Chapter 7 - CHAPTER 05

|KLEIN FUEGO'S POV |

"Klein?"

I'm now here outside Claire's house. Hinihintay ko kase dito yung tangang si Jesse. Actually, nangalay na ngalay na ako. Ngalay na ngalay na ang leeg ko kakayuko. Tch, paimportante siya. Napataas ako ng ulo nang may narinig akong tumawag sa'kin. And I found out that it's Jesse Benitez.

She's wearing a pink plaid dress over a white shirt. And I'll admit it, ang ganda niya. Ihagis.

"Jesse, akala ko ba sasama mo 'yung kaibigan mo?" I asked. Nagtaka ako, ba't di niya kasama yung wirdong si Hiro.

"Oo nga. Susunod na lang daw siya. Ugh! Kainis siya, pagkabagal-bagal. Alam naman daw niya 'tong bahay nung Claire. Kaya baka mamaya darating din yon." She explained.

"Oy teka, ang gwapo mo diyan sa suot mo. Hilig mo maglagay ng sleeves sa waist mo, ano? Kahit sa school laging nasa waist mo yung school blazer. Pero wait 'di ba birthday aattendan mo, bakit ka naka black?" She asked, kunot pa ang noo.

"It's none of your business."

"My business is you."

Why does my mind saying that something is wrong? I mean, she's behaving differently. She just kissed me earlier, when all I thought, it's the thing she didn't want to get from me. So weird and strange. Whatever it is, I'm going to discover it.

"Ugh! Alam ko na kung bakit ka nakaitim!"

"Oh ba't?"

"Syempre may patay."

"Huh? Sino?"

"Ako. Patay na patay sa'yo. Ayieee! Beng beng beng!"

Mapakla ang pagkalisik ng mata kong tinignan siya. Baliw ba siya? Ngayon kase ay para siyang namumula. Siya ata ang kinilig sa sarili niyang banat. Tch, sarap niyang banatan. For real.

"Oh ayan na pala si Hiro." Seryoso kong sabi nang makita mula sa hindi kalayuan yung kaibigan niya. Kaya naman na patingin si Jesse kay Hiro.

"Bakit ba ang tagal-tagal mo?" bungad sa kaniya ni Jesse nang tuluyang makalapit na sa amin. Halatang nairita.

"Jesse, first of all. You insisted me to go to this. Kaya huwag kang siga d'yan. Lalo't hindi pa tayo bati."

"Ako kaibigan mo pero iba cinomfort mo? Ays ka lang ba? Ako nga dapat magalit sa'yo diyan."

"Tignan mo 'to. Ayaw pa tanggapin pagkakamali niya. Tsk, nandadamay pa ng ibang tao."

"First and foremost, hayop siya."

"Ka."

Piningot ni Jesse ang tenga ni Hiro.

"Well, I guess may lovers quarrel kayo. Sunod na lang kayo sa loob." Yan na lang ang nasabi ko at tsaka na pumasok. Hindi ko alam pinag-aawayan nila. At tsaka wala rin naman kase akong pakialam.

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang marinig ko ang sinabi ni Jesse. "Tignan mo, nag selos ata si Klein kaya pumasok na. Hay, ikaw kase eh. Bati na kase tayo Hiro. Kapag di ka pa nakipagbati d'yan magbibigti ako gamit ID lace, sige ka!" Niyakap ni Jesse si Hiro. And Hiro hugged her back, with his bitter composed lips.

"Oo na sige na." Hiro replied, touching Jesse's head.

But wait, ako daw nagseselos?! That's the freakiest thing I've ever heard! It's a big NO. Not for and not by him! Tch. Whatever.

Pumunta ako sa garden area. At doon ko namataan si Claire. She looks beautiful tonight. Umupo ako sa tabi niya, "Claire." Niyakap ko siya at tsaka ako ngumiti pagkakalas ko. "Kamusta ka?"

"Masaya." Sagot niya, na may malapad na ngiti.

"Bakit naman?"

"Kase kasama kita. Your presence is an enough reason to make me happy."

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tangina? Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko. Fuck, Klein. Control!

"Ayieeeeee!" naisipan ko na lang na kurutin ang pisnge niya.

"And you Klein ko na pogi na yan? Kamusta?" tanong niya, in a sweet tone.

"Ayos lang naman ako. Dapat masaya tayo. Kase birthday mo ngayon."

Cute na nagpout si Claire kasabay ng pagsalumbaba niya sa dalawa niyang palad, nakatingin siya sa mga mata ko, "Habadu habadu, haba haba habadu!" kanta niya in a random tone, at napapatabi-tabingi pa ang ulo.

Kinurot ko ang ilong niya. "Isip bata ka talaga!" pinangigilan ko ito.

"Aray Klein! Bitaw!" nangongongo na siya.

Binitawan ko siya. Tsaka siya nagpa-girly na inihawi pa ang buhok sa gilid ng tenga. "Enebe! Isip bete telege eke! Kaya nga baby mo ko di ba?" hinampas niya pa ako sa  balikat.

"Alam mo Claire. Ang sarap mo sakalin. Hays, enough na ah." Tugon ko.

"Nyenye Klein. Payakap nga uli!" inabot niya ang katawan ko at niyakap niya nga ako.

Napakalas ako nang mag-salita siya. "Teka, si Jesse Benitez ba 'yon?!"

