomfortable pagdating niya.

The quiz bee started.

Marami silang ka-compete at mula rin sa iba't ibang prestigious universities.

Si Jared ang nakaupo sa gitna at binubuhat ng dalawa ang kanilang university habang si Kale naman ay nanonood lang dalawa niyang kasama na mabibilis at mahuhusay sa pagsagot.

"Okay ka lang ba diyan ading?" pangungumusta ni Jared sa kanya dahil sa katahimikan niya. Nagthumbs-up lang siya bilang sagot at nginitian lang siya nito.

Two hours have passed ay sila ang leading pero may ka-tie sila, ang Vermont University.

"Nakalimutan ko 'yong ginamit na formula rito. Nabasa ko 'to pero fuck! Alam mo ba 'to Kale?" bulong ni Jared. Sinubukang isolve ni Russell pero hindi niya rin makuha.

"1 ang sagot," biglang sambit ni Kale habang hinihintay na matapos magbilang ang proctor.

"Ha? Hindi ah! When you substitute it—

"Just write 1. 'Yan ang sagot. Manalo, matalo, 1 'yan. Isulat mo na wala na tayong—

"Time's up! Everybody stop writing. Hands up."

Pinaubaya na nina Russell at Jared ang kanilang sagot tutal hindi rin naman nila alam at 1 na lang ang isinagot.

Pigil-hininga ang lahat lalo na silang tatlo dahil worth 3 points ang huling tanong sa difficult round.

"The correct answer is 1! And we got a champion for the civil engineering quiz bee! Congrats everyone!" at minarkahan nito ng 1st place ang Henderson University.

Napatalon sa sobrang saya sina Jared at Russell saka ginulo-gulo ang buhok ni Kale.

"Grabe, ang galing mo! Tama ka nga! Ang galing-galing natin! Champion na naman tayo wooh! Congrats satin!" at nagyakap-yakap silang tatlo habang iniiwas ni Kale ang sarili pero bigo siya.

Paglabas nila ay sinalubong agad siya nang mahigpit na yakap ni Professor Montoya at paulit-ulit na kinongratulate.

"Congrats guys, job well done! Sobrang worth it ng pagrereview natin pati na ang pagchecheer ni Mary. Thank you so much for giving pride again to our university. Sa susunod ulit," at makahulugang ngumiti si Professor Montoya sa kanya.

"Ang galing niyo po kasing coach, ma'am kaya nanalo kami at salamat talaga kay Kale dahil siya po ang nakasagot kaya nanalo kami!" masayang kwento ni Jared ay inakbayan si Kale na nakapoker-face na naman. Ayaw na ayaw niya kasing pinupuri.

"You did your job and you worked as a team. Hindi rin talaga ako nagkamali na kunin si Kale dahil alam kong makakatulong at maipapanalo niya, niyo ang university natin. Before everything else, maglunch na muna kayo. Sponsored yan ng university and wala munang uuwi. By 3pm, awarding ceremony. Don't be late lalo ka na, Kale."

"Yes ma'am. Thank you po ulit," pasasalamat ni Kale.

Inabutan ni Mary ng tig-iisang paper bag ang tatlo at sabay-sabay na silang naglunch.

"Gusto mo bang sumabay maglunch?" palihim na alok ni Professor Montoya kay Kale.

"Nixon!"

Napalingon siya nang biglang may tumawag sa kanya. Napangiti siya nang makitang kumakaway ito at patakbong lumapit sa kanya.

"Congrats! I heard that you won sa quiz bee. Ang galing galing mo talaga

Laging number 1," at mahigpit siyang niyakap nito.

"Thank you Knight," at niyakap din niya ito. "Wala ka bang klase ngayon?"

"Wala dahil sa event ngayon. Let's have a lunch together. Where do you want?" nakangiting alok nito sa kanya.

"Binigyan na kami ng lunch eh. Ito oh. Sa cafeteria na lang siguro tayo para malapit. Babalik pa kasi kami mamaya for awarding."

Magkahawak-kamay silang pumunta sa cafeteria. Pagdating nila doon ay napakaraming tao na mula sa iba't ibang universities at occupied lahat ng tables. Marami pang nagsisiksikan na nakapila sa bawat store counters.

"Hanap muna tayo ng pwesto then wait mo na lang ako. Ako na lang ang bibili."

Ngiting-ngiti si McKenzie habang magkapulupot ang kanilang mga braso. Sakto may kaaalis lang na pangdalawahang tao at doon na sila pumwesto. Inilapag na rin ni Kale ang kanyang free lunch.

"Anong gusto mo?"

"Ano bang masarap?" at palinga-linga si McKenzie sa mga tindahan.

"Ewan."

"Ikaw ng bahala." Kakamot-kamot ng ulo si Kale na umalis.

"Ano bang pwede sa kanya? Wala naman atang steak, pizza or any French food dito." Nag-ikot ikot muna siya ng pwedeng mabilhan.

"Ate, pabili po ng isang shawarma rice, palabok, dalawang cookies and cream na shake at dalawang malaking tubig po."

Saglit lang ay nakabalik na siya habang si McKenzie ay abala sa phone nito.

"Let's eat na," at ipinaghain niya ito.

"What are these? Are these your favorites? Masasarap ba 'tong mga 'to?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya habang iniisa-isa ang pagkain. "And ano 'to?" parang nandidiri na tanong pa nito sa kanya.

Naiiling na lang talaga siya rito. "Bicol express 'yan. Try it. Sobrang sarap niyan lalo na kapag sobrang spicy. One of my favorite pinoy foods."

"Oh? Wala ka bang gulay na binili? Akin na lang yang broccoli mo!" at kinain na ito ni McKenzie pag-open niya sa bigay na free lunch. It was beef and broccoli.

"Try mo rin 'to," at sinubuan niya ito ng bicol express.

Sabay na silang kumain habang ang kanyang kasama ay nilantakan na ang mga binili niyang pagkain lalo na ang bicol express.

"Wait," sambit niya rito saka pinahid ang gilid ng labi nito na may gata.

Kinilig naman si McKenzie at di makatingin kay Kale na masayang pinapanood siya.

"Nixon, wag mo nga akong panoorin. Para kang stupied, nadidistract ako."

