Chereads / My PI Lady / Chapter 87 - 84: The Preggy wins!

Chapter 87 - 84: The Preggy wins!

SAM'S POV

"Ow---NOOOOOO, SAAAM!!..."

Hindi ko na pinansin ang sigaw na'yon ni Suzy sa tabi ko at binato ko na naman uli ng pagkain ang gago.

It was either to castrate him kapag umilag ito o hahayaan nya'kong mapuruhan ko ito ngayon. His choice.

At tingin ko alam ko na ang pinili nito ngayon,, as clear as the day. Lalo na ng tiyempong  tumama ang pagkaing yon sa mismong mukha nito. Ng walang kamintis-mintis dahil sa hindi pag-ilag nito.

Bullseye!

"SUSMARYOSEP!"

"What the fudge???!

"HOLY CAKE!"

"OW MY GAAAD!"

Just hearing those exclaims from the people around us, I can't help but smirked at him, feeling so satisfied just seeing his face being smudged with cakes now. Parang biglang natanggal lang yong inis ko sa kanya dahil napuruhan ko rin ito sa wakas.

"Nakunan mo ba ng maayos ang part na'yon?? OW My God! I'm sure magiging trending to mamaya!"

"Yes. Nakunan ko nga ng maayos yon. Swerte tayo nito!" Then those voices laughed at that.

My ear instantly pricked up at the hear of that, understanding what they were talking about now.

They were filming us! At hindi lang ngayon kundi kanina pa at alam ko na kung anong mangyayari mamaya kapag hinayaan kong lumabas man lang ito sa media.

Cameron would definitely become a laughingstock to the public!

With that thought, my now surprisingly clear eyes scanned the people around us and traced those voices with hawkish eyes.

I may be want to kill Cameron now but I can't just let these bunch of idiots tainted my man's reputation dahil sa mga pesting 'to. Ako lang ang dapat tumawa rito and not the blasted public!

Gusto kong maupakan 'to ngayon dahil sa pagsisinungaling at pagtatago nya tungkol sa tunay kong ama but this doesn't mean na gusto ko naring pag-usapan na naman kami ng buong mundo mamaya. And I don't want anyone talk about my pregnancy dahil gusto kong walang ibang makakaalam nito.

It didn't took me long to locate those voices. My eyes instantly zoomed in at the two teenager girls still pointing their cameras at us.

No doubt. Sila yon dahil wala namang ibang mga naglakas ng loob na kunan kami kundi ang mga gagang ito lang.

"Samantha, honey..  now that you've let me eat all these cakes, pwede naba tayong mag-usap ngayon?"

I heard the bastard asked me while looking at me with pleading look pero hindi ko na pinansin ito with my attention being piqued by those little bitches now.

Without taking my glare from those bitches, agad na'kong naglakad palapit sa gawi nila habang mahigpit paring bitbit ang paperbag na may lamang pagkain, making them to look alarm to my way, still pointing the cameras on us.

These bitches must've really want a beating lessons from me.

"Take it down now or I'll do it for you." I growled at them pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila, not once taking my glare at them.

"W-Wala naman----ay!"

The two of them yelped out in unizon when I cut them off by snatching their phone na ibababa na sana ng mga ito to probably keep it from me.

"Cellphone ko yan! Ibigay mo sa'kin yan!" The other girl shouted saka pilit na nya sanang kunin yon sa kamay ko but I'd be dumb enough if I'd even allow that to happen.

Tightly holding their wrists with one hand para pigilan ito, I hastily deleted the video file na kinunan nila sa'min. Not even leaving a single video in their phone na posibleng magamit nila sa'min.

Pagkatapos kong gawin 'yon, agad ko ng ibinalibag sa gawi nila ang kani-kanilang phone na taranta namang sinalo ng mga ito. For sure afraid that it'd fall and eventually break kapag nagkataon.

"The next time I'd see your lovely faces again, I'm gonna treat you with cakes. So Off you go now! Go back to your mommies' ovaries kung ayaw nyong ngayon ko kayo ilibre ng cakes!!!"

Pagkasigaw ko dun, their eyes instantly widened at that saka taranta ng nagsipagtakbuhan ang mga ito while clutching their phones with them, running like a rabid dogs were on their heels. At Siguro takot na ibato ko rin sa kanila ang bitbit ko paring paperbag ngayon na may konti paring laman.

And when those bitches disappeared on my sight, nilingon ko narin ang iba pang mga taong nandun. Agad na nagsipag-iwasan ang mga mata nito when I scanned them one by one, probably afraid that I'd throw these cakes I have with me gaya ng ginawa ko kay Cameron.

