"Ito na 'yon? Ito na ba 'yong ipinagmamalaki niyong school fair? Ang boring naman saka ba't ganyan ang mga decorations, ang cheap," panglalait ni Kale. Kararating lang nito sa dating university na pinapasukan. "Buti pa doon sa Henderson, ang e-expensive tapos ang gaganda ng decorations 'pag may event. May free foods pa unlike dito, ang init init tapos puro pawis ang nakukuha ko. Do'n naka-aircon pa."
"Aba aba naman Nix, umaarte ka na porke't nakaramdam ka lang ng ginhawa doon. Lumalait ka na porke't taga-Henderson ka na. Parang 'di marunong lumingon sa pinanggalingan ah! Pinaghirapan namin 'yan tapos ikaw yuyurakan mo lang! Scholar ka lang naman doon," ganti ni Arian.
"Si McKenzie pala dude, sa'n siya? Yayayain ko sa marriage booth mamaya," ngiting-ngiting sabat naman ni Troy sa dalawa.
Bigla namang namroblema si Kale. Simula nang nangyari sa kanila ni McKenzie sa penthouse nito ay 'di na siya pinapansin nito.
"Hindi ko alam eh. Bakit? Nandito naman si Yan. Naghahanap ka pa ng iba."
"Hoy Nix! Maghunos-dili ka nga! 'Wag na 'wag mo kong ipapares sa unggoy na 'yan! 'Yan ang bagay na 'di katanggap-tanggap!" OA na reaksyon ni Arian at hinampas sa balikat si Kale.
"Try mo ngang kontakin ulit dude. Wala naman kayong pasok 'di ba kasi nandito ka. Dali mo dude, sayang din eh," pamimilit pa ni Troy sa kaibigan.
"Wala nga akong cellphone. 'Di ko rin alam ang number niya."
"Kenzie, can we just go back? What are we doing here ba? Mas bet ko sa university mo. Wala bang malapit na aircon here sa labas? Baby, you have fan? Keep me cool, so hot here."
Sabay-sabay silang napalingon sa maarteng boses na 'yon.
"McKenzie!" masayang sigaw ni Troy habang masaya ring nakatingin si Arian sa mga ito.
'Di rin naman maitago ni Kale ang saya sa loob niya dahil nakita na ulit niya si McKenzie. Masaya man ay 'di niya ito ipinahalata. Nakahinga na siya nang maluwag.
"Kale, wazzup? Anong meron dito ngayon? Kaya pala nagyaya si Mc, nandito ka. Gusto mo? Foodtrip kamo tayo!" panunukso ni Silver kay Kale habang inaalukan nito ng Mang Juan chicken skin ang huli.
Tumango lang si Kale at tinanggihan ang alok ni Silver. "Busog pa ako. Buti naman at dumating na kayo."
Nagpaalam muna si Silver na bibili ng pagkain.
Naiwan siyang mag-isa habang busy naman sa pakikipag-usap ang iba.
Kausap ni Reign si Arian habang magkakausap naman sina Troy at McKenzie kasama ang magkasintahang Aubrey at Black.
Alam ni Kale na kasalanan niya ang nangyari kaya 'di siya pinapansin ni McKenzie. Ayaw naman niyang 'di sila okay kaya kahit anong mangyari ay magkukusa siyang lalapit dito.
"Knight," tawag niya kay McKenzie nang makalapit siya ngunit para siyang hangin dito.
"Dude! Dito ka. Gaya ng sinasabi ko sa kanila, may marriage booth dito. Pupunta kami mamaya, sumama ka ah?" sure na sure na sabi ni Troy at inakbayan si Kale.
"Kailan ba tayo magpapakasal, Troy? I can't wait. Ang gwapo mo palang lalo sa malapitan. Kung alam ko lang, edi sana ikaw na lang ang sinagot ko," malanding sabi ni McKenzie at kumapit sa braso ni Troy. Kitang-kita ni Kale kung pa'no nakakaakit na ngumiti si McKenzie habang idinidikit ang sarili nito kay Troy.
Nag-iwas na lang ng tingin si Kale at bahagyang lumungkot ang itsura nito.
"Sure. Kung gusto niyo, ako pa magkasal sa inyo. Pwede naman 'yon 'di ba?" may himig ng sarkasmong tugon ni Kale dito na 'di naman nahalata ni Troy.
"Talaga ba dude? Sige sige! Sasabihin ko mamaya doon. Tangina dude, sa wakas, maikakasal na ako sa babaeng gabi-gabing napapanaginipan ko. Tangina talaga!" kinikilig na bulong ni Troy dito. Halos mabali na ang balikat ni Kale sa kapipisil nito sa balikat niya.
"Need ng kiss 'yon 'di ba? Lagyan ko, natin dahil ako naman ang magkakasal sa inyo tapos as a part na rin ng kasal 'di ba? Wala namang malisya saka matatanda naman na kayo. For the fun lang para kahit papa'no real 'yong kasal. Sa tingin mo, dude?" suggest niya rito. Lalong lumapad ang ngiti ni Troy at napatalon na itong yumakap sa kanya.
Napansin agad ni Kale ang pagsalubong ng kilay ni McKenzie. Hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa narinig.
"Dabest ka talaga dude! Mahal mo talaga ako!"
