Habang naglalakad papunta sa kani-kaniyang mga classroom ay ibinigay na ni Arthur yung laptop na naipangako niya kay Melody.
Art: Bes.
Mel: Hmm...
Art: Close your eyes.
Mel: Ano?! Naglalakad tayo, gusto mo bang mabangga ako.
Art: Haha, stop walking and close your eyes.
Mel: Ano ba yun? Bakit ba Kasi?
Art: Ok, just wait a minute and stay close your eyes.
Mel: Tagal naman.
Art: Now, open it!
Mel: Ano ba yun?!
Art: Tada!
Sabay pakita sa laptop na hawak hawak niya ngayon.
Mel: Wow, yan na ba yun?
Art: Yes, is it nice?
Mel: Hmm, thank you talaga!
Art: Your welcome.
Mel: Yiee, ang astig nito.
Art: Halika na, hatid na kita, dating gawi kapag lunch time and break time ha.
Mel: Hmm, ok.
Mula sa malayo ay nakamasid sa kanilang dalawa, ito ay si Dave, ang kaklase ni Melody. Kasalukuyan siyang nasa parking lot ng dumaan ang dalawa kaya naman hindi na nawala ang tingin niya sa mga ito ng biglang sumulpot ang kaniyang mga barkada.
Drie: Ang sweet nila no, hindi mo aakalain na mag best friend lang sila.
Emman: Bagay sila, pansin niyo?
Noah: Yeah, they look good together.
Dave: Panira naman kayo eh, mga kaibigan ko ba talaga kayo?!
Emman: Of course, hahaha. Halika na nga.
Sa kanilang paglalakad ay nakasalubong nila sina Trixie, Kisha at Amanda. Kilala nila ang mga ito, bukod sa magkaka- business partners ang mga parents nila ay kaklase na nila ang mga ito simula primary school. Alam rin nila na may gusto ang mga ito sa kanila, hindi lang nila ito pinapansin.
Trixie: Hi boys.
Kisha & Amanda: Hi.
Nginitian sila ni Emman dahil sa may pagkababaero ito at ito naman ang naging dahilan para magsi-tilian ang tatlo.
Kisha: Girls, nakita niyo ba yun? Nginitian tayo ni Emman!....
Trixie: Hello! Lagi naman yung ngumingiti kahit kanino.
Amanda: Yes, but yet his smile is different.
Trixie: Let's go na nga!
Sa classroom ay masayang binuksan ni Melody ang Laptop na bigay sa kaniya ng kaniyang bestfriend. Sakto naman na dumating na ang mga katabi niya sa kaniyang upuan, binati naman siya agad ng mga ito.
Emman: Good morning Ms. Beautiful.
Noah: Good morning Ganda.
Drie: Good morning Ms.
Dave: Good morning.
Ngunit ni isa sa mga bumati sa kaniya ay hindi man lang pinansin nito.
Sa kabilang banda natuwa naman sina Trixie, Kisha at Amanda sa kaniya.
Trixie: Good girl.
Kisha: Maganda naman pala siyang kausap.
Amanda: That's better though.
Ang hindi naman pagpansin ni Melody sa apat ay ipinagtaka ng mga ito.
Drie: Hmm, mukhang bad mood ang prinsesa mo tsong, haha.
Noah: Bago to Brad ah, mukhang iritado sa mukha natin, haha.
Emman: I smell something fishy, hmm.
Drie: Uy! Hindi isda breakfast namin ah.
Noah: Haha, baliw talaga.
Dave: Manahimik nga kayo!
Noah: Opps, badtrip din ang lolo mo.
Emman & Drie: Hahahahahaha.
Dave: Tsk.!
Samantalang si Melody naman ay nilibang na lang ang sarili, inumpisahan niya ng gawin ang una nilang reporting sa philosophy.
Sa ibang room naman ay tahimik lang na nakaupo si Arthur sa kaniyang upuan ng may biglang lumapit dito na isang babae.
Unknown: Hi!(。♡‿♡。)
Tiningnan lang siya ni Arthur dahil kung gaano siya kalapit kay Melody ay iwas na iwas naman siya sa ibang babae.
Unknown: Hmm, ako nga pala si Melanie, classmate mo ko, and I'm also the class president if you remember.
Art: Did I ask?
Melanie: Ahh, ehh, napansin ko lang na napakaloner mo at wala ka man lang kinakausap sa mga classmate natin.
Art: Mind your own business.
Melanie: Gusto ko lang naman makipagkilala at makipagkaibigan.
Art: Tinanong mo ba kung gusto ko?
Melanie: Ahhh, kaya nga nandito ako eh.
Art: Get lost, i dont need a friend.
Hindi nakaimik si Melanie sa ugaling ipinakita sa kaniya ni Arthur, pero hindi ibig sabihin noon na susukuan niya agad ito. Unang kita niya pa lang dito ay gusto niya na ito, kaya naman gagawin niya ang lahat, mapansin lang siya nito.