Throwing them a dirty glare, naglakad na'ko uli pabalik sa direksyon ni Suzy na ngayo'y parang gulat na gulat parin sa mga pangyayari habang mahigpit paring yakap-yakap ang natirang paperbag sa kanya.

"Umalis na tayo. Masyado na'kong natatagalan rito."

She blinked her eyes a few times and then slowly nodded her head before she complied and ran to the other door at the front seat.

Eager to leave that place, I quickly opened the car door at the driver's seat saka papasok na sana rito but before I could even do that, a sticky strong hand suddenly grabbed my wrist which stopped me from getting in.

Annoyed with the interruption, inis ko ng hinarap ito with a glare that could bury him twenty feet below the ground under him, ignoring his now chocolate flavored face and suit.

"I can't just let you leave here nang hindi man lang tayo nag-uusap, Samantha."

"Kung ayaw mong ibato ko'tong natitirang pagkain sa'yo, bitawan mo ko." Nanggagalaiting saad ko sa kanya in between with gritted teeth while still glaring at him with a look of an impending doom, challenging him to defy me.

"No. You have to atleast hear me out first para maayos natin 'to."

"Hear you out?" I let out a sarcastic scoff at him before I continued. 

"Hindi mo na'ko mauuto pa, Cameron. My stay in your house should've been enough time para sabihin mo 'yon sa'kin but then again, pinili mong ilihim yon sa'kin. Well, I understand kung hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol sa tunay kong ama pero sinabi ko sa'yo na ayoko munang magkaanak pero anong ginawa mo? Niloko mo'ko tapos binuntis mo pa'ko!" I spat with short breath, now ready to slap him with another slice of cake and bit his head off.

"I'm sorry kung tinago ko man sa'yo ang tungkol sa tunay mong ama but I would never say sorry about getting you pregnant."

Hearing that, the gritting of my teeth tightened dahil sa parang proud pa ang tono ng boses nito.

This shit!

"Dahil sinadya mo ito. Sinadya mong buntisin ako para pahirapan ako."

"No. Ayoko lang na umalis ka kaya ginusto kong mangyari 'to. I know you're not prepared for this dahil sa magulong buhay mo but I love you and I want you to stay with me. Hindi pa rin ba sapat na dahilan 'yon para hindi kana magalit sa'kin? Para tanggapin at maging masaya nalang dahil magkakaanak na tayo ngayon?"

I don't know why I just stayed rooted on my feet habang nakatitig lang sa kanya, staring into his pleading eyes without uttering any words habang parang hindi alam ang isasagot sa kanya.

Damn with that magic words and damn with that pleading look he was giving me now!

Pull yourself together, Sam! I love you lang 'yon kaya magsitigil ka! Galit ka sa kanya dahil binuntis ka nya, kaya ayusin mo yang sarili mo!

When my mind chastised that, I quickly looked away sabay hila ng kaliwang braso ko mula sa kanya.

Hindi pwedeng bumigay agad ako sa gagong 'to. Kailangan nya munang pagdusahan man lang ang ginawang pagsisinungaling nya sa'kin!

"Layuan mo'ko, Cameron. Mainit parin ang ulo ko sa'yo kaya 'wag na wag mo'tong palalain ngayon."

"For what? For you to keep hating me dahil hinayaan lang kitang umalis rito without even hearing out my explanations? Ganun ba, Samantha? Akala mo ba talaga hahayaan nalang kitang mag-isa while you're carrying our baby? My baby? There won't be no chance for that."

I cursed out myself when again, parang hindi ko na naman alam ang isasagot ko sa kanya dahil parang naeengkanto na naman ako dahil sa mga sinabi nito.

His baby....

Just hearing that from him, I think my annoyance was starting to dessipate now dahil sa mga sinasabi nito ngayon. And as stupid as my heart was, parang gusto ko pa talagang halikan 'to ngayon for saying all that!

For calling my baby as his without any hesitation. Na kanya ito and no one should claim this but just him.

Mukhang baliw na nga siguro ako ngayon dahil sa biglang pagkawala ng inis ko sa kanya. Seryoso. Gusto ko na talagang yakapin ito at umiyak sa mga bisig nito ngayon but with my want to teach him a lesson for deceiving me, I stopped myself kahit na ang hirap nitong gawin.