"Masama bang panoorin ka? I can't help it. Ang ganda-ganda mo pa rin kahit ang lakas mong kumain. I'm glad that you liked the foods I bought for you. Those are my favorites," sabay higop niya sa kanyang cookies and cream shake.

"Then, they are my favorites too. It was my first time eating these kind of foods. Thank you for buying me all of these, I—

"What?"

"Wala wala wala. Kumain ka na lang diyan," at nagmamadaling humugip ng shake si McKenzie. Hiyang-hiya siya dahil muntikan na niyang masabi ang hindi dapat. Hindi na tuloy siya makatingin kay Kale nang diretso dahil kung ano-ano ang pinag-iisip ng kanyang utak.

"Actually, it was only my 2nd time buying bicol express. I grew up eating Spanish foods and mga pasta. Limited lang din ang alam kong ponoy dishes at kina dude ko lang nalaman at natikman 'yang mga 'yan. Ashley taught me how to cook them. Share ko lang naman."

McKenzie raised her eyebrow.

"Really? Marunong siyang magluto? Or ikaw lang ang pinagluluto niya? Ang sweet naman niya. You like her?"

"Of course, I mean 'yong luto niya. She's a good cook lalo na 'yong kare-kare niya. Super sarap. Next time, papatikim ko sayo."

Biglang nawalan ng ganang gumain si McKenzie.

"I can cook for myself. Ba't di mo na lang siya niyaya here? Matabang naman pala 'tong bicol express. Hindi siya masarap. Ayoko na niyan and 'yong kare-kare, I don't eat that. Gusto mo pa?" Sa totoo ay hindi naman talaga siya marunong magluto.

"Huh? Konti na lang 'yan, di mo pa uubusin? Sayang naman." Problemado na naman si Kale.

"Pati 'tong shawarma rice sobrang alat. The shake is super tamis naman. I don't eat pancit," at uminom na ito ng tubig.

"Palabok 'yan. Masarap 'yan promise. Tikman mo," pangungulit sa kanya ni Kale na halos di na kumain sa kaaasikaso nito sa kanya.

"Nagluluto rin ba ng ganyan si Ashley mo?" mataray na tanong nito.

"Hindi. Ayaw niya 'yan dahil mas gusto niya ng pancit at lumpiang gulay. Favorite ko rin 'yong leche flan na gawa niya."

"Bakit di ka magpaluto sa kanya? Paluto ka para mabusog ka—

"Ang sungit mo bigla. Nagseselos ka ba kay Ashley?" nakangising tanong ni Kale ngunit mabilis na nag-iwas ng tingin si McKenzie.

"Hey, look at me," at hinawakan ni Kale ang baba nito para humarap 'to sa kanya. "Nagseselos ka nga—

"No! Of course not! Ba't ako magseselos?!" at sumabay ang pamumula ng mukha nito.

"Good because I like someone else," at diretso niyang tiningnan sa mata si McKenzie.

"Back off, stupid," sabay alis ng kamay nito sa baba niya. "So, who is it?"

"Someone na maganda."

"May car?"

"Meron."

"Mayaman? Nandito sa Henderson?"

"Ewan pero nandito."

"Mas matanda sayo?"

"Oo? Wait, ba't ang dami mong tanong? Parang kilala mo kung makatanong ka ah!" sabay pisil niya sa ilong nito.

"Sinasagot mo rin naman and ba't ba nangingialam ka sa trip ko? Gusto kong malaman kung sino. Actually kilala ko na kung sino," nakangising sagot nito sa kanya.

"Sino?"

"Si Professor Montoya. Mayaman, may car, maganda, nandito sa Henderson at mas matanda sayo."

"I don't have a thing for professors. Ikaw, sino bang gusto mo?"

"'Wag kang mag-alala, hindi ikaw ang gusto ko. I think I like someone else too," mahinang sambit nito sa kanya.

"Hay nako, hilig talaga sa mga gwapo! Kumain na nga lang tayo, puro ka kalandian Knight!" Inirapan lang siya nito.

Hanggang matapos kumain ay tahimik na silang dalawa.

"Aalis ka na? Mayamaya na. Maaga pa naman," nalulungkot na sabi ni Kale nang nag-aayos na si McKenzie paalis.

"Yes. I need to go na. May klase kami sa isang subject kahit na may event. See you later. Don't miss me so much ha? Baka mabaliw ka," malokong sabi naman nito sa kanya na tatawa-tawa pa.

Nagpout lang siya.

"Mamaya ka na lang kasi umalis. May event naman, 'wag ka na lang pumasok. Samahan mo na lang ako rito. Para naman kasing tanga 'yang prof niyo. Di niya ba alam na may event? Sige naman na kasi Knight. 'Wag ka nang pumasok please? Minsan lang naman 'to," pagmamakaawa niya.

"Pilitin mo muna ako. Lately, you're being needy. What's wrong with you?" amused na tanong niya rito dahil para itong bata sa kanya.

"Dito ka na lang kasi. Kawawa na nga ako, wala akong kasama tapos iiwan mo pa. Di ka ba naaawa sakin? Sige na pumasok ka na. Bumagsak ka sana," tila nagtatampong wika nito at ngumuso na.

Kinurot siya nito sa tagiliran.

"Tangina mo talaga! Hinding-hindi ako babagsak! Bahala ka diyan, papasok na ako. Di ba masarap magluto si Ashley? Ba't di siya ang yayain mo?" panunubok ni McKenzie rito at inaabangan niya ang sagot.

Magkamali lang ito ng sagot siguradong wala na itong makikitang magandang McKenzie Knight.

"Tutal ayaw mo naman akong samahan, doon na lang ako sa office niya. Matutulog na lang ako. Ayaw mo na nga akong samahan, wala pang kiss kahit nanalo ako sa quiz bee."

"May sinasabi ka ba? Magsama na kayo ni Ashley mo tutal bagay naman kayong dalawa. Bagay na bagay."

"Pumasok ka na rin. Baka hinihintay ka na rin ng special someone mo," ganti niya.

"Oo nga eh. Baka hinihintay na nila ako." Napatingin naman si Kale at di na umimik.

Umalis na si McKenzie habang nagtungo na rin siya sa office ni Ashley upang matulog.

***

Paggising niya ay nakayakap na sa kanya si Ashley na mahimbing na natutulog. Tiningnan niya ang wall clock.

4:00 p.m.