Tumingin ako sa tinuro niya, "Oo siya nga. I invited her, bakit?" pagtataka ko. Bakit naman parang gulat na gulat siya.

"S-She's my friend when I was on elementary. Bully 'yan, eh. Ako yung kanang kamay niyan dati." Pagkukwento niya.

"Sa tingin mo ba naaalala ka pa niya?" I asked.

"Hindi ako sure. Isang taon lang naman kase kami naging magkaklase tapos trinansferred ako ng school."

Inakbayan ko si Claire. "Jesse!" pagtawag ko kay Jesse. Nang lumingon siya sa akin at makita na kami ay kinawayan ko siya gamit ang kamay na nakaakbay sa balikat ni Claire.

Lumapit sila sa amin ni Hiro at dumiretso sa tenga ko si Jesse. May ibinulong agad siya sa'kin, "Kala ko ba friends lang?" itinuro niya pa yung kamay kong nakaakbay kay Claire gamit ang nguso niya. Dahil dito'y awkward kong tinanggal ang kamay ko.

Tch, ano naman bang paki niya?!

Bumulong din ako sa kaniya, "Nagseselos ka ba?"

Malapad siyang ngumiti halos kita na gilagid. At tsaka umiling. Lumapit siya kay hiro at tsaka niya ito hinawakan sa waist. Tch. Sinasadya niya atang ipakita sa akin. At anong akala niya nagseselos talaga ako? That's freak, huh.

"Claire, ikaw yon 'di ba?" pasaring ni Hiro kay Claire. Akala mo magkakilala sila, eh.

"Oo ako nga. Hmm?" Alam kong nagtataka rin si Claire kung bakit iyon tinanong ni Hiro.

"Ah, kase 'di ba ikaw 'yung laging naglalakad sa labas mag-isa kapag gabi?" tanong ni Hiro.

"Ah, oo. Why? Pano mo nalaman?"

"Lagi kase kitang nakikita. Pabalik-balik ka nga sa street namin, ih. Kaya lagi akong nakadungaw sa bintana kapag gabi, tinitignan ko kung may palalampasin ka bang gabi na hindi ka nakakapaglakad. At naalala mo ba nung may nadampot kang eroplanong papel na may nakasulat na 'mag-ingat ka, may sumusunod sa'yo!'? Sa'kin galing yon. Kita ko nga eh nakakatawa, naniwala ka naman sa'kin. Halatang kinabahan ka. Takot na takot ka WAHAHAHAHA, bambilis mo pa tumakbo, laugh trip!"

Walang ano-ano ay sinikmuraan siya  ni Claire. Namilipit sa sakit si Hiro at tsaka nito hinawakan sa leeg ni Claire at marahas niya itong hinila. "Tara nga ditong hayop ka, mag-usap tayo!"

"Wow." Sabay naming sambit ni Jesse. Nagkatinginan tuloy kami nang marinig ang tinig ng isa't isa.

"Kilala mo ba si Claire?" I asked looking from a far.

"I'm not sure."

"She told me that she's your bully buddy back when you were elementary. Kaya pala sisiga-siga din si  Claire. Sayo naman pala nahawa." Pagkukwento ko.

"Sorry. Pero hindi ko siya matandaan."

"Weh? Sabi niya close daw kayo noon. May picture pa nga siya na magkasama kayo, ih."

"Maybe that's not me."

"Lagi niya yon pinapakita sakin. Kahawig mo talaga, eh."

"Kamukha ko lang. But for sure its not me. At isa pa, I don't interact with cheap and no class people."

"Tch. Claire has a class!"

"Ako din kaya may class."

"Anong class naman yan aber?"

"Class kita." Kinindatan ko siya. Naistatwa siya at parang napahinto sa paghinga. "Char!" pagbawi ko at ngumisi.

Nang may narinig akong nagsigawan. "Sino yung nasa loob?" pagtataka ko.

"Schoolmates ni Claire. Kaibigan."

"Whoa!"

"Tara dali pasok na tayo!"

"K."

JESSE BENITEZ'S POV |

"Wooooooooooo! Party par—!"

Napatigil sila sa pagsisigawan nang pumasok ako. Madramarama akong nagflips hair sabay ayos sa shoulder bag ko.

"Oh anong tinitingin-tingin niyo d'yan?! Gandang ganda na naman kayo sa'kin?!" puna ko sa kanila, in a bitch tone.

"Claire! Bakla!" pagtawag baklang nakajumper na kamuha ni chuckie kay Claire. Bang lakas ng sigaw niya na parang mapuputulan ng litid.

"Oh ba't?!" pagtataka ni Claire nang makapasok niya. Halatang iritada. Akala niya siguro may kakaiba nang nangyari kaya nagmadali siya, hinihingal kase siya. Kasabay niya rin sa pagpunta si Hiro. Nag-sapakan siguro sila.

"Bakla ka! Ba't naman may pa aso reveal kayo?!"

Humampas pa yung bakla sa hangin at nakangiti siya na parang may bulate sa utak niyang mas maliit pa sa alikabok.

"Huh? Wala namang aso, ah? Pinagsasabi mo?"

"Eh ano 'to?" tinuro niya ako.

"Hoy ano bang sinasabi mo!?" — sabay na tanong ni Hiro at Klein, ang taas ng mga boses nila.

Napatingin tuloy kaming lahat sa kanila at nagkatinginan din sila.

