|JESSE BENITEZ'S POV|
"Grabe. Hindi ako sinabayan ni Hiro ngayon ah, ano bang problema no'n? Dahil ba sa ginawa ko kay Jade? Eh ano namang problema dun? Hindi pa siya nasanay. Ugh kainis!"
Singhal ko pagkarating sa bahay nila. Napairap na lang ako at mapaklang ngumiti. Pagpunta ko, sabi ng Mommy niya, kanina pa raw siya umalis.
Nakabusangot tuloy ako naglakad papalabas ng village nila. Grrr, mukhang ako na lang mag-isa ang papasok. Kapag nakita ko talaga 'yung Hiro na 'yun, pepektusan ko siya hanggang sa mag ka meningitis siya!
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Nandito na ako ngayon at mag-isang tumatawid nang may biglang humaharurot na kotse ang muntik nang makabangga sa akin.
Hindi ito natuloy nang may kung sinong humatak sa'kin mula sa kawalan.
Dahil sa gulat ay na out of balance ako, dahilan para mapatumba ako sa katawan niya.
Fuck!
The man I hate the most, is on my bottom! Ugh! Or baka naman nag hahallucinate lang ako?! Jesse, oo, hindi ka nag breakfast kaya, oo, naghahallucinate ka lang. Grrr!
"K-Klein?" pagtawag ko sa kaniya. Kapag ito sumagot, hindi lang ako naghahallucinate!
Nakatitig ako ng diretso sa kaniya. Mata sa mata. Bakit naman bumibilis ang tibok ng puso ko?! Grrrrr!
"Jesse. Hindi ba sabi ko sa'yo. Huwag kang tatanga tanga? Kung nabangga ka, who'll be punished? The driver right? Tch. At pwede ba, tumayo ka na. Ang bigat mo. Or I should say, pabigat ka? Hays, whatever."
Halata sa boses niya ang inis. Ke-aga-aga ang sungit niya. Tumayo nga ako gaya ng aniya. At tsaka ko pinapagan yung plaid skirt ko.
Ngayon ko lang napansin, bagay pala 'yung uniform namin kay Klein. Bagay siyang model ng school. Also, napansin ko lang, he always wear his blazer to his waist. Well I think that's his sense of fashion. Stange that he wear his blazer to his waist, but its kinda cute.
But wait, about dun sa kotse, did he just save my life?! The heck! Mukhang magkakautang na loob pa ako sa kaniya! Hindi pwede 'yon!
"Tinitingin-tingin mo d'yan?" masungit niyang tanong. May big question mark sa mga mata niya.
Namataan ko na lang ang sarili ko na nakatitig sa kaniya. Inilihis ko ang tingin ko at bumuntong hininga. Okay Jesse, kalma.
"Bakit ka pala nandito? Sinusundan mo ba ako? Gusto mong malaman kung saan ako nakatira ano?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Excuse you. Malapit lang bahay dito ng kaibigan ko. Dinaanan ko lang siya para ibigay yung regalo ko. Birthday niya kase ngayon. Gusto ko, paggising niya, ako unang babati sa kaniya." Seryosong kwento niya sabay ayos ng bag na nakasukbit sa kaliwang balikat niya.
"K." matipid kong sambit.
Ngayong umaga, kahit hindi maganda ang umagang ito, nais ko pa rin na huwag ito tuluyang masira. Aha! Sisimulan ko na rin ang plano ngayon. Mula sa araw na 'to, hangang sa mga susunod. Magiging mabait ako kay Klein, baka dahil don maattract siya sa akin. Huh, tignan lang natin. Part ng "Love revenge strategy." ang pagbabalat kayo. Its the most important note. You have to make a cover. At ito ang magiging cover ko, magiging mabait ako sa kaniya. At aayusin ko ang pakikitungo ko para naman hindi siya mairita kapag nakikita ang kagandahan ko. Wahhh! I'm really smart.
"Hindi ka man lang ba, magpapasalamat?" sambit niya.
Lumunok ako bago magsalita, "Thanks. Ayan, ayos ka na?"