"Babe? Gising ka na ba?" bulong ni Ashley at sumiksik pang lalo sa leeg ni Kale.

"Yeah. Matulog ka pa," bulong niyang sagot habang hinahagod ang likod nito kaya lalong idinikit nito ang sarili sa kanya dahil sa kiliting dulot niya.

"Let's sleep together babe," at hinalikan siya nito sa leeg kaya napahigpit ang hawak niya sa balakang niyo.

Ipinasok nito ang kamay sa loob ng damit niya at hinimas ang tiyan niya. Napasinghap siya nang magtaas-baba ang kamay nito sa paghimas at pagtrace ng abs niya. Hinayaan na lang niya ito hanggang sa makatulog ulit siya.

***

Alas-siyete na ng gabi nang magising si Kale at nasilayan niya itong bagong ligo at nakatapis lang ng tuwalya. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito.

"Babe," malambing na tawag nito sa kanya at hinalikan siya nito sa pisngi. Amoy na amoy niya ang mabangong sabon nito. "Take a shower. Sabay na tayong umuwi."

"Nagugutom na ako," tanging sagot niya rito. "Sa bahay na lang ako maliligo. Uuwi na ako Ash."

"Sabay na tayo," at kusang nahulog ang tuwalyang nakatapis sa magandang katawan nito. Kitang-kita niya ang kahubadan nito habang ang mga mata nito'y nang-aakit na nakatingin sa kanya.

Nilapitan niya ito at pinaharap sa salamin.

"You shouldn't be doing this," at binihisan na niya ito.

"Why not? Sa'yo lang naman ako ganito. Ikaw lang ang makakakita at sa'yo ko lang ipapakita," at kinuha nito ang kamay niya't inilagay sa kaliwang dibdib nito.

Nagulat si Kale at babawiin na niya sana ang kanyang kamay ngunit idiniin pa ni Ashley ang kanyang kamay sa sariling dibdib at bahagya itong umungol na lalong nagpataranta sa kanya.

"L, I love you so much. Matagal na kitang mahal simula no'ng nasa Germany pa tayo. Ever since, I always admire you from afar. You were a distant star that I could only watch from the other side. As much a I wanted to get closer to you, I couldn't because my sister already owned your heart. I thought it was over for me until I found you on the streets that night. I will do everything for you. Please be mine. Be my girlfriend, L."

Saglit na nanahimik si Kale at binawi ang kanyang kamay mula sa dibdib nito.

Magkatinginan ang kanilang mga mata sa salamin.

"Ashley, you mean a lot to me. I owe you everything. Without you, I won't be where I am now. I will always be grateful to you because you helped me at my worst and you were my light in my darkest times. I kept pushing you away but you stayed. All those 3 years of pain, misery and hopelessness of my life, you saved me. You're very special to me but we can't be together, Ashley. Hanggang dito lang ang kaya kong ibigay. I'm sorry."

"Why? Kahit minsan ba, wala kang naramdaman sa akin? Kahit kaunti? I've been waiting for this time all my life. I'm willing to risk everything L. Gagawin ko lahat, maging akin ka lang," garalgal na sambit ni Ashley at hinawakan nang mahigpit ang kanyang kamay.

"Ashley, y-you know that we can't. I'm s-sorry. We can't be together like you want us to be," at marahan niyang binawi ang kanyang kamay.

"Bakit L? Dahil ba m-may m-mahal ka ng iba?" nahihirapan at mabigat ang damdaming sabi at tuluyan nang naglandas ang mga luha sa magandang mukha nito.

Umiwas siya ng tingin sa salamin. Hindi niya kayang tingnan na umiiyak si Ashley nang dahil sa kanya. Napapikit na lang siya habang pinapakinggan ang paghikbi nito.

"I'm really sorry Ash, but I can't afford to lose you. I don't want to hurt you and I won't forgive myself if I did that to you. You're very special to me. I don't want to lose someone so dear to me again," at niyakap niya ito nang mahigpit. Patuloy lang sa pag-iyak si Ashley.

Katahimikan at paghikbi nito ang namutawi sa kanilang pagitan.

"You can leave now," garalgal na sambit nito sa kanya nang akma niyang pupunasan ang luha nito.

"Pero Ash—

"I'm fine. You can leave now," at iniwan na siya nito.

Lumabas na rin siya na mabigat ang loob at bago isara ang pinto ay tinanaw niya muli ang kwarto kung nasaan silang dalawa kanina.

Madilim na habang siya'y naglalakad pauwi. Nakayuko lang siya habang malungkot at kung ano-ano ang mga naglalaro sa kanyang isip.

Nahinto siya nang may bumusina't naka-high beam. Hindi niya ito pinansin at naglakad lang.

"Nixon!" tawag nito sa kanya. Mabagal na nakasunod ang kotse at sinasabayan ang paglalakad niya.

"Nixon! Get in the car. Sabay na tayong umuwi," tawag ulit nito pero di siya pinansin ni Kale at dire-diretso lang sa paglalakad.

Bumaba na ito at hinawakan siya sa braso.

"I said get in the car at sabay na tayomg umuwi." Walang emosyon siyang tiningnan ni Kale at pabalang itong sumakay.

Sumakay na rin si McKenzie saka mabilis na pinaharurot ang kotse.

"I'm sorry. It's just that...I waited for you since awarding ceremony kaso you never came so I decided na hintayin ka pauwi. I wanted to call you kaso I don't know your number," at hinawakan nito ang kamay niya habang abala ang isa sa manibela.

Parang sinundot ang puso ni Kale sa sinabi ni McKenzie ngunit hindi rin niya maiwasang malungkot kaya't itinuon na lang niya ang atensyon sa bintana.

"You seemed quiet. Okay ka—

"Sa Midnight Haven na lang ako."

"May work ka? Aren't you tired? Kagagaling mo lang sa contest. You should rest muna," concerned na sabi nito.

"I need to survive. Hindi ako mayaman kaya hindi pwedeng mapagod."

Tumahimik na lang si McKenzie dahil ramdam niyang wala ito sa mood at minabuti na lang niyang intindihin ito kaysa mag-away sila. Ayaw niyang mangyari 'yon.

"It's closed," sambit ni McKenzie nang makarating sila sa tapat ng The Midnight Haven.

Bumaba na lang ito at nagtanong sa guard na nagbabantay sa bar.

