Chereads / One Night Stand - Season 1 / Chapter 4 - ( The Saver)

Chapter 4 - ( The Saver)

Tutungo na lamang ang dalaga sa kusina at lulutuin ang ibinigay na isda sa kaniya ng mabait na si Aling Cellia. Hinugasang mabuti ng dalaga at saka niluto ito.

Mapapansin namang charcoal stove ang ginamit sa pagluluto dahil walang sapat na pera si Jen para gamitin ang stove at idagdag pa sa bayad ng upa ang gagamitin nitong kuryente.

Jen Pov's

What a hardful life?

Well, tiis tiis lang tayo self at malapit ka nang maka akyat sa entablado para sa diploma na pinapangarap mo.

Habang binabantayan ko yong niluluto ko ay pasimple akong umupo para isipin sina mama at papa sa probinsya.

Kamusta na kaya sila? Hindi ko naman kasi makakausap ang mga iyon kasi nasira ang phone ko.

Kung nanaisin ko naman ay dagdag gastos pa kung pupunta pa ako sa computer shop.

Di bale malapit na akong makakauwi mama at papa.

At sa pag uwi ko ay dala ko na ang diploma para sa inyo.

" ay malapit na pa lang magtanghali at magbabantay ako ng tindahan ni Aling Celia para masuklian ko naman ang kabutihan nila sa akin. " sabi ko habang tinitingnan ang kumukulong niluto ko.

Pagtapos nito ay sasaing muna ako at kakain para maaga akong makapagbantay sa tindahan ni Aling Celia.

Maglilinis muna ako ng bigas saka pag iisipan ko pa kung paano ko ipagkakasya ang dalawang daan na natira mula sa scholarship ko.

Pending daw kasi yong release kaya heto magtitipid hanggat maaari.

Para lang makapagtapos at makatulong sa mga magulang ko.

Makalipas ang kalahating oras

Natapos na akong magluto at kumain na rin ako saka maliligo.

Mamayang gabi na ako maglalaba saka malakas ang daloy ng tubig pag gabi.

Malapit na pala yong finals namin.

Oh my! Ito talaga ang pinaghahandaan ko.

Basta laban lang! Kaya mo yan Jen!

Ikaw ata si Jennalyn Santos at walang sinusukuan!

Fast Forward...

Papalabas na ako ng bahay at suot yong jogging pants na green at over size na tshirt.

Gangster lang ang porma ko saka baka kasi pag tripan pa ako ng mga adik dito sa labasan.

Mahirap na, gusto ko pa atang maikasal sa taong tatanggapin ako kung anong pinanggagalingan ko.

Nagpapanggap nga ako na may naging kasintahan na baka kasi pagtawanan lang ako kasi ang totoo wala pa akong naging jowa.

Diba ang daldal ko, " ano ba yan pinto makisama ka naman! " hatak ko rito habang nilolock baka kasi pasukin ng mga akyat bahay.

Ang hirap kayang maglock ng pinto mas lalo na kong luma na.

Bumaba na lamang ako ng hagdan at dali daling lumabas ng iskinita.

Takot talaga akong tawagin ng mga lasinggero dito.

Papalabas na ako ng iskinita ng biglang may narinig akong pagbangga.

" bosgh! " salpok nong kotse sa isang poste.

Ano ba gagawin mo Jen?

Mag isip ka ng paraan, walang ano ano'y bigla nalang itinulak ang mga paa ko patungo sa kotseng umuusok sa posteng binanggaan niya.

Natuluyan ng tumakbo ang mga paa ko na tila na may pwersang humihila sa akin patungo sa kotseng bumangga sa poste.

Pagkarating ko sa kotse ay may nakita akong ginoo na halos maligo sa sarili nitong dugo.

" Tulong! Tulungan niyo ako! " sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pintuan ng kotse.

Sakto namang dumaan ang isang trycicle, " manong para! " harang ko sa kaniya.

" anong nangyare diyan eha? " tanong nong driver na medyo matanda na.

" tulungan niyo ako manong kailangan natin siyang dalhin sa hospital baka maubusan siya ng dugo. " pagpapanic ko rito habang inaabot ang setbelt ng ginoong nakasubsob ang ulo sa manubila. Kinalas ko na ang setbelt niya at tinulungan ako ni manong na buhatin at isakay sa tricycle niya ang ginoong iyon.

