Lumipas ang ilang oras na hindi man lang namansin si Melody kagaya ng napag-usapan. Maging si Dave ay hindi na rin umiimik dahil sa naging pag-uusap nila ni Melody kanina.
Hindi rin nakapagsabay maglunch sina Melody at Czarina dahil busy si Arthur sa school works. Kaya naman walang nagawa si Melody kundi kumain na mag-isa sa kanilang room. Nagliligpit na siya ng lapitan siya nina Trixie, Kisha at Amanda.
Trixie: What a commoner.
Kisha: Eww jerk.
Amanda: How's your meal.
Trixie & Kisha: Amanda!!..
Amanda: What? I'm just asking her.
Trixie: What ever. You!..
Sabay baling uli kay Melody.
Mel: Ano na naman bang kailangan niyo sa akin?.
Trixie: Were here to say, good job!
Amanda: Yeah.
Mel: For what?
Kisha: Commoner na nga, bobo pa.
Amanda: Hahahaha.
Trixie: We witness kung paano mo hindi pansinin ang mga prince charming namin. Madali ka naman palang kausap. Pat ganyan lagi, magiging ok tayo. Let's go girls!.
Nakahinga naman ng maluwag si Melody ng tuluyang ng umalis ang tatlo. Magiging maayos nga ang lahat kung patuloy niyang hindi papansinin sina Dave.
Hapon na ng magkita sina Melody at Arthur.
Art: Oh bes, hindi ka pa ba dyan tapos sa ginagawa mo, halika na, uwi na tayo.
Mel: Ngayon ka lang naging free, ang busy namang ng maghapon mo.
Art: Oo eh, school works, andami agad. Ikaw anong ginagawa mo?
Mel: Ayun, nasa classroom lang ako maghapon, tinatapos ko na kasi yung ppt para sa individual reporting, ipapakita ko sayo after I finish it.
Art: Hmm, pero ngayon samahan mo muna akong kumain sa labas at kulakalam na sikmura ko.
Mel: Hindi ka nag-lunch?
Art: Hindi eh, may role play kasi kami kaya nagpractice kami the whole lunch time. Halika na.
Mel: May trabaho ako.
Art: Alam ko, kaya nga halika na may 1 hour pa tayo para kasamahan mo ako kumain.
Mel: Nagtitipid ako.
Art: Don't worry, it's my treat namang, total ako naman nag aya sayo eh.
Mel: Lagi na lang.
Art: Haha masanay kana.
Mel: Hmm. Tsk.
Mula sa malayo ay tinatanaw sila ni Melanie, ang babaeng patay na patay kay Arthur.
Melanie: Kaya naman pala ayaw mong makipagkaibigan sa babae dahil busy kana sa ibang babae. Yan naman ang hindi ko papayagang mangyari.
Sa mga sandaling iyon ay buo na ang desisyon ni Melanie, gagawin niya ang lahat mapasakanya lang si Arthur.
Sa may parking lot naman dumaan sina Melody at Arthur sakto namang nandoon ang grupo nina Dave kaya naman nakita nila ito.
Emman: Mukhang may date ang dalawa, Saan kaya ang punta?.
Noah: Susundan ba natin?
Dave: Wag na.
Drie: Oww, ibig sabihin ba nito ay suko kana sa kaniya.
Emman: Paanong hindi suko, eh hindi na nga tayo pinapansin buong maghapon.
Noah: Ganun ganun na lang yun? Siguro nabwesit siya sa atin.
Dave: Hindi.
Drie: Hindi? Anong ibig mong sabihin?
Dave: Nakausap ko siya kanina.
Drie: Kaya ba hindi ka sumama sa amin para maglunch?
Dave: Hmm.
Edinitalye nga ni Dave ang lahat na napag-usapan nila ni Melody kanina. Hindi naman inaasahan ng grupo ang kanilang narinig. Hindi nila lubos paisip na may mga gantong bagay pa pala na nangyayari sa panahon ngayon.
Noah: Sino naman ang gagawa ng ganiyan?
Emman: Mga wala ba silang magawa, pati buhay ng iba pinakikialaman nila.
Drie: Isa lang naman ang gagawa niyan eh.
Dave: Kilala mo?
Drie: Hindi.
Emman & Noah: Hyst, ano ba naman yan....
Drie: Haha, ano ba kayo, ang akin lang naman is ang gagawa lang ng mga bagay na ganiyan is yung mga taong naiinggit or either obsessed.
Emman: Minsan talaga nagagalit mo rin sa tama ang utak mo no.
Drie: Haha gago!
Noah: Haha tama ka naman dun, pero sino?
Dave: Yun ang aalamin natin sa ngayon.
Napagdesisyunan nina Dave na sila na mismo ang huhuli sa mga taong nananakot kay Melody dahil hindi sila makapapayag na matapos agad ang friendship nila Dave between Melody dahil nagsisimula pa lang sila na magkakilala.
Samantala sina Melody at Arthur naman ay kasalukuyang kumakain sa sikat na food court sa tapat ng campus nila.
