AIDEN ALDER Point of View
Nakuha ko na ang report from investigator. Lahat ng information ay nandoon including that man na kasama ni Bria noong araw na nakita ko siya sa restaurant. He is Ivann Gibson, isa sa mga doktor at kamag-anak ng isa sa mga board member na si Harold Gibson ng SJ District Hospital kung saan naka-confine ang Tatay ni Bria. Napangiti ako dahil umaayon sa akin ang lahat ng bagay.
SJ District Hospital is now facing some trouble, kaya naman binebenta na ng may-ari. I call my lawyer to settle everything para ma-acquired ang ospital na iyon.
"Good afternoon, Mr. Alder. What can I do for you?" magiliw na sagot ni Atty. Rodriguez.
"Atty. I want you to deal with SJ District Hospital. Double the payment para mapapayag mo agad ang may-ari na ibenta sa akin ang property."
"I understand. I'll do it now!"
"I'll give you an hour to settle this matter!" I hung up the phone.
Less than an hour ay naging successful na ang transaksyon. Ako mismo ang nagpunta sa hospital para ipa-demolish ang building at pilitin mapaalis ang mga pasyente. I don't care about them. Ang gusto ko lang, makitang nahihirapan si Bria.
Nakatayo ako sa main entrance habang pinapanood ang nangyayari. Nag-init ang mga mata ko sa galit ng makita ko ang babaeng iyon kasama ang doktor na iyon. Hindi ko tinanggalan ng tingin hanggang sa hindi ko nahuhuli ang kanyang mga mata.
BRIANNA GIBBS Point of View
May kung ano na naman takot akong naramdaman ng makita ko ang mala demonyo niyang mata. Nakatayo sa malapit ng entrance at nakapamulsa sa kanyang bulsa. Nagtataka ako kung bakit kung saan-saan ko na lang siya nakikita. 'Hanggang dito ba naman sa hospital?' Iniwasan ko siya ng tingin dahil nakakaramdam ako ng takot sa tuwing nakikita ang mamatalim niyang mata.
Pilit kong tinatanggal ang imahe ng lalaking 'yun sa aking isip. Ang kailangan kong asikasuhin ngayon ay si Tatay.
Magulo ang paligid. Halos nag-iiyakan din ang mga tao na nakasalubong namin. Ang iba naman ay sinasakay na sa mga ambulansya. Ang iba naman ay inilipat sa kabilang building. Private hospital iyon karugtong ng SJ District ngunit ang pangalan na nito ay SJ Medicare. May mga lalaki ring mga nakaitim na nangangasiwa sa mga tao.
"Dok?" tumingin ako sa kanya. "Ano nang gagawin natin?" pag-aalalang tanong ko.
"Calm down! Pupuntahan ko muna si Uncle sa loob." tugon sa akin ni Ivann. Dali-dali siyang pumasok sa loob.
Kinakalma ko ang aking sarili. Palakad-lakad ako sa may entrance nang makita ko ang nars na tulak-tulak ang wheelchair ni Tatay galing sa loob ng hospital.
Narinig ko pa ang isang naka-itim na lalaki na nagsalita, "Bilisan niyo na, sabi ni Boss kailangan bago mag gabi wala ng tao sa building."
Napalingon ako habang papalayo sa amin. Mas naguguluhan ako sa mga nangyayari at halos lahat minamadali nila.
"Maam, kailangan niyo na pong lumipat ng hospital." Ang nars ang nagsabi 'nun ng ibigay si Tatay sa akin.
"Tay!"inabot ko ang wheelchair ni Tatay at lumuhod. "Okay lang ho ba kayo?" pag-aalalang tanong ko.
Hinawi ang kamay ko. Galit niya akong tinitigan. 'Hindi ko alam kung ano na naman ba ang nagawa kong kasalanan.' Noon pa man, ganito na siya. Kahit wala akong ginagawa ay galit sa akin. May maganda man akong gawin sa paningin ng iba, sa mata niya ay mali pa rin.
"Wala ka talagang kwentang anak!" pagalit na bulyaw sa aking mukha.. "Gumawa ka ng paraan, ngayon para malipat ako sa maayos na hospital."
"Tay! Ginagawa ko naman po lahat nang paraan. Huwag ka naman magalit sa akin!" Nagsusumamo ako habang nakatakip ang kamay sa mukha dahil hindi ko na mapigilan ang mga luha na gustong ilabas ng aking mga mata. "Kinausap na po ni Dok Ivann si Doktor Harold. Hintayin lang po natin sila para malaman ang dapat nating gawin." Malumay kong sabi kahit pa nagagalit ako sa inaasal sa akin.
