Chapter 4 - CHAPTER 02

| JESSE BENITEZ'S POV |

"Now, shut up."

Naalala ko na naman ang mga salitang iyon! That's the reason why anger was bringed up into my body early in the morning. Pa'no ba naman, may masungit na lalaking humalik sa akin a week ago! At sa labi pa! Ang sabi ko sa kaniya sa sapatos ko, e! Hindi siguro siya nakakaintindi! Hina ng IQ! Grrrr, bwisit!

Sa sobrang inis ko ng maalala'y marahas kong kinudkod ang labi ko. "Wahhhhh!" nagsisisigaw ako sa loob ng banyo.

"Hoy Jesse! Ke-aga-aga ang ingay na naman ng bunganga mo. Kapag ikaw diyan sinungalngal ko ngarag 'yang respiratory system mo!"

"Mama naman! Parang hindi pamilya e'no?!"

Si Mama talaga hilig niyang punahin ako, kagigil! Bwisit kaseng... ano bang pangalan nung tangang 'yon?! Ah basta that stupid monkey na magnanakaw ng halik! Nagkakaganito lang naman ako dahil sa kaniya! Wala na, gusto ko pa naman na 'yung taong mahal ko ang makakakuha ng first kiss ko. Epal siya! Tagal-tagal ko 'yon iningatan, tapos ninakaw lang ng nakakabwisit na taong kakakilala ko lang?! Ahhhhh! Naiinis talaga ako!

Kaya nagpatuloy akong magwala dito sa banyo.

Ugh! I wanna get rid of him! Sana absent siya! Grrr! Ayokong makita ang makapal niyang pagmumukha! Sa loob ng isang linggong nakasama siya. Walang araw siyang pinalampas na hindi ako bwinisit. Lagi niya akong sinusungitan. Naalala ko nga inutusan kaming kumuha ng mga test papers para sa section namin sa office, abaugh! Sa akin ba naman niya pinabuhat lahat ng copies! Napakatamad niya! Pinahihirapan talaga ako! Tapos naalala ko pa, naglelesson si Ser nag-iingay siya at may kausap siya sa telepono, tapos nung napansin siya ng teacher namin, abaugh! Ako ba naman yung tinuro niyang nag-iingay. Napagalitan tuloy ako. At isa pa, pinakananggalaiti ako sa kaniya nung nag experiment kami sa science, hindi naman niya sinabi sa akin na may pa sabog something effect pala kapag pinaghalo yung mixture. Ayon, napunta tuloy sa mukha ko. Bang lagkit ko. Ugh! Kairita talaga siya! Kapag naiisip ko yon, gusto ko siyang idivide sa twentipayb!

"Jesse anak, bilisan mo na d'yan! Nadudumi na ako. Kapag ako inabutan dito, dumi ko uulamin mo, 'ta mo."

Dahil sa narinig ko'y agad akong lumabas ng banyo. Bwisit na 'yan! Ang dugyot ni Mama!

Pagbukas ng pinto'y pumasok agad si Mama sa loob. Nakapamewang akong napailing nang marinig ko ang pag-iri niya.

"Oh Jesse bakit hindi ka pa pumapasok?"

Nilingon ko ang nagtanong, si Kuya Jacob pala. Ang kuya kong binubully ako, pa'no ba naman laging sinasabing ang ganda ko raw. Hindi niya alam, minsan nasasaktan na ako. Hays, bwisit na kagandahan ko kasi 'to, nag-uumapaw. Sinong maganda? Edi si Jesse Benitez, and I'm Jesse Benitez!

"Jesse, tinatanong kitang babae ka. Ano na naman bang iniisip mo d'yan? Tsaka magbihis ka na! At mag-suklay ka ng maayos, ha? Sabog sabog buhok mo kapag natutuyo na, eh."

"Ang ganda ko ba kuya?"

"Alam mo, kung hindi mo ko kuya, hihindi talaga ako. But since we're siblings, oo, pretty ka na." Lumapit siya sa akin at pinisil ang pisnge ko, "Ang ganda ganda ng kapatid ko na bully na 'yan!"