"Umuwi ka na," cold na sabi sa kanya ni Kale nang makabalik ito.

"Let's go. Ihahatid na kita. Gabi na."

"Pwede bang umuwi ka na lang ng hindi ako kasama? Kaya ko naman ang sarili ko," iritadong sagot sa kanya nito na ikinagulat niya dahil babago itong sumagot ng ganito sa kanya.

"O-okay," at pinaharurot na niya ang sasakyan paalis. Bahagya siyang nasaktan sa inasal nito. Hindi niya alam kung may nasabi ba siyang mali upang magkaganito ito.

Naisip niyang baka ayaw na siya nitong kasama at mas gustong kasama ang pinsan niyang si Ashley. Diniinan niyang lalo ang tapak sa isiping 'yon.

Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili at nalilito na rin siya dahil araw-araw na lang ay iniisip niya si Kale at halos di siya mapakali kapag hindi ito nakikita at tuwang-tuwa siya sa tuwing magkachat at magkatawagan sila buong gabi. Lately, ang daming nagbago sa kanya lalo na ang mga bagay na di niya ginagawa noon dahil sa isang babae.

"Fuck! I hate this life!" sigaw niya sa kawalan.

Pagkauwi niya ay dali-dali siyang naligo saka nagpadeliver ng pizza na hindi rin niya kinain.

She was about to sleep nang may nagbell sa kanyang pinto. Hindi na sana niya ito pupuntahan pero dire-diretso ang pagtunog nito kaya bwisit niya itong pinuntahan.

"Who the fuck—

"Surprise McKenzie Knight!" at sumilip ito sa dalang bouquet of flowers.

"Hello sweetie! I missed you so much!" at niyakap siya nito nang napakahigpit.

"Mom? Dad?" at yumakap siya rito nang napakahigpit. "Dad, you don't give me flowers. It's always been a key," sabay pout sa Daddy niya.

"No more car keys, young lady. May utang ka pa sakin. Your company is slowly losing some profits. Your bank accounts are frozen. All you have is this bouquet of flower," makulit na sagot sa kanya nito.

"Don't worry about it sweetie. Let's get inside muna at may pag-uusapan tayo," at hinila na siya ng kanyang Mommy.

"Mom, anong pag-uusapan natin? Dapat chinat niyo na lang ako ni Daddy. I'm going to sleep na kasi."

"Sweetie, may iba bang pumupunta rito?"

"H-Ha? Wala po Mom!" kabadong sagot niya. "Bakit?"

"Nothing sweetie. Mag-isa ka lang kasi and make sure na safe ka lagi ha? What about your friends? Di ba sila pumupunta rito?"

"No, Mom. Di po ako nagpapapunta ng friends dito dahil makakalat sila."

Tinawag na sila ng kanyang Daddy sa kusina. Nakapaghain na ito ng red wine at cake.

"Flowers for you, Knight," wika ng kanyang Daddy sabay abot ng dala nitong bouquet. Bigla niyang naalala si Kale dahil sa pagtawag nito.

"Alam mo ba sweetie kung kanino galing ang flowers na 'yan?" nakangiti at tila kinikilig na tanong ng kanyang Mommy.

"Huh? What do you mean Mom? Malamang sa inyo ni Dad."

"Haha! Di ka lang namin nabisita sweetie, you're so stupid na! Kay Royce galing ang flowers. Matagal ka nang tinatanong sa amin ng boyfriend mo and this coming Friday, we'll be having a dinner together."

Agad niyang tinapon ang bouquet na ikinagulat ng parents niya.

"No Mom! Hindi ako sasama. I don't want to be with that guy anymore! He's a freaking cheater! He cheated on me with his nurse. I caught them in the act when I went to Spain to surprise him but ako ang nasurprise."

Biglang sumeryoso si Mr. Henderson.

"Sigurado ka ba McKenzie Knight? Alam mong ikaw lang ang nag-iisang babae kong anak at ni minsan hindi kita hinayaang masaktan tapos gaganyanin ka lang niya."

Napayakap na lang siya rito dahil mahal na mahal siya nito.

"So hinyaan mo lang 'yong nurse? Dapat dinagdagan mo pa ng nurse. Don't resort to violence. Be kind to animals," sarcastic na komento ng Mommy niya at tinapon na ang bouquet.

"Marami pa namang iba diyan na may respeto at marunong rumespeto sa mga babae. He's a doctor kaya siguro he treats everyone well. Hindi porke't mayaman siya't anak ng bilyonaryo ay may karapatan na siyang saktan ka. Huwag ang anak ko. Cut ties with him. Sa susunod, piliin mong mabuti ang magiging boyfriend mo at dadaan muna sakin 'yan. Mag-aral ka na lang muna. Bata ka pa," pangaral ng Daddy niya.

Naalala niya si Kale pero iwinaksi niya ito dahil imposible ang kanyang naiisip at hinding-hindi mangyayari sa kanilang dalawa 'yon. Nalilito na siya sa kanyang sarili.

"We'll stay for the night. Goodnight. Don't entertain him anymore," at hinalikan na siya ng mga ito sa pisngi at pumunta na sa guest room.

Nagscroll muna siya ng pictures nilang dalawa ni Kale bago matulog. She received no calls and chats from Kale kaya di niya maiwasang isipin ito.

***

Lumipas ang mga araw ay hindi na muli niyang nakita si Kale. Huling kita niya rito ay no'ng Lunes pa na inihatid niya ito.

Pinuntahan din niya ito sa room at nagtanong sa mga kaklase pero absent ito at Lunes pa raw ito no'ng huling pumasok.

Labis siyang nag-alala dahil Biyernes na ay wala pa rin ito. Hindi niya alam kung saan ito hahagilapin dahil limited ang contact niya kay Kale.

Naglalakad siya paalis sa room nito nang biglang may tumawag at humawak sa kanyang braso.

"McKenzie!"

Tila napako siya sa pamilyar na boses na yon at bumangon ang lahat ng inis at galit niya rito.

Imbes harapin ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad ngunit sinusundan pa rin siya nito at naabutan ulit.

"Wait McKenzie!"

Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa gwapong mukha nito.

"Don't you dare touch me you fucking cheater. Napakakapal din ng mukha mo para magpakita pa rito. Touch me again and you'll be six feet under. Wag ka ng umasa pa because I'm seeing someone else," seryoso at madiin niyang sabi rito na lalong ikinalungkot ng kanyang ex na si Royce.

