| KLEIN FUEGO'S POV |
(A MONTH AGO)
"Klein! Wala ka ng respeto sa Daddy mo!"
I was about to step out of the door when my mom shouted at me with her knife-like eyes glaring at me. We're on a fight and I want to get rid of this that's why I wanted to get out of these house.
"Stepdad ko lang siya. At lalong hindi ko siya Dad! At paano ko siya rerespetuhin? Oh, tignan niyo nasaan ba siya ngayon? Guess what, nambababae na naman 'yon. Mom! Kailan mo ba marirealize na niloloko ka niyang taong pinagtatanggol mo!?"
Hindi ko na kontrolado ang sinasabi ko. Naiinis na kase ako dahil paulit-ulit na lang niya iyong ginagawa sa Mom ko. At ako 'yung nasasaktan para sa kaniya. I've seen her acting like a blind. She look so cruel. Naaawa ako sa Mom ko. Kaya hindi ko kayang respetuhin 'yung lalaking 'yon hangga't hindi s'ya nagbabago.
"Klein, mahal ko siya."
"Kahit ginagago ka na?"
"That's love son, 'yung kahit may maling nagagawa 'yung tao, basta mahal mo, everything is perfect."
Hindi ako makapaniwalang idinadahilan ni Mom 'yung pagmamahal niya. Sa sobrang pagmamahal ng tao, nagiging tanga siya, nagiging bulag at nagiging bingi rin. Kaya ako, kung ma-inlove ako sisiguraduhin kong balanse ang lahat, hindi ako magpapakatanga, that's not my forte.
Hindi ako makapaniwalang nanay ko siya. Magkaibang-magkaiba talaga kami. Ginagamit niya 'yung puso niya at damdamin sa pagdedesisyon kaya naloloko siya, ako naman ginagamit ko ang isip ko kaya nagagawa kong sulosyunan ang mga bagay-bagay.
"Fine Mom, you won. Ano nga namang magagawa ko? Mahal mo, eh. Pero sana iniisip mo rin, kung 'yung taong 'yon ba iniisip 'yung nararamdaman mo, everytime he cheats."
Tuluyan na akong lumabas ng pinto at lumabas na ng bahay.
Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot ito papunta sa bahay nila Claire, my bestfriend. Sa kaniya lang kase ako nakakapagsabi ng problema, at siya na lang din ang taong pinagkakatiwalaan ko. Naging magkaibigan kami nung elementary, siya kase 'yung laging tumutulong sa akin sa paggawa ng projects noon kaya naging close kami. Maganda siya at maaasahan.
"Oh, Klein. Anong ginaga— hays, nag-away na naman kayo ng Mommy mo, 'no?" bungad niya pagkabukas ng gate. Malamig akong tumango bilang tugon sa tanong niya. She's really the best friend I ever have, she knows what I suffer and what I feel, kahit hindi ko sabihin. Ang saya lang na may nakakaintindi sa'yo.
"Same problem, 'yung stepdad kong cheater." Halata sa boses ko ang pinaghalong lungkot at inis.
"Oh tara maglakad-lakad tayo. Pag-usapan natin 'yan." Umakbay siya sa akin at inabot ang tenga ko sabay kurot dito, "Hays, Klein just be strong, kaya mo 'yan, ikaw pa ba?" kusang bumurda ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. She's so nice, no doubt why everyone likes her.
"O sige bonak, para naman makasinghot ako ng hangin, nasusuffocate na rin kase ako sa toxic na hangin sa bahay, eh. Tara, ililibri kita ng kahit anong gusto mo, Claire."
"Bakit libre ka ba?"
'Yan na naman si Claire. Hilig niya bumanat, kapag ako nahulog sa kaniya baka hindi niya kayanin. Pero ako bilang ayokong masira ang pagkakaibigan namin, I wanted us to stay friends forever. Ayos naman kami bilang kaibigan, eh. She's my one and only friend, that's why I don't want to ruin our friendship, kaya nagiging maingat ako at kinokontol ang nararamdaman ko.
