"Mc, ano, sasama ka ba sa Singapore this Friday? Birthday daw ni Allison. Sasama kaming lahat. Mc? Puyat ka na naman. Kanina ka pa hikab nang hikab."
"Ahh! So much activities to finish so yeah I'm puyat," paghihikab at pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay magdamag silang magkacall ni Kale.
"So sasama ka nga?" pag-uulit ni Silver.
"Hindi siguro but it depends. I'm pagod kasi. Sino bang mga kasama?"
"Kami nga! We also talked about kung sinong magkakasama sa rooms. Nagchat ako but no reply from you."
"Oh, sorry bestie! Me and Black will be together sa room. Ask Natalie-
"Definitely no! Ayoko na uling mahulog! Katabi ko sa kama 'yan pero grabe sakop niya lahat tapos ako parang nakasabit na lang! Ka-room ko si Allison at si Nic! Kay Pilak ka na lang, solo siya sa room!"
"Kasama si Nixon?" Biglang nawala ang antok niya. She became interested in an instant.
"Oo naman bading! Kaloka, alangang mas close namin siya eh di siya invited. Haler, isip-isip din 'pag may time. Don't worry Ali, sasama 'yon, 'pag hindi, lutlutin ko talaga!" malokong saad ni Johansen habang nagpapaypay.
"Guys, ano ba. Don't stress too much about my birthday, 'kay? I understand naman if di kayo makakapunta since we have busy schedules lalo na si Kale but still, she's invited," kalmadong saad ni Allison sabay sip sa kanyang iced coffee.
"Ay ako talaga pupunta! Tangina mare, Singapore 'yan oh tapos libre! Si baks kasi nakakainis lagi. Ayaw sumama eh minsan lang naman tapos ay pipilitin ko talaga 'yan. Ikaw babae, ikaw kaya mag-invite sa kanya tutal close naman na kayong dalawa. Baka sumama 'yon 'pag ikaw."
"M-Me?" parang tangang sagot ni McKenzie na itinuturo ang sarili at parang di pa siya sure.
"Ang galing ni Yuri! Ang galing galing! Yuri number one!" Napalingon ang magkakaibigan nang marinig ang dalawang boses na masayang nagkukulitan.
Ang malamig na tubig na binili ng mga ito ay ibinuhos sa ulo at ipinaligo lang nila habang nagkakantyawan pa rin. Ang dalawa ang napakaingay sa buong cafeteria.
"Bakla!"
"Jojo? Jojo!" pang-asar na tawag nito kay Johansen.
Nakatulala lang si McKenzie sa basa nitong damit lalo na sa may bandang tiyan nito na talagang kumakapit ang damit kaya bumabakat na ang well-toned na pangangatawan nito.
Nahuli naman siya nitong nakatingin kaya't ibinuhos pa nito ang natitirang malamig na tubig sa katawan.
Hindi na alam ni McKenzie kung saan siya titingin. Kung ano-ano na ang kanyang naiisip. Biglang nagreplay lahat kung pa'no pagsawaan ng kanilang mga labi ang isa't isa.
"Ahh! Ang lamig! Ang sarap!" saad nito habang sinusuklay ang buhok nitong parang kulay gray na dahil sa magkahalong itim at puting buhok nito.
Mabilis itong binatukan ni Johansen.
"Tangina mo, Kale Nixon Oliveros! Jojo?! Napakabaduy! Kadiri! Ang jeje mo talaga!"
Tumawa lang ito kay Johansen at mabilis na sumeryoso nang mapansing tahimik at namumula si McKenzie.
"Bumili ka na ng kahit na anong gusto mo at humanap ka na ng ibang mauupuan," sabay abot nito ng isang libo kay Johansen. Para naman itong nahypnotize at kusang sumunod.
Pag-upo nito sa tabi niya ay lalong di mapakali si McKenzie.
"You're blushing. Are you okay?" at sinalat nito ang noo niya.
"Doon ka nga! You're wet!" Nagkibit-balikat lang ito sabay dikit sa kanya. Yumakap ito kaya ramdam niya ang damit nitong malagkit.
Pa-ew ew pa ito pero enjoy na enjoy naman siya sa yakap nito.
"Sasama ka ba sa Singapore this Friday? It's Allison's birthday," McKenzie asked hoping na oo ang sagot nito.
"Are you going?" ganti naman nito habang nakaakbay sa kanya. Dumikit pang lalo si McKenzie rito na ngiting-ngiti. Para silang naghuhulaan ng mga sagot sa kanilang mga titig sa isa't isa.
"Oo kung sasama-
"Nic my loves! Hindi raw sasama si Kenz. Sumama ka raw sabi ni Allison. Magtatampo kami 'pag hindi-
Nagdilim ang mukha ni McKenzie at diresto ang mga tinging ipinupukol nito kay Natalie lalo na sa brasong nakapulupot sa leeg ng katabi niya.
"Oliveros! Tara na! Malilintikan tayo kay coach nito! Nakalimutan mo na ata ako!" sigaw ng kasama ni Kale.
Mabilis itong hinila ni Kale. "Guys, this is Yuri, my bestest friend sa basketball. She's our top player sa team at napakagaling-
Malakas siyang hinampas nito sa balikat at hinihila nang umalis.
"Let's meet later. Nasa gym lang ako pero you can call me na lang if gusto mo akong makita. Ba't ang tahimik mo? Nagseselos ka ba kay Natalie?"
Hindi pa rin ito pinansin ni McKenzie. Nabubwisit lang siyang lalo.
"Aalis na ako. Ako na lang tatawag sa'yo mamaya," at tinap siya nito sa hita.
Napasinghal na lang siyang humarap sa mga kasama. "I'm going now. See you later."
Oras ng klase ay hinihintay niya ang call ni Kale pero wala naman.
After her class ay walang call na dumating. Lumabas siyang asang-asa. Pinapaasa lang pala siya ni Kale sa isip-isip niya.
Pupuntahan sana niya ito sa gym pero dahil pinaasa siya nito ay ayaw na niyang mag-aksaya pa ng oras para dito.
Ano siya gold para puntahan ko sa gym? Madapa sana siya tapos mauna mukha.
She went straight to the cafeteria and while she was walking namataan niyang may kasama itong matangkad at magandang babae.
Tawanan nang tawanan ang dalawa at nagkukulitan pa.
Kumulo ang dugo niya kay Kale.
Kaya pala hindi ako matawagan. Busy pala sa ibang babae.
Sige Nixon, tawa pa. Mamaya bubulagta ka na. Makikita mo talaga.
"One bottle of mineral water please," sabay bayad ni McKenzie.
Pagtalikod niya and she was about to drink it nang biglang tumama siya sa isang matigas na bagay. Natapon tuloy ang tubig sa suot nitong jersey.
She looked at the girl in front of her with poker face.
"Nandito ka pala. Pupuntahan sana kita sa room niyo-
Nilampasan lang niya ito dahil badtrip pa rin siya sa hindi pagtawag sa kanya nito.