"Nagbibiro lang naman ako. Kalma." Pagbawi nung bakla.

Awkward na ngumiti yung bakla at tsaka dahan-dahang nilapitan ni Claire. Tapos sabay silang lumabas. Pasalamat siyang chuckie siya nakapagtimpi ako. Kase kung hindi baka nakatay ko na siya!

Lumabas din si Klein. Kaya naman sinundan ko siya. Siya na lang ang kukulitin ko.

"Hoy gage ka Klein. Na curious lang , paano ka tumawa?" tanong ko sa kaniya. Umupo kaming parehas sa magkatabing rocking chair dito sa garden.

"Mag joke ka muna tapos tatawa ako." Inutusan niya pa ako. Wews, sarap dibdiban.

"Ah sige sige, hmmm, eto! Anong sabi ni big letter P kay big letter B?"

"Oh ano?"

"Edi, 'loh bhie, buntis ka?'"

Nakita kong dahan-dahan na ngumiti si Klein kahit papaano. Sabay sabing, "Harhar."

"Loh? Yun na yon?! Ganon ka tumawa!?"

Fuck shit?! Yun lang yon?! The heck! Parang di naman ata siya natawa!

"Yes. Why? Harhar. Nakakatawa mukha mo. I'm serious." Sagot niya sa tanong ko. What the?! For real ganon talaga ng tawa niya?!

"Loh ganyan pala tawa ng maestro ni Satanas." Nang bitawan ko ang mga salitang iyan ay kusang nalusaw ang ngiti sa labi niya.

"Ewan ko sa'yo Jesse." Pinagcross niya ang legs niya. At inirelax ang sarili sa paghiga.

Nang may nagdoorbell.

Ako na lang ang magbubukas. Kaya naman naisipan kong tumayo. Pagkarating sa gate ay nakangiting binuksan ko ito. Pagbukas ko'y isinuka nito ang tatlong panget na bibe. Sina Annica, Ruby at Gia na ang jejemon ng suot.

"Oh ba't naman kayo andito aber? Shanghai lang ata habol niyo, eh. Tignan mo 'tong mukha ni Annica halatang patay gutom, eh. Isa pa 'tong si Ruby lobong lobo yung katawan, mas lobo pa yung katawan niya kesa sa utang ng bansa natin. Lalo na 'tong si Gia, parang naglalaway na oh, may sakit ka ba teh? Sige na, uwi na kayo, bigyan ko na lang kayo ng pera. Lumayas na kayo!" pinagtsutsupe ko sila sabay abot sa kanila ng bente. "Oh ayan mag explore kayo, tignan niyo kung hanggang saan yan aabot!"

Isasara ko na sana yung gate nang dumating si Claire. "Hep hep hep! Ba't mo sila pinapaalis Jesse. No, no, no!" binuksang muli ni Claire yung gate. "Hoy mga tsimakers, pasok kayo!" napahinto yung tatlo at tsaka pumasok na, nag-bleh pa sakin ang mga loko na parang inaasar ako. Sarap pagkokonyatan ng bumbunan ng pempem nila!

"Paano mo naman nakilala yung tatlong 'yon?" tanong ko kay Claire. In fairness, maganda siya. At kung may gusto man sa kaniya si Klein, deserve niya yon, mukha kase siyang mabait. Whatever.

Malapad siyang ngumiti, "Jesse, napakamakakalimutin mo talaga. Sila yung favorite nating ibully nung elementary tayo. Kaya kilala ko pa rin sila. Ikaw kase nakalimutan mo ko, kaya nakalimutan mo rin na kilala ko sila noon pa man." Kwento niya.

Ngumiti ako, "Pardon. If I forgot that you existed. But to be honest, hindi talaga kita maalala." Sa harap ni Claire gusto kong umarteng hindi siya naaalala. Mayroon akong malalim na dahilan.

Naisip ko lang, gusto kong kumpirmahin ang isang bagay. "Ah question." Kumunot ang noo niya.

"Ano ba yon?"

"May gusto ka ba kay Klein?" straight to the point kong sabi.

Napalunok siya nang sabihin ko ang tanong. Siguradong na-awkwardan siya.  "Huh? A-ano kase..." Nauutal niyang panimula. Umiling siya, "wala. Oo. Wala."  Napahawak siya sa dibdib na akala mo kumirot ito. Nakangiti siya ngayon. Sorbang lapad ng ngiti niya. Halatang nagsisinungaling siya. She really like him but she can't tell because she's afraid to be rejected by him. On the other hand, I think Klein was confused on his feelings. Whether he would ignore it to keep their friendship stable and secure or he's going to ruin it and take risk. Poor them. Ang hihina nila. Halata naman na may gusto sila sa isa't-isa. Ang dami lang kaartehan ang umaagos sa nerves nila.

"K." Tinapunan ko siya ng ngiti bago umalis. Nang biglang may nag doorbell. Lumingon ako, pagkakita ko si Jake Laude pala! Wah! Anong ginagawa ng crush ko dito! Omg!

Halos madapa na akong tumakbo pabalik sa gate, sinagi ko pa si Claire. "Ehe, Hi Jake!" bati ko sa kaniya.

"Aray naman Jesse. Makabangga e'no." atungal ni Claire.

"Ah, eh, bakit ka pala nandito Jake?" nagpapagirly pa ako. Ehehehe.