"Wow ganyan ka pala magpasalamat. Napaka energetic mo ah. Tch. Utang na loob mo sakin buhay mo, ha?" sabi na eh, isusumbat niya 'yon sa akin. Ugh. Bakit ba kase nangyari pa yon?!
"Oo na."
Inirapan ko na lang siya at nagcross arm. Grrr. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa siyang makasama, actually ngayon, gustong gusto ko na siya hampasin ng arnis sa mukha kaso kailangan ko talagang magtigmpi para makaganti gaya ng plano ko. In my plan, I will kill his heart!
Napatingin ako sa kaniya nang alisin niya ang bag na nakasukbit sa balikat niya. "Oh, catch!" sigaw niya. Wala na akong nagawa kundi saluhin ito. Ano bang binabalak niya?! "Yung utang na loob mo, babayaran mo yon. Kaya ayan, dalhin mo bag ko. Alipin na kita." Confident niyang sambit.
WHAT THE FUCK?!
Ako daw alipin?! Sa ganda kong 'to, alipin?! Huwawww! Ang kapal!
I cannot! Deputang unggoy na 'to! Sana hindi na lang niya ako sinave, mas mabuti pa yon! Sana hinayaan na lang niya ako masagasaan! Kesa naman maging alipin niya!
Pero, wait. Alipin? Ibig sabihin lagi niya akong makakasama?! Oh my gash! Magandang pagkakataon yon para mas mapalapit ako sa kaniya! Kapag naging close kami, maiinlove na siya…. Tapos, wahhhh! Disneyland here I come!
Tinapunan ko siya ng mapaklang tingin.
"Oo na. Alipin na. Basta may rule, huwag mo na lang uli ako nanakawan ng halik ah? Ikaw kaya first kiss ko. K'et ex ko, hindi yon nakakiss sakin dati. Kase gusto ko sa kasal yon gagawin. Kaso epal ka, ninakaw mo. Grrr. Ugh! Bwisit!"
"Why are you now bringing back that scene? Well I thought, nasarapan ka. That's why you can get it out of your head."
Abaugh talaga naman. Ako daw nasarapan?! Big NO!
"Excuse you. In accordance to accountancy 101, never assume unless otherwise stated!" panggagaya ko sa sinabi niya noon.
"Hays, whatever."
"Tsaka, para sabihin ko sa'yong unggoy ka, hindi ako nasarapan. Hindi ko nga nalasahan!" pagalit kong punto.
"Bakit mo sa'kin sinasabi 'yan? Gusto mong ipatikim ko sa'yo uli, an—?"
Pak!
Hindi na niya natapos pa ang sinasabi nang sampalin ko siya. "Pervert!"ani ko.
Nagwalk out ako.
Iniwan ko na siya. Naglakad na akong nang muli. Binilisan ko ang lakad ko. Tsk, manyakis siya! Na realize kong dala-dala ko pala ang bag niya. Bakit ba kase hindi ko 'to naibato sa kaniya pabalik? Kainis!
Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Nang sigurado ko nang hindi na niya ako naabutan ay napagdesisyonan kong buksan ang bag niya. Baka kase makakita ako ng informations dun na mahalaga. Syempre, tsismosa ako, ih.
Nagkalkal ako. In fairness, ang ayos ng gamit niya. Halatang hindi siya burarang tao. Napatigil ako sa pagkalkal ko nang may pumukaw ng atensyon ko. Isang makapal na notebook. Kinuha ko ito agad at hindi na binuksan pa. Maganda ang cover ng notebook na 'to, halatang pinag-effortan. Inilagay ko ito sa loob ng bag ko.
At tsaka na ako nagpatuloy sa paglalakad. Nang may unggoy na sumigaw, "Hoy! Anong balak mo? Maglakad papuntang school? Napaka tanga mo talagang aso ka. Sumabay ka na sa akin!" si Klein pala. Napatalon ang balikat ko at naistatwa rin. Gash, baka nakita niyang pinakialaman ko ang gamit niya. Grrr, sana hindi. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Nakasakay siya sa isang motor. Kaniya ata 'yon, ih.
