Chapter 5 - Chapter 5

"Hmm." Napaingit na lamang si McKenzie at tumalikod sabay subsob sa unan. Naramdaman niyang may tumatapik sa kanya.

"Hoy, magsigising na kayo, tanghali na!" rinig niyang sigaw kaya napadilat siya nang kaunti. Si Reign pala. Pero pumikit ulit siya dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw. Hinawi pa kasi niya ang kurtina.

Naramdaman ni McKenzie na pinaghihila na nito ang kumot at ang mga unan sa kanila sabay patay ng aircon. Ang apat na babae ay kasalukuyang nasa iisang kuwarto pero hindi sila magkakatabing natulog dahil sa nangyari kagabi.

Si McKenzie lang ang nakahiga sa malaking kama habang si Eiji at Nat naman ay sa lapag pero magkahiwalay din. Si Aubrey ay sa couch naman.

"Ayaw niyo pang gumising ha." Isang malakas na hampas ng unan ang dumapo sa mukha ni McKenzie kaya napadilat na siya ng tuluyan. Narinig niya rin ang mga pagsigaw ng kanyang mga kasama sa kuwarto.

"Gago kang kupal ka!" malutong na mura ni Eiji kay Reign dahil hinampas siya ng unan nito sa mukha ng sunod-sunod hanggang sa siya'y magising. Pinanggigilan ba naman si Eiji. Buti nga.

Dahil hindi pa rin gising si Aubrey at Nat, napangisi naman si Reign. Ngising may maitim na balak. Umalis muna ito saglit. Pagbalik nito ay may dala na itong air horn at lumuhod na sa tapat ng couch.

Napatakip na si McKenzie ng kanyang tenga at nagpipigil matawa sa mangyayari. Pinindot na ni Reign ang air horn at biglang napabalikwas si Aubrey at nahulog kaya nadag-anan niya sa mukha si Nat dahil sa sahig lang ito natulog malapit sa couch.

"Reign! I'll kill you fucking asshole!"

"Aubrey! You son of a bitch!"

Mabilis na tumayo si Aubrey at hahabulin na sana si Reign na patuloy naman sa paghalakhak ngunit mabilis itong nakalabas ng kuwarto.

Biglang hinila ni Nat si Aubrey kaya napahiga ito at nagsimula na silang magpatayan.

Walang balak na awatin ni McKenzie ang dalawa dahil medyo nahihilo pa siya mula sa pag-iinom nila kagabi sa bar. Pumikit muna siya dahil inaantok pa.

Mayamaya ay nagising lang siya dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Napansin niyang wala na rin ang kanyang mga kasama. She checked her phone.

10:00 am

Nagpasiya na siyang bumangon kahit nahihilo pa rin dahil sa hangover. Naisipan niya munang mag-cr at sapo-sapo ang kanyang ulo na dumiretso ro'n. Nang mabuksan niya ang pinto ng cr ay tumambad sa kanya ang nagsusukang si Nat. Kulang na lang ay sumubsob na ito sa toilet bowl.

Dahil busy pa si Nat ay umalis na siya at bumaba. Dumiretso na siya sa kusina. Nadatnan niya si Eiji, Aubrey at Black na tahimik lang na nakaupo.

Si Tyler at Reign naman ay busy sa pagluluto ng kanilang agahan. Tinutulungan ni Reign si Tyler habang may pasayaw-sayaw at pasipol-sipol pa itong nalalaman. Naka-apron at may hawak-hawak din itong spatula.

Umupo na si McKenzie sa tapat ni Aubrey at Black. "Baby, please be gentle. Nagkapasa na ata 'yong arm ko because of that moronic Nat," usal ni Aubrey habang dinadampian ng cold compress ni Black ang kanang braso nito.

"Ano ba kasing nangyari baby? Ang aga-aga nagkapasa ka na agad. May nanakit ba sa 'yo?" masuyong tanong ni Black dito.

Patuloy lang ang dalawa sa pag-uusap habang si Eiji naman ay nagkakape at si McKenzie nama'y tahimik lang na hinihilot ang kanyang sentido.

"Baby, Zie, gusto niyo bang magkape?"

"No baby, a water will suffice. Bring an Advil also, thank you."

"Same with Aub and an orange juice for me, Black. Thanks."

Pagkasabi no'n ay umalis na si Black at naiwan ang tatlo. Halos wala pa ring nag-iimikan sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ulit si Black dala-dala ang isang tray na may dalawang baso ng tubig at isang baso ng orange juice. May dalawang tablets din ng Advil.