"Crush ko si Claire." Nang sabihin iyon ni Jake ay halos gumunaw ang mundo ko.

"WHE THE HECK?! C-CRUSH MO 'TONG SI CLAIRE?! YANG MUKHANG SEAHORSE  NA YAN?!" hindi ako makapaniwala. Yung crush ko crush si Claire?! Hindi naman ata yon pwede! Mama! Naiiyak na ako! Wahhhh!

"Bingi ka ba? Crush ko nga siya." Nakangiting pagkumpirma ni Jake. Powtaaa! Lalamunin na ata ako ng lupa!

"Sinabi ko ba na magkacrush ka sa iba?!"galit kong tanong. Hayop siya! "Ang sama mo Jake! Wala naman akong sinabi ah! How could you do this to your future wife! Huhu!" ang sama talaga ng loob ko ngayon. Wahhhh! Hindi pwede 'to! For Pete's sake hindi sila bagay! Pwe! Kadiri!

"Jesse. Siya gusto ko." Abaugh talaga naman! Ipinapamukha niya ba sakin na mas maganda si Claire! Putangina niya!

"Fine! Hindi na kita crush mula ngayon! Ang baba ng standards mo! Nakakadisappoint ka! Tignan mo, naiinlove ka sa mukhang seahorse! Ewww! Bahala ka na nga diyan! Iyong iyo na yan Claire! Saksak mo sa bagang mo! Hays! Kastress! Minsan na nga lang magkcrush yung naiinlove pa sa seahorse! Hay! Diyan na nga kayo!"

"Required ba manlait kapag hindi crinushback?" narinig kong singhal ni Claire sa hangin nakatakip pa ang mga bibig niya gamit ang kamay niya. Narinig ko rin naman! Tsk!

"Che!" nagflips hair ako sabay padabog na nagwalk out.

Ahhhhh! Sumasakit ang ulo ko! May gad!

Pumunta ako sa garden, akala ko si Klein ang maabutan ko don. Pero ang nandun ay si Hiro na nakaupo sa rocking chair.

"Oh asan si Klein?" tanong ko sa kaniya.

"Kakaalis lang. Kakausap lang namin." Sagot ni Hiro. Wow, may naganap pala na meeting de avanse.

Umupo ako sa isang rocking chair, "At ano naman ang pinag-usapan niyo aber?" tanong ko, nakataas ang kanang kilay.

"Ikaw." Nang marinig kong ako ay nakaramdam ako nang interes. Whoa, pinag-usapan pala nila ako ha. Ibig sabihin lang nun, gusto akong kilalanin ni Klein!

"Oh anong ako?" pagtataka ko. Ano naman ba kaseng tungkol sakin? Pinag-usapan siguro nila kagandahan ko, omg.

"Nagtanong siya about sa'yo."

"Then?"

"Tinanong niya kung ano daw tingin ko sayo. Pati kung ano yung pagkakakilala ko sayo."

"Whoa, edi puro compliments sinabi mo niyan?"

"Malamang hindi."

Nang humindi si Hiro ay hindi na ako nag-atubiling hampasin ang noo niya.

"Aray ko naman!"

"Peste ka! Ba't naman hindi puro compliment sinabi mo!? Sana nagsinungaling ka na lang! Talaga 'to, parang hindi kaibigan, eh!"

Kainis wahhh! Bakit naman hindi compliments huhu!

"Nako Jesse. Gusto mo puro complimenting describing words ang sabihin ko sa kaniya? Eh hindi naman ikaw yon. Gusto ko malaman niya yung totoo. Para di siya mag-expect." Pagpapaliwanag niya.

"Kahit na!" sigaw ko at piningot ang tenga niya.

Napabitaw lang ako nang may magsalita mula sa hindi kalayuan. "Wirdo. Tanga. Lovers quarrel na naman?" tanong ni Klein. May hawak siyang bote ng chocolate drink na nasa kanang kamay niya. O may gad! Parang may force na nagtutulak sakin para tumayo at kunin ito kahit na anong mangyari sa mga kamay niya. Wahhhh!

"Huh? Quarrel? Yes. Lovers? No way!" anang Hiro. Hay.

"Oh Jesse. Anong nginunguso-nguso mo d'yan?" naisitatwa ang nguso ko nang punahin ako ni Klein. Ngumiti na lang ako at iniayos ang aking postura. "Oh iyo na." kusang sinalo ng kamay ko yung inihagis niya. Yung drink pala. Yey! Nakuha ko na! Woooo!

Pagkakita ko may konting bawas na ito. "Hoy Klein! May bawas na 'to, eh! May laway pa 'to ng unggoy! Baka mamaya nalagyan pa 'to ng garapata mo! Gusto ko yung bago!" pag-iinarte ko.

"Bagong buhay sa langit sa piling ni St. Peter gusto mo? Dami pang satsat, isungalngal ko yan sa'yo, eh." Inis pero mahinahong sambit ni Klein.

"Lovers quarrel?" singit ni Hiro.

"Quarrel, period." May inis niyang pinanlisikan ng mata si Hiro. Ganon din ako. At tsaka na siya umalis.

"Hala ka Hiro, ininis mo siya. Hala ka!" sa sobrang pagkadala ko ay naitulak ko siya nang malakas. Kaya naman bumalentong siya kasama 'yung rocking chair.

"A-aray Jesse! Hayup ka!"