"For real ba 'yan? May kiss? I wanna try it. Baby, let's get married na after nina Kenzie. I can't wait! Can we do it now na?" si Aubrey na gustong-gusto na at nakakapit na sa braso ng boyfriend niya.
"Walalalang porebers," biglang sulpot ni Silver na pakanta-kanta pa habang ngumunguya ng siopao at may dala pa itong palabok, siomai at tokneneng.
"Oh my god, pahingi ngang food, Silver! Nic, loves! I missed you!" at patakbo itong yumakap kay Kale sabay halik sa pisngi nito. "Kumusta ka na? Alam mo bang ikaw lang ang ipinunta ko rito? Kasi 'yong mga tanginang tao diyan sa tabi-tabi, iniwan ako. Buti na lang kasama ko si Tyler at alam niyang nandito ang mga walang kwentang 'yan," pagpapaawa ni Natalie habang nakayakap pa rin kay Kale. Hinagod naman ni Kale ang likod nito bilang pag-comfort dito.
"Ms. Natalie! Sakto, gusto mo po bang sumama sa'min sa marriage booth mamaya? Magpapakasal po kami ni McKenzie kasama si Ms. Aubrey," masiglang yaya ni Troy na siyang ikinatuwang lalo ni Natalie.
"As in marriage booth na magpapakasal?! I'm in! Nic, loves, magpakasal na tayo mamaya tapos ano..." Bumulong ito kay Kale.
Biglang lumapad ang ngiti ni Kale.
"Sure! Pwede naman nating pag-usapan 'yan mamaya, love. Syempre papayag ako. 'Wag mo lang kalimutan."
Kilig na kilig si Natalie at 'di na ito magkandamayaw sa pagtalon.
Napairap at humalukipkip na si McKenzie dahil sa pagkairita kay Natalie.
"Why are you here Nat? Umuwi ka na lang dahil nawalan na ng peace dito dahil sa barbaric manners mo! And you're so gaya-gaya talaga, right, Aub?"
"Let her be, Kenzie. It's her happiness, we can't do anything about it. I'm praying na lang that they'll last."
"Hey plastic bitch, I don't believe sa sine-say mo kasi you're not even praying. Iba nga niluluhuran mo and ikaw Kenz, ikaw lang ba may karapatang maikasal? Pagpapakasal mo nga 'di ko pinapakialaman. Buti nga nalaman ko pa. You know what, be happy na lang with my loves—
"Love, gusto mo ba ng foods? Maglibot-libot muna tayo kung gusto mo?" sabat ni Kale sa dalawa dahil alam niyang 'di na matatapos ang mga ito. "My treat," nakangiti pa niyang dagdag dito.
"Okay loves! Dapat ganito ang mga pinapakasalan, 'di 'yong mga puro attitude! Bye Kenz, bye Aubrey bitch! Have some fun and don't worry about me, I found mine na," sabay wink nito sa dalawang kaibigan.
Daig pang may kaaway ni McKenzie kung makasimangot ito sa dalawang papalayong magkabigkis ang mga braso.
"McKenzie, mabuti pa sigurong maglibot-libot na muna tayo. 'Di kasi naghihintay 'yang si dude basta may babae na." Lalong nadagdagan ang pagka-badtrip ni McKenzie at tinalikuran na ito.
"So, where are we going na?" masungit na tanong niya rito habang pinagmamasdan ang ibang booths doon.
Sumagot naman si Troy kung nagugutom na ba si McKenzie at sa mga food booths muna sila pupunta.
"Kaya mas masarap pa rin talagang walang jowa. Walang stress, solo pa ang food at pera," pagpaparinig ni Silver habang nakasunod kina Troy, McKenzie, Black at Aubrey. Sa kanan ni Silver si Reign at sa kaliwa nama'y ang bestfriend niyang si Tyler.
"Tayo na lang kamo tutal single ako, single ka. Baka tayo talaga 'di ba Ty?"
"Wala namang masama kung susubukan 'di ba, Silv?" Ginatungan pa ni Tyler ito.
"Mga kadiri amputa! 'Di niyo ba ma-gets ang gusto ko? Ang gusto ko, babae! As in babae na maganda at sexy, 'yong mahal ako!"
"Si Zie at Nat, maganda, sexy, matalino at mayaman. Tapos meron pa eh, marami. Kilala mo 'yong laging kasama ni Kale? 'Yong president ba 'yon? Sobrang ganda rin no'n tapos 'yong kasama pa no'ng isang bakla. Lahat yata ng tropa ni Kale magaganda eh. Kaibiganin ko nga si Kale, daming chix. Nakakainggit!" malokong tugon naman ni Reign sabay akbay kay Silver.
"Kaya nga eh. Alam mo pre, maganda naman talaga si Mc at Nat kaso, ang daming issue niyang mga babaeng 'yan. 'Yang si Mc, oo maganda talaga 'yang mukha niyan kaso bumawi sa ugali, pre. Straight din 'yan, 'di nga pumapatol sa babae maliban kung lutlutan o warshock-an. Ayoko sa straight, daming issue. Ayoko rin sa matakaw, dapat ako lang ang matakaw."