Mabilis na lumipas ang oras at nagbell na para sa break time, ngunit wala paring Arthur na nagpapakita, ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatanggap si Melody ng text mula kay Arthur na hindi ito makakapunta , kaya naman nagdesisyon na lamang siya na manatili na lang sa loob ng classroom.
Tanging si Melody at Dave na lamang ang nasa classroom sa mga oras na yun. Kaya naman ito na ang opportunity ni Dave para nakausap si Melody. Dahan dahan siyang lumapit dito.
Dave: Ahm, Melody may problema ba?
Ngunit hindi man lang siya pinansin at kinausap nito. Pero hindi pa rin nag patinag si Dave at kinausap niya pa rin si Melody.
Dave: May nasabi ba kaming hindi maganda sayo na hindi mo nagustuhan?
Ngunit Wala pa ring epekto sapagkat hindi pa rin siya kinakausap nito o tingnan man lang, pero hindi pa rin siya tumigil at kinulit niya pa ito lalo.
Dave: Uy! May mali ba kaming nagawa?
Mel: Tsk! Wag mo nga akong kausapin!.
Dave: Bat ka ba ganyan, is there any problem?
Mel: Wala, wag mo na akong kausapin.
Dave: Then, tell me kung ano ang rason ng hindi mo pagpansin sa amin. Hindi naman ganiyan makitungo ang Melody na nakilala ko.
Mel: Hindi mo ako kilala.
Dave: Yun na nga! Hindi pa kita kilalang masyado, paano kita makikilala kung ngayon pa lang umiiwas kana.
Natigilan naman si Melody sa kaniyang ginagawa ng marinig niya ang sinabi ni Dave. May punto naman ito.
Mel: Umiiwas lang ako sa gulo.
Dave: Umiiwas?! Haha, gulo ba kami para sayo?!
Hindi na napigilan ni Dave ang kaniyang sarili dahil hindi niya ito maintindihan, lumalakas na rin ang boses niya.
Mel: Bat mo ako sinisigawan?!
Dave: Hindi ako sumisigaw, tinatanong lang kita, sagutin mo ako, gulo ba kami para sayo?!
Mel: Hindi! Happy?! Hayss, paano ba to. Sa katunayan niyan pinapatawa niyo nga ako araw araw, kahit kailan hindi kayo naging gulo sa akin.
Dave: Eh ano yung sinasabi mo kanina na gulo lang kami sayo.
Mel: Eh, kasi.....
Dave: Kasi ano?
Mel: Kasi ano... Ahm, basta hindi mo ito ipagsasabi sa iba ha.
Dave: Hmm, ano ba kasi yun? Pinapatagal pa eh.
Mel: Magpromise ka muna sa akin.
Dave: Hmm, promise.
Mel: Ganito kasi yun, may mga nagagalit sa akin tuwing nagkakausap tayo o sino man sa mga barkada mo. Kaya mas minabuti ko na lang na manahimik at hindi kayo kausapin at pansinin.
Dave: At sino naman ang mga yun?
Mel: Wag mo ng alamin, mas makakabuting hindi niyo na malaman. Dave, gusto ko ng tahimik na buhay at kung maari ayaw kung mapasama sa ano mang gulo.
Dave: Mas makabubuti?! At ano?! Hindi mo na kami iimikan at mas lalayo ka pa sa amin?! Doon naman kami hindi sasang-ayon.
Mel: Bat ka ba ganiyan, kayo! Bat ba ang kulit kulit niyo! Hindi bat sinabi ko na na ayaw ko ng gulo, kaya layuan niyo na ako pwede?! Bat ba kasi hindi mo maintindihan Yun?!
Dave: Dahil gusto ki....
Muntik pang mamali ng sasabihin si Dave ngunit napigilan niya naman agad ang kaniyang sarili.
Mel: Ano?!
Dave: Dahil gusto ka naming maging kaibigan, bawal ba yun?!
Mel: Ayoko ng kaibigan kung gulo rin lang ang kapalit.
Dave: Wala namang gulong mangyayari kung sasabihin mo sa akin, sa amin, kung sino ang mga nagbabanta sayo, kakausapin namin.
Mel: Hindi naman yun ganun kadali eh.
Dave: Ayaw mo ba kaming maging kaibigan?! Ako?! Kami?!
Mel: Gusto.
Malumanay na sagot ni Melody.
Dave: Oh! Yun naman pala eh, ano pang pino-problema mo?
(Cring, cring, cring)
Isa-isa ng nagsisidatingan ang mga kaklase nila.
Mel: Wag mo na akong kausapin, please lang, nagmamakaawa ako, please.
Dave: Tsk!..
Ilang minuto ay dumating na sina Drie, Emman at Noah. Napansin naman agad nila na parang wala sa mood si Dave.
Noah: Tol, anyare sayo? Mukha kang binagsakan Ng langit at lupa.
Emman: Oo nga, hindi ka pa sumabay sa amin papuntang cafeteria.
Drie: May nangyari ba?
Dave: Mamaya ko na lang sasabihin pag-uwian.
Noah: Hmm exciting.