"Ito na ang water at Advil, baby. Zie, here's your orange juice, water and Advil," sabay iniabot sa kanilang dalawa ang mga kailangan nila.

Sakto namang kabababa din ni Nat at mukha itong inapi dahil sa gulo-gulo niyang buhok at gusot niyang damit na basa pa. Halatang kagagaling sa paghihilamos.

"Good morning Nat. Ipagkukuha na rin kita ng tubig at Advil." Umalis na ulit si Black at si Nat naman ay tumabi kay McKenzie. Sapo-sapo rin nito ang ulo at sumubsob na sa mesa.

Napansin ni McKenzie na himas-himas ni Aubrey ang kanang braso nito na may pasa habang matalim na nakatingin kay Nat. Si Eiji naman ay nakatingin sa kanya pero inirapan niya lang ito.

Mayamaya ay sabay-sabay na dumating ang tatlong mokong. Si Black ay may dalang mug habang si Reign at Ty naman ay may dalang tray na naglalaman ng kanilang nilutong agahan.

"Nat, here's a water and Advil." Niyugyog muna ito ni Black saka iniabot ang mug.

"Here's our perfect and mouth-watering breakfast and exquisitely prepared by yours truly," mayabang na pahayag ni Reign habang may paayos-ayos pa ng buhok matapos nitong ihain ang mga dalang pagkain.

'Di man lang siya tiningnan ng mga kasama at sa halip ay nangunguha na ang mga ito ng kanya-kanyang plato at pagkain. Si Black naman ay nagpipigil ng tawa.

"Ang dami mong nalalaman pre eh nagpakulo ka lang naman ng tubig at nagpitpit ng bawang. 'Di bale dagdag pogi points din 'yan pre lalo na 'yang suot mong floral na apron," pang-aasar ni Tyler. 'Di na nakapagpigil si Black at nakisama na sa pang-aasar.

Nagsimula na silang kumain. Nasa kabisera si Reign habang si McKenzie at Aubrey ay magkatapat at gano'n din si Eiji at Tyler. Nasa dulo ang apat habang si Natalie at Black naman ang nasa gitna at magkatapat. Tulad kanina ay tahimik pa rin ang apat na babae at ang mga mokong lang ang nagsasalita.

"Sobrang sarap mo talagang magluto boi. Turuan mo nga ako minsan para maipagluto ko itong baby ko," komento ni Black sa pagitan ng kanyang pagkain at tumingin saglit kay Aubrey.

"Sige boi. Punta ka lang dito sa bahay."

"Pre, paabot pa nga ng kanin saka ng bacon at longganisa. Pati pala 'yong sopas," pakiusap ni Reign kay Tyler at iniabot naman ng huli ang mga pagkain rito.

Patuloy lang sila sa pagkain nang bigla na namang magsalita si Reign.

"Alam niyo mga boi, parang tayong tatlo lang ang mga tao rito. Napipi na ata 'yong mga babaeng abnoy at siguradong panis na ang mga laway nila. Gusto atang maulit ulit 'yong ginawa ko kanina." Tumawa naman ito nang mahina at ngumisi.

Bigla nilang sinamaan ng tingin si Reign at maging si Black ay naghihinalang tumingin dito at sumulyap din kay Aubrey nang marinig ang sinabi nito. Tumayo si Black at hinampas si Reign sa balikat at umalis saglit.

Pagbalik ni Black ay may dala itong dalawang bote ng wine. Nanguna na naman si Reign sa pag-abot sa bote ng wine kay Black pero inilayo naman ito ng huli.

"Dahil may mga hangover pa kayo lalo na kayo ladies, I grabbed a bottle of sparkling white wine called the Italian Moscato d' Asti. Para mawala ang hangover niyo, drink a small amount of this wine. Huwag kayong mag-alala, safe kayong uminom niyan kahit uminom kayo ng Advil," mahabang paliwanag sa kanila ni Black.

"Are you sure Black? Baka naman lumala ang hangover namin kapag uminom pa kami niyan," nagdududang tanong ni McKenzie rito dahil ayaw niya ng madagdagan pa ang hangover.

"No Zie. Hindi lalala ang hangover niyo dito dahil 5.5% lang ang alcohol content nito kaya the best sa inyo ito ladies. Saka nakakatulong ito para mabawasan ang sakit ng ulo niyo lalo na't kumain na rin kayo ng breakfast. Mawawala na rin 'yang hangover niyo."

Inabutan na ni Black ang apat na babae ng tig-iisang shot glass na may lamang wine na tinutukoy niya. Tama nga si Black dahil manamis-namis 'yong wine at parang wala lang. Mas masarap pa sa Champagne.

