Chapter 5 - CHAPTER 03

|JESSE BENITEZ'S POV|

"B-bakit ba bigla-bigla ka na lang nangyaya—?!"

"Shhh, don't ask I won't tell you."

Kakarating ko pa lang, sinalubong agad ako ng tanong ni Mr. Fuego, pero hindi ko na siya pinatapos pa. Isa pa, naguguluhan ako sa kung anong dapat kong maramdaman. Dapat mainis ako kay Mr. Fuego dahil ninakawan niya ako ng halik nung nakaraan na napakaimportanteng bagay sa akin, pero kase, nang dahil sa kaniya hindi natupad 'yung masamang balak ni Hiro na 'yung guard ang unang babati sa akin. At kung nangyari 'yon, for sure na hindi ko kakayanin, hindi ko mapapainlove 'yon at baka maisuka ko pa ang sarili ko, if that happens then I'll lose, kapag natalo ako, hindi matutupad 'yung dare ko sa kaniya, magiging kahiya-hiya rin iyon para sa pinagmamayabang kong ganda, at tsaka ayoko magbago at lalong ayaw ko masayang yung opportunity papuntang Disneyland. Grrr! Wahhhh! Disneyland my loves! Magkikita rin tayo soon! As in very very soon!

Aso't pusa. Hot and cold. Tubig at langis. A perfect definition of, "hindi magkasundo."

Pwede ko ba siyang mapa-in love kung ganun ang kalagayan namin?

Si Mr. Fuego, napaka komplikado niyang tao. Hindi mo siya agad mababasa kapag tinignan mo sa mata. Ang sungit sungit pa, kaya hirap kaibiganin.

Pero ugh, kinabahan talaga ako kanina! Buti na lang dumating siya. Siya ang demonyong dumating sa lupa para sagipin ako mula sa maitim na balak ng kapwa niya demunyu.

Kailangan ko siya mapa-in love. Maraming nakasalalay dito. Dapat magkagirlfriend na rin si Hiro, para naman magmature na siya. Kaya gagawin ko talaga ang lahat. Nakasalalay din dito ang pride ko, masyado akong naging mayabang kaya kailangan patunayan ko ang words ko. Huh, ako ata si Jesse Benitez! Tsaka, I will take this as a challenge, 'yang masungit na Mr. Fuego na 'yan, huh! Maiin-love siya sa akin!

"Ms. Benitez, alisin mo nga 'yang daliri mo sa labi ko." Iritadong utos niya sa akin.

Awkward kong tinanggal ang daliri ko. At inilagay ito sa likod ko. At tsaka na ako umupo. Nandito pa rin kami sa labas, syempre hindi pa kami nagkakabati, eh. At paano ko naman 'yun gagawin kung tuwing pipikit ako lagi kong naiisip 'yung paghalik niya sa akin? Grrrr!

Pero sige fine. Kalma Jesse. Kailangan mo ng tamang strategy para ang misyong ito.

Nakatulala ako dito nang muling magrehistro sa isip ko ang biglaang pangyayakap ko kanina kay Mr. Fuego.

Naisip kong humingi na lang ng paumanhin sa nagawa ko kanina. Kasi alam kong na-awkwardan at nawirduhan siya sa ginawa ko.

Umubo-ubo pa muna ako para makabwelo.

"M-Mr. Fuego."

"Ms. Benitez," tinapunan niya ako ng tingin, malamig ito. "Let's not be formal. Huwag na natin tawagin ang isa't-isa by surname. Ano bang pangalan mo?" tanong niya.

Bakit naman niya kailangan malaman ang full name ko?! W-wait, tama ba ang nasa isip ko?! Owmaygad!