"No. Ayokong makinig sa'yo at kaya ko ng alagaang mag-isa ang baby ko kaya layuan mo na'ko. Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Matigas ko ng tugon while wearing a no nonsense look in my face. And then without even waiting for his answer, I quickly get into the driver's seat, locking the door beside me.

He didn't moved right away and just stayed there motionless and with surprised look, probably still unable to process my words.

But after he had recovered from his surprise, agad ng nagpumilit itong buksan ang pintuan sa gilid ko.

"Samantha! No. Marami pa tayong dapat pag-usapan ngayon so no! We'll talk about this. We'll gonna fix this!" Galit ng sigaw nito while still trying to open the car door.

I just ignored him and instead, I glanced at the blinking Suzy beside me to check her seatbelt. And when it was already on her, I took that as my cue to start the engine now.

"Samantha! Open this door now! We still have---"

Hindi na nya natapos ang iba pa nyang sasabihin nang inapakan ko na ang silinyador and drove off from there. Leaving him heaving up with breaths habang matalim na nakamasid sa papalayong sasakyan namin. I mean, his car. Hindi namin.

Just looking at his reaction now at the side mirror from my left, I can't help but smirked at that with satisfaction.

Serves him well!

When he was out of sight, mas binilisan ko na ang takbo ko, now heading back to La Café Mosses para ibalik na roon si Suzy. I just hope Atty. Maximilian would be smart enough na tanggapin si Suzy ngayon dahil ayoko pang humingi ng kahit na anong pabor sa gagong Cameron na'yon to give her a new job.

"Are you not really going to talk to him, Sam?"

That got me glanced at her way nang bigla nalang nyang itanong 'yon sa'kin, asking me with a slight crease in her brows. Alam kong si Cameron ang tinutukoy nito kaya ngumiti na'ko sa kanya.

"Parang ganun na nga, Suzy." Tugon ko sa kanya sabay tingin uli sa daan.

"Atleast not now. Not when he still didn't get the lesson that he deserve from me." I added with a smirk as I drive through the busy highway back to the Café.

"Halatang seryoso naman sya sa'yo, Sam. Handa ka nyang panagutan sa pagbubuntis mo so please don't torture him long. I can see those glint of excitement in his eyes everytime na nababanggit nya ang tungkol sa magiging anak nyo kaya alam kong masaya sya sa nangyari sa'yo."

That got my brow to shot up now as I glanced at her at the corner of my eyes.

She was the type na tatahimik lang sa tabi at sasarilinin nalang ang mga opinyon nito but this time, she's voicing that out now.

"Talaga? Nakita mo'yon?"

Agad namang tumango ito without giving it any thoughts.

"Anyone can see that, Sam kaya kung galit ka man sa kanya ngayon dahil sa nagawa nya sa'yo, please don't make him wait too long. Kailangan mo sya sa tabi mo lalo na't anumang oras, anyone would attempt to harm you again and that isn't good with your condition now."

This time, she had totally caught my attention now. I just couldn't help but think about her point.

Yes. She's right. Hindi ko maikakailang may punto sya dun. Anyone would attempt to kill me again at hindi na'ko nag-iisa ngayon sa katawan ko kaya kailangan kong mag-ingat. Kailangan kong magdoble ingat dahil kahit na hindi pa'ko handa sa pagbubuntis kong 'to, I can't just let anyone take my baby from me. I swear I'd protect it with my whole life.. Just like how my mother had protected me before.

Hindi na lamang ako umimik and just stayed silent throughout our ride.

Kasi kahit tama sya, gusto ko munang magdusa ng kahit konti ang gagong 'yon so no. I won't go talk to him now dahil may ibang lugar pa'kong dapat puntahan ngayon.

Pagkahatid ko kay Suzy sa pinagtatarabahuan nito, I quickly bid my goodbye to her and to the grinning Atty. Maximilian who accepted back Suzy in his Café without any questions.

Agad ko ng pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar na'yon pagkatapos kong magpaalam sa kanila, now heading to our office.

Back to the place kung saan ako mamamalagi sa mga susunod na araw while I continue my case and while I prepare myself to meet my father.

Enriquez knows him and even Cameron knows him. Sino ba talaga ang tunay kong ama? Why are they trying to hide him from me?

"This is just for your own sake! Pinoprotektahan lang kita gaya ng lagi naming ginagawa ng dad at mom mo mula paman noon."

When again, those words from my mother echoed in my head, my curiosity now escalated. And I think I'll die anytime if I'll just let my curious kill me nang wala man lang ginagawa rito.

~~~~~~~~~~