"Wait lang," pigil nito sa kanya habang hawak siya sa braso. "This is Jin Morgan, our team captain. Captain, this is McKenzie, my friend."
Nakangiti si Jin na nakipagkamay dito.
"You mean Ms. Henderson? I knew her already. I heard that she's friends with my cousin, Natalie. Nice to meet you, miss beautiful," at akmang hahalikan nito ang kamay ni McKenzie nang mabilis itong hinila ni Kale palapit sa kanya.
"Captain, alis na muna kami. Bahala ka na diyan ha? Matanda ka na."
Naghihinala namang nakatingin si Jin kay Kale saka ngumiti nang nakakaloko.
"Grabe naman 'yon. Ba't binabakuran? Di ko naman aagawin-
"Umalis ka na kasi, naiistorbo mo na kami Jin-
"Excuse me but I'm leaving. Bitiwan mo ako," maawtoridad na sabi ni McKenzie kay Kale pero tiningnan lang siya nito.
Nag-aasaran pa ang dalawa habang si McKenzie ay inip na inip sa mga ito. Napapairap na lang siya dahil parang tanga ang dalawa. Sa harap pa niya siya mismo pag-usapan ng mga ito.
Akala ata ng mga ito ay wala siya.
"Oh, tapos na kayong dalawa? Tapos niyo na akong pag-usapan? Anong feeling? Friend pala ha?" mataray na sabi ni McKenzie nang makaalis si Jin.
"Wag ka na ngang masungit, Knight. Be thankful na lang dahil inilalayo kita sa kapahamakan no? Sobrang babaero kaya nong Jin na 'yon," pangangatwiran pa ni Kale.
"Ay wow. Ako pa talaga ang masungit. Salamat ha? Inilalayo pala sa kapahamakan huh? Ba't ikaw di ka ba babaero? Aalis na ako bahala ka diyan-
"Hoy, wala akong babae no. Gawa-gawa ka. Gutom lang yan, kung ano-ano na sinasabi mo-
"Anong walang babae? Ang kapal mo talaga! Sino pala yong babaeng kasama mo sa condo na nakita kita tapos tumakbo ka pang bwisit ka! Akala mo di ko alam. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Nakatulala ka nga sa malaking dede non eh tapos tinatawag kita di ka lumilingon-
"Tara na kasi Knight, kumain na tayo. Nagugutom na ako!" at pinag-intertwined na ni Kale ang kamay nila.
Aayaw-ayaw pa si McKenzie pero di na niya mapigil ang ngiti sa kamay nilang dalawa.
Nag-order na sila at si Kale ang nagbayad. Ubos agad ang pera niya.
"Grabeng high maintenance mo, pagkain pa lang sayo aabot na ng libo-
"Nagrereklamo ka? Edi go find another girl. Yon naman ang gusto mo di ba? Fine. Dapat hindi na ako nagpunta rito. Mukhang naabala pa kita."
"Ha? Hindi ah! Binibiro lang kita. Aalis ka na? Teka lang, pano 'tong mga pagkain? Ang dami masyado. Sayang naman, hindi ko mauubos," nag-aalalang sabi ni Kale.
"So what? Edi humanap ka ng ibang babae para may kasama kang umubos niyan. Stupid!"
Kakamot-kamot ng ulo si Kale. Hindi alam ang gagawin.
"Nasaan ba si Natalie? Alam mo ba?"
Tuluyan nang bumangon ang inis ni McKenzie dahil hindi ito makaramdam.
"Siya pa talaga ang hinanap mo! Give me back my iphone! Aalis na ako! Magsama kayong dalawa! Don't talk to me over again!"
Mabilis na iniabot ni Kale ang iphone nito at marahas itong kinuha ni McKenzie.
"Aalis ka na talaga? Baka p-pwedeng kumain ka muna? Samahan mo muna ako kahit saglit lang? Sure ka na ba talaga?"
Hindi siya pinansin ni McKenzie at naiwan siyang problemado. Hindi niya alam kung bakit nagkaganoon si McKenzie.
"Hinding-hindi na talaga ako babalik sa cafeteria! Bwisit na Nixong yon!" pagngingitngit niya sa sarili.
Maaga siyang bumalik sa room nila at siya lang ang nandoon at dalawang kaklase niya.
Napasalampak na lang siya sa kanyang upuan at bahagyang sinagi ang kanyang desk.
Napatingin naman sa kanya ang dalawang kaklase.
"What?!" asik niya rito na ikinatahimik ng dalawa sabay labas ng room.
Tiningnan niya ang iphone na ibinalik sa kanya ni Kale at ito ang pinagdiskitahan. Chineck niya agad ang photos pati albums.
"Siguraduhin lang niyang walang nadelete dito or else...Subukan lang talaga niya."
Mukhang nasatisfied naman si McKenzie dahil mukhang wala namang nawalang pictures niya or nadelete.
Napataas ang kilay niya nang mapansin niyang may tatlong album na nadagdag.
Unang album ay nakapangalang fave with heart emoji.
Puro selfie at solo photos niya na kuha sa iba't ibang lugar at bansa na pinagbakasyunan niya.
Second album naman ay pangit with disgusting emoji.
Pictures naman niya kasama ang anim na kaibigan. Karamihan doon ay ang mga pictures nilang dalawa ni Silver.
Third and last album naman ay Knight with unicorn and heart emoji.
Fierce and stolen shots niya from one of her modelling photoshoots sa Paris.
"Sobrang ganda ko talaga," wika niya sa sarili.
Nakangiti na siya dahil sa tatlong album na yon. Sa tingin niya ay si Kale ang may gawa ng mga yon kaya tuwang-tuwa ang loob niya at nagpipigil sa upuan na kiligin.
Her class went well dahil gumanda na naman ang mood niya. Hindi muna siya nabored sa discussion at naging active muna siya sa recitation. McKenzie is a type of student na kahit alam niya ang sagot ay never magrerecite unless gusto at kung nasa mood siya. She will only recite din kapag wala na talagang makasagot at matawag na lahat ng kaklase niyang mali or worse, 'pag galit na ang prof at pinapagalitan na silang lahat.
She's never fond of memorization instead, she likes familiarizing and understanding the principles. Kaya kahit paikot-ikutin sila ng kanilang prof, hindi siya natitrick or nalilito.
After their dismissal, hindi na niya muling nakita pa si Kale.
"Mc! Sino bang hinahanap mo? Tara bar? Namiss ko eh," yaya sa kanya ni Silver nang makita siya nito. Kasama nito si Tyler. "Sama ka Ty?" tanong din nito rito.
"Aalis na tayo the other day. Nakapag-impake ka na ba? Do'n na lang tayo sa SG magbar. Ikaw ba Zie, nakapag-impake ka na?" tanong ni Tyler sa kanya.
"Bar? Pwede naman. Impake? Pass. Pagod ako. Magbar na pala tayo. Where's Aub pala and others?"