Umayos ako ng postura.

"Alam ko," pagkahambog ko. Sabay flip hair.

Pumait ang mukha ni Kuya Jacob. At tinignan niya ako na parang may galit sa akin, mukhang alam ko na ang sasabihin niya, "Napaka-bully mo talaga. Naaalala mo 'yung anak ni Aling Susan? Binully mo na naman daw. Pumunta dito 'yung magulang. Nakipag-away pa si Mama! Hay, Jesse! Pang-ilang beses na bang may pumunta dito. Grabe hindi ko na mabilang."

"Hindi ka naman kase census kuya para magbilang, huwag kang palagawa diyan. Hindi required na bilangin mo, okay?". I rolled my eyes, in a hot way.

Samantalang nanlilisik ang mata niya sa akin at mapaklang nakanguso ang labi niya.

"Mag-sorry ka dun sa binully mo, ha!? Nang dahil sa'yo tatlong araw na daw 'yon na hindi pumapasok." Yan na naman si Kuya Jacob sa panenermon niya sa akin. Akala naman niya tatablan ako? Sus, asa siya! Hintayin niyang tumalon mag-isa 'yung bato bago mangyari 'yon! Grrr!

"Kuya, masyadong mataas ang pride ko para mag-sorry, hindi 'yon kaya ng ganda ko. Okay? Grr! If I will suggest, baguhin mo 'yang porma mo Kuya Jacob para naman magkajowa ka na. Bambadoy ng porma mo oh, kaya walang nagkakagusto sa'yo, eh. Hindi 'yung ako pinoproblema mo." Inirapan ko siya, like a biatch.

"No Jesse, ikaw, ikaw ang magbago, baguhin mo 'yang ugali mo."

"Kuya naman?!"

"Mag-sorry ka dun, ok?! Sige kapag sinugod ng magulang no'n dito si Mama, baka atakihin pa si Mama dahil diyan sa kalokohan mo! Kaya ka nga diyan pinag-aral sa Akiro High para naman umayos-ayos ka na. Makikita mo, isusumbong kita kay Tita para hindi ka na pag-aralin diyan! Hays, lalo ka pa atang lumalala. Tsaka, huwag ka na pupunta dun sa Bohr High, ok!? Pinag-bubully mo raw dun 'yung mga estudyante kapag bored ka!"

Nakakainis si Kuya. Bakit ba niya ako pakialaman sa mga pinaggagawa ko?! Ugh! He's so annoying! Tinakot niya pa akong isusumbong! Edi isumbong niya! Tingnan lang natin kung sino ratratin ni Mama. Pinapadalhan kase kami ng pera ng Tita kong nagtatrabaho abroad. Siya ang nagpapaaral sa amin. Siya rin ang sumusuporta. Mahina na kase si Mama, may sakit siya. That's why she's not allowed to do heavy works, doon na lang siya at nagtitinda sa sari-sari store namin.

"Hoy Jesse! Pinagsasabihan ka ng Kuya Jacob mo! Kaya makinig ka! Tignan mo, walang magkakagusto sa'yo dahil diyan sa ugali mo! Oo na maganda ka na Jesse pero sayang talaga kapag gan'yan asal mo. You're a beautiful rose but filled with thorns. Sa tingin mo may magkakagusto sa'yo 'pag gan'on!?"

Naglakad na lang ako upstairs, "Blah blah blah, wala akong naririnig!"

Kahit pagsabihan nila ako hindi ko sila susundin. Bahala sila diyan. They say because of being bully no one wants to be friend with me. Na walang taong nais na kumampi sa akin at taong nais ako kausapin. Pero hindi iyon totoo, dahil mayroon akong bestfriend na tanggap ang lahat ng bad sides ko. I'm going with their house, sabay kase kaming papasok ng school.

Nagbihis na agad ako.

"Oh, baon mo bunso oh!"

"Nye, bakit walang chocolate drink?!"