"Shut the fuck up, Zamora! Isa pa, tatahiin ko na 'yang bibig mong makapal!" gigil na sigaw ni McKenzie kay Silver kaya nagkatinginan na lang silang tatlo at lihim na natatawa.
"McKenzie, anong gusto mo? Libre ko lahat," mahanging sabi ni Troy nang magawi sila sa isang food booth.
Tiningnan ni McKenzie ang mga pagkain at tila diring-diri naman siya sa mga pagkaing nakahain. Malinis ang mga ito pero 'di niya gusto at wala siyang gusto sa mga ito.
"Busog pa ako," walang ganang sagot ni McKenzie at nagsimula nang magtingin sa iba pang booth.
Ano ba naman dito, sobrang boring and ang init init pa!
'Di naman kasi siya at pagkain ang ipinunta ko rito kung 'di 'yong babaeng ilang araw ng gumugulo sa isip ko at nangungulit nang paulit-ulit sa IG. Nasaan na ba 'yon?! Tanginang Natalie talaga 'yan! pag-aalburoto ng loob ni McKenzie.
"McKenzie, 'di ka pa talaga nagugutom?" pangungulit muli ni Troy dito dahil 'di ito mapanatag na 'di ito mapakain.
Konti pa ay mauubos na ang pasensya ni McKenzie dahil paulit-ulit ito at para bang 'di nakakaintindi.
"Medyo boring ba ako McKenzie? Bago lang kasi ako sa ganito eh. 'Di bale susubukan ko."
Naguguluhan namang tumingin si McKenzie dito. "Huh? What do you mean? I think ikaw ang gutom. You better eat na. Don't worry about me but bilhan mo na lang ako ng milk and pizza."
Nagpaalam muna si Troy upang mamili.
"It's so boring pala here. Uwi na tayo. Sana nag-out of town na lang pala us, tsk," maarteng pahayag ni McKenzie.
"Later na lang, Kenzie. Wala pa us sa main event. Me and Black will get married muna then we could go home na."
"Sino ba kasing nagyaya sa'min dito? Saka 'di rin naman boring, ikaw lang. In fact, we're enjoying the views here. May mga magagandang babae din pala sa public unis pero mga one second lang. Naikasal na kaya si Kale at Nat? Gusto kong ma-witness," may himig ng pang-aasar na sabi ni Silver pero ang totoo ay gusto lang nitong patamaan si McKenzie.
"Baks, bili mo pa ako ng siomai! Gawin mo naman ng 50 pesos saka coke lang na maliit!"
"What the fuck!" bulalas ni McKenzie nang bigla siyang hilahin ng dalawang lalaki at isang babae.
Late ng nakapag-react sina Tyler dahil kinaladkad na si McKenzie palayo. Nakatangang nakatanaw sa direksyon ang magkakaibigan.
"Baks, tama ka na. Wala na akong pera oh. Tingnan mo 'yong wallet ko, wala ng laman! Kada lakad natin turo ka nang turo. Ano bang bituka meron ka?" reklamo ni Kale kay Johansen habang inilaladlad ang itim nitong wallet na isang libo na lang ang laman at mga resibo. "Si Knight, nasaan siya? Magkakasama kayo 'di ba? Wala rin si Troy. Magkasama ba sila?" nag-aalalang tanong ni Kale. Bahagyang lumungkot ang mukha nito. Kanina pa niya ito iniisip at inaalala.
"B-biglang dinampot eh. Ayon oh," parang 'di siguradong sagot ni Silver at itinuro pa ang direksyon kung saan kinaladkad si McKenzie. Sinundan nilang lahat ng tingin ang itinuro ni Silver.
"Gago, ba't nakatanga lang tayo rito. 'Di ba dapat sinundan na natin si Zie? Baka ano ng nangyari doon, gago talaga!" natatawa namang saad ni Reign. Tila wala pa silang balak puntahan si McKenzie dahil wala pang kumikilos ni isa sa kanila.
"Kale tara—Kale?! Tangina, bakla, si Kale nasaan? Magkasama kayo 'di ba? Bigla siyang nawala!"
"Shunga ka teh? Kitams mong namili akes ng foods at malay ko ba do'n. Ay sis, sa'n ka galing? Kita mo ba si baks?" sabay lamon nito sa biniling empanada.
"Nag-cr lang ako. Si Nic ba? Dito raw kami magkita eh. Anyare ba? Pakagat nga ng siomai, isa lang." Mabilis na inilayo ni Johansen ang hawak na cup ng siomai at nilawayan ito. "Bet mo pa?" Kinurot lang ito ni Natalie.
"Mamaya na nga 'yan! Hanapin na muna natin si Kale at Mc!" yakag ni Silver sa mga kasama sabay hila kay Natalie na nagpupumiglas habang hinahampas siya.
Napagdesisyunan nilang maghiwa-hiwalay sa paghahanap. Ang apat na sina Aubrey, Black, Natalie at Johansen habang ang tatlong sina Reign, Silver at Tyler.
"Chill lang guys, nandiyan lang sila 'yan. Baka nga nalampasan pa natin," wika ni Tyler na chill lang.
"Ayokong maghanap. Kayo na lang dahil tinatamad ako," pasimunong sagot naman ni Johansen. "Masyado na silang matanda para hanapin. Baka nag-e-enjoy na ang mga 'yon. What if i-call niyo na lang?" sabay roll ng eyes nito. "Ay wala palang cellphone 'yong mahirap."