"Ano pang hinihintay mo? Tumalon mag-isa 'yung bato? Dali na, sakay na!"
Wala na akong nagawa kundi sumakay na. Grrr. Napaka siga niya! Boss ka Klein?! Sungalngalin kita diyan, ih!
"Kumapit ka ng mabuti, ah. If you fall, no one will catch you. So you better hold at me tight."
Ginawa ko nga ang sinabi niya. Kumapit ako sa balikat niya, at ang lalapad nito. I rolled my eyes, "Oo na unggoy. Kakapit na ako ng mabuti sa buntot mo. Okay?" pang-aasar ko.
"Buntot? Nah, I don't have one. Baka ikaw, ikaw si Satanas 'di ba?" rebat niya. Abaugh talaga nga naman!
Napaka niya! Ako daw si Satanas? Eh mas hawig nga siya dun! Siya nga maestro nun!
"K. Mag drive ka na. Baka sungalngal kita d'yan lasog yang leeg mo. Tsk!" pinisil ako nang malakas ang balikat niya na paniguradong masasaktan siya. "Dali na, bilisan mo na!"
"Ahh! Aray! Tch!"
Pinaandar na niya 'yung motor. Kaskasero siya. Akakalain mong ang motto niya sa buhay ay, "You only live once,"eh! Ganon ang energy na pinararating niya.
Jesseteas! :
Jesse Benitez, kasabay yung poging transferee sa pagpasok, at ang sabi pa, inangkas siya nito sa motor nung transferee!
See the picture below|
"Huy tignan niyo, oh!"
"Sabay silang pumasok, mag jowa siguro sila!"
"Kawawa naman yung lalaki, impaktita yung kasama niya!"
"Kainis naman 'tong si Jesse, panira ng view!"
Rinig ko na agad ang chismisan nila Annica, Ruby at Gia pagkapasok ko pa lang sa entrance. Kakapal naman ng face nila, para tawagin akong impaktita!
Nilapitan ko sila, "Ako ba pinag-uusapan niyo? Mga hampaslupa kayo! Anong karapatan ng mga cheap na gaya niyo na banggitin ang pangalan ko?!" nakacross ang mga arms ko at mataray na naka porma ang kilay.
"Hehe, Jesse, huwag ka na magalit. Hindi 'yan nakakaganda sige ka." Pambobola sa akin ni Annica mukhang chakadoll na ang sarap drawingan ng tt sa noo.
"For your information. Kahit galit ako, maganda ako. That's why, I don't have nothing to worry about. Except sa presence at existence niyo mga mukhang mambabarang kayo! Lumayo-layo kayo sa'kin, at baka mahawaan niyo pa ako ng garapata! Tsupe nga! Bitches." pagsusungit ko at ibinugaw sila na parang aso.
Grrr, kainis sila! Aga-aga lakas ng loob na tawagin akong impaktita, kapag di ko talaga sila natanya, ugh, makikipagpalit sila ng mukha sa aso!
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room namin. Nasa first floor lang ang room namin, ganun daw talaga kapag Section 1 para kapag may visitors, madali kaming mao observe. At ang nasa itaas na floor naman namin ay ang Section 4, kung saan nagruroom ang crush kong si Jake Laude. Medyo matalino siya, matcho, gwapo, ah basta nakakain love siya!
Pero syempre sa section din nila pinakamaraming may hate sa akin, pano ba naman pinag-aagawan nila si Jake. Kaya ako pinagbabasag ko yung ulo nung mga nagkakagusto sa kaniya. Hehe, ambait ko di ba?
Kinuha ko ang lipstick sa bag ko. Light lang naman ang lipstick ko, hindi ako naglalagay na para akong bitch.
Nagpatuloy lang ako sa paglakad at nang papalapit na ako sa room namin ay narinig kong sumigaw si Klein na mula sa likod. "Hoy Jesse!" ang OA nang pagkakasigaw niya.
Nang dahil sa pagkagulat ko sa kaniya ay tumabingi ang pagkakalagay ko ng lipstick. Punyeta siya! Malas talaga!
