BRIANNA GIBBS Point of View
Nakaluhod pa rin ako kahit alam kong wala na ang lalaking kausap ko. Siguro nga napakayaman niya para bigyan ako ng malaking halaga ng ganun-ganun lang. Hindi ko man lang siya pormal na pasalamatan. Hindi ko man lang nagawang itanong ang kanyang pangalan.
Napatitig ako sa tseke na hawak ko. Naluluha ako dahil nagawan ko ng paraan para mapa-opera ni tatay. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Kailangan ko pang pumunta sa bangko para magpa encash upang bayaran ang ospital.
Dala ang pera ay pinaka ingat-ingatan ko iyon. Kung mawawala pa ito ay hindi ko na alam kung saan pa ako makakakuha ng ganito kalaking pera. Dali-dali kong hinanap si Dr. Ivann upang ibigay ang bayad na pampa-opera ni Tatay.
"Dok Ivann!" masayang tawag ko sa pangalan niya. Nasa opisina siya at may ilang bagay na ginagawa. "Nakakuha na ako ng pera para sa operasyon ni tatay," balita ko sa kanya.
"So fast, Bria?! Naunahan mo pa ako mag raise ng fund!" natutuwang tugon sa akin at kinuha ang tseke na inabot ko. "Saan ka nakakuha ng ganito kalaking halaga? Balak ko sana na ako muna ang magbayad sa pampa-opera ni Tatay Romeo para mapanatag ka na." May pag-aalala sa kanyang boses ng marinig ko iyon. "You've been through a lot. Magiging maayos din ang lahat, Bria!."
IVANN GIBBSON Point of View
I been his father doctor simula ng ma-diagnose itong may lung cancer. Nakaka inspired lang ang tulad ni Bria dahil lahat ng paraan ginagawa niya para sa kanyang ama. Kahit ako sa kalagayan niya ganun din naman ang gagawin ko, pero iba kasi siya. 'Full of eagerness at napaka positive in many ways.'
"Dok Ivann, sobrang nakakahiya na po sa inyo kung gagawin niyo pa iyon. Minsan ikaw na ang bumubili ng gamot ni tatay. Ang laki na ng naitulung niyo sa amin."
Namula ako sa paghawak ni Bria sa kamay ko. Mas dumagundong ang tibok ng puso ko. "Makakabawi din po ako sa inyo ni Chairman, pagdating ng panahon. Kapag naka luwag-luwag na kami ni Tatay."
Bigla na lang niya akong niyakap at todo-todo ang pasasalamat. Gusto ko tugunan ang yakap na iyon. Gusto ko higpitan ang yakap sa kanya para maramdaman niya na nandito lang ako para sa kanya. Ngunit pinipigilan ko ang aking sarili. Alam kong hindi magiging maganda kung mamadaliin ko siya at ipakita ang aking totoong nararamdaman. 'I can't hide the happiness I felt habang yakap-yakap ko si Bria, kahit sandali lang!'
"I'm just here, whenever you need me. All you have to do is say it." masayang sabi ko sa kanya.
"Alam ko na hindi pa sapat ang pera na iyan pantustos sa iba pang mga pangangailangan ni Tatay, kaya kailangan ko talaga mag trabaho ng mabuti para sa kanya." tugon sa akin.
Kumirot ang puso ko sa aking narinig. Kailangan niya mag-todo kayod para sa Tatay niya. Minsan gusto ko na saluhin ang problema niya, pero ayaw ni Bria. Kaya ko naman gawin lahat, basta para sa kanya. Ayoko lang na mahirapan siya at mamomblema.
"Huwag mo na masyadong alalahanin ang pangangailangan ng Tatay mo. Alam ko naman na sobra-sobra na ang ginagawa mo para kumita ng pera." Tinignan ko siya ng may awa sa aking mata. "You looked tired!"puna ko. "Pauwi na ako. On the way naman ang bahay mo sa bahay ko, kaya sumabay ka na." yaya ko sa kanya habang tinatanggal ang white gown ko. "Let's go?" tanong ko.
Masaya ako na napapayag ko siyang maisabay sa akin. Napag-isipan ko na kung sakaling papayag siya ay dadalhin ko siya sa isang restaurant. Napansin ko sa mga nagdaan na araw na mas pumayat siya. Naisip ko na baka hindi niya na a-alagaan ang sarili at hindi nakakakain sa tamang oras. 'This is a simple treat para naman mapagaan ang pakiramdam niya.' Kahit simpleng suot at walang kaarte arte sa katawan ay lumalabas ang akin niyang ganda. Babaeng kahit titigan mo ng matagal ay mas lalo gumaganda.
BRIANNA GIBBS Point of View
Magaling at napakabait na doktor ni Ivann. Actually dalawa sila ng Tito niya na si Dok Harold. Si Dok Harold ay isa sa mga board member dito sa hospital. Simula ng na-confine si Tatay, mabait na and dalawa sa amin mag-ama. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa lalaking kaharap ko. Nakakahiya nga dahil minsan pag na-coconfine si Tatay, lumalabas kami na zero bill dahil binabayaran na niya iyon.
Siya din madalas ang bumibili ng ibang basic need ni Tatay, katulad ng vitamins at maintenance na gamot. Sabi niya, free lang iyon at pinamimigay talaga sa mga pasyenteng nangangailangan. Pero sa isip ko, siya ang bumibili 'non. Malaking tulong ang nagawa niya para sa amin. Lahat ng pasyente dito sa hospital ay gustong-gusto siya. Kaya nga hindi na ako magtataka na ang daming na-inlove sa kanyang doktora at nars.