"Tawagan mo nga Bri. Bff mo 'yon 'di ba? Tapos ginagano'n-ganon mo lang, hay. 'Pag may nangyari doon, yari ka," pangongonsyensya ni Silver kay Aubrey. Inirapan lang siya nito bago nito tinawagan si McKenzie.
"Unattended. She's lowbat ata. Naka-ilang ring na but no answer pa rin. Let's find her na lang because sayang sa load. What an stupid idea," mataray nitong sabi kay Silver na nag-make face lang.
Kalalakad nila ay may nakita silang nagkukumpulang mga estudyante. Maiingay at naghihiyawan ang mga ito.
"Guidance office! Nandito na ang guidance office!" mahaderang sigaw ni Johansen sa mga nagkukumpulan kaya nagsilingon ang mga ito sa kanila.
At doon nila nasilayan ang karatulang Marriage Booth.
"Papansin. Akala mo kung sino, sisigaw pa. Kulang sa pansin," sabi ng isang babae na narinig ni Johansen.
"Aba, ateng mabahong bilat, ako ba 'yang tinutukoy mo ha? Bubulong-bulong ka pa eh narinig ko naman! Sana isinigaw mo na rin, funny ka? Ikaw ang papansin, baka nakakalimutan mo kung saan ako nag-aaral, pwe! Pasensya na guys, may babaeng mukhang singit na napakabaho ng ugali rito. What a shame. Anong meron?" sabay ngiti ni Johansen sa ibang estudyante.
Si Johansen na ang unang naglakad upang makipagsiksikan at makapunta sila sa harap.
"Can you move away please? Ang hot at baho kasi! Look, dadaan kami," maarte at malakas na sabi ni Aubrey. Ayaw na ayaw kasi nitong nadidikitan ng kahit na sino.
Nahinto si Johansen nang masilayan niya ang nasa harap. "Mga bakla! Ang hinahanap natin, nasa altar na oh! Ikakasal na ang mga walang hiyang bakla!" sabay halakhak ni Johansen.
Nasilayan nila si McKenzie na nakasimangot habang nakahalukipkip at sa kaliwa nito ay si Kale na nakikipagdiskusyon sa isang babaeng estudyante na in-charge doon.
"Babae po ako at hindi lalaki. Nagkamali lang 'yong estudyante sa pagkuha sa'kin dito."
"Rules are rules po sa'min. The same goes with doon po sa babae. 'Yan po kasi ang twist sa marriage booth namin. Random po ang pairings then may criteria po na hahanapin. So, do'n po sa nakakuha sa inyo, ang task is maghanap po ng isang magandang babae at isang mayamang lalaki then nandito na po kayong dalawa," mahinahong paliwanag ng babae.
"Dude! Anong ginagawa mo diyan? Kanina pa kita hinahanap. McKenzie?" hinihingal na sigaw ni Troy nang makarating ito sa marriage booth.
"So, ikakasal na po namin kayo ha? Sa ayaw at sa gusto niyo po. For fun lang naman po ito," final na sabi ng babae. Tila kilig na kilig ang isa pang babae habang inaalalayan si Kale sa gitna. "Ang pogi mo po. Pwede pong pa-picture mamaya?"
"Pero kung talagang ayaw niyo po, may multa po kayong tig-isang libo. Marriage booth po ito na may pagka-jail booth, hehe," saad naman ng isang lalaking officer sa booth na 'yon.
Napamura na lang sa isip si Kale.
"Mga ateng, pwede ba kaming um-attend? Ako na ang maid of honor! Oh, bahala na kayo kung anong role niyo. Kung kabet gora rin, kayo naman. Sis, dito ka sa'ken, kay baks tayo. Troy, Arian, gora na here! Mga ninong at ninang na kayo!"
"Ako na magpi-picture tapos si Ty na lang magkakasal tutal altar boy naman siya tapos siya na rin bahala sa reception mamaya," nakakalokong presinta at desisyon ni Silver. Pumwesto na ito sa harap upang humanap ng magandang anggulo.
"Dude, pwede bang sub na lang? Ako na diyan, dito ka na? Ang daya mo talaga, ako dapat diyan eh!" pagmamaktol ni Troy.
"Hoy, unggoy, gusto mo ring pakasalan si Nix? Aba, talagang lahat gusto ah!"
"Magdikit na po ang mga ikakasal. Wala po tayo sa Korte Suprema para maglayo. Dalian mo na Mc, minsan lang naman 'to. Alam ko namang ano ka, homophobic." Walang tunog na binigkas ni Silver ang huling salita at nabasa naman 'yon ni McKenzie.
"Knight," mahinang tawag ni Kale rito at dahan-dahan itong inakay palapit sa kanya. "Promise, 'di mo pagsisihan 'to. Try lang natin."
'Di naman magawang tumutol ni McKenzie at kusa siyang napapasunod nito.
"I'm sorry na pero pakasalan mo muna ako," mahinang usal ni Kale ngunit tinarayan lang siya ni McKenzie.
"Bahala ka."
"I'm sorry na kasi—
Magpapatigasan pa sana sila ng ulo nang bigla nang nagsalita si Tyler na nakatayo na sa gitna sa harap.