"Pft—" Si Claire pala. Nang lingunin ko siya ay umarte siya na nagpipigil ng tawa, natawa siguro ang seahorse dahil kay Hiro wirdo. Inilihis na lang niya ang tingin at tsaka mabilis na naglakad papasok.

"Hiro pinatawanan ka ni Claire oh."

"Tsk! Epal ka kase Jesse. Tara na nga pasok na lang tayo sa loob."

"Alangan pumasok tayo sa labas. Bobo mo naman Hiro."

"Kingina ka ba sa past life mo? Tara na kase."

"K." nagflips hair na ako at tsaka naunang pumasok.

Umupo ako sa sofa, kung saan naroon si Klein. "Hoy. Ba't parang 'di ko nakikita Mama ni Claire?" tanong ko sa kaniya.

Halatang iritado siyang sumagot, "Tsismosa ka rin ano?"

"Sagutin mo na. Na curious lang naman ako."

"They went abroad. To work there for Claire. Kasama niya dito sa bahay nila, ay yung tita niya. Kaso umalis din tita niya ngayon kase may inaasikaso. Nasagot ko na ba tanong mo?" aniya.

"Oo." Ngumiti ako.

"Hi Klein. Ahihihihi." Pagtawag sa kaniya nung baklang nakajumper.

"Oh, anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Klein.

"Ikaw. Ahihihihi." Napanganga na lang ako. Like duh, ewww! Ano bang ginagawa niya!?

"Gutom ka siguro, gusto mo palamunin kita ng kamao?" natawa ako nang banlakas ng marinig ko ang sagot ni Klein. Laugh trip, kase kung ako ang nasa sitwasyon niya ganon din ang sasabihin ko. Hay, same kami ng mindset omaygad!

"Ikaw ne leng keye lemenen ke?" pag-ipit ng boses nung bakla. Abaugh ayaw niya pa rin tumigil!

"Low tempered kase akong tao. So pwede layuan mo ko FERNANDO?"

Humalaklak ako nang marinig ang sinabi ni Klein. "Pfttt— FERNANDO? FOR REAL?! YON ANG NAME MO? WAHAHAHAHAAHAHA, keot naman ng jumper mo FERNANDO wag mo na susuotin yan ha, mukha kang pokemon eh." Sambit ko.

"Che!"

Inis na nagwalk out si Fernando. WAHAHAHAHA hays.

Nakita kong inilahad ni Klein yung kamay niya sakin. Teka, makikipag holding hands ba siya?! Omaygad! Hindi na ako nag-atubiling ipadikit yung palad namin at hawakan ito na parang pagmamay-ari ko.

"Hoy Jesse anong ginagawa mo? Apir lang. Bakit mo na ako hinolding hands d'yan?" iritado niyang pagtataka.

Nang marinig ko ang sinabi niya'y hindi na ako nagdalawang isip na ialis ang kamay ko. "Wait, huh? Sorry. Mali ako nang naisip. Ugh! Hindi mo naman kase nililinaw."

"Ikaw ha, may pagnanasa ka siguro sakin."

"Amfee ka!" sinampal ko ang mukha niya nang mahina gamit ang hintuturo ko. Kainis! Napahiya ako! Nag-assume ako! Wah!

"Ehem! Ehem!" umubo si Fernando sa microphone.

"Okay. Guys. Listen. Magsstart na yung party. Pero syempre kakain muna tayo, hehe, gutom na kase ako, ako naman MC kaya ako masusunod hehe. Care niyo ba?!" bitchesang aniya.

Umilaw ang radar ko. Patay gutom alert!

"Hoy alipin. Kuha mo na ako ng pagkain. Amuyin mo ha, baka mamaya panis ibigay mo sakin. Alam mo yung rice? Huwag mo ko ikuha non. Kuha mo ko ng carbonara. Tapos kuha mo rin ako ng grahams. Kuha mo ko steamed cake. Kuha mo ko ng—"

"Hoy Mr. Fuego! Ikaw mag-isa!"

"I saved your life. Kaya sige na kuha mo na ako."

"Tsk! Kainis!" wala na akong ibang nagawa kundi tumayo.

Kinuha ko nga ng pagkain ang loko. Hay, nauto niya ako don ah! Kabwisit! Tinignan ko siya at nakatitig siya sa akin na nakaporma ang mata at bibig na parang sinasabing, "Oh ano? Aangal ka?"

Mapakla ko siyang nginusuan.

Bumalik na ako para ibigay sa kaniya yung pagkain niya. "Oh master. Hiyang-hiya naman ako sayo, eh. Hindi ka makatayo diyan, bigat na bigat ka ba sa betlog mo? Tsk. Kainis."

Iniwan ko na siya at kumuha ako nang pagkain ko. Lumabas na lang ako. Dun ko na lang 'to sa garden kakainin.

"Well, well, well. Nandito ka rin pala." Pagmamaldita sakin ni Fernando. Sarap sakalin ng dark chocolate niyang niyang leeg bwisit siya. Kung hindi ako nagkakamali, sikat siya, vlogger kuno daw kase siya. Ang dami niyang issue na naka post sa Akirian Hub, I remember siya yung nandagan ng student teacher dahil binigyan siya ng 0 score sa output niya dahil sa kabobohan niya. Kaya ayon, yung student teacher na comatose.