"At syempre sa ating mga barako, I grabbed a bottle of German Kabinett Riesling, which is also a white wine. Okay din sa 'tin ito dahil mababa lang ang alcohol content nito na 8%. This is what I love about German wines, they are perfect food wines," mahabang paliwanag ni Black at naglagay na rin ng wine sa tatlong shot glasses at iniabot kay Reign at Tyler.

"Prost, meine Freunde," at sabay-sabay silang nag-toast.

"You really are a wine connoisseur Black. No doubt that you'll be the next enologist of the Avila family," proud na sabi ni Tyler kay Black matapos inumin ang wine.

"Salamat boi pero family business namin ang brewery at winery kaya maalam ako sa mga wines."

Patuloy pa rin sa pag-uusap ang mga lalaki habang silang mga babae ay nakikinig lang at sa pagkain lang nakapokus. Napaangat naman ng tingin si McKenzie nang biglang magsalita si Tyler.

"Teka lang ladies, kanina pa kayo tahimik. Nakakapanibago at walang magugulo't maiingay. Nag-away ba kayong apat?"

Wala pa ring nagsasalita sa kanilang apat.

"Pre, mukhang wala kang kausap ah. Saka ito pa, hindi sila magkakatabing natulog nang gisingin ko sila kanina," at tiningnan sila isa-isa ni Reign at Tyler.

"Siguro dahil sa nangyari sa bar kagabi kaya parang ang aamong tupa nila ngayon. Magsagutan pa kayo ha," nang-aasar pang sabi sa kanila ni Black kaya nakatikim ito nang nakakamatay na tingin mula sa kanilang apat.

Agad naman silang sinaway ni Tyler at pinagsabihan."Tama na 'yan. Ladies, magbati na kayo. Hindi kami sanay na tahimik kayong apat at alam kong simpleng misunderstanding lang 'yan. Huwag niyo ng patagalin pa dahil hindi na kayo mga bata para sa ganitong bagay."

Nagtinginan lang silang apat at hindi pa rin gumagalaw. "Ladies, isa. Magbati na kayo at kahit simpleng yakap at sorry ay okay na. O baka gusto niyong kayo na lang ang magligpit ng mga pinagkainan natin." Nang marinig 'yon ni McKenzie ay bigla siyang kinilabutan. Wala akong gusto sa sinabi ni Ty.

Nang matapos silang kumain ay biglang tumayo si Eiji at lumapit kay McKenzie para yakapin ito. Sumunod naman si Natalie at humingi ng sorry sa kanya. Huli si Aubrey at niyakap niya ito pabalik dahil okay naman talaga ang dalawa.

Kilala naman ako ni Nat at Eiji kung anong klase akong tao pagdating sa mga ganitong bagay. Hindi ako kaagad-agad nakikipagbati.

"Mukhang ayos na 'yong mga pipi ah. Puwede na ulit silang magbangayan," pang-aasar na naman ni Reign sa kanila.

Dahil bwisit na sila kay Reign ay tumayo na si McKenzie at nagpaalam na uuwi na. Nagsisunod naman ang iba at nagpaalam na rin. Iniwan na nila si Reign na kamot-kamot ang ulo nito.

Paglabas nila ay niyaya ni McKenzie si Aubrey na pumunta sa mall saglit dahil nananabik siya sa kape. Nagpaalam muna ang huli sa kanyang nobyo saka humalik dito bago sila sabay na umalis.

Nang makarating ang dalawa sa Affogato ay dumiretso agad si McKenzie sa counter upang mag-order ng caramel hazelnut para sa kanya at Irish cream breve naman kay Aubrey.

Habang hinihintay ang kanilang order ay nagpaalam muna sa kanya si Aubrey na may bibilhin lang ito. Makalipas ang labinlimang minuto ay handa na ang kanilang take-out order at iniabot na kay McKenzie.

Nang okay na ang lahat ay tumayo na si McKenzie para umalis na ng coffee shop at nang palabas na siya ay may nakabungguan siyang isang babae. Tiningnan niya muna ito. Mukha siyang modelo at halos magkasingtangkad lang kami at kung titingnan mo siya sa malapitan, para siyang half-Japanese.

"I'm sorry miss. Are you okay?" Tiningnan pa siya nito at nginitian pero inirapan niya lang. 'Di niya kilala ang babae kaya 'di na niya ito pinansin pa dahil nagmamadali na siyang lumabas.

I don't care about people whom I'm not close with.

Pero may napansin pa si McKenzie sa babaeng 'yon. Nahagip ng paningin niya ang hawak nitong envelope na may nakasulat.

Henderson University.