"Everyone who is joining us in this wonderful and special event blah blah..."
Tuwang-tuwa sa pag-picture at pag-video si Silver habang ang dalawang ikinakasal naman ay parang aso't pusa. Kahit na tahimik at nakikinig ay ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Dahil 'di na matiis ni Kale ay hinawakan niya sa kamay si McKenzie na siyang nakapagpahinto kay McKenzie. Parang kinikiliti ang puso nito dahil kakaibang pakiramdam na hatid ng paglapat ng kanilang palad.
"Bitiwan mo ako, para kang sira—
"Kale, you may now kiss the bride."
Ngumiti nang malapad si Kale nang marinig 'yon at wala na siyang inaksayang oras. Abot-kaba naman si McKenzie dahil 'di niya alam ang gagawin dahil first time niya ito. Mas nanaig pa rin ang excitement niya kahit na nagtatalo ang puso't isip niya kung anong gagawin.
Ayaw ng isip niya at sinasabi nitong straight siya at isang malaking kalokohan ang ginagawa nila ngunit ang puso niya'y pinipilit siyang ituloy ito.
Huli na dahil naramdaman na lang niya ang paglapat ng malambot na labi ni Kale sa gilid ng labi niya. Ang puso niya ay nagwawala na naman. Naghihiyawan na ang lahat dahil sa kilig pero mistulang walang naririnig ang dalawa.
Nakangiting nakatingin silang dalawa sa isa't isa.
"Congratulations, mabuhay ang bagong kasal!" masiglang bati ni Tyler at sabay-sabay na naghiyawan ang mga estudyanteng naroroon.
"Congrats, baks! Dapat lalaki ang magiging anak niyo ha? Hihintayin ko 'yan!" pagbibiro ni Johansen na senegundahan naman ni Reign.
"Zie, pakain ka na!"
"Cheers to you guys, Mrs. and Mrs. Oliveros!"
"Dude, congrats pa rin kahit inagawan mo ako! Nakakatampo ka na talaga!"
"Nix, mahal, sa'n ang honeymoon?"
'Yan ang sunod-sunod nilang tanong at panunukso nang makalapit sila sa dalawang bagong kasal.
Natatawa na lang si Kale sa kalokohan ng mga ito habang si nakapulupot naman ang braso ni McKenzie rito. Tuwang-tuwa ito at ayaw ng pakawalan si Kale.
Inabutan naman silang dalawa ng tig-isang DIY bouquet of flowers ng babaeng in-charge sa marriage booth.
"Papirma na lang po rito sa marriage contract." Pumirma na ang dalawa at pagkatapos ay masaya silang nagpa-picture kay Silver.
"Pa-picture naman kami," pakisuyo ni Silver sa babaeng in-charge. Walang sawang pagpi-picture ang kanilang ginawa at halos 'yong nagpi-picture na ang susuko.
"Maraming salamat, miss. Sobrang nag-enjoy kami rito sa marriage booth slash jail booth niyo. Dahil sa inyo nagbati rin 'yong dalawa."
"Walang anuman po!" ganti naman ng babae at iniabot ang cellphone ni Silver pabalik at ito naman ang nag-abot ng cellphone. "Pwede bang kami naman ang picture-an mo no'ng naka-beanie? Please?" paawa nang babae. Pumayag naman si Silver.
"Pwede po bang ako rin? Remembrance lang," request pa ng isang babae.
"Isa-isa lang muna ang magpapa-picture. Walang mag-uunahan. Isang picture, 500 ha?" at kinarir na ni Silver ang pagiging photographer.
Nang matapos ang isa ay sumunod na ang babaeng kilig na kilig kay Kale. Hindi pa ito makalapit kay Kale at namumula pa.
"Pwedeng pakibilisan? Aalis na kami." Nagsisimula na namang magsungit si McKenzie. Hindi siya natutuwa sa mga nagpapa-picture kay Kale.
"Saan ka po nag-aaral—
"Let's go!" sabay hila ni McKenzie kay Kale.
"Sa'n tayo pupunta? Ba't nagmamadali ka?" nagtatakang tanong ni Kale nang makalayo sila. Kinakaladkad na kasi siya ni McKenzie.
"Uuwi na!"
"Bakit? Pa'no 'yong mga kasama natin? Uuwi na ba sila? Maaga pa ata—
"Edi maiwan ka rito! Doon ka na lang magpa-picture sa mga babae tutal gustong-gusto mo naman."
Lalong naguluhan si Kale.
"Ha? Ba't ka sumisigaw? Galit ka ba? 'Di ba okay na tayo kanina? May problema—
"Bahala ka! Uuwi na ako!" at iniwan na siya ni McKenzie.
"Wait! Ihahatid na pala kita sa parking lot. Dahan-dahan lang sa paglalakad. 'Di ka ba napapagod?"
Tila bingi si McKenzie at nagpatuloy lang sa paglalakad habang habol-habol siya ni Kale.
Nang makarating sila sa parking lot ay mabilis na binuksan ni McKenzie ang pinto ng kotse niya ngunit maagap din si Kale na pigilan itong makapasok at mahigpit itong niyakap.
Parang naestatwa naman si McKenzie at sa yakap na 'yon ay kumalma siya.