"Joke lang, ito naman!" pagbawi niya. Napa lip bite siya at humarap sa akin, "Napaka seryoso mo. What if, ako seryosohin mo?" hinawi niya ang buhok niya palikod. The heck, ano bang ginagawa niya? Tch, I can't help but to swallow. This is freaking awkward! Inilihis ko ang tingin ko't ipinasok ang kamay sa bulsa ko. "Hoy joke lang ulit!" ngumiti siya sa kawalan. Hays, whatever.
Ipinasok niya ang kamay niya sa braso kong nakatatsulok dahil ang kamay ko'y nasa loob ng bulsa ko.
"Oh anong nangyari? Anong prob.?"
"Syempre, sinigawan ako ni Mom. Galit na naman siya sa akin, respetuhin ko raw 'yung manlolokong 'yon, pero syempre bakit ko gagawin iyon? Ang ending ako 'yung natalo dahil pinagtanggol niya 'yon at ginamit na naman na dahilan 'yung pagmamahal niya." sabay naming recite. Hays, kabisado na talaga niya ako. Sa paulit-ulit kong pagkukwento sa kaniya namemorya na niya. Namemorya na niya ang halos araw-araw kong problema at hinaing.
"Kung ako sa'yo Klein. Sa'yo na lang ako." sabay naming sambit. Hays, kabisado ko na rin ang lagi niyang sagot. Napailing na lang tuloy ako at sabay kaming napatawa ni Claire sa gitna ng gabi.
Napahinto kami ni Claire nang makarating na kami sa convenience store. "Oh Klein, bili mo ako n'on oh!" masayang nakaturo ang daliri ni Claire sa ice cream na nasa poster.
Nakangiti akong tumango at pumayag sa gusto niya. Pumasok na nga kami sa loob. "Sige Claire kuha ka lang diyan ng gusto mo. Labas lang ako saglit sasabog na pantog ko, eh." pagpapaalam ko.
Naiihi na kase ako. Ihing-ihi na. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil kinilig ako sa mga banat ni Claire? Ah ewan! Basta need na need ko na talaga mailabas 'to.
Mabilis akong lumabas at tsaka ako pumunta dun sa gilid. Madilim naman kase doon. Tsaka malapit sa kanal.
"Hoy! Anong nangyari kay Mama!? Hintayin mo ako d'yan kuya! Papunta na ako, saang ospital ba?!" papiyok ang tinig.
Napahinto ako sa pagbukas ng zipper ko nang dahil sa aking narinig. Sino naman kaya 'yon?
Tumayo ako ng matino at tsaka naghanap-hanap kung saan nanggagaling 'yung boses na 'yon. Hanggang sa namataan ko ang isang babae sa hindi naman kalayuan. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya.
Nakasuot siya ng jeans. May bag na nakasabi sa likod niya. Nakasuot siya ng color cyan na hoodie. Habang ang sneakers niyang kulay puti. Matangkad siya't nakapony tail ang buhok.
Sinipatsipat ko pa siya. Nakita kong nanginginig ang kamay niya. Halata ang pangamba. Hays, ano kayang nangyari sa kaniya?
"Kuya?! Huwag mong iiwan diyan si Mama!" nanginginig rin ang boses niya. Nagka-crack pa.
"Miss ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang balikat niya. Napatalon ang balikat niya at halatang nagulat.
Umiiyak siyang humarap sa akin. Kita ko ang lungkot sa mata niya kahit may kadiliman ang paligid.
"Yung mama ko sinugod sa hospital, okay ba 'yon?" Her voice was cracking.
Naaala ko tuloy ang sarili ko nung dumating na rin yung ganitong pagkakataon sa akin. Kung saan yung totoong dad ko, naaksidente. Sadly, hindi siya nakaligtas.
"Ah eh, gusto mo bang ihatid kita sa ospital? May motor ako diyan." mungkahi ko. I don't know what am I doing, but I can't help but to help this lady. Because I know the pain and fear driving to her body now.
"Talaga? S-sige." nauutal niyang sambit. Pinunasan ko ang basa niyang pisngi gamit ang palad ko. Pilit siyang ngumiti.
Nagpaalam muna ako dun sa babae na may pupuntahan ako. Syempre pumasok ako sa loob ng store, magpapaalam ako kay Claire.