Ngumiti ako na parang bitch ng taon. "Jesse. Jesse Benitez." Umakto akong may kunwari'y kinakalkal sa bag. Hanggang sa nakita ko 'yung lipstick ko kaya inilabas ko ito. Madramarama akong naglagay ng lipstick sa malambot kong labi, "Ooh bakit? Pa-follow mo ko? Tapos, magpapa-follow back ka sa IG? Sorry but I don't wanna entertain you." Sinigurado kong mapakla ang pagkakanguso ko sa kaniya. Tinakpan ko na 'yung bote at ipinasok ito sa bag ko. Tsaka ko itinuon ko ang tingin sa masungit niyang mukha.

Yung mukha niya parang nablangko na hindi makapaniwala sa sinasabi ko. At nababasa ko rin ang nakasulat na "ngie?" sa  brown eyes niya.

Tumingin siya sa malayo.

"In accordance to Accountancy 101… NEVER ASSUME UNLESS OTHERWISE STATED."

Malakutsilyo niya akong pinagmasdan, mata sa mata.

"In short huwag kang assuming diyan, speculations mo lang naman 'yan. Tch."

Aba talaga't ang dami niyang alam! Ang sarap tupiin ng utak niya sa seventeen!

"No. I'm not assuming.  Wait nag-a-assume ba ako?! No! Ah basta! Che! Sige na panalo ka na, huwag mo na ako titigan diyan. Baka matunaw ako." Inis ko siyang nginusuan, kagigil siya! Edi ako na ang assuming!

Lumabas ang mataray na sexy na si Mrs. Evangelista. Maputi siya at bata pa ang itsura. Pero ngayon nakita kong hindi pantay ang pagkakakilay niya. Kaya palihim akong napatawa dito sa kinauupuan ko. Like duh, ano yang kilay mo maam? Hindi ba yan fan ng 1D? Eww!

"Mr. Klein Fuego, Ms. Jesse Benitez. Rinig ko na naman ang sigawan niyo. Ano ba yan?! Magbati na kayo para makapasok na kayo." Ani ni Ms. Evangelista. Whoa! So Klein pala ang name niya! Ang ganda ah.

Napasabi ako ng, "Aha!" nang biglang nag shine bright like a diamond ang ulo ko. Yes, may pumasok na tamang ideya at strategy sa isip ko! Ang smart ko talaga!

Bumuntong hininga ako. Tsaka pumikit. Naisip kong kung makikipag bati ako kay Mr. Fuego, edi magiging mas close kami kaya madali ko siyang mapapa-in love. Tapos non… Wahhhhh! Disneyland issa love!

Never pa ako nag-sorry sa isang tao, pero dahil hayop naman siya kaya sige pagbibigyan ko. Inhale, exhale. I'll get rid of this soon… or maybe later. Hu! Ako si Jesse Benitez, I can do this!

"S-Sorry na KLEIN."

Naiwan akong nakangiti at cute na nakapout habang kumukurap ng marami. Ito ang tinatawag na deceive your enemy using your cuteness. Alam kong tatalab 'to. Sa ganda ko ba namang 'to, tanga na lang hindi mabibihag sa alindog ko.

Nakita ko 'yung mukha naman ni Klein, seryosong-seryoso. Nakakatakot.

Awkward.

"Sorry, but I'm not gonna accept your sorry.. unless you kneel in front of me.. to this cold concrete and beg for it."

TAMA BA ANG NARINIG KO FOR PETE'S SAKE?! OWMYGAD!!!

T-t-teka, pinagtitripan ba ako nitong bwisit na — ah basta 'tong depungal na 'to!? Ako daw? Luluhod? The heck! Bakit, santo ba siya para sambahin ko? Eh mukhang s'ya nga 'yung kalaban ng mga santo kase demunyu siya!

Kusang nalusaw ang ngiti ko.

KLEIN FUEGO'S POV|

She look so dumb. Lalo na ngayong ginawa niya ang nga sinabi ko. Nakakahiya siya. 