"Huwag ka na magreklamo diyan Jesse, hindi ka pa nga nagpapakabait, ih."

Iritado kong tinignan si Kuya Jacob. "Stop about that thing kuya, kase malabo 'yang sinasabi mo. Kasing labo ng camera ng cellphone mo... Dun kuya kuhain mo 'yung perang inipon ko sa kwarto ko sa cabinet, bumili ka ng bago. Hay. Una na ako, ha. Thanks sa paghahanda ng baon ko. Labyu."

Niyakap ko siya. At kiniss niya ako sa noo ko.

"Sige na bunso, mag-ingat ka, ha?"

Mapakla ko siyang tinitigan, "Oo na."

Nilingon ko siya bago ako lumabas ng pinto at kinawayan ko.

"Bye Ma!" malakas kong sigaw na paniguradong maririnig ni Mama na nasa banyo pa rin. Siguro nakatulog na 'yon doon.

Paglabas ko ng gate ay bumulaga sa akin si Hiro Salazar. Ang bestfriend kong torpe na shytype na late bloomer na — ah basta weirdo siya! Pero kapag dating sa akin, sobrang kapal ng mukha niya. Mas makapal pa sa mga module namin.

"Akala ko ba ako susundo sa'yo?" nakangiting pagtataka ko. Bakit naman bigla siyang pumunta rito sa bahay? Anong ganap?

"Jesse, sinet ni Mommy yung alarm earlier than 6 o'clock. Kulang tuloy tulog ko. Kainis."

"So, is that means, na kanina ka pa andyan?" He nodded. "Tanga mo! Bakit hindi ka tumawag!? Edi sana sa loob ka na nag-antay." Napakaboang nga talaga.

Ngumiti siya, "Ayos lang baliw. Narinig ko kase inaaway ka nung Kuya mo. Bully mo kase, eh. 'Yan tuloy nag-away na naman kayo. Kaya nahiya na ako tumawag." kwento niya.

Napangiwi ako at napakamot ng ulo, "Alam mo namang normal na 'yun sa'min. Actually, its our everyday argument. Sanay na sanay na ako." I said.

"Magbag—"

"Shhhh Hiro. Ayokong marinig 'yang sasabihin mo. Enough about that. Kung sasabihin mong magbago ako, kumuha ka na lang ng bato ipukpuk mo sa ulo mo. K? Tsaka alam mo ba, hindi pa ako nakakapalamon ng kamao ngayon, gusto mo ba ng free taste?"

Itinaas niya ang kamay niya pantay ang siko sa balikat. "Okay," Zinipper niya ang sarili niyang bibig, "Ito na shut up na. Baka awayin mo pa ako. Mahirap na." Grrr, kapag hindi ko talaga siya natimpi baka maibalibag ko siya't maihagis sa kanal at lulunurin ko siya sa sarili niyang sipon! Grrrr!

Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad na ang punta ay sa terminal ng tricycle.

Hanggang sa nakarating at nakasakay na kami.

"Narinig ko pa nga 'yung part na sinabi ng kuya mo na- oh makatitig ka diyan parang papatayin mo ako. Kalma may itatanong lang naman kase ako." Defensive na sambit ni Hiro. Nakakainis kase mukhang gusto na naman niya pag-usapan namin ang pagiging bully ko. Ugh!

Huminga ng malalim si Hiro at ngumiti, "Narinig ko 'yung sabi niya na you're a beautiful rose but filled with thorns. May point naman do'n kuya mo." Halata sa kaniya ang pag-aalangan na magsalita. Isang maling kwento lang at mairita kase ako, pipingutin ko ang tenga niya. Itatapon ko yon at ipapakain sa aso.

"So, anong tanong mo? Pero wait, bakit parang kinakampihan mo si Kuya close ba kayo? Sino bang kaibigan mo?" sunod-sunod kong tanong.

"No, no, no, hindi kami close. At ikaw ang kaibigan ko Jesse. Uhmm... Sa tingin mo nga ba talaga may magkakagusto sa'yo kung maganda ka ngang bulaklak may thorns ka naman?"