Nilingon ko siya na umuusok ang ilong, "Ano bang proble—?!" hindi ko na natapos pa ang sininghal ko. Nakita ko kaseng parang may pag-aalala sa mga mata niya. Malapit na siya sa sakin at tumatakbo. Hawak ang isang payong. Sumisigaw siya, "Hoy!"
"Jesse! Sa taas!" weird pero narinig ko nang pa slow motion ang sigaw niya. At ngayo'y nakikita ko rin ang dahan-dahan niyang pagtakbo.
Ilang saglit pa'y malapit na siya sa akin. Naistatwa lang ako. I don't know what the hell am I suppose to do!
Lumaki ang mga hakbang niya. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay binuksan niya ang payong na dala niya, at tsaka niya ako pinasukob dito.
Napatalon ang balikat ko nang may marinig na kung anong bumagsak sa payong. "Ay hayop!" sigaw ko. Nakita kong tubig pala ito.
Hinihingal si Klein. "Hindi ba sabi ko sa'yo, huwag kang tanga? Tignan mo kung di ko… nakita yung taong may hawak na container na may lamang… tubig sa taas at di kita naabutan… baka basang sisiw ka na diyan na tanga ka. Ang tanga mo talaga. Hays!" Halata sa boses niya ang inis. Lalo na't dinidiinan niya ang salitang 'tanga' tuwing sasabihin ito.
"Thanks." Yan lang ang lumabas sa bibig ko.
Nakatitig lang ako sa kaniya ngayon sa mata. Napalihis ako nang tingin nang tignan niya rin ako sa mata. Awkward.
May kinuha siyang kung ano sa bulsa niya. Panyo pala. Ipinunas niya ito sa parte kung saan tumabingi ang pagkakalagay ko ng lipstick.
"Klein. Hindi mo na kailangan gawin yan. Ako na."
"Hindi ako na."
Hinawakan mo na ang kamay niya.
"Ako na sabi."
Hanggang sa bumitaw na siya at ipinaubaya na sa akin ang pagpupunas. Grrr, naiinis din ako sa pagkatabingi ng paglalagay ko. Kaya naman binura ko na lang ng tuluyan ang lipstick ko. Nang ipapasok ko na yung panyo sa bulsa ko, napahinto ako nang hingin ito ni Klein.
"Akin na yung panyo ko."
"Tsaka na Klein, lalabhan ko muna."
Hindi nagpa-awat si Klein. Kinuha niya mismo yung panyo sa kamay ko.
"No. This is mine." He sounds serious.
Ibinaba na ni Klein yung payong at tsaka ito finold. Tumingin ako sa taas, natanaw ko si Krystal na nakabusangot. Isa siya sa binasa ko kahapon ang skirt dun sa cafeteria. Gusto siguro gumanti. Pero sorry siya, hindi siya nagtagumpay na bruha siya.
Anyway, kailangan ko pa pala mag scan saglit ng nilesson kahapon para naman may masagot ako sa quiz.
"Thanks uli Klein." Tinalikuran ko na siya't naglakad.
Nakalimutan kong basa nga pala ang sahig. Dahilan para madulas ako. Pero bago pa iyon mangyari ay nasapo ni Klein ang ulo't likod ko.
He rolled his eyes again. Nagtama ang paningin namin. Awkward. Tumayo na ako ng maayos. At lumunok.
"Jesse. It's fine if your stupidity is just a mistake, but if you do it as a habit, that's dangerous." Malamig niyang ani.
"Ano bang problema mo't parang wala ka sa sarili?! Kanina muntik ka na masagasaan. Tapos muntik ka na mabasa. Oh ito naman ngayon, muntik ka na mabagok. Tch!" pakiramdam ko si Kuya Jacob ko ang nanenermon sa akin. Bakit ba kase pati ako pinoproblema nila? Grrrr! Sumakit na naman tuloy ang ulo ko.
"First of all Klein. Katangahan ko yon. Hindi iyo. Huwag mo ko pakialaman. Sa tono ng boses mo parang sinusumbatan mo ako. Hindi ko naman sinabing hatakin mo ko kanina para hindi ako masagasaan ah! Hindi ko rin hiniling sa'yo na kumuha ka ng payong at tulungan mo ako na hindi mabasa. At lalong hindi kita inutusan na saluhin ako." Singhal ko.