"Kamusta naman yung dinaganan mong nacomatose?" tanong kong pagtataray.

"Hindi sure kung magigising pa. Gusto mo rin bang daganan kita? Ikaw na isunod ko sa kaniya. May slot pa naman para sayo." Pagbabanta niya sa akin. Nakangiti pa siya, ngiting ang sarap tirisin.

"Eh kung itupi ko yang bilbil mo sa twentipayb. Hay, tignan mo katawan mo oh. Sinong kino-cosplay mo? Si Majinbu? Hay, of you don't mind me telling this to you, huwag ka mag susuot ng fitted ha? Alam mo kung bakit? Babakat twenty mong bilbil. Magmumukha kang caterpillar."

"So totoo nga talaga ang chismis. Warfreak ka talaga. Sino kaya 'tong ipinahiya ng transferee, hindi nakapalag at ginawa pang alipin. Whoa! Sakto nandyan ka. Ikaw kase tinutukoy ko!" inirapan niya pa ako, sarap tusukin ng mata niyang naninilaw.

"Yung totoo hindi ba uso panghilod sa inyo? Tignan mo ulo mo, limulutang sa dilim. Alam ko kung bakit? Ang itim kase ng leeg at batok mo!"

"Bruha ka! Tapang tapang mo dyan! Huwag mong hintaying tumayo ako dito at pagpirapirasuhin kita!"

"Guess what. Pati singit mo maitim. At bakit? Syempre kapag naliligo ka, hindi mo maabot. Nakaharang kase mga bilbil mo. At ito pa, itry mo itaas yang kilikili mo, may namumuong bagyo di ba? If you don't mind, na wala ka namang mind. Could you just please get out of my sight? Nasusuya kase ako kapag nakakakita ng baboy ramo na nakajumper."I rolled my eyes.

"Hoy Jesse Benitez! Ikaw ang bagong dating dito sa garden kaya ikaw ang umalis!"

"Sige aalis ako. Singit reveal muna."

"Aba talaga naman!" sa sobrang inis sa akin ni Fernando ay tumayo siya. Ngunit sa kasamaang palad ay na out of balance ang gaga, dahil na rin siguro sa hindi na nakayanan pang bitbitin ng katawan niya ang taba niya. Kaya naman napaupo siya ng wala sa oras sa rocking chair. Sa sobrang laki niya, gumalaw patalikod yung upuan. Ayon, gaya kay Hiro, bumalentong siya. At ang masaklap pa, nadaganan siya ng rocking chair.

"Wahhhh! Fuck you to the fullest Jesse Benitez!" pag-iri niya.

Nang may makita ako. Abaugh potang ina siya! Naglalive pala siya, hindi man lang ako in-update! Hindi tuloy ako nakapagmake up! Nakita ko yung phone niyang nakaset. Nilapitan ko ito. Owmaygad ang dami ng views!

"#LaitanWithJesse" comment ng mga tao.

Kinuha ko yung tripod at iniharap sa sarili ko yung camera. "So guys, kitang kita niyo naman ang pag-ikot ng mundo ni Fernando dahil sakin. So guys 'wag niyong kakalimutan na 'wag mag subscribe sa channel ni FERNANDO. Yun lang. Bye!" sabay palo ng malakas sa camera.

In-off ko na yung cam.

"Oh ano ha, yan napapala mo. Tinawag-tawag mo pa akong aso kanina. Huh, buti nga sa'yo. Lumayas ka na nga. Kakainin na ako. Kapag nakikita kita, biglang nawawalan ako ng appetite eh! Grrr!"

Inis siyang tumayo hirap na hirap siya na parang bigat na bigat sa mga bilbil niya. Kinuha niya yung gamit niya pang-vlog at tsaka nanlilisik ang matang nag walk out.

"Ay wow may pa walk out like this ang gaga. Hoy ang chaka mo!" pahabol kong panlalait.

Kastress siya! Huh! Bwisit siya!

VIRAL NA 'TO: Jesseteas!

Jesse Benitez nakipaglaitan sa sikat na vlogger na si Fritzy. Fritzy, nilampaso!

"Jesse." May narinig akong pamilyar na boses. Si Claire pala. Umupo na ako sa rocking chair at kinuha yung pagkaing ipinatong ko dun sa table kanina.

"Oh Claire, bakit?" pagtataka ko.

"Galing mo pa rin." Nakangiti siya.

"Magaling saan?"

"Ayon oh. Tignan mo hindi ka kinaya ni Fritzy. Galing mo pa rin mangsupalpal. I remember, nung nasa elementary pa tayo. Sabay nating binubully yung tatlong panget na bibe. Sina Annica, Ruby at Gia. Meron nun one time, natutulog silang tatlo, tapos ang ginawa natin, pinagtitirintas natin ng magkakadugtong yung buhok nila. Kaya ayon pagkagising nila, magkakadikit ang ulo nila." Kita kong ang saya sa mata ni Claire habang nagkukwento.

"Sorry. Hindi ko talaga naaalala, ih." Ani ko. Pilit akong ngumiti.

Actually, I'm just acting that I didn't remember her. Kinalimutan ko na kasi si Claire. Pati lahat ng memories namin. Siya nga kase yung bully buddy ko non. Walang iwanan kami. Napagkakamalan nga kaming kambal o kaya magkapatid, ih. Pero iniwan niya ako. She was transferred. Kaya nang dahil don, nainis ako sa mundo, lalo akong naging masama. And now, I love this attitude I get from being left by her. Ayoko nang mawala sa akin 'to.