" bilisan niyo manong! " pag alala kong baka maubusan ng dugo ang ginoong inaalalayan ko na tila mahina ang pulso niya.

Pagdating namin sa hospital ay agad siyang pinasok sa Emergency Room (ER).

Grabi, parang kamag anak ko lang siya na kung mag alala ako ay parang pamilya.

Napaupo na lamang ako sa waiting area habang isang nurse ang lumapit sa akin.

" Ms. Kailangan niyong mag log in at for in case na hanapin niya kayo. " bigay ng nurse sa akin ng form. Ano ba, mag fi - fill up ba ako dito? Nagdadalawang isip pa ako eh.

" nurse, wag nalang ho saka hindi ko naman siya kilala. " balik ko ng form at saka tumayo na pero pinigilan ako ng nurse.

" Ms. mamaya na ho kayo umalis paglabas ng doktor at para sa ibang katanungan. " tugon ng nurse.

" sige ho! " upo ko uli.

Napatingin na lamang ako sa damit ko. Hayyst, may dugo pa pala ako sa damit ko at ang lansa. Hate na hate ko talaga ang dugo kasi takot akong masugatan.

Napasandal na lamang ako sa kinauupuan ko at ipinikit ang mga mata.

" sana maging ayos na siya ang hirap kaya maaksidente. At sigurado akong mag aalala ang parents niya. " sambit ko sa kinauupuan ko.

Mukhang bata pa siya at nasa 20's pa lang ang edad at mukhang galing ng trabaho.

Kawawa naman siya! Teka, bat mo siya inaalala? Hindi ka naman kaano ano nong tao eh?

Minsan talaga may pagka madaldal itong isip ko.

Makalipas ang kalahating oras

Patay! Baka hinahanap na ako ni Aling Celia. Nangako ako aa kaniya na ako magbabantay sa tindahan niya. Tatayo na ako ng biglang bumukas ang ER at lumabas ang doktor.

" ikaw ba ang asawa ng patient? " seryosong tanong ng doktor na ikina irap ko. Hala, si dok talaga hindi marunong mangilatis. Mukha ba akong may asawa?

" hindi ho doc. saka tinulungan ko lang ho siya kasi sumalpok yonv kotse niya sa poste. " paliwanag ko sa doktor.

" eha, nailigtas mo ang buhay niya kaya maraming salamat. " tugon ng doktor.

" uuwi na ho ako dok saka pagsabihan niyo ho siya na hindi parking lot ang poste ng kuryente." saad kong bilin sa doktor na ikinatawa lang nito.

Mga tao talaga oh, napaka worth it kaya mabuhay tapos ganun ganun lang?

Di bale mukhang gusto na ata niyang magpakamatay.

Papalabas na ako ng hospital ng mayroon akong mga na salubong na mga ginoo at nagtatakbuhan.

Woah, siguro mga bodyguards sila at puro naka itim.

Tapos nong palabas na ako ng hospital ay may humintong mga kotse at may lumabas na isang ginang na tila balisa na halatang na hospital ang anak niya.

Saka ang dami ng mga bodyguards niya tapos may huling dating pa.

Grabi, sana all may bodyguard's!

Sana all may kotse at mayaman!

Sana all talaga Jen!

Naglakad na lamang ako pauwi at mabuti nga malapit ang hospital dito.

Pwedeng lakarin pero Jen mukhanh kailangan monang tumakbo dahil anong oras na oh.

Binilisan ko na ang pagtakbo para makarating agad sa store.

Pagdating roon ay marami ng mga pulis kaya pasimple akong lumakad at pumasok sa store ni Aling Celia. " oh, anong nangyare diyan sa damit mo bat puro dugo? " usisa ni Aling Celia na nag aalala na naman. Nagpaliwanag ako kay Aling Celia at agad niya akong binigyan ng damit.

" ang lansa talaga, " amoy ko pa sa sarili ko habang nakatitig sa akin si Aling Celia.

" ang bait mo talaga eha at may naisalba ka pang buhay.

" grabi nga ang kaba ko kanina saka para akong maihi sa dugo niya. " pagkagigigil ko pa.

" sige eha at aalis na ako saka kung may kailangan ka. Si Ella ay nasa kwarto niya nagbabasa tutulungan ka non. " paalam ni Aling Celia sa akin.

" sige po ingat kayo! " sabi ko naman at umupo na ako sa chair habang iniisip pa rin ang nangyare kanina.

@YhunaSibuyana