"'Wag ka na munang umalis hangga't 'di pa tayo okay ha? Dito ka na lang muna sa'kin."
"At bakit? Pakawalan mo na ako." 'Di na kinakaya ni McKenzie ang bilis ng tibok ng puso niya at para siyang aatakihin dahil sa nag-iisang babaeng nagpapagulo sa mundo niya.
"Sabihin mo munang 'di ka na galit sa akin para sabihin ko sa'yo."
"Bakit nga o sisikmuraan kita right here right now," pagmamatigas ni McKenzie. Umiiral na naman ang pagkabayolente niya.
"Grabe ka naman, kakakasal pa lang natin ah, gagawin mo na agad akong punching bag. Ang sarap mo namang magmahal, loves."
Marahan tuloy siyang tinampal ni McKenzie sa pisngi.
"Tigilan mo ako. I won't fall sa mga pa-loves loves mo."
"Talaga ba? Ba't ngiting-ngiti ka? So, okay na tayo loves? Naka-smile ka na eh. 'Di ka na galit?" panunukso ni Kale habang nakayakap pa rin dito.
"Galit pa rin. Ang feeling close mo. Parang tanga, 'di bagay. Do'n ka nga." Kahit anong taboy at pagsusungit ni McKenzie ay taliwas naman ito sa ipinapakita ng mukha niya. Nagpipigil ito ng ngiti at gustong-gusto niya ang atensyong ibinibigay sa kanya ni Kale.
"Tama ka na nga Knight. Tsinatsansingan mo lang ako eh. Tara, may alam akong kainan. Mag-commute na tayo."
"May sasakyan ako. Ba't pa tayo mag-co-commute?"
"Ibenta mo na lang 'yan para may pangkain tayo!" Binatukan tuloy siya nito habang siya'y tawa nang tawa.
And it was the first time na narinig ni McKenzie na tumawa at makitang nakangiti ito nang totoo.
And that was also the day that she realized that she was in deep trouble. Lalo na siyang naa-attract kay Kale which is ayaw niyang mangyari because she knew from the start na she's not into girls at straight siya. Like a fucking pole.
The way Kale treats her in simple ways makes her different from others lalo na sa ex-boyfriend niyang si Royce. She never gets bored 'pag kasama ito at 'di nabubuo ang araw niya 'pag 'di niya ito inaaway.
Kale is the only one who called her by her second name. Kung sa iba, baka nairita na siya pero 'pag kay Kale, para gusto na lang niyang alisin ang first name niya.
Never sumagi sa isip niya na may isang simpleng Kale na magpapagulo at magpapalito sa kung ano ba talaga siya. She never felt this way before at wala siyang kaalam-alam kung ano ang gagawin.
Maybe she could ask Silver to give her some advice but natatakot siya. She thought that it's not the right time yet.
Maybe it's too late pero mas gusto niya pang makilala si Kale. She wanted to know more about the person behind those beanies and eyeglasses.
"Hey, okay ka lang? Natulala ka na eh. Gutom ka na siguro. Sa'n mo ba gustong kumain? Sa murang lang ha? Mahirap lang ako eh," pukaw ni Kale sa kanya kaya nabalik siya sa kanyang ulirat.
"K-Kahit saan. Ikaw bahala."
Napakamot na lang si Kale sa kanyang ulo dahil naisip niyang wala namang kainan na gano'n.
"Jollibee na lang tayo. Bigla akong nag-crave sa chicken at tuna pie. Tara na!"
"Bahala ka. Get in my car. Let's go."
Tahimik lang silang dalawa sa biyahe. Kung 'di sa harap ay sa kaliwang side lang tumitingin si McKenzie while she's driving single-handedly and her left arm resting on the opened window.
"Imagine, after getting married, sa Jollibee ka pupunta. What will you get, kiddie meal? Kakaiba ka talaga," sarcastic remark ni McKenzie na pinatulan din ni Kale.
"At least ngayon, alam mo na kung anong preference ko. I don't like fancy restaurants. The quality of food is trash and it's not worth it. Siguro ikaw, 'pag ikinasal ka, matik sa abroad agad tapos ang honeymoon, sa Mars?" banat ni Kale na natatawa pa.
"Alam mo, 'yong joke mo parang fancy restaurant kaya tumahimik ka na lang. Very funny kasi. Anyway, it will be Switzerland or Greece for me when the time comes na ikakasal ako," and she looked at Kale with deep affection.
What she's thinking right now is impossible and if possible, will she risk for it let alone take it? Hindi pa alam ni McKenzie ngayon.
"Ayaw mo ba sa France o kaya sa Spain? 'Yon kasi laging dream country ng iba lalo na ang Paris kasi city of love daw?"
Bored na sumagot si McKenzie, "Sa buong 21 years of my existence, sa France na ako lumaki and it's kinda boring na. I hate Spain. Mga bastard ang nakatira doon," mapait na sabi niya while remembering her cheating slash doctor ex-boyfriend na ayaw niyang maalala pa.
"Ba't ikaw? Any countries in mind where you want to get married someday?"
Nagkibit-balikat lang si Kale saka tumingin sa labas. "Depende sa gusto ng pakakasalan ko. 'Yon ay kung aabot ako sa point na 'yon, haha! Teka, ba't nasa drive-thru tayo? 'Di ba tayo bababa?" takang tanong ni Kale nang makarating sila sa Jollibee.