IVANN GIBSON Point of View
Nagmamadali akong makapunta sa ospital dahil sa pag-aalala sa mga pasyente. Nagkakagulo na ang mga tao nang makarating kami. Kinakabahan ako sa mga nangyayari, lalong-lalo sa mga may malubhang karamdaman. Nag-paalam lang ako kay Bria para kausapin si Uncle. Pag-akyat ko sa opisina ni Uncle, nagliligpit na si uncle ng mga gamit.
"Uncle? What's happening?! Bakit ang bilis naman ng mga pangyayari? Kahapon lang sila nag-abiso. Ngayon bibiglain nila ang pagpapalipat sa mga pasyente?" pagtatanong ko kay habang paikot-ikot sa loob ng opisina.
"Wala na tayong magagawa. Nabili na ang ospital. Wala tayong magagawa kung hindi ang sumunod sa bagong may-ari. Kahit anong pakiusap ko na bigyan tayo ng ilang araw pa ay ayaw pa rin pumayag. Gusto niya ngayon mismo maka-alis ang mga pasyente, dahil sisimulan na raw nila ang renovation. You don't have to worry dahil mag-bibigay naman si Mr. Alder ng pera sa deposito ng mga pasyente sa lilipatan nilang hospital."
"This is unacceptable, Uncle!" reklamong sabi ko. "Sana 'man lang kinonsider niya ang mga pasyente na naka-admit dito dahil hindi naman ganun kadali makalipat sa ibang hospital, lalo na at kapos sa pera ang mga pasyente natin."
"Wala na tayong magagawa, Ivann. Habang ginagawa ang building, doon tayo sa Medicare lilipat habang nire-renovate ang building."
"Baka pwede pa ako maki-usap kay Mr. Alder na ipagpaliban muna ngayon ang pag re-renovate. Alam niyo ba kung saan ko siya makikita?"
"Nasa entrance siya."
Mabilis akong kumilos pababa sa entrance. Kilala ko lang sa pangalan ang nakabili ng ospital, pero wala akong idea sa itsura nito. Pagbaba ko ay nagtanong-tanong ako sa mga nakaitim na mga lalaki. Mga tao sila ni Mr. Alder.
"Sir, excuse me! Nasaan ang amo niyo?" tanong ko.
"Ayun po!" turo sa lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan ng entrance.
"Salamat!" tapik ko sa balikat ng lalaki. Patakbo akong pumunta sa kinatatayuan ni Mr. Alder.
AIDEN ALDER Point of View
Napangisi ako habang naghahabol ng hiningang tumakbo si Dr. Ivann Gibson sa kinatatayuan ko. Paglapit sakin ay malamig ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Napayakap pa ako sa dib-dib nang tuluyan makaharap ko siya.
"Yes?" malamig na tanong ko sa kanya.
"Mr. Alder, I'm Doctor Ivann Gibson." abot ng kamay niya habang nagpapakilala.
"What can I do for you, Dr. Gibson? Nakausap ko na ang Uncle mo na si Dr. Harold Gibson. So, I don't think na may pag-uusapan pa tayo?!" Hindi ko kinuha ang kamay at tinitigan lang iyon.
"Baka pwede ako maki-usap na ipag-paliban niyo muna ngayon ang renovation sa building. Marami pong pasyente ang walang kakayahan na lumipat ng ibang hospital. Kahit bigyan niyo sila ng pera ay kukulangin parin iyon para sa susunod na araw nilang medical expenses."
"I don't care!" malamig na tugon ko sa kanya. "Mr. Gibson, kaya nga ako nag-bayad ng doble para magawa ang gusto ko sa building na ito."
"Mr. Alder, please bear with us! Kawawa naman po ang mga pasyente, lalo na ang mga may malubhang sakit." pagmamaka-awang sabi niya.
"It has nothing to do with me!" malamig na tugon ko. Lumakad ako papunta sa mga tauhan ko. "Bilisan niyo ang kilos!" utos ko sa kanila. Nilisan ko ang entrance ng hospital at lumakad kung saan naka park ang aking kotse. Tinawag ko ang isa sa mga tauhan ko upang tawagin si Bria at dalhin sa akin ngayon.