Ngayon magpapanggap ako na hindi ko naaalala si Claire. Ayokong umasa siya na magiging close kami gaya ng dati.

"Did you miss me?" tanong ko sa kaniya na nagpalunok sa kaniya.

"Oo naman!" hindi siya nag-atubiling sumagot.

"Ikaw? Na-miss mo ko?"

Kusang nalusaw ang malapad niyang ngiti dahil sa binitawan kong salita, "Duh syempre hindi! Pa'no ko naman mamimiss yung taong hindi ko maalala. Baliw ka ba? Hay." Halatang kumirot ang dibdib niya.

"Sige na Claire. Asikasuhin mo na dun yung mga tao sa loob. Kakain na lang ako dito. Happy birthday. Yung gift ko sayo, ipinatong ko dun hope chest. Sige na dali pasok ka na, baka hinahanap ka na rin nila, eh." Ani ko. Nao-awkwardan na kase ako kaya gusto kong umalis na siya sa tabi ko.

"O-osige." Nauutal niyang tugon. Pilit siyang ngumiti sabay buntong hininga.

"Ow yeah! Party party!"

Nakita kong nag-iinuman sila. As in alak.

Tumabi ako kay Klein. "Hoy gago ka. Umiinom ka ng alak?!"

"Jesse. That's just tanduay ice. 6% alcohol. Its not an alcohol, na mawawala ka sa sarilib at katinuan. Kalma. It taste so good. Tikman mo." Paganyaya sakin ni Klein.

"Anong flavor ba ng iniinom mo?"

"Vodka lemonade." Sagot niya.

Inagaw ko sa kaniya yung bote. "Stop Klein. Huwag ka uminom niyan baliw. Ke 6 percent lang yan, kapag hindi kita pinigilan at nakaubos ka ng madaming bote. Yung 6 percent I multiply mo sa boteng maiinom mo, oh may possibilities na makabuo ng 100 %! Tanga mo talaga!" hinampas ko ng malakas yung noo niya.

Luminga-linga ako sa paligid. At namataan kong nagkakaraoke yung talong panget na bibe. Samantalang yung ex-crush kong si Jake, hinaharot nung Frizty na yon. Kadordor. Samantala yung ibang schoolmates ni Claire, ayun nag-o-open forum ata. May nag-iiyakan eh, habang tumatagay sila nung tanduay ice. Walwal pa more.

Samantalang si Hiro naman, nagpaalam siya sakin kanina, sasamahan niya daw mag gazing si Claire. Iba-iba ang mundo. Pero masaya namin kase maingay ang buong paligid. Halatang may party talaga.

Bumalik ang atensyon ko kay Klein nang agawin niya sakin pabalik yung bote. "Jesse akin na yan. Iinumin ko. Sayang naman kapag nawala yung lamig." Pinanlisikan ko siya ng mata. Hinampas ko ang kamay niya.

"Akin na sabi! Akin na sabi!" sambit ko.

"Ikaw! Ba't ba ang kulit-kulit mo!?" iritadong pagtataas niya sakin ng boses.

"Tara nga lumabas tayo! Bitawan mo na yang bote d'yan!" hinila ko na siya sa papulsuhan niya. At pilit siyang hinatak palabas.

Hanggang sa nakalabas na kami nang gate. "Hoy kayo! Saan kayo pupunta!?" malakas na sigaw ni Hiro. Hinanap ng mata ko kung nasaan siya. Nandun pala sa rooftop.

"Anong gagawin niyo Klein bonak!?" bulyaw ni Claire.

"Ah wala! Basta! Mag muni-muni lang kayo diyan! Mga hangal! Enjoy!" sigaw ko.

"Hoy Jesse. Ano nga ba kase talagang gagawin natin? Bakit mo ba ako hinila? Imbis na parelax-relax na lang ako don, dinala mo pa ako dito. Tch." Reklamo ni Klein.

Step number 3: Show to him that you care.

"Bobo. Huwag ka na mag-inom nung alcohol na yun, okay? Tara. Pupunta tayo sa convenience store. Bibili tayo ng chocolate drink. Yun ang lalagukin natin."

Lumakad na akong hinihila ang papulsuhan ni Klein. Napahinto ako nang magsalita siya.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong niya.

I shrugged,"I don't know." Sambit ko. "Ang alam ko lang… may care ako sa'yo.  Kaya please huwag ka na uminom non. Dun na lang sa chocolate drink. At least mas safe yon." I make sure that I sounded sweet.

"Alam mo rin bang masama ang sobrang chocolate? Its an acidic food that can increase acid in your freak stomach. And acid foods can lead to acid reflux issues, bouts of heartburn and inflamed stomach ulcers. Tapos ikaw mula kanina ang dami mong nainom. Kaya sobrang energetic ng utak mo. And it's a NO for me for you to drink chocolate drink again now. Alanganin na yung oras, baka hindi ka makatulog niyan mamaya." Malamig niyang ani. Dahil sa sinabi niya ay kusang bumilis ang tibok ng puso ko.

Like, bakit niya yan sinasabi sa akin?! Nagkicare ba siya sa akin? Gad! Ba't parang nakakaramdam ako ng kilig?! Okay Jesse, erase! Focus!