"So di ka talaga sasama sa Singapore? Klase yan Mc. Parang di kaibigan. Sumama ka na kasi. Minsan lang naman yon. Wala si Aubrey, may date. Si Reign may practice ng ML. May tournament daw. At yong pinakamagaling mong kaibigan, wala rin. Busy gumawa ng plato," sabay halakhak nito.
"Ha? You mean gumagawa ng plato si Nat? Like pottery ganon?" nalilitong tanong ni Silver na lalong ikinatawa ni Silver habang pailing-iling si Tyler sa tabi nito.
"Ang tanga tanga mo talaga Mc! Sayang talaga ang ganda mo! Tara na nga magbar na tayo!" at hinawakan na siya ni Silver sa kamay.
"Ano ba! Bitiwan mo nga 'yang kamay ko! Yuck, kadiri Zamora!" at nagpupumiglas si McKenzie pero mahigpit siyang hawak ni Silver.
"Napakaarte mo talaga! Naghugas naman ako ng kamay no! Katatapos ko lang kayang tumae. Mabango yang kamay ko amoy Chanel. Kahit amuyin mo pa. Isabay mo na kami ni Ty. Dala mo naman 'yong Benz ko di ba?"
"Fuck you Silver Zamora! Nakakadiri ka talaga! Dugyot!" at pilit binabawi ang kamay niya ngunit pinagtawanan lang siya ng dalawa.
Pagdating nila sa The Midnight Haven ay halos puno na ang buong bar. Dumiretso sila sa bar counter dahil yon na lang ang bakante.
"Kuya, tatlong tequila nga," order agad ni Silver sa bartender.
"Kape sakin," sabat ni Tyler.
"Mine, cold water lang," ani McKenzie.
Natigil naman sa paggawa ang bartender at tumingin sa kanilang tatlo.
"Tangina niyo naman! Kape tapos tubig? Ano yan? Tangina, lamay pala 'to. Sige nga kuya tapos may pandesal ba kayo? Pang pulutan lang tapos kung may cornicks din nga padagdag na. Pahiram na rin ng baraha, magtotong-its kami o kaya mahjong. Salamat kuyang bartender. Yong tequila ko gawin mo na lang gin para sakto."
Natatawa ang bartender habang ginagawa ang order nila.
"Biro lang boss. Long island iced tea sakin. Next time na lang yong kape. Akala ko nasa SB kami. Anong available niyong pulutan?"
"Special sisig, spicy chicken and buffalo wings, unli fries and nachos at special barbecue po ang best sellers namin."
"Long island iced tea na rin for me and sisig," order naman ni McKenzie.
Pinanood lang nila sa pagmimix ang bartender habang hinihintay ang kanilang order.
"Kuya, wala ba si Kale dito? Siya kasi yong bartender namin palagi," biglang tanong ni Silver dito.
"Wala po siya ma'am. Pang-ilan na po kayo sa mga nagtanong niyan. Halos kararating niyo lang po ay katatapos lang din magtanong ni Madam Chloe kung nasaan si Kale at umalis din agad. Halos lahat ata ng customer na nagtanong ay siya ang hinahanap."
"Chloe? Sino yon? Bakit wala daw siya?" sunod-sunod na tanong ni McKenzie kaya napatingin sa kanya ang dalawang kaibigan.
"Si Madam Chloe po? Regular at VIP customer po yon dito. Isang kilalang model at galante magbigay ng tip."
"Ah, you mean yong matangkad na babae na mahaba ang hair tapos malaki yong dede tapos nakared lipstick na parang clown na sinapak?"
'Yong bartender naman ang nagulat kay McKenzie sa walang prenong bibig niya.
"O-opo, siya nga po. M-mabait po yon,"nauutal na tugon ng bartender nang marinig nito ang malaking boobs.
Chloe pala ang pangalan ng pokpok na nakita kong tinititigan ni Nixon sa condo before. Chloe pala ha Nixon.
Isinerve na sa kanila ang kanilang mga orders at umalis saglit ang bartender upang ihatid ang ibang orders na cocktails.
"Hoy Mc, ano yon ha? Sino yong Chloe na yon? Ba't kilala mo yon? True bang malaki ang dede non? Patingin nga ng pic nya. Silipin ko lang saglit kung totoo nga. Kuha lang ako ng idea-
"Wala! Tomboy ka na nga, napakamanyak mo pa kaya walang nagkakagusto sayo! Babaero! Cheers Ty!" at nagtoast sila ni Tyler kahit na napapagitnaan nila si Silver.
"Tsk! Ikaw nga lagi mong hinahanap si Kale! Tulad kanina, tinanong agad kung bakit wala. Ay nako, napaghahalataan. Mawala lang sa paningin niya nagiging dragon na! Siguro ikaw natotomboy ka na kay Kale! Ikaw Mc ha? 'Yan pala 'yong straight, laging nakayakap kay Kale," pang-aasar ni Silver sa kanya sabay subo nito ng sisig.
"Hindi ako tomboy! I'm straight! Huwag na huwag mo akong igaya sa inyong dalawa ni Nat na mga tomboy! Yuck!" Tinawanan lang siya ni Silver at halos di na ito makahinga sa katatawa.
"Sige lang Mc, mag-utuan lang tayo rito. Ganyan naman kayong mga straight eme, laging ginagamit ang straight card. Dali-dali lang naman umamin. Sasabihin mo lang, Silver ganda at mabait, I'm gay and I like Kale Nixon Oliveros. Edi tapos! Di ka naman ijujudge pero dahil ako ang nag-iisang Silver Zamora, ijujudge pa rin kita! And you believe na tomboy si Nat? Haha! Diyan ka nagkakamali Ms. Henderson. Sobrang clingy lang talaga niya lalo na kay Nic myloves niya haha! Di ba Ty?" sabay usog nito kay Tyler na nananahimik na.
"H-ha? Ewan ko sa inyong mga babae. Para sakin, babae pa rin kayong lahat regardless kung anong preference ang gusto niyo. Wala namang masama kung gusto mo yong kapwa mo eh. Ang masama, maging kabit."
"Pero Ty si Nat pa rin talaga-ay sorry nadulas!"
Sinamaan agad ng tingin ni Tyler si Silver at hinampas 'to sa balikat.
"Kapag ang babae ay tulad mo Silv, di talaga ako magkakamaling manakit. Gago ka, nilalaglag mo ko." Nanggigigil na sambit ni Tyler dito habang si McKenzie ay di naman makapaniwala.
"Seriously Ty? You like that poknat? Omg, when pa? Matagal na ba?" usisa pa niya rito.
Bahagya namang namula si Tyler at nauutal pang sumagot.
"Y-Yeah, I like Nat. First year palang kami. Wala ka pa rito no'n Zie. Pero secret lang nating tatlo yon ha? Wag mong sasabihin sa iba. Ayokong masira ang friendship namin ni Nat. Napakagago kasi neto eh! Mabibigwasan na talaga kita Silver! Baka nakakalimutan mong hanggang ngayon patay na patay ka pa rin kay Aubrey-
"Stop! Tangina Tyler! Pati ba naman yan uungkatin mo! Nakamove-on na ako sa kanya-
"Aubrey pala ha. What if tawagan ko si Aubrey now at sabihin ko sa kanya na mahal na mahal mo-
"Don't you fucking dare McKenzie Knight. Gusto mo na bang mamatay?"