Pababa sa parking lot, narinig ko ang maingay na boses sa paligid. Common na sa akin ang ganitong pangyayari dahil minsan halos tumira na kami ni tatay dito sa hospital. Nagkakagulo ang buong hospital kapag 50/50 ang pasyente. O di kaya ay malapit nang mamatay. Madalas akong nagdarasal na sana hindi ako mapunta sa ganitong sitwayson, dahil hindi ko pa kaya.
"Sanay na sanay ka na sa mga ganitong sitwasyon ah?!" tudyo sa akin.
"Oo. Araw-araw nakaka experience ako ng ganito."
"Tama nga ako. Noon kasi napansin ko na kapag may naririnig kang ingay o iyak, napapaluha ka, pero ngayon nakikita ko na lang na malungkot ka at hindi na naapektuhan sa mga ganitong pangyayari."
Napangiti lang ako sa sinabi niya pero wala akong sinagot. Sumusunod lang ako sa likuran ni Ivann. Sa simpleng paraan na kasama siya, nagiging kampante ako. 'Oo, gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakausap at nakikita ko siya.'
Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Nagtataka ako kung bakit huminto pa siya sa isang restaurant. 'May bibilhin kaya siya?' tanong ko sa sarili. 'Baka nagugutom na siya at nakaabala pa ako sa kanya.' Gusto ko mauna magpaalam umuwi para hindi na siya maistorbo.
"Dok, pasensiya ka na. Mauuna na ako umuwi," paalam ko habang nakangiti.
"Come on! It's my treat. Nagugutom na rin ako. At isa pa, ngayon lang kita ili-libre. Tatanggihan mo pa ba ako?."
Pag-pasok sa loob ng restaurant, pinagtitinginan kaming dalawa ni dok. Habang naglalakad papunta sa table, may dalawang babae akong narinig na nag uusap. Malakas ang boses kaya rinig na rinig ko iyon.
"Girl look." Tingin sa dalawa mula ulo hanggang paa. "Ang pogi niya kaya lang panira ang kasama."
Bumulong ang kausap, "True! Nakakainggit naman. She's so lucky with that guy."
Napayuko ako sa mga narinig ko. Kung hindi lang mapilit si Ivann, hindi naman talaga ako kakain sa ganitong restaurant. Pag-upo namin sa lamesa ay lumapit ang waiter at inabot sa amin ang menu.
"I-order mo lahat ng gusto mong pagkain," malambing na sabi habang tumitingin sa menu.
"Wala akong idea sa mga pagkain dito. Pwede ba ikaw na lang ang umorder?" nahihiyang sabi ko. "Kung ano kakainin mo 'yun na din sa akin."
"Alright. I know you will love the food here." Binaba ang menu at tinawag ang waiter.
Puno ng kwentuhan at katuwaan ang aming usapan habang kumakain. Nakapag-usap kami tungkol sa case ni Tatay. Sinabi ni dok kung ano ang mga mangyayari before, during at after operation. Tahimik lang akong nakikinig sa mga pinapaliwanag niya at sina sa-isip iyon..
Halos kalahating oras kaming kumain bago magyaya si Ivann na umuwi.
"Ihahatid na kita," ngiting sabi ni dok habang pinapaandar ang sasakyan. "Buckle your seatbelt," paalalang sabi niya.
Halos kumakabog ang puso ko sa mga oras na ito. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kasama na kayang intindihin ang mga pinagdaanan ko.
Iniwasan ko ang tumingin kay Ivann. Para kasi natutunaw ang puso ko kung paano siya ngumiti sa akin. Iniwasan ko iyon at napalingon sa bintana. Nanlaki ang aking mata at nagulat ng may nakita akong pamilyar na lalake. Matalim na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot ng makita ko kung gaano kasama ang tingin niya sa akin. Halos mapigilan ko na ang aking paghinga.
'Paano? Bakit siya pa ang nakita ko?" tanong sa sarili.
Inuusig na ako ng sarili ko dahil sa aking ginawa. Kailangan ba ipamukha ng tadhana kung ano ang malaking pagkakamali na ginawa ko.
AIDEN ALDER Point of View
I enjoyed the whole night. Halos ginusto kong ariin ang katawan niya habang may oras. I don't know but I'm like a beast with her. I can't control myself. When I gave the money, I know I'm being considerate dahil malaking amount na iyon, but she's asking more.
'Another 50,000 pesos to cure his father?' Ayaw ko maniwala dahil ilan beses ng dinahilan sa akin 'yan ng mga babaeng nakasama ko. 'Nakakaawa siya kaya binibigay ko na ang kailangan niya. Hindi ko naisip na may babaeng luluhod at yayakap sa aking binti. Kulang na lang ay halikan pati ang aking sapatos. Malamig kong inabot ang tseke sa kanya. Umalis ako ng hindi na siya nilingon pa.
All along, siya ang pumapasok sa isip ko. I can't refuse her on my mind. She caught my eyes. 'Paanong nangyari na may kasama siyang ibang lalaki? Kanina lang ay magkasama kami?!' Pakiramdam ko niloko at nautakan na naman ako ng babae.
Matalim ko siyang tinitigan. Saktong napatingin siya sa akin at nagbago ang emosyon ng mukha. Ang kaninang masaya ay napalitan ng takot at pagkahiya. Iniwasan niya ang tingin ko sa kanya. Halos wala ng mukha na maiharap habang nakayuko ang mukha.
'Prospect client din niya kaya ang lalaking kasama niya?' tanong ko. Masasabi ko na may kaya sa buhay at professional. When the car disappeared into my eyes, kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Michael. My assistant secretary.
"Michael!" malamig kong tawag sa pangalan niya pag sagot ng aking tawag..
"Hello, Sir Aiden?"
"Investigate about Brianna Gibbs at kung sino ang mga taong malalapit sa kanya."