KINAUMAGAHAN, muling nakatanggap si Roselyn ng tawag mula sa Pilipinas. Ngunit sa pagkakataong iyon ay ang ama na niya ang kaniyang kausap. Nakaupo siya sa sala habang hinimas-himas niya ang kaniyang asong si Mougie. Sa taong iyon, pangalawang beses pa lamang niyang makakausap ang kaniyang ama na nasa kabilang linya.
"Hello," pormal niyang wika.
"Roselyn, it's me your dad. Nǐ hǎo ma? (How are you?)"
"Wǒ hěn hǎo. Kung napatawag kayo para imbitahan ako sa kasal ni Rosario, my answer is still no. Wǒ bù huì huí jiā. (I'm doing well.) (I will not go home.)"
Narinig na lamang niya ang mahinang buntong-hininga ng ama sa kabilang linya. Purong Chinese ang kaniyang ama samantalang half-Filipino, half-Chinese naman ang kaniyang ina. May ilang mga bagay naman siyang sinusunod sa kanilang tradisyon ngunit hindi ang karamihan. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit rebelde siya sa mga magulang.
"Hindi iyan ang itinawag ko. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Roselyn. You need to go back here as soon as possible. I already arrange your marriage to Mr. Ziu. Kung hindi ka susunod sa gusto ko, I warned you. Babagsak ang negosyo mo!" mariin nitong sabi.
Napakuyom ang kamao niya. "No!" Matatag niyang tugon. "Hindi niyo ako madidiktahan sa gusto ko! If it is all about the family tradition, well, I'm already out of your family! Walong taon na akong nanahimik dito sa Amerika at ngayon sasabihin niyong umuwi ako para magpakasal sa kung sinong herodes na iyan! That's bullshit!" nagpupuyos na ang kaniyang damdamin.
"Nǐ huì bù zài hé wǒ chǎojià ma? (Will you stop arguing with me?)" Galit na galit na ang tono ng boses nito. "I can do how to cut your exports products shipping arrangement in China with the help of Mr. Ziu. I can control your shipments around the world. Now, I will give you one week to be here, and if not, we will go there!"
"How can I suppose to marry a man when I'm already a married woman?" bulalas niya.
Hindi nakaimik ang ama niya sa kabilang linya sa binitawan niyang salita. Kahit siya ay nabigla rin sa kaniyang sinabi. Nasa isip na niya iyon kagabi pa at ayaw niyang humantong pa sila sa ganoong diskusyunan. Ngunit hindi na rin siya nakapagpigil at nasambit iyon na wala sa kaniyang plano. Humantong na rin sa hangganan ang kanilang pagtatalo.
"Uuwi ka sa lalong madaling panahon," mariing ang salitang iyon ng ama niya saka nito ibinaba ang tawag.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha matapos ang matinding pagtatalo nila ng kaniyang ama. That was the worst argument they have been through with her father. Ang huling pagtatalo pa nila ay noong umalis siya sa poder ng mga ito at nagsariling sikap sa buhay. Napasandal siya sa sofa habang pinahuhupa ang emosyon niya. Hindi maaaring matuloy ang binabalak nila. Hindi maaaring maikasal ako sa taong ni hindi ko nakikilala. Pero paano? Anong gagawin ko? Saan ako hahanap ng lalaking magpapanggap na asawa ko? God! Mababaliw na ako!
NAKATULALA si Roselyn habang nakatitig sa malaking monitor ng computer niya sa loob ng kaniyang opisina. Iniisip pa rin niya kung paano niya malulusutan ang kinakaharap na problema. Sumagi sa isipan niya ang kaibigan niyang si Alexis na noon ay humingi sa kaniya ng tulong. Naalala rin niya ang kaibigan niyang si Veronica na nagtatrabaho sa isang Dating Agency at maaaring malaki ang maitutulong nito sa kaniya. Mabilis niyang dinampot ang cell phone sa kanang bahagi ng table niya at nag-dial. Magbabakasali siyang matutulungan siya ng kaibigan.
Nakalimang ring na at wala pa rin sumasagot sa kabilang linya. Busy ba siya? Oo nga pala at alas-onse na ng gabi sa Pilipinas. Pick up your phone, Ve! Hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Muli siyang nag-dial at sa pangalawang pagkakataon, may sumagot rin.
"Hello?" malamyos ang boses ng kabilang linya.
"Ve? It's me, Roselyn. Did I disturb you?" bungad niya rito.
"Hmm.. Who's Roselyn?" naghihikab pa ito.