"Eh Klein—"

"Shhh. Fine. Pumasok na tayo. Hindi na ako iinom non. Huwag ka na rin uminom ngayon ng chocolate." Hinawakan niya ako sa papulsuhan. At tsaka hinatak. Yung paa ko naman, kusang humakbang at sumunod sa kaniya.

Like, owmaygad! Jusko! Bakit ka ganyan Klein!?

Yung mga mata ko nakasunod lang sa ulo ni Klein. Na parang nagbabakasakaling lilingunin niya ako.

Nang hindi ko mapansin na nasa concrete stairs na pala kami. "Ah aray!" natumba ako.

Umiling si Klein pagkakita sa'kin. "Tanga talaga." Pumikit siya at tila pinipigilang umusok ang ilong. At nakapikit niyang hinigpitan ang sleeves na nasa waist niya.

"Sorry." Yan na lang ang nabitawan kong salita. Hay, ambobo mo naman kase Jesse! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Hay!

Umupo si Klein at tsaka ako inalalayang makatayo. Pero hindi ko nakaya. "Aray! Na-sprain ata." Napatumba ako pabalik.

Muli akong inalalayan ni Klein. At sa pagkakataong 'to nakatayo na ako. "Kaya mo bang maglakad?"tanong niya.

Pilit ko siyang hinampas sa noo. "C-common sense Klein! Ah aray! Syempre kung kaya ko—ah! Kung kaya ko maglakad edi sana kanina ko pa ginawa. Ah aray! Huhu." Singhal ko.

Hay, grabe! Ang sakit talaga! Solid pa sa solid!

"Teka anong oras na ba Klein?" tanong ko. Gash! Patay ako nito kay mama!

Tumingin siya sa wrist watch niya. "1 AM." Sagot niya. Wahhhh! Lagot ako nito!

"Hoy Klein. Nandyan naman motor mo di ba? 11 lang kase curfew ko! Dali na, ihatid mo na ako. Baka hindi na ako pauwiin non ni Mama!"

Natatakot na ako! Wahhh! Last time kase na late si Kuya Jacob, pagkarating niya sa bahay nasa labas na mga damit niya. Tapos isang linggo siyang hindi pinauwi ni Mama. Inis na inis si Mama sa kaniya nun. Wahhhh! Ayaw niya kaseng umuuwi kami ng lagpas sa curfew. Batas niya yon sa bahay at bawal yon mabali. Wahhhhhh! Kinakabahan na ako!

"O-okay." Tugon ni Klein sa favor ko.

Binuhat niya ako in a bridal style. Nang makalabas kami ay ibinaba niya ako sa tapat ng motor niya. "Klein may lisensya ka ba?"tanong ko.

"Wala. Minor pa ako. Ito kase yung pinakapaboritong motor ng Dad ko. Ngayon ako na gumagamit. Dali na, dami mo pang satsat, sakay na!"

Sumakay na nga ako.

Tama nga ang hula ko. Owmaygash! "Mama! Kuya Jacob! Buksan niyo 'to! Wahhhhhh! Mama naman e! Sorry na! Hindi na mauulit! Ma! Anak mo ko! Papasukin mo ko! Maa! Hoy kuya Jacob! Bangon! Huhu! Wahhhh!"

"Jesse! Ano bang iniingay-ingay mo d'yan?! Diyan ka na tumira sa labas! Ayan na damit mo oh! Lintek ka!" si Mama.

"Wahhhh! Ma! Sorry na!" ani ko.

"Mama mo sorry!" tugon niya.

"Ma naman! Ikaw mama ko! Huhu, papasukin mo na po na ako!"

"Jesse. Dun ka matulog sa pinagpartyhan mo!" huling salita ni Mama bago padabog na isara yung bintana.

Awts. Kahit ganiyan si Mama mahal ko siya. May pagka masungit talaga si Mama, sa kaniya nga ata ako nagmana, ih. Laging mainit ang ulo ni Mama, ganyan siguro kapag tumatanda na. Kinuha ko na lang yung dalawang bag na nasa labas. Bag ko sa school at mga damit ko. Hay! Kainis! Bakit ba kase hindi ko namalayan yung oras!?

Malungkot akong naglakad papunta kay Klein na nasa labas ng gate namin at naghihintay.

"Klein. Huhu. Nangyari na ang masaklap na pangyayari. Ayaw ko papasukin ni Mama. Pwede ba ako makitulog sa in—?" di ko pa man tapos ang tanong ay umiling na agad siya.

"Hell no! Kay Hiro ka na lang makitulog!" aniya.

"Bawal ako dun, marami silang alagang aso, takot ako dun, eh."

"Awts, takot ka sa kauri mo?"

"Klein hindi ko need nga mga pang-aasar mo ngayon." Inirapan ko siya. Kainis naman kase ngayon pa siya nambibwisit! Hay!

"Akin na yang bag mo." Kinuha ni Klein yung isang bag.

"Oh sa'n naman tayo pupunta?" pagtataka ko.

"Edi kina Claire. Dun ka matutulog."

Nang marinig ko ang pangalang Claire umigting ang white blood cells sa katawan ko.

Like, dun talaga sa taong kinalimutan ko na?! Ugh! Kainis! Argh! Saan pa nga ba?! Hay! No choice na, eh!

"K." Mapakla akong  ngumuso sa kawalan.

:')))