Naiinis talaga ako ngayon. Itong Klein kase na unggoy na 'to, dumadagdag pa sa init ng ulo ko!
"Katangahan mo nga 'yon, oo. Pero hindi mo ba iniisip na may concern sa'yo?" tanong niya. Teka, sarili niya ba ang tinutukoy niya?!
"So, you're saying that you're concern about me?" tanong din ang sinagot ko.
"I'm an animal lover. That's why I care for you."
"Ah, animal. Kaya naman pala mahal na mahal mo sarili mo." pamimilosopo ko.
"Tch!"
Nanlilisik ang mga mata niya at binigyan ko naman sya ng matalas na tingin.
Umupo na siya sa upuan niya. Napangisi ako. At tsaka na umupo rin.
—
"Hoy!" pasaring ko sa kaniya na nanahimik na nakikinig ng music. Hindi niya ata ako narinig, naka suot kase siya ng earphone. Ang ginawa ko'y inilapit ko ang upuan ko sa kaniya at pinagyuyugyug ko ang upuan niya. Dahilan para mairita siya at tanggalin ang earphone niya.
"Ano ba yon stupida?!" Harsh niya ah. Stupida talaga? Kung ako stupida, manyakis naman siya!
Umubo-ubo muna ako.
"A." nagpeace hand sign ako.
"B." nagrock and roll hand sign ako.
"C." nagtelephone hand sign ako.
"D." nagfinger heart ako.
"Ano yang ginagawa mo?" pagtataka niya.
"Bobo mo. Hindi ba wala ka kahapon? Nagdiscuss. May quiz ngayon. Kapag nahirapan ka magtanong ka lang sakin, senyasan kita." Tugon ko sabay kindat.
"No need. I can handle. Also, I'm genius enough. Kaya shove your codes down to your throat, stupid!"
—
"Huy Jesse, tulungan mo naman ako! Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan. Dali na, anong sagot sa 1? Tignan mo 'to, hindi namamansin! Tch! Jesse hoy!"
"Akala ko ba i-shove ko yung codes? Oh ayan nilunok ko na. Bahala ka diyan!"
"Jesse dali na, ililibre kita ng lunch mamaya, dali!"
"Hindi mo ako mabobola."
"Dali na Jesse, mukhang tapos ka na oh. Anong number mo na ba?"
"09716—"
"Jesse! Hindi yan! Sa test kase! Tch!"
"After 30 minutes? Last number na ako. Ikaw ba?"
"Kakatapos ko lang isulat pangalan ko. Hays, 1 pa lang."
"Fine, fine, fine! Papakopyahin na kita. Basta yung lunch ha, kahit anong gusto ko, bibilhin mo? Hay. Oh ito sunod-sunod ko isesenyas ang sagot. Manood ka ng mabuti ah?"
"Oo na, sige na. Dami pang satsat."
Titig na titig sa senyas na ginagawa ko si Klein at tsaka niya isinusulat ang sagot. Hay, kunwari pa siyang hindi kailangan. Oh ngayon, kinain niya ang salitang binitawan niya. Akala niya kase madali lang ang lesson. Ang hindi niya alam sobrang hirap yon, mas mahirap pa sa daga. At hindi kakayanin ang stock knowledge kaya kailangan talaga ng maayos na review. Ako pa ang tinawag niyang stupida, o ngayon, bumaliktad ang mundo.
—
"Fuck?! You want to buy all of these?! Bakit hindi buong cooler na lang ang bilhin mo?!"
Halata sa boses ni Klein ang pangagalaiti. Pano ba naman sabi ko sa kaniya, ilibre niya ako ng chocolate drink at tinuro ko yung lahat ng laman ng cooler, na puro chocolate drink.
"Galit na galit ah? Fine, anim lang." kumuha na ng ako ng anim na bote nung chocolate drink. "Ikaw ba unggoy, ayaw mo?" tanong ko sa kaniya.
