Chereads / Haroldus Malum / Chapter 1 - Nighty-night

Haroldus Malum

🇵🇭GenZRizal
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 13.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Nighty-night

TWO months before most people likely celebrate Christmas, there's another event that precedes it: the month of "Kalag-Kalag," or Halloween. There's a boy named Harold Jay. He has frosty hair, attractive hazel eyes, a straight nose, wide pink lips, and a captivating face. He hates Halloween intensely. His mother died in front of him during the Halloween celebration on the first day of November. He was just twelve years old at the time. His mother was murdered by a stranger, and the murderer has never been caught. The trauma has left a lasting impact on him.

He was once a cheerful, friendly, and soft-hearted child. But now, he is entirely different. Even his own father and grandparents can no longer recognize him. His parents allowed him to be alone, thinking it might help him recover from the tragedy. Despite their efforts to help him forget that horrific night, they could not erase the pain it caused.

 Ngayon, siya ay nasa ika-sampung baitang sa mataas na paaralan. Maayos ang lahat sa kaniyang unang buwan. Patuloy siyang nag-aasal na tila bingi sa nakaraang tatlong taon. Kilala siya sa kaniyang paaralan sa pangalang "yawa." Ang salitang "yawa" ay mula sa Cebuano na nangangahulugang diyablo. Tinatawag siyang ganoon ng karamihan sa mga estudyante dahil noong ikapitong baitang siya, muntik siyang nakapatay ng isa sa mga estudyanteng nambu-bully sa kaniya. Tinaksil niya ang kaniyang kaklase sa likod gamit ang bagong talim na lapis ng maraming beses. Sa kabutihang palad, nailigtas ang batang iyon.

Wala siyang maraming kaibigan, ngunit may isang babae na handang tumulong at makipag-usap sa kaniya. Wala siyang kaalaman tungkol sa babaeng ito. Ang pangalan niya ay Teresa, at sila ay magka-kaklase.

 

October 29

 

 Papunta si Harold sa kanilang bahay habang nakasakay sa kaniyang bisikleta. Nang makarating siya sa isang maliit na kalawangin na tulay na nagdudugtong sa kabilang bahagi ng lupa, patungo sa Saint Miguel Village.

Makulimlim na ang paligid; marahil ay nagdedeliryo ang kalangitan. Hindi inaasahan ni Harold na may mga false friends pala na naghihintay at nag-aabang sa kaniya sa unahan ng kakahoyan. Nang makita nila si Harold na paparating, agad silang nagsikalat sa daan upang harangin siya. Limang lalaki na may magagandang mukha ngunit may masasamang ugali. Sila ay mga estudyante rin sa parehong paaralan ni Harold.

"Uy, si Yawa!" natatawang sabi ni Renz. Sa kanilang lima, siya ang pinakamataas.

Hinarang siya ni Calvin, sabay hawak sa manibela. "Saan ka pupunta, Yawa?" Napahinto si Harold. Medyo mataas si Calvin kumpara kay Harold.

Walang kibo si Harold sa ginagawa nilang pagharang o sa ano man ang balak nilang gawin sa kaniya. Nakayuko lang siya at naghihintay na padaanin ng mga ito.

"Uuwi ka na ba? Naghihintay ba ang mommy mo sa inyo?" kunwareng naiiyak na sabi ni Raphe, habang ang iba niyang kasama ay tawa lang nang tawa. Si Raphe ang pinakabata sa kanilang lahat.

At that moment, Harold decided to get down from his bicycle and forcefully push it, while Calvin continued to hold onto the bicycle's steering wheel. One of them, named Jade, went to Harold's back and suddenly snatched the bag from him. Jade, being the most muscular among them, was able to snatch the bag easily.

Sa pagkakahablot ng bag, natisod si Harold at bumagsak sa lupa. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kaniyang puwit dahil sa pagkakatumba, at tumama ito sa bato. Napahawak siya sa puwit niya dahil sa matinding sakit na nararamdaman habang ang mga nang-aapi sa kaniya ay pinagtatawanan lamang siya.

Sa isip ni Harold, gustong-gusto na niyang patayin ang mga ito dahil sa tinding galit at sa pang-aapi nila sa kaniya. Pero pinipigilan niya ang sarili na huwag makipag-away sa kanila.

"Masakit ba? Akala namin... yawa ka. Bakit nasasaktan ka?" pangungutya ni Calvin habang papalapit sa kaniya.

"Akala ko ba matapang ka?" wika ni Jade, sabay hawak sa kaniyang kanang balikat. "Ngayon mo gawin ang ginawa mo sa akin noong grade seven pa tayo!" naghahamon niyang sabi.

 Tiningnan ni Harold si Jade ng sobrang talas, na para bang nais niyang lamunin siya nang buhay. Pero hindi siya makagalaw dahil sa labis na panginginig. Napansin ito ni Jade, kaya't tumayo siya at pumwesto sa tabi ni Harold.

 

"Ah, lalaban ka ba?" Tinadyakan niya si Harold ng sobrang lakas, na nagdulot sa kaniya ng pag-iri at pagsusuka ng dugo.

Pagkaraan ng ilang sandali, nawalan si Harold ng malay. Hindi pa rin sila nakontento sa nangyari. Pinaligiran nila siya at sabay-sabay nilang inilabas ang kanilang mga ari at inihian siya. Pagkatapos, iniwan nila si Harold na walang malay.

Nag-alala ng sobra ang ama ni Harold dahil madilim na, ngunit hindi pa rin nakauuwi ang anak niya. Kaya napagdesisyonan ng ama na hanapin siya. Kinuha niya ang flashlight sa storage room at lumabas ng bahay. Sakto ang paglabas niya nang makita niyang nasa harap na ng bahay ang anak. Nagulat ang ama niya sa itsura nito. Sobrang dumi ng suot nitong puting t-shirt, punung-puno ng putik, at may dugo pang natuyo sa mukha.

"Anong nangyari sa 'yo?" nag-alalang tanong ng kaniyang ama.

Agad niyang pinapasok si Harold at sinara ang pinto pagkapasok nila. Sumunod naman ang ama patungo sa kwarto ni Harold. Magtatanong ulit sana siya kung ano ang nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ng anak. Subalit agad niyang sinarado ang pinto ng kwarto nito.

Hindi na binalak pa ng ama na katukin ang pintuan dahil wala naman siyang makukuhang sagot mula sa anak. Kaya minabuti na lang niyang bumalik sa sariling silid upang kausapin ang litrato ng kaniyang namayapang asawa.

"Mary…" Huminga siya ng malalim, "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa anak natin. Hindi ko na alam kung… kakayanin ko pa ba."

After it, he went to bed, slowly closing his eyes and wiped off his tears. Then he fell asleep.