IVANN GIBSON Point of View
Napakuyom ang palad ko dahil sa sama ng ugali ng kausap ko. Wala man lang puso para sa mahirap at may sakit na pasyente. Napaisip ako, "Ganito ba talaga pag mayaman at kayang bilhin ang lahat ng bagay?"
Lumakad ako papunta sa kinaroroonan ni Bria at ni Tatay Romeo. Gustuhin ko 'man tulungan sila ay wala na akong magagawa. Napahawak ako sa balikat ni Bria na nakaluhod sa harap ng Tatay niya.
"Bria!" mahinang tawag ko. "I'm sorry, kailangan niyo na talaga lumipat ng hospital. Huwag ka mag-alala, Sa Medicare na lang natin muna siya ipapa-admit pansamantala. Sapat na ang ibibigay na pera ni Mr. Alder upang makapag deposito sa hospital."
"Dok, sa kalagayan ni Tatay, wala ng murang hospital ang tatanggap sa kanya. Baka nga kulang pa ang down sa hospital dahil sa mga aparato at gamot ni Tatay. Hindi ko rin kaya ang expenses sa Medicare. Kahit ang pera na pang pa-opera ni Tatay ay ilang araw lang magagamit."
"Ako na ang bahala sa lahat. Tumayo ka na d'yan!" Inalalayan ko tumayo si Bria at tumingin kay Tatay Romeo. "'Tay Romeo, ako na bahala sa inyo! Huwag na kayo masyado mag-alala."
"Dapat lang! Kasalanan niyo kaya kailangan ko pa lumipat sa ibang hospital." Humawak sa wheelchair at tumalikod sa dalawa. "Wala kayong mga silbi!" sigaw ng matanda..
BRIANNA GIBBS Point of View
Halos madurog ang puso ko dahil sa mga nangyayaring ito. 'Kailan ba matatapos ang mga problema ko? Pati ang tatay ko, kinamumuhian ako dahil sa kawalan ng silbi na bigyan siya ng maayos na gamutan. Anong magagawa ko? Pati puri ko naibenta ko na para sa pagpapa opera niya?'
"Dok Ivann!" mahinang tawag ko. "Sino ba ang nakabili ng hospital?" tanong ko.
"Mr. Aiden Alder." Tinuro niya kung saan gawi ang lalaki.. "Siya! Napakayabang at napaka mapagmataas na tao. Walang puso!" galit na sabi ni Ivann.
Nagulat ako ng ituro ni Ivann ang lalaking iyon. 'Bakit siya pa?' Matalim ang tingin sa akin ng mapatingin ako sa kinatatayuan niya. Agad ko tinanggal ang mata ko at sinundan si Ivann para mailipat sa Medicare si Tatay.
Bago pa kami makalayo, hinabol ako ng isang lalaking nakaitim. Nauna nang hinatid ni Ivann si Tatay upang i-admit si Tatay. Medyo malayo na sila ng kausapin ako ng lalaki.
"Miss! Pinapatawag po kayo ni Boss."
"Sino pong boss? Pasensiya na po kayo at hindi ko kilala ang Boss niyo." tanggi ko.
"Si Mr. Alder ang boss namin. Sumama na kayo bago pa namin kayo pilitin at kaladkarin papunta sa kanya."
"Pero----" Bago ko pa ituloy ang pagsasalita ko ay hinawakan na ng lalaki ang kamay ko at dinala ako papunta kay Aiden.
Habang karay-karay ng isang lalaki ay lumingon akong muli sa kinatatayuan ni Ivann at Tatay. Natanawan ko silang nakatingin sa akin, ngunit si Ivann lang ang nakitaan ko na may pag-aalala sa mga mata. Pasigaw akong nag-paalam sa kanila.
"Dok! Ikaw na muna ang bahala kay Tatay. May kakausapin lang ako!"
Nakita ko ang pagtango bago tuluyan lumakad papunta sa Medicare.
Ipinaglas ko ang kamay sa lalaking may hawak sa'kin.
"Kuya! Bitawan niyo na ho ako. Susunod naman ako e!" mahinahon na sabi ko.
Binaling ko ang mata ko sa dinaraan namin. Natanawan ko ang isang kotse. Nasa gilid ng kotse ang nakasandal na lalaki habang nakayakap sa dib-dib. Matalim na nakatitig sa akin. Kapag nakikita ko ang mata na iyon ay hindi ko maiwasang mataranta, matakot at kabahan.