"Hoy Claire bonak, tutulungan ko muna 'yung babae sa labas ah, may emergency kase siya, need niya ng masasakyan papunta sa ospital. Saglit lang 'to, hintayin mo ko ha? Babalik agad ako." ani ko tsaka patakbong lumabas ng store. Nakita ko naman ang pagsang-ayon ni Claire nang tumango siya. Paglabas ko'y nilingon ko siya at kinawayan niya ako kasama ng malapad niyang ngiti, sabay nag-thumbs up.
Tumakbo na kami nung babae papunta sa motor ko na nasa hindi kalayuan.
Nang makarating ay binigay ko sa kaniya 'yung helmet ko. "Suotin mo." ginawa niya ang sinabi ko. Matapos ay sumampa na't niyakap ang katawan ko. Ramdam ko ang lamig sa kamay niya. Nakakaawa.
"Saang ospital nga?" tanong ko.
"M-Marcos Medical," aniya.
Alam ko yung hospital na 'yon, dahil doon dating nagtatrabaho ang Dad ko kaya naman paniguradong makakarating agad kami doon. Lalo't kabisado ko ang mga daan papunta roon.
"Huwag ka mag-alala, magiging ayos din ang mama mo," pagpapakalma ko sa kaniya. Rinig ko kase ang 'di mapakali na paghinga niya. At paniguradong basang-basa ang mukha niya dahil sa pagtakas ng luha sa mata niya. Hays.
"Salamat," said she, with a soft voice.
Nang makarating kami sa ospital ay agad siyang bumaba't tumakbo.
"Hoy anong pangalan mo?!" sigaw ko.
"Nutsy!" sigaw niya at hindi na ako hinarap. At tsaka nagpatuloy sa pagtakbo.
"Hoy 'yung helmet ko!" sa sobrang pagmamadali niya ay hindi na niya naibigay ito sa akin. She entered the hospital with my helmet on her head. Nakangiti na lang akong napailing. Nako naman, buti na lang hindi iyon 'yung pinakafave kong helmet. Hays, hayain na nga.
Balak ko talaga sana siyang sundan para kunin 'yung helmet pero naalala ko si Claire. Kaya dahil dito'y mabilis akong sumakay sa motor.
Baka kung ano na ang ginagawa ng bestfriend kong bonak na 'yon!
Baka nagriritwal na 'yon doon o kaya naman ay kinakausap na ang mga lamok?!
Hays, whatever.
Hanggang sa nakabalik na ako.
"Claire!"
"Tagal mo naman! Ubos ko na 'yung ice cream." Claire rolled her eyes. Halata na naiinis siya.
"Sorry na Claire." Ginulo ko ang buhok niya.
Tinitigan niya ako na naiinis pero kita ko ring may nakasulat na "fine" sa mata niya. "Oo na. Sige na. Oh bilhan mo na lang ako ng bagong ice cream. Tapos sabay nating kainin. Dali na!"
Bumili nga ako ng dalawang ice cream, tag-isa kami. Yung nasa cone na lang binili ko. Baka masobrahan naman kase si Claire.
"Buti na lang talaga marupok ang bestfriend ko."
Binangga ko ang katawan ko sa katawan niya. At tsaka ako ngumiti.
"Sa'yo lang ako marupok, alam mo 'yan."
Muli ko siyang binangga. "Ayieeeeeeee!"
Hanggang sa naubos na 'yung kinakain naming ice cream. Ang sarap talaga, ng ice cream. Actually hindi naman talaga mahilig si Claire sa ice-cream, it's my comfort food, kaya siguro ayon ang sinabi niyang gusto niya kanina. Ginusto niya akong kumain ng comfort food ko. Gusto niyang pagaanin ang loob ko. She really know me better that anyone. Ang saya lang na may halos alam yung mga bagay na tungkol sa'yo, kahit yung mga maliliit na bagay.
"Kamusta nga pala 'yung babaeng hinatid mo?" pagtataka niya.