"No, McKenzie! Wait! Let me explain—

Dumapo na naman ang kamay niya sa pagmumukha nito.

"I already saw it with my two eyes. Sarap na sarap ka sa pakikipaglampungan sa pokpok mong nurse. Everything about you screams nothing but shitty and a fucking cheap asshole. I don't care if you're a doctor or a son of a billionaire. Dahil wala kang kwenta."

Royce kept his cool.

"No matter what you say, I won't give up on you, McKenzie. Mahal na mahal kita. I will make sure na hinding-hindi kayo magtatagal ng lalaking nilalandi mo. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. From now on, you'll be on my watch. Hinding-hindi ako uuwi sa Spain ng hindi ka kasama. I'll let this pass but I'll take back what is mine and that is you, McKenzie Knight."

Umalis na siya at tinawagan ang kanyang ama.

Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang makalayo na siya.

"Mc! Tangina! Wala kang paramdam!" at niyakap siya nito. "Nasaan si Kale? Kumusta na kayo?"

"Wala nga siya eh. Five days na pero di pa rin siya pumapasok. Alam ba ni pony kung nasaan siya?" malungkot na sagot niya. "Pasalubong ko pala."

"Ba't di mo ichat? Hala ka, baka pagpasok no'n may bago na. Baka busy din makipagdate o kaya baka may sakit. Inaalagaan ni Ms. President. Sa Monday na lang 'yong pasalubong mo. Nasa condo ko, bawal ka pumunta. Tara cafeteria," sabay akbay nito sa kanya na nakangiti.

Napaisip naman si McKenzie kung may sakit si Kale eh ayos naman ito no'ng huli silang mag-usap.

She misses Kale so much.

"Wala siyang sakit. Ichat mo nga si pony. Itanong mo kung nasaan si Nixon, dali!" utos niya sa kaibigan.

"Pa-connect. Wala akong data."

Pinaconnect na niya ito at tinawagan nito si Johansen sa messenger.

"Ello tomjones, ba't ka tumatawag nasa cr akes?"

"Excuse me pony, do you know where Nixon is? This is McKenzie pala."

"Ow the fuck bitch! Fucking, fucking bitch! Ano na namang need mo kay baks? She's in Thailand."

"Thailand? Sinong kasama niya? Can I have her number?"

"None of your business, bitch! Will send it to you. Ahh! Fuck ang sarap!" ungol nito bagong inend ang call.

Hindi number ang sinend sa kanya ni Johansen kung di link ng Facebook account nito na nakaprivate. Nakapangbartender ang picture nito.

Walang kagatol-gatol na nagsend siya ng friend request upang mamessage ito. First time niyang gawin ito sa ibang tao dahil kadalasan siya ang finafollow o sinedendan ng friend requests. Kahit ang mga kaibigan niya ay ito ang nag-add sa kanya.

Kale N. O. accepted your friend request.

Tuwang-tuwa si McKenzie nang kinonfirm agad nito ang friend request niya.

"Hi. Anong gusto mong pasalubong, Knight?" unang chat nito sa kanya.

Pigil na pigil ang mga ngiti ni McKenzie at halos abot-tenga na ang mga ito.

"Ikaw. Uwi ka na. I missed you."

Nag-heart react lang ito.

"I missed you too. Sa Monday pa ako uwi. Ingat ka palagi, Knight."

"You too. Pwede bang ngayon na? Ang tagal pa ng Monday. May pasok na 'yon. Ngayon na lang kasi please? Susunduin kita sa airport pag-uwi mo."

"Mag-isa ka lang ba ngayon o may kasama ka?"

"Si Eiji lang ang kasama ko. We're going sa cafeteria na. Ikaw ba? Are you with someone ba or...mag-isa ka lang din?"

"I'm solo but now hindi na dahil kausap na kita. See you later. Tatawag ako sa'yo once nasa hotel na ako. Take care, Knight."

Muntikan nang mapatili si McKenzie at hindi niya maiwasang di kiligin sa chat ni Kale lalo na't tatawagan siya nito mamaya. She was excited and she was looking forward dito pag-uwi niya.

"Omg Eiji! Let's go na, nagugutom na ako! Libre mo ko!" at masayang-masaya siya na hinihila ito.

"Bilis magbago ng mood ah! Mukhang may nilalandi ng bago. Ang bilis ah! Kanina lang nakabusangot ka—

"Where's Tyler pala?" tanong niya nang makaorder sila.

"Bakit na naman? Tanong ka nang tanong ba't di mo hana—joke! Nasa bilyaran kasama si Reign at Black."

"Tawagan mo nga siya ngayon. May itatanong lang ako," at tumusok siya sa pagkain ni Silver. "What's this? Ang sarap." Kukuha pa sana siya nang inilayo na ito ni Silver.

"Hoy babae, mamili ka ng sayo. Konti na lang magagaya ka na kay poknat. Siomai-hubad 'yan kaya masarap dahil hubad."

Ibinigay na nito ang phone.

Lumayo si McKenzie upang kausapin si Tyler.

"Sure, sure. Okay lang ba sayo? Thank you so much Tyler! You're the best kaysa rito sa kasama ko. Mabulunan nga sana siya eh. I'll call you later na lang ha? Thank you!" at ibinalik na niya ang phone ni Silver.

"Pati rin ba si Tyler hinaharot mo? Ang landi mo talaga Mc! Lahat na lang hinaharot mo! Haliparot! "

"No way! Kay Nat 'yon. Wag mo akong itulad sayo na ubod ng babaero! Tangina mo hindi ako haliparot! Hindi ako malandi like mapili ako sa mga dinedate. Gusto ko yong mayaman at mapera. The one na kaya akong gastusan. Ang yaman-yaman ko tapos makikipagdate ako sa walang pera, I'm not a sugar mommy."

"Kahit pangit basta mayaman at mapera papatulan mo? Tanga-tanga mo kasi ang yaman-yaman ng ex mo hiniwalayan mo pa. Doctor na nga tapos anak pa ng bilyonaryo tapos marami pang lahi inayawan mo. Gwapo at matangkad pa. Wala ka nang mahahanap na ganon Mc tanga."

Napairap siya sa kabobohan ni Silver.