"Ngayon… nabasa ko na ang pagkatao mo, " Nang marinig niya ang bungad ko, she quickly head up to me. "You're a pathetic bully that's kinda idiotic with nothing but an awful goddamn mouth that yell incessantly to freaking infinity, an obnoxious seeker of attention, an atrocious assuming stupid lady which arises in this fucking world but the world wishes you not, you're selfish and not considerable on the feelings of others, a surly, a damn flesh." Tumanaw ako sa kalayuan habang nakakagat sa labi. Tumingin muli ako sa kaniya at nagsalita na sinigurado ko sa tono kong kaawa-awa siya, "Tumayo ka diyan nagmumukha kang timang, mukha kang asong nagmamakaawa sa akin na bigyan ka ng atensyon. Tch."

Inilihis ko ang tingin ko't ngumisi. Pagkatapos ay tumayo ako't iniwan siya.

Nakakatawa siya. Poor her.

"Mr. Fuego, pumunta ka sa guidance office! I'm calling you for guidance! Saan ka pupunta!?" sigaw ni Mrs. Evangelista

"I will wreck this school!" nakangiti akong kumaway at tumakbo papalayo.

Naiinis talaga ako. Bad trip ako ngayong araw lalo na kapag naaalala ko 'yung panenermon sa akin ni Mom kanina. Bakit daw kakapasok ko pa lang dito may inaaway na agad ako? Eh sila naman ang may gusto sa aking dito mag-aral, kaya magdusa sila! I will give them a lot of head ache. It's not my fault to be this bad, because the real thing is that the situation makes me bad.

Ayos naman akong nakakapag-aral dati kong pinapasukan, mas gusto ko pa dun dahil nakakasama ko ang bestfriend kong si Claire pero rito, wala. Wala akong kakampi, wala akong kaibigan. Tch! Nakakainis! Dagdag pa 'yung Jesse na 'yun!

She really annoys me, I can't really bear with her freaking attitude.

I can no longer take a second being with her. The air she breathe? It's suffocating.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa pasimple akong tumakas ng campus dahil busy naman 'yung guard sa pagcecellphone kaya hindi na ako nito napansin. I quickly start my motor. Pupuntahan ko na lang si Claire, that's the best thing to do to escape that freaking school and to see that annoying lady, na bigla-bigla na lang nangyayakap.

Hays, whatever.

JESSE BENITEZ'S POV|

Inalalayan ako ni Mrs. Evangelista na tumayo at umupo sa upuan.

"Kilala na rin kita! You are quite a horrendous monster, no sense of shame! Petulant! Probably the most disgusting person in this world! True nonsense! Trash son of a bitch! A  kiss thief! Pervert!" singhal ko sa kawalan, nakayukom ang magkabilaan kong kamao. Wahhhh! Bwisit siya!

Nakita kong iniayos ni Ms. Evangelista ang buhok niya, kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hay! Nako Jesse, mukha may papalit na ata sa trono mo sa pinakamadaming record sa guidance office. 'Yang si Klein, gan'yan na talaga 'yan sa ibang tao. Masungit na bawal hipuin. Ah nga pala, kilala mo naman ako, kinikilala ko ang lahat ng estudyante dito para alam ko kung sinong iiwasan ko at hindi, uhm, nagpabackground check ako tungkol kay Klein. Kunin mo sa table ko sa office nandun lang data niya. Baka kailanganin mo. Alam mo naman ikaw kakampi ko dito at kailangan tulungan kita kung may kumakalaban na sa'yo. Kase kapag gumanti ka, parang pumatay ka na rin. Hay Jesse, alam mo na naman na ang ibig kong sabihin. I have to go. Nag-iwan ako ng lesson, pakisabi na lang kay Hiro Salazar na siya ang magdidiscuss. At may quiz kayo kamo tomorrow about that. Okay?"

Hindi na hinintay ni Ms. Evangelista ang sagot ko. Tuluyan na siyang umalis.