"Ang torpe kasi. Mahal na nga niya si Aubrey di pa umamin. Bobo! Ayan tuloy, kinabukasan, si Black ang nagconfess edi sila na agad ni Aubrey! Mahinang nilalang!" bawi ni Tyler at naiiling pa kay Silver.
"Mas bobo ka! Mahal ko nga siya pero she's straight! Ang hirap-hirap kayang magmahal ng babaeng straight! Kuyang bartender! Isang hard liquor nga na pampatanggal ng sakit!"
"Eh paano pag baliktad naman? Straight yong nafall sa tomboy?" curious niyang tanong. Bigla niyang naisip si Kale.
"Wala! Wag niyo ng ituloy na mga straight kayo! Magpapaasa lang kayo mga bwisit! Ganyan kayo eh, makikiclose samin pag walang majowa pero pag may nagustuhan ng iba wala na! Nganga na kami!" hugot ni Silver sabay tungga ng alak.
"Okay lang yan Silv. Ang mahalaga ay 2 years na si Black at Aubrey. Malay mo next time, ikakasal na sila-
"Aalis na talaga ako sa barkadang shit na 'to! Mga hayop! Mga mapanakit! Di sana kayo magkatuluyan ni Nat. At ikaw babae, di ka sana sagutin ni Kale-
"Fuck you! Wag mo akong madamay-damay sa pagkabroken mo! Madala sayo, ang sama sama kasi ng ugali mo! Magkaiba tayo kaya hindi mangyayari sakin yan!" depensa agad ni McKenzie.
"Edi Kale ka pala. Kaya pala close na close na kayo samantalang dati halos isumpa-
"No! Hindi ko siya gusto! Baka ikaw ang may gusto sa kanya! Puro ka Kale, Kale, Kale! Saksak mo na siya sa baga mo! Mr. Bartender, isa pa nga nitong order ko!"
"Hinaan niyo nga mga boses niyo. Wala tayo sa kanto, mga babaeng abnormal," sita ni Tyler na nakikinig lang sa kanila.
"Oh talaga ba Mc? Sabi mo yan ha wala ng bawian. Bukas na bukas, liligawan ko na si Kale. Baka sa kanya pa ako may pag-asa-
"Gustong-gusto mo talagang nasasaktan no?" gigil na bulong ni McKenzie rito sabay kurot nang madiin sa tagiliran ni Silver.
"Tara, uuwi na ako. Hahanap pa ako ng bulaklak. Kayo ba? Mamaya pa kayo?" seryosong saad ni Silver sa dalawa.
"Para saan yong bulaklak? Manliligaw ka talaga?" di makapaniwalang tanong ni Tyler.
Tahimik pero badtrip na kanina pa si McKenzie sa mga pinagsasabi ni Silver. Di lang niya pinapahalata.
Sa dami kasi ng pwedeng ligawan ba't si Nixon pa.
Bwisit ka talaga Zamora.
Sa isip-isip ni McKenzie.
"Uuwi na rin ako," tipid na sabi ni McKenzie at nauna nang umalis.
"Teka miss, bayad mo!" habol sa kanya ng bartender pero si Tyler na ang nagbayad ng lahat.
Nagscroll na lang ng kanyang IG si McKenzie habang naghihintay sa loob ng car. Nawala siya sa mood kahit na wala pang alas-nueve ng gabi.
"Zie," tawag ni Tyler habang kinakatok ang left side window sa may driver seat kung nasaan si McKenzie. "Di na raw kami sasabay ni Silver. Hahanap pa raw siya ng bulaklak. Ingat Zie at magchat ka kapag nakauwi ka na. Bye."
"Bye," at pinaharurot na niya ang sasakyan paalis.
***
"Ang bunso namin dalaga na!" pangangantyaw ng mga kateammates ni Kale lalo na ang Big Four na sina Jin, Hale, Lily at Abi na pakanta-kanta pa.
"Napakaganda talaga ni Oliveros oh!" pang-aasar lalo ni Yuri kay Kale habang may pasayaw-sayaw pa ito sa harap.
Pangatlong araw na sunod-sunod na nakatanggap ng bouquet of red roses si Kale. Sa mismong practice pa nila ng basketball siya nakakareceive ng bulaklak.
Pasalamat na lang sila dahil umalis saglit si Coach Ellie dahil ipinatawag ng sports committee ng buong university.
"Gagi Oliveros, mag-apply ka kaya ng make-up para lalong mainlove sayo yong secret admirer mo! Tapos magpasalon ka rin samahan ka namin di ba guys? Tapos bili rin tayo ng dress mo na flowers flowers!" dagdag pa ni Tei na nagpipigil ng tawa.
Alam naman nilang lahat na hindi straight si Kale kaya araw-araw puro pang-aasar ang natatanggap niya sa mga ito.
"Anong kaguluhan 'to?! Get back to practice! Ayoko ng patamad-tamad! Ang lalaki niyong tao, ang lalamya niyong maglaro! Lahat walang improvement! Malapit na ang game natin pero larong kamote pa rin kayong lahat! Oliveros! Practice-
Nahinto si Coach Ellie nang mapansin niya si Kale na hawak ang isang bouquet of red roses habang nakatulala ito sa bulaklak.
"Wow naman! Pumapag-ibig! Oliveros, ikaw ba yan? Naks! Magpractice ka na rito kung ayaw mong ipakain ko sayo yang bulaklak! Mamaya na yan! At kayo diyan na puro hiyaw, walang magpapahinga sa inyo kung di lahat kayo tanggal sa team!" at pumalakpak na si Coach Ellie habang minamadali ang mga players niyang nakangiti dahil kay Kale.
Magshoshoot palang sana si Kale ng 3-point shot ay biglang nag-wooh si Yuri bilang pang-aasar dito kaya nagmintis ang tira nito.
"Iba na talaga 'pag inlove, di na makashoot. Sana ako rin," tila nangangarap na sabi ni Yuri kay Kale.
"Sana di ka na makashoot?" ganting asar ni Kale dito. "Isa pa talaga Yuri, isa pa," pagbabanta pa niya rito pero tinawanan lang siya nito.
"Oliveros, Yamazaki! Wag na kayong maglaro! Maglinis na lang kayo! Get a mop and clean the floor, now!" sigaw sa kanila ni Coach Ellie.
"Ano ka ngayon Yuri. Buti nga sayo. Karma ka kaagad, akala mo ha," ngisi ni Kale sa kaibigan na nakasimangot.
"Pake ko? At least nakapahinga tayo nang dahil sakin kung hindi, para ka ng asong nakalabas ang dila. Be thankful sakin Oliveros," matapang na tugon ni Yuri habang papasok sila ng locker room nila.