"Alam mo kaya di ka nagkakajowa eh. Ang hina ng utak mo, puro kabobohan. Ang ganda-ganda ko tapos papatol ako sa pangit? Magkasala pa ako. And you wish na sana di ako nakipaghiwalay sa gagong yon kahit nasa kanya na ang lahat? That's the problem. Pati pagiging cheater kinuha na niya. Lahing cheater talaga. Ayoko na sa mga Spanish, German at Italian. Mga cheaters!" pagrarant niya.

"Madala. Ang sama-sama kasi ng ugali mo tapos bully ka pa ayan tuloy, nagcheat si Royce sayo. Mas matanda sayo 'yon diba? 5 years right? 21 ka and he's 26. Sayang sugar daddy na sana. Buti pa ako, sa nag-iisang Australian lang nagmamahal. Ikaw kasi gusto mo lahat. Kabobohan mo. Buti na lang nagbreak kayo, may karamay na ako. May ireto ako sayo."

"Anong connect? Nagbago na ako. Di na ako nambubully at nagmumura. Mabait naman talaga ako, sadyang he's a cheater and you know what. He was here a while ago and he was begging to me na makipagbalikan and here's a catch, gusto pa niya akong iuwi sa Spain, the nerve of that bastard! Mawala na sana siya rito sa Pilipinas at 'wag ng bumalik pa!" gigil na gigil na pagkukwento niya habang abang na abang si Silver.

"Ay weh ba? Ano pang gagawin niya? Nasaan siya? Nandito pa rin ba? Sana sinampal mo nang bonggang-bongga! Sayang, wala si baklitang Johansen dito. Palaban 'yon eh baka imbes na sapakin niya ay luhuran niya. Kasi naman Mc, di naman sa type ko si Royce pero ang gwapo niya talaga as in. Alam mo 'yon, mukhang malinis at mabango lagi tapos matangkad at mayaman like choke me Daddy. Siya na ata magpapa-straight sakin. Napakapogi talaga—joke! Doon pa rin ako sa magaganda."

"Kahit isaksak mo na siya sa baga mo! Dapat di na bumabalik ang mga masasamang damo. Sobrang tanga niya lang dahil pinagpalit niya ako sa pokpok na nurse. Let's forget about him. It's not my loss and di siya kawalan besides I'm more than happy now," nakangiti niyang tugon.

"Mukhang may bago ng nagpapasaya sayo ah! Pano pag nalaman ni Royce yan tapos ipitin niya ang company niyo? Or better, puntiryahin niya yang bago mo? What will you do?"

Nawala ang ngiti sa labi niya at napaisip.

"My parents will take care of everything. Di naman nila hahayaan na mangyari yon sakin and we have powerful connections too. If ever need ng lawyer, nandiyan ka naman. You can help tutal family of lawyers kayo diba? Let's forget about him na."

"Haha tanga! At least give him a chance to explain para—

"No! Parang sinabi mo rin na bigyan ko siya ng second chance. Fucking no! Where's Aubrey pala? Namimiss ko na ang bitch bestie ko."

"May klase pa siya. Sabay kaming uuwi mamaya," simpleng sagot nito sa kanya na ipinagtaka niya dahil parang hindi ito masaya.

"Can I tag along? Para di na ako magdrive. Sasabay—

Pinandilatan agad siya nito nang mata na nagpapahiwatig na wag siyang sumama.

"Fucking no bitch! Humanap ka ng kasama mo and what about my car? Make sure na walang gasgas kung di babangasan ko yang mukha mo!"

"No worries. Walang gasgas yon and mukhang brand new pa rin unlike nong may-ari. Ingatan mo si bestie ko and please tell her na magshoshopping kami sa Sunday after mass."

Muntikan ng mabilaukan si Silver sa narinig.

"Mc, pu—ikaw na ba yan? Nagsisimba ka na ngayon? Legit, ikaw na yan? Yong kaibigan naming sukdulan ng sama ng ugali tapos biglang magsisimba na lang? Anong nakain mo? Himalang may mabuting espiritung sumapi sayo. Kami lang ni Ty ang nagsisimba sa atin eh. Sama ka samin gusto mo? Tama yan, magbagong buhay ka na."

"Duh, bihira man akong magsimba but I always pray naman. May kasama na ako. Kayo na lang ni Tyler."

"Sinong kasama mo?" curious na tanong ni Silver kahit may idea na siya kung sino base sa pangiti-ngiti ni McKenzie.

"Si Aubrey."

"Nah. Hindi nagsisimba 'yon. She's not a Catholic."

"So what? Everyone is welcome na magsimba no matter what their religion is. Basta siya ang kasama ko."

"Ahh. Edi sabay-sabay na lang tayong magsimba sa Sunday, 8am. Akala ko si Kale ang kasama mo eh. G ka?"

Hindi niya naisip ito dahil nasa Thailand pa ito and the thought of going to church with Kale excites her even more because she can spend more time with her after.

"Okay. Sunduin mo na lang pala kami sa condo ni Aubrey."

"Sige sige. Pupuntahan ko na pala siya ngayon. Sabay na kaming uuwi. Bye Mc," masayang paalam nito at iniwan siya.

Tumambay na lang muna siya habang hinihintay si Tyler. She sent a message to him at nagreply itong papunta na.

"Zie! Kanina ka pa ba naghihintay? Katatapos lang ng klase ko. Let's go."

Masaya silang nagkukwentuhan lalo na si Tyler na maraming sinasabi tungkol sa mga pagkain at pagluluto nang biglang mapahinto si McKenzie. Bakas sa mukha niya ang pangamba.

"Tyler," tanging sambit niya nang makasalubong nila si Royce na unexpected din na makikita sila.

Dumilim ang mukha nito at salubong ang mga kilay nang makita silang dalawa lalo na si Tyler.

"Who is he?" maawtoridad na tanong ni Royce. Ang mga mata nito ay diretsong nakatingin sa kanya.

Mahigpit na hinawakan ni Tyler ang kamay ni McKenzie saka hinila palapit sa kanya.

"Uuwi na kami. It doesn't matter who I am. Please excuse us—

"Let her go," madiin na sabi ni Royce habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Tyler.

Walang emosyon na nakatingin si Tyler dito habang hindi na alam ni McKenzie kung anong gagawin lalo na't baka saktan nito ang kaibigan.