Kumukulo talaga ang dugo ko ngayon! Hindi ko mapapalampas ang ginawa sa akin nung unggoy na may kidney failure na 'yun! At feeling ko, may mga ibang estudyante pa namang nakakita sa pamamahiya niya sa akin! Wahhhh! Hayop talaga siya! Akala ko ako na ang pinakamasama dito sa mundo, meron pa palang Klein! Ahhhh! Sumasakit ulo ko!

Siya ata ang maestro ni Satanas!

"Kung magkita tayo Klein sa imperyno, inonominate ko kita para pumalit kay Satanas! Napaka sama mo!" singhal ko.

Inayos ko ang pustura ko. Kailangan ko pa rin maging maganda kahit naiinis ako, why? Because that's what Jesse Benitez do, and I'm Jesse Benitez!

Napatingin ako nang matalas sa bag ko. Narinig ko kaseng nag-beep ang phone ko ng dalawang beses. Iritado ko itong binuksan, at tsaka ko kinuha ang phone ko.

I open my phone's screen, and I found a notification.

Clinick ko ito agad.

Nang mabasa ko'y agad akong nagtaka, anong kademonyohan na naman ba ang binabalak niya sa akin?! Napaka-unpredictable talaga niya!

IG:

Klein12 started following you.

FB:

New Friend Request:

Klein Fuego  1m Ago

Accept | Delete

ISA SIYANG MALAKING DEPUNGAL! Huh, sabi na eh, hindi lang ako basta basta nag a assume. Tsk. Bwisit siya. Ka-stress! Sinasadya niya sigurong bwisitin ako!

Time flies…

Gash. Tanghali na at tirik ang araw. Grrr, basta, sobrang umiinit pa rin ang ulo ko. Kapag naaalala ko 'yung ginawa sa'kin nung unggoy na Klein na 'yun.

Nabasa ko na rin 'yung data about kay Klein. And I found out that, he's the stepson of the dean in this school, si Mr. Theo Quirino. Kaya naman pala ang tapang tapang niya. Patay na ang totoong daddy niya, naaksidente. Mama naman niya, doctor. May nag-iisa lang siyang kaibigan, si Claire Enrile, and that name is familiar to me.

His weakness? Sounds funny, but its seeing her mother cry.

His strength? The thing that he's unpredictable.

Nandito ako ngayon sa Cafeteria 1. Bored kasi ako, kaya mambubully na lang ako. Isa pa, para akong loaded na bomba ngayon at kahit anong oras handa na ako sumabog. Lalo na 'pag pumapasok sa ulo ko 'yung ginawa sa'kin ni Klein kanina. Ako na nga nagpakumbaba ako pa ginanon niya! He embarrassed me!

"Hoy. Lumapit ka nga sa'kin." Utos ko kay Jade Castro. Siya 'yung kaklase kong tahimik. Yung tipong, hindi magsasalita hanggang 'di mo tatanungin. I remember that she's the quiet girl sitting on the back.

Hawak niya ngayon 'yung tray na laman ang pagkaing binili niya. Natanaw ko na ang target ko, 'yung chocolate drink. Kukunin ko lang 'yon sa kaniya at tsaka na siya palalayasin, kung pumalag siya, edi pasensyahan. Kainis kase si Kuya Jacob, hindi ako binilhan. Huh, anyway gustong gusto ko na makainom non. Naisip ko rin na  bumili, kaso mas masaya kapag may mawawalan dahil kinuha mo 'yung bagay na dapat para sa kanila. I love that type of game. The dangerous you are, the more you can rule people. The dangerous you are, the high chances of getting what you want.

Tumingin-tingin si Jade sa likod niya na parang kinokompirma kung siya ba talaga ang tinawag ko.

"A-ako?" nauutal niyang ani.

"Yes. The lame you." Mataray kong tugon.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin gamit ang hintuturo ko. Unti-unti naman siyang naglakad, pero ramdam ang pag-aalangan.