"Hindi mo na ako natatandaan? Si Karla kilala mo?"
"Karla? Roselyn Karla?"
"Oo. Wala ng iba. Ang bata mo pa ulyanin ka na."
"Nang-asar ka pa. Bakit ka nga pala napatawag? Kumusta ang New York? Pasensiya na at kakaidlip ko lang."
"New York pa rin. Pasensiya na sa abala pero kailangan ko ang tulong mo."
"Tulong?" pagtataka nito.
"Are you still working in a dating agency, right?"
Sumigla ang boses nito sa kabilang linya. "Yes. Why? Naghahanap ka ng escorts?"
"Bakit parang masaya ka?"
"Of course! May komisyon ako at mga tips. Since, kaibigan kita bibigyan kita ng discounts."
"I don't need an escort. I need a temporary husband!" direkta niyang wika.
"Ha? A-anong sabi mo? Nagpapatawa ka ba?" tila hindi ito makapaniwala.
"I'm damn serious, Ve. Still remember, Alexis? Siya iyong tinulungan mo a few months ago. I'll pay kahit milyon," seryoso niyang sabi rito.
Matagal din hindi naksagot ang kaibigan sa kabilang linya. Pinapakiramdaman nitong hindi nga siya nakikipagbiruan.
"Seryoso ka nga." Humugot muna ito ng buntong-hininga. "Okay. Tatawag lang ako sa head ko. I'll call you via whats app. Mahal ang long distance call mo."
"Just call me as soon as possible." Nakahinga rin siya nang maluwag.
Makalipas ang ilang minuto ay muling tumawag ang kaibigan niya.
"Roselyn," wika ulit nito sa kabilang linya.
"Yes?"
"Pumayag na ang head ko pero confidential ang request mo. Malalaman mo rin naman iyan kapag nakita at nabasa mo na ang kontrata. Ilang buwan mo ba kailangan ng magiging asawa?"
"One year if ever."
"Alright. Nag-escalate ako. What is your preferred husband? I will send three profiles as your choices."
"It's up to you. Ang mahalaga ay may lahing Amerikano. Mayroon ba kayo?"
"Well, in that case, the price may differ. Okay lang ba sa'yo?"
"Bahala na. Kapag nag-extend ako sa kontrata, it's another payment?"
"Yes."
"Okay. Send me now the contract and the other details. I'll be in Manila by next week."
"Alright. Pero…seryoso ka na ba talaga? Hindi mo pa sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka maghahanap ng pansamantalang asawa?"
Hindi na rin siya nagdalawang-isip na magkuwento rito kung paano siya humantong sa ganoong sitwasyon. Kahit magbayad siya ng malaking halaga, balewala lang iyon kung kalayaan naman niya ang nakasalalay.
Makalipas ang sandali, nakatanggap ng e-mail si Roselyn mula kay Veronica. Pinag-aralan niyang maigi ang laman ng kontrata.
RnJ Services is an underground business of Ricardo Milosa with the help of his friend, Johnny. The nature of business is to provide a husband for hire service for those financially capable women in need. RnJ Services hides behind Ricardo's front businesses such as Hermes Hotel, Blue Marlin Restaurant, Hercules Sparadise, Strings of Faith Dating Agency, Viajero Travel, and Tours Café Viaje del Cielo, and La Diva Art Gallery. All front businesses have branches here and abroad. Each branch has a hidden office for RnJ Services.
There's also rules and regulations of being a husband. Nothing about RnJ shall be exposed to the client and the public as long as he lives. The husband shall not have sexual contact with the client; the husband shall not disclose his real identity to the client; he shall only use the identity provided by RnJ; the husband shall duly comply with what's specified in the contract. And there are also limitations. Kissing is allowed for display purposes only. The husband will only do the tasks specified in the contract Nothing more, Nothing less. These tasks depend on the needs of the clients specified in the contract. Public display of affection is just fine as long as it will not go farther than that. The dignity of husband and client shall be protected.
The client contract has do's and don'ts to RnJ services. The client shall not expose any information about RnJ Services to the public even after the contract ended. The client shall not make sexual contact with the husband; the client shall not dig the husband's private or real life; the client shall not be a threat to husband's life or shall not drag the husband into a life-risking situation.