Lalong humigpit ang hawak ni Tyler sa kamay ni McKenzie saka marahas na binawi ang kanyang brasong hawak ni Royce.

Lalagpasan na nila ito nang bigla ulit siyang hawakan nito kaya walang ano-anong sinuntok niya ito sa mukha.

Bulagta si Royce habang sapo-sapo nito ang putok na gilid ng labi.

"Mabait akong tao pero kung magdudulot ka ng kapahamakan sa kaibigan ko, higit pa diyan ang matatamo mo," walang-awang sabi ni Tyler at umalis na silang dalawa.

"Tyler, are you okay? 'Yong kamay mo," nag-aalalang tanong ni McKenzie nang makasakay sila sa kotse nito.

Nginitian lang siya ni Tyler. "I'm fine Zie. Normal lang 'to. Diretso na ba tayo sa bahay o dadaan ka muna sa penthouse mo para kumuha ng gamit?"

"To my penthouse first if okay lang ba? Thank you so much Tyler lalo na kanina. That guy deserved your punch for cheating on me."

"Si Royce 'yon? Akala ko random guy lang nangungulit makipagdate sayo. I'm sorry, I'm not familiar with his face so you two broke up? You deserve someone better na hindi magchecheat sayo. Marami pang ibang lalaki diyan na better."

Nangiti naman si McKenzie dahil hindi lalaki ang nasa isip niya kung hindi si Kale.

Nanguha lang siya ng kanyang gamit at nagtungo na sila sa bahay nina Tyler.

"Tuloy ka Zie. Welcome to our home," at inalalayan na siya nito sa pagbubuhat ng kanyang dalang maliit na maleta. "Wala pa sila Mommy. Anong gusto mong ulam? Ipagluluto kita. Dito kasi sa amin, hindi sanay magpadeliver dahil maraming leftover foods from our restaurants."

"Parang masarap ang bicol express ngayon. What do you think Ty?"

"Wow! Kumakain ka pala non? Babago ata yan Zie ah. How about sisig? Masarap din 'yon. You want it spicy or extra spicy?" natatawang tanong ni Tyler habang nagsusuot na ng apron.

"Ikaw ng bahala basta sobrang sarap. Do you know din ba how to bake?"

"Oo naman. I got it from Daddy. Pwede ka munang magshower habang hinihintay 'to tapos pili ka na lang kung saang guest room ka mag-i-stay. Feel at home, Zie. Tawagin mo lang ako if you need anything."

Nagpasalamat na siya at nag-ayos muna ng kanyang sarili.

Ilang beses palang siyang nakakapunta sa bahay nina Tyler ay naaamaze pa rin siya sa modern style nito at prominent ang mga chandelier. Two-storey and spacious ang kabuuan ng bahay. Lagi niyang tinitingnan ang mga framed pictures at portraits ng pamilya na ito lalo na ang picture ng batang Tyler na walang ngipin sa gitna.

"Ang ganda talaga ng ate mo, Tyler," manghang-mangha na sambit niya habang pinagmamasdan ang family portrait kung saan nakatayo ang mga magulang ni Tyler habang nakaupo ito sa gilid, pang-apat sa tatlong nakatatanda nitong kapatid na mga babae.

"Gandang-ganda ka talaga kay Ate Tyrell. Lahat naman ng mga ate ko magaganda at mapuputi. Ako lang ang moreno, nagmukha tuloy akong ampon haha! Nasa Dubai na si Ate Tyrell at nakapangasawa siya ng bilyonaryong Emirati. Five years na sila ng asawa niya at lima na rin ang anak nila. Si Ate Tamara naman, yong pangalawa, nasa UK at yong pangatlo, si Ate Taylor, nasa kumbento."

"Wait, what? Nagmamadre? Kaya ba active ka rin sa church dahil nagmamadre ang ate mo?" di makapaniwalang tanong ni McKenzie ngunit humalakhak lang si Tyler.

"Haha! Tanga hindi! She's a lesbian dahil nong nalaman ni Dad na lesbian siya, yon ang challenge sa kanya. May pinopormahan kasi siyang madre. Kaklase at bestfriend niya sa nursing noon. And yes, active ako sa church kasi gusto ko hindi dahil kay ate na nanliligaw sa isang madre."

"How did your parents react no'ng nalaman nila na lesbian yong ate mo? What happened to her at sa madre?" curious na curious niyang tanong habang nagluluto si Tyler.

"Isang linggong nagbake si Daddy at hindi kinakausap si Ate Taylor hangga't hindi nito nauubos ang cake. Si Mommy naman, tinawagan agad sina Ate Rell at Ate Tam at sinabing may bago raw silang kapatid. Tulad mo, gulat at palaisipan sa dalawa kong ate kung buntis daw ba si Mommy eh 52 na siya that time and Daddy was 55. Hanggang ngayon, nagtransform na't lahat lahat si ate Taylor, di pa rin sila nagkikita-kita. Yong madre, pumasok na mag-isa sa kumbento, lumabas siyang tatlo na kasama si ate. My sister is very happy now."

"How the hell was that? How come na tatlo na sila? You mean, dalawa na yong madreng inuwi ng ate mo or may anak na sila?" tsismosang tanong niya habang nakalapit na sa kusina.

"Zie, akala ko ba ayaw mo sa mga lesbians? Homophobic ka diba? Don't get me wrong—

"Tyler! Just answer my question! Nacucurious talaga ako."

"Tinurukan ni ate si madre," nakakalokong sagot naman nito sa kanya.

"Like in-vitro?"

"No. More of a natural process," at kinindatan siya nito. "No more further interrogations, miss."

Napairap na lang siya at pinamadali na si Tyler sa pagluluto.

"Dalian mo Tyler! Sarapan mong mabuti at nagugutom na ako!"

"Panong sarap ba? Anghangan ko pa? Gusto mo atang magkaalmoranas Zie, haha!"

"Baby! We're home!" Napatingin silang dalawa sa tumawag. Shock at tuwang-tuwa ang babae nang makita sila. "Wow, nag-uwi ng babae ang baby ko! How are you hija? I'm your Tita Rochelle and you can call me auntie. Girlfriend ka ba ng unico hijo ko?"

"Mommy! She's McKenzie Knight Henderson, my close friend. Hindi ko siya girlfriend."