Kinuha ko yung hawak niyang tray. Puro fast food ang binili niya bukod sa chocolate drink. Ang o-oily. Eww. Inilapag ko yung tray sa table ko.

Binuksan ko na yung bote ng chocolate drink. Tutunggain ko na sana ito nang marinig ko ang boses niya. Dahilan para mapatigil ako't mapatingin sa kaniya.

"A-akin 'yan." Nakayuko siya.

"Oo. Kanina. Pero ngayon, nasa akin na. Could you just please get out of my sight?" nakataas ang kanang kilay ko.

"Ibalik mo sa'kin 'yan…"

The nerve! Inuutusan niya ba ako?! Kaykapal naman ng mukha niya! Dumagdag pa siya sa sakit ng ulo ko! Gusto ko lang naman uminom ng chocolate drink para makapagrelax. Kaso itong Jade naman 'to, masyadong matigas. Kabwisit!

"Fine. Pero sinasabi ko sa'yo, magsisisi kang ginusto mo pa 'yon makuha pabalik."

Tumayo ako. Hinawakan ko ang baba niya. At itinaas ko ito't iniharap sa akin. Tinignan ko siya ng matalas sa mata. Pero siya hindi ako kayang tignan ng diretso. Mahina.

"Gusto mo nito 'di ba? Sige."

Dahan-dahan kong ibinuhos sa ulo niya 'yung chocolate drink. "Woooo!" nakangiti kong sigaw.

Patuloy na umagos sa ulo niya pababa sa mukha niya 'yung chocolate drink. Hanggang sa nakarating na rin ito sa blazer niya. Mukha siyang sisiw sa balut. Grrr, looks like cruel.

"Ayan. Iyo na. It's all fucking yours." Inirapan  ko siya't, nandidiring hinawakan ang ulo niya, itinungo ko ito gaya ng itsura niya kanina. Huh, 'yan ang nakuha niya. Grrr!

Lumabas na lang ako. Ugh, kainis! Fine, edi magpapabili na lang ako kay Hiro mamaya!

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Naisipan kong i-on ang internet ng phone ko. At sunod-sunod itong nag-beep.

Its just a normal thing to me. Nangyayari 'to, everytime may bullyhin ako o gawing kalokohan dito sa school.

Tinatawag na paaralang katotohanan ang pinapairal ang Akiro High School, pero hindi iyon ang totoo. Dahil ang totoo? School ito ng mga tsismoso't tsismosa.

May group kase silang ginawa online kung saan doon nag-iinteract online ang mga estudyante, yung 'Akirians Hub'. Masyado kasing malawak itong school. Doon din nag-aannounce ang mga officers sa group na 'yon. Doon din naglalagay ng updates. Minsan may competition din na nangyayari online. Naglalagay rin ng important informations sa group na yon. But to make it tabloid, doon nagchichismisan ang mga estudyante.

Kilala talagang tsismoso't tsismosa ng ibang school ang mga estudyante dito sa Akiro. Paano ba naman mula umaga hanggang pagtulog ang dami nilang nasasagap na balita, minsan tungkol sa mga sikat na estudyanteng gaya ko na pinopost at pinapakalat online. Mostly active ang mga Akirian online, kaya hindi lang ako ang bully, nandun sila't nangccyberbullying. Pero syempre ako ang pinakabully, huh, ako ata si Jesse Benitez! Pero kase sa iba, kapag napatunayan naman na nambubully sila masususpend sila. Hindi kase sila kasing lakas ko. Ako kahit anong kalokohan ang gawin ko sa school na 'to ayos lang. Hawak ko kase sa leeg ang dean at iba pang mahahalagang tao dito sa school. Gaya ni Ms. Evangelista. Yes, natutunan kong para maging malakas ka, dapat alam mo kung paano mag paikot ng tao, 'yung iba ginagamit ang ganda nila, 'yung iba naman dahas. Pero ako, I use the "secret strategy", sikreto nila  ang ginagamit ko laban sa nila.  Once na nalaman at hawak ko na ang pinakatatago mong sikreto, that's the time that you'll let me and my words rule you.