Tumingin ako labas at nag-isip-isip.

Mukhang minamaliit ata ako ni Hiro.

"Alam mo Hiro meron paring maiinlove sa akin. Makikita mo! Fine, gusto mo magpustahan pa tayo, eh!" pagmamayabang ko.

Hinahamak ata ni Hiro ang ganda ng rosas na gaya ko, huh! Nagkakamali siya sa iniisip niyang walang ma-iinlove sa akin! Si Jesse Benitez ay nakakaakit ang alindog and I'm Jesse Benitez!

"Talaga?" paninigurado niya.

Malugod akong tumango. "Yes, sinasabi ko sa'yo Hiro. Don't you ever dare my beauty, hindi mo kakayanin!" I raised my eyebrows.

"Ok, sige!" aniya.

Huh, kala niya uurong ako ha, huwag ako! Kilala ko ang mga tao, basta ba'y maganda ka kahit pangit ugali mo, mamahalin ka nila. Sounds unfair pero minsan ganong paraan umiikot ang mundo.

"So what's our deal? Ikaw, anong pusta mo Hiro?" tanong ko habang nakatitig ng matalas sa mga mata niya.

Napasalumbaba siya. Na parang nag-iisip ta talaga, as if naman na may isip siya. Hanggang sa may umilaw sa ulo niya. "Aha! Alam kong kapag sinabi ko 'to gagawin mo talaga ang lahat para may mapa-inlove. Uhmmm, pusta ko is trip to Hong Kong, sa Disneyland. At tsaka kung gusto mo magpa-treat sa akin ng kahit ano, everytime... go, 'yun ay kapag manalo ka. Kapag matalo ka, hindi ka na magiging bully, magbabago ka na."

"For sure naman na magtatagumpay ako. Kaya ihanda mo na pera mo dahil araw-araw kita buburautan. And ugh! Gagawin ko talaga lahat para sa Disneyland! Wahhhhh! Uhmmm ako naman, kapag nanalo ako, I dare you to have a girlfriend." Ngumuso si Hiro kasabay ng pagtaas ng kilay niya.

Alangan siyang nakipagkamayan sa akin, "Deal 'yan Hiro, ha?!"

"Yeah. P-Pero g-girlfriend? Baka pagalitan ako ni Mommy."

"Shut up, bawal umangal. But wait. Gusto ko syempre 'yung ma-iinlove sa'kin ay may class. Ako pipili, ha? Kilala mo si Jake Laude ng Section 4? Yung gwapo don. Yun na lang, ha!"

"No, manahimik ka. I will be the one will decide. Ahihihihi. Humanda ka. For sure naman na hindi ka mananalo kaya maghanda ka na sa bago mong buhay na hindi na bully WAHAHAHAHA say goodbye na rin sa pangarap mong Disneyland baka matagal mo pa marating yon WAHAHAHAHA," Hinampas ko ang noo niya. Bwisit na tawa kase 'yan! Sakit sa ears!

Itinukod niya ang nakayukom na kamao sa baba niya," Basta," He snapped."The universe will give you the best creature that could bear with a beautiful rose that's filled with thorns."

Napapahagikgik siya na akala mo kay katarantaduhang iniisip, ih. "And aha! This person, will be the first person will greet you as he called your name as we arrived at the entrance of the school. Ok? Mark my words, ganoon dapat ang mangyari. Ahihihihi."

Ang dami talagang alam ni Hiro! Hays! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh napasubo na ako! Wahhhh! Disneyland! Makakarating din ako dyan! Bata pa lang ako gusto ko na makapunta don. Papunta na dapat kami don dati eh, kaso naaksidente kami ni Papa nung papunta na kami sa airport, sadly, hindi siya nakaligtas. Ugh, erase erase erase! Ayoko maging sad.

Ngumiti ako.

"Ok fine. Basta yung Disneyland trip ha?" He nodded as response with his wide smile.