"Eh kung isumbong kita kay Rachel? Baka bukas nasa kangkungan-
"Gago! Close ba kayo ni Rachel-I mean ni Coach Ellie para tawagin mo siyang Rachel?"
"Hindi, haha! Di naman niya alam eh," at sabay na nagtawanan ang dalawa sa kanilang katangahan.
Pagbalik nilang dalawa ay nakaupo sa bench ang lahat pati si Coach Ellie na nakikipagbiruan at tawanan lalo na sa Big Four. Pinapangunahan ni Jin ang kalokohan na ginagatungan din ni Hale. Ang usapan nila ay tungkol sa secret admirer ni Kale at panliligaw nito.
Nahinto ang mga ito nang mapansin silang dalawa.
"Uy, ikaw ata ang topic nila ah! Tingnan mo si Rachel, nakangiti nang nakakaloko satin. Kung ako yan, aalis na ako ng team. Gantihan mo. Umalis ka ng team tapos sama mo ako. 'Wag ka papatalo," biro na bulong ni Yuri kay Kale.
"Tara? Napapagod na ako sa training. Gusto ko na ngang magquit. Nakakatamad na kayang pumasok tapos mapapagod ka pa."
"Oliveros! May naghahanap sayo!" tawag ni Coach Ellie sa kanya. Agad siyang lumapit dala ang mop.
"Ma'am, i-excuse ko po muna si Kale-
Agad na binulungan ni Kale ang babae na naghahanap sa kanya.
"Ehem, ma'am. Pwede ko po bang i-excuse si Kale at Yuri? Pinapatawah po kasi sila sa meeting room. Urgent lang po," kinakabahang paalam ng babae dahil seryosong nakatingin sa kanya si Coach Ellie na naghihinala.
"Okay pero once na matapos agad, bumalik kayo rito lalo ka na Oliveros," at mabilis na umalis ang tatlo.
Tuwang-tuwang naglulundag si Yuri at yumakap kay Kale nang makaalis sila ng gym.
"Mahal mo talaga ako Oliveros! Napakabuti mo talagang kaibigan kahit kailan grabe! Di mo ako kinakalimutan! Mabuhay ka hanggang gusto mo! Ang bait bait mo talaga! Akala ko iiwan mo na ako!" Walang pagsidlan ang saya ni Yuri dahil nakasama siya kay Kale at nakatakas sa training.
"Nakakaawa ka eh. Baka iiyak ka doon. Mag-isa ka pa man din. Alangang iwan kita doon, wala rin akong kasama kaya sumama ka na lang. Tambay na lang tayo after nito, ano, g ka ba?" nakangiting alok ni Kale rito.
"Aba syempre! G na g! Sasama talaga ako sayo Oliveros!"
Masaya ang dalawa dahil sa kaunting panahon na nagkakilala sila ay natagpuan at nakabuo sila ng isang tunay na pagkakaibigan.
"Miss, maraming salamat kanina ha? Ano nga palang meron ba't pinapatawag ako?" mabalik si Kale sa babae na nauunang naglalakad sa kanila.
"Ikaw daw ang napiling last participant para sa upcoming civil engineering quiz bee na gaganapin dito. Isinama ka ni Ms. Montoya sa elimination di ba? Ikaw daw ang nakakuha ng highest so ikaw ang last na makakasama sa participants. Bale team kayo composed of three members. Dalawang lalaki from fifth years ang kasama mong magrereview at cocontest. Need daw magfocus sa review since university daw natin ang nagchampion for the 4 consecutive years. Take note mo na rin na running for summa cum laude yong dalawang makakasama mo kaya may advantage na rin kayo. I'm Mary, fifth year CE and kaklase ko sina Russell at Jared na kasama mo."
"Ohh, nice," tanging sagot ni Kale at dumiretso na sila sa meeting room.
Pagdating nila ay binati agad ni Mary si Ms. Montoya na kanina pa naghihintay sa kanila.
Nang makita nito si Kale ay napangiti ito dahil namiss niya si Kale at matagal-tagal din niya itong hindi nakita't nakausap.
"Thank you Mary. You may leave now. And who are you, miss? I remember na si Kale lang ang ipinatawag ko rito?" sabay taas nito ng kilay kay Yuri.
"Ms. Montoya-
"It's Ysabel kapag-you can wait outside. Get out now," mataray nitong sabi kay Yuri at dali-dali namang lumabas ito.
Naiwan silang dalawa. Mabilis na niyakap ni Ms. Montoya si Kale na tila sabik na sabik siya rito.
Matagal bago niya pinakawalan si Kale.
"We'll make this fast."
Ipinaliwanag ni Ms. Montoya ang tungkol sa upcoming quiz bee at key points lang ang mga sinabi niya kay Kale.
"I have extra shirt in my bag. Get it and change your clothes," utos niya kay Kale na di pa rin kumilos.
"Kale?"
Doon lang natauhan si Kale at sumunod na rito.
Ang meeting room ay ang buong office ni Ms. Montoya na para lang sa kanya. Wala ng iba pang professors ang nag-ooccupy dito.
"I have my own cr here. Doon ka na magpalit."
"Sige po ma'am—
"I said call me Ysabel when we're alone, Kale."
"Di makatingin nang diretso si Kale at nagmamadali nang pumunta sa cr.
Ms. Montoya smirked and she followed Kale sa cr.
She started to unbutton her white blouse while heading to the cr.
She quickly locked the door when she got inside the cr. A devilish grin flashed on her sweet red lips.
Pagtingin ni Kale sa salamin ay muntik na siyang atakihin dahil wala ng suot na pang-itaas si Ms. Montoya at ang puting bra na lang nito ang tanging naiwan.
"My shirt suits you perfectly. Wait for me in my room. Be ready, Kale," at makahulugan niyang tiningnan si Kale na halos di na makagalaw sa kinatatayuan.
"A-ano pong gagawin natin, Ms. Monto—
Dahan-dahan siyang nilapitan nito habang paatras din siya nang paatras. Nakatingin lang si Ms. Montoya sa kanya hanggang sa napasandal na lang siya sa pader. Nahinto rin si Ms. Montoya. Nagsukatan sila ng titig habang binabalot ng kaba ang dibdib ni Kale.
Parang ang init ata rito sa cr? aniya ng kanyang isip.
Biglang tumawa si Ms. Montoya.
"What do you think are we going to do? Are you thinking of something else huh? Silly Kale! Syempre magrereview tayo kaya wait for me sa room ko. You can grab some foods in my fridge there while waiting for me. I'll be right there in a sec," at nagbihis na ito.
Nakaramdam ng hiya si Kale saka nagmamadaling lumabas ng cr.
Pagpasok niya sa room ni Ms. Montoya ay akala niya ay isang parang office room 'yon pala ay isang room na tulad sa mga mamahaling hotel.