"Hello po, Auntie Rochelle. Nice to meet you po. Close friends po kami ni Tyler and dito po ako mag-i-stay for the night. Okay lang po ba auntie?" nahihiyang sabi niya rito.

Lalong lumapad ang ngiti nito at sinabihan pa siyang pwede nang tumira roon na sinaway naman ng anak.

"Mommy, Zie, kain na tayo. The food is ready."

Sabay-sabay na silang kumain habang chinichika ni Tita Rochelle si McKenzie tungkol sa lovelife nito at ikunukwento rin nito kung paano sila nagkakilala ng asawa nito.

"Hijo, parang galit na galit ang nagluto nitong bicol express pero sobrang sarap niya. Kanina pa nga, ikaw McKenzie, kanin pa. Ang sarap-sarap nito kaya kumain ka nang marami. Gusto mo ba ng pudding, halo-halo or cheesecake? Baby, ikuha mo siya ng tiramisu para may dessert siya and leche flan for me," pasuyo nito sa anak.

Halos mabusog na si McKenzie dahil pinuno ulit ni Tita Rochelle ng kanin ang plato niya. Hindi naman siya makatanggi dahil nahihiya siya at masarap talaga ang ulam.

"Hija, lesbian ka ba?" out of the blue na tanong nito sa kanya at muntik pa siyang mabulunan.

"H-Hindi po auntie. Straight po ako." Kahit siya ay nagdududa sa kanyang sagot.

"Natanong ko lang kasi lapitin ng mga lesbians ang bunsong anak ko. Una, may ate siyang lesbian and ang bestfriend niyang si Silver, lesbian din. I'm not against them and I love them all pero di ko lang inexpect na gano'n. If you're one naman, wala namang masama don as long as you stay true to yourself and wala kang tinatapakang ibang tao. Thanks baby," at sumubo na ito ng leche flan.

"If you need something dear, huwag kang mahihiyang magsabi ha? Maiwan na kayong dalawa diyan. Ikaw ng bahala rito Tyler ha? Goodnight!" at umalis na si Tita Rochelle.

"Pagpasensyahan mo na ang kadaldalan ni Mommy ha? Wala kasi si Daddy. Ano nga palang ipapaturo mo sakin? Kahit anong putahe naman, kaya kong gawin."

"The color black one something like blood ba 'yon? And the bicol express. That's her favorite kasi. Baka may suggestion ka pa na pwede kong iluto for her. Can I invite Aubrey here? Para may alalay ako and can I also stay here hanggang Sunday?" pakiusap niya sa kaibigan.

"Ah, dinuguan! Paborito ko rin 'yon tapos kare-kare at laing. 'Yon lang ba ang paborito niya? Baka pwede mo rin siyang lutuan ng mga di niya pa natitikman. Sure, the more the merrier. Kahit kailan niyo pa gustong magstay, okay lang. Mamaya na ba pupunta si Aubrey?"

"I'll call her later. Hindi ko alam kung anong food ang di niya pa natitikman eh. I'll ask pony na lang."

"Wait, para kanino pala ito? Bakit mo ginagawa 'to Zie? First time kasi eh. Hindi ka naman nagluluto," nagtatakang tanong nito habang nagliligpit.

"Kay Nixon. Basta turuan mo na lang ako kung pano magluto. It doesn't matter basta ang mahalaga matuto ako. Basta bukas ha? Marunong ka rin ba magbake?"

"Do you like her?" nakangiting tanong ni Tyler habang nagsasabon ng plato.

"Straight pa rin naman ako 'di ba Tyler?"

Bumuntong-hininga si Tyler at naiiling na hinarap ang kaibigan. "Do you like her? Wala namang masama kung anuman ang magiging sagot mo. I won't judge you."

She felt helpless at umupo na lang sa upuan na parang sumusurrender na.

"I found her attractive," ang tanging naisagot niya na nahihiya pa.

"What makes her attractive for you?" mapaglarong tanong nito nang matapos itong magligpit at tumabi ito sa kanya na may dalang dalawang glass of chocolate milk. "Tuloy mo. Namumula ka na. Ganyan ba ang epekto sayo ni Kale?"

Inirapan niya ito. "Sadyang mamula-mula ako because maputi ako duh. Anyway, s-she is smart and mabait from the start but cold. Kahit close na kami she's still cold towards me. I don't know why p-pero when it comes to my cousin, si Ashley, hindi naman siya gano'n," may himig ng kalungkutan na sagot niya. "Don't you ever tell this to someone lalo na sa bestfriend mong si Zamora."

"You can trust me bro. Di naman ako si Silver na aasarin ka. I understand and I can relate to you. It's difficult to have feelings to a friend...but you can adore her secretly. That's what I do. Masakit lang pero nakakatuwa rin at the same time."

"I don't have feelings for her. Gusto ko lang siyang ipagluto dahil gusto ko lang siyang pasalamatan," mariing tanggi at paliwanag niya na di naman nito pinaniwalaan.

"Hahaha! Zie, sa tagal na nating magkaibigan babago 'yan. Kilala kita. Hindi ka pupunta at magpapaturong magluto sa akin para lang magpasalamat. You can deny everything but you can't deny that you're already falling for her. Hindi ka magpapapaka-effort para lang sa isang kaibigan. Di ba ayaw na ayaw mo nang nagluluto? Ni hindi ka nga nagkukusa ng ganito sa amin, sa iba pa kaya unless that person is very special to you, tama ako."

Tumatak lahat ng sinabi ni Tyler sa kanya at hindi siya nakaimik dahil ang lahat ng ito ay totoo.

Gulong-gulo ang isip niya at ni hindi niya maitanggi ang mga ito. Bakas ang pag-aalala niya sa mga posibleng mangyari.

"I change my mind, Tyler. Uuwi na ako bukas," tila natauhan niyang sabi rito.

"Sigurado ka ba? Hindi na natin itutuloy ang pagluluto? Sayang naman, na dito ka na lang din naman. I'm sorry kung dahil sa mga sinabi ko—

"No it's not. Actually, nagpapasalamat ako dahil sa mga sinabi mo."

"Sige pero kung sakaling magbago ulit ang isip mo, chat mo lang ako and you're always welcome here. Night Zie." Nagpaalam na rin siya at pumasok na sa kanyang kwarto.