Konti na lang at malapit na kami school nang biglang huminto ang tricycle. Sign na ba ito na hindi dapat matuloy ang deal na 'to?!

"Manong ano pong nangyari?"

"Ah wala nabitawan ko lang 'yung control panel. Huwag kayo mag-alala irerestart ko na lang ule."

Muling umandar yung tricycle pero bigla rin huminto. Nang dahil dito'y nauntog ako nang malakas.

Minsan may marirealize kang bagay kapag nauntog ka. Kapag na-shake yung utak mo. Naisip ko, bakit nga ba parang ang confident ni Hiro, bakit ba nagpipigil siya ng tawa habang sinasabi niya yung sitwasyon kung sino ba 'yung dapat kong mapainlove?

Yon ay dahil... may maitim siyang balak! Hinayupak siya!

Sino naman kase ang unang babati sa akin pagkadating ko sa school?! W-w-wait! Fuck! O shit! Alam ko na ang plano ni Hiro! Close kase kami nung guard sa school baka iyon ang unang bumati sa akin! Hindi rin naman ako babatiin ng ibang estudyante dahil takot sila sa akin! Putangina! Hayop na Hiro 'to! Ako pa ang tatarantaduhin! Natural hindi ko yun kakayanin kapag yung guard ang kailangan ko mapainlove!

Wahhhhh!!! Yung Disneyland trip ko!!!

Naiinis kong tinignan si Hiro at hinawakan ng marahas ang kwelyo niya. "Hoy Hiro Salazar! Yung guard ba—?"

Mapang-asar siyang ngumiti. "Jesse Benitez, a deal is a deal."

"No! Ayoko na! Tsaka wala naman talaga tayong formal agreement! Verbal lang 'to, kaya hindi pa rin valid!" sa sobrang inis ko gusto ko siyang balatan at yung balat niya gusto kong prituhin at gawing tsitsaron. How could he do that to me?! Kaya naman pala ang tapang tapang niya! Ugh! He annoys me! Gusto niyang pagtripan ako?! Gusto niyang makipagharutan ako sa guard!? Ugh! That's disgusting!

"Sorry Jesse but I deceived you. Tsaka valid ang deal natin. May witness ako oh, si Manong." Nangwawar shock talaga siya, eh ano?!

Halata ang kompyansa sa pananalita ni Hiro. Akala mo nakikipag-debate. Hindi naman ako matalo-talo kapag formal na!

Grrrr! Sumasakit ang bagang ko! For Pete's sake! Ano na bang nangyayari?! Ayoko humarot ng guard pero ayoko ring matalo! Kaya sige go! Ughhh! Disneyland ko huhuhu! Bahala na! Ayoko magbago! Babaguhin ko ugali ko? Wahhhhhh! I cannot! Pero kase nasa 30 plus years old na 'yung guard! Wahhhhhh! Hindi ko kaya 'yon! Lalamunin na ako ng lupa!

Tinignan ko siya. Kita ko ang paghagikgik niya na parang nakakaloko. "Pft, LT itsura ng mukha mo Jesse para kang aso na galit na galit na nakalabas ang mga pangil WAHAHAHAHAHA." Hinampas ko siya sa tyan. "Ah!" dahilan para mapatiklop siya't indahin ito. Bwisit siya!!!

Muli nang na-restart ni Manong 'yung motor kaya muli na kaming umandar.

Kahit nanggagalaiti at nanginginig ang laman ko dahil sa panlilinlang sa akin ni Hiro ay pinilit kong magtimpi. Pasalamat siya't natatantya ko pa siya!

At ito na...

Papalapit na kami sa school...

Tanaw ko na 'yung entrance...

Ayan na...

Konti na lang...

Sa sobrang kaba ko'y pumikit ako. "Hoy Hiro hawakan mo ko. Ayokong makita ang mangyari, naiinis ako sa'yo!" utos ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang pag-alalay niya sa akin na lumabas ng tricycle at nanatili pa ring pikit ang mata ko. Wahhh! I can't even take a second to see what's gonna happen!