Binasa ko 'yung post about sa akin.

FLASH REPORT:

Its time for Jesseteas!

Jesse Benitez, may binuhasan ng chocolate drink sa Cafeteria 1!

Watch the video below!|

I smirked. Huh. Deserve naman 'yon ni Jade. Masyado siyang bidabida. Naisipan ko na lang mag browse sa mga comments.

As usual, ang haharsh ng comments nila sa akin.

"Grabe ugali mo Jesse, mukha ka namang pigsa na pumutok at nagmultiply into twentisiks!

Jesse, magbagong buhay ka na o gusto mong mawalan ng buhay?

Jesse! Dapat kang Ibigti mula sa tuktok ng Eiffel tower, pababa!

Jesse, dapat pugutan ka ng ulo!

Idol talaga kita Jesse, paapir nga sa mukha!" basa ko.

"Bang o OA niyo ha, hindi naman ako nakapatay!" singhal ko. Napairap na lang ako sa kawalan.

Okay. Inhale, exhale. Relax Jesse. Ganyan talaga, haters gonna hate hate hate. Hu!

Natuwa ako sa sunod na comment na nabasa ko.

"Jesseteas are the best! Hu! I'm a fan of yours po ate Jesse, kung nababasa mo 'to. Congrats may mata ka. Labyu po! Dislikes: 727"

Dahil supporter ko siya. Hineart ko ang comment niya. Ugh, may sumusuporta pa rin pala sa kamalditahan ko. Nakakamotivate naman maging demunyu. Grrr.

Iti-turn off ko na sana ang screen ng phone ko, nang may mabasa akong kakaiba. "Puro ka gan'yan Jesse, hindi ka naman nakapalag dun sa poging transferee!"

Teka, ano bang sinasabi nito?! The heck! Yung unggoy na Klein ba tinutukoy niya?! Pogi?! Huh?! Pogi ba yon?! Eh mukha nga yung nana na kulay yellow! Ugh! Bulag siguro 'tong babaeng 'to!

"Here guys, watch niyo ito." Dagdag na comment pa niya. Meron siyang link na binigay.

Nang I-click ko ito mabilis kong na-recognize sa sarili ko na ako yung nasa video. The heck!

Umalis ako sa link, naisipan ko na lang na I-refresh 'yung group. At nang I-refresh ko ito, agad nanlisik ang mata ko.

MORNING HEADLINE:

Its time for Jesseteas!

Jesse Benitez, pinaluhod ng isang Transferee! Kitang inunsulto pa siya! At ang balita, hindi siya nakapalag!

Watch the video below. |

Reacts: 57k

Comments: 20k

Shares: 50k

Kusang umusok ang ilong ko.

Tangina siya!

Bumabalik na naman tuloy ang inis ko sa Klein na yun!

The heck! It got viral!

Tangina!

Kaya naman pala pinagtitinginan ako ng mga tao kaninang umaga! At palihim pa silang tumatawa!

Paanong hindi ko agad 'to nakita?! Sumasakit ang ulo ko! Ako daw? Hindi nakapalag? Ugh! That's literally insane! Ang sarap manapak! Tutupuin ko talaga ngayon sa walo ang kahit sinong mahawakan ko nang dahil sa pagkainis sa unggoy na yun!

Iniyukom ko ang dalawa kong kamao. Salubong na rin ang kilay ko. Nag-iinit ang katawan ko. Tangina talaga. Putanginang yan. Huh, sinaniban na naman ako ng kademonyohan ko. Ito na, sasabog na ako!

Galit akong mabilis na naglakad sa babaeng nagdidilig na nasa kalapitan lang. Nang makarating ay mabilis kong hinablot ang hose sa kamay niya, "Jesse, anong gagawi—?" hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang sampalin ko siya.