"Ayaw ko." Hinarap ko siya at tinignan sa mata.
Hehe, I think this is the right time, sisimulan ko na ang panghaharot sa kaniya. Tutal nagiging close naman na kami ng paunti-unti, bibigyan ko na siya ng kunwaring clue na may gusto ako sa kaniya.
Ito na ang first step ng, love revenge strategy. Step number 1: Send false alarm.
"Ayaw mo talaga? Masarap 'to." Pagtatanong ko uli sa kaniya.
"Ayaw ko nga sabi. Ba't ba ang kulit mo?! Tch!"
"Eh ako?"
"Oh anong ikaw?"
"Masarap din ako, ayaw mo ba?"
Marahas niya akong sinagi papaalis sa cooler kaya muntik na ako matapilok. "Sabog ka ba sa past life mo? Tumabi ka nga diyan, mas mabuti pang uminom na lang ako nito. Kakadiri sinasabi mo. Ano kamo masarap ka? Tch, eh bawal nga sa batas kumain ng karne ng aso di ba?" binuksan niya yung cooler at kumuha ng isang bote.
The fuck! Ang hirap niya harutin!
Sa sobrang pagkabad trip ko sa kaniya ay hinampas ko ang noo niya.
"Aray! What the hell are you doing?!"
"Ewan ko sa'yo. Aso pala, ha."
"Oh ano naman? Hays, sige na dali mo na yun don. Babayaran ko na."
Nang makabili na kami ay hinawakan ko siya sa papulsuhan. Tumakbo akong hawak siya. "Hoy! Jesse! Where on freaking hell are we going?!"
"Huwag ka na magsalita d'yan. Dadalhin kita sa favorite spot ko dito sa school." Tugon ko.
Mas binilisan namin ang takbo. Sa sobrang bilis namin, nakakabangga na kami ng mga tao.
Hingal na hingal na si Klein nang makarating na kami sa Cafeteria 5, ito yung pinakamaliit na cafeteria na nasa dulo na ng school.
"Oh ito na ba 'yung sinasabi mong favorite spot mo? Dito sa cafeteria na 'to?! Ba't? Mambubully ka na naman dito, ano? Tch! Tara na nga umalis na lang tayo!" hinawakan niya nang mahigpit ang papulsuhan ko.
Ikinalas ko ng malakas ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. At tsaka siya ang hinawakan ko ng mahigpit sa papulsuhan niya. "Kita mo 'yung bubong ng cafeteria?"
"Oh?" bakas sa mukha niya ang malalim na pagtataka habang nakatingala na nakatitig sa bubong.
"Congrats may mata ka." Pagkasabi ko niyan sa kaniya, agad umigting ang panga niya. Tumitig pa siya sa akin na nanlilisik ang mata.
Pilit akong tumawa, "Hehe, joke lang. Ito naman. Ugh, syempre, yan yung tinutukoy kong favorite spot. Malilim diyan, tsaka mahangin din, ayan oh, may puno kase ng nara." Sambit ko.
"So?"
"Sowbra kitang mah—" pagbibigay ko sa kaniya ng putol na false alarm.
"Mah?"
"Mah-init ano?" ani ko. Alam kong macucurious siya sa kung ano talaga ang kasunod ng mah, huh, ewan ko lang kung di siya mapraning kakaisip. I will let his curiosity drive his feelings.
"Tch, normal daw kase yan kay Satanas." Tugon niya sa sinabi ko.
"Tsk. Tara na nga akyat na tayo sa taas." Hinawakan ko na ang papulsuhan niya. At tsaka na kami pumunta sa likod ng cafeteria. Nauna na akong umakyat papaitaas gamit yung hagdan ginawa namin ni Hiro. Sumunod naman na si Klein.
Umupo ako at nagmasid-masid. Ang daming ibong nagliliparan. Tumabi sa akin si Klein. Tsaka ko na inilabas yung anim na bote ng chocolate drink.
"Ayan, dito kase magandang inumin 'to. Maeenjoy mo. Tsaka rinig mo ba? Tahimik dito."