Isang queen size bed ang nakita niya at sa gilid nito ay isang apple pc setup. Nakalagay din dito ang isang latest iphone at iPad pro. Malamig ang buong room dahil nakabukas ang aircon at tama lang ang lighting na high-tech din ang controls na muntik pang matanga si Kale.
Sa isang corner naman ay ang fridge na tinutukoy nito. Binuksan ito ni Kale at puno ito ng mga fresh mixed fruits na nakalagay sa isang glass container at may mga healthy drinks din.
Dahil hindi niya paborito ang mga pagkaing nadoon ay kumuha siya ng isang cup ng pudding.
"Pudding? Ang sarap pala nito! Ba't ngayon ko lang 'to nadiscover?" at nanguha pa ulit siya ng isa nang maalala niyang nasa labas si Yuri na naghihintay sa kanya. Nanguha siya ng tatlo.
"Yuri!" tawag niya rito na nakatayo habang nakasandal sa pader. Agad naman itong lumapit sa kanya.
"Tapos na kayong mag-usap? Alis na tayo. Nagugutom na ako! Ang tagal-tagal mo Oliveros," reklamo sa kanya ni Yuri pero ibinigay niya ang tatlong pudding at wala ng natira sa fridge.
"Wow, salamat Oliveros! Pudding my favorite! Sa'n mo 'to ninakaw?" at kinain na nito ang isa. Sarap na sarap si Yuri gaya niya.
"Mauna ka na Yuri. Magrereview pa ako para sa quiz bee. Next time na lang siguro tayo tatambay. Panira kasi 'tong quiz bee imbes na natutulog na ako ngayon. Samahan mo na lang kaya ako?"
"Hell no! Edi magback-out ka na lang diyan para makagala tayo. Mas masaya kayang gumala kaysa magreview kaya kung ako sayo tara na."
"Bukas na lang. Alis ka na, baka hinihintay ka na ni bebe Rachel mo haha!" pang-aasar ni Kale dito sabay tawa.
"Gago!" at hinampas siya ni Yuri at umalis na ito. "Bukas ha? Babagsak ang di sasama!"
"Tanga!" at bumalik na siya sa loob.
"So, shall we start?" tanong sa kanya ni Ms. Montoya at sabay na silang pumasok sa room nito. "I bet kumain ka na nang marami dahil marami tayong aaraling for the following days since next week na ang quiz bee so magandang prepared ka."
"Ba't ako lang po ang irereview niyo? Pano po yong dalawa kong kasama?"
"They can handle themselves at nasabihan ko na rin unlike you na puro basketball at hindi pumapasok. You're the university's scholar yet hindi ka pumapasok and take note that you have scholarship and allowance kaya wala kang problema sa pagpasok sa prestigious university na ito. Alam mo naman siguro na sobrang laki ng kapalit if you fail, right?"
"If babayaran, magkano—
"Tuition fee starts at 200,000 depending on your chosen program and year level. Almost half a million for tuition fee alone for every semester. For now, let's start with the basics, Calculus."
Akala niya ay doon sila magrereview pero may binuksan itong partition sa wall at nagbukas ito. Tumambad sa kanila ang isang spacious room na may bookshelves. Ito ang study room ni Ms. Montoya.
Nagsimula na silang magreview. Binigyan lang muna siya ng 50 items to solve in an hour. She scanned bawat items na puro equations. Familiar naman siya pero hindi niya alam ang gagawin.
"Ang hirap naman nito—
"Fifty-eight minutes," saad ni Ms. Montoya habang kumakain ng kanyang mixed fruits dessert.
Lihim nang isinusumpa ni Kale ang kasama niya ngayon dahil wala siyang masagutan ni isa. Amused na amused naman si Ms. Montoya na nahihirapan si Kale.
"You deserved it dahil hindi ka nag-aaral mabuti pero nakalusot sa eliminations. Malakas siguro ang guardian angel mo," biro pa nito sa kanya ikinapoker face niya.
***
"Bakit tulala ang beshy namin?" asar ni Silver kay McKenzie. Nasa library silang pito dahil group study nila at busy sa kanilang upcoming quizzes at sandamakmak na activities.
Si Tyler ay humiwalay ng table dahil maiingay sila. Si Natalie ay humiwalay din dahil gumagawa ng dalawang plates na deadline rin ngayon. Nagtutulungan naman si Black at Aubrey habang nagsasaulo si Reign.
Walang pumansin kay Silver. Nagsasummarize ng notes si McKenzie sa kanyang ipad at may sasagutan pa itong problems. Sa pagitan ng pagsusulat ay nahuhuli ni Silver na natutulala ito.
Sa t'wing naiisip ni McKenzie si Kale habang nagsusulat siya ay nabablangko siya. Halos dalawang araw na itong walang paramdam sa kanya at hindi na niya ito nakikita pa.
Nagsisisi tuloy siya sa sinabi niya rito no'ng huling pag-uusap nila.
Tinotoo talaga niya 'yong sinabi ko. Huhu. I missed her already, wika ng utak ni McKenzie.
"We're done! We're going na sa Singapore mamaya!" masayang sabi ni Aubrey nang matapos silang magreview ni Black. Nagretouch na ito habang si Black ang nag-ayos ng kanilang gamit. "Kenzie, finish your activities na para makapagprep na us sa tour natin—
"Shh! Ang ingay! Pwede ba, wag niyo muna akong guluhin ngayon? I'm busy, can't you see? If you're done guys, just leave."
Inirapan naman siya ni Aubrey.
"The fuck bitch? Why so sungit? I'm only reminding you then you're reacting like an old woman. Di ka sana matapos diyan," mataray nitong sagot sa kanya sabay tago sa make-up nito.
Nagsukatan ng titig ang dalawa.
"Magbreak sana kayo ni Black—
"Hoy Zie! Walang ganyanan, bawiin mo sinabi mo! Di mangyayari yon uy!" react agad ni Black sabay yakap kay Aubrey.
Agad na nagkatinginan si Silver at Tyler.
Then Aubrey and Black kissed passionately in front of them. "You can't do that bitch," and she smirked at McKenzie then the two lovebirds left.
"Panis ka pala Mc eh. Di mo pala kaya yong gano'n. Mahina ka pala. Ano bang mapapala niyo sa kiss kiss na yan? Nagpapasahan lang kayo ng laway eh. Ang sasahol niyo. Hanap nga rin ako ng akin. Nakakainggit. Alis na muna kami ni Tyler. Darating na yong flowers ko. And don't forget mamaya na yong alis natin. Make sure na kumain ka na bago ka pumunta sa condo ko. Ty, sleep over ka na lang sa condo ko."
"Anong flowers yan? Para kanino?" usisa agad ni McKenzie saka humalukipkip.
"Wala. Alis na kami Mc! Bahala ka diyan!" at iniwan na siya ng dalawa.
Naiwan na lang silang tatlo nina Reign at Natalie.
"Where are you going Nat?" tanong ni McKenzie nang mapansin niyang nag-aayos na ito ng gamit.