"Mag-take out na lang tayo and let's go home na lang. Doon na lang tayo kakain sa penthouse ko. Libre mo 'di ba?" Tuwang-tuwa si McKenzie at 'di na siya makapaghintay na makauwi sila.
"Mag-order ka na. Kung ano sa'yo, 'yon na rin sa'kin," utos sa kanya ni Kale nang batiin sila ng cashier.
"Ikaw na dahil ikaw ang manlilibre. Kahit ano sa'kin. Basta ikaw ng bahala," katwiran naman ni McKenzie at naghintayan silang dalawa kung sino ang mag-o-order.
Si Kale na ang nagkusang mag-order.
"'Wag ka ng bumili ng drinks. May wine ako sa penthouse. Mag-wine na lang tayo."
"Okay. Pero may kanin ka ba? Sayang extra rice eh. Okay na siguro sa'tin 'yan?"
"Wala pero magpapaluto na lang ako. Pwede na 'yan and ako na lang bahala sa dessert. Mukhang masarap naman 'yang Jollibee." Never pang na-try ni McKenzie ang Jollibee dahil na-che-cheap-an pa siya rito but ngayon, she'll make an exemption.
"Is that all po? 900 pesos po lahat," magalang na sabi sa kanila ng cashier at nagbayad na si Kale.
Nang makuha na nila ang kanilang order ay pinaharurot na ni McKenzie ang black Toyota Fortuner niya.
Napakapit tuloy ng wala sa oras si Kale.
"Pwede bang dahan-dahan lang? Daig mo pa yata ang may siyam na buhay eh. Hoy teka lang! 'Wag 'yang truck, Knight!" Napadasal na lang tuloy si Kale sa isip.
"Ayoko ng babagal-bagal and normal speed ko lang 'to. Don't worry, truck lang naman 'yan at least malapit na tayo sa penthouse ko." Pangisi-ngisi pa si McKenzie at proud na proud pa sa sarili niya.
"We're here. 'Wag kang bababa. Diretso na 'to sa penthouse ko." Ilang saglit lang ay nasa penthouse na sila ni McKenzie.
"Ang yaman mo pala talaga. Kaya pala kahit sinong banggain mo pwede eh. Kahit sino rin pwedeng i-bully—
"Shut up! You're getting into my nerves again! You know what? What if mag-prepare ka na nang makakain na tayo kaysa nakatayo ka diyan? And yeah, you're right. Mayaman talaga ako," at nilayasan siya nito. Pinanood lang niya ito paalis.
Wow ang sexy! Kale thought but when she realized it, naiiling na lang siya at napakagat-labi dahil sa naisip niya. Ang manyak ko na ata.
Nanguha na ng mga plato at baso si Kale. Naging maingat siya sa pagkuha at paghahanda dahil itsura pa lang ng mga utensils ay mamahalin na. Pa'no pa kaya 'pag nabasag niya pa. Kahit mamahalin ay familiar naman siya sa mga gamit na gano'n.
"Where are you? Dito na lang tayo sa living room. 'Wag diyan sa kitchen," rinig niyang sabi ni McKenzie at sinunod ito.
Pagpunta niya do'n ay muntikan niyang nabitiwan ang mga dalang utensils at napalunok na lang sa nakikita.
Nagmamayabang lang naman sa harap niya ang makinis at maputi nitong legs dahil naka-shorts lang ito. 'Di maipagkakailang kutis mayaman at halatang 'di na-e-expose sa arawan.
Nakasuot lang din ito ng simple black tank top at ang buhok nitong naka-messy bun.
Lihim namang napakagat-labi si McKenzie at nagpipigil na ngumiti dahil sa tinging ibinibigay sa kanya ni Kale.
"Wait here. I'll get some wine for us." Marahan niyang pinisil ang balikat ni Kale bago nagpaalam. Abot-langit ang ngiti ni McKenzie nang makaalis. Naiwang nakatayo't nakatulala si Kale.
"Shit!" usal ni Kale at nagmadali ng mag-ayos ng kakainan nila.
Nahinto si Kale nang may mag-doorbell. Agad niya itong pinuntahan.
"Ms. Henderson—Si Ms. Henderson po?" magalang na tanong ng isang lalaking naka-uniporme na pang-waiter.
"May ginagawa po siya."
"Nagpaluto po kasi siya ng kanin kaya may dala po akong rice cooker. Pasabi na lang po na dinala ko na. Ako po si Mark. Pasabi na lang po ha? Pwede ko rin po bang malaman ang pangalan niyo para in case po na magkaproblema, hehe. Maraming salamat po." Tinanggap ni Kale ang rice cooker.
"Ako ng bahala. Sasabihin ko na lang sa kanya. No need to worry." Nagpasalamat na rin si Kale at nagpaalam na si Mark.
Pagbalik ni Kale at sitting pretty na si McKenzie habang nakapatong ang paa nito sa malambot na black foot stool. Nanonood ito ng balita tungkol sa latest fashion trends sa smart tv habang sumisimsim ng wine.
Maingat na inilapag ni Kale ang rice cooker sa glass table.
"Kain na tayo," yaya ni Kale at magsasandok na pero 'di man lang siya tiningnan ni McKenzie kaya kinalabit niya ito. "Hoy."