"May problema ka ano? Halata sa mata mo na may iniisip ka. Gusto mong ikwento?"
Binuksan ko na yung isang bote at tsaka na lumagok ng onti, "Manghuhula ka na pala. But actually kaya parang sabog ako kanina is, dahil kay Hiro. Galit ata siya sa'kin. Ugh! And I'm not sure why."
"Hiro? That weirdo, na kasabay mo pumasok kahapon?" tumango ako bilang tugon sa kaniya. "Bakit ano bang ginawa mo?" may pagka tsismoso niyang tanong.
"I exploded like a bomb yesterday. Haven't you watched it?"
"Watch what?"
"Nevemind."
Nagpatuloy ako sa pag-inom. Ubos na pala agad. Hays. Binuksan ko yung isa at tinungga ko ito agad.
"So, you like drinking your favorite drink at your favorite spot here on school, huh." Aniya.
"Yes."
"Kaya naman pala galit na galit ka sakin nung natapon yung chocolate drink mo sa hallway."
"Oo, gagomoka kase binangga mo ako!" I rolled my eyes.
"Hindi nga kita binangga!" dinuduro niya pa ako, halata sa mukha ang pagkainis. "Huwag mo sa'kin isisi katangahan mo okay?!" he exclaimed.
Mapakla akong ngumuso, "Oo na lang." Bumalik ako sa pagtungga.
"Para kang aagawan d'yan. Just chill Jesse." Aniya. "May party mamaya." Dagdag niya out of nothing.
Napatingin ako sa kaniya, and I found him drinking his drink. Kitang-kita ko kung pano niya iyon nilagok at dumaan sa lalamunan niya. Nang maalala ko ang sinabi niya ay saglit kong inilihis ang tingin sa kaniya pero ibinalik ko rin ito, sa pagkakataong ito ay ibinaba na niya yung bote. "Oh, ano ngayon kung may party?" pagtataka ko.
At tsaka ano namang gagawin ko dun aber?!
"Tanga mo talaga, ano? Sa tingin mo bakit ko sinasabi sa'yo? Tch, the thing is I want you to come over. Dun sa village na tinitirhan ng kaibigan mo, dun lang naman tayo, malapit lang dun ang bahay nila Claire." He stated. Ugh! Natanga na naman ako!
"Fine. Pero kase…"
"Kase ano?"
"Pwede ako magsama?" I asked.
"Sure." Matipid niyang ani.
Hay, buti naman! Si Hiro na lang ang yayayain ko. Siguro naman papayag na yon. Kase kung hindi ako na ang magtatampo sa kaniya at kahit suyuin niya ako, bahala siya dyan. Hay! Kaya required na pumayag siya!
"May gusto ka sa kaniya?"
"Huh? Kanino?"
"Dun sa Claire."
Naistatwa siya na parang hindi makapagsalita.
"W-We're… just friends." He cleared, coldly.
"Friends pero nung nabanggit ko name niya, na awkwardan ka kaagad. Huli ka! Susumbong kita sa kaniya ah!" kiniliti ko siya sa tiyan. Pero imbis na tumawa ay nairita siya. Nakita kong parang kutsilyo nakaamba sa akin ang mga mata niya. Awkward kong inalayo ang sarili ko sa kaniya.
"Jesse. Alam mo bang ayaw ko sa mga taong nanghihimasok sa buhay ko?" seryoso yung mukha niya.
Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Sabay ngiti na ngiting pang-asar at sabing, "Hindi." Kasabay nito ang pag peace sign ko.
Hinampas ko siya sa likod ng balikat niya, "Pft Klein WAHAHAHAHA laugh trip yung itsura ng mukha mo. Kulang na lang ilabas mo pangil mo, triggered ka? Binibiro lang naman kita. Bakit ba ang seryoso mo? Nagpahahalataan ka, ha. Siguro totoo yung mga sinabi ko."
"I hate you."
"What do I care?"
"I really hate you."
"Then I hate you too."
"I hate your mouth who says a lot of bullshit."
"I hate you for being such unpredictable, Klein."
"I hate you for insisting people to do such freaking stupid things."