"Sa gym. I'm gonna watch a basketball practice. I heard na may free foods there and nandon naman yong pinsan ko. Wag ka ng sumama. Bawal homophobic—
"Sasama ako. Let's go na pala," at nag-ayos na rin siya ng gamit at umalis na silang dalawa. Iniwan nila si Reign.
"Kenz, pwede bang lumayo ka? Di na ako makapaglakad oh! Bitiwan mo nga ako't mapagkamalan pa tayong magsyota. Yuck, kadiri! Buti kung si Nic, kahit kumandong pa siya—
"Wag kang nananaginip ng gising. Never kang papatulan—
"Shut up Kenz! Bwisit ka talaga no?"
"Jin my loves! Nasan ka na ba?" sigaw ni Natalie pagpasok nila sa basketball gym kaya napatingin ang ibang players sa kanilang dalawa.
Hinanap agad ng mata ni McKenzie kung nandoon si Kale ngunit hindi niya ito makita.
Nadismaya siya ng wala ito. Kaya siya sumama para makita ito pero wala pala. Gusto na tuloy niyang umalis.
Imbis na si Natalie ang batiin ni Jin ay si McKenzie ang binati nito. Malapad ang ngiti at tuwang-tuwa nang magkita ulit sila.
"Hi there, gorgeous! Mukhang naligaw ang isang napakagandang binibini dito? Sorry last time but let me introduce myself. I'm Jin Morgan, and you can call me Jin. I'm the team captain of the women's basketball team. And you are?"
Malayo ang tingin ni McKenzie.
"Hello?" pukaw sa kanya ni Jin kaya natauhan siya.
"Ha? What did you say? Di ko kasi narinig," palusot niya rito.
Natawa naman si Jin at hinayaan na niya ang usapan nila kanina.
"I said, mukhang may hinahanap ka. Are you looking for Oliveros? Wala siya rito. I'm sorry for that—
"I'm not looking for someone," and she dismissed their conversation. She's not interested na makipag-usap dito dahil pakiramdam niya ay feeling close ito which is ayaw na ayaw niya ng ganon.
"Akala ko hinahanap mo siya. I heard kasama siya sa quiz bee kaya wala siya sa practice namin—
"Jin! Mamaya ka na nga lumandi! Nandito kaya ako!" sigaw ni Natalie sa pinsan niyang kakamot-kamot ng ulo. Umalis na rin si McKenzie at di na nagpaalam sa dalawa.
"So, kaya wala siya dahil kasama pala siya sa quiz bee?" Dumiretso agad siya sa office ng kanyang Tito Brandon upang tanungin ang tungkol sa quiz bee.
Buti na lang ay naabutan niya itong nandoon na abala sa ipad nito.
"Good morning Tito! Can I ask something po?"
Nagulat naman ang kanyang Tito Brandon at hinarap siya. Gaya ng dati ay napakagwapo pa rin nito at malinis tingnan. Laging presentable at parang hindi naistress.
Hindi ba naistress si Tito Brandon kay Nat? Kung gaano kalinis at kayos tingnan si tito, kabaliktaran naman ang anak niyang si Nat. Minsan, naiisip ko na lang kung anak ba talaga niya si Nat.
"Ikaw pala McKenzie. Good morning. Sure, what is it?" nakangiting sagot nito sa kanya at pinaupo siya nito sa modern couch. Ipinaghanda rin siya nito ng orange juice.
"About po sa quiz bee. I heard na may quiz bee daw po ang civil engineering? I just want to know kung sino po ang mga kasama doon," palusot ni McKenzie kahit na ang toto ay gusto niyang malaman kung nasaan si Kale.
"Ah, yes. Meron and that will be held next week dito. Ba't mo naitanong? Based sa mga report sakin, dalawang senior at si Ms. Oliveros ang kasama sa quiz bee. Si Professor Montoya ang kanilang coach. Ngarereview sila sa office ni Professor Montoya."
Lihim namang napangiti si McKenzie dahil konti na lang ay makikita na niya si Kale.
"Last na po tito. San po yong office ni Professor Montoya?"
"Two offices after mine sa kaliwa. Doon ang office niya. May nakalagay namang name niya sa pinto."
"Thank you so much Tito Brandon!" at umalis na siya. Pinuntahan agad niya ang office ni Professor Montoya.
"Finally! Ang galing galing ko talaga. Ang galing galing mo talaga McKenzie Knight!" Kumatok muna siya dahil yon ang nakalagay sa pinto saka dahan-dahang binuksan ang pinto.
Excited na excited siya lalo nang makita niyang natutulog ito sa couch. Parang anghel itong natutulog at papasok na sana siya nang biglang may isang maawtoridad na boses ang pumigil sa kanya.
"What are you doing? Sneaking in my office without permission? Leave now."
Sakto namang nagising na rin si Kale at nakatingin na sa kanilang dalawa ni Professor Montoya. Pumasok na si Professor Montoya at pinagsarahan na si McKenzie.
Gigil ang nararamdaman ni McKenzie ngayon kay Professor Montoya dahil dumating pa ito. Ipinagdasal niyang madapa sana ito. Naglakad na siya paalis nang walang napala.
***
"Mc! Nasaan ka na ba? Dalian mo! Ikaw na lang ang hinihintay! Aalis na tayo!"
"Nasa Henderson pa ako Zamora wait! Paalis na rin ako. Sabi niyo kasi dito magkikita-kita!"
Sabado na ng umaga nang mapagpasyahan nilang umalis patungong Singapore. Walang nagising sila nang maaga kaya nadelay na naman ang alis nila.
"Dalian mo na! Punyeta McKenzie Knight Henderson! Ang usapan 6am, anong oras na oh! Pasado 7:30 na!"
Di na magkandaugaga si McKenzie sa pagmamadali nang biglang may mabunggo siya at nahulog ang phone pati ang wallet na hawak niya.
"Fuck! Nagmamadali—Nixon?" gulat na gulat na sambit ni McKenzie nang makita niya ito.
Saglit lang siyang tiningnan nito at pinulot na nito ang mga nahulog niyang gamit.
"I'm sorry. Nabasag ko ata ang phone mo. Kailangan mo ba ng tulong? Mukhang nagmamadali ka. I'm sorry—
"What are you doing here? Hindi ka ba sasama sa Singapore? Ba't nandito ka? It's Saturday."
"Birthday ni Ali di ba kaya kayo aalis? Hindi ako sasama. May review pa ako. Mag-iingat kayo doon ha lalo ka na." Lalagpasan na siya ni Kale nang maagap niya itong pinigilan.
"Hindi na rin pala ako sasama kung hindi ka sasama."
"Pano yong mga friends mo? Sayang naman kung di ka sasama—
"I missed you so much, Nixon," at niyakap niya ito nang mahigpit na halos ayaw na itong pakawalan pa.
Hindi kaagad nakapagreact si Kale ngunit niyakap din niya ito nang mahigpit. Lihim itong napangiti.
After all those painful and miserable 3 years of her life, someone hugged her again like that for the first time.