Pak!

Dahilan para umugong ang mukha niya.

"Hindi mo na kailangan malaman. Hindi ko kailangan i-report sa'yo. Bitch." Inirapan ko siya.

Tsk, ang daming epal! Ang daming satsat!

Inis kong nilakasan yung gripo. At tsaka ko ito itinapat sa kaniya. Binasa ko yung  plaid skirt niya. Tsaka ko na siya iniwang basa ang womanhood. Buti nga sa kaniya.

"Hayop kang Klein ka! Dahil sa'yo tuluyan nang nasira ang araw ko!" singhal ko sa kawalan.

Naglakad ako nang naglakad at tsaka na ako pumwesto. Humanda kayong lahat! Hindi lang araw ko ang masisira! Sisirain ko rin ang inyo!

Itinapat ko yung hose sa mga taong dumadaan. Madami ang estudyante, sakto dahil lunch break ngayon. Iniipit ko ang tubig gamit ang daliri ko para pakalat ang mabasa nito.

"Wooooooo!"nababaliw na sigaw ko. Habang parang bumberong nagaapula ng apoy na binabasa ang kahit sinong makita ko.

"Ahhhhh! Ano ba!?" sigaw ng isang babae nang itapat ko sa mukha niya yung hose. Para siyang asong nalulunod.

Lahat ay pinagbabasa ko ang skirt at pantalon nila. Lalo na sa parte ng pag-aari nila. "Huh! Huhugasan ko ang mga ano niyo! Ambabaho na kase! I'm fired up bitches!"nagpatuloy ako sa pambabasa sa kanila at nagtitilian sila tuwing nababasa ko ang brilyante nila. Nagtatakbuhan sila. At naghahanap ng tataguan. Hindi nila ako magawang saktan dahil may CCTV cameras at kung sinong mahuling kumanti sa akin, edi suspended. The dean is always on my side!

"Jesse Benit—!" hindi na natapos pa ni Mrs. Crisostomo ang pagtawag sa pangalan ko nang basain ko ang dibdib niya. Dahilan para mapatili siya sa lamig, "Ah!" Huh, bagay yan sa kaniya, epal kase siyang teacher siya. Ugh!

Naglakad ako habang patuloy na nambabasa papunta sa classroom na natanaw ko. Wala akong paki sa kung anong mangyari ngayon, basta gusto ko ilabas ang galit ko. And no one can stop me!

Nang makarating na ako sa Section 6 ng grade 8 ay agad akong pumasok. Tahimik ang classroom nila nag titest pala sila. Nang maramdaman nilang may pumasok ay napatingin sila sa pinto at nakita ako.

"Special gift ko sa inyo. Test dismiss." Ngumiti ako. Ngiting nakakaloko. Marahas kong pinagbabasa 'yung mga estudyante at maging ang test paper nila. Wala akong nilampasan. Bawat isang estudyante ay binasa ko.

Nagsisigawan sila. Yung iba nagtatago sa sulok. Mga takot. Nang papaalis na sana ako ay biglang dumating yung teacher nila. "Hoy, Jesse Benitez, anong ginaga— wahh! Ahhhhhhhhhhhh! Ano ba alisin mo yan sa akin!" sigaw niya. Nauwi ang pagtatanong niya sa akin sa pagsigaw nang itapat ko sa mata niya yung tubig. "Ahhhhh! Yuny contact lens ko!" umiiyak na siya. Ugh, buti nga sa kaniya! Higit sa lahat ayoko ng epal!

"Hmmmp!"napafilps hair ako bago umalis.

Hinatak ko 'yung hose at naglakad ako papasok sa cafeteria. Nakita kong nakatayo pa rin dun ang malagkit na si Jade. Well, mukhang need niya na ata maligo. Then, ako na ang gagawa. Lilinisin ko ang basurang gaya niya.

"Jade Castro. Labas!" utos ko sa kaniya.