"I hate you for hating me."
"Nah Jesse. You always deserve to be hate. Dahil diyan sa ugali mo."
"Stop about that. I'm off. Just shut up!"
"I won'—"
Sa sobrang inis ko. Hinawakan ko ang kwelo ni Klein at hinalikan siya. Hindi ko alam pero alam ko sa sarili ko na parte 'to ng plano. Tutal nakuha na rin niya ang first kiss ko, hindi na nakakapanghinayang na ibigay sa kaniya yung second in the name of revenge.
Step number two: Give touch he will remember. And kiss is the best touch that I think could catch him.
Nang kumalas ako ay nakatingin siya sa akin na blangko ang mukha, "Jesse!" pinunasan niya ang labi niya gamit ang palad niya. "Ano bang ginagawa mo?! Gumaganti ka ba sa'kin ng halik?! I can't freaking believe this, sabi mo lang sakin kanina na bawal kang halikan, tapos ito ka ngayon, are you freaking insane?!" Naiinis ako, bakit ba parang hindi niya naaappreciate yung halik ko?! Duh, ako na nga 'to oh, si Jesse Benitez! Aarte pa siya!
"Well, people change their mind so I was." Sagot ko sa tanong niya.
"How could you when you're an animal?" pang-aasar niya sa akin. Aba't loko siya! Ako daw animal?! Sa ganda kong 'to?! Huh!
"Tse Klein!" I rolled my eyes.
"Tch! Ba't mo ko hinalikan? Umamin ka! May binabalak ka ano?! Pinaglalaruan mo ba ako?! " masungit niyang sunod-sunod na tanong.
Note: Make sure to lock in your plan. In short, give security to it. Dapat hindi mabuko. And what's the best way to escape the scene when he's doubting on your weird moves? Start to deny when he ask 'bout that. At ang pinaka effective na way para hindi siya maghinala ay dapat tanong din ang isagot mo sa tanong niya.
"Klein. Wala ano. Hindi. Ba't naman kita paglalaruan? Sino ka ba ha? Amfee ka diyan." I answered na kunwari ay na-annoy.
"But yeah, I kissed you because, kasalanan mo naman eh! Higit sa lahat, ayokong pinag-uusapan ugali ko. Okay? Kaya sana wag na natin yon pag-usapan. T'us ayaw mo pa tumigil, puro ka diyan satsat!"
Pero sa totoo lang. Ayaw ko talaga siya halikan! Kase bakit ko naman hahalikan yung pinakahate kong tao di ba?!
"Okay. Diyan ka na. Bababa na ako. I need to go to the comfort room. Biglang sumakit tyan ko nung hinalikan mo ko." Tumayo na siya, ganon rin ako, at tsaka siya naglakad papunta sa hagdan at tsaka na siya dahan-dahang bumaba. Samantalang ako nanatili dito sa taas. "Tch, I will erase the traces of your lips to mine. I need to make sure that I didn't get the rabies of a bully. Mauna na ako sa'yo. Pumunta ka sa party ha? Wear the clothes you're comfortable with." Malamig niyang ani.
Tumalikod na siya't naglakad papalayo. Nag-wave pa ang unggoy.
"Tsk, matalisod ka sana." Mahinang ani ko habang nakatitig sa kaniya at nakaamba pa ang kamao.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya. Sinusigurado ko lang na aalis na talaga siya. Nagulat ako nang biglang natalisod nga ang loko, awkward siyang tumayo at umayos ng postura. Hindi niya alam kung lilunungin ba ako. Napahagikgik ako dito sa kinatatayuan ko. Siguro'y narinig niya ito kaya naman tumingin siya sa akin, nakapamewang pa siya. Umarte ako na kunwari ay nakatingin sa mga kuko ko habang nagpipigil ng tawa. Sinilip ko siya at nakitang mapakla siyang nakanguso sa akin. Na parang bang may kung anong inoorasyon sa hangin. Nginitian ko siya, ngiting nakakaloko, at tsaka ko siya kinawayan. At naghand sign na pinatsutsupe ko siya. Hay.
:')))