"I missed you too, Knight," bulong ni Kale kaya lalong humigpit ang yakap sa kanya ni McKenzie.
Tuwang-tuwa ang puso ni McKenzie ng mga sandaling yon at kung pwede lang ay ayaw na niya itong bitiwan pa. Napawi agad ang pagkamiss niya rito. Wala na siyang pake sa phone niyang nahulog na on-going pa ang call niya kay Silver at saglit lang ay pinatay na rin nito ang call.
"Tulungan na kita rito. Ang dami mong gamit. Dala mo ba yong sasakyan mo?" tanong ni Kale nang humiwalay siya rito.
"Oo, bakit? Ihahatid mo ba ako?" pagpaparinig ni McKenzie habang nilalaro ang dulo ng kanyang mahabang buhok.
"Gustuhin ko man pero hindi pwede. Malelate na—actually late na ako ngayon sa review. Tara na," at hinila na ni Kale ang isang maleta niya habang sinakyan naman ni McKenzie ang isa.
Ngiting-ngiti si McKenzie at inaasar pa si Kale na naglalakad habang siya ay effortless na nakaupo. Naghand gesture pa ito sa kanya ng bon appetit.
Kung dati ay nagrereklamo si McKenzie na masinagan lang ng kaunting araw ngayon nama'y wala siyang pake kahit wala siyang payong. Hindi niya alintana ang init dahil kasama niya si Kale.
"Hala, nasira na! Sobrang bigat mo kasi!" ganting asar ni Kale rito sabay tawa nang malakas.
"Ang pangit mo naman! Napakapangit!"
Naningkit ang mata ni Kale.
"Luh pangit pala ako pero hinahalikan. Pumapatol ka pala sa pangit?"
"God no! I'm straight at lasing ako kaya di ko napansin na pangit pala yong nakiss ko! Akala ko artista, pugita pala! Ang kapal ng labi!"natatawang asar ni McKenzie nang makarating sila ng parking lot.
"Wow pugita pala. Wala ka ng kiss sakin."
"Okay. Magsama kayo ni Chloe mo. Kayo na lang maghalikan tapos mas sexy pa sakin. Gusto mo naman yon di ba?" padabog na ipinasok ni McKenzie ang dala niyang maleta sa loob ng car saka marahas na binawi ang maleta niyang dala ni Kale.
"Sinong Chloe?"
Lalong sumama ang mukha ni McKenzie dahil nagmamaang-maangan pa ito sa kanya.
"Tangina mo talaga. Ang dami mo talagang babae kaya wala kang matandaan ni isa. Si Chloe, yong mahal na mahal mo na malaking dede na mukhang clown na sasabak sa children's party. Bahala ka diyan. Magsama kayong dalawa. Aalis na ako!"
Napangisi naman si Kale.
"Nagseselos ka ba Knight?"
Napataas ang kilay ni McKenzie sa narinig.
"Ako magseselos? Kanino naman? Sa mga pangit? Ako pa talaga ang magseselos ha? Sa ganda kong 'to, ang daming nagkakandarapa tapos magseselos sa pangit? Adik ka ba?" at pinaandar na niya ang engine.
"Ohh, so hindi ka pala nagseselos? So okay lang sayo kahit may halikan akong iba? Sige pala, ingat sa pag-uwi," malapad ang ngiti ni Kale at tinap pa ang taas ng kotse nito.
Nagsalubong ang kilay ni McKenzie at lalong sumama ang tingin kay Kale. Humigpit ang hawak sa manibela.
"Kahit maghalikan kayo buong magdamag wala akong pake. Ihatid pa kita sa kanya gusto mo—
Naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang halikan ni Kale. Biglang lumambot ang kanyang anyo at tinugon ang matamis nitong halik. Halos malunod siya sa sarap nitong humalik at ayaw na niya itong pakawalan pa.
"Ano, pangit at pugita pa rin ba ako? Wag ka nang magselos. Ikaw lang naman kasi ang nasa isip ko kaya wala akong maalalang iba," sabay kindat sa kanya ni Kale.
Napataas naman siya ng kilay sabay sandal sa kanyang kinauupuan. Nagpipigil ng ngiti dahil sa kilig.
"Che! Para kang tanga. Di mo ako mauuto. Umalis ka na nga," kunwaring pagtataray ni McKenzie kay Kale na tuwang-tuwa sa kanya.
"Okay. Ingat ka po madam sa pagmamaneho!"
"Wait!" at mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Kale. "Kung totoo nga ang sinasabi mo, then, susunduin kita mamaya."
Natigil si Kale.
"H-hindi pwede eh. Matatagalan pa kaming matapos sa review. Wag mo na akong sunduin. Baka busy ka rin. Ayokong maabala pa—
"Wala akong gagawin dahil Sabado nga diba? Para may gawin ako, susunduin kita. Final na yan," maawtoridad na sabi ni McKenzie para wala ng palag si Kale.
"Knight, hindi nga pwede kasi magagabihan kami. Hindi ka magbabar? Magbar ka na lang. Have some fun, diba gusto mo yon?" pamimilit ni Kale para magbago ang isip nito.
Naparoll na lang ng mata si McKenzie sa katangahan ni Kale.
"Seriously Nixon? Kasama ka pa man din sa magququiz. Nag-iisip ka ba like hello umagang-umaga papupuntahin mo ako sa bar? Ano ako? Security guard or tagabukas ng bar? Grabe, I'm so disappointed talaga," naiiling na sagot ni McKenzie at hindi niya kinakaya ang kausap.
Napatampal din si Kale sa noo niya.
"Hindi naman kasi sa ganon. Wala naman akong sinabing ngayon ka pupunta eh. Ang akin lang, mamaya pa. Pwede ka naman magshopping muna ganon o kaya Sing...ga...pore?" Halos pabulong na lang ang huling salita na binanggit niya.
"Ahh! Alam ko na. Kaya ayaw mong sunduin kita baka dahil si Chloe ang susundo sayo. Hindi mo pa sabihing ayaw mo akong sunduin ka. Siguro mas maganda siya at mas expensive yong car niya tapos mas magaling sigurong magdrive. Baka mas mayaman din siya tapos ayon nga, malaki pa yong dede—
"Sige. Sunduin mo ako rito ng 6pm. At para magkaalaman din kung sino ang mas magaling magdrive at kanino ang mas malaki."
Lumapad ang ngiti ni McKenzie at nakaramdam siya nang matinding excitement sa sinabi ni Kale.
"At my penthouse then."
Si Kale naman ang naiiling. Wala na namang atrasan 'to.
"Whatever you want, Knight." And McKenzie pulled her closer for one more kiss then she left.
Tuwang-tuwa si McKenzie sa pagmamaneho dahil nakuha na naman niya si Kale.
Naiwan namang nakangiti si Kale habang hawak ang labi niyang hinalikan ni McKenzie. Nawala na sa isip niya ang pagrereview at inaabangan na ang pag-uwi niya mamaya.