Hanggang sa nadama na ng paa ko ang semento. Nandito na siguro kami sa entrance.

Humakbang ako.

Hakbang pa.

At hakbang pa.

Nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Its cold as ice.

"Ms. Benitez. Tch. Yung sintas mo maapakan mo na. Magiging tanga ka na naman. Tapos isisisi mo sa iba. Tch." ramdam ko na lang na may kung sinong humawak sa black shoes ko. At may nagsintas dito.

Dugdug Dugdug

Dahan-dahan kong inimulat ang mata ko...

Ito na...

Sino ba siya!?

Makikita ko na kung sino siya...

Universe please!

Sobra akong kinakabahan, kaya sana pagmulat ng mata ko, hindi ito tulad ng inaasahan ko.

Hanggang sa tuluyan na akong nakamulat.

"M-Mr... Fuego?"

Tumayo siya't humarap sa akin na matayog ang postura.

Kumurap ako ng marami. Totoo ba ang nakikita ko!? O naghahallucinate lang ako?! Ow gad!

"I-ikaw ba talaga 'yan?"

"Ms. Benitez bakit huminhin 'yang bos—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang yakapin ko siya ng mahigpit. "Thank you." Yan na lang ang nasabi ko.

Sobrang saya ko ngayon. Dahil kapag kay Mr. Fuego, palagay ko'y kakayanin ko pa at magagawa ko siyang mapainlove. Kapag naman nangyari yon, wahhh! DISNEYLAND HERE I COME! I can't wait! Buti na lang dumating siya. Pero paano kung tinupad nga ni Universe ang sinabi ni Hiro? To bring a creature that could bear with me? Ugh basta kung anoman, gagawin ko talaga ang lahat! Ayokong magbago at mas lalong ayokong mawala yung chance na trip ko.

Natauhan ako nang marinig ko ang tinig niya. "Thank you? For what?" pagtataka ni Mr. Fuego. Naguguluhan siguro siya lalo na't bigla-bigla ko na lang siya niyakap.

Dahan-dahan akong kumalas ng yakap. Ngumiti ako ng sobrang lapad na abot hanggang langit. "Dahil hindi natuloy ang plano ng bestfriend ko! Wahhhhh!" pinagyuyugyug ko ang katawan niya.

Nang nakaramdam ako ng awkwardness ay bumitaw ako at hinarap si Hiro na parang tangang nakanganga sa gilid. Halata sa mukha na disappointed siya sa mga naganap.

Hindi maipinta ang mukha niya. Na parang pinagbagsakan ng heaven at earth.

"Sorry Hiro, pero hindi ka nagtagumpay. WAHAHAHAHAHA ihanda mo na pera mo, ha!?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Wait, ano bang nangyayari? But anyway bakit ba ako nagtatanong? Wala naman akong dapat na paki. Sige, iwan ko na kayo diyan." malamig na paalam ni Mr. Fuego. At diretso ang tinging pumasok sa loob.

"Dinuya mo siguro ako Jesse!" singhal ni Hiro. Porke hindi lang siya napaboran ng universe kaya nagkakaganyan siya! WAHAHAHAHAHA!

"No no no no, well Hiro Salazar, kita mo yung masungit na lalaki na yun? Mapapa-in love ko 'yon. At sa oras na mangyari 'yon... WAHAHAHAHA alipin na kita! At tsaka yung pangako mong trip ha!" masaya kong sambit.

"Whatever, tara na nga."

Sabay na kaming pumasok sa entrance nang huli na akong batiin ng guard na si Kuya Ramon.

"Good morning Jesse."

"Bakit naman kase ngayon ka lang?" singhal ni Hiro sa hangin na ang pinatatamaan ay si Kuya Ramon.

Tumingin ako sa mukha ni Hiro, at natagpuan kong umuusok ang ilong niya dahil siguro sa inis at pagkadismaya.

Wala na akong nagawa kundi ngumisi.

:')))