"Ayos naman. Sana ayos lang din ang mama niya. Naihatid ko naman siya ng maayos sa Marcos Medical, kaso syempre alam mo na, nalungkot ako nung makita ko 'yung ospital. Nung makita ko 'yon, naimagine kong nandun si Dad na may sinasaklolohan."
Tumingin ako sa malayo. Ang sakit talaga kapag naaalala ko ang Dad ko. Lalo na dun sa lugar kung saan siya nagtatrabaho at kung saan din siya nawalan ng hininga. Bumabalik 'yung pain. Nung nawala siya, parang nawalan ako ng kakampi. Nawalan ako ng protector. Nawalan ako ng supporter. It feels like I loss a home.
Nakita ko na lang na nakaakbay na pala sa akin si Claire. Hindi ko man lang naramdaman. "Klein, bonak ka. Tatagan mo lang loob mo, okay? Hindi bagay sa'yo maging sad boy, eh. Mukha kang kambing na nag-e-emote diyan. Mas gwapo ka kapag nakangiti ka." Inalis ni Claire ang pagkakaakbay niya sa akin. At tsaka niya inabot ang mukha ko. Iniharap niya ito sa kaniya."Smile na Klein. Ang hindi mag-smile mababaog." Wala na akong nagawa kundi pilit na ngumiti. Hays, parang nauto niya ako dun ah?! Hays, whatever.
Napabitaw si Claire sa akin at pareho kaming napatingin sa phone ko nang biglang mag-beep 'to. Hays, wala naman akong inaasahan na magtetext sa akin, sino naman ba 'yon? Ah siguro scammer lang 'yon.
"Oh Klein, tignan mo na 'yan baka importanteng message 'yan." Si Claire na ang nagsabi kaya sinunod ko siya. Kilala niya kase akong hindi nag-e-entertain ng message.
Pagkatingin ko si Mom lang pala.
Nang mabasa ko ay kusang umusok ang ilong ko. Totoo ba 'tong nababasa ko?! How can she do this to her own son?!
Tch! Nakakainis talaga siya kahit kailan!
"Whether you like it or not. Sa Akiro High School ka na mag-aaral next school year. Dean dun ang Tito Theo mo. Kaya naman mas mabuting do'n ka na. Para naman lagi mo siyang makita at baka maging close kayo kapag gano'n. At hindi lang ito tungkol doon, hindi ba pangarap mo maging prosecutor? Eksakto, dun mahahasa ang skills mo. Enjoyin mo na ang summer Klein, may one month pa. Pero again, this is whether you like it or not. You have no choice but to agree what your Mom said."
Received
Sa sobrang inis ko'y padabog kong ibinaba ang phone ko sa table na parang walang paki kahit na mabasag pa ito.
Tumingin ako sa malayo, huminga ako ng malalim. Hu, I need to calm down.
"Oh Klein, anong problema?" pagtataka ni Claire.
"Basahin mo," sagot ko sa kaniya na halata sa boses ang inis. Tch! Nakakainis talaga si Mom!
Tumingin ako kay Claire na nakasalumbaba at hindi maipinta ang mukha. "Hala???? Desisyon ka ghorl????? Shemay ka! Edi ikaw mag-aral dyan, mag-isa mo!" reaksyon niya habang nakatingin sa phone pagkatapos mabasa ang message.
At syempre kahit anong mangyari Mom ko pa rin 'yon. Tinignan ko na may nalilisik na mata si Claire na parang sinasabing,'Bonak, Mom ko yang sinasabihan mo!'
"Hehe Klein. Kalma, yung mata mo. Para mo kong binabalatan ng buhay." aniya.
Huminga na lang ako ng malalim.
"Alam mo kasi Claire, at the end of the day, Mom ko pa rin siya. Mom ko 'yang sinasabihan mo."
"Mom natin."
Ngumiti ako into C form.
"Claire hindi ako nakikipagbiruan."
"Ako rin."
Dahan-dahan kong inilihis ang ulo ko. At tsaka ako tumungo. Hindi pa rin nalulusaw ang C form na ngiti ko. At palihim kong iginapang ang daliri ko papunta sa ulo ko. Tsaka ako napakamot.
Hays, whatever.
:')))