Hindi siya sumunod sa sinabi ko. Ugh! Kabwisit talaga siya! Sa sobrang inis ko'y hinawakan ko siya sa papulsuhan nang mahigpit. Paglabas ko'y ang daming estudyanteng nakatingin sa akin. They are filming. Well, kung gusto nila ng palabas, pagbibigyan ko sila!

"Jesse, ano ba? Bitiwan mo ako!" sabi ni Jade. Aba't sinisigawan na niya ako! Nagpipipiglas siya.

"K. Fine." Binitawan ko nga siya gaya ng sabi niya. Malakas ang pagkakabitaw ko na patulak, kaya naman natumba siya sa basang concrete.

"Kita niyo 'tong babaeng 'to? I will show you, on how to eradicate a pest."

Sinimulan ko na ang pagtutok ng hose kay Jade. Nakayuko lang siya at humihikbi. "Woooooooo!"

Nanginginig na siya sa lamig. Lulunurin ko talaga siya!

Napahinto lang ako at napabitaw sa hose nang marinig ang pamilyar na boses.

"Woy Jesse tama naman na!" si Hiro pala.

Nilapitan niya agad si Jade. "Jade, ayos ka lang ba? Tara, dadalhin kita sa clinic." Inalalayan niya itong tumayo at ipinatong niya ang blazer niya sa nanginginig na si Jade. Natumba si Jade, nawalan ata ng malay. Buti na lang ay nasalo siya ni Hiro. "Mag-usap tayo mamaya, ha?!" pasaring ni Hiro sa akin bago tuluyang umalis papunta sa clinic buhat buhat si Jade in a bridal style. Nanlilisik ang tingin niya sa akin.

Tangina talagang Jade yan! Ako ang kaibigan pero siya ang tinulungan?! Ugh! I hate him!

Kumalma na ako. Masyado na kasi akong pinagtitinginan ng mga hayop na Akirian. Ugh! Sa mata nila parang binabalatan nila ako ng buhay! Mga anak sila ng putangina! Ugh!

Umirap ako at tsaka na nag walk out.

FLASH REPORT:

It's time for Jesseteas!

Jesse Benitez, nagwala! Tila isang bumberong pinaliguan ang mga Akirian!

Watch the video below. |

Papunta na ako sa room nang mula sa kalayuan ay natanaw ko kaagad ang hayop na si Klein. Nandoon siya't nakaupo at nagbabasa ng libro.

Hintayin mo Klein ang paghihiganti ko sa'yo. Ipinahiya mo ako ha, tignan lang natin!

Actually that's the first time when someone embarrassed me. At ang masama pa, ang taong nagpahiya sa akin ay ang taong kakakilala ko lang! That pervert! The heck!

Si Klein, pakiramdam ko kahit malaman ko ang sikreto niya, hindi pa rin siya magpapasakop sa'kin. Isa kasi siyang tao na parang walang pakialam sa mundo.

Buti may isa pa namang strategy. Nagamit ko na 'to dati, at nagtagumpay naman ako. Ginamit ko ito dati sa ex kong niloko ako. Umarte akong pinatawad ko na siya hanggang sa totoong minahal niya ako, pero syempre iniwan ko siya. Yung akala niya ayos na kami, pero ang totoo ko siya gaya ng ginawa niya sakin. Yung akala niya masaya, patibong lang pala. Ginamit ko yung "Love revenge strategy". At ayun din ang gagamitin ko kay Klein. Maraming benefit sa akin kapag napa-in love ko siya, una na dito yung Disneyland trip, pangalawa my dare to Hiro, third I don't have to change, and lastly that's the point where I could do my revenge to Klein. Once he depends on me, I will left him hanging. I will make him cry. I'll give the agony he deserves. Now, it's my secret plan and I won't let anyone know my plan and rule me. Huh.

Kaya humanda ka Klein.

"You gave sting, but I'll give you thorns."

:')))