Naiwan sa mesa si Melody, samantala si Arthur ay kasalukuyang bumibili ng makakain.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Melody ang naging pag- uusap nila ni Dave kanina. Sa isip isip niya ay may punto rin naman si Dave, dahil alam niya sa sarili niya na masaya siya tuwing kasama niya ang mga ito. Pero natatakot rin siya sa pwedeng gawin sa kaniya nina Trixie.
Mel: Hyst....
Sa pagbuntong hininga ni Melody ay siya namang pagdating ni Arthur dala dala ang kanilang kakainin. Napansin agad nito na malalim ang iniisip ng kasama niya kasi hindi man lang nito napansin na dumating na ito.
Art: Bes, what's on your mind?
Mel: ha? Ahh, wala. Hmmm ano yang nabili mo.
Pagbabago ng usapan ni Melody dahil ayaw na nito na malaman pa ni Arthur kung ano ang sitwasyon niya ngayon dahil marami na itong naitulong sa kaniya.
Masaya silang nagsalo sa pagkaing pinamili ni Arthur. Pagkatapos nun ay agad rin naman silang umuwi dahil may trabaho pang pupuntahan si Melody.
Mel: Alis na ako bes, may ibibilin ka ba?
Art: Hmm, wala naman. Mag ingat ka. Call me if you need anything.
Mel: Hmm, sige.
Agad naman umalis ito at tinungo na ang lugar na kaniyang pinagtatrabahuhan. Agad naman siyang napansin ng kaniyang co-worker na si Allan.
Allan: Early ha.
Mel: Haha ng 5 minutes.
Allan: Oh dito kana, may gagawin ako sa storage room.
Mel: Hmm.
May ngiti sa labing sinimulan ni Melody ang kaniyang trabaho. Medyo maraming tao ngayon kaya naman busy ang lahat sa kaniya kaniya nilang toka na gawain. Sa kalagitnaan ng pagkabusy ng lahat ay bigla silang nagulat sa malakas na ingat na bumalot sa buong store. Yun pala ay nagkalat sa sahig ang grocery ng isang ale dahil nawalan ng balanse ang big cart na dala nito. Wala namang atubili na tinulungan ito ni Melody dahil wala pa namang tao sa counter niya.
Mel: Tulungan ko na po kayo.
Ale: Ay Naku Iha, nakakahiya.
Mel: Wag na po kayong mahiya, madali dami rin po ito. Buti na lang po at wala namang nabasag.
Ale: Oo nga eh. Nawalan kasi ng balanse itong cart na gamit ko. Pasensya na sa abala ha.
Mel: Naku wala po yun.
Biglang namang dumating si Allan dahil may isang employee na tumawag sa kaniya at sinabi ang buong pangyayari.
Allan: Anong nangyari dito?!
Mel: Ssshhh, lower down your voice. Ok naman na, patapos na kami dito.
Ale: Pasensya na, ikaw ba ang manager dito, hindi ko naman sinasadya ang nangyari, nawalan ng balance yung cart kaya natumba at nagkalat yung mga pinapamili ko, buti na lang at tinulungan ako nitong employee mo, napakabait, salamat Iha ha.
Mel: Naku wala po yun, ayan tayo na.
Ale: Salamat.
Umalis na rin naman agad ang ale at saka naman nilapitan ni Allan si Melody para alamin ang buong pangyayari.
Mel: Don't worry, wala naman nasayang na item, saka na out of balance siya at may edad na rin.
Allan: Salamat.
Mel: Haha ano ka ba, wala yun. Sige balik na ako sa counter, hmmm.
Allan: Back to work!!!
Sigaw ni Allan sa iba pang employee dahil sa natigil na trabaho dahil nga sa nangyari.
Mabilis naman na natapos ang kaniyang shift. Kaya naman nagpaalam na siya para umuwi.
Mel: Ahm, Allan uuwi na ako. Dumating na rin naman yung kapalit ko eh.
Allan: Ah ganun ba, pasensya na ha, nag overtime ka pa tuloy na wala sa oras.
Mel: Naku, wala yun, isang oras lang naman.
Allan: Dederetso kana ba pauwi sa inyo?
Mel: Hmm, wala naman na akong ibang pupuntahan eh. Bakit?
Allan: Ahh, wala naman. Aayain Sana kitang mag snack.
Mel: Naku, wag na. Late na rin naman.
Allan: Kaya mo bang umuwi mag-isa, Gabi na. Gusto mo bang ihatid Kita.
Mel: Naku! Wag na. Malapit lang naman yung tinutuluyan ko dito eh. No need na. Sige alis na ako.
Allan: Ahh ganun ba sige.
Nang makauwi ay tulog ng nadatnan ni Melody si Arthur, kaya naman dahan dahan siyang pumasok at agad nagpalit ng damit at dumiretso na rin sa higaan nito dahil nakaramdam na siya ng pagod. Agad na man siyang nakatulog.