And, if ever there's consequences in violating the contract, there are always sanctions. In the event that the client fails to comply on what's within the contract, the client shall pay penalty fees. In worst scenario, the client may be sued by RnJ and will be marked as Scarlet W in RnJ database making her an excommunicated person in all front businesses of RnJ. In the event that the husband for hire is proven guilty of breach, he may receive any of the following sanctions depend on the severity of violations. A designated task as part of punishment, penalty charges, cancellation of husband license and being excommunicated in RnJ and in any front businesses of RnJ. This is followed by revelation of his real identity to the client an in RnJ database. Lawsuit. Pull out of Ricardo's (RnJ's) investment to the husband's business if applicable.
A council known as Council of Gigalo, will be a direct recipient of complaints and legal concerns and also the one responsible of monitoring the husbands to make sure that they all follow what's in the contract. They also impose task and penalties to those husbands and clients that commit breach of contract.
Habang binabasa niya pa ang iba pang mga detalye na dapat niyang punan, pumasok ang sekretarya niyang si Luvi. Nag-angat agad siya ng tingin dito at nakita ang malungkot nitong mukha na siyang ipangtataka niya nang lubos.
"Ma'am, we have a big problem."
"What?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi natuloy ang shipment natin sa China dahil humarang ang may-ari ng shipping company at huwag ituloy."
"Huh?! What do you mean?"
"Tumawag ang contact natin sa shipping lines dito sa New York kani-kanina lang."
"Shit!" Bigla siyang napatayo. "Sino ang lapastangang pumigil sa shipment natin?' tumaas ang tono ng boses niya. Napahimas pa siya sa kaniyang batok dahil biglang tumaas ang presyon ng dugo niya.
"Uhm… Mr. Joaquin Dee and Mr. Yuan Clint Ziu po ng China Shipping Lines."
Noon napasuklay si Roselyn sa kaniyang nakayungyong na buhok saka napahampas sa table niya. Takot na takot naman ang sekretarya niyang noon lang siya nakitaang pigil ang galit sa sarili. Dad! You put your mark in my line. Ganito ba talaga kayo ka-desperado? Napakuyom ang kamao niya.
"Ma'am, shall I call Mr. Williams to fix this?"
"No. I will fix this matter."
"Okay, Ma'am."
Lumabas na agad ang sekretarya niya habang siya ay muling napaupo sa kaniyang swivel chair. Napahilot din siya sa kaniyang sentido habang napapikit. Mas lalong tumitindi ang tensiyon niya sa pagitan ng kaniyang ama at ayaw nitong tumigil hangga't hindi naniniwala ang mga itong nag-asawa na siya. Noon niya naalalang tawagan si Alexis. Dinampiot niya ang cell phone sa tabi. Mabuti na lang at agad na sumagot ang kaibigan niya sa kabilang at ikinuwento rito ang lahat.
"What?!" bulalas nito sa kabilang linya.
"It's true, Alexis. Gusto ko ng umiyak sa kinakaharap ko ngayong problema ngunit hindi ko magawa. I have to face this with courage and find my way on how to resolve this. I also asked for help with my friend Veronica."
"Veronica? RnJ agent?"
"Yeah. I have no choice, Alexis. I put my last cards to win but this is rare."
"Roselyn, RnJ is a good choice but you have to prepare your millions. Lalo na sa kaso mo dahil specified iyan. Hindi rin naman tayo pwedeng kumuha ng kung sino-sino lang at baka mabulilyaso ang plano mo. Isa pa, ang sabi mo ay nag-asawa ka ng Amerikano. Pambihira ka naman talaga. Iyan pa ang naisip mo."
"Ewan. Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip. Anyway, I have to accept RnJ Services or else mag-asawa ako ng tsinong hilaw!"
Natawa ang kaibigan niya sa kabilang linya. "Alright, just tell me when you'll be here and I'm willing to help. Bukas ang bahay naming since kami lang naman ni daddy. Ang asawa ko naman ay bumalik diyan after the honeymoon. Call of duty."
"Okay. I'll give you an update in case I'm going there."
"Thank you, Rosie. Chocolates ko, huh! Bye!"
Napailing na lamang siya matapos kausapin ang kaibigan. Bumalik siyang muli sa kaniyang binabasa kanina at muling inintindi ang mga naroon. Wala rin naman siyang choice kaya ilalaban niya ito sa kahit anong paraan. Matapos naman niyang maintindihan ang nakapaloob sa kontrata, ibinalik niya ito sa sender kalakip ng mga importanteng impormasyon sa kaniya at kung bakit niya kailangan ng hired husband. Inayos na rin niya ang kaniyang pag-uwi at iba pang mga importanteng bagay sa kaniyang opisina. Alam niyang hindi madali ang landas na tinahak niya sa ngayon ngunit paninindigan niya ito.