Tinaasan tuloy siya ng kilay nito. "What? Magsandok ka na, I'll wait while watching."
Ipinagsandok na rin niya ito at ipinaghanda ng pagkain. Abala siya sa paglalagay ng chicken nang biglang magsalita si McKenzie.
"Paabot nga no'ng phone ko. 'Yong iPhone 14 na color violet. 'Wag 'yong isa na blue, iPhone 13 'yon."
"Sa'n?"
"Nandiyan yata sa may kitchen o sa may drawer malapit sa pinto."
"Darating," pakantang sagot ni Kale na ikinakunot ng noo ni McKenzie.
Nang makuha ang phone ni McKenzie ay marahan niya itong ibinato sa lap nito. Tumalbog lang naman ang phone sa lap nito. 'Di man lang kinabahan si Kale kung mahulog man ito at mabasag.
"Walang hiya ka! Ba't mo binato?! Kung natamaan 'yon ang ano ko!" sabay bato kay Kale ng remote na nailagan naman nito.
Patawa-tawa siyang inasar nito. "Duling mo naman! Tama na nga. Kumain na tayo, kamahalan."
"Wait lang! Masyado kang PG. Teka lang." Kunwaring pi-picture-an muna ni McKenzie ang pagkain na ang totoo nama'y si Kale talaga ang gusto niyang picture-an.
Walang kaalam-alam si Kale dahil gutom na gutom na siya.
"Ano ba 'yan, picture nang picture. Nagugutom na ako! Bahala ka diyan, kakain na ako," at kinuha na ni Kale ang chicken wings na part kaya kamay nito ang nakunan na blurred pa.
"Panira ka! I-po-post ko 'yan sa IG! 'Di na tuloy instagrammable!"
Bumelat lang ito sa kanyang habang lobo na ang magkabilang pisngi dahil sa pagkain.
"Ba't diyan ka kumakain? Dito ka sa tabi ko, bilis!"
Sumunod na si Kale at tumabi sa kanya sa couch.
"Uy, akin na lang 'yang chicken skin mo please? Ang bait bait mo talaga." Biglang bait ni McKenzie at tinusok na niya ng tinidor ang chicken skin ni Kale.
"Hoy, kakainin ko pa 'yon eh!" Para makaganti ay kinuha ni Kale ang phone nito at sunod-sunod na nag-picture. Wala siyang pakialam kung makuhanan din siya sa selfie mode dahil nakangiti naman siya. 'Di niya mapigil ang tawa sa sunod-sunod na pag-click dahil mukhang ewan ang itsura ni McKenzie at may nakanganga pa dahil sa pilit nitong pag-agaw sa phone.
"Dapat ganito ang mga ipinopost sa IG, this face is so instagrammable." Sampung photos ang pinindot ni Kale at ipinost ito sa IG account ni McKenzie pati sa story nito. "Posted!" sabay halakhak ni Kale at itinago ang phone sa kanyang bulsa. "Kain na ulit tayo!"
Dahil sa ginawang 'yon ni Kale ay nabugbog na naman siya ni McKenzie. Para na naman silang aso't pusa. Sa huli ay sinuyo ito ni Kale at pinakain ito para tumigil na.
"Ano pang gusto mo? Ibinigay ko na sa'yo lahat ng chicken at ako na ang kumain ng tira-tira dahil binalatan mo lang lahat," pangongonsensya ni Kale pero walang gano'n ang demonyitang si McKenzie.
"'Wag kang kakain ng fries pati tuna pie. 'Yong spag ilagay mo sa ref ko. Gusto ko no'ng fries."
"Knight naman, favorite ko 'yong mga 'yon eh. Sige na nga, ito na," at isinasaw ni Kale sa ketchup ang isang fries saka isinubo kay McKenzie na tuwang-tuwa at nasa mood na ulit.
Hinila siya nitong lalo palapit saka kinuha ang tuna pie. Parang wala lang na ipinatong ni McKenzie ang kaliwang legs niya sa hita ni Kale na ngayon ay napaayos ng upo.
"Say ahh," bulong ni McKenzie sa kanya habang isinusubo sa kanya ang tuna pie. Kumagat na siya sa tuna pie habang sinusubuan ulit ito ng french fries. Humilig na si McKenzie sa balikat niya kaya inakbayan na niya ito. Nagkatinginan naman silang dalawa.
Sa tuwing kasama ni Kale si McKenzie ay 'di siya nakakapagpigil dito kaya tinawid na niya ang pagitan sa kanilang dalawa.
Tumugon agad si McKenzie sa mainit na halik ni Kale na puno ng pananabik tulad nito. Pumatong na siya sa lap ni Kale at ipinulupot ang braso sa batok nito upang palalimin pa ang halik. Naglalakbay na rin ang kamay ni Kale at masuyong hinahaplos ang likod ni McKenzie na siyang nagpapaliyad dito dahil kiliting dulot ng bawat paghaplos niya.
McKenzie pressed her body more against hers that made Kale more turned on na lalong nakakapagpabaliw dito.
"Fuck," McKenzie moaned on her neck after they broke away from the kiss.
"Shh," Kale murmured then she sucked the flesh on her neck leaving a hickey.
****